Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/94 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 7-13
  • Linggo ng Pebrero 14-20
  • Linggo ng Pebrero 21-27
  • Linggo ng Peb. 28–Mar. 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 2/94 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Linggo ng Pebrero 7-13

Awit 131

15 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang mga pangunahing punto sa “Tanong.”

18 min: “Pasulungin ang Interes sa Kaharian ng Diyos ng Kapayapaan.” Pagtalakay sa artikulo sa tagapakinig. Dalawang pagtatanghal. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 2, ipakita kung papaano iaalok ang tract sa abalang maybahay. Gumamit ng tanong ang mamamahayag upang maglatag ng pundasyon para sa pagdalaw muli. Itanghal ang presentasyon sa parapo 3 na doo’y gumagamit ang mamamahayag ng brochure.

12 min: Makinabang Mula sa 1994 Yearbook. Mula sa impormasyon sa 1994 Yearbook, pahina 10-18, tatalakayin ng matanda at ministeryal na lingkod ang mga punto na maaaring gamitin upang magkaroon ng pagpapahalaga sa teokratikong organisasyon.

Awit 137 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 14-20

Awit 126

10 min: Lokal na mga patalastas, ulat ng kuwenta, at “Bagong Programa sa Pantanging Araw ng Asamblea.” Ipagunita sa lahat ang pulong niyaong mga mag-aauxiliary payunir sa Linggong ito, Pebrero 20.

20 min: “Pasiglahin ang Paglago sa Pamamagitan ng Makabuluhang mga Pagdalaw Muli.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal ang presentasyon sa parapo 3. Itampok ang pangangailangan para sa kaunawaan sa hindi pagkubre ng masyadong maraming materyal sa panahon ng pagdalaw, at idiin ang pangangailangan na ikintal ang interes sa susunod na pagdalaw.

15 min: “Kay Laking Pakinabang na Alalahanin Kung Ano ang Ginawa ni Jehova!” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-11 ng insert. Magkaroon ng dalawang inihandang komento ng mga kapatid na may personal o pampamilyang programa sa pagbabasa ng aklat. Hilingin sa kanila na bumanggit ng ilang bagay na pinahalagahan nilang matutuhan.

Awit 122 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 21-27

Awit 198

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Ibunyi ang Panganay ni Jehova!” Tanong-sagot na pagkubre ng artikulo. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng listahan ng mga indibiduwal na kanilang aanyayahan upang dumalo sa Memoryal at sa susunod na regular na pahayag pangmadla. Itanghal ang mga puntong ginawa sa parapo 7. Ang mamamahayag ay lalapit sa taong pumasok sa Kingdom Hall at nagmamasid sa palibot. Nalaman ng mamamahayag na ang lalake ay napasiglang dumalo ng kamag-anak na naninirahan sa ibang lunsod. Inanyayahan ng mamamahayag ang lalake na maupong katabi niya at ng kaniyang pamilya upang pareho nilang magamit ang Bibliya at songbook. Nag-alok ang mamamahayag na sagutin ang anumang maaaring itanong ng lalake pagkatapos ng pulong. Magtapos sa bahagi sa pagsasabi ng oras ng pagdiriwang ng kongregasyon sa Memoryal.

10 min: Ang Bibliya—Ating Pinakamabuting Bukal ng Pampatibay-loob. Aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 311-15 (p. 117-21 sa Ingles). Pahayag ng matanda. Ipakita kung papaanong ang bawat mamamahayag sa kongregasyon ay makagagamit sa Salita ng Diyos upang pasiglahin ang iba.

15 min: “Tudlaan ng Pagkapoot ng Lahat ng mga Bansa.” Pahayag ng matanda.

Awit 208 at pansarang panalangin.

Linggo ng Peb. 28–Mar. 6

Awit 219

5 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Kay Laking Pakinabang na Alalahanin Kung Ano ang Ginawa ni Jehova!” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang ng mga parapo 12-20 ng insert. Magkaroon ng dalawang inihandang kapahayagan mula sa mga mamamahayag na nakinabang mula sa pagbabasa ng aklat.

15 min: “Lubusang Itaguyod ang Programa ng Inyong Kongregasyon sa Pahayag Pangmadla.” Isang pahayag, subalit maaaring ilakip ang isa o dalawang katanungan sa tagapakinig. Ipaliwanag kung papaano ipadadama sa mga taong interesado na dumadalo sa Pahayag Pangmadla sa unang pagkakataon na sila’y malugod na tinatanggap. Magkaroon ng inihandang komento ang isang mamamahayag na nagpapahayag kung papaano siya nakinabang sa pagdalo sa Pahayag Pangmadla nang palagian.

10 min: “Magbantay Laban sa Maling Kabaitan.” Isang pahayag.

Awit 197 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share