Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/95 p. 4
  • Tulungan ang Iba na Makinabang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang Iba na Makinabang
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Subaybayan ang Bawat Interes Upang Makinabang ang Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Mga Mungkahing Presentasyon sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subaybayan ang Nasumpungan Ninyong Interes
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Mangaral Taglay ang Unawa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 9/95 p. 4

Tulungan ang Iba na Makinabang

1 Itinuturo sa atin ni Jehova ang dapat nating malaman. Ganito ang sabi ng Awit 32:8: “Bibigyan kita ng malalim na unawa at ituturo ko sa iyo ang daan na iyong lalakaran. Papayuhan kita na ang aking mga mata’y nakapako sa iyo.” Ibig nating ipakita sa iba kung papaano sila makikinabang sa pakikinig sa matalinong payo mula sa Bibliya. (Isa. 48:17) Magagawa natin ito sa Setyembre sa pamamagitan ng pag-aalok ng aklat na Mabuhay Magpakailanman. Ang iba’t ibang presentasyon ay makapagpapakita ng praktikal na kahalagahan ng Bibliya.

2 Dahil sa paglaganap ng mga suliranin sa pag-aasawa sa ngayon, marahil nanaisin mong itampok ang ideang ito mula sa aklat na “Mabuhay Magpakailanman”:

◼ “Marami sa ngayon ang totoong nababahala sa mabilis na paglaganap ng kalungkutan sa pag-aasawa. Ano ang masasabi mo sa suliraning ito? [Hayaang sumagot.] Marami ang hindi nakauunawa ng nasa likod na mga dahilan nito. Kung sila’y tapat na magsisikap, hindi lamang maililigtas ng mag-asawa ang kanilang pagsasama kundi makasusumpong pa sila ng tunay na kaligayahan. Ang susi ay masusumpungan sa Bibliya.” Basahin ang Efeso 5:28, 29, 33. Buksan sa pahina 243, talakayin ang parapo 16 at 17.

3 Kailangan ng mga bata ang de-kalidad na panahon at pagsasanay mula sa kanilang mga magulang. Sa pagtatampok ng aklat na “Mabuhay Magpakailanman,” masasabi mo:

◼ “Lahat po tayo’y interesado sa panghinaharap na kapakanan ng ating mga kabataan. Sa inyong palagay, ano po kaya ang pinakamabuting paraan upang matulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na makasumpong ng isang matatag na kinabukasan? [Hayaang sumagot.] Pakinggan po ninyo ang kawikaang ito sa Bibliya. [Basahin ang Kawikaan 22:6.] Tunay nga na ang pinakamahalagang pagsasanay ay inilalaan ng mga magulang sa tahanan. Ito’y nangangailangan ng panahon, atensiyon, at pag-ibig, subalit sulit naman ang pagsisikap.” Buksan sa pahina 245, pag-usapan ang parapo 20 at 21, at saka ipaliwanag kung papaano magagamit ang aklat bilang saligan sa pampamilyang pag-aaral ng Bibliya.

4 Baka nais mong ialok ang aklat na “Mabuhay Magpakailanman” sa pamamagitan ng pagpapakita kung papaano magiging paraiso ang lupa:

◼ “Natitiyak ko pong interesado kayo sa inyong kinabukasan. Sa Panalangin ng Panginoon, tinuruan tayo ni Jesus na ipanalanging mangyari nawa ang kalooban ng Diyos sa lupa kung papaano sa langit. Ano kaya ang mangyayari sa lupa kapag naganap na ito? [Hayaang sumagot.] [Gamitin ang ilustrasyon sa pahina 12 at 13. Basahin ang Isaias 11:6-9.] Hindi po ba napakaganda kung mabubuhay tayo sa ganitong kalagayan ng sanlibutan? Ipinakikita ng aklat na ito kung papaano kayo at ang inyong pamilya ay maaaring mabuhay sa isang paraisong gaya nito.”

5 Ang patiunang paghahanda ng iyong presentasyon ay isang susing paraan upang matiyak ang iyong tagumpay sa pakikipag-usap. Tiyakin mong mayroon kang isang partikular na masasabi tungkol sa isang idea sa Kasulatan. Gayundin, isaisip ang isang maigsing komento tungkol sa isang kapansin-pansing tampok sa magasin o tract na balak mong ialok kung hindi tatanggapin ang aklat. Samantalahin ang bawat pagkakataong nasa iyo upang maihasik ang mga binhi ng katotohanan ng Kaharian sa Setyembre. (Ecl. 11:6) Matutulungan mo ang iba na umani ng mga kapakinabangang mananatili magpakailanman.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share