Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero
Linggo ng Pebrero 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Makibahagi sa Gawaing Hindi na Mauulit Pa Kailanman.” Tanong-sagot.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Pagkaapurahan.” (Parapo 1-5) Pagkatapos ng maiikling komento sa parapo 1, ang kapatid na inatasan ng bahagi ay tatalakay sa mga parapo 2-5 kasama ang dalawa o tatlong mamamahayag. Kanilang rerepasuhin ang mga tampok na bahagi ng mungkahing mga presentasyon at magkokomento kung bakit ang mga ito ay maaaring gamitin sa lokal na teritoryo. Ang mga mamamahayag ay magpapalitan sa pagsasanay ng mga presentasyon. Ang tsirman ay magbibigay ng komendasyon, pagkatapos ay magbibigay ng espesipikong mga paraan kung paano pasisimulan ang isang pag-aaral sa aklat na Kaalaman.
Awit 34 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 10-16
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat na kuwenta. Pasiglahin ang lahat na dumalo sa pulong para sa mga maaaring mag-auxiliary pioneer sa Linggo, Pebrero 16.
10 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Pagkaapurahan.” (Parapo 6-8) Itanghal ang mga presentasyon sa mga parapo 6-7.
30 min: “Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer.” Tanong-sagot na pagsaklaw ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Itampok ang kahon sa pahina 3. Repasuhin ang mga halimbawang iskedyul sa pahina 6. Ang bawat bautisadong mamamahayag ay dapat na personal at may pananalanging isaalang-alang kung siya ay makapagpapatala para sa isa o higit pang mga buwan. Maaaring mapalawak ng mga di-bautisadong mamamahayag ang kanilang bahagi sa ministeryo sa pamamagitan ng pagtatakda ng kanilang sariling tunguhin sa oras bawat buwan.
Awit 43 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 17-23
15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang artikulong “Tulong sa Tamang Panahon,” na ipinakikita ang mga tampok na bahagi mula sa bawat bagong publikasyon.
15 min: “Ang Memoryal—Isang Okasyon na May Malaking Kahalagahan!” Tanong-sagot. Magbigay ng pampasigla na gawin ang buong buwan ng Marso na pantangi sa pamamagitan ng pag-aauxiliary pioneer.
15 min: Pagpapasimula ng mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya. Sa nakaraang mga buwan, daan-daang libong aklat ang nailagay. Ito’y naglalaan ng saligan para sa pagpapasimula ng marami pang mga pag-aaral sa Bibliya. Pasiglahin ang mga mamamahayag na subaybayan ang lahat ng interes. Hayaang maglahad ang mga mamamahayag kung ano ang partikular nilang ginawa upang pasimulan ang bagong mga pag-aaral sa Bibliya. Idiin na ang mahalagang bahagi ng ating komisyon ay ang gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:19, 20) Maisasagawa ito nang mabisa kung ating pagsisikapang ikapit ang mga mungkahing ibinigay sa insert ng Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 47 at pansarang panalangin.
Linggo ng Peb. 24–Mar. 2
15 min: Lokal na mga patalastas. Ipatalastas ang mga pangalan ng lahat ng mag-aauxiliary pioneer sa Marso. Ipaliwanag na hindi pa huli upang isumite ang aplikasyon. pasiglahin ang lahat na magkaroon ng lubos na bahagi sa paglilingkod sa larangan sa Sabado, Marso 1.
15 min: “Kumusta ang Inyong mga Kamag-anak?” Pag-uusapang magkasama ng mag-asawa ang artikulo at pagpapasiyahan kung paano lalapitan ang di sumasampalatayang mga kamag-anak taglay ang mabuting balita.—Tingnan ang Pebrero 15, 1990, Bantayan, mga pahina 25-7.
15 min: Repasuhin ang Alok na Literatura para sa Marso—Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Talakayin sa maikli ang mga dahilan sa likuran ng pagguho ng pamilya sa makabagong lipunan. (Tingnan ang Oktubre 15, 1992, Bantayan, mga pahina 4-7.) Repasuhin ang nilalaman ng aklat, sa pahina 3. Anyayahan ang tagapakinig na pumili ng mga kabanata na makapaglalaan ng saligan para sa isang presentasyon. Ipakita ang nakatutulong na kahon sa pagtuturo na lumilitaw sa katapusan ng bawat kabanata. Ipatanghal sa isang may kakayahang mamamahayag kung paano ihaharap ang aklat.
Awit 48 at pansarang panalangin.