Mga Pulong sa Paglilingkod Para sa Mayo
Linggo ng Mayo 4-10
8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Ang Espiritu ni Jehova ay Sumasaatin.” Tanong-sagot. Kapag sinasaklaw ang parapo 3, ilakip ang angkop na mga halaw mula sa 1998 Yearbook.
22 min: “Pumili ng mga Artikulo Para Pukawin ang Pantanging Interes ng mga Tao.” Repasuhin ang mga pangunahing punto sa artikulo. Ipaliwanag na kahit na ang mga lumang isyu na nasa mabuti pa ring kalagayan ay maaaring ialok sa ganitong paraan. Anyayahan ang mga mamamahayag na ilahad kung anong artikulo ang kanilang itinampok na nagkaroon ng mabubuting resulta. Itanghal ang presentasyon sa parapo 7.
Awit 212 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Paghahayag ng Katotohanan sa Araw-Araw Bilang Pagtulad kay Jesus.” Tanong-sagot. Ipabasa ang parapo 5.
20 min: “Mga Taong ‘May Damdaming Tulad ng sa Atin.’” Nakapagpapatibay na pahayag salig sa artikulo sa Marso 1, 1998 Bantayan, pahina 26-9. Ipakita kung paano ginagamit ni Jehova ang di-sakdal na mga tao upang gawin ang kaniyang kalooban, anupat nakatutulong sa atin na huwag masyadong masiraan ng loob dahilan sa ating mga kahinaan sa laman.
Awit 48 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas. Gayundin, isaalang-alang ang artikulong “Nasiyahan Ka Ba?” Patibayin ang mga auxiliary pioneer na magpatuloy at maging mga regular pioneer kung ipinahihintulot ng kanilang mga kalagayan.
15 min: “Nagtataglay Ka Ba ng ‘Isang Tinik sa Laman’?” Tanong-sagot. Komentuhan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa Nobyembre 15, 1987, Bantayan, pahina 29.
20 min: “Talaga Bang Pinahahalagahan Mo ang mga Pagpapala ni Jehova?” Pahayag salig sa artikulo sa Enero 1, 1998 Bantayan, pahina 22-4. Patibayin ang lahat na magkaroon ng pagpapahalaga mula sa puso sa mga paglalaan ni Jehova at patuloy na magkaroon ng positibong saloobin hinggil sa ating mga pribilehiyo.
Awit 139 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ialok sa Hunyo ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao o Ang Paghahanap sa Diyos. Pahayag at pagtatanghal. Ipakita ang iba’t ibang punto sa mga aklat na makaaantig ng interes, depende sa uri ng teritoryo na ginagawa at sa mga tao na inyong nasusumpungan. Kung may ibang relihiyon ang isang tao, ang mamamahayag ay maaaring magtungo nang tuwiran sa kabanata ng aklat na Paghahanap sa Diyos na tumatalakay sa relihiyong iyon. Ang aklat na ito ay isang reperensiyang akda na nanaisin ng marami na taglayin. Ang kabanata 16 ay naglalarawan sa bagong sanlibutan at maaaring magamit nang mabisa. Ang aklat na Pinakadakilang Tao ay may magagandang larawan at makaaakit sa mga tao na nag-aangking Kristiyano. Itanghal ang pag-aalok sa isa sa mga aklat.
20 min: Kung Bakit ko Pinahahalagahan ang mga Pulong ng Kongregasyon. Ang matanda ay nangangasiwa sa pag-uusap ng isang grupo ng mga regular na dumadalo na kumakatawan sa kabuuan ng kongregasyon, marahil kabilang dito ang isang mag-asawa, isang may edad na tao, at isang tin-edyer. Sila’y nagpahayag kung bakit sila laging dumadalo: mabuting pagsasamahan, banal na pagtuturo, at matalinong payo, na nakatutulong sa kanila sa pagharap sa mga suliranin sa araw-araw at sa pagpapanatiling malakas sa espirituwal. Idiniriin ng mga komento kung paanong tayong lahat ay pinagpapala sa regular na pagdalo sa mga pulong.
Awit 222 at pansarang panalangin.