MGA BILANG
1 At nakipag-usap si Jehova kay Moises sa ilang ng Sinai,+ sa tolda ng pagpupulong,+ noong unang araw ng ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang lumabas sila sa Ehipto.+ Sinabi niya: 2 “Magsagawa kayo ng sensus+ sa buong bayan ng Israel; bilangin ninyo ang bawat isa ayon sa pamilya at angkan* niya, at ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki. 3 Lahat ng 20 taóng gulang pataas+ na puwedeng sumama sa hukbo ng Israel ay dapat ninyong irehistro ni Aaron ayon sa kani-kanilang grupo.*
4 “Magsama kayo ng isang lalaki mula sa bawat tribo; bawat isa ay dapat na ulo ng kaniyang angkan.+ 5 Ito ang pangalan ng mga lalaking tatayong kasama ninyo: mula kay Ruben, si Elizur+ na anak ni Sedeur; 6 kay Simeon, si Selumiel+ na anak ni Zurisadai; 7 kay Juda, si Nason+ na anak ni Aminadab; 8 kay Isacar, si Netanel+ na anak ni Zuar; 9 kay Zebulon, si Eliab+ na anak ni Helon; 10 sa mga anak ni Jose: mula kay Efraim,+ si Elisama na anak ni Amihud; mula kay Manases, si Gamaliel na anak ni Pedazur; 11 kay Benjamin, si Abidan+ na anak ni Gideoni; 12 kay Dan, si Ahiezer+ na anak ni Amisadai; 13 kay Aser, si Pagiel+ na anak ni Ocran; 14 kay Gad, si Eliasap+ na anak ni Deuel; 15 kay Neptali, si Ahira+ na anak ni Enan. 16 Ito ang mga tinawag mula sa bayan. Sila ang mga pinuno+ ng mga tribo ng kanilang ama, ang mga ulo ng libo-libo sa Israel.”+
17 Kaya isinama nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na pinili at binanggit ang pangalan. 18 Tinipon nila ang buong bayan noong unang araw ng ikalawang buwan para mailista ang pangalan ng bawat isa sa mga ito at mairehistro ayon sa pamilya at angkan, mula 20 taóng gulang pataas,+ 19 gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. At inirehistro niya sila sa ilang ng Sinai.+
20 Ang pangalan ng mga anak na lalaki ni Ruben, ang mga inapo ng panganay ni Israel,+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 21 at ang nairehistro sa tribo ni Ruben ay 46,500.
22 Ang pangalan ng mga inapo ni Simeon+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 23 at ang nairehistro sa tribo ni Simeon ay 59,300.
24 Ang pangalan ng mga inapo ni Gad+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 25 at ang nairehistro sa tribo ni Gad ay 45,650.
26 Ang pangalan ng mga inapo ni Juda+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 27 at ang nairehistro sa tribo ni Juda ay 74,600.
28 Ang pangalan ng mga inapo ni Isacar+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 29 at ang nairehistro sa tribo ni Isacar ay 54,400.
30 Ang pangalan ng mga inapo ni Zebulon+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 31 at ang nairehistro sa tribo ni Zebulon ay 57,400.
32 Ang pangalan ng mga inapo ni Jose mula kay Efraim+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 33 at ang nairehistro sa tribo ni Efraim ay 40,500.
34 Ang pangalan ng mga inapo ni Manases+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 35 at ang nairehistro sa tribo ni Manases ay 32,200.
36 Ang pangalan ng mga inapo ni Benjamin+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 37 at ang nairehistro sa tribo ni Benjamin ay 35,400.
38 Ang pangalan ng mga inapo ni Dan+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 39 at ang nairehistro sa tribo ni Dan ay 62,700.
40 Ang pangalan ng mga inapo ni Aser+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 41 at ang nairehistro sa tribo ni Aser ay 41,500.
42 Ang pangalan ng mga inapo ni Neptali+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 43 at ang nairehistro sa tribo ni Neptali ay 53,400.
44 Ito ang mga inirehistro ni Moises, pati ni Aaron at ng 12 pinuno ng Israel, na bawat isa ay kumakatawan sa kaniyang angkan. 45 Lahat ng Israelita na 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo ng Israel ay inirehistro ayon sa kanilang angkan, 46 at ang nairehistro ay 603,550.+
47 Pero ang mga Levita+ ay hindi inirehistro kasama nila ayon sa tribo ng kanilang mga ama.+ 48 Sinabi ni Jehova kay Moises: 49 “Ang tribo lang ni Levi ang hindi mo irerehistro, at huwag mong idagdag ang bilang nila sa ibang mga Israelita.+ 50 Atasan mo ang mga Levita sa tabernakulo ng Patotoo+ at sa lahat ng bagay na ginagamit para dito.+ Bubuhatin nila ang tabernakulo at lahat ng kagamitan nito,+ at maglilingkod sila roon,+ at magkakampo sila sa palibot ng tabernakulo.+ 51 Tuwing kailangang ilipat ang tabernakulo, mga Levita ang magkakalas nito;+ at tuwing kailangang buoin ang tabernakulo, mga Levita ang gagawa nito; at kung may ibang* lalapit dito, dapat siyang patayin.+
52 “Ang bawat Israelita ay dapat magtayo ng kaniyang tolda sa itinakdang kampo niya, bawat lalaki sa kaniyang tatlong-tribong pangkat+ ayon sa kanilang mga grupo.* 53 At ang mga Levita ay dapat magkampo sa palibot ng tabernakulo ng Patotoo para hindi ako magalit sa bayang Israel;+ at ang mga Levita ang dapat mangalaga* sa tabernakulo ng Patotoo.”+
54 Ginawa ng bayang Israel ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises. Gayong-gayon ang ginawa nila.
2 At kinausap ni Jehova sina Moises at Aaron: 2 “Ang mga Israelita ay dapat magtayo ng tolda sa itinakdang kampo para sa kanilang tatlong-tribong pangkat,+ bawat lalaki malapit sa bandera* ng angkan niya. Dapat silang magkampo sa palibot ng tolda ng pagpupulong at dapat na nakaharap sila rito.
3 “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Juda ay magkakampo sa gawing silangan, sa sikatan ng araw, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Juda ay si Nason+ na anak ni Aminadab. 4 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 74,600.+ 5 Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Isacar; ang pinuno ng mga anak ni Isacar ay si Netanel+ na anak ni Zuar. 6 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 54,400.+ 7 Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Zebulon; ang pinuno ng mga anak ni Zebulon ay si Eliab+ na anak ni Helon. 8 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 57,400.+
9 “Ang lahat ng nairehistro sa mga hukbo mula sa kampo ni Juda ay 186,400. Sila ang unang aalis.+
10 “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Ruben+ ay magkakampo sa gawing timog, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo; ang pinuno ng mga anak ni Ruben ay si Elizur+ na anak ni Sedeur. 11 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 46,500.+ 12 Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Simeon; ang pinuno ng mga anak ni Simeon ay si Selumiel+ na anak ni Zurisadai. 13 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 59,300.+ 14 Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Gad; ang pinuno ng mga anak ni Gad ay si Eliasap+ na anak ni Reuel. 15 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 45,650.+
16 “Ang lahat ng nairehistro sa mga hukbo mula sa kampo ni Ruben ay 151,450, at sila ang ikalawang aalis.+
17 “Kapag inililipat ang tolda ng pagpupulong,+ ang kampo ng mga Levita ay dapat na nasa gitna ng ibang mga kampo.
“Maglalakbay sila gaya ng pagkakasunod-sunod nila kapag nagkakampo,+ bawat isa sa itinakdang puwesto niya, ayon sa kanilang tatlong-tribong pangkat.
18 “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Efraim ay magkakampo sa gawing kanluran, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Efraim ay si Elisama+ na anak ni Amihud. 19 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 40,500.+ 20 Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Manases;+ ang pinuno ng mga anak ni Manases ay si Gamaliel+ na anak ni Pedazur. 21 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 32,200.+ 22 Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Benjamin; ang pinuno ng mga anak ni Benjamin ay si Abidan+ na anak ni Gideoni. 23 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 35,400.+
24 “Ang lahat ng nairehistro sa mga hukbo mula sa kampo ni Efraim ay 108,100, at sila ang ikatlong aalis.+
25 “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Dan ay magkakampo sa gawing hilaga, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Dan ay si Ahiezer+ na anak ni Amisadai. 26 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 62,700.+ 27 Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Aser; ang pinuno ng mga anak ni Aser ay si Pagiel+ na anak ni Ocran. 28 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 41,500.+ 29 Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Neptali; ang pinuno ng mga anak ni Neptali ay si Ahira+ na anak ni Enan. 30 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 53,400.+
31 “Ang lahat ng nairehistro mula sa kampo ni Dan ay 157,600. Sa tatlong-tribong mga pangkat, sila ang huling aalis.”+
32 Ito ang mga Israelita na nairehistro ayon sa angkan nila; ang lahat ng nasa kampo na nairehistro para sa hukbo ay 603,550.+ 33 Pero ang mga Levita ay hindi inirehistrong+ kasama ng ibang Israelita,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 34 Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises. Sa ganitong paraan nagkakampo ang bawat tatlong-tribong pangkat+ at sa ganitong paraan sila umaalis,+ bawat isa ayon sa pamilya at angkan niya.
3 Ito ang mga angkan* nina Aaron at Moises nang araw na kausapin ni Jehova si Moises sa Bundok Sinai.+ 2 Ito ang pangalan ng mga anak ni Aaron: ang panganay na si Nadab at sina Abihu,+ Eleazar,+ at Itamar.+ 3 Ito ang pangalan ng mga anak ni Aaron, ang mga saserdoteng pinahiran* ng langis at inatasan* para maglingkod bilang mga saserdote.+ 4 Gayunman, sina Nadab at Abihu ay namatay sa harap ni Jehova nang mag-alay sila kay Jehova ng ipinagbabawal na handog*+ sa ilang ng Sinai, at wala silang mga anak na lalaki. Pero sina Eleazar+ at Itamar+ ay patuloy na naglingkod bilang mga saserdote kasama ng ama nilang si Aaron.
5 At sinabi ni Jehova kay Moises: 6 “Dalhin mo ang tribo ni Levi+ sa harap ni Aaron na saserdote, at maglilingkod sila+ sa kaniya. 7 Gagampanan nila ang kanilang pananagutan sa kaniya at sa buong bayan sa harap ng tolda ng pagpupulong sa pamamagitan ng paglilingkod nila may kaugnayan sa tabernakulo. 8 Iingatan nila ang lahat ng kagamitan+ ng tolda ng pagpupulong at gagampanan ang kanilang pananagutan sa mga Israelita sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng mga gawaing may kaugnayan sa tabernakulo.+ 9 Ibibigay mo ang mga Levita kay Aaron at sa mga anak niya. Sila ay ibinigay sa kaniya bilang kaloob mula sa mga Israelita.+ 10 Dapat mong atasan si Aaron at ang mga anak niya, at gagampanan nila ang mga atas nila bilang saserdote,+ at ang ibang taong* lumapit sa santuwaryo ay dapat patayin.”+
11 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 12 “Kinukuha ko ang mga Levita mula sa mga Israelita kapalit ng lahat ng panganay* ng mga Israelita,+ at ang mga Levita ay magiging akin. 13 Dahil ang lahat ng panganay ay akin.+ Nang araw na patayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto,+ pinabanal ko para sa akin ang lahat ng panganay sa Israel, tao man o hayop.+ Sila ay magiging akin. Ako si Jehova.”
14 Sinabi pa ni Jehova kay Moises sa ilang ng Sinai:+ 15 “Irehistro mo ang mga anak ni Levi ayon sa angkan at pamilya nila. Dapat mong irehistro ang bawat lalaki mula isang buwang gulang pataas.”+ 16 Kaya inirehistro sila ni Moises ayon sa utos ni Jehova. 17 Ito ang pangalan ng mga anak ni Levi: Gerson, Kohat, at Merari.+
18 At ito ang pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa pamilya nila: Libni at Simei.+
19 Ang mga anak ni Kohat ayon sa pamilya nila ay sina Amram, Izhar, Hebron, at Uziel.+
20 Ang mga anak ni Merari ayon sa pamilya nila ay sina Mahali+ at Musi.+
Ito ang mga pamilya ng mga Levita ayon sa angkan nila.
21 Kay Gerson nagmula ang pamilya ng mga Libnita+ at pamilya ng mga Simeita. Ito ang mga pamilya ng mga Gersonita. 22 Ang lahat ng lalaking nairehistro mula sa kanila na isang buwang gulang pataas ay 7,500.+ 23 Ang mga pamilya ng mga Gersonita ay nagkakampo sa gawing kanluran, sa likuran ng tabernakulo.+ 24 Ang pinuno ng angkan ng mga Gersonita ay si Eliasap na anak ni Lael. 25 Ang atas ng mga anak ni Gerson+ sa tolda ng pagpupulong ay asikasuhin ang tabernakulo at ang tolda,+ ang pantakip nito,+ ang pantabing*+ sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, 26 ang nakasabit na tabing+ ng looban, ang pantabing*+ sa pasukan ng looban na kinaroroonan ng tabernakulo at altar, ang mga panaling pantolda nito, at ang lahat ng gawaing may kaugnayan sa mga ito.
27 Kay Kohat nagmula ang pamilya ng mga Amramita, pamilya ng mga Izharita, pamilya ng mga Hebronita, at pamilya ng mga Uzielita. Ito ang mga pamilya ng mga Kohatita.+ 28 Ang lahat ng lalaki mula isang buwang gulang pataas ay 8,600; sila ang inatasang mag-asikaso sa banal na lugar.+ 29 Ang mga pamilya ng mga anak ni Kohat ay nagkakampo sa gawing timog ng tabernakulo.+ 30 Ang pinuno ng angkan ng mga pamilya ng mga Kohatita ay si Elisapan na anak ni Uziel.+ 31 Ang atas nila ay ang pag-aasikaso sa Kaban,+ mesa,+ kandelero,+ mga altar,+ mga kagamitan+ para sa paglilingkod sa banal na lugar, at pantabing,*+ at sa lahat ng gawaing may kaugnayan sa mga ito.+
32 Ang pinakapinuno ng mga Levita ay si Eleazar+ na anak ni Aaron na saserdote, na nangangasiwa sa mga nag-aasikaso ng mga gawain sa banal na lugar.
33 Kay Merari nagmula ang pamilya ng mga Mahalita at pamilya ng mga Musita. Ito ang mga pamilya ni Merari.+ 34 Ang lahat ng lalaking nairehistro mula isang buwang gulang pataas ay 6,200.+ 35 Ang pinuno ng angkan ng mga pamilya ni Merari ay si Zuriel na anak ni Abihail. Nagkakampo sila sa gawing hilaga ng tabernakulo.+ 36 Ang mga anak ni Merari ang inatasang mag-asikaso sa mga hamba+ ng tabernakulo, mga barakilan* nito,+ mga haligi nito,+ may-butas na mga patungan nito, at lahat ng kagamitan nito,+ at sa lahat ng gawaing may kaugnayan sa mga ito,+ 37 pati sa mga haligi sa palibot ng looban at sa may-butas na mga patungan,+ mga tulos na pantolda, at mga panaling pantolda ng mga ito.
38 Si Moises at si Aaron at ang mga anak nito ang magkakampo sa harap ng tabernakulo sa gawing silangan, sa harap ng tolda ng pagpupulong na nakaharap sa sikatan ng araw. Sila ang may pananagutan sa pag-aasikaso ng santuwaryo, na gagampanan nila para sa mga Israelita. Ang ibang taong* lumapit dito ay papatayin.+
39 Ang lahat ng lalaking Levita mula isang buwang gulang pataas, na iniutos ni Jehova kina Moises at Aaron na irehistro ayon sa pamilya, ay 22,000.
40 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Irehistro mo ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita mula isang buwang gulang pataas,+ bilangin mo sila, at ilista mo ang mga pangalan nila. 41 Dapat mong kunin ang mga Levita para sa akin—ako si Jehova—kapalit ng lahat ng panganay ng mga Israelita,+ at kunin mo ang mga alagang hayop ng mga Levita kapalit ng lahat ng panganay ng mga alagang hayop ng mga Israelita.”+ 42 At inirehistro ni Moises ang lahat ng panganay ng mga Israelita, gaya ng iniutos ni Jehova. 43 Ang lahat ng panganay na lalaki mula isang buwang gulang pataas na inirehistro ang pangalan ay 22,273.
44 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 45 “Kunin mo ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay ng mga Israelita, at kunin mo ang mga alagang hayop ng mga Levita kapalit ng kanilang mga alagang hayop, at ang mga Levita ay magiging akin. Ako si Jehova. 46 Mas marami nang 273 ang panganay ng mga Israelita kaysa sa mga Levita. Para matubos+ ang sumobra sa mga panganay na ito,+ 47 kumuha ka ng limang siklo* para sa bawat tao,+ ayon sa siklo ng banal na lugar.* Ang isang siklo ay 20 gerah.*+ 48 Ibibigay mo ang pera kay Aaron at sa mga anak niya bilang halagang pantubos ng mga sumobra sa bilang nila.” 49 Kaya kinuha ni Moises ang pera na halagang pantubos para tubusin ang bilang ng mga panganay na sumobra sa bilang ng mga Levita. 50 Kinuha niya ang pera mula sa panganay ng mga Israelita, 1,365 siklo, ayon sa siklo ng banal na lugar. 51 Pagkatapos, ibinigay ni Moises kay Aaron at sa mga anak niya ang pera na halagang pantubos ayon sa sinabi* ni Jehova, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
4 At kinausap ni Jehova sina Moises at Aaron: 2 “Dapat magsagawa ng sensus sa mga anak ni Kohat+ mula sa mga anak ni Levi, ayon sa pamilya at angkan nila, 3 sa lahat ng 30+ hanggang 50 taóng gulang+ na kasama sa grupong inatasang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.+
4 “Ito ang gawain ng mga anak ni Kohat sa tolda ng pagpupulong.+ Ito ay kabanal-banalang bagay: 5 Kapag aalis ang kampo, papasok si Aaron at ang mga anak niya at ibababa ang kurtinang pantabing+ at ipantatakip ito sa kaban+ ng Patotoo. 6 Lalagyan nila ito ng isang pantakip na yari sa balat ng poka* at papatungan ng asul na tela, at ilalagay nila ang mga pingga* na pambuhat nito.+
7 “Maglalagay rin sila ng asul na tela sa ibabaw ng mesa ng tinapay na pantanghal,+ at ilalagay nila sa ibabaw nito ang mga pinggan, mga kopa, mga mangkok, at mga pitsel ng handog na inumin;+ dapat manatili sa ibabaw nito ang tinapay na regular na inihahandog.+ 8 Tatakpan nila ang mga iyon ng matingkad-na-pulang tela at papatungan ng pantakip na yari sa balat ng poka, at ilalagay nila sa mesa ang mga pingga na pambuhat+ nito. 9 At kukuha sila ng asul na tela at tatakpan ang kandelero,+ pati ang mga ilawan nito,+ mga pang-ipit ng mitsa* nito,+ mga lalagyan ng baga* nito, at lahat ng lalagyan ng langis para sa mga ilawan. 10 Babalutin nila ito at lahat ng kagamitan nito ng pantakip na yari sa balat ng poka at ilalagay sa isang kahoy na pambuhat. 11 At tatakpan nila ng asul na tela ang gintong altar+ at papatungan ito ng pantakip na yari sa balat ng poka, at ilalagay nila ang mga pingga nito.+ 12 Pagkatapos, kukunin nila ang lahat ng kagamitan+ sa paglilingkod na regular nilang ginagamit sa paglilingkod sa banal na lugar, at ilalagay nila ang mga iyon sa isang asul na tela, babalutin ng pantakip na yari sa balat ng poka, at ilalagay sa isang kahoy na pambuhat.
13 “Dapat nilang alisan ng abo* ang altar+ at takpan ito ng purpurang lana. 14 Ilalagay nila sa ibabaw nito ang lahat ng kagamitan nito na ginagamit kapag naglilingkod sila sa altar: ang mga lalagyan ng baga,* mga tinidor, mga pala, at mga mangkok, lahat ng kagamitan ng altar;+ at lalagyan nila ito ng pantakip na yari sa balat ng poka at ilalagay ang mga pingga na pambuhat nito.+
15 “Kapag aalis ang kampo, dapat matapos ni Aaron at ng mga anak niya ang paglalagay ng pantakip sa banal na lugar+ at sa lahat ng kagamitan nito. At papasok ang mga anak ni Kohat para buhatin ang mga iyon,+ pero hindi nila puwedeng hipuin ang banal na lugar dahil mamamatay sila.+ Ito ang mga pananagutan* ng mga anak ni Kohat may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong.
16 “Si Eleazar+ na anak ni Aaron na saserdote ang inatasang mangasiwa sa langis ng mga ilawan,+ mabangong insenso,+ araw-araw na paghahain ng handog na mga butil, at langis para sa pag-aatas.+ Siya ang nangangasiwa sa buong tabernakulo at sa lahat ng naroon, pati na sa banal na lugar at mga kagamitan nito.”
17 Sinabi pa ni Jehova kina Moises at Aaron: 18 “Huwag ninyong hayaang mapuksa ang mga inapo ni Kohat+ na mula sa tribo ni Levi. 19 Sa halip, gawin ninyo ito para sa kanila nang manatili silang buháy at hindi mamatay dahil sa paglapit sa mga kabanal-banalang bagay.+ Papasok si Aaron at ang mga anak niya at iaatas ang gawain ng bawat isa at kung ano ang bubuhatin nito. 20 Kapag pumasok ang mga Kohatita, hindi nila dapat makita ang mga banal na bagay kahit sandali lang, dahil mamamatay sila.”+
21 At sinabi ni Jehova kay Moises: 22 “Dapat magsagawa ng sensus sa mga anak ni Gerson,+ ayon sa angkan at pamilya nila. 23 Irerehistro mo ang lahat ng 30 hanggang 50 taóng gulang na kasama sa grupong inatasang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. 24 Ito ang nakaatas na asikasuhin at buhatin ng mga pamilya ng mga Gersonita:+ 25 Bubuhatin nila ang mga telang pantolda ng tabernakulo,+ ang tolda ng pagpupulong, ang pantakip nito at pantakip na yari sa balat ng poka na nasa ibabaw nito,+ ang pantabing* sa pasukan ng tolda ng pagpupulong,+ 26 ang nakasabit na tabing ng looban,+ ang pantabing* sa pasukan ng looban+ na kinaroroonan ng tabernakulo at altar, ang mga panaling pantolda nito at lahat ng kagamitan nito, at ang lahat ng bagay na ginagamit sa paglilingkod dito. Ito ang atas nila. 27 Lahat ng gawain at pasan ng mga Gersonita+ ay dapat pangasiwaan ni Aaron at ng mga anak niya; iaatas ninyo sa kanila ang lahat ng bubuhatin nila bilang pananagutan nila. 28 Ito ang gawain ng mga pamilya ng mga Gersonita may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong,+ at ang mga gawain nila ay pangangasiwaan ni Itamar+ na anak ni Aaron na saserdote.
29 “Irerehistro mo ang mga anak ni Merari+ ayon sa pamilya at angkan nila. 30 Irerehistro mo ang mga mula 30 hanggang 50 taóng gulang, ang lahat ng kasama sa grupong inatasang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. 31 Ito ang pananagutan nilang buhatin+ may kaugnayan sa paglilingkod nila sa tolda ng pagpupulong: ang mga hamba+ ng tabernakulo at ang mga barakilan,*+ mga haligi,+ at may-butas na mga patungan ng mga ito;+ 32 ang mga haligi+ na nakapalibot sa looban at ang may-butas na mga patungan,+ mga tulos na pantolda,+ at mga panaling pantolda ng mga ito, pati na ang lahat ng kagamitan ng mga ito at lahat ng gawaing may kaugnayan sa mga ito. Iaatas mo sa bawat isa sa kanila kung anong kagamitan ang pananagutan nilang buhatin. 33 Sa ganitong paraan maglilingkod sa tolda ng pagpupulong ang mga pamilya ng mga anak ni Merari,+ sa pangangasiwa ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.”+
34 At inirehistro nina Moises at Aaron at ng mga pinuno+ ng bayan ang mga Kohatita+ ayon sa pamilya at angkan ng mga ito, 35 lahat ng 30 hanggang 50 taóng gulang na kasama sa grupong inatasang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.+ 36 Ang lahat ng nairehistro ayon sa pamilya ng mga ito ay 2,750.+ 37 Ito ang mga nairehistro mula sa mga pamilya ng mga Kohatita, lahat ng naglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sila ay inirehistro nina Moises at Aaron ayon sa utos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+
38 Ang mga anak ni Gerson+ ay inirehistro ayon sa pamilya at angkan nila, 39 lahat ng 30 hanggang 50 taóng gulang na kasama sa grupong inatasang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. 40 Ang lahat ng nairehistro ayon sa pamilya at angkan nila ay 2,630.+ 41 Ganito inirehistro ang mga pamilya ng mga anak ni Gerson, lahat ng naglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sila ay inirehistro nina Moises at Aaron ayon sa utos ni Jehova.+
42 Ang mga anak ni Merari ay inirehistro ayon sa pamilya at angkan nila, 43 lahat ng 30 hanggang 50 taóng gulang na kasama sa grupong inatasang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.+ 44 Ang lahat ng nairehistro ayon sa pamilya nila ay 3,200.+ 45 Ganito inirehistro ang mga pamilya ng mga anak ni Merari, na inirehistro nina Moises at Aaron ayon sa utos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+
46 Inirehistro nina Moises at Aaron at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levitang ito ayon sa pamilya at angkan ng mga ito; 47 ang mga ito ay mula 30 hanggang 50 taóng gulang, at inatasan ang lahat na maglingkod at magbuhat ng pasan may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong.+ 48 Ang lahat ng nairehistro ay 8,580.+ 49 Sila ay inirehistro ayon sa utos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises, bawat isa ayon sa kani-kaniyang nakaatas na gawain at pasan; inirehistro sila gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
5 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Utusan mo ang mga Israelita na palabasin sa kampo ang lahat ng ketongin+ at lahat ng may sakit dahil may lumalabas sa ari nila+ at lahat ng marumi dahil sa isang namatay na tao.*+ 3 Lalaki man o babae, dapat ninyo silang palabasin. Dapat ninyo silang palabasin sa kampo para hindi nila marumihan+ ang buong kampo, na sa gitna nito ay naninirahan* ako.”+ 4 Kaya ginawa iyon ng mga Israelita at pinalabas ang mga ito sa kampo. Kung ano ang sinabi ni Jehova kay Moises, gayon ang ginawa ng mga Israelita.
5 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 6 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang isang lalaki o babae ay makagawa ng alinman sa mga kasalanang karaniwan sa tao at maging di-tapat kay Jehova, mananagot ang taong iyon sa ginawa niya.+ 7 Dapat niyang* ipagtapat+ ang kasalanan niya* at ibalik ang buong halaga bilang kabayaran sa kasalanan niya at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito;+ ibibigay niya iyon sa taong ginawan niya ng mali. 8 Pero kung ang biktima ay walang malapit na kamag-anak na tatanggap ng kabayaran, dapat itong ibalik kay Jehova at magiging pag-aari ito ng saserdote, bukod pa sa lalaking tupa na gagamitin nito bilang pambayad-sala para sa kaniya.+
9 “‘Bawat banal na abuloy+ mula sa mga Israelita na iniharap sa saserdote ay magiging kaniya.+ 10 Ang mga banal na bagay ng bawat isa ay mananatiling kaniya. Anuman ang ibigay ng bawat isa sa saserdote ay magiging pag-aari ng saserdote.’”
11 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 12 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ito ang dapat gawin kung ang asawa ng isang lalaki ay lumihis ng landas at magtaksil 13 at sipingan siya ng ibang lalaki+ pero hindi iyon alam ng kaniyang asawang lalaki at iyon ay nanatiling lihim, sa gayon ay dinungisan niya ang sarili niya pero walang testigo laban sa kaniya at hindi siya nahuli: 14 Kung ang asawang lalaki ay magselos at magduda sa katapatan ng kaniyang asawang babae at dinungisan nga nito ang sarili nito, o kung ang asawang lalaki ay magselos at magduda sa katapatan ng kaniyang asawa pero hindi naman nito dinungisan ang sarili nito, 15 dapat dalhin ng lalaki ang kaniyang asawa sa saserdote, pati na ang handog para dito, ang ikasampu ng isang epa* ng harinang sebada. Ang handog ay hindi niya bubuhusan ng langis o lalagyan ng olibano, dahil ito ay handog na mga butil ng pagseselos, isang handog na mga butil na nagpapaalaala ng pagkakasala.
16 “‘Dadalhin ng saserdote ang babae sa harap ni Jehova.+ 17 Ang saserdote ay maglalagay ng banal na tubig sa isang sisidlang luwad, at kukuha ang saserdote ng kaunting alabok sa sahig ng tabernakulo at ilalagay iyon sa tubig. 18 Ang babae ay ihaharap ng saserdote kay Jehova at ilulugay ang buhok nito at ilalagay sa mga palad nito ang handog na mga butil bilang paalaala, na siyang handog na mga butil ng pagseselos,+ at nasa kamay ng saserdote ang mapait na tubig na nagdadala ng sumpa.+
19 “‘Pasusumpain ng saserdote ang babae. Sasabihin niya: “Kung walang ibang lalaking sumiping sa iyo habang pag-aari ka ng iyong asawa+ at hindi ka lumihis ng landas at naging marumi, maging malaya ka nawa sa epekto ng mapait na tubig na ito na nagdadala ng sumpa. 20 Pero kung lumihis ka ng landas habang pag-aari ka ng iyong asawa dahil dinungisan mo ang iyong sarili, at nakipagtalik ka sa ibang lalaki+ bukod sa iyong asawa—” 21 Bibigkas ang saserdote ng panata na may kasamang sumpa, at pasusumpain niya ang babae. Sasabihin ng saserdote sa babae: “Parusahan ka nawa ni Jehova at gamitin nawa ng iyong bayan ang pangalan mo sa kanilang mga sumpa at panata kapag pinabagsak* ni Jehova ang iyong hita* at pinamaga ang iyong tiyan. 22 Ang tubig na ito na nagdadala ng sumpa ay papasok sa iyong mga bituka para mamaga ang iyong tiyan at bumagsak* ang iyong hita.”* At dapat sabihin ng babae: “Amen! Amen!”*
23 “‘Pagkatapos, ang mga sumpang ito ay dapat isulat ng saserdote sa aklat at burahin gamit ang mapait na tubig. 24 Ipaiinom niya sa babae ang mapait na tubig na nagdadala ng sumpa, at ang tubig na nagdadala ng sumpa ay papasok sa babae at magdudulot ng kapaitan.* 25 At dapat kunin ng saserdote ang handog na mga butil ng pagseselos+ mula sa kamay ng babae, at igagalaw niya iyon nang pabalik-balik sa harap ni Jehova at ilalapit sa altar. 26 Ang saserdote ay kukuha ng sandakot ng handog na mga butil bilang alaalang handog,* at pauusukin niya iyon sa ibabaw ng altar;+ pagkatapos, ipaiinom niya sa babae ang tubig. 27 Kapag naipainom na niya sa babae ang tubig at talagang dinungisan ng babae ang sarili niya at nagtaksil sa kaniyang asawa, ang tubig na nagdadala ng sumpa ay papasok sa kaniya at magdudulot ng kapaitan,* at mamamaga ang tiyan niya at babagsak* ang hita* niya, at ang babae ay babanggitin kapag sumusumpa ang kaniyang bayan. 28 Pero kung malinis ang babae at hindi dinungisan ang sarili niya, magiging ligtas siya sa gayong parusa, at puwede siyang magdalang-tao at magkaanak.
29 “‘Ito ang kautusan tungkol sa pagseselos,+ kapag ang isang babae ay lumihis ng landas at dinungisan ang sarili niya habang pag-aari siya ng kaniyang asawa, 30 o kapag nagselos ang isang lalaki at may suspetsang nagtaksil ang kaniyang asawa; ihaharap niya kay Jehova ang kaniyang asawang babae, at isasagawa rito ng saserdote ang buong kautusang ito. 31 Hindi magkakasala ang lalaki, pero ang asawa niya ay mananagot sa kasalanan nito.’”
6 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang isang lalaki o babae ay gumawa ng isang pantanging panata na mamuhay bilang Nazareo*+ para kay Jehova, 3 dapat siyang umiwas sa alak at iba pang inuming de-alkohol. Huwag siyang iinom ng sukà ng alak o ng sukà ng inuming de-alkohol.+ Huwag siyang iinom ng anumang likidong galing sa ubas o kakain ng ubas, sariwa man o pinatuyo. 4 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagiging Nazareo, hindi siya puwedeng kumain ng anumang mula sa punong ubas, hilaw na ubas man o kahit balat nito.
5 “‘Sa lahat ng araw ng panata niya bilang Nazareo, hindi siya puwedeng putulan ng buhok sa ulo.+ Para maging banal at maipakitang nakabukod siya para kay Jehova, magpapahaba siya ng buhok sa ulo hanggang sa matapos ang panahong iyon. 6 Hindi siya puwedeng lumapit sa isang patay na tao* sa lahat ng araw na nakabukod siya para kay Jehova. 7 Kahit pa ang kaniyang ama, ina, o kapatid na lalaki o babae ang mamatay, hindi niya puwedeng dungisan ang sarili niya,+ dahil ang tanda ng pagiging Nazareo niya para sa kaniyang Diyos ay nasa ulo niya.
8 “‘Banal siya para kay Jehova sa lahat ng araw ng kaniyang pagiging Nazareo. 9 Pero kung may biglang mamatay sa tabi niya+ kaya nadungisan niya ang buhok na sumasagisag sa pagiging nakabukod niya para sa Diyos,* dapat niyang ahitan ang ulo niya+ sa araw na ipahahayag siyang malinis. Aahitan niya ito sa ikapitong araw. 10 Sa ikawalong araw, magdadala siya ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati sa saserdote sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 11 Gagamitin ng saserdote ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman bilang handog na sinusunog, at magbabayad-sala ito para sa kaniya dahil sa kasalanan niya+ may kaugnayan sa taong patay. Pababanalin niya ang sarili* niya sa araw na iyon. 12 At ibubukod niya ulit ang sarili niya para simulang muli ang mga araw ng kaniyang pagiging Nazareo para kay Jehova, at magdadala siya ng isang batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog para sa pagkakasala. Pero hindi ibibilang ang nagdaang mga araw ng kaniyang pagiging Nazareo dahil nadungisan niya ito.
13 “‘At ito ang kautusan tungkol sa Nazareo: Kapag natapos na ang mga araw ng kaniyang pagiging Nazareo,+ dadalhin siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 14 Dadalhin niya roon ang handog niya kay Jehova: isang malusog na batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog,+ isang malusog na babaeng kordero* na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog para sa kasalanan,+ isang malusog na lalaking tupa bilang haing pansalo-salo,+ 15 isang basket ng hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa at gawa sa magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, at ang handog na mga butil+ at mga handog na inumin na kasama ng mga ito.+ 16 Ang mga iyon ay ihaharap ng saserdote kay Jehova, at iaalay nito ang kaniyang handog para sa kasalanan at handog na sinusunog. 17 Ihahandog niya ang lalaking tupa bilang haing pansalo-salo para kay Jehova kasama ang basket ng tinapay na walang pampaalsa, at ihaharap ng saserdote ang handog na mga butil+ at handog na inumin na kasama nito.
18 “‘At aahitin ng Nazareo sa pasukan ng tolda ng pagpupulong ang buhok sa kaniyang ulo,*+ at kukunin niya ang buhok sa kaniyang ulo na tumubo noong Nazareo pa siya at ilalagay iyon sa apoy na nasa ilalim ng haing pansalo-salo. 19 At kukuha ang saserdote ng isang pinakuluang+ paypay* ng lalaking tupa, isang hugis-singsing na tinapay na walang pampaalsa mula sa basket, at isang manipis na tinapay na walang pampaalsa, at ilalagay niya ang mga iyon sa mga palad ng Nazareo pagkatapos nitong ipaahit ang tanda ng pagiging Nazareo nito. 20 Ang mga iyon ay igagalaw ng saserdote nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova.+ Ito ay banal para sa saserdote, kasama ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng abuloy.+ Pagkatapos, makaiinom na ng alak ang Nazareo.
21 “‘Ito ang kautusan tungkol sa Nazareo+ na gumawa ng panata: Kung kaya niya at nanata siyang magbigay ng handog kay Jehova na higit sa kahilingan ng pagiging Nazareo, dapat niyang tuparin ang panata niya. Ito ang kautusan para sa mga Nazareo.’”
22 At sinabi ni Jehova kay Moises: 23 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya, ‘Ganito ninyo pagpapalain+ ang bayang Israel. Sasabihin ninyo sa kanila:
24 “Pagpalain ka nawa ni Jehova+ at ingatan ka.
25 Pasinagin nawa ni Jehova sa iyo ang kaniyang mukha,+ at pagpakitaan ka nawa niya ng pabor.
26 Iharap nawa ni Jehova sa iyo ang kaniyang mukha at bigyan ka ng kapayapaan.”’+
27 At gagamitin nila ang pangalan ko para pagpalain ang bayang Israel,+ nang sa gayon ay pagpalain ko ito.”+
7 Nang araw na matapos itayo ni Moises ang tabernakulo,+ pinahiran niya iyon ng langis+ at pinabanal, pati ang lahat ng kagamitan nito, at ang altar at lahat ng kagamitan nito.+ Pagkatapos niyang pahiran at pabanalin ang mga iyon,+ 2 naghandog ang mga pinuno ng Israel,+ ang mga ulo ng mga angkan nila. Ang mga pinunong ito ng mga tribo na nangasiwa sa pagrerehistro 3 ay naghandog sa harap ni Jehova ng anim na karwaheng may bubong at 12 baka, isang karwahe kada dalawang pinuno at isang toro* mula sa bawat isa; at dinala nila ang mga iyon sa harap ng tabernakulo. 4 Sinabi ni Jehova kay Moises: 5 “Tanggapin mo ang mga iyon mula sa kanila, dahil gagamitin ang mga iyon para sa paglilingkod sa tolda ng pagpupulong, at dapat mong ibigay ang mga iyon sa mga Levita, sa bawat isa ayon sa kailangan niya sa kaniyang mga atas.”
6 Kaya tinanggap ni Moises ang mga karwahe at mga baka at ibinigay ang mga iyon sa mga Levita. 7 Binigyan niya ng dalawang karwahe at apat na baka ang mga anak ni Gerson, ayon sa kailangan nila sa kanilang mga atas;+ 8 at binigyan niya ng apat na karwahe at walong baka ang mga anak ni Merari, ayon sa kailangan nila sa kanilang mga atas, na pangangasiwaan ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.+ 9 Pero hindi niya binigyan ang mga anak ni Kohat dahil ang mga atas nila ay may kaugnayan sa paglilingkod sa banal na lugar,+ at binubuhat nila ang mga banal na bagay sa kanilang mga balikat.+
10 At ang mga pinuno ay naghandog noong pasinayaan*+ ang altar, nang araw na pahiran ito ng langis. Nang dalhin ng mga pinuno ang kanilang handog sa harap ng altar, 11 sinabi ni Jehova kay Moises: “Bawat araw, isang pinuno ang magdadala ng kaniyang handog para sa pagpapasinaya ng altar.”
12 Ang nagdala ng handog noong unang araw ay si Nason+ na anak ni Aminadab mula sa tribo ni Juda. 13 Ang handog niya ay isang pilak na pinggan na 130 siklo* ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,*+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 14 isang gintong kopa* na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 15 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero* na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 16 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 17 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Nason na anak ni Aminadab.+
18 Nang ikalawang araw, ang naghandog ay si Netanel+ na anak ni Zuar at pinuno ng tribo ni Isacar. 19 Dinala niya bilang kaniyang handog ang isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 20 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 21 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 22 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 23 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Netanel na anak ni Zuar.
24 Nang ikatlong araw, si Eliab na anak ni Helon at pinuno ng mga anak ni Zebulon+ 25 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 26 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 27 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 28 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 29 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Eliab+ na anak ni Helon.
30 Nang ikaapat na araw, si Elizur na anak ni Sedeur at pinuno ng mga anak ni Ruben+ 31 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 32 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 33 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 34 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 35 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Elizur+ na anak ni Sedeur.
36 Nang ikalimang araw, si Selumiel na anak ni Zurisadai at pinuno ng mga anak ni Simeon+ 37 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 38 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 39 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 40 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 41 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Selumiel+ na anak ni Zurisadai.
42 Nang ikaanim na araw, si Eliasap na anak ni Deuel at pinuno ng mga anak ni Gad+ 43 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 44 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 45 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 46 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 47 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Eliasap+ na anak ni Deuel.
48 Nang ikapitong araw, si Elisama na anak ni Amihud at pinuno ng mga anak ni Efraim+ 49 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 50 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 51 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 52 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 53 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Elisama+ na anak ni Amihud.
54 Nang ikawalong araw, si Gamaliel na anak ni Pedazur at pinuno ng mga anak ni Manases+ 55 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 56 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 57 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;+ 58 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 59 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Gamaliel+ na anak ni Pedazur.
60 Nang ikasiyam na araw, si Abidan na anak ni Gideoni at pinuno+ ng mga anak ni Benjamin+ 61 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 62 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 63 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 64 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 65 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Abidan+ na anak ni Gideoni.
66 Nang ika-10 araw, si Ahiezer na anak ni Amisadai at pinuno ng mga anak ni Dan+ 67 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 68 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 69 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 70 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 71 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Ahiezer+ na anak ni Amisadai.
72 Nang ika-11 araw, si Pagiel na anak ni Ocran at pinuno ng mga anak ni Aser+ 73 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 74 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 75 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 76 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 77 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Pagiel+ na anak ni Ocran.
78 Nang ika-12 araw, si Ahira na anak ni Enan at pinuno ng mga anak ni Neptali+ 79 ang naghandog: isang pilak na pinggan na 130 siklo ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 80 isang gintong kopa na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 81 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 82 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 83 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Ahira+ na anak ni Enan.
84 Ito ang handog mula sa mga pinuno ng Israel nang pasinayaan+ ang altar, nang araw na pahiran ito ng langis: 12 pilak na pinggan, 12 pilak na mangkok, at 12 gintong kopa;+ 85 130 siklo ang bigat ng bawat pilak na pinggan at 70 siklo ang bigat ng bawat mangkok; ang lahat ng pilak na sisidlan ay 2,400 siklo ayon sa siklo ng banal na lugar;+ 86 10 siklo ang bigat ng bawat isa sa 12 gintong kopa na punô ng insenso, ayon sa siklo ng banal na lugar; ang lahat ng ginto ng mga kopa ay 120 siklo. 87 Ang lahat ng hayop para sa handog na sinusunog ay 12 toro, 12 lalaking tupa, at 12 lalaking kordero na isang taóng gulang, na may kasamang mga handog na mga butil, at bilang handog para sa kasalanan ay 12 batang kambing; 88 at ang lahat ng hayop para sa haing pansalo-salo ay 24 na toro, 60 lalaking tupa, 60 lalaking kambing, at 60 lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog nang pasinayaan+ ang altar matapos itong pahiran ng langis.+
89 Tuwing pumapasok si Moises sa tolda ng pagpupulong para makipag-usap sa Diyos,*+ ang tinig na nakikipag-usap sa kaniya ay naririnig niya mula sa ibabaw ng pantakip+ ng kaban ng Patotoo, mula sa pagitan ng dalawang kerubin;+ at nakikipag-usap sa kaniya ang Diyos.
8 Sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo kay Aaron, ‘Kapag sinisindihan mo ang mga ilawan, dapat paliwanagin ng pitong ilawan ang lugar na nasa tapat ng kandelero.’”+ 3 Kaya gayon ang ginawa ni Aaron: Sinindihan niya ang mga ilawan nito para sa lugar na nasa tapat ng kandelero,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 4 Ganito ang pagkakagawa sa kandelero: Gawa ito sa pinukpok na ginto; mula sa pinakakatawan hanggang sa mga bulaklak nito, gawa ito sa pinukpok na ginto.+ Ginawa ang kandelero ayon sa pangitain+ na ibinigay ni Jehova kay Moises.
5 Nakipag-usap muli si Jehova kay Moises: 6 “Kunin mo ang mga Levita mula sa mga Israelita, at linisin mo sila.+ 7 Ganito mo sila dapat linisin: Wisikan mo sila ng tubig na naglilinis ng kasalanan, at dapat nilang ahitan ang kanilang buong katawan, labhan ang mga kasuotan nila, at linisin ang kanilang sarili.+ 8 Pagkatapos, kukuha sila ng isang batang toro,*+ na may kasamang magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil,+ at kukuha ka ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan.+ 9 At dadalhin mo ang mga Levita sa harap ng tolda ng pagpupulong, at titipunin mo ang buong bayan ng Israel.+ 10 Kapag inihaharap mo kay Jehova ang mga Levita, ipapatong ng mga Israelita ang mga kamay nila sa mga Levita.+ 11 At iaalay* ni Aaron ang mga Levita sa harap ni Jehova bilang handog na iginagalaw*+ mula sa mga Israelita, at maglilingkod sila kay Jehova.+
12 “Ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng mga toro,+ at ang isang toro ay iaalay bilang handog para sa kasalanan at ang isa pa bilang handog na sinusunog para kay Jehova, bilang pambayad-sala+ para sa mga Levita. 13 Patatayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at ng mga anak niya, at iaalay* mo sila bilang handog na iginagalaw* para kay Jehova. 14 Ibubukod mo ang mga Levita mula sa mga Israelita, at ang mga Levita ay magiging akin.+ 15 Pagkatapos, papasok ang mga Levita sa tolda ng pagpupulong para maglingkod. Sa ganitong paraan mo sila dapat linisin at ialay* bilang handog na iginagalaw,* 16 dahil sila ay ibinigay sa akin bilang kaloob mula sa mga Israelita. Kukunin ko sila kapalit ng lahat ng panganay* ng mga Israelita,+ 17 dahil ang lahat ng panganay ng mga Israelita ay akin, tao man o hayop.+ Pinabanal ko sila para sa akin nang araw na patayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto.+ 18 Kukunin ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay ng mga Israelita. 19 Pinili ko ang mga Levita mula sa mga Israelita, at ibibigay ko sila bilang kaloob kay Aaron at sa mga anak niya para magsagawa ng paglilingkod sa tolda ng pagpupulong+ alang-alang sa mga Israelita at magbayad-sala para sa mga Israelita, nang sa gayon ay hindi salutin ang mga Israelita+ dahil sa paglapit nila sa banal na lugar.”
20 Ganito ang ginawa nina Moises at Aaron at ng buong bayan ng Israel sa mga Levita. Ginawa ng mga Israelita sa kanila ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises may kinalaman sa mga Levita. 21 Kaya nilinis ng mga Levita ang sarili nila at nilabhan ang kanilang mga kasuotan;+ pagkatapos ay inialay* sila ni Aaron bilang handog na iginagalaw* para kay Jehova.+ At nagbayad-sala si Aaron para sa kanila para maging malinis sila.+ 22 Pagkatapos nito, pumasok na sa tolda ng pagpupulong ang mga Levita para maglingkod sa harap ni Aaron at ng mga anak niya. Kung ano ang iniutos ni Jehova kay Moises may kaugnayan sa mga Levita, gayon ang ginawa ng mga ito sa kanila.
23 At sinabi ni Jehova kay Moises: 24 “Ito ang kaayusan para sa mga Levita: Ang lalaki na mula 25 taóng gulang pataas ay magiging bahagi ng grupo na naglilingkod sa tolda ng pagpupulong. 25 Pero paglampas ng 50 taóng gulang, magreretiro na siya at hindi na maglilingkod kasama ng grupo. 26 Puwede niyang tulungan ang mga kapatid niya na nag-aasikaso ng mga gawain sa tolda ng pagpupulong, pero hindi na siya puwedeng maglingkod doon. Ito ang dapat ninyong gawin sa mga Levita at sa mga atas nila.”+
9 Nakipag-usap si Jehova kay Moises sa ilang ng Sinai noong unang buwan+ ng ikalawang taon mula nang lumabas sila sa Ehipto. Sinabi niya: 2 “Dapat ihanda ng mga Israelita ang hain para sa Paskuwa+ sa panahong itinakda para dito.+ 3 Dapat ninyo itong ihanda sa ika-14 na araw ng buwang ito sa takipsilim,* sa panahong itinakda para dito. Dapat ninyo itong ihanda ayon sa lahat ng batas at itinakdang paraan para dito.”+
4 Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita na ihanda ang hain para sa Paskuwa. 5 At inihanda nila ang hain para sa Paskuwa noong ika-14 na araw ng unang buwan, sa takipsilim,* sa ilang ng Sinai. Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.
6 At may mga lalaking hindi nakapaghanda ng hain para sa Paskuwa nang araw na iyon dahil nakahipo sila ng isang bangkay at naging marumi sila.+ Kaya humarap sila kina Moises at Aaron nang araw na iyon,+ 7 at sinabi nila kay Moises: “Marumi kami dahil nakahipo kami ng bangkay. Hindi ba talaga kami puwedeng maghandog kay Jehova kasabay ng mga Israelita sa panahong itinakda para dito?”+ 8 Kaya sinabi ni Moises: “Maghintay kayo, at aalamin ko kay Jehova kung ano ang iuutos niya may kinalaman sa inyo.”+
9 Sinabi ni Jehova kay Moises: 10 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang sinuman sa inyo o sa susunod na henerasyon ninyo ay maging marumi dahil sa paghipo sa isang bangkay+ o kaya ay naglalakbay siya sa malayo, dapat pa rin siyang maghanda ng haing pampaskuwa para kay Jehova. 11 Dapat nilang ihanda iyon sa ika-14 na araw ng ikalawang buwan,+ sa takipsilim.* Kakainin nila iyon kasama ng tinapay na walang pampaalsa at ng mapapait na gulay.+ 12 Hindi sila puwedeng magtira nito hanggang sa umaga,+ at huwag nilang babaliin ang kahit isang buto nito.+ Dapat nila itong ihanda ayon sa bawat batas na may kaugnayan sa Paskuwa. 13 Gayunman, kung malinis ang isang tao at hindi rin siya naglalakbay pero hindi niya inihanda ang hain para sa Paskuwa, ang taong iyon ay papatayin,+ dahil hindi niya inialay ang handog kay Jehova sa panahong itinakda para dito. Mananagot ang taong iyon sa kasalanan niya.
14 “‘Kung may dayuhang naninirahang kasama ninyo, dapat din siyang maghanda ng haing pampaskuwa para kay Jehova.+ Dapat niya itong gawin ayon sa batas ng Paskuwa at sa itinakdang paraan para dito.+ Iisang batas ang susundin ng katutubo at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo.’”+
15 At nang araw na itayo ang tabernakulo,+ tinakpan ng ulap ang ibabaw ng tabernakulo, ang tolda ng Patotoo; pero nang kinagabihan, apoy naman ang nanatili sa ibabaw ng tabernakulo hanggang kinaumagahan.+ 16 Ganiyan ang palaging nangyayari: Tinatakpan iyon ng ulap kung araw, at apoy naman kung gabi.+ 17 Kapag pumapaitaas ang ulap mula sa tolda, agad na umaalis ang mga Israelita,+ at kung saan tumitigil ang ulap, doon nagkakampo ang mga Israelita.+ 18 Sa utos ni Jehova ay umaalis ang mga Israelita, at sa utos ni Jehova ay nagkakampo sila.+ Hangga’t hindi umaalis ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, nananatili silang nagkakampo. 19 Kapag nananatili ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo nang maraming araw, sinusunod ng mga Israelita si Jehova at hindi sila umaalis.+ 20 Kung minsan, ang ulap ay nananatili nang ilang araw sa ibabaw ng tabernakulo. Sa utos ni Jehova ay nananatili silang nagkakampo, at sa utos ni Jehova ay umaalis sila. 21 Kung minsan, ang ulap ay nananatili lang nang magdamag, at kapag pumaitaas ang ulap kinaumagahan, umaalis sila. Araw man o gabi pumaitaas ang ulap, umaalis sila.+ 22 Dalawang araw man, isang buwan, o mas matagal pa, hangga’t hindi umaalis ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, ang mga Israelita ay nananatiling nagkakampo at hindi umaalis. Pero kapag pumaitaas ito, umaalis sila. 23 Sa utos ni Jehova ay nagkakampo sila, at sa utos ni Jehova ay umaalis sila. Tinutupad nila ang obligasyon nila kay Jehova—sinusunod nila ang utos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.
10 At sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Gumawa ka ng dalawang trumpeta;+ pinukpok na pilak ang gagamitin mo sa paggawa, at gamitin mo ang mga iyon para tipunin ang kapulungan at para ipaalám na aalis na ang kampo. 3 Kapag dalawa ang hinipan, ang buong bayan ay dapat magtipon sa harap mo sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 4 Kung isa lang ang hinipan, ang magtitipon lang sa harap mo ay ang mga pinuno, ang mga ulo ng libo-libo sa Israel.+
5 “Kapag humihip kayo sa mga trumpeta ng isang pabago-bagong tunog, dapat umalis ang mga nagkakampo sa silangan.+ 6 Kapag humihip kayo sa mga trumpeta ng isang pabago-bagong tunog sa ikalawang pagkakataon, dapat umalis ang mga nagkakampo sa timog.+ Sa ganitong paraan nila patutunugin ang mga trumpeta tuwing aalis ang isa sa mga pangkat.
7 “Kapag titipunin ninyo ang kongregasyon, hipan ninyo ang mga trumpeta,+ pero hindi dapat pabago-bago ang tunog. 8 Ang mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dapat humihip sa mga trumpeta,+ at ang paggamit sa mga iyon ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo, sa lahat ng henerasyon ninyo.
9 “Kung makikipagdigma kayo sa inyong lupain laban sa isang kaaway* na nagpapahirap sa inyo, magpatunog kayo sa mga trumpeta ng isang panawagan sa pakikipagdigma,+ at maaalaala kayo ng Diyos ninyong si Jehova at maililigtas kayo mula sa inyong mga kaaway.
10 “Gayundin, sa masasayang okasyon ninyo+—sa inyong mga kapistahan+ at sa pasimula ng inyong mga buwan—hihipan ninyo ang mga trumpeta sa harap ng inyong mga handog na sinusunog+ at mga haing pansalo-salo;+ ang mga iyon ay magsisilbing paalaala sa harap ng inyong Diyos para sa inyo. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.”+
11 Nang ikalawang taon, noong ika-20 araw ng ikalawang buwan,+ ang ulap ay pumaitaas mula sa ibabaw ng tabernakulo+ ng Patotoo. 12 Kaya ang mga Israelita ay umalis sa ilang ng Sinai ayon sa itinakdang paraan ng kanilang pag-alis,+ at tumigil ang ulap sa ilang ng Paran.+ 13 Ito ang unang pagkakataong umalis sila ayon sa mga tagubiling ibinigay ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+
14 Kaya ang unang umalis ay ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ng mga anak ni Juda, ayon sa kanilang mga grupo,* at si Nason+ na anak ni Aminadab ang namamahala sa grupo nito. 15 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Isacar ay si Netanel+ na anak ni Zuar. 16 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Zebulon ay si Eliab+ na anak ni Helon.
17 Nang makalas na ang tabernakulo,+ umalis ang mga anak ni Gerson+ at mga anak ni Merari,+ na tagabuhat ng tabernakulo.
18 Kasunod na umalis ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Ruben, ayon sa kanilang mga grupo,* at si Elizur+ na anak ni Sedeur ang namamahala sa grupo nito. 19 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Simeon ay si Selumiel+ na anak ni Zurisadai. 20 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Gad ay si Eliasap+ na anak ni Deuel.
21 Pagkatapos, umalis ang mga Kohatita na tagapagdala ng mga kagamitan sa santuwaryo.+ Dapat na naitayo na ang tabernakulo pagdating nila roon.
22 Kasunod na umalis ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ng mga anak ni Efraim, ayon sa kanilang mga grupo,* at si Elisama+ na anak ni Amihud ang namamahala sa grupo nito. 23 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Manases ay si Gamaliel+ na anak ni Pedazur. 24 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Benjamin ay si Abidan+ na anak ni Gideoni.
25 Kasunod na umalis ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ng mga anak ni Dan, ayon sa kanilang mga grupo,* at sila ang nagsilbing bantay sa likuran ng buong kampo, at si Ahiezer+ na anak ni Amisadai ang namamahala sa grupo nito. 26 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Aser ay si Pagiel+ na anak ni Ocran. 27 Ang namamahala sa grupo ng tribo ng mga anak ni Neptali ay si Ahira+ na anak ni Enan. 28 Ganito ang pagkakasunod-sunod ng mga Israelita at ng kanilang mga grupo* kapag umaalis sila.+
29 At sinabi ni Moises kay Hobab na anak ni Reuel*+ na Midianita, na biyenan ni Moises: “Papunta na kami sa lugar na ipinangako ni Jehova. Sinabi niya, ‘Ibibigay ko iyon sa inyo.’+ Sumama ka sa amin,+ at magiging mabuti kami sa iyo, dahil nangako si Jehova ng mabubuting bagay para sa Israel.”+ 30 Pero sumagot ito: “Hindi ako sasama. Babalik ako sa sarili kong lupain at mga kamag-anak.” 31 Kaya sinabi niya: “Pakiusap, huwag mo kaming iwan, dahil alam mo kung saan kami puwedeng magkampo sa ilang, at maituturo mo sa amin ang daan.* 32 At kung sasama ka sa amin,+ anumang kabutihang ipakita sa amin ni Jehova ay ipapakita rin namin sa iyo.”
33 Kaya mula sa bundok ni Jehova+ ay sinimulan nila ang tatlong-araw na paglalakbay, at sa tatlong-araw na paglalakbay na iyon ay nauuna sa kanila ang kaban+ ng tipan ni Jehova para maghanap ng lugar kung saan sila puwedeng magkampo.+ 34 At ang ulap ni Jehova+ ay nasa itaas nila kung araw kapag naglalakbay sila.
35 Tuwing inililipat ang Kaban, sinasabi ni Moises: “Bumangon ka, O Jehova,+ at pangalatin mo ang iyong mga kaaway, at tumakas nawa mula sa harap mo ang mga napopoot sa iyo.” 36 At kapag inilalapag ito, sinasabi niya: “Bumalik ka, O Jehova, sa di-mabilang* na libo-libo ng Israel.”+
11 At ang bayan ay nagsimulang magreklamo sa harap ni Jehova na para bang napakasama ng kalagayan nila. Nang marinig iyon ni Jehova, nagalit siya nang husto, at pinadalhan sila ni Jehova ng naglalagablab na apoy at tinupok ang ilan na nasa dulo ng kampo. 2 Nang humingi ng tulong kay Moises ang bayan, nagsumamo siya kay Jehova,+ at namatay ang apoy. 3 Kaya tinawag na Tabera* ang lugar na iyon, dahil pinadalhan sila roon ni Jehova ng naglalagablab na apoy.+
4 At ang mga banyaga+ sa gitna nila ay may kasakimang naghangad ng pagkain,+ at umiyak na naman ang mga Israelita at nagsabi: “Sino ang magbibigay sa amin ng karneng kakainin namin?+ 5 Tandang-tanda pa namin ang isda na kinakain namin nang walang bayad sa Ehipto, pati ang mga pipino, pakwan, puero, sibuyas, at bawang!+ 6 Pero ngayon, nanghihina na kami. Wala na kaming ibang nakikita kundi manna.”+
7 Ang manna+ ay parang buto ng kulantro*+ at kakulay ng dagtang bedelio. 8 Naglilibot ang mga tao at namumulot nito, at dinudurog nila ito sa gilingan* o dinidikdik sa almires. Pagkatapos, pinakukuluan nila ito sa lutuan o ginagawang tinapay na bilog,+ at ang lasa nito ay kagaya ng matamis na tinapay na may langis. 9 Kapag humahamog sa kampo sa gabi, bumabagsak din ang manna.+
10 Narinig ni Moises na umiiyak ang bayan, pami-pamilya, bawat tao sa pasukan ng kani-kaniyang tolda. Kaya nagalit nang husto si Jehova,+ at nagalit din si Moises. 11 Sinabi ni Moises kay Jehova: “Bakit mo pinahihirapan ang iyong lingkod? Ano ang nagawa ko kaya hindi ka nalugod sa akin at ipinasan mo sa akin ang buong bayang ito?+ 12 Ipinagbuntis ko ba ang buong bayang ito? Ipinanganak ko ba sila, kaya sinasabi mo, ‘Kargahin mo sila,* kung paanong kinakarga ng tagapaglingkod* ang pasusuhing bata,’ papunta sa lupaing ipinangako* mo sa kanilang mga ninuno?+ 13 Saan ako kukuha ng karneng ibibigay sa buong bayang ito? Dahil lagi silang umiiyak sa harap ko at sinasabi, ‘Bigyan mo kami ng karneng kakainin namin!’ 14 Hindi ko kayang dalhing mag-isa ang buong bayang ito; napakabigat nito para sa akin.+ 15 Kung ganito ang gagawin mo sa akin, pakiusap, patayin mo na ako ngayon.+ Kung kinalulugdan mo ako, huwag mo nang ipakita sa akin ang anumang kapahamakan.”
16 Sumagot si Jehova kay Moises: “Pumili ka ng 70 mula sa matatandang lalaki ng Israel, mga kilala mo* bilang matatandang lalaki at mga opisyal ng bayan,+ at dalhin mo sila sa tolda ng pagpupulong, at patayuin mo sila roon kasama mo. 17 Bababa ako+ at makikipag-usap sa iyo roon,+ at kukuha ako ng ilang bahagi ng espiritu+ na sumasaiyo at ibibigay ko iyon sa kanila, at tutulungan ka nilang pasanin ang bayan para hindi mo ito dalhing mag-isa.+ 18 Sabihin mo sa bayan, ‘Pabanalin ninyo ang inyong sarili para bukas,+ dahil tiyak na kakain kayo ng karne, dahil ipinarinig ninyo kay Jehova ang pag-iyak ninyo+ at sinabi: “Sino ang magbibigay sa amin ng karneng kakainin namin? Mas mabuti pa ang kalagayan namin sa Ehipto.”+ Tiyak na bibigyan kayo ni Jehova ng karne, at kakain nga kayo.+ 19 Kakain kayo, hindi nang isang araw, 2 araw, 5 araw, 10 araw, o 20 araw, 20 kundi nang isang buong buwan, hanggang sa lumabas iyon sa mga butas ng inyong ilong at sawang-sawa na kayo roon,+ dahil itinakwil ninyo si Jehova, na nasa gitna ninyo, at umiiyak kayo sa harap niya at sinasabi ninyo: “Bakit pa kami lumabas ng Ehipto?”’”+
21 At sinabi ni Moises: “Ang bayang kasama ko ay 600,000 lalaki,*+ pero sinasabi mo, ‘Bibigyan ko sila ng karne, at isang buong buwan silang kakain nito’! 22 Kung mga buong kawan at bakahan ang papatayin, sasapat ba iyon sa kanila? O kung huhulihin ang lahat ng isda sa dagat, sasapat ba iyon sa kanila?”
23 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Napakaikli ba ng kamay ni Jehova?+ Makikita mo ngayon kung mangyayari o hindi ang sinasabi ko.”
24 Kaya lumabas si Moises at sinabi sa bayan ang mga sinabi ni Jehova. At pumili siya ng 70 mula sa matatandang lalaki ng bayan at pinatayo sila sa palibot ng tolda.+ 25 At bumaba si Jehova sa isang ulap+ at nakipag-usap sa kaniya+ at kumuha ng ilang bahagi ng espiritu+ na sumasakaniya at ibinigay iyon sa bawat isa sa 70 matatandang lalaki. At nang mapasakanila ang espiritu, gumawi sila na parang mga propeta,*+ pero hindi na nila iyon inulit.
26 Dalawa sa mga lalaking ito ang nasa kampo pa. Sila ay sina Eldad at Medad. At napasakanila ang espiritu dahil kasama ang pangalan nila sa mga inilista, pero hindi sila pumunta sa tolda. Kaya gumawi sila na parang mga propeta sa kampo. 27 At isang kabataang lalaki ang tumakbo at nag-ulat kay Moises: “Sina Eldad at Medad ay gumagawi na parang mga propeta sa kampo!” 28 Kaya sinabi ni Josue,+ na anak ni Nun at lingkod ni Moises mula nang kabataan pa ito: “Panginoon kong Moises, pigilan mo sila!”+ 29 Pero sinabi ni Moises: “Nag-aalala ka ba sa magiging epekto nito sa akin? Huwag. Gusto ko nga na maging propeta ang buong bayan ni Jehova at ibigay sa kanila ni Jehova ang espiritu niya!” 30 Pagkatapos, bumalik si Moises sa kampo kasama ang matatandang lalaki ng Israel.
31 At nagpadala si Jehova ng malakas na hangin at ang mga pugo mula sa dagat ay tinangay sa palibot ng kampo;+ ang lawak ng natakpan ng mga ito ay mga isang-araw na paglalakbay sa isang panig at mga isang-araw na paglalakbay sa kabilang panig, sa palibot ng kampo, at mga dalawang siko* ang taas ng mga ito sa ibabaw ng lupa. 32 Kaya nang buong araw na iyon hanggang gabi at hanggang sa kinabukasan, hindi natulog ang mga tao at nanguha sila ng mga pugo. Di-bababa sa 10 homer* ang nakuha ng bawat isa sa kanila, at inilatag nila ang mga iyon sa palibot ng kampo para sa kanilang sarili. 33 Pero nang nasa bibig pa lang nila* ang karne, bago pa nila iyon manguya, lumagablab ang galit ni Jehova sa bayan, at napakaraming pinatay ni Jehova.+
34 Kaya tinawag nilang Kibrot-hataava*+ ang lugar na iyon, dahil doon nila inilibing ang mga taong naghangad nang may kasakiman.+ 35 Mula sa Kibrot-hataava, pumunta ang bayan sa Hazerot, at nanatili sila sa Hazerot.+
12 At nagsalita sina Miriam at Aaron laban kay Moises dahil sa asawa niyang Cusita, dahil kumuha siya ng isang Cusita bilang asawa.+ 2 Sinasabi nila: “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Jehova? Hindi ba nagsasalita rin siya sa pamamagitan natin?”+ At naririnig sila ni Jehova.+ 3 Si Moises ang pinakamaamo sa lahat ng tao*+ sa ibabaw ng lupa.
4 Agad namang sinabi ni Jehova kina Moises, Aaron, at Miriam: “Pumunta kayong tatlo sa tolda ng pagpupulong.” Kaya pumunta silang tatlo. 5 At bumaba si Jehova sa haliging ulap+ at tumayo sa pasukan ng tolda at tinawag sina Aaron at Miriam. Lumapit silang dalawa. 6 Sinabi niya: “Pakisuyo, pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung may propeta si Jehova sa gitna ninyo, magpapakilala ako sa kaniya sa isang pangitain,+ at makikipag-usap ako sa kaniya sa isang panaginip.+ 7 Pero iba sa lingkod kong si Moises! Sa kaniya ipinagkatiwala ang aking buong sambahayan.*+ 8 Nakikipag-usap ako sa kaniya nang mukhaan.*+ Malinaw kong sinasabi ang mga gusto kong sabihin, at hindi sa pamamagitan ng mga bugtong; nakikita niya ang anyo ni Jehova. Kaya bakit hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”
9 Kaya galit na galit sa kanila si Jehova, at iniwan niya sila. 10 Lumayo ang ulap sa ibabaw ng tolda, at si Miriam ay biglang nagkaroon ng ketong na kasimputi ng niyebe!+ Pagtingin ni Aaron kay Miriam, nakita niyang nagkaketong ito.+ 11 Agad na sinabi ni Aaron kay Moises: “Parang awa mo na, panginoon ko! Pakiusap, huwag mong hayaang maparusahan kami dahil sa kasalanang ito! Maling-mali ang ginawa namin. 12 Pakiusap, huwag mo siyang hayaan na manatiling gaya ng isang sanggol na ipinanganak na patay at agnas na ang kalahati ng laman!” 13 Nakiusap si Moises kay Jehova: “O Diyos, pakiusap, pagalingin mo siya! Pakiusap!”+
14 Sumagot si Jehova kay Moises: “Kung duraan siya ng kaniyang ama sa mismong mukha niya, hindi ba mapapahiya siya nang pitong araw? Ibukod ninyo siya nang pitong araw sa labas ng kampo,+ at pagkatapos ay puwede na siyang papasuking muli.” 15 Kaya ibinukod si Miriam sa labas ng kampo nang pitong araw,+ at nanatiling nagkakampo ang bayan hanggang sa papasuking muli si Miriam. 16 Pagkatapos, umalis ang bayan sa Hazerot+ at nagkampo sa ilang ng Paran.+
13 At sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Magsugo ka ng mga lalaki para mag-espiya* sa lupain ng Canaan, na ibinibigay ko sa mga Israelita. Magsugo kayo ng isang lalaking pinuno mula sa bawat tribo+ ng kanilang ninuno.”+
3 Kaya sa utos ni Jehova ay isinugo sila ni Moises mula sa ilang ng Paran.+ Ang lahat ng lalaki ay ulo ng mga Israelita. 4 Ito ang mga pangalan nila: sa tribo ni Ruben, si Samua na anak ni Zacur; 5 sa tribo ni Simeon, si Sapat na anak ni Hori; 6 sa tribo ni Juda, si Caleb+ na anak ni Jepune; 7 sa tribo ni Isacar, si Igal na anak ni Jose; 8 sa tribo ni Efraim, si Hosea+ na anak ni Nun; 9 sa tribo ni Benjamin, si Palti na anak ni Rapu; 10 sa tribo ni Zebulon, si Gaddiel na anak ni Sodi; 11 sa tribo ni Jose,+ para sa tribo ni Manases,+ si Gaddi na anak ni Susi; 12 sa tribo ni Dan, si Amiel na anak ni Gemali; 13 sa tribo ni Aser, si Setur na anak ni Miguel; 14 sa tribo ni Neptali, si Nabi na anak ni Vopsi; 15 sa tribo ni Gad, si Geuel na anak ni Maki. 16 Ito ang pangalan ng mga lalaking isinugo ni Moises para mag-espiya sa lupain. At si Hosea na anak ni Nun ay pinangalanan ni Moises na Josue.*+
17 Nang isugo sila ni Moises para mag-espiya sa Canaan, sinabi niya: “Pumunta kayo sa Negeb, at pagkatapos ay umakyat kayo sa mabundok na rehiyon.+ 18 Kailangan ninyong alamin kung anong uri iyon ng lupain+ at kung ang mga nakatira doon ay malalakas o mahihina, kaunti o marami, 19 at kung ang lupain ay maganda o hindi at kung ang mga lunsod na tinitirhan nila ay hantad o napapaderan. 20 Alamin din ninyo kung ang lupain ay mataba o tigang*+ at kung may mga puno roon o wala. Dapat ninyong lakasan ang loob ninyo+ at kumuha kayo ng mga bunga ng lupain.” Nahihinog na ang mga ubas+ nang panahong iyon.
21 Kaya pumunta sila at nag-espiya sa lupain mula sa ilang ng Zin+ hanggang sa Rehob,+ malapit sa Lebo-hamat.*+ 22 Nang makarating sila sa Negeb, pumunta sila sa Hebron,+ kung saan nakatira ang mga Anakim+ na sina Ahiman, Sesai, at Talmai.+ At ang Hebron ay itinayo pitong taon bago ang Zoan ng Ehipto. 23 Nang makarating sila sa Lambak* ng Escol,+ pumutol sila ng isang sanga na may isang kumpol ng ubas, na kinailangang buhatin ng dalawa sa mga lalaki gamit ang isang pingga;* mayroon ding mga granada* at igos.+ 24 Tinawag nila ang lugar na iyon na Lambak* ng Escol*+ dahil sa kumpol na pinutol doon ng mga Israelita.
25 Pagkalipas ng 40 araw,+ bumalik sila mula sa pag-eespiya sa lupain. 26 Bumalik sila kina Moises at Aaron at sa buong bayan ng Israel na nasa ilang ng Paran, sa Kades.+ Nag-ulat sila sa buong bayan at ipinakita nila ang mga bunga ng lupain. 27 Ito ang iniulat nila kay Moises: “Pumasok kami sa lupain kung saan mo kami isinugo, at talaga ngang inaagusan iyon ng gatas at pulot-pukyutan,+ at ito ang mga bunga mula roon.+ 28 Pero malalakas ang mga taong nakatira sa lupain, at napakalaki ng mga napapaderang* lunsod. Nakita rin namin doon ang mga Anakim.+ 29 Ang mga Amalekita+ ay naninirahan sa lupain ng Negeb;+ ang mga Hiteo, Jebusita,+ at Amorita+ ay naninirahan sa mabundok na rehiyon; at ang mga Canaanita+ ay naninirahan malapit sa dagat+ at sa Jordan.”
30 Pagkatapos, sinikap ni Caleb na pakalmahin ang bayan habang nakatayo sila sa harap ni Moises. Sinabi niya: “Lumusob na tayo agad, at tiyak na mapapasaatin iyon, dahil siguradong masasakop natin iyon.”+ 31 Pero sinabi ng mga lalaking kasama niya: “Hindi natin sila kayang labanan dahil mas malalakas sila kaysa sa atin.”+ 32 At puro di-magagandang ulat ang sinasabi nila+ sa mga Israelita tungkol sa lupain kung saan sila nag-espiya. Sinasabi nila: “Ang lupain kung saan kami nag-espiya ay lumalamon ng mga nakatira doon, at napakalaki ng lahat ng taong nakita namin doon.+ 33 At nakita namin doon ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anak,+ na mula sa* mga Nefilim; para lang kaming mga tipaklong kumpara sa kanila, at ganoon din ang tingin nila sa amin.”
14 Kaya humiyaw ang buong bayan, at patuloy silang dumaing at umiyak nang buong gabing iyon.+ 2 Lahat ng Israelita ay nagsimulang magbulong-bulungan laban kina Moises at Aaron,+ at nagsalita laban sa kanila ang buong bayan: “Namatay na lang sana tayo sa Ehipto, o namatay na lang sana tayo sa ilang na ito! 3 Bakit pa tayo dadalhin ni Jehova sa lupaing iyon para mamatay sa espada?+ Magiging samsam ang ating mga asawang babae at anak.+ Hindi ba mas mabuti kung bumalik tayo sa Ehipto?”+ 4 Sinabi pa nila sa isa’t isa: “Mag-atas tayo ng mangunguna sa atin, at bumalik tayo sa Ehipto!”+
5 Kaya sumubsob sa lupa sina Moises at Aaron sa harap ng buong kongregasyon ng Israel na nagtitipon doon. 6 Pinunit ni Josue+ na anak ni Nun at ni Caleb+ na anak ni Jepune, na kasama sa mga nag-espiya sa lupain, ang damit nila, 7 at sinabi nila sa buong bayan ng Israel: “Napakaganda ng lupain+ kung saan kami nag-espiya. 8 Kung nalulugod sa atin si Jehova, tiyak na dadalhin niya tayo sa lupaing iyon at ibibigay iyon sa atin, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ 9 Pero huwag kayong maghimagsik kay Jehova, at huwag kayong matakot sa mga tao sa lupaing iyon,+ dahil madali natin silang matatalo.* Wala nang nagbibigay ng proteksiyon sa kanila, pero sumasaatin si Jehova.+ Huwag kayong matakot sa kanila.”
10 Gayunman, napagkaisahan ng buong bayan na batuhin sila.+ Pero ang kaluwalhatian ni Jehova ay lumitaw sa tolda ng pagpupulong sa harap ng buong bayan ng Israel.+
11 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Hanggang kailan ako pakikitunguhan ng bayang ito nang walang paggalang,+ at hanggang kailan sila hindi mananampalataya sa akin sa kabila ng lahat ng tanda na isinagawa ko sa gitna nila?+ 12 Padadalhan ko sila ng salot at itataboy ko sila, at gagawin kitang isang bansa na mas malaki* at mas malakas kaysa sa kanila.”+
13 Pero sinabi ni Moises kay Jehova: “Kinuha mo ang iyong bayan mula sa mga Ehipsiyo gamit ang kapangyarihan mo. Kaya kung gagawin mo iyan, mababalitaan nila iyan+ 14 at sasabihin sa mga nakatira sa lupaing ipinangako mo. Narinig din ng mga iyon na ikaw, si Jehova, ay nasa gitna ng bayang ito+ at nagpapakita ka sa kanila nang mukhaan.+ Ikaw si Jehova, at ang iyong ulap ay nasa ibabaw nila, at pinapatnubayan mo sila sa pamamagitan ng isang haliging ulap kung araw at isang haliging apoy kung gabi.+ 15 Kung sabay-sabay* mong papatayin ang lahat ng taong ito, sasabihin ng mga bansang nakarinig sa iyong kabantugan: 16 ‘Hindi kayang dalhin ni Jehova ang bayang ito sa lupaing ipinangako niya sa kanila, kaya pinatay na lang niya sila sa ilang.’+ 17 Kaya pakisuyo, Jehova, ipakita mo kung gaano kalakas ang iyong kapangyarihan gaya ng ipinangako mo. Sinabi mo: 18 ‘Si Jehova ay hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,*+ nagpapatawad sa pagkakamali at pagsuway, pero tinitiyak niyang mapaparusahan ang mga may kasalanan at pinaparusahan ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, pati na ang ikatlo at ikaapat na henerasyon.’+ 19 Pakiusap, patawarin mo ang kasalanan ng bayang ito dahil sa lalim ng iyong tapat na pag-ibig, kung paanong pinatatawad mo ang bayang ito mula noong panahong nasa Ehipto sila hanggang ngayon.”+
20 Kaya sinabi ni Jehova: “Patatawarin ko sila gaya ng sinabi mo.+ 21 Sa kabilang dako naman, isinusumpa ko, kung paanong buháy ako, ang buong lupa ay mapupuno ng kaluwalhatian ni Jehova.+ 22 Pero sa mga nakakita ng kaluwalhatian ko at ng mga tanda+ na isinagawa ko sa Ehipto at sa ilang at patuloy pa ring nanubok sa akin+ nang 10 ulit at hindi nakinig sa tinig ko,+ walang isa man sa kanila 23 ang makakakita sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ama. Lahat ng nakikitungo sa akin nang walang galang ay talagang hindi makakakita nito.+ 24 Pero dahil iba ang saloobin* ng lingkod kong si Caleb+ at patuloy siyang sumunod sa akin nang buong puso, dadalhin ko siya sa lupaing pinuntahan niya, at magiging pag-aari iyon ng mga supling niya.+ 25 Nakatira sa lambak* ang mga Amalekita at mga Canaanita,+ kaya umalis kayo bukas at maglakbay papunta sa ilang sa Daan ng Dagat na Pula.”+
26 At sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: 27 “Hanggang kailan magbubulong-bulungan laban sa akin ang masamang bayang ito?+ Narinig ko ang pinagbubulong-bulungan ng mga Israelita laban sa akin.+ 28 Sabihin mo sa kanila, ‘“Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ni Jehova, “gagawin ko sa inyo kung ano ang narinig kong sinabi ninyo!+ 29 Mamamatay kayo sa ilang,*+ oo, kayong lahat na inirehistro mula 20 taóng gulang pataas, kayong lahat na nagbulong-bulungan laban sa akin.+ 30 Kahit isa sa inyo ay hindi makakapasok sa lupaing ipinangako ko* na titirhan ninyo,+ maliban kay Caleb na anak ni Jepune at kay Josue na anak ni Nun.+
31 “‘“At dadalhin ko roon ang inyong mga anak, na sinabi ninyong magiging samsam,+ at makikita nila ang lupain na itinakwil ninyo.+ 32 Pero kayo, mamamatay kayo sa ilang na ito.* 33 At ang mga anak ninyo ay magiging mga pastol sa ilang nang 40 taon,+ at sila ang mananagot dahil sa inyong pagiging di-tapat,* hanggang sa mamatay sa ilang ang kahuli-hulihan sa inyo.+ 34 Ayon sa bilang ng araw na nag-espiya kayo sa lupain, 40 araw,+ isang araw para sa isang taon, isang araw para sa isang taon, 40 taon+ kayong mananagot sa mga kasalanan ninyo para malaman ninyo kung ano ang resulta ng paglaban sa akin.*
35 “‘“Akong si Jehova ang nagsalita. Ito ang gagawin ko sa masamang bayang ito, sa lahat ng nagsama-sama laban sa akin: Sa ilang na ito ay sasapit sila sa kanilang katapusan, at dito sila mamamatay.+ 36 Ang mga lalaking isinugo ni Moises para mag-espiya sa lupain at nagdala ng di-magandang ulat tungkol sa lupain+ kung kaya nagbulong-bulungan ang buong bayan laban sa kaniya, 37 oo, ang mga lalaking nagdala ng di-magandang ulat tungkol sa lupain ay paparusahan at mamamatay sa harap ni Jehova.+ 38 Pero mananatiling buháy si Josue na anak ni Nun at si Caleb na anak ni Jepune, na kasama sa mga nag-espiya sa lupain.”’”+
39 Nang sabihin ito ni Moises sa lahat ng Israelita, ang bayan ay labis na nagdalamhati. 40 At bumangon sila nang maaga kinabukasan at nagtangkang umakyat sa tuktok ng bundok. Sinabi nila: “Nagkasala kami, pero ngayon ay handa na kaming pumunta sa lugar na sinabi ni Jehova.”+ 41 Pero sinabi ni Moises: “Bakit ninyo binabale-wala ang utos ni Jehova? Hindi iyan magtatagumpay. 42 Huwag kayong umakyat, dahil hindi sumasainyo si Jehova; at matatalo kayo ng inyong mga kaaway.+ 43 Naroon ang mga Amalekita at mga Canaanita para lumaban sa inyo,+ at mamamatay kayo sa espada. Dahil tumigil kayo sa pagsunod kay Jehova, hindi sasainyo si Jehova.”+
44 Gayunman, nangahas silang umakyat sa tuktok ng bundok,+ pero ang kaban ng tipan ni Jehova, pati si Moises, ay nanatili sa gitna ng kampo.+ 45 At bumaba ang mga Amalekita at mga Canaanita na nakatira sa bundok na iyon at sinalakay sila at pinangalat hanggang sa Horma.+
15 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kapag nakarating na kayo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo para tirhan+ 3 at nag-alay kayo kay Jehova ng handog na pinaraan sa apoy mula sa bakahan o kawan bilang nakagiginhawang amoy para kay Jehova+—ito man ay isang handog na sinusunog+ o isang hain para sa isang pantanging panata o isang kusang-loob na handog+ o isang handog sa panahon ng inyong mga kapistahan+— 4 ang taong naghahandog ay dapat ding mag-alay kay Jehova ng ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina,+ na nilagyan ng sangkapat na hin* ng langis, bilang handog na mga butil. 5 Dapat ka ring mag-alay ng sangkapat na hin ng alak bilang handog na inumin, kasama ng handog na sinusunog+ o ng isang hain na lalaking kordero.* 6 O kung lalaking tupa ang inihain, dapat kang mag-alay ng dalawang-ikasampu ng isang takal na epa ng magandang klase ng harina, na nilagyan ng sangkatlong hin ng langis, bilang handog na mga butil. 7 At dapat kang mag-alay ng sangkatlong hin ng alak bilang handog na inumin, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.
8 “‘Pero kung mag-aalay ka kay Jehova ng toro* bilang handog na sinusunog+ o hain para sa isang pantanging panata+ o mga haing pansalo-salo,+ 9 kasama ng toro ay dapat kang mag-alay ng tatlong-ikasampu ng isang takal na epa ng magandang klase ng harina, na nilagyan ng kalahating hin ng langis, bilang handog na mga butil.+ 10 Dapat ka ring mag-alay ng kalahating hin ng alak bilang handog na inumin,+ isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova. 11 Ganito ang dapat gawin sa bawat toro, lalaking tupa, lalaking kordero, o kambing. 12 Gaano man karami ang ihahandog ninyo, gayon ang dapat ninyong gawin sa bawat isa. 13 Sa ganitong paraan dapat mag-alay ang bawat katutubong Israelita ng handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.
14 “‘Kung isang dayuhan na naninirahang kasama ninyo o maraming henerasyon na ninyong kasama ang mag-alay ng handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, dapat din niyang gawin kung ano ang ginagawa ninyo.+ 15 Iisa lang ang batas para sa inyo na nasa kongregasyon at sa dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa lahat ng henerasyon ninyo. Ang dayuhang naninirahang kasama ninyo ay magiging katulad ninyo sa harap ni Jehova.+ 16 Pareho lang ang kautusan at hudisyal na pasiya para sa inyo at sa dayuhang naninirahang kasama ninyo.’”
17 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 18 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kapag nakarating na kayo sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo 19 at kumain kayo ng anumang tinapay* mula sa lupain,+ dapat kayong mag-abuloy kay Jehova. 20 Dapat kayong mag-abuloy ng hugis-singsing na mga tinapay na gawa sa magaspang na harina mula sa mga unang bunga.+ Dapat ninyo itong iabuloy na gaya ng abuloy mula sa giikan. 21 Dapat kayong magbigay ng magaspang na harina mula sa mga unang bunga bilang abuloy kay Jehova sa lahat ng henerasyon ninyo.
22 “‘Kung nakagawa kayo ng pagkakamali at hindi ninyo nasunod ang lahat ng utos na ito na sinabi ni Jehova kay Moises 23 —ang lahat ng iniutos sa inyo ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na nagkabisa mula nang araw na iutos ni Jehova ang mga ito at magpapatuloy hanggang sa susunod na mga henerasyon ninyo— 24 at kung ito ay di-sinasadya at hindi alam ng bayan, ang buong bayan ay dapat mag-alay ng isang batang toro bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, pati ng handog na mga butil at handog na inumin na kasama nito, ayon sa itinakdang paraan,+ at ng isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan.+ 25 Ang saserdote ay magbabayad-sala para sa buong bayan ng Israel, at mapatatawad sila,+ dahil hindi iyon sinasadya at nag-alay sila ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy at ng handog para sa kasalanan sa harap ni Jehova dahil sa pagkakamali nila. 26 Mapatatawad ang buong bayan ng Israel at ang dayuhang naninirahang kasama nila, dahil hindi iyon sinasadya ng buong bayan.
27 “‘Kung ang sinuman ay magkasala nang di-sinasadya, dapat siyang mag-alay ng isang babaeng kambing na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog para sa kasalanan.+ 28 At ang saserdote ay magbabayad-sala para sa taong nagkamali dahil sa isang di-sinasadyang kasalanan sa harap ni Jehova para mabayaran ang kasalanan niya, at mapatatawad siya.+ 29 Pareho lang ang kautusan para sa katutubong Israelita at sa dayuhang naninirahang kasama nila kung tungkol sa di-sinasadyang kasalanan.+
30 “‘Pero kung sinasadya ng isang tao na magkasala,+ katutubo man siya o dayuhang naninirahang kasama ninyo, siya ay namumusong* kay Jehova at dapat siyang patayin. 31 Dahil hinamak niya ang salita ni Jehova at nilabag ang utos niya, ang taong iyon ay dapat patayin.+ Mananagot siya sa kasalanan niya.’”+
32 Habang nasa ilang ang mga Israelita, may nakita silang isang lalaki na nangunguha ng kahoy sa araw ng Sabbath.+ 33 Dinala siya ng mga nakakita sa kaniya kina Moises at Aaron at sa buong bayan.* 34 Hindi nila siya hinayaang umalis+ dahil hindi pa malinaw kung ano ang dapat gawin sa kaniya.
35 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Dapat patayin ang lalaki;+ dapat siyang batuhin ng buong bayan sa labas ng kampo.”+ 36 Kaya dinala siya ng buong bayan sa labas ng kampo at pinagbabato hanggang mamatay, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
37 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 38 “Sabihin mo sa mga Israelita na gumawa ng mga palawit para sa laylayan ng mga kasuotan nila sa lahat ng henerasyon nila, at dapat silang maglagay ng asul na panali sa ibabaw ng palawit sa laylayan.+ 39 ‘Dapat kayong magkaroon ng palawit na ito para kapag nakita ninyo ito, maaalaala ninyo ang lahat ng utos ni Jehova at susundin ang mga iyon.+ Huwag ninyong sundin ang inyong puso at mata, na aakay sa inyo na maging di-tapat sa akin.*+ 40 Magsisilbi itong paalaala sa inyo, kaya masusunod ninyo ang lahat ng utos ko at magiging banal kayo sa inyong Diyos.+ 41 Ako ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto para ako ay maging Diyos ninyo.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.’”+
16 At nagkampi-kampi si Kora+ na anak ni Izhar,+ na anak ni Kohat,+ na anak ni Levi,+ at ang mga mula sa tribo ni Ruben+ na sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab+ at si On na anak ni Peleth. 2 Nagkampi-kampi sila laban kay Moises, kasama ang 250 lalaking Israelita, na mga pinuno ng bayan, mga pinili sa kongregasyon, mga prominenteng lalaki. 3 Kaya sama-sama nilang pinuntahan+ sina Moises at Aaron at sinabi: “Sobra na kayo! Banal ang buong bayan,+ lahat sila, at nasa gitna nila si Jehova.+ Kaya bakit ninyo itinataas ang sarili ninyo sa kongregasyon ni Jehova?”
4 Nang marinig iyon ni Moises, agad siyang sumubsob sa lupa. 5 Pagkatapos, sinabi niya kay Kora at sa lahat ng tagasuporta nito: “Bukas ng umaga, ipaaalam ni Jehova kung sino ang sa kaniya+ at kung sino ang banal at kung sino ang dapat lumapit sa kaniya,+ at ang pipiliin niya+ ang lalapit sa kaniya. 6 Gawin ninyo ito: Ikaw, Kora, at lahat ng tagasuporta mo,+ kumuha kayo ng mga lalagyan ng baga,*+ 7 at lagyan ninyo ang mga iyon ng baga* at insenso sa harap ni Jehova bukas, at ang taong pipiliin ni Jehova,+ siya ang banal. Sumosobra na kayong mga anak ni Levi!”+
8 Sinabi pa ni Moises kay Kora: “Makinig kayo, pakiusap, kayong mga anak ni Levi. 9 Maliit na bagay lang ba sa inyo na ibinukod kayo ng Diyos ng Israel mula sa bayang Israel+ at pinayagan kayong lumapit sa kaniya para maglingkod sa tabernakulo ni Jehova at sa mga Israelita,+ 10 at na inilapit ka niya sa kaniya, pati ang lahat ng kapatid mo na mga anak ni Levi? Tatangkain din ba ninyong kunin ang pagkasaserdote?+ 11 Dahil diyan, si Jehova ang kinakalaban mo at ng lahat ng kasama mong tagasuporta. Kung si Aaron lang, sino ba siya para magbulong-bulungan kayo laban sa kaniya?”+
12 Pagkatapos, ipinatawag ni Moises ang mga anak ni Eliab na sina Datan at Abiram,+ pero sinabi nila: “Hindi kami pupunta! 13 Hindi pa ba sapat sa iyo na inilabas mo kami sa isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan para patayin sa ilang?+ Gusto mo rin ba kaming pagharian? 14 Ang totoo, hindi mo naman kami dinala sa anumang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan+ o binigyan man ng bukid at ubasan bilang mana. Bubulagin mo ba ang mga lalaking iyon para sumunod sa iyo?* Hindi kami pupunta!”
15 Kaya galit na galit si Moises, at sinabi niya kay Jehova: “Huwag mong tatanggapin ang kanilang handog na mga butil. Wala akong kinuha sa kanila kahit isang asno; hindi ko rin pininsala ang kahit isa sa kanila.”+
16 At sinabi ni Moises kay Kora: “Humarap ka kay Jehova bukas kasama ang lahat ng tagasuporta mo, ikaw, sila, at si Aaron. 17 Kunin ng bawat isa ang kaniyang lalagyan ng baga* at lagyan ito ng insenso, at dalhin ng bawat isa ang kaniyang lalagyan ng baga* sa harap ni Jehova, 250 lalagyan ng baga,* at sasama ka sa kanila, pati si Aaron, na dala ang inyong lalagyan ng baga.”* 18 Kaya kinuha ng bawat isa sa kanila ang kaniyang lalagyan ng baga* at nilagyan iyon ng baga* at insenso, at tumayo sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong kasama nina Moises at Aaron. 19 Nang matipon na ni Kora sa pasukan ng tolda ng pagpupulong ang mga tagasuporta niya,+ nakita ng buong bayan ang kaluwalhatian ni Jehova.+
20 At sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: 21 “Humiwalay kayo sa grupong ito para malipol ko sila sa isang iglap.”+ 22 Kaya sumubsob sila sa lupa, at sinabi nila: “O Diyos, ang Diyos na nagbibigay ng buhay* sa lahat ng tao,+ magagalit ka ba sa buong bayan dahil lang sa kasalanan ng isang tao?”+
23 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: 24 “Sabihin mo sa bayan, ‘Lumayo kayo sa mga tolda nina Kora, Datan, at Abiram!’”+
25 At tumayo si Moises at pumunta kina Datan at Abiram, at sumama sa kaniya ang matatandang lalaki+ ng Israel. 26 Sinabi niya sa bayan: “Pakisuyo, lumayo kayo sa tolda ng napakasamang mga lalaking ito, at huwag ninyong hipuin ang anumang pag-aari nila para hindi kayo madamay sa lahat ng kasalanan nila at mamatay.” 27 Agad silang lumayo sa tolda nina Kora, Datan, at Abiram, at lumabas sina Datan at Abiram at tumayo sa pasukan ng tolda nila kasama ang kani-kanilang asawa, mga anak na lalaki, at maliliit na anak.
28 Pagkatapos, sinabi ni Moises: “Sa ganito ninyo malalaman na isinugo ako ni Jehova para gawin ang lahat ng bagay na ito at hindi ito mula sa sarili kong puso:* 29 Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang paraan gaya ng lahat ng tao at ang parusa sa kanila ay gaya ng sa buong sangkatauhan, hindi ako isinugo ni Jehova.+ 30 Pero kung may gawing kakaiba si Jehova at bumuka ang* lupa at lamunin sila at lahat ng pag-aari nila at bumaba silang buháy sa Libingan,* malalaman ninyong ang mga taong ito ay nakitungo kay Jehova nang walang galang.”
31 Pagkasabi niya nito, nabiyak ang lupang tinutuntungan nila.+ 32 At bumuka ang lupa at nilamon sila, pati ang mga sambahayan nila at sambahayan ni Kora+ at lahat ng pag-aari nila. 33 Kaya sila at ang buong sambahayan nila ay bumabang buháy sa Libingan,* at tinakpan sila ng lupa, kaya nalipol sila sa gitna ng kongregasyon.+ 34 Nagtakbuhan sa takot ang lahat ng Israelita nang marinig ang hiyawan ng mga ito, at sinabi nila: “Baka lamunin kami ng lupa!” 35 At nagpadala ng apoy si Jehova+ at tinupok ang 250 lalaking naghahandog ng insenso.+
36 At sinabi ni Jehova kay Moises: 37 “Sabihin mo kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote na kunin ang mga lalagyan ng baga*+ mula sa apoy, dahil banal ang mga iyon. Sabihin mo rin sa kaniya na ikalat sa malayo ang mga baga. 38 Ang mga lalagyan ng baga* ng mga lalaking nagkasala at namatay dahil dito* ay gagawing maninipis na laminang metal na ibabalot sa altar,+ dahil iniharap nila ang mga iyon kay Jehova at naging banal ang mga iyon. Ang mga iyon ay magsisilbing tanda sa mga Israelita.”+ 39 Kaya kinuha ni Eleazar na saserdote ang tansong mga lalagyan ng baga* na iniharap ng mga taong nasunog at pinitpit ang mga iyon para ibalot sa altar, 40 gaya ng sinabi sa kaniya ni Jehova sa pamamagitan ni Moises. Isa itong paalaala sa mga Israelita na ang sinumang* hindi supling ni Aaron ay hindi puwedeng lumapit para magpausok ng insenso sa harap ni Jehova+ at na hindi dapat tularan si Kora at ang mga tagasuporta nito.+
41 Kinabukasan, nagsimulang magbulong-bulungan ang buong bayan ng Israel laban kina Moises at Aaron,+ at sinabi nila: “Kayong dalawa, pinatay ninyo ang mga lingkod* ni Jehova.” 42 Nang magsama-sama ang bayan laban kina Moises at Aaron, tumingin sila sa tolda ng pagpupulong, at nakita nilang tinakpan iyon ng ulap, at lumitaw ang kaluwalhatian ni Jehova.+
43 Pumunta sina Moises at Aaron sa harap ng tolda ng pagpupulong,+ 44 at sinabi ni Jehova kay Moises: 45 “Lumayo kayo sa kapulungang ito para malipol ko sila sa isang iglap.”+ Kaya sumubsob sila sa lupa.+ 46 At sinabi ni Moises kay Aaron: “Kunin mo ang lalagyan ng baga* at lagyan mo ng baga* mula sa altar+ at ng insenso, at pumunta ka agad sa kapulungan at magbayad-sala para sa kanila,+ dahil lumalagablab ang galit ni Jehova. Nagsimula na ang salot!” 47 Kinuha iyon agad ni Aaron, gaya ng sinabi ni Moises, at tumakbo siya sa gitna ng kongregasyon, at nagsimula na nga ang salot sa bayan. Kaya inilagay niya ang insenso sa lalagyan ng baga* at nagsimulang magbayad-sala para sa bayan. 48 Nanatili siyang nakatayo sa pagitan ng mga patay at mga buháy, at nang maglaon ay huminto ang salot. 49 Ang namatay sa salot ay 14,700, bukod pa sa mga namatay dahil kay Kora. 50 Nang tumigil ang salot, bumalik na si Aaron kay Moises sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
17 At sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Kausapin mo ang mga Israelita at kumuha ka sa kanila ng isang tungkod para sa bawat angkan, mula sa mga pinuno ng bawat angkan,+ 12 tungkod lahat-lahat. Isulat mo ang pangalan ng bawat isa sa kaniyang tungkod. 3 Isulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi, dahil may isang tungkod para sa ulo ng bawat angkan. 4 Ilagay mo ang mga tungkod sa tolda ng pagpupulong sa harap ng Patotoo,+ kung saan ako laging nagpapakita sa inyo.+ 5 At ang tungkod ng lalaking pipiliin ko+ ay magkakaroon ng mga usbong, at patitigilin ko ang bulong-bulungan ng mga Israelita laban sa akin,+ na siya ring bulong-bulungan nila laban sa inyo.”+
6 Kaya nakipag-usap si Moises sa mga Israelita, at lahat ng pinuno nila ay nagbigay sa kaniya ng tungkod—isang tungkod para sa bawat pinuno ng angkan, 12 tungkod—at ang tungkod ni Aaron ay kasama ng mga tungkod nila. 7 At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Jehova sa tolda ng Patotoo.
8 Kinabukasan, pagpasok ni Moises sa tolda ng Patotoo, nakita niyang ang tungkod ni Aaron para sa sambahayan ni Levi ay nagkaroon ng mga usbong at namulaklak at namunga ng hinog na mga almendras. 9 Dinala ni Moises sa buong bayan ng Israel ang lahat ng tungkod mula sa harap ni Jehova. Tiningnan nila ang mga ito, at kinuha ng bawat lalaki ang sarili niyang tungkod.
10 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Ibalik mo ang tungkod ni Aaron+ sa harap ng Patotoo para maingatan ito bilang isang tanda+ sa mga mapaghimagsik,*+ nang sa gayon ay matigil ang mga bulong-bulungan nila laban sa akin at hindi sila mamatay.” 11 Agad na ginawa ni Moises ang iniutos ni Jehova sa kaniya. Gayong-gayon ang ginawa niya.
12 At sinabi ng mga Israelita kay Moises: “Mamamatay kami, siguradong malilipol kami, malilipol kaming lahat! 13 Ang sinumang lumapit man lang sa tabernakulo ni Jehova ay mamamatay!+ Mamamatay ba kaming lahat?”+
18 At sinabi ni Jehova kay Aaron: “Ikaw at ang iyong mga anak at ang iyong angkan ang mananagot sa anumang kasalanan laban sa santuwaryo,+ at ikaw at ang iyong mga anak ang mananagot sa anumang kasalanan laban sa inyong pagkasaserdote.+ 2 Palapitin mo rin ang iyong mga kapatid mula sa tribo ni Levi, ang tribo ng iyong ninuno, para makasama mo sila at makapaglingkod sila sa iyo+ at sa iyong mga anak sa harap ng tolda ng Patotoo.+ 3 Gagampanan nila ang kanilang pananagutan sa iyo at sa buong tolda.+ Pero huwag silang lalapit sa mga kagamitan ng banal na lugar at sa altar para walang sinumang mamatay, sila man o kayo.+ 4 Sasama sila sa iyo at gagampanan nila ang kanilang pananagutan may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong at sa lahat ng gawain sa tolda, at walang ibang* puwedeng lumapit sa inyo.+ 5 Dapat ninyong gampanan ang inyong pananagutan sa banal na lugar+ at sa altar+ para hindi na lumagablab ang galit ko+ sa bayang Israel. 6 Ako mismo ang kumuha sa inyong mga kapatid, ang mga Levita, mula sa mga Israelita, bilang kaloob para sa inyo.+ Ibinigay sila kay Jehova para mag-asikaso sa mga gawain sa tolda ng pagpupulong.+ 7 Bilang mga saserdote, ikaw at ang iyong mga anak ang may pananagutan sa mga gawain may kaugnayan sa altar at sa nasa loob ng kurtina;+ kayo ang gagawa ng mga ito.+ Ang paglilingkod bilang saserdote ay ibinigay ko sa inyo bilang kaloob, at ang ibang taong* lalapit sa santuwaryo ay dapat patayin.”+
8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+ 9 Para sa iyo ang mga bahagi ng mga kabanal-banalang handog na kinuha mula sa mga handog na pinaraan sa apoy: bawat handog na dinadala nila sa akin, pati ang kanilang handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan,+ at handog para sa pagkakasala.+ Ito ay kabanal-banalang bagay para sa iyo at sa iyong mga anak. 10 Dapat mo itong kainin sa isang napakabanal na lugar.+ Puwede itong kainin ng bawat lalaki. Ito ay magiging banal sa iyo.+ 11 Para sa iyo rin ang mga ito: ang mga kaloob na iniaabuloy nila,+ pati ang lahat ng handog na iginagalaw*+ mula sa mga Israelita. Ibinibigay ko ang mga iyon sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki at babae bilang permanenteng paglalaan sa inyo.+ Lahat ng taong malinis sa iyong sambahayan ay makakakain nito.+
12 “Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng pinakamainam na langis at lahat ng pinakamainam na bagong alak at butil, ang mga unang bunga nila,+ na ibinibigay nila kay Jehova.+ 13 Magiging iyo ang mga unang hinog na bunga ng lahat ng nasa lupain nila, na dadalhin nila kay Jehova.+ Lahat ng taong malinis sa iyong sambahayan ay makakakain nito.
14 “Magiging iyo ang lahat ng bagay na inialay* na nasa Israel.+
15 “Magiging iyo ang bawat panganay ng lahat ng nabubuhay na nilikha,*+ na ihahandog nila kay Jehova, tao man o hayop. Pero dapat mong tubusin ang panganay sa mga tao,+ at dapat mong tubusin ang panganay sa maruruming hayop.+ 16 Dapat mo itong tubusin gamit ang halagang pantubos kapag ang edad nito ay isang buwan pataas, ayon sa tinatayang halaga na limang siklong* pilak,+ ayon sa siklo ng banal na lugar.* Iyon ay 20 gerah.* 17 Pero huwag mong tutubusin ang panganay na toro* o panganay na lalaking kordero* o panganay na kambing.+ Banal ang mga iyon. Ang dugo ng mga iyon ay dapat mong iwisik sa altar,+ at ang taba ng mga iyon ay dapat mong sunugin para pumailanlang ang usok nito bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 18 Magiging iyo ang karne ng mga iyon. Gaya ng dibdib ng handog na iginagalaw* at ng kanang binti, magiging iyo ang mga iyon.+ 19 Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki at babae bilang permanenteng paglalaan ang lahat ng banal na abuloy ng mga Israelita kay Jehova.+ Ito ay pakikipagtipan ni Jehova sa iyo at sa iyong mga supling, isang tipan ng asin* hanggang sa panahong walang takda.”
20 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Hindi ka magkakaroon ng mana sa lupain nila, at hindi ka magkakaroon ng bahagi sa lupain nila.+ Ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga Israelita.+
21 “Tingnan mo, ibinibigay ko sa mga anak ni Levi ang lahat ng ikasampung bahagi+ sa Israel bilang mana para sa paglilingkod nila sa tolda ng pagpupulong. 22 Hindi na puwedeng lumapit sa tolda ng pagpupulong ang bayan ng Israel dahil magkakasala sila at mamamatay. 23 Ang mga Levita ang maglilingkod sa tolda ng pagpupulong, at sila ang mananagot sa kasalanan nila.+ Hindi sila puwedeng magkaroon ng lupain sa gitna ng mga Israelita bilang mana. Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda sa lahat ng henerasyon ninyo.+ 24 Dahil ibinibigay ko sa mga Levita bilang mana ang ikasampung bahagi na iniabuloy ng bayan ng Israel kay Jehova. Kaya sinabi ko, ‘Hindi sila puwedeng magkaroon ng lupain sa gitna ng mga Israelita bilang mana.’”+
25 At sinabi ni Jehova kay Moises: 26 “Sabihin mo sa mga Levita, ‘Tatanggapin ninyo mula sa mga Israelita ang ikasampung bahagi na ibinibigay ko sa inyo bilang mana,+ at mula sa ikasampung bahaging iyon, dapat ninyong iabuloy kay Jehova ang ikasampung bahagi nito.+ 27 At ituturing iyon na abuloy ninyo, na para bang mga butil iyon ng sarili ninyong giikan+ o saganang alak o langis mula sa inyong pisaan ng ubas at pisaan para sa langis. 28 Sa ganitong paraan, mag-aabuloy rin kayo kay Jehova mula sa lahat ng ikasampung bahagi na tinatanggap ninyo mula sa mga Israelita, at ang abuloy na iyon kay Jehova ay ibibigay ninyo kay Aaron na saserdote. 29 Iaabuloy ninyo kay Jehova ang pinakamainam mula sa lahat ng kaloob na ibinigay sa inyo+ bilang banal na bagay.’
30 “At dapat mong sabihin sa kanila, ‘Kapag iniaabuloy ninyo ang pinakamainam sa mga iyon, ang matitira ay mapupunta sa inyo na mga Levita, na para bang iyon ay butil ng sarili ninyong giikan at alak mula sa inyong pisaan ng ubas at langis mula sa inyong pisaan para sa langis. 31 Puwede ninyo itong kainin kahit saan, kayo at ang inyong sambahayan, dahil iyon ay kabayaran para sa paglilingkod ninyo sa tolda ng pagpupulong.+ 32 Hindi kayo magkakasala dahil dito hangga’t iniaabuloy ninyo ang pinakamainam sa mga ito, at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga Israelita para hindi kayo mamatay.’”+
19 Muling nakipag-usap si Jehova kina Moises at Aaron: 2 “Ito ay isang batas mula sa kautusang ibinigay ni Jehova, ‘Sabihin mo sa mga Israelita na magdala sa iyo ng isang malusog at pulang baka na walang depekto+ at hindi pa nakapasan ng pamatok. 3 Ibibigay ninyo iyon kay Eleazar na saserdote, at aakayin niya iyon sa labas ng kampo, at papatayin iyon sa harap niya. 4 Pagkatapos, isasawsaw ni Eleazar na saserdote ang daliri niya sa dugo nito at pitong ulit na patutuluin ang dugo nang nakaharap sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 5 At susunugin ang baka sa harap niya. Susunugin ang balat, karne, at dugo nito, kasama ang dumi nito.+ 6 At ang saserdote ay kukuha ng kahoy ng sedro, isopo,+ at matingkad-na-pulang sinulid at ihahagis ang mga iyon sa apoy na pinagsusunugan sa baka. 7 At lalabhan ng saserdote ang mga kasuotan niya at maliligo siya, at makakapasok na siya sa kampo; pero ang saserdote ay magiging marumi hanggang gabi.
8 “‘Ang nagsunog ng baka ay maglalaba ng mga kasuotan niya at maliligo, at magiging marumi siya hanggang gabi.
9 “‘Titipunin ng isang taong malinis ang abo ng baka+ at ilalagay iyon sa isang malinis na lugar sa labas ng kampo, at iyon ay dapat itabi para magamit ng bayang Israel sa paghahanda ng tubig na panlinis.+ Ito ay handog para sa kasalanan. 10 Ang nagtipon ng abo ng baka ay maglalaba ng mga kasuotan niya at magiging marumi hanggang gabi.
“‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa mga Israelita at sa dayuhang naninirahang kasama nila.+ 11 Ang sinumang humipo ng namatay na tao* ay magiging marumi nang pitong araw.+ 12 Sa ikatlong araw, pababanalin niya ang sarili niya gamit ang tubig, at magiging malinis siya sa ikapitong araw. Pero kung hindi niya pinabanal ang sarili niya sa ikatlong araw, hindi siya magiging malinis sa ikapitong araw. 13 Kung may sinumang humipo ng namatay na tao* at hindi niya pinabanal ang sarili niya, dinumhan niya ang tabernakulo ni Jehova+ at dapat siyang alisin* sa Israel.+ Dahil hindi naiwisik sa kaniya ang tubig na panlinis,+ siya ay nananatiling marumi. Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniya pa rin.
14 “‘Ito ang kautusan kapag may taong namatay sa tolda: Lahat ng papasok sa tolda at lahat ng nasa loob na ng tolda ay magiging marumi nang pitong araw. 15 Lahat ng lalagyan na hindi nakasarang mabuti* ay marumi.+ 16 Lahat ng nasa parang na humipo ng sinumang namatay sa espada o ng bangkay, buto ng tao, o libingan ay magiging marumi nang pitong araw.+ 17 Dapat silang kumuha para sa taong marumi ng abo ng sinunog na handog para sa kasalanan, at ilalagay nila iyon sa isang sisidlan at bubuhusan ng sariwang tubig. 18 At ang isang taong malinis+ ay kukuha ng isopo+ at isasawsaw iyon sa tubig at iwiwisik iyon sa tolda at sa lahat ng sisidlan at sa mga taong naroon at sa humipo ng buto, ng napatay, ng bangkay, o ng libingan. 19 Sa ikatlo at ikapitong araw, iwiwisik iyon ng taong malinis sa taong marumi, at sa ikapitong araw ay dadalisayin* siya nito mula sa kasalanan;+ at dapat siyang maglaba ng mga kasuotan at maligo sa tubig, at magiging malinis siya sa gabi.
20 “‘Pero ang taong marumi na hindi nagpabanal sa sarili niya ay papatayin,*+ dahil dinumhan niya ang santuwaryo ni Jehova. Hindi naiwisik sa kaniya ang tubig na panlinis, kaya siya ay marumi.
21 “‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa kanila: Ang taong nagwisik ng tubig na panlinis+ ay dapat maglaba ng mga kasuotan niya, at ang taong humipo ng tubig na panlinis ay magiging marumi hanggang gabi. 22 Anumang bagay na mahipo ng taong marumi ay magiging marumi, at ang taong humipo rito ay magiging marumi hanggang gabi.’”+
20 Noong unang buwan, nakarating ang buong bayan ng Israel sa ilang ng Zin, at tumira ang bayan sa Kades.+ Doon namatay at inilibing si Miriam.+
2 At walang makuhang tubig ang bayan,+ kaya nagsama-sama sila laban kina Moises at Aaron. 3 Nakipag-away ang bayan kay Moises,+ at sinabi nila: “Namatay na sana kami nang mamatay ang mga kapatid namin sa harap ni Jehova! 4 Bakit pa ninyo dinala ang kongregasyon ni Jehova sa ilang na ito para mamatay, kami at ang mga alagang hayop namin?+ 5 At bakit ninyo kami inilabas sa Ehipto para dalhin sa kasuklam-suklam na lugar na ito?+ Hindi ito matamnan ng binhi, igos, punong ubas, at granada,* at walang tubig na maiinom.”+ 6 Pagkatapos, umalis sina Moises at Aaron sa harap ng kongregasyon, pumunta sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at sumubsob sa lupa, at lumitaw sa harap nila ang kaluwalhatian ni Jehova.+
7 Sinabi ni Jehova kay Moises: 8 “Kunin mo ang tungkod at tipunin mo ang bayan, ikaw at ang kapatid mong si Aaron, at kausapin ninyo ang malaking bato sa harap nila para magbigay ito ng tubig; sa gayon ay maglalabas ka ng tubig para sa kanila mula sa malaking bato at mabibigyan mo ng maiinom ang bayan at ang mga alagang hayop nila.”+
9 Kaya kinuha ni Moises ang tungkod sa harap ni Jehova,+ gaya ng iniutos Niya sa kaniya. 10 Pagkatapos, tinipon nina Moises at Aaron ang kongregasyon sa harap ng malaking bato, at sinabi niya: “Makinig kayo ngayon, kayong mga mapaghimagsik! Maglalabas ba kami ng tubig para sa inyo mula sa malaking batong ito?”+ 11 Kaya itinaas ni Moises ang kamay niya at dalawang beses na hinampas ang malaking bato gamit ang tungkod niya, at lumabas ang maraming tubig, at uminom ang bayan at ang mga alagang hayop nila.+
12 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: “Dahil hindi kayo nanampalataya sa akin at hindi ninyo ako pinabanal sa harap ng bayang Israel, hindi kayo ang magdadala sa kongregasyong ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila.”+ 13 Ito ang tubig sa Meriba,*+ kung saan nakipag-away ang mga Israelita kay Jehova, kaya napabanal siya sa gitna nila.
14 At mula sa Kades ay nagsugo si Moises ng mga mensahero sa hari ng Edom:+ “Ito ang sinabi ng kapatid mong si Israel,+ ‘Alam na alam mo ang lahat ng hirap na dinanas namin. 15 Pumunta sa Ehipto ang aming mga ninuno,+ at nanirahan kami sa Ehipto nang maraming taon,*+ at ang mga Ehipsiyo ay naging malupit sa amin at sa aming mga ninuno.+ 16 Nang bandang huli, humingi kami ng tulong kay Jehova,+ at dininig niya kami at nagsugo siya ng anghel+ at inilabas kami sa Ehipto, at nandito kami ngayon sa Kades, isang lunsod sa may hangganan ng iyong teritoryo. 17 Pakiusap, paraanin mo kami sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa alinmang bukid o ubasan, at hindi kami iinom ng tubig sa alinmang balon. Sa Daan ng Hari kami maglalakad at hindi kami liliko sa kanan o kaliwa hanggang sa makadaan kami sa iyong teritoryo.’”+
18 Pero sinabi sa kaniya ng Edom: “Huwag kang dadaan sa teritoryo namin. Kapag ginawa mo iyan, sasalubungin kita ng espada.” 19 Sinabi naman ng mga Israelita: “Sa lansangang-bayan kami dadaan, at kung kami at ang mga alagang hayop namin ay uminom ng tubig mo, babayaran namin iyon.+ Gusto lang naming makiraan.”*+ 20 Pero sinabi pa rin niya: “Hindi ka puwedeng dumaan.”+ At lumabas ang Edom para harapin siya kasama ang maraming tao at isang malakas na hukbo.* 21 Sa gayon, hindi pumayag ang Edom na dumaan ang Israel sa teritoryo niya; kaya lumayo ang Israel sa kaniya.+
22 Ang buong bayan ng Israel ay umalis sa Kades at nakarating sa Bundok Hor.+ 23 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron sa Bundok Hor na nasa may hangganan ng lupain ng Edom: 24 “Si Aaron ay mamamatay at ililibing gaya ng mga ninuno niya.*+ Hindi siya papasok sa lupaing ibibigay ko sa mga Israelita dahil sumuway kayong dalawa sa utos ko may kinalaman sa tubig sa Meriba.+ 25 Isama mo si Aaron at ang anak niyang si Eleazar sa Bundok Hor. 26 Hubarin mo kay Aaron ang mga kasuotan niya+ at isuot mo sa anak niyang si Eleazar,+ at mamamatay roon* si Aaron.”
27 Kaya ginawa ni Moises ang iniutos ni Jehova, at umakyat sila sa Bundok Hor sa harap ng buong bayan. 28 At hinubad ni Moises kay Aaron ang mga kasuotan nito at isinuot sa anak nitong si Eleazar. Pagkatapos ay namatay roon si Aaron sa tuktok ng bundok.+ At bumaba sina Moises at Eleazar mula sa bundok. 29 Nang makita ng buong bayan na namatay na si Aaron, 30 araw na umiyak ang buong sambahayan ng Israel dahil kay Aaron.+
21 Nang mabalitaan ng Canaanitang hari ng Arad,+ na nakatira sa Negeb, na ang Israel ay nasa daan ng Atarim, sinalakay niya ang Israel at binihag ang ilan sa kanila. 2 Kaya nanata ang Israel kay Jehova: “Kung ibibigay mo ang bayang ito sa kamay ko, ipinapangako ko, wawasakin ko* ang mga lunsod nila.” 3 Kaya nakinig si Jehova sa Israel at ibinigay ang mga Canaanita sa kanila, at pinatay nila ang mga ito at winasak* ang mga lunsod nito. Kaya tinawag nilang Horma* ang lugar na iyon.+
4 Habang patuloy silang naglalakbay mula sa Bundok Hor+ sa Daan ng Dagat na Pula para makaiwas sa lupain ng Edom,+ napagod ang bayan sa paglalakbay. 5 At ang bayan ay patuloy na nagsalita laban sa Diyos at kay Moises:+ “Bakit ninyo kami inilabas sa Ehipto para mamatay sa ilang? Walang pagkain at tubig,+ at sawang-sawa* na kami sa walang-kuwentang tinapay na ito.”+ 6 Kaya nagpadala si Jehova sa bayan ng makamandag* na mga ahas, at tinuklaw ng mga ito ang mga tao, kaya maraming Israelita ang namatay.+
7 Kaya pumunta kay Moises ang bayan at nagsabi: “Nagkasala kami, dahil nagsalita kami laban kay Jehova at laban sa iyo.+ Makiusap ka kay Jehova para alisin niya sa amin ang mga ahas.” At nakiusap si Moises para sa bayan.+ 8 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Gumawa ka ng replika ng makamandag* na ahas, at ilagay mo ito sa isang poste. Ang sinumang matuklaw ay titingin doon para hindi mamatay.” 9 Agad na gumawa si Moises ng isang ahas na yari sa tanso+ at inilagay iyon sa poste,+ at ang mga natuklaw ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi namamatay.+
10 Pagkatapos, umalis ang mga Israelita at nagkampo sa Obot.+ 11 Umalis sila sa Obot at nagkampo sa Iye-abarim,+ sa ilang na nasa silangan, sa harap ng Moab. 12 Umalis sila roon at nagkampo sa may Lambak* ng Zered.+ 13 Umalis sila roon at nagkampo sa rehiyon ng Arnon,+ sa ilang na nasa may hangganan ng mga Amorita, dahil ang Arnon ang hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amorita. 14 Kaya naman binabanggit sa aklat ng Mga Digmaan ni Jehova ang “Vaheb sa Supa at mga lambak* ng Arnon. 15 Ang mga lambak ay umaabot hanggang sa Ar at tuloy-tuloy sa hangganan ng Moab.”
16 Pagkatapos, pumunta sila sa Beer. Ito ang balon kung saan sinabi ni Jehova kay Moises: “Tipunin mo ang bayan, at bibigyan ko sila ng tubig.”
17 Inawit noon ng Israel:
“Bumukal ka, O balon!—Tumugon* kayo rito!
18 Ang balon na hinukay ng mga prinsipe, hinukay ng mga prominenteng tao ng bayan,
Gamit ang baston ng kumandante at sarili nilang mga baston.”
At mula sa ilang ay pumunta sila sa Matana, 19 mula sa Matana ay pumunta sila sa Nahaliel, at mula sa Nahaliel ay pumunta sila sa Bamot.+ 20 Mula sa Bamot ay pumunta sila sa lambak na nasa teritoryo ng Moab,+ sa itaas ng Pisga,+ kung saan matatanaw ang Jesimon.*+
21 At ang Israel ay nagsugo ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amorita. Sinabi ng mga ito:+ 22 “Paraanin mo kami sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa bukid o ubasan. Hindi kami iinom ng tubig sa alinmang balon. Sa Daan ng Hari kami maglalakad hanggang sa makadaan kami sa iyong teritoryo.”+ 23 Pero hindi pumayag si Sihon na dumaan ang Israel sa teritoryo niya. Sa halip, tinipon ni Sihon ang kaniyang buong bayan at pumunta sa ilang para labanan ang Israel, at nakarating sila sa Jahaz at nakipaglaban sa Israel.+ 24 Pero natalo siya ng Israel gamit ang espada+ at kinuha ang kaniyang lupain+ mula sa Arnon+ hanggang sa Jabok,+ malapit sa mga Ammonita, dahil paglampas ng Jazer+ ay teritoryo na ng mga Ammonita.+
25 Kaya kinuha ng Israel ang lahat ng lunsod na ito, at tumira sila sa lahat ng lunsod ng mga Amorita,+ sa Hesbon at sa lahat ng katabing nayon nito.* 26 Dahil ang Hesbon ang lunsod ni Sihon, ang hari ng mga Amorita, na nakipaglaban sa hari ng Moab at kumuha ng buong lupain nito hanggang sa Arnon. 27 Kaya naman nabuo ang mapang-insultong kasabihang ito:
“Pumunta tayo sa Hesbon.
Maitayo sana ang lunsod ni Sihon at maging matatag ito.
28 Dahil may apoy na lumabas sa Hesbon, isang liyab mula sa bayan ni Sihon.
Tinupok nito ang Ar ng Moab, ang mga panginoon ng matataas na lugar ng Arnon.
29 Kaawa-awa ka, Moab! Malilipol ka, O bayan ni Kemos!+
Dahil sa kaniya,* magiging takas ang mga anak niyang lalaki at magiging bihag ni Sihon na hari ng mga Amorita ang mga anak niyang babae.
30 Panain natin sila;
Mawawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon;+
Gawin natin itong tiwangwang hanggang sa Nopa;
Ang apoy ay kakalat hanggang sa Medeba.”+
31 Kaya nanirahan ang Israel sa lupain ng mga Amorita. 32 At nagsugo si Moises ng ilang lalaki para mag-espiya sa Jazer.+ Sinakop nila ang katabing mga nayon nito at itinaboy ang mga Amorita na naroroon. 33 Pagkatapos, lumiko sila at dumaan sa Daan ng Basan. At si Og,+ na hari ng Basan, kasama ang buong hukbo niya ay nakipagdigma sa kanila sa Edrei.+ 34 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Huwag kang matakot sa kaniya,+ dahil siya at ang buong bayan at lupain niya ay ibibigay ko sa iyo,+ at gagawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amorita, na nakatira noon sa Hesbon.”+ 35 Kaya pinabagsak nila siya, pati ang kaniyang mga anak at ang buong bayan; walang natirang buháy sa bayan niya,+ at kinuha nila ang kaniyang lupain.+
22 Pagkatapos, umalis ang mga Israelita at nagkampo sa mga tigang na kapatagan ng Moab, sa panig ng Jordan na katapat ng Jerico.+ 2 At nakita ni Balak+ na anak ni Zipor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorita, 3 at takot na takot ang Moab sa bayan dahil napakarami nila; ang Moab ay nanghina dahil sa takot sa mga Israelita.+ 4 Kaya sinabi ng Moab sa matatandang lalaki ng Midian:+ “Uubusin ng bayang* ito ang lahat ng nakapalibot sa atin, gaya ng pag-ubos ng toro sa damo sa parang.”
Si Balak na anak ni Zipor ang hari ng Moab nang panahong iyon. 5 Nagsugo siya ng mga mensahero kay Balaam na anak ni Beor sa Petor,+ na nasa tabi ng Ilog* sa lupain nito. Ipinatawag niya ito at ipinasabi: “Tingnan mo! Isang bayan ang lumabas sa Ehipto. Tinakpan nila ang ibabaw ng lupa,+ at naninirahan sila sa mismong harap ko. 6 Kaya pakisuyo, pumunta ka rito at sumpain ang bayang ito para sa akin+ dahil mas malakas sila kaysa sa akin. Baka sakaling matalo ko sila at mapalayas sa lupain, dahil alam na alam ko na ang sinumang pagpalain mo ay talagang pinagpapala at ang sinumang sumpain mo ay talagang tumatanggap ng sumpa.”
7 Kaya pumunta kay Balaam ang matatandang lalaki ng Moab at ng Midian dala ang bayad para sa pagsumpa,*+ at sinabi nila sa kaniya ang mensahe ni Balak. 8 Sinabi niya: “Dito na kayo magpalipas ng gabi, at sasabihin ko sa inyo ang anumang sabihin ni Jehova sa akin.” Kaya nanatili ang mga opisyal ng Moab kasama ni Balaam.
9 At nagpakita ang Diyos kay Balaam, at sinabi niya:+ “Sino ang mga lalaking ito na kasama mo?” 10 Sinabi ni Balaam sa tunay na Diyos: “May ipinaabot na mensahe sa akin si Balak, na anak ni Zipor at hari ng Moab, 11 ‘Tingnan mo! Natakpan ng bayang lumabas sa Ehipto ang ibabaw ng lupa. Kaya pumunta ka rito at sumpain mo sila para sa akin.+ Baka malabanan ko sila at mapalayas.’” 12 Pero sinabi ng Diyos kay Balaam: “Huwag kang sumama sa kanila. Huwag mong susumpain ang bayan, dahil pinagpala sila.”+
13 Nang magising si Balaam kinaumagahan, sinabi niya sa mga opisyal ni Balak: “Bumalik na kayo sa inyong lupain dahil hindi ako pinayagan ni Jehova na sumama sa inyo.” 14 Kaya bumalik kay Balak ang mga opisyal ng Moab, at sinabi nila: “Ayaw sumama sa amin ni Balaam.”
15 Pero nagsugo ulit si Balak ng mga opisyal, mas marami at mas prominente kaysa sa unang grupo. 16 Pumunta sila kay Balaam, at sinabi nila: “Ito ang sinabi ni Balak na anak ni Zipor, ‘Pakiusap, huwag mong hayaang may makapigil sa iyo sa pagpunta sa akin, 17 dahil bibigyan kita ng malaking gantimpala at gagawin ko ang lahat ng sabihin mo. Kaya pakiusap, pumunta ka at sumpain mo ang bayang ito para sa akin.’” 18 Pero sumagot si Balaam sa mga lingkod ni Balak: “Ibigay man sa akin ni Balak ang bahay niya na punô ng pilak at ginto, hindi pa rin ako makalilihis sa utos ni Jehova na aking Diyos kahit kaunti.+ 19 Pero dito muna kayo ngayong gabi para malaman ko kung ano pa ang sasabihin ni Jehova sa akin.”+
20 Pagkatapos, kinausap ng Diyos si Balaam noong gabi: “Kung sinusundo ka ng mga lalaking ito, sumama ka sa kanila. Pero ang mga sasabihin ko lang sa iyo ang puwede mong sabihin.”+ 21 Kaya bumangon si Balaam kinaumagahan, inihanda ang asno niya, at sumama sa mga opisyal ng Moab.+
22 Pero galit na galit ang Diyos dahil sumama siya, at tumayo sa daan ang anghel ni Jehova para pigilan siya. Nakasakay noon si Balaam sa asno niya at kasama niya ang dalawang lingkod niya. 23 At nang makita ng asno ang anghel ni Jehova na nakatayo sa daan at may hawak na espada, lumihis ito sa daan papunta sa parang. Pero pinagpapalo ni Balaam ang asno para bumalik ito sa daan. 24 Pagkatapos, tumayo ang anghel ni Jehova sa makipot na daan sa pagitan ng dalawang ubasan, na may batong pader sa magkabilang panig. 25 Nang makita ng asno ang anghel ni Jehova, sumiksik ito sa pader at naipit ang paa ni Balaam, kaya pinagpapalo niya ulit ito.
26 Umalis ang anghel ni Jehova at tumayo ulit sa isang makipot na daan, kung saan wala nang madadaanan, sa kanan man o kaliwa. 27 Nang makita ng asno ang anghel ni Jehova, sumalampak ito habang nakasakay si Balaam, kaya galit na galit si Balaam at pinagpapalo niya ng tungkod ang asno. 28 Kaya pinagsalita na ni Jehova ang asno,+ at sinabi nito kay Balaam: “Ano ba ang ginawa ko sa iyo at tatlong beses mo na akong pinapalo?”+ 29 Sinagot ni Balaam ang asno: “Pinaglalaruan mo kasi ako. Kung may hawak lang akong espada, pinatay na kita!” 30 Sinabi ng asno kay Balaam: “Hindi ba buong buhay mo, ako lang ang sinasakyan mong asno? Dati ko na bang ginawa ito sa iyo?” Sumagot siya: “Hindi!” 31 At binuksan ni Jehova ang mga mata ni Balaam+ kaya nakita niya ang anghel ni Jehova na nakatayo sa daan at may hawak na espada. Agad siyang yumukod at sumubsob sa lupa.
32 Sinabi ng anghel ni Jehova: “Bakit tatlong beses mong pinagpapalo ang asno mo? Nandito ako para pigilan ka, kasi salungat sa kalooban ko ang ginagawa mo.+ 33 Nakita ako ng asno at tatlong beses akong iniwasan nito.+ Isipin mo na lang kung hindi ito umiwas! Tiyak na napatay na kita pero hindi ang asno.” 34 Sinabi ni Balaam sa anghel ni Jehova: “Nagkasala ako; hindi ko alam na ikaw ang nakatayo sa daan para salubungin ako. Ngayon, kung hindi mo gustong sumama ako sa mga taong ito, babalik na ako.” 35 Pero sinabi ng anghel ni Jehova kay Balaam: “Sumama ka sa mga lalaki, pero ang mga sasabihin ko lang sa iyo ang puwede mong sabihin.” Kaya patuloy na naglakbay si Balaam kasama ng mga opisyal ni Balak.
36 Nang marinig ni Balak na sumama si Balaam, agad niya itong sinalubong sa lunsod ng Moab, na nasa pampang ng Arnon sa hangganan ng teritoryo. 37 Sinabi ni Balak kay Balaam: “Hindi ba ipinasundo kita? Bakit hindi ka pumunta sa akin? Iniisip mo ba na hindi kita kayang bigyan ng malaking gantimpala?”+ 38 Sumagot si Balaam kay Balak: “Nandito na ako. Pero ano ba ang puwede kong sabihin? Kung ano lang ang sabihin sa akin ng Diyos, iyon lang ang masasabi ko.”+
39 At sumama si Balaam kay Balak papuntang Kiriat-huzot. 40 Naghain si Balak ng mga baka at tupa, at binigyan niya nito si Balaam at ang mga kasama nitong opisyal. 41 Kinaumagahan, isinama ni Balak si Balaam sa Bamot-baal; mula roon, makikita nito ang buong bayan.+
23 At sinabi ni Balaam kay Balak: “Magtayo ka rito ng pitong altar,+ at ipaghanda mo ako ng pitong toro at pitong lalaking tupa.” 2 Ginawa agad ni Balak ang sinabi ni Balaam. At naghandog sina Balak at Balaam ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.+ 3 Sinabi ni Balaam kay Balak: “Aalis ako, pero maiwan ka sa tabi ng iyong handog na sinusunog. Baka makipag-usap sa akin si Jehova. Sasabihin ko sa iyo ang anumang sabihin niya sa akin.” Kaya pumunta si Balaam sa tuktok ng isang burol.
4 At nakipag-usap ang Diyos kay Balaam.+ Sinabi ni Balaam sa kaniya: “Pinaghanay-hanay ko ang pitong altar, at naghandog ako ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.” 5 Inilagay ni Jehova ang salita niya sa bibig ni Balaam at sinabi:+ “Bumalik ka kay Balak, at ito ang sabihin mo.” 6 Kaya bumalik siya, at nakita niya si Balak at ang lahat ng opisyal ng Moab na nakatayo sa tabi ng handog na sinusunog. 7 Binigkas niya ang makatang pananalitang ito:+
“Ipinatawag ako ni Balak na hari ng Moab mula sa Aram,+
Mula sa mga bundok sa silangan:
‘Halika, sumpain mo ang Jacob para sa akin.
Sumama ka para tuligsain ang Israel.’+
8 Paano ko susumpain ang mga hindi naman isinumpa ng Diyos?
At paano ko tutuligsain ang mga hindi naman tinuligsa ni Jehova?+
9 Nakikita ko sila mula sa tuktok ng mga bato,
At nakikita ko sila mula sa mga burol.
Bilang isang bayan, naninirahan sila roon nang bukod;+
Itinuturing nila ang kanilang sarili na iba sa nakapalibot na mga bansa.+
Mamatay sana akong* gaya ng mga matuwid,
At ang kawakasan ko sana ay maging gaya ng sa kanila.”
11 Kaya sinabi ni Balak kay Balaam: “Ano itong ginawa mo sa akin? Dinala kita para sumpain ang mga kaaway ko, pero pinagpala mo pa sila.”+ 12 Sumagot siya: “Hindi ba ang inilagay lang ni Jehova sa bibig ko ang puwede kong sabihin?”+
13 Sinabi ni Balak: “Pakiusap, pumunta tayo sa ibang lugar kung saan puwede mo silang makita. Isang bahagi lang ng kampo ang makikita mo; hindi mo sila makikitang lahat. Mula roon, sumpain mo sila para sa akin.”+ 14 Kaya isinama niya ito sa parang ng Zopim, sa itaas ng Pisga,+ at nagtayo siya ng pitong altar at naghandog ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.+ 15 Sinabi ni Balaam kay Balak: “Maiwan ka rito sa tabi ng iyong handog na sinusunog. Aalis muna ako para makipag-usap sa Kaniya.” 16 At nakipag-usap si Jehova kay Balaam. Inilagay niya ang salita niya sa bibig ni Balaam at sinabi:+ “Bumalik ka kay Balak, at ito ang sabihin mo.” 17 Kaya bumalik siya at nakita itong naghihintay sa tabi ng handog na sinusunog, kasama ang mga opisyal ng Moab. Tinanong siya ni Balak: “Ano ang sinabi ni Jehova?” 18 Binigkas niya ang makatang pananalitang ito:+
“Bumangon ka, Balak, at makinig.
Pakinggan mo ako, O anak ni Zipor.
Kapag may sinasabi siya, hindi ba gagawin niya iyon?
Kapag nagsasalita siya, hindi ba isasagawa niya iyon?+
21 Hindi niya hahayaang may gumamit ng anumang mahika laban sa Jacob,
At hindi niya papayagang dumanas ng kapahamakan ang Israel.
22 Diyos ang naglabas sa kanila sa Ehipto.+
Siya ay gaya ng mga sungay ng torong-gubat para sa kanila.+
Masasabi ngayon may kinalaman sa Jacob at Israel:
‘Tingnan ninyo ang ginawa ng Diyos!’
Hindi ito hihiga hangga’t hindi nito nakakain ang biktima nito
At naiinom ang dugo ng mga napatay nito.”
25 Kaya sinabi ni Balak kay Balaam: “Kung hindi mo siya kayang isumpa, huwag mo naman siyang pagpalain.” 26 Sumagot si Balaam: “Hindi ba sinabi ko na sa iyo, ‘Gagawin ko ang lahat ng sinabi ni Jehova sa akin’?”+
27 Sinabi ni Balak kay Balaam: “Pakiusap, sumama ka sa akin at lumipat ulit tayo sa ibang lugar. Baka doon ay pumayag na ang tunay na Diyos na sumpain mo siya para sa akin.”+ 28 Kaya isinama ni Balak si Balaam sa tuktok ng Peor, na nakaharap sa Jesimon.*+ 29 At sinabi ni Balaam kay Balak: “Magtayo ka rito ng pitong altar, at ipaghanda mo ako ng pitong toro at pitong lalaking tupa.”+ 30 Kaya ginawa ni Balak ang sinabi ni Balaam, at naghandog siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
24 Nang makita ni Balaam na natutuwa si Jehova na pagpalain ang Israel, hindi na siya umalis muli para maghanap ng mahiwagang tanda ng kapahamakan,+ kundi humarap siya sa ilang. 2 Nang makita ni Balaam ang Israel na nagkakampo ayon sa mga tribo nito,+ sumakaniya ang espiritu ng Diyos.+ 3 Binigkas niya ang makatang pananalitang ito:+
“Ang sinabi ni Balaam na anak ni Beor,
At ang sinabi ng lalaking nabuksan ang mga mata,
4 Ang sinabi ng nakaririnig sa salita ng Diyos,
Na nakakita ng isang pangitain ng Makapangyarihan-sa-Lahat,
Na yumukod nang nakadilat ang mga mata:+
6 Gaya ng mga lambak,* umaabot ang mga iyon sa malayo,+
Gaya ng mga hardin sa tabi ng ilog,
Gaya ng mga aloe na itinanim ni Jehova,
Gaya ng mga sedro sa tabi ng tubig.
8 Diyos ang naglabas sa kaniya sa Ehipto;
Gaya Siya ng mga sungay ng isang torong-gubat para sa kanila.
Lalamunin niya ang mga bansa, ang mga nang-aapi sa kaniya;+
Ngangatngatin niya ang mga buto nila at pupuksain sila gamit ang mga pana niya.
9 Humiga siya, humiga siyang gaya ng leon,
At gaya sa leon, sino ang mangangahas na gumising sa kaniya?
Ang mga nagbibigay sa iyo ng pagpapala ay pinagpapala,
At ang mga sumusumpa sa iyo ay isinusumpa.”+
10 Galit na galit si Balak kay Balaam. Pumalakpak siya at sinabi kay Balaam: “Tinawag kita para sumpain ang mga kaaway ko,+ pero pinagpala mo pa sila nang tatlong beses. 11 Umuwi ka na ngayon. Bibigyan sana kita ng malaking gantimpala,+ pero ipinagkait ito sa iyo ni Jehova.”
12 Sumagot si Balaam: “Hindi ba sinabi ko sa mga mensahero mo, 13 ‘Ibigay man sa akin ni Balak ang bahay niya na punô ng pilak at ginto, kahit gusto ko ay wala pa rin akong magagawa, mabuti man o masama, na salungat sa utos ni Jehova. Kung ano lang ang sabihin sa akin ni Jehova, iyon lang ang masasabi ko’?+ 14 Ngayon, babalik na ako sa bayan ko. Halika, at sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin ng bayang ito sa bayan mo pagdating ng araw.”* 15 Kaya binigkas niya ang makatang pananalitang ito:+
“Ang sinabi ni Balaam na anak ni Beor,
At ang sinabi ng lalaking nabuksan ang mga mata,+
16 Ang sinabi ng nakaririnig sa salita ng Diyos,
At ng tumanggap ng kaalaman ng Kataas-taasan,
Nakita niya ang isang pangitain ng Makapangyarihan-sa-Lahat
Habang nakayukod nang nakadilat ang mga mata:
17 Makikita ko siya, pero hindi ngayon;
Mamamasdan ko siya, pero matagal pa.
18 At ang Edom ay magiging pag-aari niya,+
Oo, ang Seir+ ay magiging pag-aari ng mga kaaway nito,+
Samantalang ang Israel ay nagpapakita ng lakas ng loob.
19 At mula sa Jacob ay may isang mananakop,+
At pupuksain niya ang sinumang nakaligtas mula sa lunsod.”
20 Nang makita niya ang Amalek, itinuloy niya ang makatang pananalita:
21 Nang makita niya ang mga Kenita,+ itinuloy niya ang makatang pananalita:
“Matatag ang iyong tahanan, at nasa malaking bato ang iyong tirahan.
22 Pero may susunog sa Kain.
Gaano pa kaya katagal bago ka bihagin ng Asirya?”
23 At itinuloy pa niya ang makatang pananalita:
“Kaawa-awa! Sino ang makaliligtas kapag ginawa ito ng Diyos?
24 May darating na mga barko mula sa baybayin ng Kitim;+
Pahihirapan nila ang Asirya,+
Pahihirapan nila ang Eber.
Pero kahit siya ay malilipol din.”
25 Pagkatapos, umalis si Balaam.+ Umalis na rin si Balak.
25 Nang naninirahan ang Israel sa Sitim,+ ang bayan ay nakipagtalik* sa mga anak na babae ng Moab.+ 2 Inimbitahan ng mga babae ang bayan na sumama sa paghahain sa mga diyos nila,+ at ang bayan ay kumain at yumukod sa mga diyos nila.+ 3 Kaya ang Israel ay sumamba rin sa Baal ng Peor;+ galit na galit si Jehova sa Israel. 4 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Tipunin mo ang lahat ng nanguna sa mga taong ito at ibitin ang mga katawan nila sa harap ni Jehova habang tirik ang araw,* para humupa ang nag-aapoy na galit ni Jehova sa Israel.” 5 Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga hukom ng Israel:+ “Dapat patayin ng bawat isa sa inyo ang mga lalaking sumamba sa Baal ng Peor.”+
6 Pero nang pagkakataong iyon, dinala ng isang Israelita sa loob ng kampo ang isang babaeng Midianita.+ Nakita ito ni Moises at ng buong Israel habang umiiyak sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 7 Nang makita ito ni Pinehas+ na anak ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, agad siyang kumilos sa harap ng bayan at kumuha ng sibat. 8 Sinundan niya ang lalaking Israelita sa tolda at tinuhog ang dalawa, ang Israelita at ang babae sa ari nito. Kaya natigil ang salot sa mga Israelita.+ 9 Ang namatay sa salot ay 24,000.+
10 Sinabi ni Jehova kay Moises: 11 “Nawala ang galit ko sa bayan ng Israel dahil kay Pinehas+ na anak ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote. Hindi niya hinayaang magkaroon ako ng karibal sa gitna nila+ dahil humihiling ako ng bukod-tanging debosyon.*+ Kaya naman hindi ko nilipol ang mga Israelita. 12 Dahil dito, sabihin mo, ‘Nakikipagtipan ako sa kaniya para sa kapayapaan. 13 Iyon ay magiging tipan ng pagkasaserdote hanggang sa panahong walang takda para sa kaniya at sa mga supling niya,+ dahil hindi niya hinayaang magkaroon ng karibal ang Diyos niya+ at dahil nagbayad-sala siya para sa bayan ng Israel.’”
14 Ang Israelitang pinatay kasama ng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, pinuno ng isang angkan ng mga Simeonita. 15 Ang babaeng Midianita na pinatay ay si Cozbi na anak ni Zur,+ pinuno ng isang angkan* sa Midian.+
16 Nang maglaon, sinabi ni Jehova kay Moises: 17 “Salakayin ninyo ang mga Midianita at pabagsakin sila,+ 18 dahil ipinahamak nila kayo gamit ang tusong pakana para magkasala kayo sa Peor.+ Ginamit din nila si Cozbi, ang anak ng isang pinuno sa Midian na pinatay+ sa araw ng salot dahil sa nangyari sa Peor.”+
26 Pagkatapos ng salot,+ sinabi ni Jehova kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote: 2 “Magsagawa kayo ng sensus sa buong bayan ng Israel. Bilangin ninyo ang mga 20 taóng gulang pataas, ayon sa mga angkan nila, ang lahat ng puwedeng sumama sa hukbo ng Israel.”+ 3 Kaya kinausap sila ni Moises at ni Eleazar+ na saserdote sa mga tigang na kapatagan ng Moab+ sa tabi ng Jordan sa Jerico:+ 4 “Magsagawa kayo ng sensus at bilangin ang mga 20 taóng gulang pataas, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.”+
Ito ang mga anak na lalaki ni Israel na lumabas sa Ehipto: 5 si Ruben,+ na panganay ni Israel; ito ang mga anak ni Ruben:+ mula kay Hanok, ang pamilya ng mga Hanokita; mula kay Palu, ang pamilya ng mga Paluita; 6 mula kay Hezron, ang pamilya ng mga Hezronita; mula kay Carmi, ang pamilya ng mga Carmita. 7 Ito ang mga pamilya ng mga Rubenita, at ang nairehistro ay 43,730.+
8 Anak ni Palu si Eliab. 9 Ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan, at Abiram. Sina Datan at Abiram ang mga kinatawan ng kapulungan na nakipaglaban kina Moises+ at Aaron kasama ng grupo ni Kora+ nang magrebelde sila kay Jehova.+
10 Bumuka ang lupa at nilamon sila. Namatay naman si Kora at ang mga tagasuporta niya nang tupukin ng apoy ang 250 lalaki.+ At sila ay nagsilbing babala sa bayan.+ 11 Pero hindi namatay ang mga anak ni Kora.+
12 Ito ang mga anak ni Simeon+ ayon sa mga pamilya: mula kay Nemuel, ang pamilya ng mga Nemuelita; mula kay Jamin, ang pamilya ng mga Jaminita; mula kay Jakin, ang pamilya ng mga Jakinita; 13 mula kay Zera, ang pamilya ng mga Zerahita; mula kay Shaul, ang pamilya ng mga Shaulita. 14 Ito ang mga pamilya ng mga Simeonita: 22,200.+
15 Ito ang mga anak ni Gad+ ayon sa mga pamilya: mula kay Zepon, ang pamilya ng mga Zeponita; mula kay Hagi, ang pamilya ng mga Hagita; mula kay Suni, ang pamilya ng mga Sunita; 16 mula kay Ozni, ang pamilya ng mga Oznita; mula kay Eri, ang pamilya ng mga Erita; 17 mula kay Arod, ang pamilya ng mga Arodita; mula kay Areli, ang pamilya ng mga Arelita. 18 Ito ang mga pamilya ng mga anak ni Gad, at ang nairehistro ay 40,500.+
19 Anak ni Juda+ sina Er at Onan.+ Pero namatay sina Er at Onan sa Canaan.+ 20 Ito ang mga anak ni Juda ayon sa mga pamilya: mula kay Shela,+ ang pamilya ng mga Shelanita; mula kay Perez,+ ang pamilya ng mga Perezita; mula kay Zera,+ ang pamilya ng mga Zerahita. 21 Ito ang mga anak ni Perez: mula kay Hezron,+ ang pamilya ng mga Hezronita; mula kay Hamul,+ ang pamilya ng mga Hamulita. 22 Ito ang mga pamilya ni Juda, at ang nairehistro ay 76,500.+
23 Ito ang mga anak ni Isacar+ ayon sa mga pamilya: mula kay Tola,+ ang pamilya ng mga Tolaita; mula kay Puva, ang pamilya ng mga Puniteo; 24 mula kay Jasub, ang pamilya ng mga Jasubita; mula kay Simron, ang pamilya ng mga Simronita. 25 Ito ang mga pamilya ni Isacar, at ang nairehistro ay 64,300.+
26 Ito ang mga anak ni Zebulon+ ayon sa mga pamilya: mula kay Sered, ang pamilya ng mga Seredita; mula kay Elon, ang pamilya ng mga Elonita; mula kay Jahleel, ang pamilya ng mga Jahleelita. 27 Ito ang mga pamilya ng mga Zebulonita, at ang nairehistro ay 60,500.+
28 Ito ang mga anak ni Jose+ ayon sa mga pamilya: Manases at Efraim.+ 29 Ito ang mga anak ni Manases:+ mula kay Makir,+ ang pamilya ng mga Makirita; at anak ni Makir si Gilead;+ mula kay Gilead, ang pamilya ng mga Gileadita. 30 Ito ang mga anak ni Gilead: mula kay Iezer, ang pamilya ng mga Iezerita; mula kay Helek, ang pamilya ng mga Helekita; 31 mula kay Asriel, ang pamilya ng mga Asrielita; mula kay Sikem, ang pamilya ng mga Sikemita; 32 mula kay Semida, ang pamilya ng mga Semidaita; mula kay Heper, ang pamilya ng mga Heperita. 33 Si Zelopehad na anak ni Heper ay walang anak na lalaki, mga anak na babae lang.+ Ang anak ni Zelopehad+ ay sina Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza. 34 Ito ang mga pamilya ni Manases, at ang nairehistro ay 52,700.+
35 Ito ang mga anak ni Efraim+ ayon sa mga pamilya: mula kay Sutela,+ ang pamilya ng mga Sutelahita; mula kay Beker, ang pamilya ng mga Bekerita; mula kay Tahan, ang pamilya ng mga Tahanita. 36 At ito ang mga anak ni Sutela: mula kay Eran, ang pamilya ng mga Eranita. 37 Ito ang mga pamilya ng mga anak ni Efraim, at ang nairehistro ay 32,500.+ Ito ang mga anak ni Jose ayon sa mga pamilya.
38 Ito ang mga anak ni Benjamin+ ayon sa mga pamilya: mula kay Bela,+ ang pamilya ng mga Belaita; mula kay Asbel, ang pamilya ng mga Asbelita; mula kay Ahiram, ang pamilya ng mga Ahiramita; 39 mula kay Sepupam, ang pamilya ng mga Supamita; mula kay Hupam, ang pamilya ng mga Hupamita. 40 Anak ni Bela sina Ard at Naaman:+ mula kay Ard, ang pamilya ng mga Ardita; mula kay Naaman, ang pamilya ng mga Naamita. 41 Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa mga pamilya, at ang nairehistro ay 45,600.+
42 Ito ang mga anak ni Dan+ ayon sa mga pamilya: mula kay Suham, ang pamilya ng mga Suhamita. Ito ang mga pamilya ni Dan ayon sa mga pamilya. 43 Ang nairehistro sa mga pamilya ng mga Suhamita ay 64,400.+
44 Ito ang mga anak ni Aser+ ayon sa mga pamilya: mula kay Imnah, ang pamilya ng mga Imnaita; mula kay Isvi, ang pamilya ng mga Isvita; mula kay Berias, ang pamilya ng mga Beriita. 45 Ito ang mga anak ni Berias: mula kay Heber, ang pamilya ng mga Heberita; mula kay Malkiel, ang pamilya ng mga Malkielita. 46 Ang anak na babae ni Aser ay si Sera. 47 Ito ang mga pamilya ng mga anak ni Aser, at ang nairehistro ay 53,400.+
48 Ito ang mga anak ni Neptali+ ayon sa mga pamilya: mula kay Jahzeel, ang pamilya ng mga Jahzeelita; mula kay Guni, ang pamilya ng mga Gunita; 49 mula kay Jezer, ang pamilya ng mga Jezerita; mula kay Silem, ang pamilya ng mga Silemita. 50 Ito ang mga pamilya ni Neptali ayon sa mga pamilya, at ang nairehistro ay 45,400.+
51 Ang lahat ng nairehistrong Israelita ay 601,730.+
52 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: 53 “Ang lupain ay hahati-hatiin mo sa kanila bilang mana ayon sa listahan ng mga pangalan.*+ 54 Dagdagan mo ang mana ng malalaking grupo, at bawasan mo ang mana ng maliliit na grupo.+ Ang mana ng bawat grupo ay nakadepende sa bilang ng nakarehistro sa grupo nila. 55 Pero hahati-hatiin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan.+ Tatanggap sila ng mana ayon sa pangalan ng tribo ng ama nila. 56 Ang bawat mana ay ibabatay sa palabunutan at hahati-hatiin depende sa laki ng grupo.”
57 Ito ang mga nakarehistrong Levita+ ayon sa mga pamilya: mula kay Gerson, ang pamilya ng mga Gersonita; mula kay Kohat,+ ang pamilya ng mga Kohatita; mula kay Merari, ang pamilya ng mga Merarita. 58 Ito ang mga pamilya ng mga Levita: pamilya ng mga Libnita,+ pamilya ng mga Hebronita,+ pamilya ng mga Mahalita,+ pamilya ng mga Musita,+ pamilya ng mga Korahita.+
Naging anak ni Kohat si Amram.+ 59 At ang asawa ni Amram ay si Jokebed,+ ang anak na babae ni Levi na ipinanganak ng asawa nito sa Ehipto. Naging anak niya kay Amram sina Aaron at Moises at ang kapatid nilang babae na si Miriam.+ 60 Naging anak ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar.+ 61 Pero namatay sina Nadab at Abihu dahil sa pag-aalay ng ipinagbabawal na handog* sa harap ni Jehova.+
62 Ang lahat ng nairehistro ay 23,000, lahat ng lalaki mula isang buwang gulang pataas.+ Hindi sila inirehistrong kasama ng mga Israelita+ dahil walang manang ibibigay sa kanila sa gitna ng mga Israelita.+
63 Ito ang mga inirehistro ni Moises at ni Eleazar na saserdote nang irehistro nila ang mga Israelita sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico. 64 Pero walang isa man sa kanila ang kasama sa inirehistro ni Moises at ni Aaron na saserdote nang magsagawa sila ng sensus sa mga Israelita sa ilang ng Sinai.+ 65 Dahil sinabi ni Jehova tungkol sa mga ito: “Mamamatay sila sa ilang.”+ Kaya walang natira sa mga ito maliban kay Caleb na anak ni Jepune at kay Josue na anak ni Nun.+
27 At lumapit ang mga anak na babae ni Zelopehad,+ na anak ni Heper, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, na mula sa mga pamilya ni Manases na anak ni Jose. Ang mga anak niya ay sina Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza. 2 Humarap sila kay Moises, kay Eleazar na saserdote, sa mga pinuno,+ at sa buong kapulungan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at sinabi nila: 3 “Namatay ang ama namin sa ilang, pero hindi siya kasama sa grupong nagrebelde kay Jehova, ang mga tagasuporta ni Kora;+ namatay siya dahil sa sarili niyang kasalanan at wala siyang mga anak na lalaki. 4 Bakit mawawala ang pangalan ng ama namin mula sa pamilya niya dahil lang sa wala siyang anak na lalaki? Bigyan ninyo kami ng pag-aari kasama ng mga kapatid ng ama namin.” 5 Kaya dinala ni Moises ang usapin nila sa harap ni Jehova.+
6 Sinabi ni Jehova kay Moises: 7 “Tama ang mga anak na babae ni Zelopehad. Dapat mo nga silang bigyan ng pag-aari bilang mana nila kasama ng mga kapatid ng kanilang ama, at ibigay mo sa kanila ang mana ng ama nila.+ 8 At sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung mamatay ang isang tao nang walang anak na lalaki, ibigay ninyo sa anak niyang babae ang kaniyang mana. 9 Kung wala siyang anak na babae, ibigay ninyo sa mga kapatid niya ang kaniyang mana. 10 Kung wala siyang kapatid, ibigay ninyo sa mga kapatid ng ama niya ang kaniyang mana. 11 At kung walang kapatid ang ama niya, ibigay ninyo sa pinakamalapit niyang kadugo ang kaniyang mana, at iyon ay magiging pag-aari nito. Ito ay isang batas batay sa hudisyal na pasiya para sa mga Israelita, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.’”
12 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Umakyat ka sa bundok na ito ng Abarim,+ at tingnan mo ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita.+ 13 Kapag nakita mo na iyon, mamamatay ka at ililibing gaya ng mga ninuno mo,*+ gaya rin ng kapatid mong si Aaron,+ 14 dahil nang makipag-away sa akin ang bayan sa ilang ng Zin, hindi mo sinunod ang utos ko sa iyo na pabanalin ako sa pamamagitan ng tubig.+ Ito ang tubig ng Meriba+ sa Kades+ sa ilang ng Zin.”+
15 Sinabi ni Moises kay Jehova: 16 “Mag-atas nawa si Jehova, ang Diyos na nagbibigay ng buhay* sa lahat ng tao, ng isang lalaki para sa bayan 17 na mangunguna sa kanila sa lahat ng bagay at susundin nila sa lahat ng bagay, para hindi maging tulad ng mga tupang walang pastol ang bayan ni Jehova.” 18 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Tawagin mo si Josue na anak ni Nun, isang lalaking may kakayahan,* at ipatong mo sa kaniya ang kamay mo.+ 19 At patayuin mo siya sa harap ni Eleazar na saserdote at ng buong bayan, at atasan mo siya sa harap nila.+ 20 Ibahagi mo sa kaniya ang awtoridad* mo+ para pakinggan siya ng buong bayan ng Israel.+ 21 Tatayo siya sa harap ni Eleazar na saserdote, na siya namang sasangguni kay Jehova para sa kaniya gamit ang Urim,+ para malaman ang desisyon ng Diyos. Kapag binigyan sila ng utos, susunod siya at ang lahat ng Israelita, ang buong bayan.”
22 At ginawa ni Moises ang iniutos ni Jehova sa kaniya. Pinatayo niya si Josue sa harap ni Eleazar na saserdote at ng buong bayan, 23 at ipinatong niya rito ang mga kamay niya at inatasan ito,+ gaya ng sinabi ni Jehova kay Moises.+
28 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Utusan mo ang mga Israelita, ‘Tiyakin ninyong magdadala kayo sa akin ng handog, ang tinapay ko. Dapat ihain sa mga takdang panahon nito+ ang mga handog sa akin na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para sa akin.’
3 “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang handog na pinaraan sa apoy na iaalay ninyo kay Jehova: dalawang malulusog at isang-taóng-gulang na lalaking kordero* na regular ninyong iaalay bilang handog na sinusunog araw-araw.+ 4 Ang isang lalaking kordero ay ihahandog mo sa umaga, at ang isa pang lalaking kordero ay ihahandog mo sa takipsilim,*+ 5 kasama ang ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo bilang handog na mga butil.+ 6 Ito ay regular na handog na sinusunog,+ gaya ng iniutos sa Bundok Sinai, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, 7 kasama ng handog na inumin nito na sangkapat na hin para sa bawat lalaking kordero.+ Ibuhos mo sa banal na lugar ang inuming de-alkohol bilang handog na inumin para kay Jehova. 8 At ihahandog mo ang isa pang lalaking kordero sa takipsilim.* Kasama ng gayon ding handog na mga butil na iniaalay sa umaga at ng gayon ding handog na inumin nito, ihahandog mo iyon bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+
9 “‘Pero sa araw ng Sabbath,+ ang ihahandog ay dalawang malulusog at isang-taóng-gulang na lalaking kordero at dalawang-ikasampu ng isang takal na epa ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil, kasama ng handog na inumin nito. 10 Ito ang handog na sinusunog para sa Sabbath, kasama ng regular na handog na sinusunog at ng handog na inumin nito.+
11 “‘Sa simula ng bawat buwan,* mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog para kay Jehova ng dalawang batang toro,* isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na malulusog at isang taóng gulang,+ 12 at tatlong-ikasampu ng isang takal ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil+ para sa bawat toro at dalawang-ikasampu ng isang takal ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil para sa lalaking tupa,+ 13 at ikasampu ng isang takal ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil para sa bawat lalaking kordero, bilang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 14 Ang handog na inumin ng mga ito ay kalahating hin ng alak para sa isang toro+ at sangkatlong hin para sa lalaking tupa+ at sangkapat na hin para sa isang lalaking kordero.+ Ito ang handog na sinusunog bawat buwan para sa buong taon. 15 Dapat ding maghandog kay Jehova ng isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan bukod pa sa regular na handog na sinusunog kasama ng handog na inumin nito.
16 “‘Ang ika-14 na araw ng unang buwan ay Paskuwa ni Jehova.+ 17 At sa ika-15 araw ng buwang ito, magkakaroon ng kapistahan. Tinapay na walang pampaalsa ang kakainin nang pitong araw.+ 18 Sa unang araw ay magkakaroon ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho. 19 At ihahandog ninyo kay Jehova bilang handog na sinusunog ang dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang. Dapat na malulusog ang hayop na ihahandog ninyo.+ 20 Dapat ninyong ihandog ang mga iyon kasama ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis,+ tatlong-ikasampu ng isang takal para sa isang toro at dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa. 21 Maghahandog ka ng ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero, 22 at ng isang kambing na handog para sa kasalanan bilang pambayad-sala para sa inyo. 23 Ihahandog ninyo ang mga ito bukod pa sa pang-umagang handog na sinusunog na kasama sa regular ninyong inihahandog. 24 Ihahandog ninyo ang mga ito sa gayon ding paraan araw-araw sa loob ng pitong araw bilang pagkain,* isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova. Dapat itong ihandog kasama ng regular na handog na sinusunog at ng handog na inumin nito. 25 Sa ikapitong araw ay magdaos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+
26 “‘Sa araw ng mga unang hinog na bunga,+ kapag nag-alay kayo kay Jehova ng bagong handog na mga butil,+ dapat kayong magdaos ng banal na kombensiyon sa inyong kapistahan ng mga sanlinggo.+ Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+ 27 Mag-alay kayo bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang,+ 28 kasama ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal para sa bawat toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa, 29 ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero, 30 at ng isang batang kambing bilang pambayad-sala para sa inyo.+ 31 Bukod sa regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito, iaalay mo ang mga iyon kasama ang handog na inumin nito. Dapat na malulusog ang hayop.+
29 “‘At sa unang araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+ Sa araw na iyon, magpapatunog kayo ng trumpeta.+ 2 Mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng isang batang toro,* isang lalaking tupa, pitong lalaking kordero* na isang taóng gulang, lahat ay malulusog, 3 kasama ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal na epa para sa toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa, 4 at ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero, 5 at isang batang lalaking kambing na handog para sa kasalanan bilang pambayad-sala para sa inyo. 6 Ihahandog ninyo ang mga iyon bukod pa sa handog na sinusunog bawat buwan at handog na mga butil nito+ at sa regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito,+ kasama ng handog na inumin ng mga ito.+ Iaalay ninyo ang mga iyon ayon sa itinakdang paraan, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.
7 “‘Sa ika-10 araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon,+ at dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili.* Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho.+ 8 At mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog.+ 9 Kasama ninyong iaalay ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal para sa toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa, 10 ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero, 11 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa handog para sa kasalanan bilang pambayad-sala+ at regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito, kasama ng handog na inumin ng mga ito.
12 “‘Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho, at magdiwang kayo ng isang kapistahan para kay Jehova nang pitong araw.+ 13 At mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog,+ isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng 13 batang toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog.+ 14 Kasama ninyong iaalay ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa 13 toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa 2 lalaking tupa, 15 at ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa 14 na lalaking kordero, 16 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
17 “‘Sa ikalawang araw, mag-aalay kayo ng 12 batang toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 18 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 19 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito, kasama ng handog na inumin ng mga ito.+
20 “‘Sa ikatlong araw, mag-aalay kayo ng 11 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 21 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 22 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
23 “‘Sa ikaapat na araw, mag-aalay kayo ng 10 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 24 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 25 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
26 “‘Sa ikalimang araw, mag-aalay kayo ng 9 na toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 27 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 28 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
29 “‘Sa ikaanim na araw, mag-aalay kayo ng 8 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 30 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 31 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
32 “‘At sa ikapitong araw, mag-aalay kayo ng 7 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 33 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 34 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
35 “‘Sa ikawalong araw, dapat kayong magdaos ng banal na pagtitipon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+ 36 Mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng isang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+ 37 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa toro, lalaking tupa, at mga lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan, 38 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
39 “‘Iaalay ninyo ang mga ito kay Jehova sa inyong mga kapistahan,+ bukod pa sa inyong mga panatang handog+ at kusang-loob na handog+ bilang handog na sinusunog,+ handog na mga butil,+ handog na inumin,+ at haing pansalo-salo.’”+ 40 Sinabi ni Moises sa mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova sa kaniya.
30 Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga pinuno+ ng mga tribo ng Israel: “Ito ang iniutos ni Jehova: 2 Kung ang isang tao ay manata+ o sumumpa kay Jehova,+ isang panata ng pagkakait sa sarili,* dapat niya itong tuparin.+ Dapat niyang tuparin ang lahat ng sinabi niyang gagawin niya.+
3 “Kung ang isang babae ay gumawa ng panata kay Jehova o panata ng pagkakait sa sarili habang kabataan pa siya at nakatira sa bahay ng ama niya, 4 at narinig ng ama niya ang kaniyang panata o panata ng pagkakait sa sarili at hindi tumutol ang ama niya, magkakabisa ang lahat ng kaniyang panata at panata ng pagkakait sa sarili. 5 Pero kung tumutol ang ama niya matapos marinig ang ginawa niyang mga panata o panata ng pagkakait sa sarili, hindi magkakabisa ang mga ito. Patatawarin siya ni Jehova dahil tumutol ang ama niya.+
6 “Kung mag-asawa siya habang may bisa ang kaniyang panata o padalos-dalos na pangako, 7 at marinig iyon ng asawang lalaki at hindi tumutol sa araw na marinig iyon, hindi mawawalan ng bisa ang kaniyang mga panata o panata ng pagkakait sa sarili. 8 Pero kung pagbawalan siya ng asawa niya sa araw na marinig nito ang kaniyang panata o padalos-dalos na pangako, puwede nitong ipawalang-bisa iyon,+ at patatawarin siya ni Jehova.
9 “Kung isang biyuda o diborsiyada ang manata, lahat ng panata niya ay magkakabisa.
10 “Pero kung ang isang babae ay gumawa ng panata o panata ng pagkakait sa sarili habang nasa bahay ng asawa niya 11 at narinig iyon ng asawa niya at hindi ito tumutol o hindi siya pinagbawalan nito, magkakabisa ang lahat ng kaniyang panata o panata ng pagkakait sa sarili. 12 Pero kung tumutol ang asawa niya sa araw na marinig nito ang anumang panata niya o panata ng pagkakait sa sarili, hindi iyon magkakabisa.+ Tutol ang asawa niya kaya patatawarin siya ni Jehova. 13 May kinalaman sa anumang panata o sumpa, isang panata ng pagkakait sa sarili, ang asawa niya ang magpapasiya kung tutuparin niya iyon o hindi. 14 Kung hindi tumutol ang asawa niya sa paglipas ng mga araw, pinagtitibay nito ang lahat ng kaniyang panata o panata ng pagkakait sa sarili. Pinagtitibay iyon ng asawang lalaki dahil hindi siya tumutol nang araw na marinig niyang nanata ang asawa niya. 15 Pero kung ipawalang-bisa niya iyon makalipas ang araw na narinig niya iyon, siya ang mananagot sa pagkakamali ng asawa niya.+
16 “Ito ang mga tuntuning ibinigay ni Jehova kay Moises may kinalaman sa asawang lalaki at asawa nito at sa ama at anak nitong kabataang babae na nakatira sa bahay nito.”
31 At sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Ipaghiganti+ mo ang mga Israelita sa mga Midianita.+ Pagkatapos, mamamatay ka at ililibing gaya ng mga ninuno mo.”*+
3 Kaya sinabi ni Moises sa bayan: “Maghanda ang mga lalaki sa gitna ninyo para makipaglaban sa* Midian at para isagawa ang paghihiganti ni Jehova sa Midian. 4 Dapat kayong magpadala sa hukbo ng 1,000 mula sa bawat tribo ng Israel.” 5 Kaya mula sa libo-libong Israelita,+ 1,000 ang ipinadala ng bawat tribo, 12,000 lalaki na handa para sa digmaan.*
6 At isinugo sila ni Moises sa hukbo, 1,000 mula sa bawat tribo, kasama ang anak ni Eleazar na si Pinehas,+ ang saserdote para sa hukbo. Dala niya ang mga banal na kagamitan at panghudyat na mga trumpeta.+ 7 Nakipagdigma sila sa Midian, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises, at pinatay nila ang lahat ng lalaki. 8 Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian, sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at Reba. Pinatay rin nila si Balaam+ na anak ni Beor gamit ang espada. 9 Pero ang mga babae at bata sa Midian ay binihag ng mga Israelita. Kinuha rin nila ang mga baka, kawan, at lahat ng pag-aari ng mga ito. 10 At sinunog nila ang lahat ng lunsod na tinitirhan ng mga ito at lahat ng kampo* ng mga ito. 11 Dinala nila ang lahat ng samsam, mga tao at hayop. 12 Dinala nila ang mga bihag at samsam kay Moises, kay Eleazar na saserdote, at sa kapulungan ng mga Israelita, sa kampo na nasa mga tigang na kapatagan ng Moab+ sa tabi ng Jordan sa Jerico.
13 At lumabas si Moises, si Eleazar na saserdote, at ang lahat ng pinuno ng bayan para salubungin sila sa labas ng kampo. 14 Pero nagalit si Moises sa mga lalaking inatasan na manguna sa labanan, ang mga pinuno ng libo-libo at pinuno ng daan-daan na dumarating mula sa digmaan. 15 Sinabi ni Moises: “Bakit wala kayong pinatay sa mga babae? 16 Ginawa nila ang sinabi ni Balaam at hinikayat ang mga Israelita na magtaksil+ kay Jehova gaya ng nangyari sa Peor,+ kaya sinalot ang bayan ni Jehova.+ 17 Patayin ninyo ang lahat ng batang lalaki at ang lahat ng babaeng nakipagtalik na sa lalaki. 18 Pero huwag ninyong patayin ang mga batang babae na hindi pa nakipagtalik sa lalaki.+ 19 Dapat kayong manatili sa labas ng kampo nang pitong araw. Ang lahat ng nakapatay at lahat ng humipo ng bangkay+ ay dapat magpabanal ng sarili+ sa ikatlo at ikapitong araw, kayo at ang mga bihag ninyo. 20 At dapat ninyong dalisayin* mula sa kasalanan ang lahat ng damit at lahat ng bagay na yari sa balat, sa balahibo ng kambing, o sa kahoy.”
21 Sinabi ni Eleazar na saserdote sa mga lalaking nakipagdigma: “Ito ang batas na iniutos ni Jehova kay Moises, 22 ‘Ang ginto, pilak, tanso, bakal, lata, at tingga, 23 ang lahat ng hindi nasusunog, ay paraanin ninyo sa apoy para maging malinis. Pero dapat din ninyo itong dalisayin sa tubig na panlinis.+ Ang lahat ng puwedeng masunog ay linisin ninyo sa tubig. 24 Dapat ninyong labhan ang mga damit ninyo sa ikapitong araw, at magiging malinis kayo. Pagkatapos, puwede na kayong pumasok sa kampo.’”+
25 At sinabi ni Jehova kay Moises: 26 “Ilista mo kung gaano karami ang samsam, ang mga bihag na tao at hayop; gawin ninyo ito ni Eleazar na saserdote at ng mga ulo ng mga angkan sa bayan. 27 Hatiin mo sa dalawang bahagi ang samsam—isang bahagi para sa mga kabilang sa hukbo na nakipagdigma at isang bahagi para sa iba pa sa bayan.+ 28 Mula sa mga sundalong nakipagdigma, kumuha ka ng buwis para kay Jehova—isa sa bawat 500 tao, baka, asno, at tupa. 29 Kunin ninyo iyon mula sa bahaging napunta sa kanila at ibigay kay Eleazar na saserdote bilang abuloy kay Jehova.+ 30 Mula sa bahaging ibinigay sa mga Israelita, kumuha ka ng isa sa bawat 50 tao, baka, asno, tupa, at iba pang alagang hayop, at ibigay mo ang mga iyon sa mga Levita,+ na nag-aasikaso ng mga gawaing may kaugnayan sa tabernakulo ni Jehova.”+
31 Kaya ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang iniutos ni Jehova kay Moises. 32 At ang samsam, ang natira sa mga kinuha ng mga nakipagdigma, ay 675,000 tupa, 33 72,000 baka, 34 at 61,000 asno. 35 Ang mga babaeng hindi pa nakipagtalik sa lalaki+ ay 32,000. 36 Ang kalahati ng samsam, na bahagi ng mga nakipagdigma, ay 337,500 tupa. 37 Ang buwis para kay Jehova ay 675 tupa. 38 Sa 36,000 baka, ang buwis para kay Jehova ay 72. 39 Sa 30,500 asno, ang buwis para kay Jehova ay 61. 40 At sa 16,000 tao, ang buwis para kay Jehova ay 32. 41 Pagkatapos, ibinigay ni Moises kay Eleazar na saserdote+ ang buwis bilang abuloy kay Jehova, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
42 Nang hatiin ni Moises ang samsam sa pagitan ng mga lalaking nakipagdigma at ng mga Israelita, ito ang napunta sa mga Israelita: 43 337,500 tupa, 44 36,000 baka, 45 30,500 asno, 46 at 16,000 tao. 47 At gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises, kumuha siya ng isa sa bawat 50 tao at hayop mula sa bahagi ng mga Israelita at ibinigay ang mga iyon sa mga Levita,+ na nag-aasikaso ng mga gawain sa tabernakulo ni Jehova.+
48 At lumapit kay Moises ang mga lalaking inatasan na manguna sa mga grupo* ng hukbo,+ ang mga pinuno ng libo-libo at pinuno ng daan-daan. 49 Sinabi nila kay Moises: “Binilang ng iyong mga lingkod ang mga lalaking mandirigma na nasa pangangasiwa namin, at walang isa man ang nawawala.+ 50 Kaya ang bawat isa sa amin ay maghahandog kay Jehova ng mga nakuha niya—mga kagamitang ginto, kadenilya sa paa,* pulseras, singsing na panlagda, hikaw, at iba pang alahas, bilang pambayad-sala para sa aming sarili sa harap ni Jehova.”
51 Kaya tinanggap ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ibinigay nilang ginto, ang lahat ng alahas. 52 Ang lahat ng gintong iniabuloy kay Jehova ng mga pinuno ng libo-libo at pinuno ng daan-daan ay 16,750 siklo.* 53 Ang bawat lalaking nakipagdigma ay kumuha ng samsam para sa sarili niya. 54 Tinanggap ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto na ibinigay ng mga pinuno ng libo-libo at pinuno ng daan-daan at ipinasok iyon sa tolda ng pagpupulong bilang paalaala para sa bayang Israel sa harap ni Jehova.
32 Napakarami ng alagang hayop ng mga anak ni Ruben+ at mga anak ni Gad,+ at nakita nila na magandang lugar para sa mga alagang hayop ang Jazer+ at Gilead. 2 Kaya ang mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben ay lumapit kay Moises, kay Eleazar na saserdote, at sa mga pinuno ng bayan, at sinabi nila: 3 “Ang Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon,+ Eleale, Sebam, Nebo,+ at Beon,+ 4 ang teritoryong sinakop ni Jehova sa harap ng bayang Israel,+ ay magandang lugar para sa mga alagang hayop, at maraming alagang hayop+ ang iyong mga lingkod.” 5 Idinagdag nila: “Kung papayag ka, ang lupaing ito sana ang ibigay sa iyong mga lingkod bilang pag-aari. Huwag mo na kaming patawirin sa Jordan.”
6 Sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben: “Makikipagdigma ba ang mga kapatid ninyo samantalang nandito lang kayo? 7 Bakit ninyo pahihinain ang loob ng bayang Israel sa pagpunta sa lupaing tiyak na ibibigay sa kanila ni Jehova? 8 Ganiyan ang ginawa ng mga ama ninyo nang isugo ko sila mula sa Kades-barnea para tingnan ang lupain.+ 9 Nang pumunta sila sa Lambak* ng Escol+ at nakita nila ang lupain, pinahina nila ang loob ng Israel, kaya ayaw nang pumunta ng bayan sa lupaing ibibigay sa kanila ni Jehova.+ 10 Galit na galit si Jehova nang araw na iyon kaya sumumpa siya:+ 11 ‘Hindi makikita ng mga lalaking lumabas sa Ehipto na 20 taóng gulang pataas ang lupaing+ ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob,+ dahil hindi sila sumunod sa akin nang buong puso— 12 maliban kay Caleb+ na anak ni Jepune na Kenizita at kay Josue+ na anak ni Nun, dahil buong puso silang sumunod kay Jehova.’+ 13 Kaya lumagablab ang galit ni Jehova sa Israel, at pinagala-gala niya sila sa ilang nang 40 taon,+ hanggang sa mamatay ang buong henerasyon na gumagawa ng masama sa paningin ni Jehova.+ 14 Ngayon, kayong mga makasalanan, inuulit ninyo ang ginawa ng inyong mga ama; pinatitindi ninyo ang galit ni Jehova sa Israel. 15 Kung titigil kayo sa pagsunod sa kaniya, tiyak na iiwan niya sila ulit sa ilang, at ipapahamak ninyo ang buong bayang ito.”
16 Pagkatapos, lumapit ulit sila sa kaniya, at sinabi nila: “Payagan mo kaming magtayo rito ng mga batong kulungan para sa mga alagang hayop namin at ng mga lunsod para sa mga anak namin. 17 Pero nakahanda pa rin kami para sa digmaan,+ at pupuwesto kami sa unahan ng mga Israelita hanggang sa madala namin sila sa lupaing para sa kanila, habang ang mga anak namin ay naninirahan sa mga napapaderang* lunsod at ligtas mula sa mga nakatira sa lupain. 18 Hindi kami babalik sa mga bahay namin hanggang sa makuha ng bawat Israelita ang sarili niyang lupain bilang mana.+ 19 Dahil hindi kami tatanggap ng mana sa kabilang ibayo ng Jordan kasama nila; natanggap na namin ang mana namin sa silangan ng Jordan.”+
20 Sumagot si Moises: “Gawin muna ninyo ito: Maghanda kayo sa harap ni Jehova para sa digmaan;+ 21 at kung kayong lahat ay maghahanda sa pakikipagdigma at tatawid sa Jordan sa harap ni Jehova habang itinataboy niya ang mga kaaway niya+ 22 hanggang sa ang lupain ay masakop sa harap ni Jehova,+ makakauwi kayo+ at hindi kayo magkakasala kay Jehova at sa Israel. At ang lupaing ito ay magiging pag-aari ninyo sa harap ni Jehova.+ 23 Pero kung hindi ninyo ito gagawin, magkakasala kayo kay Jehova. At tiyak na pagbabayaran ninyo ang kasalanan ninyo. 24 Kaya puwede kayong magtayo ng mga lunsod para sa inyong mga anak at ng mga kulungan para sa mga kawan ninyo,+ pero kailangan ninyong gawin ang ipinangako ninyo.”
25 Kaya sinabi kay Moises ng mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben: “Gagawin ng iyong mga lingkod ang iniuutos ng aming panginoon. 26 Maiiwan sa mga lunsod ng Gilead ang aming mga anak, asawa, at alagang hayop,+ 27 pero tatawid ang iyong mga lingkod, bawat lalaking nakahandang sumama sa digmaan sa harap ni Jehova,+ gaya ng sinabi ng aming panginoon.”
28 Kaya may kaugnayan sa kanila, inutusan ni Moises si Eleazar na saserdote, si Josue na anak ni Nun, at ang mga ulo ng angkan sa mga tribo ng Israel. 29 Sinabi ni Moises: “Kung tatawid sa Jordan kasama ninyo ang mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben, bawat lalaking nakahanda para sa digmaan sa harap ni Jehova, at ang lupain ay masakop sa harap ninyo, ibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Gilead bilang pag-aari.+ 30 Pero kung hindi sila maghahanda sa pakikipagdigma at hindi sila sasama sa inyo sa pagtawid, titira silang kasama ninyo sa lupain ng Canaan.”
31 Kaya sinabi ng mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben: “Gagawin ng iyong mga lingkod kung ano ang sinabi ni Jehova. 32 Maghahanda kami sa pakikipagdigma at tatawid sa lupain ng Canaan sa harap ni Jehova,+ at ang mamanahin naming lupain ay sa panig na ito ng Jordan.” 33 Kaya ibinigay ni Moises sa mga anak ni Gad, sa mga anak ni Ruben,+ at sa kalahati ng tribo ni Manases+ na anak ni Jose ang kaharian ni Sihon+ na hari ng mga Amorita at ang kaharian ni Og+ na hari ng Basan, ang lupain ng mga lunsod na nasa mga teritoryong iyon, at ang mga lunsod sa nakapalibot na lupain.
34 Itinayo* ng mga anak ni Gad ang Dibon,+ Atarot,+ Aroer,+ 35 Atrot-sopan, Jazer,+ Jogbeha,+ 36 Bet-nimra,+ at Bet-haran,+ mga napapaderang lunsod, at nagtayo sila ng mga batong kulungan para sa mga kawan. 37 At itinayo ng mga anak ni Ruben ang Hesbon,+ Eleale,+ Kiriataim,+ 38 Nebo,+ at Baal-meon+—na binago ang mga pangalan—at ang Sibma; at pinalitan nila ang pangalan ng mga lunsod na itinayo nilang muli.
39 Ang mga anak ni Makir+ na anak ni Manases ay nakipaglaban sa Gilead, sinakop iyon, at itinaboy ang mga Amoritang naroon. 40 Kaya ibinigay ni Moises ang Gilead kay Makir na anak ni Manases, at doon ito tumira.+ 41 Nakipaglaban din sa kanila si Jair na anak ni Manases at sinakop ang maliliit na nayon* doon, at tinawag niya ang mga iyon na Havot-jair.*+ 42 Si Noba naman ay nakipaglaban sa Kenat, sinakop ito at ang katabing mga nayon nito,* at tinawag itong Noba ayon sa sarili niyang pangalan.
33 Ito ang mga paglalakbay ng bayang Israel paglabas nila sa Ehipto+ ayon sa kani-kanilang grupo,*+ sa pangunguna nina Moises at Aaron.+ 2 Sa bawat paglalakbay nila, inirerekord ni Moises kung saan sila nanggaling, gaya ng iniutos ni Jehova. At ito ang mga paglalakbay nila:+ 3 Umalis sila sa Rameses+ noong ika-15 araw ng unang buwan.+ Nang mismong araw pagkaraan ng Paskuwa,+ ang mga Israelita ay taas-noong umalis* sa harap ng lahat ng Ehipsiyo, 4 habang inililibing ng mga Ehipsiyo ang lahat ng panganay nila na pinatay ni Jehova,+ dahil naglapat ng hatol si Jehova sa kanilang mga diyos.+
5 Kaya umalis ang mga Israelita sa Rameses at nagkampo sa Sucot.+ 6 Umalis sila sa Sucot at nagkampo sa Etham,+ na malapit sa ilang.* 7 Umalis sila sa Etham at lumiko papuntang Pihahirot, na malapit sa Baal-zepon,+ at nagkampo sila sa tapat ng Migdol.+ 8 Pagkatapos, umalis sila sa Pihahirot at dumaan sa gitna ng dagat+ papunta sa ilang,+ at tatlong araw silang naglakbay sa ilang ng Etham+ at nagkampo sa Marah.+
9 Umalis sila sa Marah at nakarating sa Elim. May 12 bukal ng tubig at 70 puno ng palma sa Elim, kaya nagkampo sila roon.+ 10 Umalis sila sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat na Pula. 11 Umalis sila sa Dagat na Pula at nagkampo sa ilang ng Sin.+ 12 Umalis sila sa ilang ng Sin at nagkampo sa Dopka. 13 Umalis sila sa Dopka at nagkampo sa Alus. 14 Umalis sila sa Alus at nagkampo sa Repidim,+ kung saan walang mainom na tubig ang bayan. 15 Umalis sila sa Repidim at nagkampo sa ilang ng Sinai.+
16 Umalis sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa Kibrot-hataava.+ 17 Umalis sila sa Kibrot-hataava at nagkampo sa Hazerot.+ 18 Umalis sila sa Hazerot at nagkampo sa Ritma. 19 Umalis sila sa Ritma at nagkampo sa Rimon-perez. 20 Umalis sila sa Rimon-perez at nagkampo sa Libna. 21 Umalis sila sa Libna at nagkampo sa Risa. 22 Umalis sila sa Risa at nagkampo sa Kehelata. 23 Umalis sila sa Kehelata at nagkampo sa Bundok Seper.
24 Umalis sila sa Bundok Seper at nagkampo sa Harada. 25 Umalis sila sa Harada at nagkampo sa Makelot. 26 Umalis sila+ sa Makelot at nagkampo sa Tahat. 27 Umalis sila sa Tahat at nagkampo sa Tera. 28 Umalis sila sa Tera at nagkampo sa Mitka. 29 Umalis sila sa Mitka at nagkampo sa Hasmona. 30 Umalis sila sa Hasmona at nagkampo sa Moserot. 31 Umalis sila sa Moserot at nagkampo sa Bene-jaakan.+ 32 Umalis sila sa Bene-jaakan at nagkampo sa Hor-hagidgad. 33 Umalis sila sa Hor-hagidgad at nagkampo sa Jotbata.+ 34 Umalis sila sa Jotbata at nagkampo sa Abrona. 35 Umalis sila sa Abrona at nagkampo sa Ezion-geber.+ 36 Umalis sila sa Ezion-geber at nagkampo sa ilang ng Zin,+ na siyang Kades.
37 Umalis sila sa Kades at nagkampo sa Bundok Hor,+ sa hangganan papasók sa lupain ng Edom. 38 At sa utos ni Jehova, umakyat sa Bundok Hor si Aaron na saserdote at namatay roon noong unang araw ng ikalimang buwan ng ika-40 taon mula nang lumabas sa Ehipto ang mga Israelita.+ 39 Si Aaron ay 123 taóng gulang nang mamatay sa Bundok Hor.
40 At nabalitaan ng Canaanitang hari ng Arad,+ na nakatira sa Negeb sa lupain ng Canaan, na darating ang mga Israelita.
41 Pagkatapos, umalis sila sa Bundok Hor+ at nagkampo sa Zalmona. 42 Umalis sila sa Zalmona at nagkampo sa Punon. 43 Umalis sila sa Punon at nagkampo sa Obot.+ 44 Umalis sila sa Obot at nagkampo sa Iye-abarim, sa hangganan ng Moab.+ 45 Umalis sila sa Iyim at nagkampo sa Dibon-gad.+ 46 Umalis sila sa Dibon-gad at nagkampo sa Almon-diblataim. 47 Umalis sila sa Almon-diblataim at nagkampo sa mga bundok ng Abarim+ sa tapat ng Nebo.+ 48 Bilang panghuli, umalis sila sa mga bundok ng Abarim at nagkampo sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.+ 49 At nanatili silang nagkakampo sa tabi ng Jordan, mula sa Bet-jesimot hanggang sa Abel-sitim,+ sa mga tigang na kapatagan ng Moab.
50 Sinabi ni Jehova kay Moises sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico: 51 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Tatawirin ninyo ang Jordan papunta sa Canaan.+ 52 Dapat ninyong itaboy ang lahat ng nakatira sa lupain at sirain ang lahat ng batong rebulto nila+ at metal na estatuwa,+ at gibain ninyo ang lahat ng sagradong matataas na lugar nila.+ 53 At magiging pag-aari ninyo ang lupain at titira kayo roon, dahil talagang ibibigay ko sa inyo ang lupain bilang pag-aari.+ 54 Sa pamamagitan ng palabunutan,+ hati-hatiin ninyo ang lupaing mamanahin ng inyong mga pamilya. Dagdagan ninyo ang mana ng malalaking grupo at bawasan ang mana ng maliliit na grupo.+ Ang lupaing mamanahin ng bawat isa ay nakadepende sa palabunutan. Ang tatanggapin ninyong pag-aari ay mana mula sa tribo ng inyong mga ama.+
55 “‘Pero kung hindi ninyo itataboy ang mga nakatira sa lupain,+ ang mga ititira ninyo ay magiging gaya ng puwing sa inyong mga mata at tinik sa inyong mga tagiliran, at pahihirapan nila kayo sa lupain na titirhan ninyo.+ 56 At gagawin ko sa inyo kung ano ang balak kong gawin sa kanila.’”+
34 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita ang mga tagubiling ito: ‘Pagpasok ninyo sa Canaan,+ ito ang lupain na mamanahin ninyo, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan nito.+
3 “‘Ang hangganan ninyo sa timog ay mula sa ilang ng Zin sa tabi ng Edom, at ang silangang bahagi ng hangganan sa timog ay mula sa dulo ng Dagat Asin.*+ 4 Mag-iiba ng direksiyon ang hangganan ninyo; dadaan ito sa timog ng paakyat na daan ng Akrabim+ at magpapatuloy hanggang sa Zin, at ang dulo nito ay ang timog ng Kades-barnea.+ Dadaan ito sa Hazar-addar+ at magpapatuloy sa Azmon. 5 Mula sa Azmon, mag-iiba ng direksiyon ang hangganan papuntang Wadi* ng Ehipto, at ang dulo nito ay sa Dagat.*+
6 “‘Ang hangganan ninyo sa kanluran ay ang Malaking Dagat* at ang baybayin. Ito ang hangganan sa kanluran.+
7 “‘Ito ang hangganan ninyo sa hilaga: mula sa Malaking Dagat hanggang sa Bundok Hor. 8 Ang hangganan ay mula sa Bundok Hor papuntang Lebo-hamat,*+ at ang dulo ay sa Zedad.+ 9 Ang hangganan ay magpapatuloy sa Zipron, at ang dulo nito ay ang Hazar-enan.+ Ito ang hangganan sa hilaga.
10 “‘Ang hangganan ninyo sa silangan ay mula sa Hazar-enan hanggang sa Sepam. 11 Ang hangganan ay magpapatuloy mula sa Sepam hanggang sa Ribla sa silangan ng Ain, at ang hangganan ay bababa at tatawid ng silangang dalisdis ng Lawa ng Kineret.*+ 12 Ang hangganan ay magpapatuloy sa Jordan, at ang dulo nito ay ang Dagat Asin.+ Ito ang inyong lupain+ at ang mga hangganan nito.’”
13 Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita: “Ito ang mamanahin ninyong lupain na paghahati-hatian ninyo sa pamamagitan ng palabunutan,+ gaya ng iniutos ni Jehova na ibigay sa siyam at kalahating tribo, 14 dahil nakakuha na ng mana ang tribo ng mga Rubenita ayon sa kanilang angkan, ang tribo ng mga Gadita ayon sa kanilang angkan, at ang kalahati ng tribo ni Manases.+ 15 Kinuha na ng dalawa at kalahating tribo ang kanilang mana sa silangan ng rehiyon ng Jordan sa tabi ng Jerico, sa sikatan ng araw.”+
16 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 17 “Ito ang mga lalaki na maghahati-hati ng lupaing mamanahin ninyo: si Eleazar+ na saserdote at si Josue+ na anak ni Nun. 18 At kukuha kayo ng isang pinuno mula sa bawat tribo para maghati-hati ng lupaing mamanahin ninyo.+ 19 Ito ang mga pangalan ng mga lalaki: mula sa tribo ni Juda,+ si Caleb+ na anak ni Jepune; 20 mula sa tribo ng mga anak ni Simeon,+ si Semuel na anak ni Amihud; 21 mula sa tribo ni Benjamin,+ si Elidad na anak ni Kislon; 22 mula sa tribo ng mga anak ni Dan,+ ang anak ni Jogli na si Buki, isang pinuno; 23 mula sa mga anak ni Jose,+ mula sa tribo ng mga anak ni Manases,+ ang anak ni Epod na si Haniel, isang pinuno; 24 mula sa tribo ng mga anak ni Efraim,+ ang anak ni Siptan na si Kemuel, isang pinuno; 25 mula sa tribo ng mga anak ni Zebulon,+ ang anak ni Parnac na si Elisapan, isang pinuno; 26 mula sa tribo ng mga anak ni Isacar,+ ang anak ni Azan na si Paltiel, isang pinuno; 27 mula sa tribo ng mga anak ni Aser,+ ang anak ni Selomi na si Ahihud, isang pinuno; 28 mula sa tribo ng mga anak ni Neptali,+ ang anak ni Amihud na si Pedahel, isang pinuno.” 29 Ito ang mga inutusan ni Jehova na maghati-hati sa lupain ng Canaan para sa mga Israelita.+
35 Sinabi pa ni Jehova kay Moises sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan+ sa Jerico: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na bigyan ang mga Levita ng mga lunsod na titirhan mula sa mana nila,+ at dapat nilang ibigay sa mga Levita ang mga pastulan sa palibot ng mga lunsod.+ 3 Maninirahan ang mga ito sa mga lunsod, at ang mga pastulan ay para sa mga alagang hayop, mga pag-aari, at iba pang hayop ng mga ito. 4 Ang lawak ng mga pastulan ng mga lunsod na ibibigay ninyo sa mga Levita ay 1,000 siko* mula sa pader ng lunsod sa buong palibot nito. 5 Sa labas ng lunsod, susukat kayo ng 2,000 siko sa silangan, 2,000 siko sa timog, 2,000 siko sa kanluran, at 2,000 siko sa hilaga; nasa gitna ang lunsod. Ito ang mga pastulan ng kanilang mga lunsod.
6 “Magbibigay kayo sa mga Levita ng 6 na kanlungang lunsod,+ na puwedeng takbuhan ng isang nakapatay,+ at ng 42 iba pang lunsod. 7 Kaya ang ibibigay ninyo sa mga Levita ay 48 lunsod, kasama ang mga pastulan nito.+ 8 Ang mga lunsod na ibibigay ninyo ay mula sa pag-aari ng mga Israelita.+ Mas marami ang kukunin ninyo mula sa malaking grupo at mas kaunti mula sa maliit na grupo.+ Ang bawat grupo ay magbibigay ng mga lunsod sa mga Levita depende sa laki ng mana na natanggap nito.”
9 Sinabi rin ni Jehova kay Moises: 10 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Tatawirin ninyo ang Jordan papunta sa Canaan.+ 11 Dapat kayong pumili ng mga lunsod na madaling matakbuhan bilang mga kanlungang lunsod, kung saan dapat tumakbo ang isang nakapatay nang di-sinasadya.+ 12 Ang mga lunsod na ito ay magiging kanlungan ng isang nakapatay mula sa tagapaghiganti ng dugo,+ para hindi siya mapatay bago litisin sa harap ng kapulungan.+ 13 Kaya naman magbibigay kayo ng anim na kanlungang lunsod. 14 Magbibigay kayo ng tatlong lunsod sa panig na ito ng Jordan+ at tatlong lunsod sa Canaan+ para maging mga kanlungang lunsod. 15 Ang anim na lunsod na ito ay magiging kanlungan para sa mga Israelita, dayuhang naninirahang kasama ninyo,+ at iba pang naninirahan sa inyong lupain,* para doon tumakbo ang nakapatay nang di-sinasadya.+
16 “‘Pero kung sinaktan ng isa ang kapuwa niya gamit ang isang bagay na yari sa bakal at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.+ 17 At kung sinaktan niya ito gamit ang bato na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin. 18 At kung sinaktan niya ito gamit ang isang bagay na yari sa kahoy na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.
19 “‘Ang tagapaghiganti ng dugo ang papatay sa mamamatay-tao. Kapag nakita niya ito, papatayin niya ito. 20 Kung itulak ng isa ang kapuwa niya dahil sa poot o batuhin niya ito ng anuman dahil sa masamang motibo at mamatay ito,+ 21 o kung gamitin niya ang kamay niya para saktan ito dahil sa poot at mamatay ito, ang nanakit ay dapat patayin. Mamamatay-tao siya. Kapag nakita siya ng tagapaghiganti ng dugo, papatayin siya nito.
22 “‘Gayunman, kung hindi naman siya napopoot sa kapuwa niya pero di-sinasadyang naitulak niya ito o nabato ng anumang bagay nang wala naman siyang masamang motibo,+ 23 o kung hindi niya ito nakita kaya nabagsakan niya ito ng bato at namatay, pero hindi niya ito kaaway o hindi niya ito gustong saktan, 24 hahatol ang kapulungan sa pagitan ng nakasakit at ng tagapaghiganti ng dugo ayon sa nabanggit na mga batas.+ 25 Ang nakapatay ay ililigtas ng kapulungan mula sa tagapaghiganti ng dugo at ibabalik siya sa kanlungang lunsod kung saan siya tumakbo, at titira siya roon hanggang sa mamatay ang mataas na saserdote na pinahiran ng banal na langis.+
26 “‘Pero kung lumabas ang nakapatay sa hangganan ng kanlungang lunsod kung saan siya tumakbo 27 at nakita siya ng tagapaghiganti ng dugo sa labas ng hangganan ng kanlungang lunsod at patayin siya nito, wala itong pagkakasala sa dugo. 28 Dapat siyang tumira sa kanlungang lunsod hanggang sa mamatay ang mataas na saserdote. Pero pagkamatay ng mataas na saserdote, puwede nang bumalik ang nakapatay sa lupang pag-aari niya.+ 29 Ito ang mga batas na magiging batayan ninyo sa paghatol para sa lahat ng henerasyon ninyo, sa lahat ng lugar na titirhan ninyo.
30 “‘Kung nakapatay ang isang tao at may mga testigo, dapat siyang patayin dahil mamamatay-tao siya;+ pero kung iisa lang ang testigo, hindi siya dapat patayin. 31 Huwag kayong tatanggap ng pantubos para sa buhay ng isang mamamatay-tao na karapat-dapat mamatay; dapat siyang patayin.+ 32 At huwag kayong tatanggap ng pantubos para sa taong tumakbo sa kanlungang lunsod, dahil hindi siya puwedeng tumirang muli sa sarili niyang lupa bago mamatay ang mataas na saserdote.
33 “‘Huwag ninyong parurumihin ang lupaing tinitirhan ninyo, dahil naparurumi ng dugo ang lupain,+ at walang ibang pambayad-sala para sa dugo ng taong pinatay sa lupain maliban sa dugo ng taong pumatay rito.+ 34 Huwag mong parurumihin ang tinitirhan ninyong lupain, kung saan ako naninirahan; dahil akong si Jehova ay naninirahan sa gitna ng bayang Israel.’”+
36 Lumapit ang mga ulo ng angkan ng mga inapo ni Gilead na anak ni Makir+ na anak ni Manases na mula sa mga pamilya ng mga anak ni Jose, at kinausap nila si Moises at ang mga pinuno, ang mga ulo ng mga angkan ng mga Israelita. 2 Sinabi nila: “Iniutos ni Jehova sa panginoon ko na hati-hatiin ang lupain bilang mana ng mga Israelita sa pamamagitan ng palabunutan;+ at inutusan ni Jehova ang panginoon ko na ibigay ang mana ng kapatid naming si Zelopehad sa mga anak nitong babae.+ 3 Kung mag-asawa sila ng mula sa ibang tribo ng Israel, ang mana nila ay maaalis sa mana ng aming mga ama at madaragdag sa mana ng tribo ng mapapangasawa nila, kaya maaalis iyon mula sa mana na nakuha namin sa palabunutan. 4 At kapag dumating na ang taon ng Jubileo+ sa bayang Israel, ang mana nila ay madaragdag pa rin sa mana ng tribo ng napangasawa nila, kaya maaalis ang mana nila mula sa mana ng tribo ng aming mga ama.”
5 Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita ayon sa utos ni Jehova: “Tama ang tribo ng mga anak ni Jose. 6 Ito ang iniutos ni Jehova para sa mga anak na babae ni Zelopehad: ‘Puwede nilang mapangasawa ang sinumang gustuhin nila, pero dapat na mula ito sa isa sa mga pamilya ng tribo ng ama nila. 7 Hindi dapat magpalipat-lipat ng tribo ang mana ng mga Israelita, dahil ang mana nila ay dapat manatili sa tribo ng mga ninuno nila. 8 At kung ang isang anak na babae ay tumanggap ng mana mula sa isang tribo ng Israel, dapat na mula sa tribo ng ama niya ang maging asawa niya,+ para manatiling pag-aari ng mga Israelita ang mana ng mga ninuno nila. 9 Ang mana ay hindi dapat magpalipat-lipat ng tribo, dahil ang mana ng bawat tribo ng Israel ay dapat manatili sa kanila.’”
10 Ginawa ng mga anak na babae ni Zelopehad ang iniutos ni Jehova kay Moises.+ 11 Kaya ang mga anak na babae ni Zelopehad na sina Maala, Tirza, Hogla, Milca, at Noa+ ay naging asawa ng mga anak ng mga kapatid na lalaki ng ama nila. 12 Nag-asawa sila ng mula sa mga pamilya ni Manases na anak ni Jose para manatili ang mana nila sa tribo ng pamilya ng ama nila.
13 Ito ang mga utos at hudisyal na pasiya na ibinigay ni Jehova sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.+
O “angkan ng ama.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “estrangherong,” o hindi Levita.
Lit., “hukbo.”
O “magbantay; magsagawa ng paglilingkod.”
O “palatandaan.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “henerasyon.”
Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Lit., “pinuno ang kamay.”
Lit., “apoy.”
Lit., “ang estrangherong,” o isang taong hindi kapamilya ni Aaron.
Lit., “bawat panganay na nagbubukas ng sinapupunan.”
O “kurtina.”
O “kurtina.”
O “kurtina.”
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
Lit., “Ang estrangherong,” o hindi Levita.
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “ayon sa banal na siklo.”
Ang isang gerah ay 0.57 g. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “bibig.”
Hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
Mahabang kahoy.
O “pamatay-apoy.”
Lit., “apoy.”
Abo na nahaluan ng nagmantikang taba ng mga handog.
Lit., “apoy.”
Lit., “pasan.”
O “kurtina.”
O “kurtina.”
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “nagtatabernakulo.”
Lit., “nilang.”
Lit., “nila.”
20 porsiyento.
Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.
O “tinuyot.” Posibleng nangangahulugan na hindi na siya puwedeng magkaanak.
Malamang na tumutukoy sa mga bahagi ng katawan na may kaugnayan sa pag-aanak.
O “matuyot.” Posibleng nangangahulugan na hindi na siya puwedeng magkaanak.
Malamang na tumutukoy sa mga bahagi ng katawan na may kaugnayan sa pag-aanak.
O “Mangyari nawa! Mangyari nawa!”
O “kirot.”
Tingnan sa Glosari.
O “kirot.”
O “matutuyot.” Posibleng nangangahulugan na hindi na siya puwedeng magkaanak.
Malamang na tumutukoy sa mga bahagi ng katawan na may kaugnayan sa pag-aanak.
Sa Hebreo, na·zirʹ, na ang ibig sabihin ay “Isa na Pinili; Isa na Nakaalay; Isa na Nakabukod.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “nadungisan ang ulo ng kaniyang pagiging Nazareo.”
Lit., “ulo,” malamang na tumutukoy sa muling pagpapahaba niya ng buhok.
O “batang tupa.”
O “ulo ng kaniyang pagiging Nazareo.”
O “balikat.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “lalaking baka.”
O “ialay.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “ayon sa banal na siklo.”
O “maliit na mangkok.”
O “batang tupa.”
Lit., “kaniya.”
O “lalaking baka.”
O “igagalaw,” ibig sabihin, pagagalawin nang pabalik-balik.
Tingnan sa Glosari.
O “igagalaw,” ibig sabihin, pagagalawin nang pabalik-balik.
Tingnan sa Glosari.
O “igalaw,” ibig sabihin, pagalawin nang pabalik-balik.
Tingnan sa Glosari.
O “panganay na nagbubukas ng sinapupunan.”
O “iginalaw,” ibig sabihin, pinagalaw nang pabalik-balik.
Tingnan sa Glosari.
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
O “maniniil.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Si Jetro.
Lit., “at ikaw ang magiging mata namin.”
O “laksa-laksa.”
Ibig sabihin, “Nag-aapoy,” o liyab; lagablab.
Isang halaman na may mamuti-muting buto.
O “gilingang pangkamay.”
O “Buhatin mo sila sa iyong dibdib.”
O “yayang lalaki.”
O “isinumpa.”
O “mga alam mong kuwalipikado.”
Lit., “600,000 naglalakad,” o mga lalaking mandirigma.
O “humula sila.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang homer ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “nasa pagitan pa lang ng mga ngipin nila.”
Ibig sabihin, “Mga Libingan ng mga Naghahangad.”
O “ay napakamapagpakumbaba (napakahinahon), higit sa sinumang tao.”
Lit., “Sa aking buong sambahayan, kitang-kita na tapat siya.”
Lit., “nang bibig sa bibig.”
O “magmanman.”
O “Jehosua,” ibig sabihin, “Si Jehova ay Kaligtasan.”
Lit., “payat.”
O “pasukan ng Hamat.”
O “Wadi.”
Mahabang kahoy.
Tingnan sa Glosari.
O “Wadi.”
Ibig sabihin, “Kumpol ng Ubas.”
O “nakukutaang.”
O “na mga inapo ng.”
Lit., “dahil tinapay lang sila sa atin.”
O “dakila.”
Lit., “parang iisang tao.”
O “sa maibiging-kabaitan.”
Lit., “espiritu.”
O “mababang kapatagan.”
O “Babagsak sa ilang ang mga bangkay ninyo.”
Lit., “ipinagtaas ko ng kamay ko.”
O “babagsak sa ilang na ito ang mga bangkay ninyo.”
Lit., “inyong prostitusyon.”
O “ng pagiging kaaway ko.”
Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang hin ay 3.67 L. Tingnan ang Ap. B14.
O “batang tupa.”
O “lalaking baka.”
O “pagkain.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
Lit., “kapulungan.”
O “aakay sa inyo sa espirituwal na prostitusyon.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Lit., “Dudukitin mo ba ang mga mata ng mga lalaking iyon?”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “hindi ko ito kagustuhan.”
Lit., “bumuka ang bibig ng.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
O “lalaking nagkasala sa sarili nila.”
Lit., “apoy.”
Lit., “estrangherong.”
Lit., “ang kapulungan.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
Lit., “apoy.”
O “mga anak ng paghihimagsik.”
Lit., “estrangherong,” o hindi kapamilya ni Aaron.
Lit., “ang estrangherong,” o hindi kapamilya ni Aaron.
Tingnan sa Glosari.
Tumutukoy sa lahat ng bagay na pinabanal para sa Diyos; ang mga ito ay inialay sa Diyos at hindi na mababawi o matutubos pa.
Lit., “lahat ng laman.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “ayon sa banal na siklo.”
Ang isang gerah ay 0.57 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “lalaking baka.”
O “batang tupa.”
Tingnan sa Glosari.
Isang permanente at di-nagbabagong tipan.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “patayin.”
O “Lahat ng bukás na lalagyan na walang takip na isinara ng isang panali.”
O “pababanalin.”
O “aalisin sa kongregasyon.”
Tingnan sa Glosari.
Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
Lit., “araw.”
O “makiraan nang naglalakad.”
Lit., “kamay.”
Lit., “ay matitipon sa bayan niya.” Makatang pananalita para sa kamatayan.
Lit., “at matitipon at mamamatay roon.”
Lit., “itatalaga ko sa pagkapuksa.”
Lit., “itinalaga sa pagkapuksa.”
Ibig sabihin, “Pagtatalaga sa Pagkapuksa.”
O “nasusuklam.”
O “malaapoy.”
O “malaapoy.”
O “Wadi.”
O “wadi.”
O “Umawit.”
O posibleng “disyerto; ilang.”
O “sa lahat ng nayong nakadepende rito.”
Si Kemos, o posible ring tumukoy sa Moab.
Lit., “kongregasyong.”
Malamang na Eufrates.
O “panghuhula.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “na nagsisisi.”
Lit., “niyang.”
O posibleng “disyerto; ilang.”
O “wadi.”
Sa Ingles, leather.
O “supling.”
O “sa wakas ng mga araw.”
Lit., “titindig.”
O “mga sentido.”
O “gumawa ng seksuwal na imoralidad.”
O “habang maliwanag.”
O “dahil hindi ako pumapayag na magkaroon ng kahati.”
O “lipi.”
O “ayon sa bilang ng nakalistang pangalan.”
Lit., “apoy.”
Lit., “matitipon ka sa bayan mo.” Makatang pananalita para sa kamatayan.
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “may espiritu.”
O “karangalan.”
O “batang tupa.”
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang hin ay 3.67 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Lit., “ng inyong mga buwan.”
O “lalaking baka.”
Lit., “tinapay.”
O “lalaking baka.”
O “batang tupa.”
Puwede itong mangahulugan ng iba’t ibang anyo ng pagkakait sa sarili, kasama na ang pag-aayuno.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “matitipon ka sa bayan mo.” Makatang pananalita para sa kamatayan.
O “para sa hukbo laban sa.”
O “para sa hukbo.”
O “napapaderang kampo.”
O “pabanalin.”
Lit., “mga grupo na tig-iisang libo.”
Maliit na kadena na nagdurugtong sa mga pulseras sa magkabilang paa.
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “Wadi.”
O “nakukutaang.”
O “Muling itinayo.”
O “ang mga kampo.”
Ibig sabihin, “Mga Nakatoldang Nayon ni Jair.”
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “ay umalis nang nakataas ang kamay.”
O “na nasa hangganan ng ilang.”
Dagat na Patay.
Tingnan sa Glosari.
Malaking Dagat, ang Mediteraneo.
Dagat Mediteraneo.
O “pasukan ng Hamat.”
Lawa ng Genesaret, o Lawa ng Galilea.
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “at mga nakikipamayan.”