Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt Levitico 1:1-27:34
  • Levitico

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Levitico
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Levitico

LEVITICO

1 At tinawag ni Jehova si Moises at sinabi sa kaniya mula sa tolda ng pagpupulong:+ 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang sinuman sa inyo ay maghahandog kay Jehova ng alagang hayop, ang handog ay dapat na manggaling sa bakahan o sa kawan.+

3 “‘Kung handog na sinusunog ang ihahandog niya at kinuha niya ito sa bakahan, dapat siyang magdala ng malusog na toro.*+ Kusang-loob+ niya itong dadalhin sa harap ni Jehova sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 4 Ipapatong niya ang kamay niya sa ulo ng handog na sinusunog, at tatanggapin ito bilang pambayad sa kasalanan niya.

5 “‘Pagkatapos, papatayin ang batang toro sa harap ni Jehova; ang dugo ay ihahandog ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote,+ at iwiwisik nila ang dugo sa lahat ng panig ng altar,+ na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 6 Ang handog na sinusunog ay dapat balatan at pagputol-putulin.+ 7 Ang mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ay maglalagay ng mga baga sa ibabaw ng altar,+ at aayusin nila ang kahoy sa ibabaw ng mga baga. 8 Ang pinagputol-putol na piraso ng handog, kasama ang ulo at taba,* ay aayusin+ ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa mga baga. 9 Huhugasan sa tubig ang mga bituka at binti nito, at ang lahat ng iyon ay susunugin ng saserdote para pumailanlang mula sa altar ang usok nito bilang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+

10 “‘Kung ang iaalay niya bilang handog na sinusunog ay galing sa kawan,+ mula sa mga batang tupa o mga kambing, dapat siyang maghandog ng isang malusog na lalaki.+ 11 Papatayin iyon sa hilagang bahagi ng altar sa harap ni Jehova, at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo nito sa lahat ng panig ng altar.+ 12 Pagpuputol-putulin niya ito; at ang mga piraso nito, kasama ang ulo at taba,* ay aayusin ng saserdote sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa mga baga. 13 Huhugasan niya sa tubig ang mga bituka at binti nito, at ang lahat ng iyon ay ihahandog ng saserdote at susunugin para pumailanlang mula sa altar ang usok. Iyon ay handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.

14 “‘Pero kung maghahandog siya ng ibon bilang handog na sinusunog para kay Jehova, kukuha siya ng handog mula sa mga batubato o inakáy ng kalapati.+ 15 Dadalhin iyon ng saserdote sa altar at gigilitan sa leeg, at susunugin niya iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok, pero ang dugo nito ay dapat patuluing mabuti sa gilid ng altar. 16 Aalisin niya ang laman-loob* at mga balahibo nito at itatapon ang mga iyon sa tabi ng altar, sa silangang bahagi, kung saan inilalagay ang abo.*+ 17 Bibiyakin niya ito sa gitna, sa pagitan ng mga pakpak nito, pero hindi niya ito paghihiwalayin. At susunugin iyon ng saserdote sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa mga baga, para pumailanlang ang usok. Iyon ay handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.

2 “‘At kung may sinumang maghahandog kay Jehova ng handog na mga butil,+ dapat na magandang klase ng harina ang handog niya, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ng olibano.+ 2 Dadalhin niya ito sa mga anak ni Aaron, na mga saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng sandakot ng magandang klase ng harina kasama ang langis at lahat ng olibano nito; at pauusukin niya ito sa ibabaw ng altar bilang alaalang handog,*+ isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova. 3 Ang matitira sa handog na mga butil ay mapupunta kay Aaron at sa mga anak niya;+ iyon ay kabanal-banalang bagay+ mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.

4 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na niluto sa pugon, dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina—hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa na hinaluan ng langis o maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis.+

5 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na inihanda sa malapad na lutuan,+ dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina na walang pampaalsa at hinaluan ng langis. 6 Dapat itong pagpira-pirasuhin, at bubuhusan mo ito ng langis.+ Ito ay handog na mga butil.

7 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na niluto sa kawali, dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina na may langis. 8 Dapat mong dalhin kay Jehova ang handog na mga butil na gawa sa mga sangkap na ito, at dadalhin ito sa saserdote, na siyang maglalapit nito sa altar. 9 Ang saserdote ay kukuha ng kaunti mula sa handog na mga butil bilang alaalang handog,+ at pauusukin niya iyon sa ibabaw ng altar, bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 10 Ang matitira sa handog na mga butil ay mapupunta kay Aaron at sa mga anak niya; iyon ay kabanal-banalang bagay mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.+

11 “‘Hindi puwedeng lagyan ng pampaalsa ang inyong handog na mga butil para kay Jehova,+ dahil hindi kayo puwedeng magpausok ng anumang pinaasim na masa o ng pulot-pukyutan bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.

12 “‘Ang mga iyon ay puwede ninyong ihandog kay Jehova bilang mga unang bunga,+ pero hindi puwedeng sunugin sa altar ang mga iyon bilang handog na may nakagiginhawang amoy.

13 “‘Ang lahat ng iyong handog na mga butil ay titimplahan mo ng asin; at hindi mo hahayaang mawala sa iyong handog na mga butil ang asin na magpapaalaala sa iyo sa pakikipagtipan ng iyong Diyos. Dapat na may asin ang lahat ng ihahandog mo.+

14 “‘Kung mag-aalay ka kay Jehova ng handog na mga butil mula sa mga unang hinog na bunga, dapat kang maghandog ng sariwang mga butil* na binusa at dinurog. Ito ang handog na mga butil mula sa iyong mga unang hinog na bunga.+ 15 Lalagyan mo iyon ng langis at ng olibano. Iyon ay handog na mga butil. 16 Pauusukin ng saserdote bilang alaalang handog+ ang kaunting dinurog na butil at langis, kasama ang lahat ng olibano nito, bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.

3 “‘Kung ang handog niya ay haing pansalo-salo*+ at kukunin niya iyon mula sa bakahan, lalaki man o babae, dapat siyang maghandog ng malusog na hayop sa harap ni Jehova. 2 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog niya, at papatayin iyon sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa lahat ng panig ng altar. 3 Ihaharap niya kay Jehova ang mga bahaging ito ng haing pansalo-salo bilang handog na pinaraan sa apoy:+ ang taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lahat ng taba na bumabalot sa mga bituka, 4 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+ 5 Susunugin iyon ng mga anak ni Aaron sa altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog na nakapatong sa kahoy na nasa ibabaw ng mga baga, para pumailanlang ang usok;+ iyon ay handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+

6 “‘Kung ang ihahandog niyang haing pansalo-salo para kay Jehova ay mula sa kawan, maghahandog siya ng isang malusog na lalaki o babaeng hayop.+ 7 Kung isang batang lalaking tupa ang handog niya, ihahandog niya iyon sa harap ni Jehova. 8 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog niya, at papatayin iyon sa harap ng tolda ng pagpupulong. Iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa lahat ng panig ng altar. 9 Ihaharap niya kay Jehova ang taba mula sa haing pansalo-salo bilang handog na pinaraan sa apoy.+ Kukunin niya ang buong matabang buntot na malapit sa gulugod, ang taba na nakapalibot sa mga bituka, ang lahat ng taba na bumabalot sa mga bituka, 10 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad sa atay kasama ng mga bato.+ 11 Susunugin iyon ng saserdote bilang pagkain* para pumailanlang mula sa altar ang usok nito, isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.+

12 “‘Kung isang kambing ang handog niya, ihahandog niya iyon sa harap ni Jehova. 13 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo nito, at papatayin iyon sa harap ng tolda ng pagpupulong, at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa lahat ng panig ng altar. 14 Ang mga bahaging ihaharap niya kay Jehova bilang handog na pinaraan sa apoy ay ang taba na nakapalibot sa mga bituka, ang lahat ng taba na bumabalot sa mga bituka,+ 15 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad sa atay kasama ng mga bato. 16 Susunugin iyon ng saserdote bilang pagkain* para pumailanlang mula sa altar ang usok nito, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy. Ang lahat ng taba ay kay Jehova.+

17 “‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyong mga henerasyon, sa lahat ng lugar na titirhan ninyo: Huwag na huwag kayong kakain ng anumang taba o ng anumang dugo.’”+

4 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ito ang dapat gawin kung ang isang tao ay di-sinasadyang magkasala+ dahil sa paggawa ng alinman sa mga ipinagbabawal ni Jehova:

3 “‘Kung ang inatasang* saserdote+ ay magkasala+ at naging dahilan ito ng pagkakasala ng bayan, dapat siyang maghandog kay Jehova ng isang malusog na batang toro* bilang handog para sa kasalanan.+ 4 Dadalhin niya ang toro sa pasukan ng tolda ng pagpupulong+ sa harap ni Jehova at ipapatong ang kamay niya sa ulo ng toro, at papatayin niya ang toro sa harap ni Jehova.+ 5 Pagkatapos, ang inatasang* saserdote+ ay kukuha ng dugo ng toro at dadalhin iyon sa loob ng tolda ng pagpupulong; 6 at isasawsaw ng saserdote ang daliri niya sa dugo+ at patutuluin ang dugo nang pitong ulit+ sa harap ni Jehova sa tapat ng kurtina ng banal na lugar. 7 Ang saserdote ay magpapahid din ng dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso,+ na nasa harap ni Jehova sa tolda ng pagpupulong; at ang lahat ng matitirang dugo ng toro ay ibubuhos niya sa paanan ng altar ng handog na sinusunog,+ na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.

8 “‘Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba ng toro na handog para sa kasalanan: ang taba na nakapalibot sa mga bituka, ang taba na bumabalot sa mga bituka, 9 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+ 10 Katulad iyon ng kinukuha sa toro na haing pansalo-salo.+ Susunugin iyon ng saserdote para pumailanlang ang usok mula sa altar ng handog na sinusunog.

11 “‘Pero ang balat ng toro at lahat ng karne nito pati na ang ulo, mga binti, mga bituka, at dumi nito+— 12 ang lahat ng natira sa toro—ay dadalhin niya sa labas ng kampo, sa isang malinis na lugar kung saan itinatapon ang abo,* at susunugin niya iyon sa ibabaw ng kahoy.+ Susunugin iyon sa pinagtatapunan ng abo.

13 “‘At kung ang buong bayan ng Israel ay magkasala nang di-sinasadya,+ pero hindi alam ng kongregasyon na may nagawa silang isang bagay na ipinagbabawal ni Jehova,+ 14 at pagkatapos ay naging hayag ang kasalanan, dapat maghandog ang kongregasyon ng isang batang toro bilang handog para sa kasalanan at dalhin iyon sa harap ng tolda ng pagpupulong. 15 Ipapatong ng matatandang lalaki ng bayan ang mga kamay nila sa ulo ng toro sa harap ni Jehova, at papatayin ang toro sa harap ni Jehova.

16 “‘Ang inatasang* saserdote ay magdadala ng dugo ng toro sa loob ng tolda ng pagpupulong. 17 Isasawsaw ng saserdote ang daliri niya sa dugo at patutuluin ang dugo nang pitong ulit sa harap ni Jehova sa tapat ng kurtina.+ 18 At papahiran niya ng dugo ang mga sungay ng altar+ na nasa harap ni Jehova, na nasa tolda ng pagpupulong; at ang lahat ng matitirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar ng handog na sinusunog, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 19 Kukunin niya ang lahat ng taba nito at susunugin para pumailanlang mula sa altar ang usok.+ 20 Ang gagawin niya sa toro ay gaya ng ginawa niya sa isa pang toro na handog para sa kasalanan. Gayon ang gagawin niya roon, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kanila,+ at mapatatawad sila. 21 Dadalhin niya ang toro sa labas ng kampo at susunugin iyon, gaya ng pagsunog niya sa unang toro.+ Iyon ay handog para sa kasalanan ng kongregasyon.+

22 “‘Kapag ang isang pinuno+ ay nagkasala dahil nagawa niya nang di-sinasadya ang isang bagay na ipinagbabawal ng Diyos niyang si Jehova, 23 o nalaman niyang may nagawa siyang kasalanan laban sa kautusan, dapat siyang magdala ng isang malusog at batang kambing na lalaki bilang handog. 24 Ipapatong niya ang kamay niya sa ulo ng batang kambing at papatayin iyon sa lugar kung saan pinapatay ang handog na sinusunog sa harap ni Jehova.+ Iyon ay handog para sa kasalanan. 25 Isasawsaw ng saserdote ang daliri niya sa dugo ng handog para sa kasalanan at ipapahid iyon sa mga sungay+ ng altar ng handog na sinusunog, at ang matitirang dugo nito ay ibubuhos niya sa paanan ng altar ng handog na sinusunog.+ 26 Susunugin niya ang lahat ng taba nito para pumailanlang mula sa altar ang usok nito tulad ng taba ng haing pansalo-salo;+ at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya, at mapatatawad siya.

27 “‘Kung ang isang karaniwang tao ay magkasala dahil nagawa niya nang di-sinasadya ang isang bagay na ipinagbabawal ni Jehova+ 28 o nalaman niyang may nagawa siyang kasalanan, dapat siyang magdala ng isang malusog at batang babaeng kambing bilang handog para sa kasalanan niya. 29 Ipapatong niya ang kamay niya sa ulo ng handog para sa kasalanan, at papatayin ang handog para sa kasalanan kung saan din pinapatay ang handog na sinusunog.+ 30 Isasawsaw ng saserdote ang daliri niya sa dugo nito at ipapahid iyon sa mga sungay ng altar ng handog na sinusunog, at ang lahat ng matitirang dugo nito ay ibubuhos niya sa paanan ng altar.+ 31 Kukunin niya ang lahat ng taba nito+ kung paanong kinukuha ang taba ng haing pansalo-salo,+ at susunugin iyon ng saserdote para pumailanlang mula sa altar ang usok nito, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova; at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya, at mapatatawad siya.

32 “‘Pero kung mag-aalay siya ng isang kordero* bilang kaniyang handog para sa kasalanan, dapat siyang magdala ng isang malusog na babaeng kordero. 33 Ipapatong niya ang kamay niya sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin iyon bilang handog para sa kasalanan kung saan pinapatay ang handog na sinusunog.+ 34 Isasawsaw ng saserdote ang daliri niya sa dugo ng handog para sa kasalanan at ipapahid iyon sa mga sungay ng altar ng handog na sinusunog,+ at ang lahat ng matitirang dugo nito ay ibubuhos niya sa paanan ng altar. 35 Kukunin niya ang lahat ng taba nito kung paanong kinukuha ang taba ng batang lalaking tupa na haing pansalo-salo, at susunugin iyon ng saserdote para pumailanlang ang usok nito mula sa altar sa ibabaw ng mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy;+ at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa nagawa niyang kasalanan, at mapatatawad siya.+

5 “‘Kung ang isang tao* ay magkasala dahil narinig niyang may panawagan sa publiko na tumestigo*+ pero hindi niya ipinaalám ang pagkakasala kahit na isa siyang saksi o nakita niya iyon o nalaman niya ang tungkol dito, mananagot siya sa kasalanan niya.

2 “‘O kapag ang isang tao* ay nakahipo ng anumang marumi, bangkay man ito ng maruming mailap na hayop, maruming maamong hayop, o maruming hayop na nagkukulumpon,*+ siya ay marumi at nagkasala kahit hindi niya iyon alam. 3 O kung mahipo ng sinuman ang karumihan ng isang tao+—anumang karumihan na puwedeng magparumi sa kaniya—kahit hindi niya iyon alam noong una pero nalaman din niya nang maglaon, siya ay nagkasala.

4 “‘O kung ang sinuman ay nagpadalos-dalos sa panunumpa na gawin ang isang bagay—mabuti man iyon o masama, anuman iyon—pero naisip niya nang maglaon na naging padalos-dalos siya sa panunumpa, siya ay nagkasala.*+

5 “‘Kung magawa niya ang isa sa mga kasalanang iyon, dapat niyang ipagtapat+ kung ano ang naging kasalanan niya. 6 Dadalhin din niya kay Jehova ang kaniyang handog para sa pagkakasala dahil sa nagawa niyang kasalanan,+ isang babaeng kordero* o isang batang babaeng kambing mula sa kawan, bilang handog para sa kasalanan. Pagkatapos, ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya.

7 “‘Pero kung hindi niya kayang maghandog ng isang tupa, dapat siyang magdala kay Jehova ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati+ bilang handog para sa pagkakasala, isa bilang handog para sa kasalanan at isa bilang handog na sinusunog.+ 8 Dadalhin niya ang mga iyon sa saserdote; unang ihahandog ng saserdote ang handog para sa kasalanan at gigilitan ang leeg nito nang hindi pinuputol ang ulo nito. 9 Tutuluan niya ng dugo ng handog para sa kasalanan ang gilid ng altar, pero ang matitirang dugo ay patutuluin niyang mabuti sa paanan ng altar.+ Iyon ay handog para sa kasalanan. 10 Ihahandog niya ang isa pa bilang handog na sinusunog ayon sa itinakdang paraan;+ at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya, at mapatatawad siya.+

11 “‘Kung hindi niya kayang magbigay ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati, dapat siyang maghandog para sa kasalanan niya ng ikasampu ng isang epa*+ ng magandang klase ng harina bilang handog para sa kasalanan. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o olibano, dahil iyon ay handog para sa kasalanan. 12 Dadalhin niya iyon sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng sandakot bilang alaalang handog* at pauusukin iyon sa altar, sa ibabaw ng mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Iyon ay handog para sa kasalanan. 13 Ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya, alinman sa mga kasalanang ito, at mapatatawad siya.+ Ang matitira sa handog ay mapupunta sa saserdote,+ gaya ng handog na mga butil.’”+

14 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 15 “Kung ang sinuman ay gumawi nang di-tapat dahil sa di-sinasadyang pagkakasala laban sa mga banal na bagay ni Jehova,+ dapat siyang magdala kay Jehova ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan bilang handog para sa pagkakasala;+ ang halaga nito sa siklong* pilak ay ayon sa siklo ng banal na lugar.*+ 16 At dahil sa kasalanang nagawa niya laban sa banal na lugar, babayaran din niya ang halagang iyon at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito.+ Ibibigay niya iyon sa saserdote, para ang saserdote ay makapagbayad-sala+ para sa kaniya sa pamamagitan ng lalaking tupa na handog para sa pagkakasala, at mapatatawad siya.+

17 “Kung ang sinuman ay magkasala dahil sa paggawa ng alinman sa mga ipinagbabawal ni Jehova, kahit hindi niya ito alam, nagkasala pa rin siya at mananagot sa kasalanan niya.+ 18 Dapat siyang magdala sa saserdote ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan ayon sa tinatayang halaga, bilang handog para sa pagkakasala.+ At ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa pagkakamali na nagawa niya nang hindi niya nalalaman, at mapatatawad siya. 19 Iyon ay handog para sa pagkakasala. Siya ay talagang nagkasala kay Jehova.”

6 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Kung ang sinuman ay magkasala at gumawi nang di-tapat kay Jehova+ dahil nilinlang niya ang kapuwa niya may kinalaman sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya+ o inilagak sa kaniya, o ninakawan o dinaya niya ang kapuwa niya, 3 o may nakita siyang nawawalang bagay at nagsinungaling tungkol dito, at kung sumumpa siya nang may kasinungalingan na hindi niya ginawa ang alinman sa mga kasalanang ito,+ ganito ang dapat niyang gawin: 4 Kung nagkasala siya, dapat niyang ibalik ang ninakaw niya, ang kinikil niya, ang kinuha niya nang may pandaraya, ang ipinagkatiwala sa kaniya, o ang nakita niyang nawawalang bagay, 5 o ang anumang bagay na may kinalaman doon ay nanumpa siya nang may kasinungalingan; dapat niyang ibalik ang buong halaga nito+ at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito. Ibibigay niya iyon sa may-ari sa araw na mapatunayang nagkasala siya. 6 At bilang handog para sa pagkakasala kay Jehova, magdadala siya sa saserdote ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan; ang halaga nito ay ayon sa tinatayang halaga ng handog para sa pagkakasala.+ 7 Ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova, at mapatatawad siya sa anumang pagkakasalang nagawa niya.”+

8 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 9 “Utusan mo si Aaron at ang mga anak niya, ‘Ito ang kautusan tungkol sa handog na sinusunog:+ Ang handog na sinusunog ay mananatili sa apuyan sa ibabaw ng altar nang buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing nagniningas ang apoy sa altar. 10 Isusuot ng saserdote ang kaniyang opisyal na damit na lino,+ at isusuot niya ang panloob* na lino.+ Pagkatapos, kukunin niya ang abo*+ ng handog na sinusunog na natupok ng apoy sa ibabaw ng altar at ilalagay iyon sa tabi ng altar. 11 At huhubarin niya ang mga kasuotan niya,+ magpapalit ng damit, at dadalhin ang abo sa isang malinis na lugar sa labas ng kampo.+ 12 Pananatilihing nagniningas ang apoy sa altar. Hindi ito dapat mamatay. Dapat magsunog doon ng kahoy ang saserdote+ tuwing umaga at aayusin niya ang handog na sinusunog sa ibabaw nito, at susunugin niya ang taba ng mga haing pansalo-salo para pumailanlang ang usok.+ 13 Pananatilihing nagniningas ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay.

14 “‘At ito ang kautusan tungkol sa handog na mga butil:+ Kayong mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa altar, sa harap ni Jehova. 15 Ang isa sa kanila ay kukuha ng sandakot ng magandang klase ng harina ng handog na mga butil at ng langis nito, kasama ang lahat ng olibano nito na nasa ibabaw ng handog na mga butil, at pauusukin niya iyon sa ibabaw ng altar, isang nakagiginhawang amoy bilang alaalang handog* kay Jehova.+ 16 Kakainin ni Aaron at ng mga anak niya ang matitira dito.+ Gagawin itong tinapay na walang pampaalsa at kakainin sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa looban* ng tolda ng pagpupulong.+ 17 Hindi ito hahaluan ng pampaalsa kapag niluto.+ Ibinigay ko ito bilang bahagi nila mula sa mga handog para sa akin na pinaraan sa apoy.+ Ito ay kabanal-banalang bagay,+ tulad ng handog para sa kasalanan at ng handog para sa pagkakasala. 18 Bawat lalaki sa mga anak ni Aaron ay kakain nito.+ Sa lahat ng inyong henerasyon, ito ang magiging permanenteng paglalaan para sa kanila mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.+ Ang lahat ng madidikit sa mga ito* ay magiging banal.’”

19 Kinausap muli ni Jehova si Moises: 20 “Ito ang handog na dadalhin ni Aaron at ng mga anak niya kay Jehova sa araw na papahiran ng langis ang sinuman sa kanila:+ ikasampu ng isang epa*+ ng magandang klase ng harina para sa paghahain ng handog na mga butil,+ kalahati nito sa umaga at kalahati sa gabi. 21 Ihahanda ito nang may langis sa malapad na lutuan.+ Lalagyan mo ito ng maraming langis at ihahandog nang pira-piraso bilang nilutong handog na mga butil, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova. 22 Ang gagawa nito ay ang inatasang* saserdote na hahalili sa kaniya mula sa mga anak niya.+ Ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda: Pauusukin ito bilang buong handog kay Jehova. 23 Ang bawat handog na mga butil ng saserdote ay dapat ihandog nang buo. Hindi ito kakainin.”

24 Kinausap muli ni Jehova si Moises: 25 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya, ‘Ito ang kautusan tungkol sa handog para sa kasalanan:+ Sa lugar kung saan pinapatay ang handog na sinusunog,+ doon din papatayin sa harap ni Jehova ang handog para sa kasalanan. Ito ay kabanal-banalang bagay. 26 Kakainin ito ng saserdote na maghahandog nito para sa kasalanan.+ Kakainin ito sa isang banal na lugar, sa looban ng tolda ng pagpupulong.+

27 “‘Lahat ng madidikit sa karne nito ay magiging banal, at kapag nalagyan ng dugo nito ang damit ng isang tao, dapat niyang labhan sa isang banal na lugar ang nalagyan ng dugo. 28 Ang palayok na pinagpakuluan nito ay dapat basagin. Pero kapag pinakuluan ito sa tansong sisidlan, ang sisidlan ay dapat kuskusin at banlawan ng tubig.

29 “‘Ang bawat lalaki, na saserdote, ay kakain nito.+ Ito ay kabanal-banalang bagay.+ 30 Pero hindi dapat kainin ang handog para sa kasalanan kung ang dugo nito ay dinala sa loob ng tolda ng pagpupulong, sa banal na lugar, bilang pambayad-sala.+ Susunugin ito.

7 “‘Ito ang kautusan tungkol sa handog para sa pagkakasala:+ Iyon ay kabanal-banalang bagay. 2 Papatayin nila ang handog para sa pagkakasala kung saan nila pinapatay ang handog na sinusunog, at ang dugo nito+ ay dapat iwisik sa lahat ng panig ng altar.+ 3 Ihahandog niya ang lahat ng taba nito:+ ang matabang buntot, ang taba na nakapalibot sa mga bituka, 4 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+ 5 Susunugin ng saserdote ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok ng mga iyon bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.+ Iyon ay handog para sa pagkakasala. 6 Bawat lalaki, na saserdote, ay kakain nito,+ at dapat itong kainin sa banal na lugar. Iyon ay kabanal-banalang bagay.+ 7 Iisa lang ang kautusan sa handog para sa kasalanan at handog para sa pagkakasala; mapupunta ito sa saserdote na magbabayad-sala sa pamamagitan nito.+

8 “‘Kapag inihandog ng saserdote ang handog na sinusunog ng isang tao, ang balat+ ng handog na sinusunog na dinala sa saserdote ay mapupunta sa saserdote.

9 “‘Bawat handog na mga butil na niluto sa pugon, sa kawali, o sa malapad na lutuan+ ay mapupunta sa saserdote na maghahandog nito. Ito ay magiging kaniya.+ 10 Pero bawat handog na mga butil na tuyo+ o hinaluan ng langis+ ay para sa lahat ng anak ni Aaron; pantay-pantay ang makukuha ng bawat isa.

11 “‘At ito ang kautusan tungkol sa haing pansalo-salo+ na ihahandog ng isang tao kay Jehova: 12 Kapag inihahandog niya ito bilang hain ng pasasalamat,+ maghahandog din siya ng hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa na hinaluan ng langis, maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, at hugis-singsing na mga tinapay na gawa sa magandang klase ng harina, na hinalong mabuti at nilagyan ng maraming langis. 13 Bukod diyan, maghahandog siya ng hugis-singsing na mga tinapay na may pampaalsa kasama ng kaniyang mga haing pansalo-salo na inihandog niya bilang pasasalamat. 14 Mula sa bawat hain niya, maghahandog siya ng isang banal na bahagi kay Jehova; mapupunta ito sa saserdote na magwiwisik ng dugo ng mga haing pansalo-salo.+ 15 Ang karne ng haing pansalo-salo na inihandog niya bilang pasasalamat ay kakainin sa araw na ihandog niya ito. Hindi siya magtitira nito sa umaga.+

16 “‘Kung ang inialay niyang handog ay isang panata+ o kusang-loob na handog,+ dapat itong kainin sa araw na ialay niya ang kaniyang handog, at ang matitira dito ay puwede pang makain kinabukasan. 17 Pero kung sa ikatlong araw ay may matirang karne mula sa handog, dapat itong sunugin.+ 18 Gayunman, kung sa ikatlong araw ay may kumain ng natirang karne ng kaniyang haing pansalo-salo, ang naghahandog nito ay hindi magiging kalugod-lugod. Hindi siya makikinabang dito; ito ay kasuklam-suklam, at ang kakain nito ay mananagot sa kaniyang kasalanan.+ 19 Ang karne na madidikit sa anumang bagay na marumi ay hindi kakainin. Susunugin iyon. Lahat ng taong malinis ay makakakain ng malinis na karne.

20 “‘Pero kung ang isang maruming tao* ay kumain ng karne ng haing pansalo-salo na para kay Jehova, ang taong* iyon ay dapat patayin.*+ 21 Kung mahipo ng isang tao* ang anumang bagay na marumi, iyon man ay karumihan ng isang tao+ o isang maruming hayop+ o anumang marumi at kasuklam-suklam na bagay,+ at kumain siya ng karne ng haing pansalo-salo na para kay Jehova, ang taong* iyon ay papatayin.’”

22 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 23 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Huwag kayong kakain ng anumang taba+ ng toro* o ng batang lalaking tupa o ng kambing. 24 Ang taba ng isang hayop na natagpuang patay at ang taba ng isang hayop na pinatay ng ibang hayop ay puwedeng gamitin sa ibang paraan, pero huwag na huwag ninyo itong kakainin.+ 25 Ang sinumang kumain ng taba ng isang hayop na inialay niya bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy ay papatayin.

26 “‘Huwag kayong kakain ng anumang dugo+ sa alinmang lugar na tinitirhan ninyo, iyon man ay dugo ng ibon o ng iba pang hayop. 27 Ang sinumang* kumain ng anumang dugo ay papatayin.’”+

28 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 29 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ang sinumang naghahandog ng kaniyang haing pansalo-salo para kay Jehova ay kukuha ng isang bahagi mula sa kaniyang haing pansalo-salo bilang handog kay Jehova.+ 30 Siya mismo ang magdadala ng taba+ kasama ang dibdib bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, at igagalaw niya iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw*+ sa harap ni Jehova. 31 Susunugin ng saserdote ang taba para pumailanlang mula sa altar ang usok,+ pero ang dibdib ay mapupunta kay Aaron at sa mga anak niya.+

32 “‘Ibibigay ninyo sa saserdote ang kanang binti bilang isang banal na bahagi mula sa inyong mga haing pansalo-salo.+ 33 Ang kanang binti ang magiging bahagi ng anak ni Aaron+ na maghahandog ng dugo ng mga haing pansalo-salo at ng taba. 34 Dahil kukunin ko mula sa mga haing pansalo-salo ng mga Israelita ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi, at ibibigay ko ang mga iyon kay Aaron na saserdote at sa mga anak niya; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda para sa mga Israelita.+

35 “‘Ito ang mga bahagi mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy na ibibigay sa mga saserdote, kay Aaron at sa mga anak niya, sa araw na iharap niya sila para maglingkod kay Jehova bilang mga saserdote.+ 36 Iniutos ni Jehova na ibigay sa kanila ang bahaging ito mula sa mga Israelita sa araw na pahiran niya sila ng langis.+ Mananatili ang batas na ito na kailangang sundin ng mga henerasyon nila.’”

37 Ito ang kautusan para sa handog na sinusunog,+ handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan,+ handog para sa pagkakasala,+ hain para sa pag-aatas,+ at haing pansalo-salo,+ 38 gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises sa Bundok Sinai+ nang araw na utusan niya ang mga Israelita na ialay ang mga handog nila kay Jehova sa ilang ng Sinai.+

8 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Dalhin mo si Aaron at ang mga anak niya,+ ang mga kasuotan,+ ang langis para sa pag-aatas,+ ang toro* na handog para sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa,+ 3 at tipunin mo ang buong bayan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.”

4 At ginawa ni Moises ang iniutos ni Jehova sa kaniya, at ang bayan ay nagtipon sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 5 Sinabi ngayon ni Moises sa bayan: “Ito ang iniutos sa atin ni Jehova na dapat nating gawin.” 6 Kaya si Aaron at ang mga anak niya ay iniharap ni Moises sa Diyos at inutusan silang maligo.*+ 7 Pagkatapos, isinuot niya rito ang mahabang damit,+ ang pamigkis,+ at ang walang-manggas na damit,+ at isinuot niya rito ang epod*+ at ibinigkis dito nang mahigpit ang hinabing sinturon+ ng epod. 8 Sumunod, isinuot niya rito ang pektoral,*+ at inilagay niya sa pektoral ang Urim at ang Tumim.+ 9 Pagkatapos, inilagay niya ang espesyal na turbante+ sa ulo nito at inilagay sa harapan ng turbante ang makintab na laminang ginto, ang banal na tanda ng pag-aalay,*+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

10 At kinuha ni Moises ang langis para sa pag-aatas at pinahiran ang tabernakulo at ang lahat ng naroon+ at pinabanal ang mga iyon. 11 Pagkatapos, pitong ulit niyang pinatuluan ng langis para sa pag-aatas ang ibabaw ng altar at lahat ng kagamitan nito at ang tipunan ng tubig at patungan nito para mapabanal ang mga iyon. 12 Bilang panghuli, binuhusan niya ng langis para sa pag-aatas ang ulo ni Aaron para atasan* ito at pabanalin.+

13 Pagkatapos, iniharap naman ni Moises ang mga anak ni Aaron, isinuot sa kanila ang mahahabang damit at mga pamigkis, at inilagay ang turbante sa ulo nila,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

14 Kinuha niya ang toro na handog para sa kasalanan, at ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng toro na handog para sa kasalanan.+ 15 Pinatay iyon ni Moises at isinawsaw ang daliri niya sa dugo+ at ipinahid iyon sa lahat ng sungay ng altar, at dinalisay niya ang altar mula sa kasalanan, pero ibinuhos niya sa paanan ng altar ang natirang dugo, para mapabanal ito at sa gayon ay makapagbayad-sala sa ibabaw nito. 16 Pagkatapos, kinuha niya ang lahat ng taba na nasa mga bituka, ang lamad* ng atay, at ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at sinunog ni Moises ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok.+ 17 At ang lahat ng natira sa toro, ang balat, ang karne, at ang dumi nito, ay sinunog sa labas ng kampo,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

18 Kinuha niya ngayon ang lalaking tupa na handog na sinusunog, at ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng lalaking tupa.+ 19 Pagkatapos, pinatay iyon ni Moises at iwinisik ang dugo sa lahat ng panig ng altar. 20 Pinagputol-putol niya ang lalaking tupa, at sinunog ni Moises ang ulo, ang mga piraso, at ang taba* para pumailanlang ang usok. 21 Hinugasan niya ng tubig ang mga bituka at mga binti, at sinunog ni Moises ang buong lalaking tupa para pumailanlang mula sa altar ang usok. Iyon ay handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy. Iyon ay handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

22 Kinuha niya ang ikalawang lalaking tupa, ang lalaking tupa para sa pag-aatas,+ at ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng lalaking tupa.+ 23 Pinatay ito ni Moises, at kumuha siya ng dugo nito at inilagay iyon sa pingol* ng kanang tainga ni Aaron, sa hinlalaki ng kanang kamay niya, at sa hinlalaki ng kanang paa niya. 24 Pagkatapos, pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron at nilagyan ng dugo ang pingol ng kanang tainga nila, ang hinlalaki ng kanang kamay nila, at ang hinlalaki ng kanang paa nila; pero iwinisik ni Moises ang natirang dugo sa lahat ng panig ng altar.+

25 Pagkatapos, kinuha niya ang taba, ang matabang buntot, ang lahat ng taba na nasa mga bituka, ang lamad ng atay, ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at ang kanang binti.+ 26 Mula sa basket ng tinapay na walang pampaalsa na nasa harap ni Jehova, kumuha siya ng isang hugis-singsing na tinapay na walang pampaalsa,+ isang hugis-singsing na tinapay na may langis,+ at isang manipis na tinapay. At inilagay niya ang mga iyon sa ibabaw ng mga piraso ng taba at ng kanang binti. 27 Pagkatapos, inilagay niya ang lahat ng iyon sa mga palad ni Aaron at sa mga palad ng mga anak nito at iginalaw nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova. 28 Pagkatapos, kinuha ni Moises ang mga iyon sa mga kamay nila at sinunog sa ibabaw ng handog na sinusunog para pumailanlang mula sa altar ang usok. Ang mga iyon ay hain para sa pag-aatas, isang nakagiginhawang amoy. Iyon ay handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.

29 Kinuha ni Moises ang dibdib at iginalaw iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova.+ Mula sa lalaking tupa para sa pag-aatas, iyon ang naging bahagi ni Moises, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

30 Kumuha si Moises ng langis para sa pag-aatas+ at ng dugo na nasa altar at pinatuluan ng mga iyon si Aaron at ang mga anak nito at ang mga kasuotan nila. Sa gayon, pinabanal niya si Aaron at ang mga kasuotan nito, pati ang mga anak nito+ at ang mga kasuotan nila.+

31 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak nito: “Pakuluan+ ninyo ang karne sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at doon ninyo iyon kakainin pati ang tinapay na nasa basket para sa pag-aatas, gaya ng iniutos sa akin, ‘Kakainin iyon ni Aaron at ng mga anak niya.’+ 32 Ang matitira sa karne at sa tinapay ay susunugin ninyo.+ 33 Huwag kayong lalabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa loob ng pitong araw, hanggang sa matapos ang mga araw ng pag-aatas sa inyo, dahil pitong araw ang kailangan sa pag-aatas sa inyo bilang mga saserdote.*+ 34 Iniutos ni Jehova na gawin natin sa natitira pang mga araw ang ginawa natin sa araw na ito bilang pagbabayad-sala para sa inyo.+ 35 Sa loob ng pitong araw,+ araw at gabi, mananatili kayo sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at tutuparin ninyo ang obligasyon ninyo kay Jehova+ para hindi kayo mamatay; dahil iyan ang iniutos sa akin.”

36 At ginawa ni Aaron at ng mga anak niya ang lahat ng iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.

9 Noong ikawalong araw,+ tinawag ni Moises si Aaron, ang mga anak nito, at ang matatandang lalaki ng Israel. 2 Sinabi niya kay Aaron: “Kumuha ka para sa iyong sarili ng isang malusog na guya* bilang handog para sa kasalanan+ at isang malusog na lalaking tupa bilang handog na sinusunog, at ialay mo ang mga iyon sa harap ni Jehova. 3 Pero sasabihin mo sa mga Israelita, ‘Kumuha kayo ng isang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan at ng isang guya at isang batang lalaking tupa, na bawat isa ay isang taóng gulang at malusog, bilang handog na sinusunog, 4 at ng isang toro* at isang lalaking tupa bilang mga haing pansalo-salo,+ para ialay ang mga iyon sa harap ni Jehova, at ng handog na mga butil+ na hinaluan ng langis, dahil magpapakita si Jehova sa inyo sa araw na ito.’”+

5 Kaya dinala nila ang lahat ng iyon sa harap ng tolda ng pagpupulong, gaya ng iniutos ni Moises. Pagkatapos, lumapit ang buong bayan at tumayo sa harap ni Jehova. 6 Sinabi ni Moises: “Ito ang iniutos ni Jehova na dapat ninyong gawin, para ipakita sa inyo ni Jehova ang kaluwalhatian niya.”+ 7 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron: “Lumapit ka sa altar, at ialay mo ang iyong handog para sa kasalanan+ at handog na sinusunog, at magbayad-sala ka para sa iyong sarili+ at sa iyong sambahayan; at ialay mo ang handog ng bayan,+ at magbayad-sala ka para sa kanila,+ gaya ng iniutos ni Jehova.”

8 Lumapit agad si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan niya.+ 9 Pagkatapos, dinala sa kaniya ng mga anak niya ang dugo,+ at isinawsaw ni Aaron ang daliri niya sa dugo at ipinahid iyon sa mga sungay ng altar, at ibinuhos niya ang natitirang dugo sa paanan ng altar.+ 10 Sinunog niya ang taba, ang mga bato, at ang lamad* ng atay na mula sa handog para sa kasalanan para pumailanlang mula sa altar ang usok, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+ 11 At ang karne at ang balat ay sinunog niya sa labas ng kampo.+

12 Pagkatapos, pinatay ni Aaron ang handog na sinusunog at ibinigay sa kaniya ng mga anak niya ang dugo, at iwinisik niya iyon sa lahat ng panig ng altar.+ 13 Ibinigay nila sa kaniya ang mga piraso ng handog na sinusunog at ang ulo, at sinunog niya ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok. 14 Bukod diyan, hinugasan niya ang mga bituka at ang mga binti at sinunog ang mga iyon sa ibabaw ng handog na sinusunog para pumailanlang mula sa altar ang usok.

15 Pagkatapos, inialay niya ang handog ng bayan. Kinuha niya ang kambing na handog para sa kasalanan ng bayan, pinatay ito, at inialay bilang handog para sa kasalanan gaya ng una. 16 At inialay niya ang handog na sinusunog ayon sa itinakdang paraan.+

17 Sumunod niyang inialay ang handog na mga butil;+ kumuha siya ng sandakot nito at pinausok iyon sa ibabaw ng altar, kasama ng handog na sinusunog sa umaga.+

18 Pagkatapos, pinatay ni Aaron ang toro at ang lalaking tupa na haing pansalo-salo para sa bayan. Ibinigay sa kaniya ng mga anak niya ang dugo, at iwinisik niya iyon sa lahat ng panig ng altar.+ 19 Kung tungkol sa mga piraso ng taba ng toro,+ matabang buntot ng lalaking tupa, taba na nakapalibot sa mga laman-loob, mga bato, at lamad ng atay,+ 20 inilagay nila ang lahat ng pirasong iyon ng taba sa ibabaw ng mga dibdib, pagkatapos ay sinunog niya ang mga piraso ng taba para pumailanlang mula sa altar ang usok.+ 21 Pero ang mga dibdib at ang kanang binti ay iginalaw ni Aaron nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova, gaya ng iniutos ni Moises.+

22 Pagkatapos, humarap si Aaron sa bayan at itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila,+ at bumaba siya mula sa altar matapos ialay ang handog para sa kasalanan, handog na sinusunog, at mga haing pansalo-salo. 23 Nang dakong huli, pumasok sina Moises at Aaron sa tolda ng pagpupulong at pagkatapos ay lumabas at pinagpala ang bayan.+

At ipinakita ngayon ni Jehova ang kaluwalhatian niya sa buong bayan,+ 24 at nagpadala si Jehova ng apoy+ na nagsimulang tumupok sa handog na sinusunog at sa mga piraso ng taba na nasa ibabaw ng altar. Nang makita iyon ng buong bayan, nagsigawan* sila at sumubsob sa lupa.+

10 Nang maglaon, kinuha ng mga anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu+ ang kani-kaniyang lalagyan ng baga* at nilagyan iyon ng baga* at insenso.+ Pagkatapos, nag-alay sila sa harap ni Jehova ng ipinagbabawal na handog,*+ isang handog na hindi niya iniutos sa kanila. 2 Dahil dito, nagpadala si Jehova ng apoy at natupok sila,+ kaya namatay sila sa harap ni Jehova.+ 3 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Dapat tandaan ng mga malapit sa akin na ako ay banal,+ at dapat akong luwalhatiin ng buong bayan.’” Nanatiling tahimik si Aaron.

4 Kaya tinawag ni Moises sina Misael at Elsapan, na mga anak ni Uziel+ na tiyo ni Aaron, at sinabi sa kanila: “Pumunta kayo rito. Buhatin ninyo ang mga kapatid* ninyo mula sa harap ng banal na lugar at ilabas sa kampo.” 5 Kaya pumunta sila at binuhat ang mga ito na nakasuot pa rin ng mahahabang damit at dinala sa labas ng kampo, gaya ng sinabi ni Moises.

6 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa iba pa nitong mga anak na sina Eleazar at Itamar: “Panatilihin ninyong maayos ang buhok ninyo at huwag ninyong pupunitin ang mga kasuotan ninyo,+ para hindi kayo mamatay at para hindi magalit ang Diyos sa buong bayan. Ang mga kapatid ninyo sa buong sambahayan ng Israel ang iiyak para sa mga pinatay ni Jehova sa pamamagitan ng apoy. 7 Huwag kayong lalabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong dahil mamamatay kayo, dahil inatasan kayo ni Jehova sa pamamagitan ng langis.”+ Kaya ginawa nila ang sinabi ni Moises.

8 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Aaron: 9 “Kapag pumapasok kayo sa tolda ng pagpupulong, huwag kayong iinom ng alak o iba pang inuming de-alkohol, ikaw at ang mga anak mo,+ para hindi kayo mamatay. Mananatili ang batas na ito na kailangang sundin ng mga henerasyon ninyo. 10 Ito ay para makita ang pagkakaiba ng banal at di-banal na bagay at ng marumi at malinis na bagay,+ 11 at para maituro sa mga Israelita ang lahat ng tuntunin na sinabi sa kanila ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.”+

12 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa natitira pang mga anak nito na sina Eleazar at Itamar: “Kunin ninyo ang natirang handog na mga butil mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy at gawing tinapay na walang pampaalsa. At kainin ninyo iyon malapit sa altar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay.+ 13 Dapat ninyong kainin iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ang paglalaan para sa iyo at sa iyong mga anak mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, dahil ito ang iniutos sa akin. 14 Kakainin din ninyo sa isang malinis na lugar ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi,+ ikaw at ang mga anak mong lalaki at babae,+ dahil ang mga iyon ay paglalaan sa iyo at sa iyong mga anak mula sa mga haing pansalo-salo ng mga Israelita. 15 Dadalhin nila ang binti ng banal na bahagi at ang dibdib ng handog na iginagalaw* kasama ng mga handog na taba na pinaraan sa apoy, para igalaw nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova; at iyon ay magiging permanenteng paglalaan sa iyo at sa iyong mga anak,+ gaya ng iniutos ni Jehova.”

16 Hinanap mabuti ni Moises ang kambing na handog para sa kasalanan,+ at nalaman niyang nasunog na iyon. Kaya nagalit siya sa natitirang mga anak ni Aaron na sina Eleazar at Itamar, at sinabi niya: 17 “Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa banal na lugar?+ Iyon ay kabanal-banalang bagay at ibinigay niya iyon sa inyo para mapanagutan ninyo ang kasalanan ng bayan at makapagbayad-sala para sa kanila sa harap ni Jehova. 18 Hindi naipasok ang dugo nito sa banal na lugar.+ Kaya kinain sana ninyo iyon sa banal na lugar, gaya ng iniutos sa akin.” 19 Sumagot si Aaron kay Moises: “Inialay nila ang kanilang handog para sa kasalanan at handog na sinusunog sa harap ni Jehova+ sa araw na ito, kung kailan nangyari ang mga bagay na ito sa akin. Kung kinain ko ngayon ang handog para sa kasalanan, magiging kalugod-lugod ba iyon kay Jehova?” 20 Nang marinig iyon ni Moises, naintindihan na niya kung bakit iyon ginawa ni Aaron.

11 At sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: 2 “Sabihin ninyo sa mga Israelita, ‘Ito ang buháy na mga nilalang* sa lupa na puwede ninyong kainin:+ 3 lahat ng hayop na may biyak ang paa at may puwang sa pagitan ng biyak at ngumunguya ulit ng nakain na nito.

4 “‘Pero sa mga hayop na ngumunguya ulit ng nakain na nito o may biyak ang paa, ito ang mga hindi ninyo dapat kainin: ang kamelyo, na ngumunguya ulit ng nakain na nito pero walang biyak ang paa. Marumi ito para sa inyo.+ 5 Ang kuneho sa batuhan,+ dahil nginunguya nito ulit ang nakain na nito pero walang biyak ang paa. Marumi ito para sa inyo. 6 Ang kuneho, dahil nginunguya nito ulit ang nakain na nito pero walang biyak ang paa. Marumi ito para sa inyo. 7 At ang baboy,+ dahil may biyak ang paa nito at may puwang sa pagitan ng biyak, pero hindi nito nginunguya ulit ang nakain na nito. Marumi ito para sa inyo. 8 Huwag ninyong kakainin ang karne ng mga ito o hihipuin ang mga ito kapag patay na. Marumi ang mga ito para sa inyo.+

9 “‘Ito ang puwede ninyong kainin sa lahat ng nasa tubig: lahat ng nasa tubig na may palikpik at kaliskis, nasa dagat man o ilog.+ 10 Pero karima-rimarim* para sa inyo ang lahat ng nasa dagat at ilog na walang palikpik at kaliskis, mula sa lahat ng nagkukulumpong hayop* at iba pang buháy na nilalang* na nasa tubig. 11 Oo, dapat maging karima-rimarim sa inyo ang mga ito, at huwag ninyong kakainin ang laman ng mga ito+ at dapat kayong marimarim sa bangkay ng mga ito. 12 Lahat ng nasa tubig na walang palikpik at kaliskis ay karima-rimarim para sa inyo.

13 “‘Ito ang lumilipad na mga nilalang na dapat ninyong ituring na karima-rimarim; hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, dahil karima-rimarim ang mga ito: agila,+ lawing-dagat, itim na buwitre,+ 14 pulang lawin at lahat ng uri ng itim na lawin, 15 lahat ng uri ng uwak, 16 avestruz,* kuwago, gaviota,* lahat ng uri ng halkon,* 17 maliit na kuwago, kormoran, kuwagong may mahabang tainga, 18 sisne,* pelikano, buwitre, 19 siguana,* lahat ng uri ng tagak,* abubilya, at paniki. 20 Lahat ng may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon at* lumalakad gamit ang apat na paa ay karima-rimarim para sa inyo.

21 “‘Sa lahat ng may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon at lumalakad gamit ang apat na paa, ang puwede lang ninyong kainin ay ang mga insektong may mahahabang binti na panlukso sa lupa. 22 Ito ang mga puwede ninyong kainin: iba’t ibang uri ng nandarayuhang balang, iba pang nakakaing balang,+ kuliglig, at tipaklong. 23 Lahat ng iba pang may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon at may apat na paa* ay karima-rimarim para sa inyo. 24 Puwede kayong maging marumi dahil sa mga ito. Lahat ng humihipo sa mga ito kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi hanggang gabi.+ 25 Sinumang humawak sa patay na mga hayop na ito ay dapat maglaba ng mga damit niya;+ magiging marumi siya hanggang gabi.

26 “‘Anumang hayop na may biyak ang paa pero walang puwang sa pagitan ng biyak at hindi ngumunguya ulit ng nakain na nito ay marumi para sa inyo. Lahat ng humihipo sa mga ito ay magiging marumi.+ 27 Sa mga hayop na lumalakad gamit ang apat na paa, marumi para sa inyo ang lahat ng hayop na ang ipinanlalakad ay talampakan.* Lahat ng humihipo sa mga ito kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi hanggang gabi. 28 Sinumang bumuhat sa patay na mga hayop na ito ay dapat maglaba ng mga damit niya,+ at magiging marumi siya hanggang gabi.+ Ang mga ito ay marumi para sa inyo.

29 “‘Ito ang nagkukulumpong mga nilalang sa lupa na marumi para sa inyo: dagang naghuhukay, dagang tumatalon,+ lahat ng uri ng bayawak, 30 tuko, malaking bayawak, butiking-tubig, bayawak-buhangin, at hunyango. 31 Marumi para sa inyo ang nagkukulumpon na mga nilalang na ito.+ Lahat ng humihipo sa mga ito kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi hanggang gabi.+

32 “‘Anumang bagay na mahulugan ng mga ito kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi, iyon man ay kagamitang kahoy, damit, balat, o telang-sako. Anumang kagamitan iyon, dapat na ilubog iyon sa tubig at magiging marumi iyon hanggang gabi; pagkatapos, magiging malinis iyon. 33 Kung mahulog ang mga ito sa sisidlang luwad, dapat ninyo itong basagin; anumang nasa loob nito ay magiging marumi rin.+ 34 Anumang pagkaing malagyan ng tubig mula sa gayong sisidlan ay magiging marumi, at anumang inumin sa gayong sisidlan ay magiging marumi. 35 Anumang mahulugan ng patay na mga hayop na ito ay magiging marumi. Dapat basagin iyon, pugon man o maliit na lutuan. Marumi ang mga iyon at hindi na puwedeng maging malinis. 36 Gayunman, ang bukal at imbakan ng tubig na mahulugan ng mga ito ay mananatiling malinis, pero sinumang humipo sa patay na mga hayop na ito ay magiging marumi. 37 Kung mahulog ang patay na mga hayop na ito sa binhi na itatanim pa lang, iyon ay malinis. 38 Pero kung nalagyan na ng tubig ang binhi at nahulog doon ang anumang bahagi ng katawan ng patay na hayop, ang binhi ay marumi para sa inyo.

39 “‘Kung mamatay ang isang hayop na puwede ninyong kainin, sinumang humipo rito ay magiging marumi hanggang gabi.+ 40 Sinumang kumain ng anumang bahagi ng katawan ng patay na hayop na ito ay dapat maglaba ng mga damit niya, at magiging marumi siya hanggang gabi.+ Sinumang bumuhat dito ay dapat maglaba ng mga damit niya, at magiging marumi siya hanggang gabi. 41 Ang lahat ng nagkukulumpon na nilalang sa lupa ay karima-rimarim.+ Hindi iyon dapat kainin. 42 Hindi ninyo dapat kainin ang anumang nilalang na ipinanggagapang ang tiyan nito, anumang nilalang na lumalakad gamit ang apat na paa nito, o anumang nagkukulumpon na nilalang sa lupa na napakarami ng paa, dahil karima-rimarim ang mga iyon.+ 43 Huwag ninyong gawing karima-rimarim ang inyong sarili dahil sa anumang nagkukulumpon na nilalang, at huwag ninyong dungisan ang sarili ninyo at maging marumi dahil sa mga iyon.+ 44 Dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova,+ at dapat kayong manatiling malinis at maging banal,+ dahil ako ay banal.+ Kaya huwag ninyong parumihin ang inyong sarili dahil sa anumang nagkukulumpon na nilalang na gumagala sa lupa. 45 Dahil ako ay si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto para maging Diyos ako sa inyo,+ at dapat kayong maging banal,+ dahil ako ay banal.+

46 “‘Ito ang kautusan tungkol sa mga hayop, sa lumilipad na mga nilalang, sa lahat ng buháy na nilalang* na gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng buháy na nilalang* na nagkukulumpon sa lupa, 47 para maipakita ang pagkakaiba ng marumi at malinis at ng buháy na nilalang na puwedeng kainin at hindi puwedeng kainin.’”+

12 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung magdalang-tao ang isang babae at magsilang ng isang lalaki, magiging marumi siya nang pitong araw, gaya ng kalagayan niya kapag nireregla siya.+ 3 Sa ikawalong araw, tutuliin ang sanggol.+ 4 Patuloy niyang lilinisin ang sarili niya mula sa dugo sa sumunod na 33 araw. Hindi siya dapat humawak ng anumang banal na bagay, at hindi siya dapat pumasok sa banal na lugar hanggang sa matapos ang mga araw ng paglilinis niya sa sarili.

5 “‘Kung magsilang siya ng isang babae, magiging marumi siya nang 14 na araw, gaya ng kalagayan niya kapag nireregla siya. Patuloy niyang lilinisin ang sarili niya mula sa dugo sa sumunod na 66 na araw. 6 Kapag tapos na ang mga araw ng paglilinis niya sa sarili dahil sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, sa saserdote, ng isang batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog+ at isang inakáy ng kalapati o isang batubato bilang handog para sa kasalanan. 7 Ihahandog iyon ng saserdote sa harap ni Jehova at magbabayad-sala para sa kaniya, at magiging malinis siya mula sa pagdurugo niya. Ito ang kautusan tungkol sa babaeng nagsilang ng lalaki o babae. 8 Pero kung hindi niya kayang maghandog ng isang tupa, dapat siyang kumuha ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati,+ ang isa ay bilang handog na sinusunog at ang isa ay bilang handog para sa kasalanan, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya, at magiging malinis siya.’”

13 Sinabi pa ni Jehova kina Moises at Aaron: 2 “Kung ang isang tao ay magkaroon ng umbok, langib, o patse sa balat* at posible itong maging ketong,*+ dapat siyang dalhin kay Aaron na saserdote o sa isa sa mga anak nito, na mga saserdote.+ 3 Susuriin ng saserdote ang impeksiyon sa balat niya. Kung namuti ang balahibo sa bahaging iyon at tagos sa balat ang impeksiyon, iyon ay ketong. Susuriin iyon ng saserdote at ipahahayag siyang marumi. 4 Pero kung ang patse sa balat niya ay puti at hindi tagos sa balat at hindi namuti ang balahibo nito, ibubukod* ng saserdote ang taong may impeksiyon sa loob ng pitong araw.+ 5 Pagkatapos, susuriin siya ng saserdote sa ikapitong araw, at kung mukhang hindi lumala ang impeksiyon at hindi kumalat sa balat, ibubukod siya ng saserdote nang pitong araw pa.

6 “Dapat siyang suriing muli ng saserdote sa ikapitong araw, at kung bumabalik na sa dati nitong kulay ang naimpeksiyong bahagi at hindi kumalat sa balat, ipahahayag siyang malinis ng saserdote;+ langib lang iyon. Pagkatapos, lalabhan niya ang mga damit niya at magiging malinis siya. 7 Pero kung ang langib* ay kitang-kita na kumalat sa balat pagkatapos niyang humarap sa saserdote para maipahayag siyang malinis, haharap siyang muli* sa saserdote. 8 Susuriin ito ng saserdote, at kung kumalat sa balat ang langib, ipahahayag siyang marumi ng saserdote. Iyon ay ketong.+

9 “Kung magkaketong ang isang tao, dapat siyang dalhin sa saserdote, 10 at susuriin siya ng saserdote.+ Kung may puting umbok sa balat at pinaputi nito ang balahibo at may sariwang sugat+ sa umbok, 11 iyon ay malalang ketong, at ipahahayag siyang marumi ng saserdote. Hindi na siya ibubukod nito,+ dahil marumi siya. 12 Kung kumalat ang ketong sa balat ng isang tao at matakpan nito ang buong katawan niya, mula ulo hanggang paa, ang lahat ng makikita ng saserdote, 13 at sinuri siya ng saserdote at nakita nitong natakpan ng ketong ang buong katawan niya, ipahahayag nitong malinis* ang taong may ketong. Namuti itong lahat; malinis siya. 14 Pero kapag nagkaroon ito ng sariwang sugat, magiging marumi siya. 15 Kapag nakita ng saserdote ang sariwang sugat, ipahahayag siya nitong marumi.+ Marumi ang sariwang sugat. Iyon ay ketong.+ 16 Pero kapag namuti ulit* ang sariwang sugat, babalik siya sa saserdote. 17 Susuriin siya ng saserdote,+ at kung namuti ang impeksiyon, ipahahayag ng saserdote na malinis na ang taong may ketong. Siya ay malinis.

18 “Kung may tumubong pigsa sa balat ng isang tao at gumaling ito, 19 pero may tumubong puting umbok o puti at mamula-mulang patse sa bahagi ng balat na dating may pigsa, dapat siyang magpakita sa saserdote. 20 Susuriin ito ng saserdote,+ at kung tagos ito sa balat at namuti ang balahibo nito, ipahahayag siyang marumi ng saserdote. Iyon ay ketong na lumitaw sa pigsa. 21 Pero kung suriin ito ng saserdote at makita niyang wala itong puting balahibo at hindi ito tagos sa balat at maputla ito, ibubukod siya ng saserdote sa loob ng pitong araw.+ 22 At kung kitang-kita na kumalat ito sa balat, ipahahayag siyang marumi ng saserdote. Iyon ay ketong. 23 Pero kung hindi kumalat ang patse, iyon ay pamamaga lang dahil sa pigsa, at ipahahayag siyang malinis ng saserdote.+

24 “O kung masunog ang balat ng isang tao at magkasugat siya, at ang sariwang sugat ay maging puti at mamula-mulang patse o maging puting patse, 25 susuriin ito ng saserdote. Kung namuti ang balahibo sa patse at tagos ito sa balat, iyon ay ketong na lumitaw sa sugat, at ipahahayag siyang marumi ng saserdote. Iyon ay ketong. 26 Pero kung suriin ito ng saserdote at makita niyang walang puting balahibo sa patse at hindi ito tagos sa balat at maputla ito, ibubukod siya ng saserdote sa loob ng pitong araw.+ 27 Susuriin siya ng saserdote sa ikapitong araw, at kung kitang-kita na kumalat ito sa balat, ipahahayag siyang marumi ng saserdote. Iyon ay ketong. 28 Pero kung hindi kumalat sa balat ang patse at maputla ito, ito ay umbok lang sa sugat, at ipahahayag siyang malinis ng saserdote dahil pamamaga iyon ng sugat.

29 “Kung ang isang lalaki o babae ay magkaroon ng impeksiyon sa ulo o sa baba, 30 susuriin ito ng saserdote.+ Kung tagos ito sa balat at ang buhok doon ay madilaw at manipis, ipahahayag siyang marumi ng saserdote; iyon ay impeksiyon sa anit o sa balbas. Iyon ay ketong sa ulo o sa baba. 31 Pero kung makita ng saserdote na hindi tagos sa balat ang impeksiyon at walang itim na buhok doon, dapat ibukod ng saserdote ang taong iyon sa loob ng pitong araw.+ 32 Susuriin ng saserdote ang impeksiyon sa ikapitong araw, at kung hindi ito kumalat at hindi ito nagkaroon ng dilaw na buhok at hindi ito tagos sa balat, 33 dapat magpaahit ang taong iyon, pero hindi niya ipaaahit ang naimpeksiyong bahagi. At ibubukod siya ng saserdote sa loob ng pitong araw.

34 “Susuriin ulit ito ng saserdote sa ikapitong araw, at kung ang impeksiyon sa anit o sa balbas ay hindi kumalat sa balat at hindi tagos sa balat, ipahahayag siyang malinis ng saserdote, at dapat niyang labhan ang mga damit niya at siya ay magiging malinis. 35 Pero kung ang impeksiyon ay kitang-kita na kumalat sa balat pagkatapos niyang humarap sa saserdote para maipahayag siyang malinis, 36 susuriin siya ng saserdote, at kung kumalat ang impeksiyon sa balat, hindi na kailangang maghanap ng dilaw na buhok ang saserdote; ang taong iyon ay marumi. 37 Pero kung makita sa pagsusuri na hindi kumalat ang impeksiyon at may tumubong itim na buhok doon, gumaling na ang impeksiyon. Siya ay malinis, at ipahahayag siyang malinis ng saserdote.+

38 “Kung magkaroon ng mga patse sa balat* ang isang lalaki o babae at puti ang mga patse, 39 susuriin ng saserdote ang mga iyon.+ Kung ang mga patse sa balat ay maputlang puti, mga pantal lang iyon na lumitaw sa balat. Ang taong iyon ay malinis.

40 “Kung malugas ang buhok sa ulo ng isang tao at makalbo siya, malinis siya. 41 Kung malugas ang buhok niya sa harap ng ulo niya at makalbo iyon, malinis siya. 42 Pero kung may puti at mamula-mulang sugat na lumitaw sa kalbong bahagi ng kaniyang anit o noo, iyon ay ketong na lumitaw sa kaniyang anit o noo. 43 Susuriin siya ng saserdote, at kung puti at mamula-mula ang pamamaga ng impeksiyon sa kalbong bahagi sa tuktok ng ulo niya o sa noo niya at mukhang ketong iyon sa balat, 44 siya ay isang ketongin. Marumi siya, at dapat siyang ipahayag na marumi ng saserdote dahil sa ketong sa ulo niya. 45 Dapat punitin ng ketongin ang mga damit niya at pabayaang hindi nakaayos ang buhok* niya at dapat niyang takpan ang bigote niya at dapat siyang sumigaw, ‘Marumi, marumi!’ 46 Siya ay marumi hangga’t may ketong siya. Dahil marumi siya, dapat siyang bumukod ng tirahan. Sa labas ng kampo siya dapat tumira.+

47 “Kung magkaroon ng ketong ang isang damit, ito man ay lana o lino, 48 sa hiblang paayon man o hiblang pahalang ng lino o ng lana, o sa katad o sa anumang gawa sa katad, 49 at ang hitsura nito ay manilaw-nilaw na berde o mamula-mulang mantsa sa damit, katad, hiblang paayon, hiblang pahalang, o anumang bagay na gawa sa katad, iyon ay ketong, at dapat ipakita iyon sa saserdote. 50 Susuriin ng saserdote ang ketong, at ibubukod niya iyon sa loob ng pitong araw.+ 51 Kapag sinuri niya ang ketong sa ikapitong araw at nakita niyang kumalat ito sa damit, sa hiblang paayon, sa hiblang pahalang, o sa katad (saanman ginagamit ang katad), iyon ay malalang ketong, at marumi iyon.+ 52 Dapat niyang sunugin ang damit, ang hiblang paayon o hiblang pahalang sa lana o sa lino, o ang anumang bagay na gawa sa katad na nagkaroon ng ketong, dahil iyon ay malalang ketong. Dapat sunugin iyon.

53 “Pero kapag sinuri iyon ng saserdote at hindi kumalat ang ketong sa damit, sa hiblang paayon, sa hiblang pahalang, o sa anumang bagay na gawa sa katad, 54 uutusan sila ng saserdote na labhan ang gamit na may ketong, at ibubukod niya iyon nang pitong araw pa. 55 Pagkatapos malabhang mabuti, susuriin iyon ng saserdote. Kung hindi nagbago ang hitsura ng ketong, kahit hindi ito kumalat, marumi iyon. Dapat mong sunugin iyon dahil kinain na ng ketong ang loob o labas na bahagi nito.

56 “Pero kapag sinuri iyon ng saserdote at naging maputla ang hitsura ng bahaging may ketong pagkatapos malabhang mabuti, pupunitin niya iyon mula sa damit o sa katad o sa hiblang paayon o sa hiblang pahalang. 57 Pero kung lumitaw iyon sa iba pang bahagi ng damit o sa hiblang paayon o sa hiblang pahalang o sa anumang bagay na gawa sa katad, iyon ay kumakalat, at dapat mong sunugin ang anumang gamit na may ketong.+ 58 Pero kung mawala ang ketong sa damit o sa hiblang paayon o sa hiblang pahalang o sa anumang bagay na gawa sa katad na nilabhan mo, dapat mong labhan iyon sa ikalawang pagkakataon, at iyon ay magiging malinis.

59 “Ito ang kautusan tungkol sa ketong sa damit na yari sa lana o lino, o sa hiblang paayon o hiblang pahalang, o sa anumang bagay na gawa sa katad, para maipahayag iyon na malinis o marumi.”

14 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Ito ang kautusan tungkol sa ketongin sa araw na ipahahayag siyang malinis, kapag dinala siya sa saserdote.+ 3 Ang saserdote ay pupunta sa labas ng kampo para suriin siya. Kung gumaling na ang ketongin, 4 uutusan siya ng saserdote na magdala ng dalawang buháy at malilinis na ibon, kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo para sa paglilinis sa kaniya.+ 5 Iuutos ng saserdote na patayin ang isang ibon sa ibabaw ng isang sisidlang luwad na may sariwang tubig. 6 Pero kukunin niya ang buháy na ibon pati na ang kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo, at isasawsaw ang mga iyon sa sariwang tubig na may halong dugo ng pinatay na ibon. 7 Pagkatapos, pitong ulit niya itong patutuluin sa taong naglilinis ng sarili niya mula sa ketong at ipahahayag niya siyang malinis, at pakakawalan niya sa parang ang buháy na ibon.+

8 “Dapat labhan ng taong naglilinis ng sarili niya ang kaniyang mga damit at ahitin ang lahat ng buhok niya at dapat siyang maligo sa tubig, at siya ay magiging malinis. Pagkatapos, puwede na siyang pumasok sa kampo, pero mananatili muna siya nang pitong araw sa labas ng tolda niya. 9 Sa ikapitong araw, dapat niyang ahitin ang lahat ng buhok niya sa ulo at baba, pati kilay. Pagkatapos ahitin ang lahat ng buhok niya, lalabhan niya ang mga damit niya at maliligo siya, at siya ay magiging malinis.

10 “Sa ikawalong araw, kukuha siya ng dalawang malulusog na batang lalaking tupa, isang malusog na babaeng kordero*+ na hindi lalampas ng isang taóng gulang, tatlong-ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil,+ at isang takal na log* ng langis;+ 11 at ang taong iyon na naglilinis ng sarili niya at ang mga handog niya ay dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at ihaharap kay Jehova ng saserdoteng naghayag na malinis na siya. 12 Kukunin ng saserdote ang isang batang lalaking tupa at iaalay iyon bilang handog para sa pagkakasala+ kasama ang isang takal na log ng langis, at igagalaw niya ang mga iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova.+ 13 At papatayin niya ang batang lalaking tupa kung saan karaniwang pinapatay ang handog para sa kasalanan at handog na sinusunog,+ sa isang banal na lugar, dahil tulad ng handog para sa kasalanan, ang handog para sa pagkakasala ay mapupunta sa saserdote.+ Iyon ay kabanal-banalang bagay.+

14 “At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog para sa pagkakasala, at ilalagay iyon ng saserdote sa pingol* ng kanang tainga ng taong naglilinis ng sarili niya at sa hinlalaki ng kanang kamay nito at sa hinlalaki ng kanang paa nito. 15 At ang saserdote ay kukuha ng kaunti mula sa isang takal na log ng langis+ at ibubuhos iyon sa kaliwang palad niya. 16 Pagkatapos, isasawsaw ng saserdote ang kanang daliri niya sa langis na nasa kaliwang palad niya at patutuluin nang pitong ulit sa harap ni Jehova ang langis na nasa daliri niya. 17 At kukuha ang saserdote ng kaunti mula sa natirang langis na nasa palad niya at ilalagay ito sa pingol ng kanang tainga ng taong naglilinis ng sarili niya at sa hinlalaki ng kanang kamay nito at sa hinlalaki ng kanang paa nito kung saan din inilagay ang dugo ng handog para sa pagkakasala. 18 Ang natitirang langis sa palad ng saserdote ay ilalagay niya sa ulo ng taong naglilinis ng sarili niya, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova.+

19 “Iaalay ng saserdote ang handog para sa kasalanan+ at magbabayad-sala para sa taong naglilinis ng sarili niya mula sa karumihan, at pagkatapos ay papatayin niya ang handog na sinusunog. 20 At iaalay ng saserdote ang handog na sinusunog at ang handog na mga butil+ sa ibabaw ng altar, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya,+ at magiging malinis siya.+

21 “Pero kung mahirap siya at walang sapat na kakayahan, kukuha siya ng isang batang lalaking tupa bilang handog para sa pagkakasala, na isang handog na iginagalaw* at magsisilbing pambayad-sala para sa sarili niya, gayundin ng ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil, isang takal na log ng langis, 22 at dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati, ayon sa kakayahan niya. Ang isa ay handog para sa kasalanan, at ang isa pa ay handog na sinusunog.+ 23 Sa ikawalong araw,+ dadalhin niya ang mga iyon sa saserdote sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harap ni Jehova para maipahayag siyang malinis.+

24 “Kukunin ng saserdote ang batang lalaking tupa na handog para sa pagkakasala+ at ang isang takal na log ng langis, at ang mga iyon ay igagalaw ng saserdote nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova.+ 25 Pagkatapos, papatayin niya ang batang lalaking tupa na handog para sa pagkakasala, at ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog para sa pagkakasala at ilalagay iyon sa pingol ng kanang tainga ng taong naglilinis ng sarili niya at sa hinlalaki ng kanang kamay nito at sa hinlalaki ng kanang paa nito.+ 26 Ang saserdote ay magbubuhos ng langis sa kaliwang palad niya,+ 27 at gamit ang kanang daliri niya, patutuluin niya nang pitong ulit sa harap ni Jehova ang langis na nasa kaliwang palad niya. 28 At kukuha ang saserdote ng kaunti mula sa langis na nasa palad niya at ilalagay ito sa pingol ng kanang tainga ng taong naglilinis ng sarili niya at sa hinlalaki ng kanang kamay nito at sa hinlalaki ng kanang paa nito kung saan din niya inilagay ang dugo ng handog para sa pagkakasala. 29 Ang natitirang langis sa palad ng saserdote ay ilalagay niya sa ulo ng taong naglilinis ng sarili niya para makapagbayad-sala sa harap ni Jehova para sa kaniya.

30 “Ihahandog niya ang mga batubato o mga inakáy ng kalapati, na ayon sa kakayahan niya,+ 31 ang kaya niyang ibigay, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa pa bilang handog na sinusunog+ kasama ng handog na mga butil; at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa taong naglilinis ng sarili niya sa harap ni Jehova.+

32 “Ito ang kautusan para sa taong gumaling sa ketong pero walang kakayahang ibigay ang mga kahilingan para maipahayag siyang malinis.”

33 Sinabi pa ni Jehova kina Moises at Aaron: 34 “Kapag pumasok kayo sa Canaan,+ na ibinibigay ko sa inyo bilang pag-aari,+ at sinalot ko ng ketong ang isang bahay sa inyong lupain,+ 35 ang may-ari ng bahay ay dapat pumunta sa saserdote para sabihin, ‘Parang may lumitaw na ketong sa bahay ko.’ 36 Iuutos ng saserdote na alisin ang laman ng bahay bago siya pumunta roon para suriin ang salot, para hindi niya ipahayag na marumi ang lahat ng nasa bahay; at pagkatapos ay papasok ang saserdote para suriin ang bahay. 37 Susuriin niya ang bahagi kung saan lumitaw ang salot, at kung ang mga dingding ng bahay ay may mga uka na manilaw-nilaw na berde o mamula-mula at mukhang tagos sa palitada ng dingding, 38 lalabas ang saserdote sa pintuan ng bahay at isasara* ang bahay nang pitong araw.+

39 “Pagkatapos, babalik ang saserdote sa ikapitong araw at susuriin iyon. Kung kumalat ang salot sa mga dingding ng bahay, 40 magbibigay ng utos ang saserdote, at tatanggalin nila ang mga bato kung saan lumitaw ang salot at itatapon ang mga iyon sa isang maruming lugar sa labas ng lunsod. 41 Dapat niyang ipakayod na mabuti ang loob ng bahay, at ang tinanggal na palitada at argamasa* ay dapat itapon sa isang maruming lugar sa labas ng lunsod. 42 Pagkatapos, papalitan nila ng bagong mga bato ang tinanggal na mga bato, at gagamit siya ng bagong argamasa at papalitadahan ang bahay.

43 “Pero kung bumalik ang salot sa bahay pagkatapos tanggalin ang mga bato at kayurin at palitadahang muli ang bahay, 44 pupuntahan iyon ng saserdote para suriin. Kung kumalat ang salot sa bahay, iyon ay malalang ketong+ sa bahay. Marumi ang bahay. 45 Dapat niyang ipagiba ang bahay—ang mga bato, mga tabla, at lahat ng palitada at argamasa ng bahay—at ipatapon sa isang maruming lugar sa labas ng lunsod.+ 46 Sinumang pumasok sa bahay sa panahong ipinasara* iyon+ ay magiging marumi hanggang gabi;+ 47 at sinumang matulog sa loob ng bahay ay dapat maglaba ng mga damit niya, at sinumang kumain sa loob ng bahay ay dapat maglaba ng mga damit niya.

48 “Pero kung pumunta ang saserdote at makita niyang hindi kumalat ang salot sa bahay matapos itong palitadahang muli, ipahahayag ng saserdote na malinis ang bahay dahil nawala ang salot. 49 Para maging malinis ang bahay mula sa karumihan,* kukuha siya ng dalawang ibon, kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo.+ 50 Papatayin niya ang isang ibon sa ibabaw ng isang sisidlang luwad na may sariwang tubig. 51 At kukunin niya ang kahoy ng sedro, isopo, matingkad-na-pulang sinulid, at buháy na ibon at isasawsaw ang mga iyon sa sariwang tubig na may halong dugo ng pinatay na ibon, at patutuluin niya iyon sa bahay nang pitong ulit.+ 52 At lilinisin niya ang bahay mula sa karumihan* sa pamamagitan ng dugo ng ibon, sariwang tubig, buháy na ibon, kahoy ng sedro, isopo, at matingkad-na-pulang sinulid. 53 At pakakawalan niya ang buháy na ibon sa parang sa labas ng lunsod, at magbabayad-sala siya para sa bahay, at iyon ay magiging malinis.

54 “Ito ang kautusan tungkol sa anumang kaso ng ketong, impeksiyon sa anit o balbas,+ 55 ketong sa damit+ o bahay,+ 56 at tungkol sa mga umbok, langib, at patse,+ 57 para matukoy kung marumi o malinis ang isang bagay.+ Ito ang kautusan tungkol sa ketong.”+

15 Sinabi pa ni Jehova kina Moises at Aaron: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung may lumalabas na malapot na likido sa ari* ng isang lalaki, nagiging marumi siya dahil dito.+ 3 Marumi siya dahil sa malapot na likido; marumi siya, iyon man ay patuloy na lumalabas sa ari niya o bumabara.

4 “‘Magiging marumi ang anumang mahigaan ng lalaking may gayong sakit, at magiging marumi ang anumang maupuan niya. 5 Sinumang madikit sa higaan ng lalaking may sakit ay dapat maglaba ng mga damit at maligo sa tubig, at magiging marumi siya hanggang gabi.+ 6 Sinumang maupo sa inupuan ng lalaking may sakit ay dapat maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 7 Sinumang madikit sa katawan ng lalaking may sakit ay dapat maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 8 Kung duraan ng lalaking may sakit ang sinumang malinis, dapat siyang maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 9 Anumang síya* na maupuan ng lalaking may sakit ay magiging marumi. 10 Sinumang madikit sa anumang bagay na inupuan niya ay magiging marumi hanggang gabi, at sinumang bumuhat ng mga bagay na iyon ay maglalaba ng mga damit at maliligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 11 Kung ang lalaking may sakit+ ay hindi maghugas ng kamay at mahawakan niya ang iba, ang taong iyon ay dapat maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 12 Ang sisidlang luwad na mahawakan ng lalaking may sakit ay dapat basagin, at anumang sisidlang kahoy ay dapat hugasan.+

13 “‘Kung huminto ang paglabas ng malapot na likido at gumaling ang lalaking may sakit, bibilang siya ng pitong araw para sa paglilinis sa kaniya, at dapat siyang maglaba ng mga damit niya at maligo sa sariwang tubig, at siya ay magiging malinis.+ 14 Sa ikawalong araw, dapat siyang kumuha ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati,+ at pupunta siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harap ni Jehova at ibibigay ang mga iyon sa saserdote. 15 At iaalay ng saserdote ang mga iyon, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa pa bilang handog na sinusunog, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova dahil sa karumihan niya.

16 “‘Kung labasan ng semilya ang isang lalaki, dapat niyang paliguan ang buong katawan niya, at magiging marumi siya hanggang gabi.+ 17 Dapat niyang linisin ng tubig ang anumang damit at katad na malagyan ng semilya, at magiging marumi iyon hanggang gabi.

18 “‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang babae at labasan siya ng semilya, dapat silang maligo, at magiging marumi sila hanggang gabi.+

19 “‘Kung may lumalabas na dugo sa isang babae dahil sa pagreregla, mananatili siyang marumi sa loob ng pitong araw.+ Sinumang madikit sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.+ 20 Anumang mahigaan niya habang marumi siya dahil sa pagreregla ay magiging marumi, at ang lahat ng maupuan niya ay magiging marumi.+ 21 Sinumang madikit sa higaan niya ay dapat maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 22 Sinumang madikit sa anumang bagay na inupuan niya ay dapat maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi. 23 Kung umupo siya sa higaan o sa iba pang bagay, ang taong madikit dito ay magiging marumi hanggang gabi.+ 24 At kung ang isang lalaki ay sumiping sa kaniya at maging marumi dahil sa dugo ng pagreregla niya,+ magiging marumi ang lalaki sa loob ng pitong araw, at anumang mahigaan nito ay magiging marumi.

25 “‘Kung may lumalabas na dugo sa isang babae sa loob ng maraming araw+ kahit hindi naman panahon ng pagreregla niya,+ o kung mas matagal ang pagreregla niya kaysa sa karaniwan, magiging marumi siya sa buong panahong may lumalabas na dugo sa kaniya, gaya ng mga araw ng pagiging marumi niya dahil sa pagreregla. 26 Anumang mahigaan niya sa panahong may lumalabas na dugo sa kaniya ay magiging tulad ng higaan niya habang marumi siya dahil sa pagreregla,+ at anumang bagay na maupuan niya ay magiging marumi, gaya ng nangyayari kapag marumi siya dahil sa pagreregla. 27 Sinumang madikit sa mga iyon ay magiging marumi, at dapat siyang maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi.+

28 “‘Pero kapag tumigil na ang paglabas ng dugo niya, bibilang pa siya ng pitong araw, at pagkatapos ay magiging malinis siya.+ 29 Sa ikawalong araw, dapat siyang kumuha ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati,+ at dadalhin niya ang mga iyon sa saserdote sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 30 Iaalay ng saserdote ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa pa bilang handog na sinusunog, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova dahil sa karumihan niya.+

31 “‘Dapat ninyong tulungan ang mga Israelita na maging malinis para hindi nila madumhan ang aking tabernakulo, na nasa gitna nila, at mamatay sila dahil dito.+

32 “‘Ito ang kautusan tungkol sa lalaking may lumalabas na malapot na likido, sa lalaking marumi dahil sa paglabas ng semilya,+ 33 sa babaeng nagiging marumi dahil sa pagreregla,+ sa sinumang lalaki o babaeng may sakit dahil may lumalabas sa ari nila,+ at sa lalaking sumisiping sa isang babaeng marumi ayon sa Kautusan.’”

16 Kinausap ni Jehova si Moises matapos mamatay ang dalawang anak ni Aaron dahil sa paglapit nila kay Jehova.+ 2 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag basta papasok nang anumang oras sa banal na lugar+ sa loob ng kurtina,+ sa harap ng pantakip na nasa ibabaw ng Kaban, para hindi siya mamatay,+ dahil magpapakita ako sa ibabaw ng pantakip+ sa pamamagitan ng isang ulap.+

3 “Ito ang dapat dalhin ni Aaron kapag pumapasok siya sa banal na lugar: isang batang toro* bilang handog para sa kasalanan+ at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.+ 4 Dapat niyang isuot ang banal na mahabang damit na lino,+ pati na ang panloob* na lino,+ at dapat niyang isuot ang pamigkis na lino+ at isuot sa ulo ang espesyal na turbanteng lino.+ Ang mga iyon ay banal na kasuotan.+ Maliligo siya+ bago niya isuot ang mga iyon.

5 “Dapat siyang kumuha mula sa bayan ng Israel+ ng dalawang batang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.

6 “At ihaharap ni Aaron ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili, at magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili+ at sa kaniyang sambahayan.

7 “Pagkatapos, kukunin niya ang dalawang kambing at dadalhin ang mga iyon sa harap ni Jehova sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 8 Magpapalabunutan si Aaron para sa dalawang kambing, ang isang mabubunot ay para kay Jehova at ang isa pa ay para kay Azazel.* 9 Ang kambing na nabunot+ para kay Jehova ay ihaharap ni Aaron bilang handog para sa kasalanan. 10 Pero ang nabunot na kambing para kay Azazel ay dapat dalhing buháy sa harap ni Jehova para maisagawa rito ang seremonya ng pagbabayad-sala at mapakawalan sa ilang para kay Azazel.+

11 “Ihaharap ni Aaron ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili, at magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili at sa kaniyang sambahayan; pagkatapos, papatayin niya ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili.+

12 “At kukunin niya ang lalagyan ng baga*+ na punô ng baga mula sa altar+ sa harap ni Jehova at ang dalawang dakot ng pinong mabangong insenso,+ at dadalhin niya ang mga iyon sa loob ng kurtina.+ 13 Ilalagay rin niya ang insenso sa ibabaw ng baga sa harap ni Jehova,+ at ang usok ng insenso ay babalot sa pantakip ng Kaban,+ na nasa ibabaw ng Patotoo,+ para hindi siya mamatay.

14 “Kukuha siya ng dugo ng toro+ at isasawsaw niya rito ang daliri niya at patutuluin ito sa harap ng pantakip sa silangang bahagi, at gamit ang daliri niya, patutuluin niya ang dugo nang pitong ulit sa harap ng pantakip.+

15 “Pagkatapos, papatayin niya ang kambing na handog para sa kasalanan, na para sa bayan,+ at dadalhin niya ang dugo nito sa loob ng kurtina+ at gagawin din sa dugo nito+ ang ginawa niya sa dugo ng toro; patutuluin niya iyon sa harap ng pantakip.

16 “Dapat siyang magbayad-sala para sa banal na lugar dahil sa karumihang ginagawa ng mga Israelita at dahil sa mga pagsuway at kasalanan nila,+ at iyan ang dapat niyang gawin para sa tolda ng pagpupulong, na nasa gitna nila na gumagawa ng karumihan.

17 “Dapat na walang ibang tao sa loob ng tolda ng pagpupulong mula sa pagpasok niya para magbayad-sala sa banal na lugar hanggang sa paglabas niya. Magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili at sa kaniyang sambahayan+ at para sa buong kongregasyon ng Israel.+

18 “At lalabas siya papunta sa altar,+ na nasa harap ni Jehova, at magbabayad-sala siya para doon, at kukuha siya ng dugo ng toro at dugo ng kambing at ipapahid iyon sa lahat ng sungay ng altar. 19 Isasawsaw niya ang daliri niya sa dugo at patutuluin iyon nang pitong ulit sa ibabaw nito at lilinisin ito at pababanalin mula sa mga karumihang ginawa ng mga Israelita.

20 “Kapag natapos na niya ang pagbabayad-sala+ para sa banal na lugar, sa tolda ng pagpupulong, at sa altar,+ ihaharap din niya ang buháy na kambing.+ 21 Ipapatong ni Aaron ang dalawang kamay niya sa ulo ng buháy na kambing at ipagtatapat sa ibabaw nito ang lahat ng pagkakamali ng mga Israelita at lahat ng pagsuway nila at lahat ng kasalanan nila, at ilalagay niya ang mga iyon sa ulo ng kambing+ at ibibigay ito sa taong naatasang* magdala nito sa ilang. 22 Pakakawalan niya ang kambing, at dadalhin ng kambing sa ilang+ ang lahat ng kasalanan nila.+

23 “Pagkatapos, papasok si Aaron sa tolda ng pagpupulong at huhubarin ang mga kasuotang lino na isinuot niya nang pumasok siya sa banal na lugar, at ilalapag niya roon ang mga iyon. 24 Maliligo siya+ sa isang banal na lugar at isusuot ang mga kasuotan niya;+ at lalabas siya at iaalay ang kaniyang handog na sinusunog+ at ang handog na sinusunog ng bayan+ at magbabayad-sala para sa kaniyang sarili at sa bayan.+ 25 Susunugin niya ang taba ng handog para sa kasalanan para pumailanlang mula sa altar ang usok.

26 “Ang taong nagpakawala sa kambing para kay Azazel+ ay dapat maglaba ng mga kasuotan at maligo, at pagkatapos ay makakapasok na siya sa kampo.

27 “At dadalhin sa labas ng kampo ang toro na handog para sa kasalanan at ang kambing na handog para sa kasalanan, mga handog na ang dugo ay ipinasok sa banal na lugar bilang pambayad-sala, at susunugin ang balat, laman, at dumi ng mga iyon.+ 28 Ang nagsunog ng mga iyon ay dapat maglaba ng mga kasuotan at maligo, at pagkatapos ay makakapasok na siya sa kampo.

29 “Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo: Sa ika-10 araw ng ikapitong buwan, dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili,* at huwag gagawa ng anumang trabaho ang sinuman,+ katutubo man o dayuhan na naninirahang kasama ninyo. 30 Sa araw na ito, gagawin ang pagbabayad-sala+ para sa inyo, para maipahayag kayong malinis. Magiging malinis kayo mula sa lahat ng kasalanan ninyo sa harap ni Jehova.+ 31 Ito ay isang sabbath, isang espesyal na araw ng pamamahinga para sa inyo, at dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili.+ Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda.

32 “Ang saserdote na pinahiran ng langis+ at inatasan* para maglingkod bilang saserdote+ na kahalili ng ama niya+ ay magbabayad-sala, at isusuot niya ang mga kasuotang lino,+ ang banal na kasuotan.+ 33 Magbabayad-sala siya para sa banal na santuwaryo,+ sa tolda ng pagpupulong,+ at sa altar;+ at magbabayad-sala siya para sa mga saserdote at para sa buong kongregasyon ng Israel.+ 34 Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo,+ ang pagbabayad-sala minsan sa isang taon para sa mga Israelita may kinalaman sa lahat ng kasalanan nila.”+

Kaya ginawa niya ang iniutos ni Jehova kay Moises.

17 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya at sa lahat ng Israelita, ‘Ito ang iniutos ni Jehova:

3 “‘“Kung may sinuman sa sambahayan ng Israel na pumatay ng toro* o ng batang lalaking tupa o ng kambing sa loob ng kampo o kung patayin niya iyon sa labas ng kampo 4 sa halip na dalhin iyon sa pasukan ng tolda ng pagpupulong para iharap bilang handog kay Jehova sa harap ng tabernakulo ni Jehova, nagkasala sa dugo ang taong iyon. Pumatay siya,* kaya ang taong iyon ay dapat patayin. 5 Sa gayon, ang mga handog ng mga Israelita para kay Jehova ay hindi na nila papatayin sa parang, kundi dadalhin na nila sa saserdote sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Iaalay nila ang mga ito bilang mga haing pansalo-salo para kay Jehova.+ 6 At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng altar ni Jehova sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at susunugin niya ang taba para pumailanlang ang usok nito, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 7 Sa gayon, hindi na sila mag-aalay ng mga handog sa tulad-kambing na mga demonyo*+ at sasamba* sa mga iyon.+ Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo, sa lahat ng henerasyon ninyo.”’

8 “Dapat mong sabihin sa kanila, ‘Sinuman sa sambahayan ng Israel o sinumang dayuhan na naninirahang kasama ninyo na mag-alay ng handog na sinusunog o ng hain 9 at hindi iyon dinala sa pasukan ng tolda ng pagpupulong para ihandog kay Jehova ay dapat patayin.+

10 “‘Kung ang sinuman sa sambahayan ng Israel o sinumang dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay kumain ng anumang uri ng dugo,+ tiyak na itatakwil ko ang* taong* kumain ng dugo, at papatayin ko siya. 11 Dahil ang buhay* ng isang nilikha ay nasa dugo,+ at ako mismo ang naglagay nito sa ibabaw ng altar+ para makapagbayad-sala kayo para sa inyong sarili,* dahil ang dugo ang nagbabayad-sala+ dahil sa buhay* na naroon. 12 Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi sa mga Israelita: “Hindi dapat kumain ng dugo ang sinuman* sa inyo, at hindi dapat kumain ng dugo+ ang sinumang dayuhan na naninirahang kasama ninyo.”+

13 “‘Kung may isang Israelita o dayuhan na naninirahang kasama ninyo na nangaso at nakahuli ng isang mailap na hayop o isang ibon na puwedeng kainin, dapat niyang patuluin ang dugo nito+ at tabunan ng lupa. 14 Dahil ang buhay* ng bawat nilikha ay ang dugo nito, dahil naroon ang buhay.* Kaya sinasabi ko sa mga Israelita: “Huwag ninyong kakainin ang dugo ng bawat uri ng nilikha dahil ang buhay* nito ay ang dugo nito. Ang sinumang kumain ng dugo nito ay papatayin.”+ 15 Kung ang sinuman,* katutubo man o dayuhan, ay kumain ng hayop na natagpuang patay o nilapa ng mabangis na hayop,+ dapat siyang maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi;+ pagkatapos, siya ay magiging malinis. 16 Pero kung hindi niya lalabhan ang mga iyon at hindi siya maliligo, mananagot siya dahil sa kasalanan niya.’”+

18 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ako ang Diyos ninyong si Jehova.+ 3 Huwag ninyong gagayahin ang ginagawa ng mga tao sa Ehipto, na tinirhan ninyo noon, at huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga tao sa Canaan, kung saan ko kayo dadalhin.+ Huwag kayong susunod sa kanilang mga batas. 4 Dapat ninyong isagawa ang aking mga hudisyal na pasiya, at dapat ninyong sundin ang mga batas ko at mamuhay kaayon ng mga ito.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova. 5 Dapat ninyong sundin ang aking mga batas at hudisyal na pasiya; sinumang gagawa nito ay mabubuhay dahil sa mga iyon.+ Ako si Jehova.

6 “‘Hindi dapat makipagtalik* ang sinuman sa inyo sa kaniyang malapit na kamag-anak.+ Ako si Jehova. 7 Huwag kang makikipagtalik sa iyong ama, at huwag kang makikipagtalik sa iyong ina. Siya ay iyong ina, at huwag kang makikipagtalik sa kaniya.

8 “‘Huwag kang makikipagtalik sa asawa ng iyong ama.+ Mailalagay nito sa kahihiyan ang iyong ama.*

9 “‘Huwag kang makikipagtalik sa kapatid mong babae, anak man siya ng iyong ama o ng iyong ina, ipinanganak man kayo sa iisang sambahayan o hindi.+

10 “‘Huwag kang makikipagtalik sa apo mong babae, anak man siya ng anak mong lalaki o babae, dahil magdadala ito ng kahihiyan sa iyo.*

11 “‘Huwag kang makikipagtalik sa anak na babae ng asawa ng iyong ama, na anak ng iyong ama, dahil kapatid mo siya.

12 “‘Huwag kang makikipagtalik sa kapatid na babae ng iyong ama. Siya ay kadugo ng iyong ama.+

13 “‘Huwag kang makikipagtalik sa kapatid na babae ng iyong ina, dahil kadugo siya ng iyong ina.

14 “‘Huwag mong ilalagay sa kahihiyan ang* kapatid na lalaki ng iyong ama dahil sa pakikipagtalik sa asawa nito. Siya ay iyong tiya.+

15 “‘Huwag kang makikipagtalik sa manugang mong babae.+ Asawa siya ng anak mong lalaki, kaya huwag kang makikipagtalik sa kaniya.

16 “‘Huwag kang makikipagtalik sa asawa ng kapatid mong lalaki,+ dahil mailalagay nito sa kahihiyan ang kapatid mong lalaki.*

17 “‘Huwag kang makikipagtalik sa isang babae at sa anak niyang babae.+ Huwag kang makikipagtalik sa apo niyang babae, anak man ito ng anak niyang lalaki o babae. Sila ay malapit niyang mga kamag-anak; iyon ay mahalay na paggawi.*

18 “‘Huwag mong kukunin bilang karagdagang asawa* ang kapatid na babae ng asawa mo+ at makipagtalik dito habang buháy pa ang asawa mo.

19 “‘Huwag kang makikipagtalik sa isang babae habang marumi siya dahil sa pagreregla.+

20 “‘Huwag kang makikipagtalik sa asawang babae ng iyong kapuwa;* magiging marumi ka dahil dito.+

21 “‘Huwag mong hahayaang maialay kay Molec ang sinuman sa iyong mga supling.+ Huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Diyos sa gayong paraan.+ Ako si Jehova.

22 “‘Huwag kang sisiping sa kapuwa mo lalaki, kung paanong sumisiping ka sa isang babae.*+ Iyon ay kasuklam-suklam na gawain.

23 “‘Ang isang lalaki ay hindi dapat makipagtalik sa isang hayop at maging marumi dahil dito; ang isang babae ay hindi rin dapat lumapit sa isang hayop para makipagtalik dito.+ Iyon ay paglabag sa kung ano ang likas.

24 “‘Huwag kayong magpakarumi sa paggawa ng alinman sa mga ito, dahil ang mga bansang palalayasin ko sa harap ninyo ay nagpapakarumi dahil sa mga bagay na ito.+ 25 Kaya marumi ang lupain, at paparusahan ko ang mga nakatira dito dahil sa kasalanan nila, at isusuka sila ng lupain.+ 26 Pero dapat ninyong sundin ang aking mga batas at hudisyal na pasiya,+ at huwag gagawin ng sinuman ang alinman sa kasuklam-suklam na mga bagay na ito, katutubo man siya o dayuhan na naninirahang kasama ninyo.+ 27 Dahil ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ito ay ginawa ng mga tao na naunang tumira sa inyo sa lupain,+ kaya marumi ang lupain. 28 Sa gayon, dahil hindi ninyo pinarumi ang lupain, hindi kayo isusuka nito kung paanong isusuka nito ang mga bansa na nauna sa inyo. 29 Kung gagawin ng sinuman ang alinman sa kasuklam-suklam na mga bagay na ito, ang lahat ng gumagawa nito ay dapat patayin. 30 Tuparin ninyo ang obligasyon ninyo sa akin at huwag ninyong gagawin ang alinman sa kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga nauna sa inyo,+ para hindi kayo maging marumi dahil sa mga iyon. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.’”

19 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa buong bayan ng Israel, ‘Dapat kayong maging banal, dahil ako, ang Diyos ninyong si Jehova, ay banal.+

3 “‘Dapat igalang* ng bawat isa sa inyo ang kaniyang ina at ama,+ at dapat ninyong sundin ang batas ko sa mga sabbath.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova. 4 Huwag kayong sasamba sa walang-silbing mga diyos+ o gagawa para sa inyong sarili ng mga diyos na yari sa tinunaw na metal.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

5 “‘Kung mag-aalay kayo ng haing pansalo-salo para kay Jehova,+ dapat ninyong ialay iyon sa tamang paraan para sang-ayunan kayo.+ 6 Dapat itong kainin sa araw na ihain ninyo ito hanggang kinabukasan, pero ang matitira sa ikatlong araw ay dapat sunugin.+ 7 Ang matitira sa ikatlong araw ay marumi na, kaya kung may sinumang kumain nito, hindi na magiging katanggap-tanggap ang hain. 8 Ang kakain nito ay mananagot sa kasalanan niya dahil nilapastangan niya ang banal na bagay ni Jehova, at ang taong* iyon ay dapat patayin.

9 “‘Kapag umaani kayo sa inyong lupain, huwag mong gagapasin ang lahat ng nasa gilid ng iyong bukid at huwag mong pupulutin ang natira* sa iyong ani.+ 10 Huwag mo ring pipitasin ang mga natira sa iyong ubasan o pupulutin ang nangalat na mga ubas sa iyong ubasan. Dapat mong iwan ang mga iyon para sa mahihirap*+ at dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

11 “‘Huwag kayong magnanakaw,+ huwag kayong manlilinlang,+ at huwag ninyong dadayain ang kapuwa ninyo. 12 Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko para sumumpa nang may kasinungalingan,+ dahil malalapastangan ang pangalan ng iyong Diyos. Ako si Jehova. 13 Huwag mong dadayain ang kapuwa mo,+ at huwag kang magnanakaw.+ Ang pagbabayad sa upahang trabahador ay huwag mong ipagpapaliban nang buong magdamag hanggang umaga.+

14 “‘Huwag mong susumpain ang taong bingi, at huwag kang maglalagay ng halang sa harap ng taong bulag,+ at dapat kang matakot sa iyong Diyos.+ Ako si Jehova.

15 “‘Huwag kayong hahatol nang di-makatarungan. Huwag mong kakampihan ang mahihirap o papaboran ang mayayaman.+ Dapat kang maging makatarungan sa paghatol sa iyong kapuwa.

16 “‘Huwag kang lilibot sa iyong bayan para magkalat ng ikasisirang-puri ng iba.+ Huwag mong isasapanganib* ang buhay* ng kapuwa mo.+ Ako si Jehova.

17 “‘Huwag mong kapootan ang iyong kapatid sa puso mo.+ Dapat mong sawayin ang kapuwa mo,+ para hindi ka magkasala kasama niya.

18 “‘Huwag kang maghihiganti+ o magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.+ Ako si Jehova.

19 “‘Dapat ninyong sundin ang mga batas ko: Huwag mong palalahian ang alaga mong hayop sa hindi nito kauri. Huwag mong tatamnan ang bukid mo ng magkaibang uri ng binhi,+ at huwag kang magsusuot ng damit na yari sa magkaibang uri ng sinulid.+

20 “‘Kung makipagtalik ang isang lalaki sa isang aliping babae na naipangako na sa ibang lalaki pero hindi pa natutubos o napalalaya, dapat silang parusahan. Pero hindi sila dapat patayin, dahil hindi pa ito napalaya. 21 Dadalhin niya ang kaniyang handog para sa pagkakasala kay Jehova sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, isang lalaking tupa na handog para sa pagkakasala.+ 22 Ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa pamamagitan ng lalaking tupa na handog para sa pagkakasala sa harap ni Jehova dahil sa nagawa niyang kasalanan, at mapatatawad siya sa kasalanan niya.

23 “‘Kapag pumasok kayo sa lupain at nagtanim kayo ng anumang puno para sa pagkain, ituturing ninyong marumi at ipinagbabawal* ang bunga nito. Sa loob ng tatlong taon, ipagbabawal ito sa inyo.* Hindi ito dapat kainin. 24 Pero sa ikaapat na taon, ang lahat ng bunga nito ay magiging banal; iaalay mo iyon kay Jehova na may kasamang pagsasaya.+ 25 At sa ikalimang taon, puwede na ninyong kainin ang bunga nito; sa gayon ay madaragdagan ang ani ninyo. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

26 “‘Huwag kayong kakain ng anumang may dugo.+

“‘Huwag kayong maghahanap ng mga tanda o magsasagawa ng mahika.+

27 “‘Huwag ninyong aahitin* ang buhok sa gilid ng inyong ulo* o sisirain ang mga dulo ng iyong balbas.+

28 “‘Huwag ninyong hihiwaan ang inyong katawan* para sa isang namatay na tao,*+ at huwag kayong maglalagay ng tato sa inyong katawan. Ako si Jehova.

29 “‘Huwag mong aalisan ng dangal ang anak mong babae—huwag mo siyang gagawing babaeng bayaran,+ para hindi maging marumi ang lupain dahil sa prostitusyon at lumaganap ang mababang moralidad.+

30 “‘Dapat ninyong sundin ang batas ko sa mga sabbath,+ at dapat kayong magpakita ng matinding paggalang para* sa aking santuwaryo. Ako si Jehova.

31 “‘Huwag kayong hihingi ng tulong sa mga espiritista,+ at huwag kayong kokonsulta sa mga manghuhula+ para hindi kayo maging marumi dahil sa kanila. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

32 “‘Magpakita ka ng paggalang sa* may puting buhok,+ at parangalan mo ang isang matanda,+ at dapat kang matakot sa iyong Diyos.+ Ako si Jehova.

33 “‘Kung may dayuhang naninirahan sa inyong lupain, huwag ninyo siyang pagmamalupitan.+ 34 Ang dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay dapat ninyong ituring na gaya ng isang katutubo sa gitna ninyo;+ at dapat mo siyang mahalin gaya ng iyong sarili, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

35 “‘Huwag kayong mandaraya sa pagsukat ng haba, bigat, o dami.+ 36 Dapat kayong gumamit ng wastong timbangan, wastong panimbang, wastong epa,* at wastong hin.*+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto. 37 Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking batas at hudisyal na pasiya, at dapat ninyong tuparin ang mga iyon.+ Ako si Jehova.’”

20 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Sinumang Israelita at sinumang dayuhang naninirahan sa Israel na magbigay ng supling niya kay Molec ay dapat patayin.+ Babatuhin siya ng mga tao sa lupain hanggang sa mamatay siya. 3 Itatakwil ko ang* taong iyon, at papatayin ko siya, dahil ibinigay niya kay Molec ang ilan sa supling niya at pinarumi ang aking banal na lugar+ at nilapastangan ang aking banal na pangalan. 4 Kung magbulag-bulagan ang mga tao sa lupain sa ginawa ng taong iyon nang ibigay niya kay Molec ang supling niya at hindi nila siya patayin,+ 5 ako mismo ang kikilos laban sa* taong iyon at sa pamilya niya.+ Papatayin ko siya at ang lahat ng sumama sa kaniya sa pagsamba* kay Molec.

6 “‘Kung maging di-tapat* sa akin ang isang tao dahil humingi siya ng tulong sa mga espiritista+ at sa mga manghuhula,+ itatakwil ko ang* taong iyon at papatayin.+

7 “‘Dapat kayong manatiling malinis at maging banal,+ dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova. 8 Dapat ninyong sundin ang mga batas ko at tuparin ang mga iyon.+ Akong si Jehova ang nagpapabanal sa inyo.+

9 “‘Kung may sinuman na sumumpa sa kaniyang ama o ina, dapat siyang patayin.+ Dahil isinumpa niya ang kaniyang ama o ina, siya ang dahilan ng sarili niyang kamatayan.*

10 “‘Ito naman ang dapat gawin sa lalaking nangalunya sa asawa ng ibang lalaki: Ang lalaking nangalunya sa asawa ng kapuwa niya ay dapat patayin, ang lalaki at babaeng nangalunya.+ 11 Ang isang lalaking sumiping sa asawa ng kaniyang ama ay naglagay sa ama niya sa kahihiyan.*+ Silang dalawa ay dapat patayin. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.* 12 Kung sumiping ang isang lalaki sa manugang niyang babae, silang dalawa ay dapat patayin. Lumabag sila sa kung ano ang likas. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.*+

13 “‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang lalaki kung paanong sumisiping ang isa sa isang babae, silang dalawa ay nakagawa ng kasuklam-suklam na bagay.+ Dapat silang patayin. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.*

14 “‘Kung maging asawa ng isang lalaki ang isang babae at sipingan din niya ang ina nito, iyon ay mahalay na paggawi.*+ Dapat nila siyang sunugin pati ang mag-ina,+ para hindi magpatuloy ang mahalay na paggawi sa gitna ninyo.

15 “‘Kung makipagtalik ang isang lalaki sa isang hayop, dapat siyang patayin, at dapat ninyong patayin ang hayop.+ 16 Kung lumapit ang isang babae sa anumang hayop para makipagtalik dito,+ papatayin mo ang babae at ang hayop. Dapat silang patayin. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.*

17 “‘Kung makipagtalik ang isang lalaki sa kapatid niyang babae, na anak ng kaniyang ama o ina, at makita niya ang kahubaran nito at makita nito ang kahubaran niya, iyon ay kahiya-hiya.+ Dapat silang patayin sa harap ng bayan. Inilagay niya sa kahihiyan ang* kapatid niyang babae. Mananagot siya dahil sa kasalanan niya.

18 “‘Kung makipagtalik ang isang lalaki sa isang babaeng nireregla, inihantad nila ang pagdurugo ng babae.+ Silang dalawa ay dapat patayin.

19 “‘Huwag kang makikipagtalik sa kapatid na babae ng iyong ina o ama, dahil sa paggawa nito ay inilalagay mo sa kahihiyan ang isang kadugo.+ Mananagot sila dahil sa kasalanan nila. 20 Ang isang lalaking sumiping sa asawa ng tiyo niya ay naglagay sa tiyo niya sa kahihiyan.*+ Mananagot sila dahil sa kasalanan nila. Mamamatay silang walang anak. 21 Kung kunin ng isang lalaki ang asawa ng kapatid niyang lalaki, iyon ay kasuklam-suklam.+ Inilagay niya sa kahihiyan ang* kapatid niyang lalaki. Hindi sila magkakaanak.

22 “‘Dapat ninyong sundin ang lahat ng aking batas at hudisyal na pasiya+ at tuparin ang mga iyon,+ para hindi kayo isuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.+ 23 Huwag kayong susunod sa mga batas ng mga bansang palalayasin ko sa harap ninyo;+ dahil ginawa nila ang lahat ng ito at kinamumuhian ko sila.+ 24 Kaya sinabi ko sa inyo: “Kukunin ninyo ang lupain nila, at ibibigay ko iyon sa inyo bilang pag-aari, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova, na nagbukod sa inyo mula sa mga bayan.”+ 25 Dapat na alam ninyo ang pagkakaiba ng malinis at maruming hayop at ng marumi at malinis na ibon;+ huwag ninyong gagawing kasuklam-suklam ang inyong sarili dahil sa hayop o ibon o anumang gumagapang sa lupa na ibinukod ko para ituring ninyong marumi.+ 26 Dapat kayong maging banal sa harap ko, dahil akong si Jehova ay banal,+ at ibinubukod ko kayo mula sa mga bayan para maging akin.+

27 “‘Sinumang lalaki o babae na isang espiritista o manghuhula ay dapat patayin.+ Babatuhin sila ng bayan hanggang sa mamatay sila. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.’”*

21 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron, ‘Walang sinuman ang magpaparungis ng sarili niya dahil sa isang namatay na tao* sa kaniyang bayan.+ 2 Pero puwede niyang gawin iyon para sa isang miyembro ng pamilya—sa kaniyang ina, ama, anak na lalaki, anak na babae, at kapatid na lalaki, 3 at puwede siyang magparungis ng sarili niya para sa kapatid niyang babae kung ito ay isang dalaga na malapit sa kaniya at wala pang asawa. 4 Hindi siya maaaring magparungis ng sarili niya at maging di-banal para sa isang babae na asawa ng isang lalaki sa kaniyang bayan. 5 Huwag nilang kakalbuhin ang ulo nila+ o aahitan ang gilid ng balbas nila o hihiwaan ang katawan nila.+ 6 Dapat silang maging banal sa harap ng kanilang Diyos,+ at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng kanilang Diyos,+ dahil sila ang nag-aalay ng mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, ang tinapay* ng kanilang Diyos, at dapat silang maging banal.+ 7 Huwag silang mag-aasawa ng isang babaeng bayaran,+ babaeng nadungisan, o babaeng diniborsiyo ng asawa nito,+ dahil ang saserdote ay banal sa harap ng kaniyang Diyos. 8 Dapat mo siyang pabanalin,+ dahil siya ang nag-aalay ng tinapay ng iyong Diyos. Dapat siyang maging banal sa harap mo, dahil akong si Jehova, na nagpapabanal sa inyo, ay banal.+

9 “‘Kung ang isang anak ng saserdote ay maging babaeng bayaran, nilalapastangan niya ang sarili niya at ang kaniyang ama. Dapat siyang sunugin.+

10 “‘Kung tungkol sa mataas na saserdote, na kapatid nila, na ang ulo ay binuhusan ng langis para sa pag-aatas+ at inatasang* magsuot ng mga kasuotan ng saserdote,+ dapat niyang panatilihing maayos ang buhok niya at hindi niya dapat punitin ang mga kasuotan niya.+ 11 Huwag siyang lalapit sa namatay na tao,*+ sino man ito; huwag siyang magpaparungis ng sarili niya kahit ito ay kaniyang ama o ina. 12 Huwag siyang lalabas sa santuwaryo at huwag niyang lalapastanganin ang santuwaryo ng kaniyang Diyos,+ dahil ibinuhos sa ulo niya ang tanda ng pag-aalay sa Diyos, ang langis para sa pag-aatas.+ Ako si Jehova.

13 “‘Ang kukunin niyang asawa ay dapat na isang babaeng birhen.+ 14 Hindi siya puwedeng mag-asawa ng isang biyuda, diborsiyada, isa na nadungisan, o babaeng bayaran; dapat na birhen ang kunin niyang asawa mula sa kaniyang bayan. 15 Huwag niyang aalisan ng dangal ang supling* niya sa gitna ng kaniyang bayan,+ dahil akong si Jehova ang nagpapabanal sa kaniya.’”

16 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 17 “Sabihin mo kay Aaron, ‘Sa lahat ng henerasyon nila, walang lalaking may kapintasan mula sa mga supling* mo ang makalalapit para ihandog ang tinapay ng kaniyang Diyos. 18 Kung ang sinumang lalaki ay may kapintasan, hindi siya makalalapit: isang lalaking bulag o pilay o may diperensiya sa mukha* o may biyas na sobra ang haba, 19 o isang lalaking may bali ang paa o may bali ang kamay, 20 o kuba o unano,* o isang lalaking may problema sa mata o may eksema o may buni o may mga bayag na napinsala.+ 21 Walang lalaking may kapintasan mula sa mga supling* ni Aaron na saserdote ang makalalapit para ialay ang mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Dahil may kapintasan siya, hindi siya makalalapit para ialay ang tinapay ng kaniyang Diyos. 22 Puwede niyang kainin ang tinapay ng kaniyang Diyos na mula sa mga kabanal-banalang bagay+ at mula sa mga banal na bagay.+ 23 Pero hindi siya makalalapit sa kurtina,+ at hindi siya makalalapit sa altar,+ dahil may kapintasan siya; at huwag niyang lalapastanganin ang aking santuwaryo,+ dahil akong si Jehova ang nagpapabanal sa kanila.’”+

24 Kaya nakipag-usap si Moises kay Aaron, sa mga anak nito, at sa lahat ng Israelita.

22 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya na dapat silang maging maingat sa paghawak* sa mga banal na bagay na pinababanal at inihahandog sa akin ng mga Israelita para hindi nila malapastangan ang aking banal na pangalan.+ Ako si Jehova. 3 Sabihin mo sa kanila, ‘Sa lahat ng henerasyon ninyo, dapat alisin* sa harap ko ang sinuman sa inyong mga supling na habang marumi ay lumapit sa mga banal na bagay na pinababanal ng mga Israelita para kay Jehova.+ Ako si Jehova. 4 Sinumang lalaki sa mga supling ni Aaron na may ketong+ o may lumalabas na malapot na likido sa ari+ ay hindi puwedeng kumain ng mga banal na bagay hanggang sa maging malinis siya,+ gayundin ang isang lalaking nadikit sa sinumang marumi dahil sa isang namatay na tao,*+ o ang isang lalaking nilabasan ng semilya,+ 5 o ang isang lalaking nadikit sa maruming hayop na nagkukulumpon*+ o sa isang taong marumi sa anumang dahilan at puwedeng makahawa ng karumihan nito.+ 6 Ang taong* madikit sa alinman sa mga ito ay magiging marumi hanggang gabi at hindi makakakain ng alinman sa mga banal na bagay, at dapat siyang maligo.+ 7 Magiging malinis siya sa paglubog ng araw, at puwede na siyang kumain ng mga banal na bagay, dahil iyon ang pagkaing nakalaan sa kaniya.+ 8 Hindi rin siya puwedeng kumain ng anumang hayop na natagpuang patay o nilapa ng mababangis na hayop dahil maparurumi siya nito.+ Ako si Jehova.

9 “‘Dapat nilang tuparin ang obligasyon nila sa akin para hindi sila magkasala dahil dito at mamatay dahil sa paglapastangan sa mga banal na bagay. Akong si Jehova ang nagpapabanal sa kanila.

10 “‘Walang ibang* puwedeng kumain ng anumang bagay na banal.+ Walang dayuhang bisita ng saserdote o upahang trabahador ang makakakain ng anumang bagay na banal. 11 Pero kung ang isang saserdote ay bumili ng alipin gamit ang sarili niyang pera, ang taong iyon ay makakakain nito. Ang mga aliping ipinanganak sa sambahayan niya ay puwede ring kumain ng pagkain niya.+ 12 Kung ang anak na babae ng isang saserdote ay mag-asawa ng hindi saserdote,* hindi siya makakakain mula sa iniabuloy na mga banal na bagay. 13 Pero kung ang anak na babae ng isang saserdote ay maging biyuda o diborsiyada at wala siyang anak, at muli siyang tumira sa bahay ng kaniyang ama gaya noong bata pa siya, makakakain siya ng pagkain ng kaniyang ama;+ pero walang ibang* puwedeng kumain nito.

14 “‘Kung ang isang tao ay di-sinasadyang makakain ng isang banal na bagay, babayaran niya ang halaga nito at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito at ibibigay niya sa saserdote ang banal na handog.+ 15 Kaya hindi dapat lapastanganin ng mga saserdote ang mga banal na bagay na iniaabuloy kay Jehova ng mga Israelita+ 16 at magdala nga ng kaparusahan sa bayan dahil hinayaan nilang magkasala ang bayan nang kainin ng mga ito ang mga banal na bagay; dahil akong si Jehova ang nagpapabanal sa kanila.’”

17 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 18 “Sabihin mo kay Aaron, sa mga anak niya, at sa lahat ng Israelita, ‘Kung ang isang Israelita o isang dayuhang naninirahan sa Israel ay mag-alay kay Jehova ng isang handog na sinusunog+ para tuparin ang panata niya o para magbigay ng kusang-loob na handog,+ 19 dapat siyang mag-alay ng isang lalaki at malusog na hayop+—baka, batang tupa, o kambing—para sang-ayunan siya. 20 Huwag kayong maghahandog ng anumang may depekto,+ dahil wala itong magagawa para tumanggap kayo ng pagsang-ayon.

21 “‘Kung ang isang tao ay maghandog kay Jehova ng isang haing pansalo-salo+ para tuparin ang isang panata o bilang kusang-loob na handog, dapat na ito ay isang malusog na hayop mula sa bakahan o kawan para sang-ayunan siya. Dapat na wala itong depekto. 22 Hindi puwedeng maghandog ng hayop na bulag o may bali, hiwa, kulugo, langib, o buni; hindi mo puwedeng iharap kay Jehova ang alinman sa mga ito o ialay ang gayong handog sa altar para kay Jehova. 23 Puwede kang mag-alay ng isang toro* o tupa na may isang binti na sobrang haba o sobrang ikli bilang kusang-loob na handog, pero hindi iyon magiging katanggap-tanggap bilang panatang handog. 24 Huwag ninyong ihahandog kay Jehova ang mga hayop na ang mga bayag ay napinsala o nadurog o hinugot o pinutol, at huwag ninyong ihahandog ang gayong mga hayop sa inyong lupain. 25 At hindi puwedeng ihandog bilang pagkain* ng inyong Diyos ang alinman sa mga ito na mula sa kamay ng isang dayuhan, dahil ang mga iyon ay may kasiraan at depekto. Hindi magiging katanggap-tanggap ang mga iyon.’”

26 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 27 “Kung may ipanganak na toro, batang lalaking tupa, o kambing, pitong araw itong mananatiling kasama ng ina nito,+ pero mula sa ikawalong araw, magiging katanggap-tanggap na ito bilang handog, isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. 28 Kung tungkol sa toro o tupa, huwag ninyo itong papatayin at ang anak nito sa iisang araw.+

29 “Kung mag-aalay kayo ng hain ng pasasalamat kay Jehova,+ ialay ninyo ito sa paraang tatanggap kayo ng pagsang-ayon. 30 Dapat itong kainin sa araw na iyon. Huwag kayong magtitira nito hanggang sa umaga.+ Ako si Jehova.

31 “Dapat ninyong sundin ang mga utos ko at tuparin ang mga iyon.+ Ako si Jehova. 32 Huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan,+ at dapat na mapabanal ako sa gitna ng mga Israelita.+ Akong si Jehova ang nagpapabanal sa inyo,+ 33 ang naglabas sa inyo sa Ehipto para maging Diyos ako sa inyo.+ Ako si Jehova.”

23 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ang mga kapistahan+ ni Jehova na dapat ninyong ianunsiyo+ ay mga banal na kombensiyon. Ito ang mga kapistahan ko:

3 “‘Puwede kayong magtrabaho nang anim na araw, pero ang ikapitong araw ay sabbath, isang espesyal na araw ng pamamahinga,+ isang banal na kombensiyon. Hindi kayo puwedeng gumawa ng anumang trabaho. Iyon ay sabbath para kay Jehova saanman kayo tumira.+

4 “‘Ito ang mga kapistahan ni Jehova, mga banal na kombensiyon na dapat ninyong ianunsiyo sa panahong itinakda para sa mga ito: 5 Sa ika-14 na araw ng unang buwan,+ sa takipsilim,* ipagdiriwang ang Paskuwa+ para kay Jehova.

6 “‘Ang ika-15 araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa para kay Jehova.+ Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ 7 Sa unang araw, magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho. 8 Sa halip, sa loob ng pitong araw ay mag-aalay kayo ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Sa ikapitong araw, magkakaroon ng isang banal na kombensiyon. Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho.’”

9 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 10 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kapag nakarating na kayo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo at umani na kayo roon, dapat kayong magdala sa saserdote ng isang tungkos mula sa mga unang bunga+ ng inyong ani.+ 11 At ang tungkos ay igagalaw niya nang pabalik-balik sa harap ni Jehova para tumanggap kayo ng pagsang-ayon. Igagalaw ito ng saserdote sa araw pagkatapos ng Sabbath. 12 Sa araw na iginalaw ang tungkos, dapat kayong mag-alay ng isang malusog na batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog para kay Jehova. 13 Ang handog na mga butil na kasama nito ay dalawang-ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy. Ang handog na inumin na kasama nito ay sangkapat na hin* ng alak. 14 Huwag kayong kakain ng anumang tinapay, binusang butil, o bagong butil hanggang sa araw na iyon, hanggang sa madala ninyo ang handog para sa inyong Diyos. Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa lahat ng henerasyon ninyo saanman kayo tumira.

15 “‘Bibilang kayo ng pitong sabbath* mula sa araw pagkatapos ng Sabbath, sa araw na dinala ninyo ang tungkos bilang handog na iginagalaw.*+ Ang mga iyon ay dapat na buong mga sanlinggo. 16 Bibilang kayo ng 50 araw,+ ibig sabihin, hanggang sa araw pagkatapos ng ikapitong Sabbath, at saka kayo mag-aalay ng bagong handog na mga butil para kay Jehova.+ 17 Mula sa inyong tirahan, dapat kayong magdala ng dalawang tinapay bilang handog na iginagalaw.* Ang mga iyon ay dapat na gawa sa dalawang-ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina. Dapat na may halong pampaalsa ang mga iyon,+ bilang mga unang hinog na bunga para kay Jehova.+ 18 At kasama ng mga tinapay, dapat kayong maghandog ng pitong malulusog na lalaking kordero,* bawat isa ay isang taóng gulang, at ng isang batang toro* at dalawang lalaking tupa.+ Kasama ng handog na mga butil at mga handog na inumin, ang mga iyon ay magiging handog na sinusunog para kay Jehova bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova. 19 At dapat kayong mag-alay ng isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan+ at dalawang lalaking kordero na isang taóng gulang bilang haing pansalo-salo.+ 20 Igagalaw ng saserdote nang pabalik-balik ang mga iyon, ang dalawang lalaking kordero, kasama ang mga tinapay ng mga unang hinog na bunga, bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova. Ang mga iyon ay magiging banal sa paningin ni Jehova at mapupunta sa saserdote.+ 21 Sa araw na iyon, magkakaroon ng panawagan+ para sa isang banal na kombensiyon. Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho. Isa itong batas hanggang sa panahong walang takda para sa lahat ng henerasyon ninyo, sa lahat ng lugar na titirhan ninyo.

22 “‘Kapag umaani kayo sa inyong lupain, huwag mong gagapasin ang lahat ng nasa gilid ng iyong bukid at huwag mong pupulutin ang natira sa iyong ani.+ Iiwan mo ang mga iyon para sa mahihirap*+ at dayuhang naninirahang kasama ninyo.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.’”

23 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 24 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Sa unang araw ng ikapitong buwan, dapat ninyong ipagdiwang ang isang espesyal na araw ng pamamahinga, isang okasyon na ipapaalaala ng isang tunog ng trumpeta,+ isang banal na kombensiyon. 25 Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho, at mag-aalay kayo ng isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.’”

26 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 27 “Pero ang ika-10 araw ng ikapitong buwan ay Araw ng Pagbabayad-Sala.+ Dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon at dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili*+ at dapat kayong mag-alay ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. 28 Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho sa araw na ito, dahil ito ay araw ng pagbabayad-sala para mabayaran ang inyong mga kasalanan+ sa harap ng Diyos ninyong si Jehova. 29 Kung hindi pasakitan ng isang tao* ang kaniyang sarili* sa araw na iyon, papatayin siya.+ 30 At sinuman* mula sa bayan na gumawa ng anumang trabaho sa araw na iyon ay pupuksain ko. 31 Hindi kayo puwedeng gumawa ng anumang trabaho. Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa lahat ng henerasyon ninyo saanman kayo tumira. 32 Ito ay isang sabbath, isang espesyal na araw ng pamamahinga para sa inyo, at pasasakitan ninyo ang inyong sarili+ sa gabi ng ikasiyam na araw ng buwan. Mula sa gabi hanggang sa susunod na gabi ay susundin ninyo ang batas ko sa sabbath.”

33 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 34 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, ipagdiriwang ninyo para kay Jehova ang Kapistahan ng mga Kubol* nang pitong araw.+ 35 Magkakaroon ng isang banal na kombensiyon sa unang araw, at wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho. 36 Pitong araw kayong mag-aalay ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Sa ikawalong araw, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon+ at mag-alay ng isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Ito ay isang banal na pagtitipon. Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho.

37 “‘Ito ang mga kapistahan+ ni Jehova na dapat ninyong ianunsiyo bilang mga banal na kombensiyon+ para sa pag-aalay ng isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy: ang handog na sinusunog+ kasama ang handog na mga butil+ at mga handog na inumin+ ayon sa hinihiling para sa bawat araw. 38 Ang mga ito ay karagdagan sa mga inihahandog sa mga sabbath para kay Jehova+ at sa inyong mga kaloob,+ panatang handog,+ at kusang-loob na handog+ na dapat ninyong ibigay kay Jehova. 39 Pero sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, kapag natipon na ninyo ang bunga ng lupain, dapat ninyong ipagdiwang ang kapistahan ni Jehova nang pitong araw.+ Ang unang araw ay espesyal na araw ng pamamahinga at ang ikawalong araw ay espesyal na araw ng pamamahinga.+ 40 Sa unang araw, kukunin ninyo ang bunga ng magagandang puno, ang mga dahon ng mga puno ng palma,+ at ang mga sanga ng mayayabong na puno at ng mga punong alamo sa lambak,* at magsasaya kayo+ sa harap ng Diyos ninyong si Jehova nang pitong araw.+ 41 Ipagdiriwang ninyo ito bilang kapistahan para kay Jehova sa loob ng pitong araw sa bawat taon.+ Dapat ninyo itong ipagdiwang sa ikapitong buwan. Isa itong batas hanggang sa panahong walang takda sa lahat ng henerasyon ninyo. 42 Dapat kayong tumira sa mga kubol sa loob ng pitong araw.+ Ang lahat ng katutubo sa Israel ay dapat tumira sa mga kubol, 43 para malaman ng susunod na mga henerasyon+ ninyo na sa mga kubol ko pinatira ang mga Israelita noong ilabas ko sila sa Ehipto.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.’”

44 Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita ang tungkol sa mga kapistahan ni Jehova.

24 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Utusan mo ang mga Israelita na magdala sa iyo ng purong langis mula sa napigang olibo para sa mga ilawan nang hindi mamatay ang apoy ng mga ito.+ 3 Sa labas ng kurtina ng Patotoo sa tolda ng pagpupulong, titiyakin ni Aaron na laging may sindi ang mga ilawan sa harap ni Jehova mula gabi hanggang umaga. Mananatili ang batas na ito na kailangang sundin ng lahat ng henerasyon ninyo. 4 Lagi niyang titiyakin na maayos ang mga ilawan sa kandelero+ na yari sa purong ginto sa harap ni Jehova.

5 “Kumuha ka ng magandang klase ng harina at gumawa ng 12 tinapay na hugis-singsing. Dalawang-ikasampu ng isang epa* ang gagamitin para sa bawat tinapay. 6 Hatiin mo ang mga ito sa dalawang salansan, na may tig-anim na magkakapatong na tinapay.+ Ilagay mo ang mga ito sa ibabaw ng mesa na yari sa purong ginto sa harap ni Jehova.+ 7 Lagyan mo ng purong olibano ang ibabaw ng bawat salansan, at magsisilbi itong alaalang handog* para sa tinapay,+ isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. 8 Palagi niyang aayusin iyon sa harap ni Jehova sa bawat araw ng Sabbath.+ Ito ay isang tipan sa mga Israelita hanggang sa panahong walang takda. 9 Mapupunta iyon kay Aaron at sa mga anak niya,+ at kakainin nila iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay para sa kaniya mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda.”

10 Sa gitna ng mga Israelita ay may isang lalaki na anak ng isang babaeng Israelita at lalaking Ehipsiyo,+ at nag-away sila ng isang lalaking Israelita sa kampo. 11 Nilapastangan ng anak ng babaeng Israelita ang Pangalan* at isinumpa iyon.+ Kaya dinala nila siya kay Moises.+ At ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomit, na anak ni Dibri ng tribo ni Dan. 12 Hindi nila siya hinayaang umalis hanggang sa maging malinaw sa kanila ang desisyon ni Jehova.+

13 At sinabi ni Jehova kay Moises: 14 “Ilabas ninyo sa kampo ang sumumpa, at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpapatong ng mga kamay nila sa ulo niya, at dapat siyang batuhin ng buong kapulungan.+ 15 At dapat mong sabihin sa mga Israelita, ‘Kung isumpa ng sinuman ang kaniyang Diyos, mananagot siya sa kasalanan niya. 16 Kaya ang lumalapastangan sa pangalan ni Jehova ay dapat patayin.+ Dapat siyang batuhin ng buong kapulungan. Ang dayuhang naninirahang kasama ninyo na lumapastangan sa Pangalan ay dapat patayin gaya rin ng katutubo.

17 “‘Kung ang isang tao ay pumatay ng isang tao,* dapat siyang patayin.+ 18 Sinumang manakit at pumatay ng isang alagang hayop* ay dapat magbayad, buhay para sa buhay.* 19 Kung pinsalain ng isang tao ang kapuwa niya, gagawin sa kaniya kung ano ang ginawa niya rito.+ 20 Bali para sa bali, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, anumang pinsala ang idinulot niya sa kapuwa niya ay gagawin din sa kaniya.+ 21 Kung manakit at pumatay ng hayop ang isang tao, dapat siyang magbayad para dito.+ Pero kung manakit at pumatay siya ng isang tao, dapat siyang patayin.+

22 “‘Iisang hudisyal na pasiya ang susundin ng katutubo at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo,+ dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova.’”

23 Pagkatapos, kinausap ni Moises ang mga Israelita, at inilabas nila sa kampo ang sumumpa at binato ito.+ Kaya ginawa ng mga Israelita ang iniutos ni Jehova kay Moises.

25 Sinabi pa ni Jehova kay Moises sa Bundok Sinai: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kapag naroon na kayo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo,+ dapat ninyong pagpahingahin ang lupain at sundin ang batas ni Jehova sa sabbath.+ 3 Anim na taon mong hahasikan ng binhi ang iyong bukid, at anim na taon mong pupungusan ang iyong ubasan, at titipunin mo ang bunga ng lupain.+ 4 Pero sa ikapitong taon, dapat mong lubusang pagpahingahin ang lupain dahil ito ay isang sabbath para kay Jehova. Huwag mong hahasikan ng binhi ang iyong bukid o pupungusan ang iyong ubasan. 5 Huwag mong gagapasin ang mga tumubo mula sa natirang mga butil matapos ang pag-aani, at huwag mong titipunin ang bunga ng punong ubas na hindi napungusan. Dapat na lubusang pagpahingahin ang lupain sa loob ng isang taon. 6 Pero puwede ninyong kainin ang tutubo sa lupain sa panahon ng sabbath nito; puwede mo itong kainin, pati na ng iyong mga aliping lalaki at babae, upahang trabahador, at mga dayuhang naninirahang kasama mo, 7 gayundin ng mga alagang hayop at maiilap na hayop sa iyong lupain. Lahat ng bunga ng lupain ay puwedeng kainin.

8 “‘Bibilang ka ng pitong sabbath ng mga taon; pitong ulit kang magbibilang ng pitong taon, kaya ang haba ng pitong sabbath ng mga taon ay 49 na taon. 9 Patutunugin mo nang malakas ang tambuli sa ika-10 araw ng ikapitong buwan; sa Araw ng Pagbabayad-Sala,+ patutunugin ninyo ang tambuli para marinig sa buong lupain ninyo. 10 Pababanalin ninyo ang ika-50 taon at maghahayag kayo ng paglaya sa lupain para sa lahat ng nakatira dito.+ Ito ay magiging isang Jubileo para sa inyo, at ang bawat isa sa inyo ay babalik sa pag-aari niya at sa pamilya niya.+ 11 Magiging isang Jubileo para sa inyo ang ika-50 taóng iyon. Hindi kayo maghahasik ng binhi o mag-aani ng tumubo mula sa natirang butil o magtitipon ng bunga ng mga punong ubas na hindi napungusan.+ 12 Dahil ito ay isang Jubileo. Dapat itong maging banal para sa inyo. Ang makakain lang ninyo ay ang magiging bunga ng lupain na kusang tumubo.+

13 “‘Sa taóng ito ng Jubileo, bawat isa sa inyo ay babalik sa pag-aari niya.+ 14 Kung may ibebenta kayo sa inyong kapuwa o may bibilhin kayo sa kaniya, huwag kayong mananamantala.+ 15 Kung bibili ka ng lupain mula sa iyong kapuwa, dapat mong bilangin kung ilang taon na ang lumipas pagkatapos ng Jubileo; ang presyong itatakda niya ay depende sa bilang ng natitirang mga taon ng pag-aani.+ 16 Kung maraming taon pa ang natitira, puwede niyang taasan ang presyo nito, pero kung ilang taon na lang ang natitira, dapat niyang babaan ang presyo nito, dahil ang dami ng ani ang ipinagbibili niya sa iyo. 17 Walang sinuman sa inyo ang mananamantala sa kapuwa niya,+ at dapat kang matakot sa iyong Diyos,+ dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova.+ 18 Kung susundin ninyo ang mga batas ko at tutuparin ang aking mga hudisyal na pasiya, maninirahan kayo nang panatag sa lupain.+ 19 Ang lupain ay mamumunga;+ kakain kayo hanggang sa mabusog at maninirahan doon nang panatag.+

20 “‘Pero kung sasabihin ninyo: “Ano ang kakainin namin sa ikapitong taon kung hindi kami maghahasik ng binhi o magtitipon ng ani?”+ 21 pagpapalain ko kayo sa ikaanim na taon, at ang lupa ay magbubunga nang sapat para sa tatlong taon.+ 22 At maghahasik kayo ng binhi sa ikawalong taon; ang kakainin ninyo hanggang sa ikasiyam na taon ay mula sa nakaraang ani. Hanggang sa magbunga ang lupain, kakain kayo mula sa nakaraang ani.

23 “‘Hindi puwedeng ipagbili ang isang lupain nang panghabang panahon,+ dahil akin ang lupain.+ Dahil para sa akin, kayo ay dayuhan lang na naninirahan sa lupaing ito.+ 24 At sa buong lupain na pag-aari ninyo, ipagkakaloob ninyo sa nagbenta ang karapatang bilhing muli ang lupain.

25 “‘Kung maghirap ang kapatid mo at kinailangan niyang ibenta ang ilang pag-aari niya, ang ibinenta niya ay dapat bilhing muli ng isang manunubos na malapit na kamag-anak niya.+ 26 Kung walang manunubos ang isang tao, pero yumaman siya at kaya na niyang tubusin ito, 27 kukuwentahin niya ang halaga ng mga inani sa lumipas na mga taon mula nang ibenta niya ito, at ibabawas niya ito sa halagang binayaran ng bumili, at iyon ang ibabalik niya rito. Pagkatapos, makababalik na siya sa pag-aari niya.+

28 “‘Pero kung hindi niya ito kayang bawiin, ang ibinenta niya ay mananatili sa bumili nito hanggang sa taon ng Jubileo;+ at isasauli ito sa kaniya sa Jubileo kaya makababalik na siya sa pag-aari niya.+

29 “‘Kung ang isang tao ay may ibinentang bahay na nasa isang napapaderang lunsod, may karapatan siyang tubusin ito sa loob ng isang taon mula nang ibenta niya ito; ang karapatan niyang tumubos+ ay mananatili nang isang buong taon. 30 Pero kung hindi iyon mabiling muli sa loob ng isang taon, ang bahay na nasa napapaderang lunsod ay magiging permanenteng pag-aari ng bumili nito, sa lahat ng henerasyon niya. Hindi iyon ibabalik sa Jubileo. 31 Pero ang mga bahay na nasa bayan na walang pader ay ituturing na bahagi ng bukid. Ang karapatan para tubusin ito ay hindi mawawalan ng bisa, at dapat itong ibalik sa Jubileo.

32 “‘Kung tungkol sa mga bahay ng mga Levita sa loob ng mga lunsod nila,+ hindi kailanman mawawala ang karapatan ng mga Levita na tubusin ang mga ito. 33 Kung hindi bilhing muli ng Levita ang pag-aari niya, ang ibinentang bahay na nasa lunsod na pag-aari nila ay ibabalik din sa Jubileo,+ dahil ang mga bahay na nasa mga lunsod ng mga Levita ay ang pag-aari nila sa gitna ng mga Israelita.+ 34 Isa pa, ang mga pastulan+ na nakapalibot sa mga lunsod nila ay hindi puwedeng ibenta, dahil ito ay pag-aari nila magpakailanman.

35 “‘Kung ang kapatid mo na nakatira malapit sa iyo ay maghirap at hindi na niya kayang suportahan ang sarili niya, dapat mo siyang alalayan+ gaya ng gagawin mo sa isang dayuhang naninirahang kasama ninyo+ para manatili siyang buháy. 36 Huwag mo siyang tutubuan o pagkakakitaan.+ Matakot ka sa iyong Diyos,+ at ang kapatid mo ay mananatiling buháy na kasama mo. 37 Huwag mo siyang pauutangin nang may patubo+ o bebentahan ng iyong pagkain. 38 Ako ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto+ para ibigay sa inyo ang lupain ng Canaan, para ako ay maging Diyos ninyo.+

39 “‘Kung ang kapatid mo na nakatira malapit sa iyo ay maghirap at ipagbili niya ang sarili niya sa iyo,+ huwag mo siyang pipiliting magtrabaho na gaya ng isang karaniwang alipin.+ 40 Dapat siyang ituring na tulad ng isang upahang trabahador,+ gaya ng isang dayuhan.* Maglilingkod siya sa iyo hanggang sa taon ng Jubileo. 41 At aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak, at babalik siya sa pamilya niya. Dapat siyang bumalik sa pag-aari ng mga ninuno niya.+ 42 Dahil sila ay mga alipin ko na inilabas ko sa Ehipto.+ Hindi nila dapat ipagbili ang sarili nila bilang mga alipin. 43 Huwag mo siyang mamaltratuhin,+ at dapat kang matakot sa iyong Diyos.+ 44 Ang mga alipin mong lalaki at babae ay magmumula sa mga bansang nasa palibot ninyo, at mula sa mga ito ay makabibili kayo ng aliping lalaki o babae. 45 Puwede ka ring bumili ng alipin mula sa mga anak ng dayuhang naninirahang kasama ninyo,+ mula sa mga kapamilya nila na ipinanganak sa inyong lupain, at sila ay magiging pag-aari ninyo. 46 Puwede ninyo silang ipamana sa inyong mga anak para maging pag-aari ng mga ito magpakailanman. Puwede ninyo silang gawing manggagawa, pero huwag ninyong mamaltratuhin ang mga kapatid ninyong Israelita.+

47 “‘Pero kung yumaman ang isang dayuhan na naninirahang kasama ninyo at naghirap naman ang kapatid mo at kinailangan niyang ibenta ang sarili niya sa dayuhang naninirahang kasama ninyo o sa kapamilya nito, 48 hindi mawawalan ng bisa ang karapatang tubusin siya matapos niyang ibenta ang sarili niya. Puwede siyang bilhing muli ng isa sa mga kapatid niya;+ 49 puwede rin siyang bilhing muli ng kaniyang tiyo o ng anak ng tiyo niya, o ng isang malapit na kamag-anak, isang kapamilya niya.

“‘O kung yumaman siya, puwede rin niyang tubusin ang sarili niya.+ 50 Para magawa ito, bibilangin nila ng bumili sa kaniya kung ilang taon ang pagitan mula nang ibenta niya ang sarili niya hanggang sa taon ng Jubileo,+ at hahatiin nila sa mga taóng iyon ang halaga ng pagkabili sa kaniya.+ Sa mga panahong iyon, ang halaga ng bawat araw ng pagtatrabaho niya ay katulad sa upahang trabahador.+ 51 Kung marami pang taon ang natitira bago mag-Jubileo, mas malaking pantubos ang ibabayad niya, kaayon ng dami ng natitirang taon. 52 Pero kung ilang taon na lang ang natitira, kakalkulahin niya ang halaga at magbabayad siya ng mas mababang pantubos. 53 Sa bawat taon ng paglilingkod niya, dapat siyang ituring na gaya ng upahang trabahador; at dapat mong tiyakin na hindi siya mamaltratuhin ng panginoon niya.+ 54 Pero kung hindi niya mabiling muli ang sarili niya ayon sa mga kondisyong ito, lalaya siya sa taon ng Jubileo,+ siya at ang kaniyang mga anak.

55 “‘Dahil ang mga Israelita ay mga alipin ko. Sila ay mga alipin ko na inilabas ko sa Ehipto.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

26 “‘Huwag kayong gagawa ng walang-silbing mga diyos para sa inyong sarili,+ at huwag kayong gagawa ng inukit na imahen+ o magtatayo ng sagradong haligi para sa inyong sarili, at huwag kayong maglalagay ng isang batong rebulto+ sa inyong lupain para yumukod dito;+ dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova. 2 Sundin ninyo ang batas ko sa mga sabbath, at dapat kayong magpakita ng matinding paggalang* sa aking santuwaryo. Ako si Jehova.

3 “‘Kung patuloy ninyong susundin ang mga batas ko at tutuparin ang mga utos ko at isasagawa ang mga iyon,+ 4 magpapaulan ako sa tamang panahon,+ at magbibigay ng ani ang lupain,+ at mamumunga ang mga puno sa parang. 5 Ang inyong panahon ng paggiik ay aabot hanggang sa pamimitas ng ubas, at ang pamimitas ng ubas ay aabot hanggang sa panahon ng paghahasik; at kakain kayo hanggang sa mabusog at maninirahan nang panatag sa inyong lupain.+ 6 At magdadala ako ng kapayapaan sa lupain,+ at hihiga kayo at walang tatakot sa inyo;+ at aalisin ko sa lupain ang mababangis na hayop, at walang gagamit ng espada para makipagdigma sa inyo. 7 Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway, at pababagsakin ninyo sila gamit ang espada. 8 Hahabulin ng 5 sa inyo ang 100, at hahabulin ng 100 sa inyo ang 10,000, at pababagsakin ninyo ang inyong mga kaaway gamit ang espada.+

9 “‘Pagpapalain ko kayo* at gagawing palaanakin at pararamihin,+ at tutuparin ko ang tipan ko sa inyo.+ 10 Habang kinakain pa ninyo ang ani ng nakaraang taon, kakailanganin na ninyo itong itapon dahil mayroon nang bagong ani. 11 Ilalagay ko ang aking tabernakulo sa gitna ninyo,+ at hindi ko* kayo itatakwil. 12 Lalakad ako sa gitna ninyo at ako ay magiging Diyos ninyo,+ at kayo naman ay magiging bayan ko.+ 13 Ako ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto para hindi na nila kayo alipinin, at binali ko ang pamatok ninyo at pinalakad kayo nang taas-noo.*

14 “‘Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi ninyo susundin ang lahat ng utos na ito,+ 15 at kung itatakwil ninyo ang mga batas ko,+ at kung hindi ninyo susundin ang lahat ng utos ko dahil kinamuhian ninyo ang aking mga hudisyal na pasiya, at kung hindi kayo tutupad sa aking tipan,+ 16 ito ang gagawin ko sa inyo: Bilang parusa, pipighatiin ko kayo at magkakaroon kayo ng tuberkulosis at nag-aapoy na lagnat, na magpapalabo ng mga mata ninyo at magpapahina sa inyo. Wala kayong mapapakinabangan sa inihasik ninyong binhi, dahil kakainin iyon ng inyong mga kaaway.+ 17 Itatakwil ko kayo, at matatalo kayo ng mga kaaway ninyo;+ at tatapak-tapakan kayo ng mga napopoot sa inyo,+ at tatakas kayo kahit wala namang tumutugis sa inyo.+

18 “‘Kung sa kabila nito ay hindi pa rin kayo makinig sa akin, paparusahan ko kayo nang pitong ulit pa dahil sa inyong mga kasalanan. 19 Babaliin ko ang inyong pagmamatigas,* at gagawin kong tulad ng bakal ang inyong langit+ at tulad ng tanso ang inyong lupa. 20 Uubusin ninyo ang inyong lakas pero mawawalan ito ng saysay, dahil hindi magbibigay ng ani ang inyong lupain+ at hindi mamumunga ang mga puno sa parang.

21 “‘Kung patuloy kayong lalaban* sa akin at hindi pa rin makikinig, kakailanganin kong parusahan kayo nang pitong ulit pa dahil sa inyong mga kasalanan. 22 Padadalhan ko kayo ng mababangis na hayop sa parang,+ at papatayin ng mga ito ang mga anak ninyo+ at lilipulin ang inyong mga alagang hayop at kaunti na lang ang matitira sa inyo, at matitiwangwang ang inyong mga daan.+

23 “‘Kung sa kabila nito ay ayaw pa rin ninyong tanggapin ang pagtutuwid ko+ at lumalaban pa rin kayo sa akin, 24 lalabanan ko rin kayo at sasaktan nang pitong ulit pa dahil sa inyong mga kasalanan. 25 Pasasalakayin ko ang mga kaaway ninyo dala ang mga espada nila para maipaghiganti ang pagsira ninyo sa tipan.+ Kung manganganlong kayo sa inyong mga lunsod, magpapadala ako ng sakit sa gitna ninyo,+ at matatalo kayo ng kaaway.+ 26 Kapag sinira ko ang mga lalagyan* ninyo ng tinapay,*+ 10 babae ang makapagluluto ng tinapay sa iisang pugon at titimbangin pa nila ang ibibigay nilang tinapay sa inyo;+ at kakain kayo pero hindi mabubusog.+

27 “‘Kung sa kabila nito ay hindi pa rin kayo makikinig sa akin at patuloy ninyo akong lalabanan, 28 lalo akong magagalit sa inyo,+ at kakailanganin ko kayong parusahan nang pitong ulit dahil sa inyong mga kasalanan. 29 Kaya magagawa ninyong kainin ang laman ng inyong mga anak na lalaki, at kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.+ 30 Wawasakin ko ang inyong sagradong matataas na lugar+ at puputulin ang inyong mga patungan ng insenso, at ibubunton ko ang mga bangkay ninyo sa ibabaw ng walang-buhay at kasuklam-suklam na mga idolo* ninyo,+ at itatakwil ko* kayo at kamumuhian.+ 31 Wawasakin ko ang mga lunsod ninyo+ at ititiwangwang ang inyong mga santuwaryo, at hindi ko lalanghapin ang nakagiginhawang amoy ng inyong mga handog. 32 Gagawin kong tiwangwang ang lupain,+ at ang mga kaaway ninyo na titira doon ay magugulat at matutulala sa makikita nila.+ 33 At pangangalatin ko kayo sa mga bansa,+ at bubunot ako ng espada at hahabulin kayo nito;+ at magiging tiwangwang ang inyong lupain,+ at mawawasak ang inyong mga lunsod.

34 “‘Sa panahong nakatiwangwang ang lupain, makakabawi ito sa mga sabbath habang kayo ay nasa lupain ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, magpapahinga ang lupain,* dahil kailangan nitong makabawi sa mga sabbath nito.+ 35 Magpapahinga ang lupain sa lahat ng araw na tiwangwang ito, dahil hindi ito namahinga sa panahon ng inyong mga sabbath noong nakatira kayo rito.

36 “‘Kung tungkol sa mga nakaligtas,+ pupunuin ko ng takot ang puso nila sa mga lupain ng kanilang mga kaaway; at magsisitakbo sila dahil sa tunog ng nililipad-lipad na dahon, at tatakas sila na parang hinahabol ng espada at mabubuwal kahit wala namang humahabol.+ 37 Magkakatisuran sila sa pagtakbo na parang hinahabol ng espada kahit wala namang humahabol sa kanila. Hindi ninyo matatalo ang inyong mga kaaway.+ 38 Mamamatay kayo sa gitna ng mga bansa,+ at lalamunin kayo ng lupain ng inyong mga kaaway. 39 Ang matitira sa inyo ay mabubulok sa mga lupain ng inyong mga kaaway+ dahil sa inyong kasalanan. Oo, mabubulok sila dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama.+ 40 At ipagtatapat nila ang sarili nilang kasalanan+ at ang kasalanan at kataksilan ng kanilang mga ama, at aaminin nilang hindi sila naging tapat sa akin dahil nilabanan nila ako.+ 41 Kaya naman nilabanan ko rin sila+ at dinala sa lupain ng mga kaaway nila.+

“‘Baka sa panahong iyon ay magpakumbaba ang kanilang di-tuling* puso,+ at pagbabayaran nila ang kasalanan nila. 42 At aalalahanin ko ang tipan ko kay Jacob+ at tipan ko kay Isaac,+ at aalalahanin ko ang tipan ko kay Abraham,+ at aalalahanin ko ang lupain. 43 Sa panahong iniwan nila ang lupain, magiging tiwangwang ito at babawi sa mga sabbath nito+ habang wala sila, at sila naman ay magbabayad sa kasalanan nila, dahil itinakwil nila ang aking mga hudisyal na pasiya at kinamuhian ang mga batas ko.+ 44 Pero sa kabila ng lahat ng ito, habang naroon sila sa lupain ng mga kaaway nila, hindi ko sila lubusang itatakwil+ o kamumuhian hanggang sa puntong malipol ko sila, dahil sisirain nito ang aking tipan+ sa kanila, dahil ako ang Diyos nilang si Jehova. 45 Alang-alang sa kanila, aalalahanin ko ang tipan ko sa kanilang mga ninuno+ na inilabas ko sa Ehipto sa paningin ng mga bansa,+ para ako ay maging Diyos nila. Ako si Jehova.’”

46 Ito ang mga tuntunin, hudisyal na pasiya, at kautusan na itinakda ni Jehova sa pagitan niya at ng mga Israelita sa Bundok Sinai sa pamamagitan ni Moises.+

27 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang isang tao ay gumawa ng isang pantanging panata+ na ihandog kay Jehova ang tinatayang halaga ng isang tao,* 3 ang tinatayang halaga ng isang lalaki mula 20 hanggang 60 taóng gulang ay 50 siklong* pilak ayon sa siklo ng banal na lugar.* 4 Pero kung ito ay isang babae, ang tinatayang halaga ay 30 siklo. 5 Kung ito ay 5 hanggang 20 taóng gulang, ang tinatayang halaga para sa lalaki ay 20 siklo at 10 siklo naman para sa babae. 6 Kung ito ay isang buwan hanggang limang taóng gulang, ang tinatayang halaga para sa lalaki ay limang siklong pilak at tatlong siklong pilak naman para sa babae.

7 “‘Kung ito ay 60 taóng gulang pataas, ang tinatayang halaga ay 15 siklo para sa lalaki at 10 siklo naman para sa babae. 8 Pero kung napakahirap niya para bayaran ang tinatayang halaga,+ tatayo ang tao sa harap ng saserdote, at ang saserdote ay magtatakda ng halaga para dito. Ang itatakdang halaga ng saserdote ay ayon sa kayang ibigay ng nananata.+

9 “‘Kung ang ipinanata ng isang tao ay isang hayop na puwedeng ihandog kay Jehova, anumang ibigay kay Jehova ay magiging banal. 10 Hindi niya ito puwedeng palitan, mas mabuti man ang ipapalit niya o mas masama. Pero kung sakaling palitan niya ito ng ibang hayop, ang ipinanata niya at ang ipinalit niya ay parehong magiging banal. 11 Kung ito ay isang maruming hayop+ na hindi puwedeng ibigay bilang handog kay Jehova, dadalhin niya ang hayop sa harap ng saserdote. 12 Itatakda ng saserdote ang halaga nito, depende sa kalidad nito.* Hindi puwedeng baguhin ang itinakdang halaga ng saserdote. 13 Pero kung sakaling gusto niya itong bilhing muli, dapat siyang magbigay ng sangkalima* ng halaga nito, bukod pa sa buong tinatayang halaga.+

14 “‘Kung iaalay* ng isang tao ang bahay niya bilang isang banal na bagay para kay Jehova, itatakda ng saserdote ang halaga nito, depende sa kalidad nito.* Ang magiging halaga nito ay ang halagang itinakda ng saserdote.+ 15 Pero kung gusto niyang bilhing muli ang bahay na inialay* niya, dapat siyang magbigay ng sangkalima* ng tinatayang halaga nito, bukod pa sa buong halaga, at ito ay magiging kaniya.

16 “‘Kung iaalay* ng isang tao kay Jehova ang isang bahagi ng bukid na pag-aari niya, ang halaga nito ay tatayahin ayon sa dami ng binhi na kailangan para matamnan ito: ang isang homer* ng binhi ng sebada ay 50 siklong pilak. 17 Kung iaalay* niya ang kaniyang bukid sa taon ng Jubileo,+ hindi magbabago ang tinatayang halaga nito. 18 Kung iaalay* niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng Jubileo, dapat magtakda ang saserdote ng mas mababang halaga, depende sa bilang ng natitirang taon bago ang susunod na taon ng Jubileo.+ 19 Pero kung sakaling bilhin niyang muli ang bukid na inialay* niya, dapat siyang magbigay ng sangkalima* ng tinatayang halaga nito, bukod pa sa buong halaga, at ito ay muling magiging kaniya. 20 Kung hindi niya bilhing muli ang bukid at binili ito ng ibang tao, hindi na niya ito mabibiling muli. 21 Sa Jubileo, ang bukid ay magiging isang banal na bagay para kay Jehova, isang bukid na nakaalay sa kaniya. Magiging pag-aari ito ng mga saserdote.+

22 “‘Kung iaalay* ng isang tao kay Jehova ang isang bukid na hindi niya minana kundi binili niya,+ 23 tutuosin ng saserdote para sa kaniya ang halaga nito, ayon sa bilang ng natitirang taon bago ang susunod na taon ng Jubileo, at ibibigay niya ang tinatayang halaga sa araw na iyon.+ Ito ay banal para kay Jehova. 24 Sa taon ng Jubileo, ibabalik ang bukid sa pinagbilhan niya nito, sa may-ari ng lupain.+

25 “‘Ang bawat halaga ay tatayahin ayon sa siklo ng banal na lugar. Ang isang siklo ay 20 gerah.*

26 “‘Pero walang sinuman ang dapat mag-alay* ng panganay ng mga hayop, dahil kay Jehova na ang mga panganay mula nang ipanganak ang mga ito.+ Toro* man o tupa, pag-aari na ito ni Jehova.+ 27 Kung kabilang ito sa maruruming hayop at tubusin niya ito ayon sa tinatayang halaga, dapat siyang magdagdag ng sangkalima* ng halaga nito.+ Pero kung hindi ito tutubusin, ibebenta ito ayon sa tinatayang halaga.

28 “‘Pero kung ang isang bagay na pag-aari ng isang tao ay inialay niya kay Jehova magpakailanman,* hindi ito puwedeng ibenta o tubusin, ito man ay tao, hayop, o pag-aari niyang bukid. Bawat bagay na inialay ay kabanal-banalang bagay para kay Jehova.+ 29 Gayundin, ang taong nahatulan ng kamatayan* ay hindi puwedeng tubusin.+ Dapat siyang patayin.+

30 “‘Bawat ikasampung bahagi*+ ng lupain ay kay Jehova, ito man ay bunga ng bukid o ng mga puno. Ito ay banal para kay Jehova. 31 Kung sakaling gustong bilhing muli ng isang tao ang alinman sa ikasampung bahagi niya, dapat siyang magbigay ng sangkalima* ng halaga nito, bukod pa sa buong halaga. 32 Kung tungkol sa ikasampung bahagi ng bakahan at kawan, bawat ika-10 hayop* na dumadaan sa ilalim ng tungkod ng pastol ay magiging banal para kay Jehova. 33 Hindi niya dapat suriin ang kalidad nito,* at huwag niya itong papalitan. Pero kung subukan niyang palitan ito, ang ipinanata niya at ang ipinalit niya ay parehong magiging banal.+ Hindi ito puwedeng bilhing muli.’”

34 Ito ang mga utos na ibinigay ni Jehova kay Moises sa Bundok Sinai para sa mga Israelita.+

O “lalaking baka.”

O “taba na bumabalot sa bato.”

O “taba na bumabalot sa bato.”

Lit., “butsi.”

Abo na nahaluan ng nagmantikang taba ng mga handog.

Tingnan sa Glosari.

O “ng luntiang mga uhay.”

O “handog para sa kapayapaan.”

O “taba.”

Lit., “tinapay,” ang parte ng Diyos sa haing pansalo-salo.

Lit., “tinapay,” ang parte ng Diyos sa haing pansalo-salo.

Lit., “pinahirang.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”

O “lalaking baka.”

Lit., “pinahirang.”

O “taba.”

Abo na nahaluan ng nagmantikang taba ng mga handog.

Lit., “pinahirang.”

O “batang tupa.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “ang isang tinig ng pagsumpa (panunumpa).” Malamang na isang panawagan may kinalaman sa isang kasalanan at may kasamang pagsumpa laban sa may-sala o laban sa saksi na ayaw tumestigo.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Maliliit na hayop na nagsasama-sama.

Lumilitaw na hindi niya tinupad ang panata niya.

O “batang tupa.”

Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan sa Glosari.

Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.

O “ayon sa banal na siklo.”

20 porsiyento.

20 porsiyento.

O “salawal.”

Abo na nahaluan ng nagmantikang taba ng mga handog.

Tingnan sa Glosari.

O “bakuran.”

O “handog.”

Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.

Lit., “pinahirang.”

O “taba.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “alisin sa bayan niya.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “lalaking baka.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

O “lalaking baka.”

Lit., “at pinaliguan sila sa tubig.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

O “banal na diadema.”

Lit., “pahiran.”

O “taba.”

O “taba na bumabalot sa bato.”

Ibabang bahagi ng tainga.

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

Lit., “sa pagpuno sa inyong kamay.”

O “batang baka.”

O “lalaking baka.”

O “taba.”

Tingnan sa Glosari.

O “nagsaya.”

Lit., “apoy.”

Lit., “apoy.”

Lit., “apoy.”

O “pamangkin.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

O “ang mga hayop.”

O “nakapandidiri.”

Maliliit na hayop na nagsasama-sama.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Sa Ingles, ostrich.

Sa Ingles, gull.

Sa Ingles, falcon.

Sa Ingles, swan.

Sa Ingles, stork.

O “kandangaok.” Sa Ingles, heron.

O “Lahat ng insekto na.”

O “at lumalakad gamit ang apat na paa.”

Sa Ingles, paw. Kasama sa mga hayop na ito ang leon, oso, at lobo.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “sa balat ng laman.”

Ang salitang Hebreo na isinaling “ketong” ay may malawak na kahulugan at puwedeng tumukoy sa iba’t ibang nakakahawang sakit sa balat. Puwede rin itong tumukoy sa ketong sa mga damit at bahay.

O “ikukuwarentenas.”

O “impeksiyon.”

O “haharap siya sa ikalawang pagkakataon.”

O “hindi nakakahawa.”

O “kapag gumaling.”

Lit., “sa balat ng laman.”

Lit., “ulo.”

O “batang tupa.”

Ang tatlong-ikasampu ng isang epa ay 6.6 L. Tingnan ang Ap. B14.

Ang isang log ay 0.31 L. Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan sa Glosari.

Ibabang bahagi ng tainga.

Tingnan sa Glosari.

Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan sa Glosari.

O “ikukuwarentenas.”

Inilalagay sa pagitan ng mga laryo o mga bato para magdikit ang mga ito o ginagamit na pampalitada.

O “ikinuwarentenas.”

Lit., “kasalanan.”

Lit., “kasalanan.”

Lit., “laman.”

Upuan na ipinapatong sa likod ng hayop para sa sakay nito.

O “lalaking baka.”

O “salawal.”

Posibleng ang ibig sabihin ay “Kambing na Naglalaho.”

Lit., “apoy.”

O “taong nakahandang.”

Puwede itong mangahulugan ng iba’t ibang anyo ng pagkakait sa sarili, kasama na ang pag-aayuno.

Lit., “at pinuno ang kamay.”

O “lalaking baka.”

O “Nagpadanak siya ng dugo.”

Lit., “sa mga kambing.”

Lit., “makikiapid.”

Lit., “ang mukha ko ay magiging laban sa.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “maghantad ng kahubaran,” sa talatang ito at sa sumusunod pang mga paglitaw.

Lit., “Iyon ay kahubaran ng iyong ama.”

Lit., “dahil sila ay kahubaran mo.”

Lit., “ihahantad ang kahubaran ng.”

Lit., “iyon ay kahubaran ng kapatid mong lalaki.”

O “kahiya-hiyang paggawi; kalaswaan.”

O “bilang karibal.”

O “kasamahan.”

O “Huwag kang makikipagtalik sa kapuwa mo lalaki.”

Lit., “katakutan.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “himalay.”

O “mga nagdurusa.”

O posibleng “Huwag kang tumayo lang kapag nanganganib.”

Lit., “dugo.”

Lit., “at dulong-balat.”

Lit., “ito ay di-tuli para sa inyo.”

O “puputulan; gugupitin.”

O “ang inyong mga patilya.”

Lit., “laman.”

Ang salitang Hebreo dito na neʹphesh ay tumutukoy sa patay na tao. Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “mamangha.” Lit., “matakot.”

O “Tumayo ka sa harap ng.”

O “panukat ng tuyong bagay.” Tingnan ang Ap. B14.

O “panukat ng likido.” Tingnan ang Ap. B14.

Lit., “Ang mukha ko ay magiging laban sa.”

Lit., “ang mukha ko ay magiging laban sa.”

O “pagsasagawa ng prostitusyon.”

O “Kung magkasala ng espirituwal na prostitusyon.”

Lit., “ang mukha ko ay magiging laban sa.”

Lit., “ang sarili niyang dugo ay nasa kaniya.”

Lit., “naghantad sa kahubaran ng ama niya.”

Lit., “Ang sarili nilang dugo ay nasa kanila.”

Lit., “Ang sarili nilang dugo ay nasa kanila.”

Lit., “Ang sarili nilang dugo ay nasa kanila.”

O “kahiya-hiyang paggawi; kalaswaan.”

Lit., “Ang sarili nilang dugo ay nasa kanila.”

Lit., “Inihantad niya ang kahubaran ng.”

Lit., “naghantad sa kahubaran ng tiyo niya.”

Lit., “Inihantad niya ang kahubaran ng.”

Lit., “Ang sarili nilang dugo ay nasa kanila.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “pagkain,” na tumutukoy sa mga handog.

Lit., “at pinuno ang kamay para.”

Sa kontekstong ito, ang salitang Hebreo na neʹphesh ay iniugnay sa salitang Hebreo na nangangahulugang “patay.” Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “binhi.”

Lit., “sa binhi.”

Lit., “may hiwa sa ilong.”

O posibleng “napakapayat.”

Lit., “sa binhi.”

Lit., “dapat nilang ihiwalay ang kanilang sarili.”

O “patayin.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Maliliit na hayop na nagsasama-sama.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “estrangherong,” o isang taong hindi kapamilya ni Aaron.

O “ng estranghero.”

Lit., “estrangherong,” o isang taong hindi kapamilya ni Aaron.

20 porsiyento.

O “lalaking baka.”

Lit., “tinapay.”

Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”

Ang dalawang-ikasampu ng isang epa ay 4.4 L. Tingnan ang Ap. B14.

Ang isang hin ay 3.67 L. Tingnan ang Ap. B14.

O “pitong linggo.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

Ang dalawang-ikasampu ng isang epa ay 4.4 L. Tingnan ang Ap. B14.

O “batang tupa.”

O “lalaking baka.”

Tingnan sa Glosari.

O “mga nagdurusa.”

Puwede itong mangahulugan ng iba’t ibang anyo ng pagkakait sa sarili, kasama na ang pag-aayuno.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O posibleng “hindi mag-ayuno ang isang tao.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “Pansamantalang Tirahan.”

O “wadi.”

Ang dalawang-ikasampu ng isang epa ay 4.4 L. Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan sa Glosari.

Tumutukoy sa pangalang Jehova, gaya ng makikita sa tal. 15 at 16.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “nakikipamayan.”

O “mamangha.” Lit., “matakot.”

Lit., “Babaling ako sa inyo.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “tuwid.”

O “pagmamataas.”

O “lalakad nang pasalungat.”

Lit., “tungkod.” Posibleng tumutukoy sa mga tungkod na pinagsasabitan ng tinapay.

O “pagkain.”

Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “masusunod ng lupain ang batas sa sabbath.”

O “nagmamatigas na.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.

O “ayon sa banal na siklo.”

O “kung ito ay mabuti o masama.”

20 porsiyento.

O “pababanalin.”

O “kung ito ay mabuti o masama.”

O “pinabanal.”

20 porsiyento.

O “pababanalin.”

Ang isang homer ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.

O “pababanalin.”

O “pababanalin.”

O “pinabanal.”

20 porsiyento.

O “pababanalin.”

Ang isang gerah ay 0.57 g. Tingnan ang Ap. B14.

O “magpabanal.”

O “Lalaking baka.”

20 porsiyento.

O “itinalaga niya kay Jehova sa pagkapuksa.”

O “ang nakaalay na tao na itinalaga sa pagkapuksa.”

O “Bawat ikapu.”

20 porsiyento.

O “ulo.”

O “Hindi niya dapat suriin kung ito ay mabuti o masama.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share