EXODO
1 Ito ang mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto kasama niya, bawat anak na lalaki ni Jacob kasama ang kani-kaniyang sambahayan:+ 2 sina Ruben, Simeon, Levi, at Juda;+ 3 Isacar, Zebulon, at Benjamin; 4 Dan at Neptali; at Gad at Aser.+ 5 Ang lahat ng nagmula kay Jacob* ay 70, pero si Jose ay nasa Ehipto na noon.+ 6 Nang maglaon ay namatay si Jose,+ pati na ang lahat ng kapatid niya at ang buong henerasyong iyon. 7 At ang mga Israelita ay naging palaanakin at dumami nang husto, at tuloy-tuloy ang napakabilis na pagdami nila at paglakas, kaya napuno nila ang lupain.+
8 Nang maglaon, nagkaroon sa Ehipto ng isang bagong hari na hindi nakakakilala kay Jose. 9 Kaya sinabi niya sa bayan niya: “Tingnan ninyo! Mas marami at mas malakas kaysa sa atin ang bayang Israel.+ 10 Kailangan nating kumilos. Kung hindi, lalo silang darami, at kapag nagkaroon ng digmaan, kakampi sila sa mga kaaway natin, lalaban sa atin, at aalis sa lupain.”
11 Kaya nag-atas sila ng mga pinuno sa puwersahang pagtatrabaho* para pahirapan ang mga ito,+ at itinayo ng mga ito para sa Paraon ang Pitom at Raamses,+ na mga imbakang lunsod. 12 Pero habang lalo nilang pinahihirapan ang mga ito, lalo pang dumarami at nangangalat ang mga ito, kaya natakot sila nang husto dahil sa mga Israelita.+ 13 Dahil dito, walang awang inalipin ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita.+ 14 At patuloy nilang pinahirapan ang mga ito; pinagagawa nila ang mga ito ng luwad na argamasa* at mga laryo* at ng iba’t ibang mabibigat na trabaho sa bukid. Oo, pinagmalupitan nila ang mga ito at ipinagawa sa mga ito ang lahat ng trabaho ng isang alipin.+
15 Nang maglaon, kinausap ng hari ng Ehipto ang mga komadronang Hebreo na sina Sipra at Pua, 16 at sinabi niya: “Kapag tinulungan ninyong manganak+ ang mga babaeng Hebreo at nakita ninyong nakapuwesto na sila para manganak,* patayin ninyo ang sanggol kung ito ay lalaki; pero panatilihin ninyo itong buháy kung ito ay babae.” 17 Pero may takot sa tunay na Diyos ang mga komadrona, at hindi nila ginawa ang sinabi sa kanila ng hari ng Ehipto. Sa halip, pinanatili nilang buháy ang mga sanggol na lalaki.+ 18 Nang maglaon, ipinatawag ng hari ng Ehipto ang mga komadrona at sinabi: “Bakit ninyo pinanatiling buháy ang mga sanggol na lalaki?” 19 Sinabi ng mga komadrona sa Paraon: “Iba ang mga babaeng Hebreo sa mga babaeng Ehipsiyo. Malalakas sila at nakapanganak na bago pa dumating ang komadrona.”
20 Kaya pinagpala ng Diyos ang mga komadrona, at ang bayan ay patuloy pang dumami at lumakas nang husto. 21 At dahil natakot sa tunay na Diyos ang mga komadrona, nang maglaon ay binigyan niya sila ng sariling pamilya. 22 Nang bandang huli, iniutos ng Paraon sa buong bayan niya: “Itapon ninyo sa Ilog Nilo ang bawat sanggol na lalaking isisilang ng mga Hebreo, pero panatilihin ninyong buháy ang mga babae.”+
2 Nang mga panahong iyon, isang lalaki sa sambahayan ni Levi ang nag-asawa ng isang anak na babae ni Levi.+ 2 Nagdalang-tao ang babae at nanganak ng isang lalaki. Nang makita niyang napakaganda ng sanggol, itinago niya ito sa loob ng tatlong buwan.+ 3 Nang hindi na niya ito maitago,+ kumuha siya ng isang basket* na papiro, pinahiran iyon ng bitumen at alkitran,* inilagay roon ang sanggol, at ipinuwesto iyon sa gitna ng mga tambo sa may pampang ng Ilog Nilo. 4 Pero tumayo sa di-kalayuan ang kapatid nitong babae+ para makita kung ano ang mangyayari sa sanggol.
5 Pumunta sa Nilo ang anak na babae ng Paraon para maligo, at naglalakad sa tabi ng Nilo ang mga tagapaglingkod niyang babae. At nakita niya ang basket sa gitna ng mga tambo. Agad niyang ipinakuha iyon sa alipin niyang babae.+ 6 Nang buksan niya iyon, nakita niya ang sanggol na lalaki, at umiiyak ito. Naawa siya rito, pero sinabi niya: “Isa ito sa mga anak ng mga Hebreo.” 7 Pagkatapos, sinabi ng kapatid nitong babae sa anak ng Paraon: “Gusto po ba ninyong maghanap ako ng babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa sanggol para sa inyo?” 8 Sinabi sa kaniya ng anak ng Paraon: “Sige!” Agad na umalis ang batang babae at tinawag ang ina ng sanggol.+ 9 At sinabi rito ng anak ng Paraon: “Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya* para sa akin at babayaran kita.” Kaya kinuha ng babae ang sanggol at inalagaan ito.* 10 Nang lumaki na ang bata, dinala ito ng babae sa anak ng Paraon, at naging anak niya ito.+ Pinangalanan niya itong Moises* at sinabi: “Dahil hinango ko siya sa tubig.”+
11 Nang mga panahong iyon, nang maging adulto na si Moises,* lumabas siya para malaman kung gaano kabigat ang trabahong ipinagagawa sa mga kapatid niyang Hebreo,+ at nakita niya ang isang Ehipsiyo na sinasaktan ang isa sa mga ito. 12 Kaya tumingin siya sa paligid, at nang makita niyang walang tao, pinatay niya ang Ehipsiyo at ibinaon sa buhanginan.+
13 Pero kinabukasan, lumabas ulit siya at nakita ang dalawang lalaking Hebreo na nag-aaway. Kaya sinabi niya sa may kasalanan: “Bakit mo sinasaktan ang kasama mo?”+ 14 Sumagot ito: “Sino ang nag-atas sa iyo na maging prinsipe at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako gaya ng ginawa mo sa Ehipsiyo?”+ Kaya natakot si Moises at nagsabi: “Alam na nila!”
15 Nabalitaan ito ng Paraon, at tinangka niyang patayin si Moises; pero tumakas si Moises sa Paraon at pumunta sa Midian.+ Umupo siya doon sa tabi ng isang balon. 16 Ang saserdote ng Midian+ ay may pitong anak na babae, at dumating sila para sumalok ng tubig at punuin ang painuman para sa kawan ng ama nila. 17 Pero gaya ng dati, dumating ang mga pastol at itinaboy sila. Kaya tumayo si Moises at tinulungan* ang mga babae at pinainom ang kawan nila. 18 Pag-uwi nila, sinabi ng ama nilang si Reuel:*+ “Bakit maaga kayong nakauwi ngayon?” 19 Sumagot sila: “Ipinagtanggol kami ng isang Ehipsiyo+ laban sa mga pastol, at ipinagsalok pa niya kami ng tubig at pinainom ang kawan.” 20 Sinabi niya sa mga anak niya: “Nasaan na siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya para makakain siya kasama natin.” 21 Pagkatapos nito, pumayag si Moises na manirahang kasama niya, at ibinigay niya kay Moises bilang asawa ang anak niyang si Zipora.+ 22 Nang maglaon, nanganak ang asawa ni Moises ng isang lalaki na pinangalanan niyang Gersom,*+ dahil sinabi niya, “Tumira ako sa isang banyagang lupain.”+
23 Makalipas ang mahabang panahon,* namatay ang hari ng Ehipto,+ pero ang mga Israelita ay patuloy na dumaraing at nagrereklamo dahil sa pagkaalipin, at ang paghingi nila ng tulong ay laging nakakarating sa tunay na Diyos.+ 24 Nang maglaon, dininig ng Diyos ang pagdaing nila,+ at inalaala ng Diyos ang kaniyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob.+ 25 Kaya binigyang-pansin ng Diyos ang mga Israelita at nakita ang paghihirap nila.
3 Si Moises ay naging pastol ng kawan ng biyenan niyang si Jetro,+ na saserdote ng Midian. Habang inaakay niya ang kawan sa bandang kanluran ng ilang, nakarating siya sa bundok ng tunay na Diyos, sa Horeb.+ 2 Pagkatapos, nagpakita sa kaniya ang anghel ni Jehova bilang isang nagliliyab na apoy sa gitna ng matinik na halaman.*+ Habang tinitingnan niya ito, napansin niyang nagliliyab ang matinik na halaman pero hindi natutupok. 3 Kaya sinabi ni Moises: “Kakaiba ito! Bakit hindi natutupok ang matinik na halaman? Lalapitan ko nga ito.” 4 Nang makita ni Jehova na lumapit siya rito, tinawag siya ng Diyos mula sa matinik na halaman: “Moises! Moises!” Sumagot siya: “Narito ako.” 5 At sinabi ng Diyos: “Hanggang diyan ka na lang. Hubarin mo ang sandalyas mo, dahil banal ang lupang kinatatayuan mo.”
6 Sinabi pa niya: “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham,+ ang Diyos ni Isaac,+ at ang Diyos ni Jacob.”+ At tinakpan ni Moises ang mukha niya, dahil natatakot siyang tumingin sa tunay na Diyos. 7 Idinagdag ni Jehova: “Nakita ko ang paghihirap ng bayan ko na nasa Ehipto, at narinig ko ang pagdaing nila dahil sa mga nagpapatrabaho sa kanila nang puwersahan; alam na alam ko ang hirap na dinaranas nila.+ 8 Bababa ako para iligtas sila mula sa kamay ng mga Ehipsiyo+ at para ilabas sila sa lupaing iyon at dalhin sa isang lupaing mataba at maluwang, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ ang teritoryo ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita, Perizita, Hivita, at Jebusita.+ 9 Oo, nakarating sa akin ang pagdaing ng bayang Israel, at nakita ko rin kung paano sila pinagmamalupitan ng mga Ehipsiyo.+ 10 Kaya ngayon ay isusugo kita sa Paraon, at ilalabas mo sa Ehipto ang bayan kong Israel.”+
11 Pero sinabi ni Moises sa tunay na Diyos: “Sino ako para pumunta sa Paraon at ilabas sa Ehipto ang mga Israelita?” 12 Sinabi niya: “Ako ay sasaiyo,+ at ito ang magiging tanda para sa iyo na ako nga ang nagsugo sa iyo: Pagkatapos mong mailabas ang bayan sa Ehipto, maglilingkod* kayo sa tunay na Diyos sa bundok na ito.”+
13 Pero sinabi ni Moises sa tunay na Diyos: “Kung puntahan ko ang mga Israelita at sabihin kong ‘Isinugo ako sa inyo ng Diyos ng inyong mga ninuno,’ at sabihin nila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’+ ano ang isasagot ko sa kanila?” 14 Sinabi ng Diyos kay Moises: “Ako ay Magiging Anuman na Piliin* Ko.”*+ Idinagdag pa niya: “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita, ‘Isinugo ako sa inyo ni Ako ay Magiging.’”+ 15 At muling sinabi ng Diyos kay Moises:
“Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita, ‘Isinugo ako sa inyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham,+ ang Diyos ni Isaac,+ at ang Diyos ni Jacob.’+ Ito ang pangalan ko magpakailanman,+ at dapat itong tandaan ng lahat ng henerasyon. 16 Kaya kumilos ka, tipunin mo ang matatandang lalaki ng Israel, at sabihin mo sa kanila, ‘Nagpakita sa akin si Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob, at sinabi niya: “Binigyang-pansin ko kayo+ at ang ginagawa sa inyo sa Ehipto. 17 Kaya nagpasiya akong iligtas kayo mula sa pagpapahirap+ ng mga Ehipsiyo at dalhin sa lupain ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita,+ Perizita, Hivita, at Jebusita,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.”’+
18 “Tiyak na makikinig sila sa tinig mo,+ at ikaw at ang matatandang lalaki ng Israel ay pupunta sa hari ng Ehipto, at sasabihin ninyo sa kaniya: ‘Nakipag-usap sa amin si Jehova na Diyos ng mga Hebreo.+ Kaya pakisuyo, payagan mo kaming maglakbay sa ilang nang tatlong araw para makapaghain kami sa Diyos naming si Jehova.’+ 19 Pero alam kong hindi talaga kayo papayagang umalis ng hari ng Ehipto malibang mapilitan siya dahil sa makapangyarihan kong kamay.+ 20 Kaya iuunat ko ang kamay ko at paparusahan ang Ehipto sa pamamagitan ng lahat ng himala* na gagawin ko rito, at pagkatapos ay paaalisin na niya kayo.+ 21 At ang bayang ito ay magiging kalugod-lugod sa paningin ng mga Ehipsiyo dahil sa akin, at kapag umalis kayo, tiyak na hindi kayo aalis nang walang dala.+ 22 Bawat babae ay hihingi sa kapitbahay niya at sa babaeng nakatira sa kaniyang bahay ng mga alahas na pilak at ginto at mga damit, at isusuot ninyo iyon sa inyong mga anak na lalaki at babae; at kukunin ninyo ang kayamanan ng mga Ehipsiyo.”+
4 Pero sumagot si Moises: “Paano kung hindi sila maniwala at makinig sa akin,+ at sabihin nilang ‘Hindi nagpakita sa iyo si Jehova’?” 2 Sinabi ni Jehova: “Ano ang nasa kamay mo?” Sumagot siya: “Tungkod.” 3 Sinabi ng Diyos: “Ihagis mo iyan sa lupa.” Kaya inihagis niya ito sa lupa at naging ahas ito;+ at napaurong si Moises. 4 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo at hawakan mo iyon sa buntot.” Kaya iniunat niya ang kamay niya at hinawakan iyon, at naging tungkod ulit iyon. 5 At sinabi ng Diyos: “Gawin mo ito para maniwala sila na nagpakita sa iyo si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.”+
6 Sinabi pa ni Jehova: “Pakisuyo, ipasok mo ang kamay mo sa tupi sa bandang itaas ng damit mo.” Kaya ipinasok niya ang kamay niya sa tupi ng damit niya. Nang ilabas niya iyon, nagkaketong iyon na kasimputi ng niyebe!+ 7 Sinabi Niya: “Ipasok mo ulit ang kamay mo sa tupi sa bandang itaas ng damit mo.” Kaya ipinasok niya ulit ang kaniyang kamay sa damit niya. Nang ilabas niya iyon, bumalik ito sa dati! 8 Sinabi Niya: “Kung hindi sila maniwala sa iyo o magbigay-pansin sa unang tanda, tiyak na maniniwala sila sa pangalawang tanda.+ 9 Pero kung hindi pa rin sila maniwala sa dalawang tandang ito at ayaw pa rin nilang makinig sa tinig mo, kumuha ka ng tubig sa Ilog Nilo at ibuhos mo iyon sa tuyong lupa, at ang tubig na kinuha mo sa Nilo ay magiging dugo sa tuyong lupa.”+
10 Sinabi ngayon ni Moises kay Jehova: “Ipagpaumanhin mo, Jehova, pero hindi talaga ako magaling magsalita, mula noon at kahit pagkatapos mong kausapin ang iyong lingkod, dahil mabagal akong magsalita at pilipit ang dila ko.”+ 11 Sinabi ni Jehova: “Sino ang gumawa ng bibig para sa mga tao, o sino ang may kakayahang gawin silang pipi, bingi, malinaw ang paningin, o bulag? Hindi ba akong si Jehova? 12 Kaya kumilos ka na, at ako ay sasaiyo habang nagsasalita ka,* at ituturo ko sa iyo ang dapat mong sabihin.”+ 13 Pero sinabi niya: “Pagpaumanhinan mo ako, Jehova. Pakisuyo, pumili ka ng iba na gusto mong isugo.” 14 Kaya galit na galit si Jehova kay Moises, at sinabi Niya: “Hindi ba kapatid mo si Aaron+ na Levita? Alam kong napakahusay niyang magsalita. At paparating na siya para makita ka. Kapag nakita ka niya, tiyak na magsasaya siya.*+ 15 Kausapin mo siya at sabihin mo sa kaniya ang mga sinabi ko,+ at ako ay sasainyo habang nagsasalita kayo,+ at ituturo ko sa inyo ang dapat ninyong gawin. 16 Siya ang makikipag-usap sa bayan para sa iyo, at siya ang magiging tagapagsalita mo, at ikaw ay magiging parang Diyos* sa kaniya.+ 17 At hahawakan mo ang tungkod na ito at gagawin mo ang mga tanda sa pamamagitan nito.”+
18 Kaya umuwi si Moises at nagpaalam sa biyenan niyang si Jetro:+ “Pakisuyo, payagan mo akong umalis para mabalikan ko ang mga kapatid ko sa Ehipto at makita ko kung buháy pa sila.” Sinabi ni Jetro kay Moises: “Sige, mag-ingat ka.”* 19 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises sa Midian: “Bumalik ka na sa Ehipto, dahil patay na ang lahat ng taong gustong pumatay sa iyo.”*+
20 Kaya isinakay ni Moises sa asno ang kaniyang asawa at mga anak at naglakbay pabalik sa Ehipto. Hawak ni Moises ang tungkod ng tunay na Diyos. 21 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Binigyan kita ng kapangyarihang gawin ang mga himala. Kaya pagdating mo sa Ehipto, tiyakin mong maipakita sa Paraon ang lahat ng iyon.+ Pero hahayaan kong magmatigas ang puso niya,+ at hindi niya papayagang umalis ang bayan.+ 22 At sasabihin mo sa Paraon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang Israel ay anak ko, ang aking panganay.+ 23 Sinasabi ko sa iyo, Payagan mong umalis ang anak ko para makapaglingkod siya sa akin. Pero kung hindi mo siya papayagang umalis, papatayin ko ang anak mo, ang iyong panganay.”’”+
24 Nang huminto sila sa isang lugar para magpahinga sa paglalakbay, sinalubong siya ni Jehova+ at naghanap ng paraan para patayin siya.*+ 25 Kaya kumuha si Zipora+ ng matalas na bato,* tinuli ang anak niya, idinikit sa mga paa nito ang dulong-balat, at sinabi: “Dahil ikaw ay isang kasintahang lalaki ng dugo sa akin.” 26 Kaya hinayaan na Niya ito. Sinabi niya nang pagkakataong iyon, “isang kasintahang lalaki ng dugo,” dahil sa pagtutuli.
27 At sinabi ni Jehova kay Aaron: “Pumunta ka sa ilang para salubungin si Moises.”+ Kaya pumunta siya roon, at sinalubong niya ito sa bundok ng tunay na Diyos+ at hinalikan ito. 28 At sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng sinabi ni Jehova, na nagsugo sa kaniya,+ at ang lahat ng tanda na iniutos Niyang gawin niya.+ 29 Pagkatapos, umalis sina Moises at Aaron at tinipon ang lahat ng matatandang lalaki ng mga Israelita.+ 30 Sinabi sa kanila ni Aaron ang lahat ng sinabi ni Jehova kay Moises, at ginawa niya ang mga tanda+ sa harap ng bayan. 31 Kaya naniwala ang bayan.+ Nang marinig nila na binigyang-pansin ni Jehova ang mga Israelita+ at na nakita niya ang paghihirap nila,+ yumuko sila at sumubsob.
5 Pagkatapos, humarap sa Paraon sina Moises at Aaron at sinabi nila: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Payagan mong umalis ang bayan ko para makapagdiwang sila ng isang kapistahan para sa akin sa ilang.’” 2 Pero sinabi ng Paraon: “Sino si Jehova+ para sundin ko ang tinig niya at payagang umalis ang Israel?+ Hindi ko kilala si Jehova, at isa pa, hindi ko papayagang umalis ang Israel.”+ 3 Pero sinabi nila: “Nakipag-usap sa amin ang Diyos ng mga Hebreo. Pakiusap, payagan mo kaming maglakbay sa ilang nang tatlong araw at maghain sa Diyos naming si Jehova;+ kung hindi, bibigyan niya kami ng sakit o papatayin gamit ang espada.” 4 Sumagot ang hari ng Ehipto: “Moises at Aaron, bakit ba pinatitigil ninyo ang bayan sa trabaho nila? Bumalik kayo sa trabaho* ninyo!”+ 5 Idinagdag pa ng Paraon: “Tingnan ninyo kung gaano karami ang tao sa lupain. Gusto ba ninyong pagpahingahin silang lahat sa trabaho?”
6 Nang araw ding iyon, inutusan ng Paraon ang mga pinuno* at mga katulong* nila: 7 “Huwag na ninyong bigyan ng dayami ang bayan sa paggawa nila ng mga laryo.+ Hayaan ninyong sila ang maghanap at magtipon ng dayami. 8 Pero huwag ninyong baguhin ang dami ng laryo na kailangan nilang gawin. Huwag ninyong bawasan iyon dahil mga tamad sila. Kaya sinasabi nila, ‘Gusto naming umalis, gusto naming maghain sa Diyos namin!’ 9 Bigyan ninyo sila ng mas maraming trabaho para magtrabaho sila imbes na makinig sa mga kasinungalingan.”
10 Kaya pinuntahan ng mga pinuno+ at ng mga katulong nila ang bayan at sinabi: “Ito ang sinabi ng Paraon, ‘Hindi ko na kayo bibigyan ng dayami. 11 Kayo na ang bahalang maghanap at manguha ng dayami ninyo, pero hindi babawasan ang trabaho ninyo.’” 12 Kaya ang bayan ay nangalat sa buong lupain ng Ehipto para magtipon ng dayami.* 13 At laging sinasabi sa kanila ng mga pinuno: “Dapat tapusin ng bawat isa sa inyo ang trabaho niya araw-araw, gaya noong binibigyan pa kayo ng dayami.” 14 At pinagbubugbog ang mga katulong na Israelita, na inatasan ng mga pinuno ng Paraon na mangasiwa sa kanila.+ Nagtanong ang mga pinuno: “Bakit hindi ninyo nagawa ngayon ang dami ng laryo na kailangan ninyong matapos, gaya rin ng nangyari kahapon?”
15 Kaya ang mga katulong na Israelita ay nagpunta sa Paraon at nagreklamo: “Bakit mo tinatrato nang ganito ang mga lingkod mo? 16 Hindi binibigyan ng dayami ang mga lingkod mo, pero sinasabi nila sa amin, ‘Gumawa kayo ng mga laryo!’ Binubugbog ang mga lingkod mo, pero ang sarili mong bayan ang may kasalanan.” 17 Pero sinabi niya: “Mga tamad kayo, mga tamad kayo!+ Kaya sinasabi ninyo, ‘Gusto naming umalis, gusto naming maghain kay Jehova.’+ 18 Bumalik kayo sa trabaho ninyo! Hindi kayo bibigyan ng dayami, pero ganoon pa rin karami ang kailangan ninyong gawing laryo.”
19 Kaya nakita ng mga katulong na Israelita na malaki ang problema nila dahil sa utos na ito: “Huwag ninyong bawasan ang dami ng laryo na kailangang gawin araw-araw.” 20 Pagkatapos nito, lumapit sila kina Moises at Aaron, na nakatayo para salubungin sila pagkaalis nila sa harap ng Paraon. 21 Sinabi nila agad sa mga ito: “Makita sana ni Jehova ang ginawa ninyo at hatulan kayo; dahil sa inyo, namuhi sa amin ang Paraon at ang mga lingkod niya,* at naglagay kayo ng espada sa kamay nila para patayin kami.”+ 22 Kaya sinabi ni Moises kay Jehova: “Jehova, bakit mo pinahirapan ang bayang ito? Bakit mo ako isinugo? 23 Mula nang pumunta ako sa Paraon bilang kinatawan mo,*+ mas sumamâ ang trato niya sa bayang ito,+ at wala kang ginawang anuman para iligtas ang bayan mo.”+
6 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Paraon.+ Dahil sa makapangyarihan kong kamay, mapipilitan siyang paalisin sila, at dahil sa makapangyarihan kong kamay, mapipilitan siyang itaboy sila mula sa lupain niya.”+
2 Sinabi pa ng Diyos kay Moises: “Ako si Jehova. 3 At nagpakita ako noon kina Abraham, Isaac, at Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat,+ pero may kinalaman sa pangalan kong Jehova+ ay hindi ko lubusang ipinakilala ang sarili ko.+ 4 Nakipagtipan din ako sa kanila na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain kung saan sila tumira bilang mga dayuhan.+ 5 Narinig ko ngayon ang pagdaing ng bayang Israel, na inaalipin ng mga Ehipsiyo, at hindi ko nakakalimutan ang aking tipan.+
6 “Kaya sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Jehova, at palalayain ko kayo mula sa puwersahang pagpapatrabaho ng mga Ehipsiyo at ililigtas ko kayo mula sa pang-aalipin nila,+ at babawiin ko kayo sa pamamagitan ng makapangyarihang* bisig at mabibigat na hatol.+ 7 Ituturing ko kayo bilang aking bayan, at ako ang magiging Diyos ninyo,+ at tiyak na malalaman ninyo na ako ang Diyos ninyong si Jehova na nagpapalaya sa inyo mula sa puwersahang pagpapatrabaho ng Ehipto. 8 Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako ko* kina Abraham, Isaac, at Jacob; at ibibigay ko iyon sa inyo bilang pag-aari.+ Ako si Jehova.’”+
9 At sinabi ni Moises ang mensaheng ito sa mga Israelita, pero hindi sila nakinig kay Moises dahil sa panghihina ng loob at malupit na pang-aalipin sa kanila.+
10 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: 11 “Pumunta ka sa Paraon, na hari ng Ehipto, at sabihin mo na dapat niyang payagan ang mga Israelita na umalis sa lupain niya.” 12 Pero sumagot si Moises kay Jehova: “Hindi nakinig sa akin ang mga Israelita;+ paano makikinig sa akin ang Paraon, gayong hindi ako mahusay magsalita?”*+ 13 Pero sinabi ulit ni Jehova kina Moises at Aaron ang mga utos na dapat nilang sabihin sa mga Israelita at sa Paraon, na hari ng Ehipto, para mailabas ang mga Israelita sa lupain ng Ehipto.
14 Ito ang mga ulo ng sambahayan ng mga ama nila: Ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel,+ ay sina Hanok, Palu, Hezron, at Carmi.+ Ito ang mga pamilya ni Ruben.
15 Ang mga anak ni Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar, at si Shaul na anak ng isang babaeng Canaanita.+ Ito ang mga pamilya ni Simeon.
16 Ito ang pangalan ng mga anak ni Levi,+ ayon sa mga angkan nila: Gerson, Kohat, at Merari.+ Nabuhay si Levi nang 137 taon.
17 Ang mga anak ni Gerson, na itinala ayon sa mga pamilya nila, ay sina Libni at Simei.+
18 Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izhar, Hebron, at Uziel.+ Nabuhay si Kohat nang 133 taon.
19 Ang mga anak ni Merari ay sina Mahali at Musi.
Ito ang mga pamilya ng mga Levita, ayon sa mga angkan nila.+
20 At kinuha ni Amram si Jokebed, na kapatid na babae ng kaniyang ama, para maging asawa.+ Isinilang nito sina Aaron at Moises.+ Nabuhay si Amram nang 137 taon.
21 Ang mga anak ni Izhar ay sina Kora,+ Nepeg, at Zicri.
22 Ang mga anak ni Uziel ay sina Misael, Elsapan,+ at Sitri.
23 At kinuha ni Aaron bilang asawa si Elisheba, na anak na babae ni Aminadab at kapatid ni Nason.+ Isinilang nito sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar.+
24 Ang mga anak ni Kora ay sina Asir, Elkana, at Abiasap.+ Ito ang mga pamilya ng mga Korahita.+
25 Kinuha ng anak ni Aaron na si Eleazar+ ang isa sa mga anak na babae ni Putiel para maging asawa. Isinilang nito si Pinehas.+
Ito ang mga ulo ng mga angkan* ng mga Levita, ayon sa mga pamilya nila.+
26 Sila ang Aaron at Moises na sinabihan ni Jehova: “Ilabas ninyo ang bayang Israel sa lupain ng Ehipto na gaya ng isang hukbo.”+ 27 Sila nga ang Moises at Aaron na nakipag-usap sa Paraon, na hari ng Ehipto, para ilabas ang bayang Israel mula sa Ehipto.+
28 Nang araw na makipag-usap si Jehova kay Moises sa lupain ng Ehipto, 29 sinabi ni Jehova: “Ako si Jehova. Sabihin mo sa Paraon, na hari ng Ehipto, ang lahat ng sinasabi ko sa iyo.” 30 At sinabi ni Moises sa harap ni Jehova: “Hindi ako mahusay magsalita,* kaya paano makikinig sa akin ang Paraon?”+
7 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Tingnan mo, ginawa kitang tulad ng Diyos* sa Paraon, at ang kapatid mong si Aaron ang magiging propeta mo.+ 2 Sasabihin mo sa kaniya ang lahat ng iuutos ko sa iyo, at ang kapatid mong si Aaron ang makikipag-usap sa Paraon, at papayagan nitong umalis ang mga Israelita sa lupain nito. 3 Pero hahayaan kong magmatigas ang puso ng Paraon,+ at pararamihin ko ang aking mga tanda at himala sa lupain ng Ehipto.+ 4 Hindi makikinig sa inyo ang Paraon, at pagbubuhatan ko ng kamay ang Ehipto at ilalabas ko ang aking malaking bayan,* ang mga Israelita, mula sa lupain ng Ehipto nang may mabibigat na hatol.+ 5 At tiyak na malalaman ng mga Ehipsiyo na ako si Jehova+ kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko* laban sa Ehipto at inilabas ko ang mga Israelita mula sa gitna nila.” 6 Ginawa nina Moises at Aaron ang iniutos ni Jehova; gayong-gayon ang ginawa nila. 7 Si Moises ay 80 taóng gulang at si Aaron ay 83 taóng gulang nang makipag-usap sila sa Paraon.+
8 Sinabi ngayon ni Jehova kina Moises at Aaron: 9 “Kung sabihin sa inyo ng Paraon, ‘Magpakita kayo ng himala,’ sabihin mo kay Aaron, ‘Kunin mo ang tungkod mo at ihagis mo iyon sa harap ng Paraon.’ Iyon ay magiging isang malaking ahas.”+ 10 Kaya pinuntahan nina Moises at Aaron ang Paraon at ginawa ang lahat ng iniutos ni Jehova. Inihagis ni Aaron ang tungkod niya sa harap ng Paraon at ng mga lingkod nito, at iyon ay naging isang malaking ahas. 11 Pero ipinatawag ng Paraon ang matatalinong tao at ang mga mangkukulam,* at ginawa rin ng mga mahikong saserdote ng Ehipto+ ang himalang iyon gamit ang mahika* nila.+ 12 Inihagis nila ang tungkod nila, at naging malalaking ahas ang mga ito; pero nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila. 13 Pero nagmatigas pa rin ang puso ng Paraon,+ at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinabi ni Jehova.
14 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Manhid ang puso ng Paraon.+ Ayaw niyang payagang umalis ang bayan. 15 Puntahan mo ang Paraon bukas ng umaga. Pupunta siya sa Ilog Nilo. Abangan mo siya sa may gilid ng ilog, at dalhin* mo ang tungkod na naging ahas.+ 16 Sabihin mo sa kaniya, ‘Isinugo ako sa iyo ni Jehova na Diyos ng mga Hebreo,+ at sinabi niya: “Payagan mong umalis ang bayan ko para makapaglingkod sila sa akin sa ilang,” pero hindi ka pa rin sumusunod. 17 Ito ang sinabi ni Jehova: “Sa ganito mo makikilala na ako si Jehova.+ Hahampasin ko ng tungkod ko ang tubig ng Ilog Nilo, at iyon ay magiging dugo. 18 Mamamatay ang mga isda sa Nilo, at babaho ang Nilo, at hindi kakayaning inumin ng mga Ehipsiyo ang tubig sa Nilo.”’”
19 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron, ‘Kunin mo ang tungkod mo at iunat mo ang kamay mo sa ibabaw ng tubig ng Ehipto,+ sa ibabaw ng mga ilog, kanal,* latian,+ at lahat ng imbakan ng tubig, para maging dugo ang mga iyon.’ Magiging dugo ang tubig sa buong lupain ng Ehipto, kahit ang nasa mga lalagyang kahoy at bato.” 20 Ginawa agad nina Moises at Aaron ang iniutos ni Jehova. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig ng Ilog Nilo sa harap ng Paraon at ng mga lingkod nito, at naging dugo ang tubig sa ilog.+ 21 Namatay ang mga isda sa ilog,+ bumaho ang ilog, at hindi mainom ng mga Ehipsiyo ang tubig sa Nilo;+ at naging dugo ang tubig sa buong Ehipto.
22 Gayunman, ginawa rin iyon ng mga mahikong saserdote ng Ehipto gamit ang lihim na mahika nila,+ kaya patuloy na nagmatigas ang puso ng Paraon, at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinabi ni Jehova.+ 23 Pagkatapos, umuwi ang Paraon sa bahay niya at hindi niya ito binigyang-pansin. 24 Kaya naghukay ang lahat ng Ehipsiyo sa palibot ng Nilo para kumuha ng tubig na maiinom, dahil hindi nila mainom ang tubig sa Nilo. 25 At pitong araw ang lumipas mula nang hampasin ni Jehova ang Nilo.
8 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Pumunta ka sa Paraon at sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Payagan mong umalis ang bayan ko para makapaglingkod sila sa akin.+ 2 Kapag hindi mo pa rin sila pinayagang umalis, sasalutin ko ng mga palaka ang buong teritoryo mo.+ 3 At ang Ilog Nilo ay mapupuno ng palaka, at aahon ang mga iyon at pupunta sa iyong bahay, kuwarto, at higaan, at sa bahay ng mga lingkod mo at sa bayan mo, at sa iyong mga pugon at masahan.*+ 4 Sasalutin ka ng mga palaka, pati ang bayan mo at ang lahat ng lingkod mo.”’”
5 Nang maglaon, sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron, ‘Iunat mo ang kamay mong may hawak na tungkod sa ibabaw ng mga ilog, mga kanal ng Nilo, at mga latian, at paahunin mo ang mga palaka sa lupain ng Ehipto.’” 6 Kaya iniunat ni Aaron ang kamay niya sa ibabaw ng tubig ng Ehipto, at umahon ang mga palaka at napuno nito ang Ehipto. 7 Pero ginawa rin iyon ng mga mahikong saserdote gamit ang lihim na mahika nila, at nagpaahon din sila ng mga palaka sa Ehipto.+ 8 Pagkatapos, ipinatawag ng Paraon sina Moises at Aaron at sinabi: “Makiusap kayo kay Jehova na alisin sa akin at sa bayan ko ang mga palaka,+ dahil papayagan ko nang umalis ang bayan ninyo para makapaghain kay Jehova.” 9 Sinabi ni Moises sa Paraon: “Ikaw na ang magsabi kung kailan ako makikiusap na alisin ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga lingkod, bayan, at mga bahay. Sa Ilog Nilo lang maiiwan ang mga iyon.” 10 Sumagot ito: “Bukas.” Kaya sinabi niya: “Mangyayari iyon ayon sa sinabi mo para malaman mo na walang sinuman ang tulad ng Diyos naming si Jehova.+ 11 Ang mga palaka ay aalis sa iyo at sa iyong mga bahay, mga lingkod, at bayan. Sa Nilo lang maiiwan ang mga iyon.”+
12 Kaya umalis sina Moises at Aaron sa harap ng Paraon, at nakiusap si Moises kay Jehova dahil sa mga palakang dinala Niya sa Paraon.+ 13 Ginawa ni Jehova ang hiniling ni Moises, at namatay ang mga palaka na nasa mga bahay, bakuran, at parang. 14 Napakaraming bunton ng palaka ang natipon ng mga Ehipsiyo, at bumaho ang lupain. 15 Nang makita ng Paraon na maayos na ang kalagayan, pinatigas niya ang puso niya+ at hindi niya sila pinakinggan, gaya ng sinabi ni Jehova.
16 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron, ‘Iunat mo ang kamay mong may hawak na tungkod at hampasin ang alabok ng lupa, at ito ay magiging mga niknik* sa buong Ehipto.’” 17 At ginawa nila ito. Iniunat ni Aaron ang kamay niyang may hawak na tungkod at hinampas ang alabok ng lupa, at nagkaroon ng mga niknik na sumalakay sa mga tao at hayop. Ang lahat ng alabok ng lupa ay naging mga niknik sa buong Ehipto.+ 18 Sinubukan ng mga mahikong saserdote na magpalabas din ng mga niknik gamit ang lihim na mahika nila,+ pero hindi nila nagawa. At ang mga niknik ay naging pahirap sa mga tao at hayop. 19 Kaya sinabi ng mga mahikong saserdote sa Paraon: “Daliri* ito ng Diyos!”+ Pero nagmatigas pa rin ang puso ng Paraon, at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinabi ni Jehova.
20 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Bumangon ka nang maaga bukas at abangan mo ang Paraon kapag papunta na siya sa ilog. Sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Payagan mong umalis ang bayan ko para makapaglingkod sila sa akin. 21 Pero kung hindi mo papayagang umalis ang bayan ko, magpapadala ako sa iyo at sa iyong mga lingkod, bayan, at mga bahay ng nangangagat na mga langaw; at ang mga bahay sa Ehipto ay mapupuno ng nangangagat na mga langaw, at matatakpan ng mga ito ang lupang tinatapakan nila.* 22 Sa araw na iyon, talagang ibubukod ko ang lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang bayan ko. Hindi magkakaroon doon ng nangangagat na mga langaw,+ at sa ganito mo malalaman na ako, si Jehova, ay narito sa lupain.+ 23 At ipapakita ko ang pagkakaiba ng bayan ko at ng bayan mo. Mangyayari bukas ang tandang ito.”’”
24 At iyon ang ginawa ni Jehova, at sinalot ng napakaraming nangangagat na langaw ang bahay ng Paraon, ang mga bahay ng mga lingkod niya, at ang buong lupain ng Ehipto.+ Sinira ng nangangagat na mga langaw ang lupain.+ 25 Sa wakas, ipinatawag ng Paraon sina Moises at Aaron at sinabi: “Sige, maghain na kayo sa inyong Diyos dito sa lupain.” 26 Pero sinabi ni Moises: “Hindi namin puwedeng gawin iyon, dahil magagalit ang mga Ehipsiyo kapag nakita nila kung ano ang ihahain namin sa Diyos naming si Jehova.+ Kung maghahain kami sa harap ng mga Ehipsiyo ng bagay na ikagagalit nila, hindi ba babatuhin nila kami? 27 Maglalakbay kami sa ilang nang tatlong araw at doon kami maghahain sa Diyos naming si Jehova, gaya ng sinabi niya sa amin.”+
28 Sinabi ngayon ng Paraon: “Papayagan ko kayong pumunta sa ilang para maghain sa Diyos ninyong si Jehova. Pero huwag kayong magpapakalayo-layo. Makiusap kayo para sa akin.”+ 29 Sinabi ni Moises: “Aalis na ako sa harap mo, at makikiusap ako kay Jehova, at ang nangangagat na mga langaw ay mawawala na bukas sa Paraon at sa kaniyang mga lingkod at bayan. Pero hindi na kami dapat dayain ng Paraon;* dapat mo nang payagang umalis ang bayan para maghain kay Jehova.”+ 30 Pagkatapos, umalis si Moises sa harap ng Paraon at nakiusap kay Jehova.+ 31 Kaya ginawa ni Jehova ang sinabi ni Moises, at iniwan ng nangangagat na mga langaw ang Paraon at ang kaniyang mga lingkod at bayan. Walang natira kahit isa. 32 Pero pinatigas ulit ng Paraon ang puso niya, at hindi niya pinayagang umalis ang bayan.
9 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Pumunta ka sa Paraon at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng mga Hebreo: “Payagan mong umalis ang bayan ko para makapaglingkod sila sa akin.+ 2 Pero kung hindi mo pa rin sila papayagang umalis at pipigilan mo sila, 3 sasalutin ng kapangyarihan* ni Jehova+ ang mga alaga mong hayop na nasa parang. Magkakaroon ng napakatinding salot+ sa mga kabayo, asno, kamelyo, bakahan, at kawan. 4 At ipapakita ni Jehova ang pagkakaiba ng mga alagang hayop ng Israel at mga alagang hayop ng Ehipto, at walang mamamatay sa mga alagang hayop ng mga Israelita.”’”+ 5 Nagtakda rin ng panahon si Jehova at nagsabi: “Bukas, gagawin ito ni Jehova sa lupain.”
6 Ginawa nga ito ni Jehova kinabukasan, at namatay ang lahat ng uri ng alagang hayop ng Ehipto,+ pero walang isa mang namatay sa mga alagang hayop ng Israel. 7 Nang magsugo ang Paraon ng mga lingkod niya, nalaman niyang walang isa mang namatay sa mga alagang hayop ng Israel. Pero manhid pa rin ang puso ng Paraon, at hindi niya pinayagang umalis ang bayan.+
8 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: “Punuin ninyo ng abo mula sa pugon ang dalawang kamay ninyo, at isasaboy iyon ni Moises sa hangin sa harap ng Paraon. 9 At iyon ay magiging pinong alabok sa buong Ehipto, at iyon ay magiging nagnanaknak na mga pigsa sa mga tao at hayop sa buong Ehipto.”
10 Kaya kumuha sila ng abo sa pugon at tumayo sa harap ng Paraon, at isinaboy iyon ni Moises sa hangin, at iyon ay naging nagnanaknak na mga pigsa sa mga tao at hayop. 11 Nagkaroon ng mga pigsa ang mga mahikong saserdote at ang lahat ng Ehipsiyo, kaya hindi makaharap kay Moises ang mga mahikong saserdote dahil may mga pigsa sila.+ 12 Pero hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ng Paraon, at hindi ito nakinig sa kanila, gaya ng sinabi ni Jehova kay Moises.+
13 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Bumangon ka nang maaga bukas at tumayo ka sa harap ng Paraon, at sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng mga Hebreo: “Payagan mong umalis ang bayan ko para makapaglingkod sila sa akin. 14 Kung hindi, ang lahat ng salot na ipadadala ko ay pipinsala sa iyo,* sa mga lingkod mo, at sa bayan mo para malaman mong walang sinuman ang tulad ko sa buong lupa.+ 15 Kung tutuosin, puwede kong gamitin ang kapangyarihan* ko para padalhan ka at ang bayan mo ng matinding sakit, at nabura ka na sana sa lupa. 16 Pero pinanatili kitang buháy sa dahilang ito: para maipakita ko sa iyo ang kapangyarihan ko at para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.+ 17 Patuloy ka pa rin bang magmamataas at hindi papayag na umalis ang bayan ko? 18 Bukas, sa ganito ring oras, magkakaroon ng napakatinding pag-ulan ng yelo,* at wala pang nangyaring katulad nito sa Ehipto mula nang araw na maitatag ito. 19 Kaya ipaalám mo sa mga tao na kailangan nilang isilong ang lahat ng kanilang alagang hayop at pag-aari na nasa parang. Ang bawat tao at hayop na maaabutan sa parang at hindi naipasok sa bahay ay mamamatay kapag umulan na ng yelo.”’”
20 May mga lingkod ang Paraon na natakot sa sinabi ni Jehova kaya agad nilang pinapasok sa mga bahay ang mga lingkod nila at isinilong ang kanilang mga alagang hayop, 21 pero hindi pinansin ng iba ang sinabi ni Jehova at pinabayaan lang sa parang ang kanilang mga lingkod at alagang hayop.
22 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo tungo sa langit para umulan ng yelo sa buong Ehipto,+ sa mga tao at hayop at sa lahat ng pananim sa parang sa lupain ng Ehipto.”+ 23 Kaya itinaas ni Moises ang tungkod niya tungo sa langit, at si Jehova ay nagpakulog at nagpaulan ng yelo, at may apoy* na bumabagsak sa lupa, at patuloy na nagpaulan ng yelo si Jehova sa Ehipto. 24 Umulan ng yelo, at kasabay nito ay mayroon ding apoy.* Napakalakas nito; wala pang nangyaring katulad nito sa lupain mula nang maging isang bansa ang Ehipto.+ 25 At napinsala ng pag-ulan ng yelo ang lahat ng nasa parang sa buong Ehipto, mula sa tao hanggang sa hayop, at sinira nito ang lahat ng pananim at puno sa parang.+ 26 Sa lupain lang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga Israelita, hindi umulan ng yelo.+
27 Kaya ipinatawag ng Paraon sina Moises at Aaron at sinabi: “Nagkasala ako sa pagkakataong ito. Si Jehova ay matuwid, ako at ang bayan ko ang mali. 28 Makiusap kayo kay Jehova na patigilin na ang pagkulog at ang pag-ulan ng yelo. At papayagan ko na kayong umalis, at hindi ko na kayo pipigilan.” 29 Kaya sinabi ni Moises: “Pagkalabas ko ng lunsod, itataas ko ang mga kamay ko sa harap ni Jehova. Hihinto ang pagkulog at titigil na ang pag-ulan ng yelo, para malaman mo na ang lupa ay kay Jehova.+ 30 Pero alam kong ikaw at ang mga lingkod mo ay hindi pa rin matatakot sa Diyos na Jehova.”
31 At napinsala ang lino at sebada, dahil ang sebada ay may mga uhay na at ang lino ay nagsisimula nang mamulaklak. 32 Pero hindi nasira ang trigo at espelta, dahil huling tumutubo* ang mga iyon. 33 Umalis si Moises sa harap ng Paraon para lumabas ng lunsod, at itinaas niya ang mga kamay niya sa harap ni Jehova, at huminto ang pagkulog at ang pag-ulan ng yelo at tumigil ang pagbagsak ng ulan sa lupa.+ 34 Nang makita ng Paraon na huminto na ang pagbagsak ng ulan, ang pag-ulan ng yelo, at ang pagkulog, muli siyang nagkasala at pinatigas ang kaniyang puso,+ siya at ang mga lingkod niya. 35 Patuloy na nagmatigas ang puso ng Paraon, at hindi niya pinayagang umalis ang mga Israelita, gaya ng sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+
10 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Puntahan mo ang Paraon, dahil hinayaan kong maging manhid ang puso niya at ang puso ng mga lingkod niya,+ para maipakita ko sa kaniya ang mga himala* kong ito+ 2 at para masabi mo sa iyong mga anak at apo kung gaano katindi ang parusang ibinigay ko sa Ehipto at kung anong mga tanda ang ipinakita ko sa kanila;+ at tiyak na malalaman ninyo na ako si Jehova.”
3 Kaya pinuntahan nina Moises at Aaron ang Paraon at sinabi: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng mga Hebreo, ‘Hanggang kailan ka magmamataas sa akin?+ Payagan mong umalis ang bayan ko para makapaglingkod sila sa akin. 4 Kapag hindi mo pa rin sila pinayagang umalis, magpapadala ako bukas ng mga balang sa lupain ninyo. 5 Tatakpan nito ang ibabaw ng lupa at magiging imposibleng makita ang lupa. Uubusin nito ang mga natira sa inyo matapos umulan ng yelo,* at kakainin nito ang lahat ng punong tumutubo sa lupain.+ 6 Mapupuno nito ang mga bahay mo, ang mga bahay ng lahat ng lingkod mo, at ang mga bahay sa buong Ehipto; at wala pang nakitang ganito ang mga ninuno mo.’”+ At umalis siya sa harap ng Paraon.
7 Pagkatapos, sinabi ng mga lingkod ng Paraon sa kaniya: “Hanggang kailan tayo pahihirapan ng* taong ito? Payagan mo nang umalis ang mga taong iyon para makapaglingkod sila sa Diyos nilang si Jehova. Hindi mo pa ba alam na wasak na ang Ehipto?” 8 Kaya pinabalik sa Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi nito: “Sige, maglingkod na kayo sa Diyos ninyong si Jehova. Pero sino ang mga aalis?” 9 Sinabi ni Moises: “Isasama namin ang aming mga kabataan, matatanda, mga anak na lalaki at babae, mga tupa, at mga baka,+ dahil magdiriwang kami ng kapistahan para kay Jehova.”+ 10 Sinabi naman niya: “Iniisip ba talaga ninyong papayagan ko kayong umalis kasama ang mga anak ninyo? Kapag nangyari iyon, masasabi ninyong sumasainyo si Jehova!+ Sabi na nga ba’t may masama kayong balak. 11 Hindi puwede! Papayagan ko kayong maglingkod kay Jehova dahil iyan ang hiniling ninyo, pero mga lalaki lang ang aalis.” At pinalayas sila sa harap ng Paraon.
12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo sa lupain ng Ehipto para sumalakay ang mga balang sa Ehipto at ubusin nito ang pananim, ang lahat ng natira matapos umulan ng yelo.” 13 Agad na iniunat ni Moises sa lupain ng Ehipto ang kamay niyang may hawak na tungkod, at buong araw at gabing nagpahihip si Jehova ng hanging silangan sa lupain. Kinaumagahan, dinala ng hanging silangan ang mga balang. 14 Sumalakay ang mga balang sa buong Ehipto, at napuno nito ang buong teritoryo ng Ehipto.+ Matinding paghihirap ang dala nito;+ hindi pa nagkaroon dati ng ganoon karaming balang, at hindi na rin ito naulit. 15 Tinakpan nito ang ibabaw ng buong lupain kaya nagdilim sa lupain; inubos nito ang pananim sa lupain at ang mga bunga ng puno na natira matapos umulan ng yelo; wala nang berdeng makikita sa mga puno o pananim sa buong Ehipto.
16 Kaya agad na ipinatawag ng Paraon sina Moises at Aaron at sinabi: “Nagkasala ako sa Diyos ninyong si Jehova at sa inyo. 17 Ngayon, pakisuyo, patawarin ninyo ang kasalanan ko kahit ngayon lang, at makiusap kayo sa Diyos ninyong si Jehova para alisin niya sa akin ang nakamamatay na salot na ito.” 18 Kaya umalis siya* sa harap ng Paraon at nakiusap kay Jehova.+ 19 At binago ni Jehova ang direksiyon ng hangin; iyon ay naging isang napakalakas na hanging kanluran, at tinangay nito sa Dagat na Pula ang mga balang. Walang natira kahit isang balang sa buong teritoryo ng Ehipto. 20 Pero hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ng Paraon,+ at hindi nito pinayagang umalis ang mga Israelita.
21 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo tungo sa langit para mabalot ng dilim ang lupain ng Ehipto, at talagang magiging napakadilim.”* 22 Agad na iniunat ni Moises ang kamay niya tungo sa langit, at nabalot ng matinding kadiliman ang buong Ehipto sa loob ng tatlong araw.+ 23 Hindi nila nakikita ang isa’t isa, at sa loob ng tatlong araw, walang umalis sa kinaroroonan nila; pero may liwanag sa tirahan ng lahat ng Israelita.+ 24 Kaya ipinatawag ng Paraon si Moises at sinabi: “Sige, maglingkod na kayo kay Jehova.+ Ang mga tupa at baka lang ninyo ang maiiwan. Puwede na ninyong isama kahit ang mga anak ninyo.” 25 Pero sinabi ni Moises: “Ibibigay mo rin sa amin* ang mga hayop na gagawin naming handog na sinusunog at hain, at ihahandog namin ang mga iyon sa Diyos naming si Jehova.+ 26 Dadalhin din namin ang mga alagang hayop namin. Hindi puwedeng maiwan ang kahit isang hayop,* dahil gagamitin namin ang ilan sa mga iyon para sambahin ang Diyos naming si Jehova, at malalaman lang namin kung ano ang ihahain namin bilang pagsamba kay Jehova kapag nakarating na kami roon.” 27 Pero hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ng Paraon, at hindi niya sila pinayagang umalis.+ 28 Sinabi ng Paraon: “Lumayas ka sa harap ko! Huwag ka nang magpapakita sa akin, dahil sa araw na magpakita ka ulit, mamamatay ka.” 29 Kaya sinabi ni Moises: “Sige, hindi na ako magpapakita sa iyo.”
11 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Magpapadala ako ng isa pang salot sa Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos nito, papayagan na niya kayong umalis.+ Kapag pinaalis niya kayo, talagang itataboy niya kayo.+ 2 Sabihan mo ang bayan na ang lahat ng lalaki at babae ay dapat humingi sa kanilang kapitbahay ng mga kagamitang pilak at ginto.”+ 3 Ang bayan ay naging kalugod-lugod sa paningin ng mga Ehipsiyo dahil kay Jehova. Naging napakataas din ng tingin kay Moises ng mga lingkod ng Paraon at ng mga tao sa Ehipto.
4 At sinabi ni Moises: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Pagdating ng mga hatinggabi, pupunta ako sa Ehipto,+ 5 at ang lahat ng panganay sa Ehipto ay mamamatay,+ mula sa panganay ng Paraong nakaupo sa kaniyang trono hanggang sa panganay ng aliping babaeng gumagamit ng gilingan,* at ang lahat ng panganay ng mga hayop.+ 6 Magkakaroon ng napakalakas na pag-iyak sa buong Ehipto, na hindi pa nangyari kahit kailan at hindi na muling mangyayari.+ 7 Pero walang isa mang aso ang tatahol* sa mga Israelita, sa mga tao o sa mga alagang hayop nila, at makikita ninyo ang pagkakaiba ng pakikitungo ni Jehova sa mga Ehipsiyo at sa mga Israelita.’+ 8 At lahat ng lingkod mo ay pupunta sa akin at yuyukod, na sinasabi, ‘Umalis na kayo, ikaw at ang buong bayan na sumusunod sa iyo.’+ At pagkatapos ay aalis ako.” Pagkasabi nito, umalis siya sa harap ng galit na galit na Paraon.
9 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Hindi makikinig sa inyo ang Paraon,+ para dumami pa ang himala ko sa Ehipto.”+ 10 Nakita ng Paraon ang lahat ng himalang ito na ginawa nina Moises at Aaron,+ pero hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ng Paraon, kaya hindi nito pinayagang umalis ang mga Israelita sa lupain nito.+
12 Sinabi ngayon ni Jehova kina Moises at Aaron sa Ehipto: 2 “Ang buwan na ito ang magiging pasimula ng mga buwan para sa inyo. Ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo.+ 3 Sabihin ninyo sa buong bayan ng Israel, ‘Sa ika-10 araw ng buwang ito, ang bawat isa sa kanila ay dapat kumuha ng isang tupa+ para sa sambahayan ng ama niya, isang tupa para sa isang sambahayan. 4 Pero kung maliit ang sambahayan para kainin ang isang buong tupa, sila* at ang pinakamalapit nilang* kapitbahay ay maghahati sa tupa sa loob ng bahay nila. Hahatiin ito depende sa bilang ng tao at sa kayang kainin ng bawat isa. 5 Ang tupa ninyo ay dapat na malusog+ at isang-taóng-gulang na lalaki. Puwede kayong pumili ng isang batang tupa o kambing. 6 Aalagaan ninyo iyon hanggang sa ika-14 na araw ng buwang ito,+ at pagdating ng takipsilim* ay papatayin iyon ng bawat sambahayan sa kongregasyon ng Israel.+ 7 Kukuha sila ng dugo, at lalagyan nila ng dugo ang dalawang poste ng pinto at ang itaas na bahagi ng pasukan* ng mga bahay kung saan nila ito kakainin.+
8 “‘Kakainin nila ang karne sa gabing iyon.+ Iihawin nila iyon at kakainin kasama ng tinapay na walang pampaalsa+ at ng mapapait na gulay.+ 9 Huwag ninyong kainin ang anumang bahagi nito na hilaw o pinakuluan sa tubig, kundi inihaw, ang ulo kasama ang mga binti at laman-loob nito. 10 Huwag kayong mag-iiwan ng tira hanggang kinaumagahan; pero kapag may natira sa umaga, sunugin ninyo iyon.+ 11 Sa ganitong paraan ninyo iyon kakainin: suot ang inyong sinturon at sandalyas* at hawak ang inyong baston; at dali-dali ninyong kainin iyon. Ito ang Paskuwa ni Jehova. 12 Dahil dadaan ako sa lupain ng Ehipto sa gabing ito at papatayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto, mula sa tao hanggang sa hayop;+ at maglalapat ako ng hatol sa lahat ng diyos ng Ehipto.+ Ako si Jehova. 13 Ang dugo ay magsisilbing tanda sa mga bahay na kinaroroonan ninyo; makikita ko ang dugo at lalampasan ko kayo, at hindi kayo maaapektuhan ng salot kapag pinarusahan ko ang Ehipto.+
14 “‘Dapat ninyong alalahanin ang araw na ito, at ipagdiriwang ito ng lahat ng henerasyon bilang kapistahan para kay Jehova. Isa itong batas hanggang sa panahong walang takda. 15 Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ Oo, sa unang araw, dapat ninyong alisin ang pinaasim na masa sa mga bahay ninyo, dahil ang sinumang* kumain ng may pampaalsa mula sa unang araw hanggang sa ikapito ay aalisin* sa Israel. 16 Sa unang araw ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon at isa pang banal na kombensiyon sa ikapitong araw. Walang trabahong gagawin sa mga araw na iyon.+ Ang puwede lang ninyong gawin ay ang maghanda ng pagkain para sa inyo.*
17 “‘Ipagdiriwang ninyo ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ dahil sa araw na ito ay ilalabas ko sa Ehipto ang malaking bayan* ninyo. At aalalahanin ninyo ang araw na ito sa lahat ng henerasyon bilang isang batas hanggang sa panahong walang takda. 18 Sa gabi ng ika-14 na araw ng unang buwan, kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa hanggang sa gabi ng ika-21 araw ng buwan.+ 19 Hindi puwedeng magkaroon ng pinaasim na masa sa mga bahay ninyo sa loob ng pitong araw, dahil ang sinumang* kumain ng may pampaalsa, dayuhan man siya o katutubo sa lupain,+ ay aalisin* sa Israel.+ 20 Huwag kayong kakain ng anumang may pampaalsa. Sa lahat ng bahay, tinapay na walang pampaalsa ang kakainin ninyo.’”
21 Kaagad na tinawag ni Moises ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel+ at sinabi: “Pumili kayo ng batang mga hayop* para sa pamilya ng bawat isa sa inyo, at patayin ninyo ang hain para sa Paskuwa. 22 Pagkatapos, isawsaw ninyo sa dugo na nasa palanggana ang isang bungkos ng isopo at ihampas ninyo iyon sa itaas na bahagi ng pasukan at sa dalawang poste nito; at walang sinuman sa inyo ang lalabas ng bahay niya hanggang kinaumagahan. 23 Kapag dumaan si Jehova para salutin ang mga Ehipsiyo at nakita niya ang dugo sa itaas na bahagi ng pasukan at sa dalawang poste nito, tiyak na lalampasan ni Jehova ang pasukang iyon, at hindi niya papahintulutang pumasok sa mga bahay ninyo ang salot ng kamatayan.*+
24 “Alalahanin ninyo at ng inyong mga anak ang pangyayaring ito; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda.+ 25 At pagdating ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Jehova gaya ng sinabi niya, patuloy ninyo itong alalahanin.+ 26 Kapag nagtanong sa inyo ang inyong mga anak, ‘Para saan ang pagdiriwang na ito?’+ 27 sabihin ninyo, ‘Ito ang haing pampaskuwa para kay Jehova, na dumaan sa bahay ng mga Israelita sa Ehipto nang salutin niya ang mga Ehipsiyo, pero nilampasan niya ang mga bahay namin.’”
At ang bayan ay lumuhod at sumubsob sa lupa. 28 Kaya umalis ang mga Israelita at ginawa ang iniutos ni Jehova kina Moises at Aaron.+ Gayong-gayon ang ginawa nila.
29 Nang hatinggabi na, pinatay ni Jehova ang lahat ng panganay sa Ehipto,+ mula sa panganay ng Paraong nakaupo sa kaniyang trono hanggang sa panganay ng bihag na nasa bilangguan,* at lahat ng panganay ng hayop.+ 30 Nang gabing iyon, bumangon ang Paraon at ang lahat ng lingkod niya, pati na ang lahat ng iba pang Ehipsiyo, at narinig ang napakalakas na pag-iyak sa buong Ehipto, dahil may namatay sa lahat ng bahay.+ 31 Ipinatawag niya agad sina Moises at Aaron+ nang gabing iyon at sinabi: “Umalis na kayo. Iwan na ninyo ang bayan ko, kayo at ang iba pang Israelita. Umalis na kayo at maglingkod kay Jehova, gaya ng sinabi ninyo.+ 32 Isama na rin ninyo sa pag-alis ang inyong mga kawan at bakahan, gaya ng sinabi ninyo.+ Pero hilingin din ninyo sa Diyos na pagpalain ako.”
33 At pinagmadali ng mga Ehipsiyo ang bayan na umalis+ sa lupain, “dahil kung hindi,” ang sabi nila, “mamamatay kaming lahat!”*+ 34 Kaya dinala ng bayan ang kanilang minasang harina bago pa ito malagyan ng pampaalsa, at ang masahan* nila ay binalutan nila ng kanilang damit at ipinatong sa balikat. 35 Ginawa ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises kaya humingi sila sa mga Ehipsiyo ng mga alahas na pilak at ginto at mga damit.+ 36 Naging kalugod-lugod ang bayan sa paningin ng mga Ehipsiyo dahil kay Jehova, kaya ibinigay sa kanila ng mga ito ang anumang hingin nila, at kinuha nila ang kayamanan ng mga Ehipsiyo.+
37 Umalis ang mga Israelita sa Rameses+ papuntang Sucot,+ mga 600,000 lalaki,* bukod pa sa mga bata.+ 38 At sumama sa kanila ang isang malaking grupo ng mga banyaga,*+ gayundin ang napakaraming hayop, mga kawan at bakahan. 39 Niluto nila ang masa na dinala nila mula sa Ehipto at ginawang bilog na mga tinapay na walang pampaalsa. Hindi na ito nalagyan ng pampaalsa, dahil bigla silang pinaalis sa Ehipto. Hindi na rin sila nakapaghanda ng anumang panustos nila.+
40 Ang mga Israelita, na nanirahan sa Ehipto,+ ay 430 taóng nanirahan bilang mga dayuhan.+ 41 Nang mismong araw na matapos ang 430 taon, ang buong bayan* ni Jehova ay lumabas sa Ehipto. 42 Ito ay isang gabi kung kailan nila ipagdiriwang ang paglalabas sa kanila ni Jehova sa Ehipto. Ang gabing ito ay dapat alalahanin ng buong bayan ng Israel sa lahat ng henerasyon bilang pagluwalhati kay Jehova.+
43 Sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron, “Ito ang batas sa Paskuwa: Hindi puwedeng kainin ng mga dayuhan ang hain para dito.+ 44 Pero kung ang isang tao ay may biniling isang aliping lalaki, dapat niya itong tuliin.+ Saka lang ito makakakain ng hain. 45 Ang hain ay hindi puwedeng kainin ng dayuhan* at upahang trabahador. 46 Dapat itong kainin sa loob ng isang bahay. Huwag mong dadalhin ang anumang piraso ng karne sa labas ng bahay, at huwag mong babaliin ang kahit isang buto nito.+ 47 Ipagdiriwang iyon ng buong bayan ng Israel. 48 Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo at gusto niyang magdiwang ng Paskuwa para kay Jehova, dapat tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan niya. Saka lang siya makapagdiriwang nito, at siya ay magiging katulad ng katutubo sa lupain. Pero hindi ito puwedeng kainin ng lalaking di-tuli.+ 49 Pareho lang ang kautusan para sa katutubo at sa dayuhan na naninirahang kasama ninyo.”+
50 Kaya ginawa ng lahat ng Israelita ang iniutos ni Jehova kina Moises at Aaron. Gayong-gayon ang ginawa nila. 51 Nang mismong araw na iyon, inilabas ni Jehova sa Ehipto ang lahat ng Israelita.*
13 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2 “Ialay mo sa akin* ang lahat ng panganay na lalaki* ng mga Israelita. Ang unang lalaki na ipanganganak ng tao o hayop ay sa akin.”+
3 At sinabi ni Moises sa bayan: “Alalahanin ninyo ang araw na iyon nang lumabas kayo sa Ehipto,+ kung saan kayo naging alipin,* dahil inilabas kayo ni Jehova mula rito gamit ang kaniyang makapangyarihang kamay.+ Kaya hindi kayo puwedeng kumain ng anumang may pampaalsa. 4 Lumabas kayo sa araw na iyon, sa buwan ng Abib.*+ 5 Kapag dinala na kayo ni Jehova sa lupain ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita, Hivita, at Jebusita,+ na ipinangako* niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ patuloy ninyo itong alalahanin sa buwang ito. 6 Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa,+ at sa ikapitong araw ay magkakaroon ng kapistahan para kay Jehova. 7 Tinapay na walang pampaalsa ang kakainin ninyo sa loob ng pitong araw;+ at hindi kayo puwedeng magkaroon ng anumang may pampaalsa,+ at hindi puwedeng magkaroon ng pinaasim na masa sa buong teritoryo* ninyo. 8 At sasabihin ninyo sa inyong anak sa araw na iyon, ‘Dahil ito sa ginawa ni Jehova para sa akin nang lumabas ako sa Ehipto.’+ 9 Ipapaalaala nito sa inyo ang pangyayaring ito na para bang nakasulat ito sa inyong kamay at sa inyong noo,*+ para lumabas sa inyong bibig ang kautusan ni Jehova, dahil inilabas kayo ni Jehova sa Ehipto gamit ang kaniyang makapangyarihang kamay. 10 Susundin ninyo ang batas na ito taon-taon sa itinakdang panahon para dito.+
11 “Kapag dinala na kayo ni Jehova sa lupain ng mga Canaanita, na ipinangako niya sa inyo at sa inyong mga ninuno,+ 12 ialay ninyo kay Jehova ang lahat ng panganay na lalaki,* pati na ang lahat ng unang anak na lalaki ng inyong mga alagang hayop. Ang mga lalaki ay kay Jehova.+ 13 Bawat panganay ng asno ay tutubusin ninyo ng isang tupa, at kung hindi ninyo iyon tutubusin, babaliin ninyo ang leeg nito. Tutubusin din ninyo ang bawat panganay na lalaki sa inyong pamilya.+
14 “Kung sakaling magtanong sa inyo ang inyong mga anak, ‘Ano ang ibig sabihin nito?’ sabihin ninyo sa kanila, ‘Ginamit ni Jehova ang kaniyang makapangyarihang kamay para ilabas kami sa Ehipto, kung saan kami naging alipin.*+ 15 Nang magmatigas ang Paraon at hindi niya kami payagang umalis,+ pinatay ni Jehova ang lahat ng panganay sa Ehipto, mula sa panganay ng tao hanggang sa hayop.+ Kaya naman iniaalay ko kay Jehova ang lahat ng panganay na lalaki,* at tinutubos ko ang bawat panganay na lalaki sa pamilya ko.’ 16 Ipapaalaala nito sa inyo ang pangyayaring ito na para bang nakatali ito sa inyong kamay at sa inyong noo,*+ dahil inilabas tayo ni Jehova sa Ehipto gamit ang kaniyang makapangyarihang kamay.”
17 Nang pumayag ang Paraon na umalis ang bayan, hindi sila idinaan ng Diyos sa lupain ng mga Filisteo, kahit na mas maikli ang rutang iyon. Dahil sinabi ng Diyos: “Baka magbago ang isip ng bayan kapag napaharap sila sa digmaan at bumalik sila sa Ehipto.” 18 Kaya idinaan sila ng Diyos sa mahabang ruta, sa ilang na malapit sa Dagat na Pula.+ Pero ang mga Israelita ay nakahanay na gaya ng isang hukbo nang umalis sila sa Ehipto. 19 Dinala rin ni Moises ang mga buto ni Jose, dahil pinasumpa ni Jose ang mga anak ni Israel: “Tiyak na tutulungan kayo ng Diyos. Dalhin ninyo ang mga buto ko paglabas ninyo rito.”+ 20 Umalis sila sa Sucot at nagkampo sa Etham, na malapit sa ilang.*
21 Inaakay sila ni Jehova sa pamamagitan ng isang haliging ulap sa araw para patnubayan sila sa daan+ at ng isang haliging apoy sa gabi para bigyan sila ng liwanag, kaya nakapaglalakbay sila sa araw at sa gabi.+ 22 Ang haliging ulap ay hindi umaalis sa unahan ng bayan sa araw, gayundin ang haliging apoy sa gabi.+
14 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na lumiko sila at magkampo sa harap ng Pihahirot, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baal-zepon.+ Magkampo kayo malapit doon, sa tabi ng dagat. 3 At sasabihin ng Paraon tungkol sa mga Israelita, ‘Nagpapagala-gala sila sa lupain dahil sa kalituhan. Hindi na sila makaaalis sa ilang.’ 4 Hahayaan kong magmatigas ang puso ng Paraon,+ at hahabulin niya sila, at luluwalhatiin ko ang sarili ko sa pamamagitan ng Paraon at ng buong hukbo niya;+ at tiyak na malalaman ng mga Ehipsiyo na ako si Jehova.”+ At gayon nga ang ginawa nila.
5 Nang maglaon, iniulat sa hari ng Ehipto na umalis na ang bayan. Agad na nagbago ang isip ng Paraon at ng mga lingkod niya,+ at sinabi nila: “Ano itong ginawa natin? Bakit natin pinalaya sa pagkaalipin ang Israel?” 6 Kaya ipinahanda niya ang kaniyang mga karwaheng* pandigma at isinama ang bayan niya.+ 7 Kasama niya ang 600 piling karwahe at ang lahat ng iba pang karwahe ng Ehipto, na may nakasakay na mga mandirigma sa bawat isa. 8 Sa gayon, hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ng Paraon na hari ng Ehipto, at hinabol niya ang mga Israelita, na naglalakbay nang may pagtitiwala.*+ 9 Hinabol sila ng mga Ehipsiyo,+ at palapit na nang palapit sa kanila ang mga karwahe ng Paraon at ang mga kabalyero at hukbo nito habang nagkakampo sila sa tabi ng dagat, sa may Pihahirot, sa tapat ng Baal-zepon.
10 Nang malapit na ang Paraon, nakita ng mga Israelita na hinahabol sila ng mga Ehipsiyo. Natakot ang mga Israelita, at tumawag sila kay Jehova.+ 11 Sinabi nila kay Moises: “Wala bang libingan sa Ehipto kaya dinala mo kami sa ilang para dito mamatay?+ Bakit mo ito ginawa sa amin? Bakit mo kami inilabas sa Ehipto? 12 Hindi ba iyan mismo ang sinabi namin sa iyo sa Ehipto, ‘Pabayaan mo na kami para makapaglingkod kami sa mga Ehipsiyo’? Dahil mas mabuti pang maglingkod kami sa mga Ehipsiyo kaysa mamatay sa ilang.”+ 13 Sinabi ni Moises sa bayan: “Huwag kayong matakot.+ Tumayo kayong matatag at tingnan ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Jehova.+ Dahil ang mga Ehipsiyo na nakikita ninyo ngayon ay hinding-hindi na ninyo makikitang muli.+ 14 Si Jehova mismo ang makikipaglaban para sa inyo;+ tatayo* lang kayo.”
15 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Bakit tumatawag ka pa sa akin? Sabihan mo na ang mga Israelita na magpatuloy sa paglalakbay. 16 At itaas mo ang tungkod mo at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat at hatiin iyon para makalakad ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. 17 At hahayaan ko namang magmatigas ang puso ng mga Ehipsiyo para tugisin nila sila; sa gayon ay luluwalhatiin ko ang sarili ko sa pamamagitan ng Paraon at ng kaniyang buong hukbo, mga karwaheng pandigma, at mga kabalyero.+ 18 At tiyak na malalaman ng mga Ehipsiyo na ako si Jehova, kapag niluwalhati ko ang sarili ko sa pamamagitan ng Paraon at ng kaniyang mga karwaheng pandigma at mga kabalyero.”+
19 At ang anghel ng tunay na Diyos+ na nasa unahan ng kampo ng Israel ay pumunta sa likuran nila, at ang haliging ulap na nasa unahan nila ay lumipat sa likuran nila at pumuwesto roon.+ 20 Kaya pumagitan ito sa kampo ng mga Ehipsiyo at sa kampo ng Israel.+ Sa isang panig, ito ay madilim na ulap. Pero sa kabilang panig, pinagliliwanag nito ang gabi.+ Kaya ang isang kampo ay hindi nakalapit sa isa pang kampo nang buong magdamag.
21 Iniunat ngayon ni Moises ang kamay niya sa ibabaw ng dagat;+ at magdamag na nagpahihip si Jehova ng malakas na hanging silangan at pinaurong ang dagat, kaya natuyo ang sahig ng dagat+ at nahati ang tubig.+ 22 Kaya dumaan ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat,+ habang ang tubig ay naging pader sa kanilang kanan at kaliwa.+ 23 Tinugis sila ng mga Ehipsiyo, at hinabol sila ng lahat ng kabayo ng Paraon at ng kaniyang mga karwaheng pandigma at mga kabalyero sa gitna ng dagat.+ 24 Nang oras ng pagbabantay sa umaga,* dinungaw ni Jehova ang kampo ng mga Ehipsiyo mula sa haliging apoy at ulap,+ at nilito niya ang kampo ng mga Ehipsiyo. 25 Tinanggal niya ang mga gulong ng mga karwahe nila, kaya hirap na hirap silang patakbuhin ang mga ito, at sinabi ng mga Ehipsiyo: “Tigilan na natin ang mga Israelita, dahil nakikipaglaban si Jehova sa mga Ehipsiyo para sa kanila.”+
26 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo sa ibabaw ng dagat para bumalik sa dati ang tubig at malunod ang mga Ehipsiyo, kasama ang kanilang mga karwaheng pandigma at mga kabalyero.” 27 Agad na iniunat ni Moises ang kamay niya sa ibabaw ng dagat, at pagdating ng umaga, bumalik na sa dati ang dagat. Nang subukang tumakas ng mga Ehipsiyo, ipinalamon sila ni Jehova sa dagat.+ 28 Tinabunan ng tubig ang mga karwaheng pandigma at mga kabalyero at ang buong hukbo ng Paraon na humabol sa kanila sa dagat.+ Walang isa man sa kanila ang nakaligtas.+
29 Pero ang mga Israelita ay lumakad sa tuyong sahig ng dagat,+ at ang tubig ay naging pader sa kanilang kanan at kaliwa.+ 30 Gayon iniligtas ni Jehova ang Israel nang araw na iyon mula sa kamay ng mga Ehipsiyo,+ at nakita ng Israel ang patay na mga Ehipsiyo sa tabing-dagat. 31 Nakita rin ng Israel ang malakas na kapangyarihang* ginamit ni Jehova laban sa mga Ehipsiyo, at ang bayan ay nagsimulang matakot kay Jehova at manampalataya kay Jehova at sa lingkod niyang si Moises.+
15 Nang pagkakataong iyon, inawit ni Moises at ng mga Israelita ang awit na ito para kay Jehova:+
“Aawit ako kay Jehova, dahil lubos siyang naluwalhati.+
Ang kabayo at ang sakay nito ay itinapon niya sa dagat.+
2 Si Jah* ang aking lakas at kapangyarihan, dahil siya ang naging kaligtasan ko.+
Siya ang Diyos ko, at pupurihin ko siya;+ siya ang Diyos ng ama ko,+ at dadakilain ko siya.+
3 Si Jehova ay isang malakas na mandirigma.+ Jehova ang pangalan niya.+
4 Inihagis niya sa dagat ang mga karwahe ng Paraon at ang hukbo nito,+
At nalunod sa Dagat na Pula ang pinakamagagaling na mandirigma nito.+
5 Nilamon sila ng nagngangalit na mga alon; lumubog sila sa kalaliman tulad ng isang bato.+
6 Napakalakas ng kapangyarihan ng iyong kanang kamay, O Jehova;+
Makadudurog ng kaaway ang iyong kanang kamay, O Jehova.
7 Dahil sa iyong kalakasan, kaya mong ibagsak ang mga lumalaban sa iyo;+
Inilalabas mo ang iyong nag-aapoy na galit, nilalamon sila nito na tulad ng pinaggapasan.
8 Isang hinga lang mula sa iyong ilong, natipon na ang tubig;
Hindi iyon umagos, at naging tulad iyon ng isang pader;
Ang dumadaluyong na tubig ay naipon sa pusod ng dagat.
9 Sinabi ng kaaway: ‘Tutugisin ko sila! Aabutan ko sila!
Hahatiin ko ang samsam hanggang sa masiyahan ako!
Huhugutin ko ang aking espada! Tatalunin sila ng kamay ko!’+
10 Humihip ka, at tumakip sa kanila ang dagat;+
Lumubog sila na parang tingga sa nagngangalit na tubig.
11 Sino sa mga diyos ang gaya mo, O Jehova?+
Sino ang gaya mo, na walang katulad sa kabanalan?+
Ikaw ang dapat katakutan at purihin sa pamamagitan ng mga awit; gumagawa ka ng kamangha-manghang mga bagay.+
12 Iniunat mo ang iyong kanang kamay, at nilamon sila ng lupa.+
13 Dahil sa iyong tapat na pag-ibig, pinatnubayan mo ang bayang iniligtas mo;+
Sa iyong lakas, aakayin mo sila sa iyong banal na tahanan.
14 Mababalitaan ito ng mga bayan;+ manginginig sila sa takot;
Maliligalig* ang mga naninirahan sa Filistia.
Manghihina ang loob ng lahat ng naninirahan sa Canaan.+
16 Mababalot sila ng takot at manginginig.+
Dahil sa iyong malakas na bisig, hindi sila makakakilos na tulad ng bato
Hanggang sa makadaan ang iyong bayan, O Jehova,
17 Dadalhin mo sila at itatatag* sa iyong bundok,*+
Sa lugar na iyong inihanda para tahanan mo, O Jehova,
Isang santuwaryo, O Jehova, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 Si Jehova ay maghahari magpakailanman.+
19 Nang sumunod sa dagat ang mga kabayo ng Paraon kasama ang kaniyang mga karwaheng pandigma at mga kabalyero,+
Ibinalik ni Jehova sa dati ang dagat at nalunod sila,+
Pero ang bayang Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.”+
20 Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam na propetisa, na kapatid ni Aaron; sumunod sa kaniya ang lahat ng babae, at tumugtog sila ng tamburin at sumayaw. 21 Umawit si Miriam bilang sagot sa kanila:
“Umawit kay Jehova, dahil lubos siyang naluwalhati.+
Ang kabayo at ang sakay nito ay itinapon niya sa dagat.”+
22 Nang maglaon, inakay ni Moises ang Israel paalis sa Dagat na Pula; pumunta sila sa ilang ng Sur at naglakbay nang tatlong araw sa ilang, pero wala silang mahanap na tubig. 23 Nakarating sila sa Marah,*+ pero hindi nila mainom ang tubig sa Marah dahil mapait iyon. Kaya naman tinawag niyang Marah ang lugar. 24 Kaya nagbulong-bulungan ang bayan laban kay Moises,+ at sinabi nila: “Ano ang iinumin namin?” 25 Humingi siya ng tulong kay Jehova,+ at itinuro sa kaniya ni Jehova ang isang maliit na puno. Nang inihagis niya iyon sa tubig, tumamis ang tubig.
Ginamit ng Diyos ang pangyayaring ito para ipaalám sa bayan kung ano ang inaasahan niya sa kanila. Sinubok niya sila para makita kung susunod sila o hindi.+ 26 Sinabi niya: “Kung makikinig ka sa tinig ni Jehova na iyong Diyos at gagawin ang tama sa kaniyang paningin at magtutuon ng pansin sa mga utos niya at tutuparin ang lahat ng tuntunin niya,+ hindi kita bibigyan ng alinman sa mga sakit na ibinigay ko sa mga Ehipsiyo,+ dahil akong si Jehova ang magpapagaling sa iyo.”+
27 Pagkatapos nito, nakarating sila sa Elim, kung saan may 12 bukal ng tubig at 70 puno ng palma. Kaya nagkampo sila roon sa tabi ng tubig.
16 Pag-alis sa Elim, nakarating ang buong bayan ng Israel sa ilang ng Sin,+ na nasa pagitan ng Elim at Sinai, noong ika-15 araw ng ikalawang buwan pagkalabas nila sa Ehipto.
2 At ang buong bayan ng Israel ay nagsimulang magbulong-bulungan sa ilang laban kina Moises at Aaron.+ 3 Paulit-ulit na sinasabi sa kanila ng mga Israelita: “Pinatay na lang sana kami ni Jehova* sa Ehipto habang nakaupo kami sa tabi ng mga kaldero ng karne,+ habang kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog. Dinala ninyo sa ilang na ito ang buong kongregasyon para lang patayin kami sa gutom.”+
4 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Magpapaulan ako para sa inyo ng tinapay mula sa langit,+ at ang bawat isa sa bayan ay lalabas araw-araw para kumuha ng kaya niyang kainin,+ nang sa gayon ay masubok ko sila at malaman ko kung lalakad sila sa kautusan ko o hindi.+ 5 Pero tuwing ikaanim na araw,+ ang kukunin nila at ihahanda para lutuin ay doble ng kinukuha nila sa ibang mga araw.”+
6 Kaya sinabi nina Moises at Aaron sa lahat ng Israelita: “Sa gabi, tiyak na malalaman ninyo na si Jehova ang naglabas sa inyo sa Ehipto.+ 7 Sa umaga, makikita ninyo ang kaluwalhatian ni Jehova, dahil narinig niya ang mga bulong-bulungan ninyo laban kay Jehova. Sino ba kami para magbulong-bulungan kayo laban sa amin?” 8 Sinabi pa ni Moises: “Kapag binigyan kayo ni Jehova ng karne sa gabi at ng tinapay na makakain sa umaga hanggang sa mabusog kayo, malalaman ninyong narinig ni Jehova ang mga bulong-bulungan ninyo laban sa kaniya. Pero sino ba kami? Hindi laban sa amin ang mga bulong-bulungan ninyo, kundi laban kay Jehova.”+
9 At sinabi ni Moises kay Aaron: “Sabihin mo sa buong bayan ng Israel, ‘Magtipon kayo sa harap ni Jehova, dahil narinig niya ang mga bulong-bulungan ninyo.’”+ 10 Nang sabihin ito ni Aaron sa buong bayan ng Israel, humarap sila at tumingin sa ilang, at lumitaw sa ulap ang kaluwalhatian ni Jehova!+
11 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 12 “Narinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga Israelita.+ Sabihin mo sa kanila, ‘Sa takipsilim* ay kakain kayo ng karne, at sa umaga ay mabubusog kayo sa tinapay,+ at tiyak na malalaman ninyo na ako ang Diyos ninyong si Jehova.’”+
13 Kaya nang gabing iyon, napakaraming pugo ang dumagsa at napuno* nito ang kampo,+ at sa kinaumagahan ay nalatagan ng hamog ang palibot ng kampo. 14 Nang matuyo ang hamog, may naiwan sa ilang na pinong mga butil,+ na kasimpino ng niyebe na nasa lupa. 15 Nang makita iyon ng mga Israelita, sinabi nila sa isa’t isa: “Ano ito?” dahil hindi nila alam kung ano iyon. Sinabi ni Moises: “Ito ang tinapay na ibinigay ni Jehova sa inyo bilang pagkain.+ 16 Ito ang iniutos ni Jehova, ‘Bawat isa ay kukuha ng kaya niyang kainin. Kukuha kayo ng isang takal na omer*+ para sa bawat isa, ayon sa dami ng tao* na nakatira sa tolda ninyo.’” 17 Ganoon nga ang ginawa ng mga Israelita; nanguha sila nito, ang iba ay kumuha ng marami at ang iba naman ay kaunti. 18 Nang sukatin nila iyon ayon sa takal ng omer, ang kumuha ng marami ay hindi nagkaroon ng sobra at ang kumuha ng kaunti ay hindi nagkulang.+ Bawat isa ay kumuha ng kaya niyang kainin.
19 At sinabi ni Moises: “Huwag kayong magtitira nito hanggang sa umaga.”+ 20 Pero hindi sila nakinig kay Moises. Nang may magtira hanggang kinaumagahan, inuod iyon at bumaho, kaya nagalit si Moises sa kanila. 21 Kinukuha nila ito tuwing umaga, ang bawat isa ayon sa kaya niyang kainin. Kapag uminit na ang araw, natutunaw ito.
22 Nang ikaanim na araw, doble ang kinuha nilang tinapay,+ dalawang takal na omer para sa bawat tao. At pumunta kay Moises ang lahat ng pinuno ng bayan at sinabi iyon sa kaniya. 23 Sinabi niya sa kanila: “Iyon ang sinabi ni Jehova. Bukas ay araw ng pamamahinga,* isang banal na sabbath para kay Jehova.+ Iluto ninyo ang kailangan ninyong lutuin, at pakuluan ninyo ang kailangang pakuluan;+ at itabi ninyo hanggang kinaumagahan ang anumang matitira.” 24 Kaya itinabi nila iyon hanggang kinaumagahan, gaya ng iniutos ni Moises, at hindi iyon bumaho o inuod. 25 Sinabi ni Moises: “Kainin ninyo ngayon ang itinabi ninyo, dahil ang araw na ito ay sabbath para kay Jehova. Hindi ninyo iyon makikita sa lupa ngayon. 26 Anim na araw kayong mangunguha nito, pero sa ikapitong araw, sa Sabbath,+ ay hindi magkakaroon nito.” 27 Gayunman, ang ilan sa bayan ay lumabas noong ikapitong araw para manguha nito, pero wala silang nakita.
28 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Hanggang kailan kayo susuway sa mga utos at tagubilin ko?+ 29 Alalahanin ninyo na ibinigay sa inyo ni Jehova ang Sabbath.+ Kaya naman sa ikaanim na araw ay binibigyan niya kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Ang lahat ay mananatili sa kinaroroonan niya; hindi puwedeng umalis ang sinuman sa inyo sa ikapitong araw.” 30 Kaya nang ikapitong araw, ginawa ng bayan ang iniutos sa kanila may kinalaman sa Sabbath.*+
31 At ang tinapay ay tinawag ng bayang Israel na “manna.”* Maputi ito na tulad ng buto ng kulantro,* at ang lasa nito ay tulad ng lapád na tinapay na may pulot-pukyutan.+ 32 Pagkatapos ay sinabi ni Moises: “Ito ang iniutos ni Jehova, ‘Kumuha kayo ng isang takal na omer nito at itabi ninyo para sa susunod na mga henerasyon ninyo,+ para makita nila ang tinapay na ipinakain ko sa inyo sa ilang noong ilabas ko kayo sa Ehipto.’” 33 Kaya sinabi ni Moises kay Aaron: “Kumuha ka ng isang lalagyan at ilagay mo roon ang isang takal na omer ng manna, at ilagay mo iyon sa harap ni Jehova; iingatan ito hanggang sa susunod na mga henerasyon ninyo.”+ 34 Gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises, inilagay iyon ni Aaron sa harap ng Patotoo+ para maingatan ito. 35 Kumain ng manna ang mga Israelita sa loob ng 40 taon,+ hanggang sa dumating sila sa isang lupaing may mga nakatira na.+ Kinain nila ang manna hanggang sa makarating sila sa hangganan papasók sa Canaan.+ 36 Ang isang omer ay ikasampu ng isang takal na epa.*
17 Ang buong bayan ng Israel ay umalis sa ilang ng Sin+ at nagpatuloy sa paglalakbay, na humihinto sa iba’t ibang lugar ayon sa utos ni Jehova.+ Nagkampo sila sa Repidim.+ Pero walang tubig na mainom ang bayan.
2 Kaya nakipag-away ang bayan kay Moises,+ at sinabi nila: “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Pero sinabi ni Moises: “Bakit kayo nakikipag-away sa akin? Bakit lagi ninyong sinusubok si Jehova?”+ 3 Uhaw na uhaw roon ang bayan, at lagi silang nagbubulong-bulungan laban kay Moises+ at nagsasabi: “Bakit mo kami inilabas sa Ehipto para lang patayin kami sa uhaw, pati na ang mga anak at alagang hayop namin?” 4 Kaya humingi na ng tulong si Moises kay Jehova: “Ano ang gagawin ko sa bayang ito? Malapit na nila akong batuhin!”
5 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Dumaan ka sa harap ng bayan, at isama mo ang ilan sa matatandang lalaki ng Israel at dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa Ilog Nilo.+ Hawakan mo iyon at lumakad ka. 6 Tatayo ako doon sa harap mo sa ibabaw ng bato sa Horeb. Hampasin mo ang bato, at may lalabas na tubig doon, at iyon ang iinumin ng bayan.”+ Gayon ang ginawa ni Moises sa harap ng matatandang lalaki ng Israel. 7 Kaya tinawag niyang Masah*+ at Meriba*+ ang lugar na iyon dahil sa pakikipag-away ng mga Israelita at dahil sinubok nila si Jehova,+ na sinasabi: “Kasama ba natin si Jehova o hindi?”
8 At dumating ang mga Amalekita+ at nakipaglaban sa Israel sa Repidim.+ 9 Kaya sinabi ni Moises kay Josue:+ “Pumili ka ng mga lalaki at makipaglaban kayo sa mga Amalekita. Tatayo ako bukas sa tuktok ng burol habang hawak ang tungkod ng tunay na Diyos.” 10 Ginawa ni Josue ang sinabi ni Moises sa kaniya,+ at nakipaglaban siya sa mga Amalekita. At sina Moises, Aaron, at Hur+ ay umakyat sa tuktok ng burol.
11 Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang mga kamay niya, ang mga Amalekita naman ang nananalo. 12 Nang mangawit na ang mga kamay ni Moises, kumuha sila ng bato at pinaupo siya roon; at pumuwesto sina Aaron at Hur sa magkabilang panig at inalalayan ang mga kamay niya para manatiling nakataas ang mga ito hanggang sa paglubog ng araw. 13 Kaya natalo ni Josue ang mga Amalekita gamit ang espada.+
14 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Isulat mo ito sa aklat para hindi malimutan,* at ulitin mo ito kay Josue, ‘Lilipulin ko ang mga Amalekita sa ibabaw ng lupa,* at wala nang makakaalaala sa kanila.’”+ 15 Pagkatapos, nagtayo si Moises ng isang altar at tinawag itong Jehova-nisi,* 16 at sinabi niya: “Dahil ang kamay ng mga Amalekita ay laban sa trono ni Jah,+ makikipagdigma si Jehova sa kanila at sa lahat ng susunod na henerasyon nila.”+
18 At narinig ni Jetro, na saserdote ng Midian at biyenan ni Moises,+ ang tungkol sa lahat ng ginawa ng Diyos para kay Moises at para sa bayan niyang Israel, kung paanong inilabas ni Jehova ang Israel sa Ehipto.+ 2 Si Jetro, na biyenan ni Moises, ang nag-alaga sa asawa nitong si Zipora nang pauwiin ito ni Moises, 3 pati na ang dalawang anak nito.+ Ang pangalan ng isa ay Gersom,*+ dahil ang sabi ni Moises, “Nanirahan ako sa isang banyagang lupain,” 4 at ang pangalan ng isa pa ay Eliezer,* dahil ang sabi niya, “Ang Diyos ng ama ko ang aking katulong, ang nagligtas sa akin mula sa espada ng Paraon.”+
5 Kaya si Jetro, na biyenan ni Moises, pati na ang mga anak at asawa ni Moises, ay pumunta sa ilang kung saan nagkakampo si Moises, sa bundok ng tunay na Diyos.+ 6 At ipinasabi niya kay Moises: “Paparating na ako, ang biyenan mong si Jetro,+ kasama ang asawa mo at dalawang anak.” 7 Kaagad na lumabas si Moises para salubungin ang biyenan niya, at yumukod siya at hinalikan ito. Kinumusta nila ang isa’t isa, at pagkatapos ay pumasok sila sa tolda.
8 Ikinuwento ni Moises sa biyenan niya ang lahat ng ginawa ni Jehova sa Paraon at sa Ehipto alang-alang sa Israel,+ ang lahat ng pinagdaanan nila sa paglalakbay,+ at kung paano sila iniligtas ni Jehova. 9 Tuwang-tuwa si Jetro sa lahat ng kabutihang ginawa ni Jehova para sa Israel nang iligtas niya ito mula sa Ehipto.* 10 At sinabi ni Jetro: “Purihin si Jehova, na nagligtas sa inyo mula sa Ehipto at sa Paraon at nagligtas sa bayan mula sa kapangyarihan ng Ehipto. 11 Alam ko na ngayon na mas dakila si Jehova kaysa sa lahat ng iba pang diyos,+ dahil sa ginawa niya sa mapagmataas na mga kaaway ng bayan niya.” 12 Pagkatapos, ang biyenan ni Moises na si Jetro ay nagdala ng handog na sinusunog at ng mga hain para sa Diyos, at dumating si Aaron at ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel para kumain sa harap ng tunay na Diyos kasama ang biyenan ni Moises.
13 Kinabukasan, umupo si Moises gaya ng dati para maglingkod sa bayan bilang hukom, at naghihintay ang mga tao mula umaga hanggang gabi para iharap kay Moises ang mga usapin nila. 14 Nang makita ng biyenan ni Moises ang lahat ng ginagawa niya para sa bayan, sinabi nito: “Ano itong ginagawa mo para sa bayan? Bakit ikaw lang ang nakaupo rito para humatol habang naghihintay ang mga tao mula umaga hanggang gabi?” 15 Sinabi ni Moises: “Dahil laging lumalapit sa akin ang bayan para humingi ng patnubay ng Diyos. 16 Kapag may bumangong usapin sa pagitan ng dalawang tao, inilalapit nila iyon sa akin para mahatulan ko, at ipinaaalam ko sa kanila ang pasiya ng tunay na Diyos at ang mga kautusan niya.”+
17 Sinabi kay Moises ng biyenan niya: “Hindi dapat ganiyan ang ginagawa mo. 18 Siguradong mapapagod ka, ikaw at ang bayang ito, dahil napakabigat ng pasaning ito para kayanin mong mag-isa. 19 Kaya makinig ka sa akin. Papayuhan kita, at ang Diyos ay sasaiyo.+ Magsilbi kang kinatawan ng bayan sa harap ng tunay na Diyos,+ at iharap mo sa tunay na Diyos ang mga usapin.+ 20 Ituro mo sa kanila ang mga tuntunin at kautusan,+ at ipaalám mo sa kanila ang daan na dapat nilang lakaran at kung ano ang dapat nilang gawin. 21 Pero dapat kang pumili mula sa bayan ng mga lalaking may kakayahan,+ natatakot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tiwali;+ at atasan mo sila bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu.+ 22 Sila ang hahatol sa bayan kapag may bumangong usapin; ilalapit nila sa iyo ang mahihirap na usapin,+ pero sila na ang hahatol sa maliliit na usapin. Gagaan ang iyong trabaho kapag ibinahagi mo sa kanila ang iyong pasan.+ 23 Kung gagawin mo ito—at kung kaayon ito ng utos ng Diyos—hindi ka masyadong mapapagod, at ang lahat ay uuwing payapa ang isip.”
24 Pinakinggan ni Moises ang biyenan niya at agad na ginawa ang lahat ng sinabi nito. 25 Pumili si Moises ng mga lalaking may kakayahan mula sa buong Israel, at inatasan niya sila na maging mga pinuno ng bayan, bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu. 26 Kaya sila ang humahatol sa bayan kapag may bumabangong usapin. Inilalapit nila kay Moises ang mahihirap na usapin,+ pero sila ang humahatol sa maliliit na usapin. 27 Pagkatapos, nagpaalam na si Moises sa biyenan niya,+ at bumalik na si Jetro sa sarili nitong lupain.
19 Nang ikatlong buwan pagkalabas ng mga Israelita sa Ehipto, nang araw ding iyon, dumating sila sa ilang ng Sinai. 2 Umalis sila sa Repidim+ at nakarating sa ilang ng Sinai at nagkampo roon, sa harap ng bundok.+
3 Pagkatapos, umakyat si Moises para humarap sa tunay na Diyos, at tinawag siya ni Jehova mula sa bundok+ at sinabi: “Ito ang sasabihin mo sa sambahayan ni Jacob, sa mga Israelita, 4 ‘Nakita ninyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo,+ para madala ko kayo sa mga pakpak ng mga agila at mailapit kayo sa akin.+ 5 Ngayon, kung susundin ninyo ang lahat ng sinasabi ko* at iingatan ang aking tipan, kayo ay magiging espesyal* na pag-aari ko mula sa lahat ng bayan,+ dahil ang buong lupa ay akin.+ 6 Kayo ay magiging isang kaharian ng mga saserdote at isang banal na bansa na pag-aari ko.’+ Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita.”
7 Kaya umalis si Moises at ipinatawag ang matatandang lalaki ng bayan at sinabi sa kanila ang lahat ng iniutos ni Jehova na sabihin niya.+ 8 At sumagot ang buong bayan: “Handa naming gawin ang lahat ng sinabi ni Jehova.”+ Kaagad na iniulat ni Moises kay Jehova ang sagot ng bayan. 9 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Kakausapin kita mula sa isang madilim na ulap para marinig ng bayan kapag kinakausap kita at para lagi rin silang manampalataya sa iyo.” At iniulat ni Moises kay Jehova ang sinabi ng bayan.
10 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Puntahan mo ang bayan, at pabanalin mo sila ngayon at bukas, at dapat nilang labhan ang mga damit nila. 11 At dapat silang maging handa sa ikatlong araw, dahil sa ikatlong araw ay bababa si Jehova sa ibabaw ng Bundok Sinai at makikita ito ng buong bayan. 12 Maglagay ka ng mga hangganan sa palibot nito para sa bayan at sabihin mo sa kanila, ‘Huwag kayong aakyat sa bundok, at huwag kayong tatapak sa paanan nito. Sinumang tumapak sa bundok ay tiyak na papatayin. 13 Walang hahawak sa kaniya, kundi babatuhin siya o tutuhugin.* Hayop man ito o tao, hindi ito mabubuhay.’+ Pero kapag tumunog ang tambuling sungay ng lalaking tupa,+ puwede na silang lumapit sa bundok.”
14 Pagkatapos, bumaba si Moises sa bundok para puntahan ang bayan, at pinabanal niya ang bayan, at nilabhan nila ang mga damit nila.+ 15 Sinabi niya sa bayan: “Maghanda kayo para sa ikatlong araw. Huwag kayong makikipagtalik.”*
16 Noong umaga ng ikatlong araw, kumulog at kumidlat, nagkaroon ng makapal na ulap+ sa ibabaw ng bundok, at narinig ang napakalakas na tunog ng tambuli, kaya nanginig ang buong bayan na nasa kampo.+ 17 Inilabas ngayon ni Moises ang bayan mula sa kampo para humarap sa tunay na Diyos, at pumuwesto sila sa paanan ng bundok. 18 Umusok ang buong Bundok Sinai, dahil bumaba si Jehova nang nag-aapoy sa ibabaw nito;+ at ang usok na nagmumula rito ay parang usok na mula sa isang pugon, at yumayanig nang napakalakas ang bundok.+ 19 Habang palakas nang palakas ang tunog ng tambuli, nagsalita si Moises, at sumagot ang tunay na Diyos.*
20 Kaya bumaba si Jehova sa Bundok Sinai, sa tuktok ng bundok. Pagkatapos, tinawag ni Jehova si Moises sa tuktok ng bundok, at umakyat si Moises.+ 21 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Bumaba ka at babalaan mo ang bayan na huwag silang magpumilit na lumampas sa hangganan para makita si Jehova; kapag ginawa nila iyan, marami sa kanila ang mamamatay. 22 At dapat pabanalin ng mga saserdote na regular na lumalapit kay Jehova ang sarili nila, para hindi sila patayin ni* Jehova.”+ 23 Sinabi ni Moises kay Jehova: “Hindi talaga aakyat ang bayan sa Bundok Sinai, dahil nagbabala ka sa amin at sinabi mo, ‘Maglagay ka ng mga hangganan sa palibot ng bundok, at gawin mo itong banal.’”+ 24 Pero sinabi ni Jehova: “Bumaba ka, at bumalik ka rito kasama si Aaron, pero huwag mong hahayaan ang mga saserdote at ang bayan na lumampas sa hangganan para lumapit kay Jehova nang hindi niya sila patayin.”+ 25 Kaya bumaba si Moises sa bayan at sinabi ito sa kanila.
20 Pagkatapos, sinabi ng Diyos ang lahat ng ito:+
2 “Ako si Jehova na iyong Diyos, na naglabas sa iyo sa Ehipto, kung saan ka naging alipin.*+ 3 Hindi ka dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin.*+
4 “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig.+ 5 Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon,+ dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,*+ nagpaparusa sa mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin, 6 pero nagpapakita ng tapat na pag-ibig hanggang sa ikasanlibong henerasyon ng mga umiibig sa akin at sumusunod sa mga utos ko.+
7 “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan,+ dahil tiyak na paparusahan ni Jehova ang gumagamit ng pangalan niya sa walang-kabuluhang paraan.+
8 “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath at panatilihin itong banal.+ 9 Puwede kang magtrabaho sa loob ng anim na araw,+ 10 pero ang ikapitong araw ay sabbath para kay Jehova na iyong Diyos. Hindi ka gagawa ng anumang trabaho, ikaw, ang iyong anak na lalaki at babae, aliping lalaki at babae, at alagang hayop, o ang dayuhang naninirahan sa inyong mga pamayanan.*+ 11 Dahil sa loob ng anim na araw ay ginawa ni Jehova ang langit, lupa, dagat, at lahat ng naroon, at nagsimula siyang magpahinga sa ikapitong araw.+ Kaya naman pinagpala ni Jehova ang araw ng Sabbath at ginawa itong banal.
12 “Parangalan* mo ang iyong ama at ina+ para mabuhay ka nang mahaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+
14 “Huwag kang mangangalunya.+
16 “Huwag kang magsisinungaling kapag tumetestigo ka laban sa kapuwa mo.+
17 “Huwag mong nanasain ang bahay ng kapuwa mo. Huwag mong nanasain ang kaniyang asawa,+ aliping lalaki o babae, toro, asno, o anumang pag-aari niya.”+
18 At nasaksihan ng buong bayan ang kulog at kidlat, ang tunog ng tambuli, at ang bundok na umuusok; nanginig sila nang makita nila iyon at nanatili silang nakatayo sa malayo.+ 19 Kaya sinabi nila kay Moises: “Ikaw na lang ang makipag-usap sa amin, at makikinig kami; huwag mo nang pagsalitain ang Diyos sa amin dahil baka mamatay kami.”+ 20 Kaya sinabi ni Moises sa bayan: “Huwag kayong mag-alala, dahil dumating ang tunay na Diyos para subukin kayo+ at para patuloy kayong matakot sa kaniya nang hindi kayo magkasala.”+ 21 Kaya ang bayan ay nanatiling nakatayo sa malayo, pero lumapit si Moises sa madilim na ulap na kinaroroonan ng tunay na Diyos.+
22 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita, ‘Nakita ninyo mismo na nakipag-usap ako sa inyo mula sa langit.+ 23 Huwag kayong gagawa ng mga diyos na pilak na sasambahin ninyo bukod sa akin, at huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diyos na ginto.+ 24 Magtatayo ka para sa akin ng isang altar na gawa sa lupa, at ihahain mo sa ibabaw nito ang iyong mga handog na sinusunog, haing pansalo-salo,* tupa, at baka. Sa lahat ng lugar kung saan gusto* kong maalaala ang pangalan ko,+ pupuntahan kita at pagpapalain. 25 Kung magtatayo ka para sa akin ng isang altar na gawa sa bato, huwag mo itong gagamitan ng tinabas na mga bato.+ Dahil kapag ginamit mo roon ang iyong pait, malalapastangan mo iyon. 26 At huwag kang maglalagay ng mga baytang paakyat sa aking altar, para hindi malantad sa ibabaw nito ang iyong pribadong mga bahagi.’*
21 “Ito ang mga batas* na sasabihin mo sa kanila:+
2 “Kung bibili ka ng isang aliping Hebreo,+ maglilingkod siya bilang alipin sa loob ng anim na taon, pero sa ikapitong taon, palalayain siya nang walang binabayarang anuman.+ 3 Kung wala siyang asawa nang maging alipin mo siya, mag-isa siyang aalis. Pero kung may asawa siya, aalis siyang kasama ang asawa niya. 4 Kung bigyan siya ng panginoon niya ng asawa at magkaanak sila ng mga lalaki o babae, ang kaniyang asawa at mga anak ay magiging pag-aari ng panginoon niya, at aalis siyang mag-isa.+ 5 Pero kung magpumilit ang alipin at sabihin niya, ‘Mahal ko ang panginoon ko, ang asawa ko, at mga anak ko; ayokong lumaya,’+ 6 ihaharap siya ng panginoon niya sa tunay na Diyos. Pagkatapos, dadalhin siya ng panginoon niya sa tapat ng pinto o poste ng pinto at bubutasan ang tainga niya,* at magiging alipin siya nito habambuhay.
7 “Kung ipagbili ng isang lalaki ang anak niyang babae bilang alipin, hindi ito lalaya gaya ng paglaya ng isang aliping lalaki. 8 Kung ang babae ay hindi magustuhan ng panginoon nito at hindi niya ito ginawang pangalawahing asawa kundi nagpasiyang ipagbili* ito sa iba, hindi niya ito puwedeng ipagbili sa mga dayuhan, dahil hindi siya naging makatarungan dito. 9 Kung kinuha niya ito para maging asawa ng kaniyang anak na lalaki, dapat niyang ibigay rito ang mga karapatan ng isang anak na babae. 10 Kung kukuha siya ng isa pang asawa, hindi niya dapat bawasan ang inilalaan niyang pagkain at pananamit para sa unang asawa niya at dapat niyang ibigay ang kaukulan para dito.*+ 11 Kung hindi niya ibibigay sa babae ang tatlong bagay na ito, lalaya ito nang hindi nagbabayad ng kahit magkano.
12 “Ang sinumang manakit sa isang tao at makapatay rito ay dapat patayin.+ 13 Pero kung hindi niya ito sinasadya at hinayaan ng tunay na Diyos na mangyari iyon, maglalaan ako ng isang lugar na matatakasan niya.+ 14 Kung galit na galit ang isang tao sa kaniyang kapuwa at sadya niya itong pinatay,+ dapat mamatay ang taong iyon kahit kailangan mo pa siyang kunin mula sa aking altar.+ 15 Ang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat patayin.+
16 “Kung ang sinuman ay dumukot ng isang tao+ at ipagbili niya ito o mahuli siya habang kasama ang dinukot na tao,+ dapat siyang patayin.+
17 “Ang sinumang sumumpa sa kaniyang ama o ina ay dapat patayin.+
18 “Ganito ang dapat mangyari kung may mga taong mag-away at saktan ng isa ang kapuwa niya gamit ang bato o kamao* at hindi ito namatay kundi naratay sa higaan: 19 Kung makabangon ito at makapaglakad sa labas sa tulong ng tungkod, ang nanakit dito ay hindi paparusahan. Magbabayad lang siya para sa panahong hindi ito nakapagtrabaho hanggang sa lubusan itong gumaling.
20 “Kung saktan ng isang tao ang kaniyang aliping lalaki o babae gamit ang tungkod at mamatay ito sa kaniyang kamay, dapat ipaghiganti ang alipin.+ 21 Pero kung mabuhay pa ito nang isa o dalawang araw, hindi ito ipaghihiganti, dahil binili ito ng panginoon niya.
22 “Kung may mga taong mag-away at masaktan nila ang isang babaeng nagdadalang-tao at mapaaga ang panganganak nito*+ pero wala namang namatay,* dapat magbigay ang nagkasala ng bayad-pinsala na ipapataw ng asawa ng babae; at ibabayad niya kung ano ang ipinasiya ng mga hukom.+ 23 Pero kung may mamatay, magbabayad ka ng buhay para sa buhay,*+ 24 mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa,+ 25 paso para sa paso, sugat para sa sugat, pasâ para sa pasâ.
26 “Kung masaktan ng isang tao ang mata ng kaniyang aliping lalaki o babae at mabulag ito, palalayain niya ang alipin bilang kabayaran para sa mata nito.+ 27 At kung mabungi niya ang kaniyang aliping lalaki o babae, palalayain niya ang alipin bilang kabayaran para sa ngipin nito.
28 “Kung ang isang toro ay manuwag ng isang lalaki o babae at mamatay iyon, ang toro ay babatuhin hanggang sa mamatay+ at hindi kakainin ang karne nito; pero ang may-ari ng toro ay hindi paparusahan. 29 Gayunman, kung ang isang toro ay mahilig manuwag at nababalaan na ang may-ari nito pero hindi pa rin niya ito binantayan at nakapatay ito ng isang lalaki o babae, ang toro ay babatuhin at ang may-ari nito ay dapat ding patayin. 30 Kung pagbayarin siya ng pantubos,* dapat niyang ibigay ang buong halaga ng hihinging pantubos para sa kaniyang buhay. 31 Kahit ang sinuwag nito ay batang lalaki o babae, ito pa rin ang batas* na ipatutupad. 32 Kung ang sinuwag ng toro ay isang aliping lalaki o babae, magbabayad ang may-ari ng toro ng 30 siklo* sa panginoon ng alipin, at ang toro ay babatuhin hanggang sa mamatay.
33 “Kung binuksan ng isang tao ang isang hukay o gumawa siya ng bagong hukay pero hindi ito tinakpan at mahulog doon ang isang toro o asno, 34 magbabayad ang may-ari ng hukay.+ Dapat niyang bayaran ang halaga ng hayop sa may-ari nito, at mapupunta sa kaniya ang patay na hayop. 35 Kung ang toro ng isang tao ay manakit at makapatay ng toro ng iba, ipagbibili nila ang buháy na toro at paghahatian ang pinagbentahan nito; paghahatian din nila ang patay na hayop. 36 Pero kung dati nang alam na ang isang toro ay mahilig manuwag at hindi pa rin ito binantayan ng may-ari, dapat siyang magbayad ng toro para sa toro, at mapupunta sa kaniya ang patay na hayop.
22 “Kung ang isang tao ay magnakaw ng toro o tupa at patayin niya ito o ipagbili, magbabayad siya ng limang toro para sa isang toro at apat na tupa para sa isang tupa.+
2 (“Kung ang isang magnanakaw+ ay mahuli na aktong nanloloob at masaktan siya at mamatay, walang pagkakasala sa dugo ang nakapatay sa kaniya. 3 Kung mangyari ito pagkasikat ng araw, may pagkakasala sa dugo ang nakapatay sa kaniya.)
“Dapat siyang magbayad. Kung wala siyang pambayad, ipagbibili siya kapalit ng mga bagay na ninakaw niya. 4 Kung buháy pa ang ninakaw niya nang makita ito sa kaniya, ito man ay toro, asno, o tupa, magbabayad siya nang doble.
5 “Kung dalhin ng isang tao ang mga hayop niya sa bukid o ubasan para manginain at hayaan niyang manginain ang mga ito sa bukid ng iba, ipambabayad niya ang pinakamainam na bunga ng sarili niyang bukid o ubasan.
6 “Kung may magpaapoy at kumalat ito sa matinik na mga halaman* at matupok ang mga tungkos, mga butil na hindi pa naaani, o isang bukid, dapat siyang magbayad para sa nasunog.
7 “Kung ang isang tao ay magpatago ng pera o mga gamit sa kapuwa niya at manakaw ito sa bahay ng kapuwa niya at mahuli ang magnanakaw, magbabayad ito nang doble.+ 8 Kung hindi mahuli ang magnanakaw, ang may-ari ng bahay ay ihaharap sa tunay na Diyos+ para makita kung siya ang kumuha* sa mga pag-aari ng kapuwa niya. 9 Kung akusahan ang isang tao na nasa kaniya ang isang bagay na hindi naman sa kaniya—ito man ay toro, asno, tupa, damit, o anumang bagay na nawala at may magsabing ‘Akin iyan!’—ihaharap ng dalawang panig ang usapin nila sa tunay na Diyos.+ Ang ihahayag ng Diyos na may-sala ay magbabayad nang doble sa kapuwa niya.+
10 “Kung paalagaan ng isang tao sa kapuwa nito ang isang asno, toro, tupa, o anumang alagang hayop, at mamatay ito o mapinsala o tinangay nang walang nakakita, 11 ang nag-alaga ay dapat sumumpa sa kapuwa niya sa harap ni Jehova na wala siyang kinalaman sa nangyari* sa pag-aari ng kapuwa niya; at dapat panghawakan ng may-ari ang sinabi niya. Hindi siya magbabayad.+ 12 Pero kung manakaw sa kaniya* ang hayop, magbabayad siya sa may-ari nito. 13 Kung nilapa iyon ng mabangis na hayop, dadalhin niya iyon bilang katibayan. Ang nilapa ng mabangis na hayop ay hindi niya babayaran.
14 “Pero kung may manghiram sa kapuwa niya ng isang hayop at ito ay mapilayan o mamatay habang hindi kasama ang may-ari nito, dapat itong bayaran ng nanghiram. 15 Kung kasama nito ang may-ari, hindi niya ito babayaran. Kung inupahan ito, magsisilbi nang kabayaran ang upa.
16 “At kung akitin ng isang lalaki ang isang birheng walang kasintahan* at sipingan niya ito, dapat siyang magbayad ng dote at kunin ito bilang asawa.+ 17 Kung ayaw pumayag ng ama ng babae na ibigay ito sa kaniya, magbabayad pa rin siya ng halaga na katumbas ng dote.
18 “Ang isang babaeng mangkukulam* ay dapat mong patayin.+
19 “Ang sinumang sumiping sa hayop ay dapat patayin.+
20 “Ang sinumang maghain sa ibang diyos bukod kay Jehova ay dapat patayin.+
21 “Huwag mong pagmamalupitan o pahihirapan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo,+ dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.+
22 “Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda o batang walang ama.*+ 23 Kapag inapi ninyo sila at dumaing sila sa akin, tiyak na pakikinggan ko ang daing nila;+ 24 at mag-aapoy ang galit ko, at papatayin ko kayo gamit ang espada, at ang inyong mga asawa ay magiging biyuda, at ang inyong mga anak ay mawawalan ng ama.
25 “Kung magpapahiram ka ng pera sa sinumang mahirap* sa bayan ko, na naninirahang kasama mo, hindi ka dapat maging gaya ng nagpapautang nang may interes. Huwag kayong magpapatubo sa kaniya.+
26 “Kung kukunin mo ang damit ng kapuwa mo bilang prenda,*+ ibabalik mo iyon sa kaniya sa paglubog ng araw. 27 Dahil iyon lang ang balabal niya, ang pantakip niya sa katawan;* ano ang ipantutulog niya?+ Kapag dumaing siya sa akin, tiyak na pakikinggan ko siya, dahil mapagmalasakit* ako.+
28 “Huwag mong isusumpa* ang Diyos+ o ang pinuno sa iyong bayan.+
29 “Huwag kang magdadalawang-isip na maghandog mula sa iyong saganang ani at umaapaw na mga pisaan.*+ Ang iyong panganay na lalaki ay ibibigay mo sa akin.+ 30 Ganito ang gagawin mo sa iyong toro at tupa:+ Pitong araw mo itong hahayaang makasama ang ina nito. Sa ikawalong araw ay ibibigay mo ito sa akin.+
31 “Ipakita ninyong kayo ang aking banal na bayan,+ at huwag kayong kakain ng karne ng hayop na nilapa sa parang ng mabangis na hayop.+ Ihahagis ninyo iyon sa mga aso.
23 “Huwag kang magkakalat* ng ulat na di-totoo.+ Huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan para tulungan ang isang masamang tao.+ 2 Huwag kang susunod sa karamihan sa paggawa ng masama, at huwag kang magbibigay ng patotoo na salungat sa katarungan para lang pumanig sa karamihan.* 3 Dapat kang maging patas sa usapin ng isang mahirap.+
4 “Kung makita mong pagala-gala ang toro o asno ng iyong kaaway, dapat mo itong ibalik sa kaniya.+ 5 Kung makita mo ang asno ng sinumang may galit sa iyo na nadaganan ng mabigat na pasan nito, huwag mo itong iiwan. Dapat mo siyang tulungan na alisin ang pasan ng hayop.+
6 “Huwag mong babaluktutin ang hatol sa kaso* ng taong mahirap.+
7 “Lumayo ka sa maling akusasyon,* at huwag mong patayin ang walang-sala at ang matuwid, dahil hindi ko ipahahayag na matuwid ang masama.*+
8 “Huwag kang tatanggap ng suhol, dahil ang suhol ay bumubulag sa mga taong malinaw ang paningin at pumipilipit sa pananalita ng mga taong matuwid.+
9 “Huwag mong pahihirapan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo. Alam ninyo ang pakiramdam* ng isang dayuhan, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.+
10 “Sa loob ng anim na taon ay hahasikan mo ng binhi ang lupain mo at titipunin ang bunga nito.+ 11 Pero sa ikapitong taon, hahayaan mo itong di-nabubungkal at di-natatamnan, at ang mahihirap sa iyong bayan ay kakain mula roon, at ang matitira nila ay kakainin ng maiilap na hayop sa parang. Gayon ang gagawin mo sa iyong ubasan at taniman ng olibo.
12 “Anim na araw kang magtatrabaho; pero sa ikapitong araw ay hihinto ka para makapagpahinga ang iyong toro at asno at maginhawahan ang anak ng iyong aliping babae at ang dayuhang naninirahang kasama ninyo.+
13 “Dapat ninyong sunding mabuti ang lahat ng sinabi ko sa inyo,+ at huwag ninyong babanggitin ang pangalan ng ibang mga diyos; ang mga ito ay hindi dapat lumabas sa inyong bibig.+
14 “Tatlong beses sa isang taon ay magdiriwang ka ng kapistahan para sa akin.+ 15 Ipagdiriwang mo ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa.+ Pitong araw kang kakain ng tinapay na walang pampaalsa, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib,*+ dahil noon ka lumabas sa Ehipto. Hindi puwedeng humarap sa akin ang sinumang walang dala.+ 16 Kailangan mo ring ipagdiwang ang Kapistahan ng Pag-aani* ng mga unang hinog na bunga ng iyong pagtatrabaho, ng paghahasik mo sa bukid;+ at ang Kapistahan ng Pagtitipon ng Ani* sa pagtatapos ng taon, kung kailan tinitipon mo mula sa bukid ang mga bunga ng iyong pagtatrabaho.+ 17 Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng lalaki ay haharap sa tunay na Panginoon, si Jehova.+
18 “Ang dugo ng hain para sa akin ay huwag mong ihahandog kasama ng anumang may pampaalsa. At ang mga haing taba na inihahandog sa aking mga kapistahan ay huwag mong hahayaang matira hanggang kinaumagahan.
19 “Dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa.+
“Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.+
20 “Magsusugo ako ng isang anghel sa unahan mo+ para ingatan ka sa daan at para dalhin ka sa lugar na inihanda ko.+ 21 Bigyang-pansin mo siya at sundin ang tinig niya. Huwag kang magrebelde sa kaniya, dahil hindi niya patatawarin ang mga kasalanan mo,+ dahil nasa kaniya ang pangalan ko. 22 Pero kung susundin mong mabuti ang tinig niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, magiging kaaway ko ang mga kaaway mo at lalabanan ko ang mga lumalaban sa iyo. 23 Dahil ang anghel ko ay pupuwesto sa unahan mo at dadalhin ka niya sa mga Amorita, Hiteo, Perizita, Canaanita, Hivita, at Jebusita, at lilipulin ko sila.+ 24 Huwag kang yuyukod sa mga diyos nila o mahihikayat na maglingkod sa mga ito, at huwag mong gagayahin ang mga ginagawa nila.+ Sa halip, dapat mong wasakin ang mga iyon at gibain ang mga sagradong haligi nila.+ 25 Dapat kayong maglingkod sa Diyos ninyong si Jehova,+ at pagpapalain niya kayo ng tinapay at tubig.+ Aalisin ko ang sakit sa gitna ninyo.+ 26 Ang mga babae sa inyong lupain ay hindi makukunan o magiging baog,+ at pahahabain ko ang buhay ninyo.*
27 “Bago pa kayo dumating, mababalitaan na nila ang tungkol sa akin at matatakot sila,+ at lilituhin ko ang lahat ng bayan na lumalaban sa inyo, at ang lahat ng kaaway ninyo ay magtatakbuhan palayo* sa inyo dahil sa akin.+ 28 Pahihinain ko ang loob nila,*+ at dahil dito ay aalis sa harap mo ang mga Hivita, Canaanita, at Hiteo.+ 29 Hindi ko sila palalayasin sa harap mo sa loob ng isang taon, para hindi maging tiwangwang ang lupain at hindi dumami ang mababangis na hayop sa parang.+ 30 Unti-unti ko silang palalayasin sa harap ninyo, hanggang sa dumami kayo at maging pag-aari na ninyo ang lupain.+
31 “Itatakda ko ang inyong hangganan mula sa Dagat na Pula hanggang sa dagat ng mga Filisteo at mula sa ilang hanggang sa Ilog;*+ dahil ibibigay ko sa kamay ninyo ang mga naninirahan sa lupain, at palalayasin ninyo sila sa harap ninyo.+ 32 Huwag kayong makikipagtipan sa kanila o sa mga diyos nila.+ 33 Hindi sila dapat manirahan sa inyong lupain, para hindi nila kayo mahikayat na magkasala sa akin. Kung maglilingkod kayo sa mga diyos nila, tiyak na magiging bitag ito sa inyo.”+
24 At sinabi niya kay Moises: “Umakyat ka sa bundok, ikaw at si Aaron, sina Nadab at Abihu,+ at ang 70 sa matatandang lalaki ng Israel, at yumukod kayo kay Jehova mula sa malayo. 2 Si Moises lang ang lalapit kay Jehova; hindi dapat lumapit ang iba, at ang bayan ay hindi dapat umakyat kasama niya.”+
3 Pagkatapos, dumating si Moises at sinabi sa bayan ang lahat ng sinabi ni Jehova at ang lahat ng batas,*+ at sumagot ang buong bayan: “Handa naming gawin ang lahat ng sinabi ni Jehova.”+ 4 At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ni Jehova.+ Kinabukasan, bumangon siya nang maaga at nagtayo sa paanan ng bundok ng isang altar at ng 12 haligi na kumakatawan sa 12 tribo ng Israel. 5 Pagkatapos, nagsugo siya ng mga kabataang lalaking Israelita, at naghain sila ng mga handog na sinusunog at ng mga toro* bilang haing pansalo-salo+ para kay Jehova. 6 At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay iyon sa mga mangkok, at ang isa pang kalahati ng dugo ay iwinisik niya sa ibabaw ng altar. 7 Pagkatapos, kinuha niya ang aklat ng tipan at binasa iyon nang malakas sa bayan.+ At sinabi nila: “Handa naming gawin ang lahat ng sinabi ni Jehova, at magiging masunurin kami.”+ 8 Kaya kinuha ni Moises ang dugo at iwinisik iyon sa bayan+ at sinabi: “Ang dugong ito ang nagbibigay ng bisa sa pakikipagtipan sa inyo ni Jehova ayon sa lahat ng bagay na narinig ninyo.”+
9 Umakyat sina Moises at Aaron, Nadab at Abihu, at ang 70 sa matatandang lalaki ng Israel, 10 at nakita nila ang Diyos ng Israel.+ Parang sahig na yari sa batong safiro ang nasa ilalim ng mga paa niya, at kasing-aliwalas* ito ng langit.+ 11 Hindi niya sinaktan ang mga prominenteng lalaki sa Israel,+ at nakita nila ang tunay na Diyos sa isang pangitain at kumain sila at uminom.
12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Pumunta ka sa akin sa bundok at manatili ka roon. Ibibigay ko sa iyo ang mga tapyas ng bato kung saan ko isusulat ang kautusan at batas na magtuturo sa kanila.”+ 13 Kaya kumilos si Moises at ang lingkod niyang si Josue,+ at umakyat si Moises sa bundok ng tunay na Diyos.+ 14 Pero sinabi niya sa matatandang lalaki: “Maghintay kayo rito hanggang sa makabalik kami.+ Kasama ninyo sina Aaron at Hur.+ Ang sinumang may kaso* ay puwedeng lumapit sa kanila.”+ 15 At umakyat si Moises sa bundok habang natatakpan ito ng ulap.+
16 Nanatili sa Bundok Sinai ang kaluwalhatian ni Jehova,+ at tinakpan ito ng ulap sa loob ng anim na araw. Noong ikapitong araw, si Moises ay tinawag ng Diyos mula sa gitna ng ulap. 17 Para sa nakatinging mga Israelita, ang kaluwalhatian ni Jehova ay tulad ng lumalagablab na apoy sa tuktok ng bundok. 18 At pumasok si Moises sa ulap at umakyat sa bundok.+ Nanatili si Moises sa bundok nang 40 araw at 40 gabi.+
25 At sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Sabihin mo sa bayang Israel na lumikom ng abuloy para sa akin; lumikom kayo mula sa bawat tao na naudyukan ng puso niya na magbigay.+ 3 Ito ang abuloy na tatanggapin ninyo mula sa kanila: ginto,+ pilak,+ tanso,+ 4 asul na sinulid, purpurang lana,* matingkad-na-pulang sinulid,* magandang klase ng lino, balahibo ng kambing, 5 balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, balat ng poka,* kahoy ng akasya,+ 6 langis para sa ilawan,+ balsamong gagamitin sa langis para sa pag-aatas+ at sa mabangong insenso,+ 7 at batong onix at iba pang bato na ilalagay sa epod*+ at pektoral.*+ 8 Gagawa kayo ng isang santuwaryo para sa akin, at maninirahan* akong kasama ninyo.+ 9 Gagawin ninyo iyon, ang tabernakulo at ang lahat ng kagamitan dito, ayon sa mismong parisan* na ipapakita ko sa iyo.+
10 “Gagawa kayo ng isang kaban na yari sa kahoy ng akasya—dalawa at kalahating siko* ang haba, isa at kalahating siko ang lapad, at isa at kalahating siko ang taas.+ 11 Babalutan mo iyon ng purong ginto.+ Babalutan mo iyon sa loob at labas, at papalibutan mo ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito.+ 12 Maghuhulma ka ng apat na gintong argolya* para dito at ikakabit mo ang mga iyon sa itaas ng apat na paa nito, dalawang argolya sa isang panig at dalawa sa kabila. 13 Gagawa ka ng mga pingga* na yari sa kahoy ng akasya at babalutan mo ng ginto ang mga iyon.+ 14 Ipapasok mo ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga gilid ng Kaban para mabuhat ang Kaban. 15 Ang mga pingga ay mananatiling nakapasok sa mga argolya ng Kaban; hindi aalisin doon ang mga iyon.+ 16 Ipapasok mo sa Kaban ang Patotoo na ibibigay ko sa iyo.+
17 “Gagawa ka ng pantakip na purong ginto—dalawa at kalahating siko ang haba at isa at kalahating siko ang lapad.+ 18 Gagawa ka ng dalawang kerubin na yari sa pinukpok na ginto at ilalagay mo ang mga iyon sa magkabilang dulo ng pantakip.+ 19 Gawin mo ang mga kerubin at maglagay ka ng isa sa bawat dulo ng pantakip. 20 Nakaunat paitaas ang dalawang pakpak ng mga kerubin, at natatakpan ng mga pakpak nila ang pantakip;+ nakaharap sila sa isa’t isa. Ang mga kerubin ay nakayuko sa pantakip. 21 Ilalagay mo ang pantakip+ sa ibabaw ng Kaban, at ipapasok mo sa Kaban ang Patotoo na ibibigay ko sa iyo. 22 Magpapakita ako roon sa iyo at makikipag-usap ako sa iyo mula sa ibabaw ng pantakip.+ Mula sa pagitan ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng kaban ng Patotoo, ipaaalam ko sa iyo ang lahat ng utos na sasabihin mo sa mga Israelita.
23 “Gagawa ka rin ng isang mesa+ na yari sa kahoy ng akasya—dalawang siko ang haba, isang siko ang lapad, at isa at kalahating siko ang taas.+ 24 Babalutan mo iyon ng purong ginto at papalibutan ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito. 25 Gagawa ka para sa palibot nito ng isang panggilid na sinlapad-ng-kamay,* at lalagyan mo ng gintong dekorasyon ang palibot ng panggilid. 26 Igagawa mo iyon ng apat na gintong argolya, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na kanto kung saan nakakabit ang apat na paa. 27 Dapat na malapit sa panggilid ang mga argolya na pagsusuotan ng mga pingga na pambuhat sa mesa. 28 Gagawa ka ng mga pingga na yari sa kahoy ng akasya, at babalutan mo ng ginto ang mga iyon at bubuhatin ang mesa sa pamamagitan ng mga iyon.
29 “Gagawa ka rin para dito ng mga pinggan at kopa at ng mga pitsel at mangkok na gagamitin para ibuhos ang mga handog na inumin. Purong ginto ang gagamitin mo sa paggawa ng mga iyon.+ 30 At lagi kang maglalagay ng tinapay na pantanghal sa ibabaw ng mesa sa harap ko.+
31 “Gagawa ka ng kandelero+ na yari sa purong ginto. Pinukpok na ginto ang gagamitin mo sa paggawa nito. Ito ay dapat na isang buong piraso na may paanan, pinakakatawan, mga sanga, mga kalis,* mga buko,* at mga bulaklak.+ 32 At may anim na sanga sa magkabilang panig ng kandelero, tatlong sanga sa isang panig nito at tatlong sanga sa kabila. 33 Ang bawat sanga sa isang panig ay may tatlong kalis na kahugis ng bulaklak ng almendras, at ang bawat kalis ay sinasalitan ng buko at bulaklak. Ganiyan din ang bawat sanga sa kabilang panig. Ganito dapat ang hitsura ng anim na sanga ng kandelero. 34 Ang pinakakatawan ng kandelero ay may apat na kalis na kahugis ng bulaklak ng almendras, at ang bawat kalis ay sinasalitan ng buko at bulaklak. 35 May buko sa ilalim ng unang dalawang sanga na nasa pinakakatawan. May buko rin sa ilalim ng sumunod na dalawang sanga at sa ilalim ng sumunod pang dalawang sanga. Ito ang magiging puwesto ng anim na sanga sa pinakakatawan. 36 Ang mga buko, mga sanga, at ang buong kandelero ay dapat na isang buong piraso ng pinukpok na purong ginto.+ 37 Gagawa ka ng pitong ilawan para dito, at kapag may sindi ang mga ilawan, paliliwanagin ng mga ito ang lugar sa harap nito.+ 38 Ang mga pang-ipit ng mitsa* nito at mga lalagyan ng baga* nito ay purong ginto.+ 39 Gagawin ito, pati na ang mga kagamitang ito, gamit ang isang talento* ng purong ginto. 40 Tiyakin mong gagawin mo ang mga iyon ayon sa parisan* na ipinakita sa iyo sa bundok.+
26 “Gagawin mo ang tabernakulo+ na may 10 telang pantolda na hinabi gamit ang magandang klase ng pinilipit na lino, asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid. Buburdahan mo ng mga kerubin+ ang mga iyon.+ 2 Ang bawat telang pantolda ay may haba na 28 siko* at lapad na 4 na siko. Iisa ang sukat para sa lahat ng telang pantolda.+ 3 Ang limang telang pantolda ay pagdurugtong-dugtungin para makabuo ng isang malaking telang pantolda, at iyon din ang gagawin sa lima pang telang pantolda. 4 Lalagyan mo ng mga kawitan na yari sa asul na sinulid ang isang gilid ng bawat malaking telang pantolda, kung saan pagdurugtungin ang mga ito. 5 Lalagyan mo ng 50 kawitan ang isang gilid ng bawat malaking telang pantolda kung saan pagdurugtungin ang mga ito, at dapat na magkakatapat ang mga kawitan. 6 Gagawa ka ng 50 gintong pangawit at pagdurugtungin mo ang malalaking telang pantolda gamit ang mga pangawit, at iyon ay magiging isang buong telang pantolda para sa tabernakulo.+
7 “Gagawa ka rin ng mga telang yari sa balahibo ng kambing+ para gawing tolda* sa ibabaw ng tabernakulo. Gagawa ka ng 11 telang pantolda.+ 8 Ang bawat telang pantolda ay may haba na 30 siko at lapad na 4 na siko. Iisa ang sukat para sa 11 telang pantolda. 9 Pagdurugtong-dugtungin mo ang limang telang pantolda, at iyon din ang gagawin mo sa anim pang telang pantolda, at itutupi mo ang ikaanim na telang pantolda na nasa harap ng tolda. 10 At lalagyan mo ng 50 kawitan ang gilid ng isang telang pantolda, ang pinakadulo sa nabuong malaking telang pantolda; lalagyan mo rin ng 50 kawitan ang gilid ng isa pang malaking telang pantolda, kung saan pagdurugtungin ang malalaking telang pantolda. 11 Gagawa ka ng 50 tansong pangawit at ilalagay mo ang mga pangawit sa mga kawitan at pagdurugtungin mo ang malalaking telang pantolda, at iyon ay magiging isang buo. 12 Ang sobra sa telang pantoldang ito ay hahayaang nakalaylay. Ang dalawang-sikong sobrang telang pantolda* ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo. 13 Ang sobra sa haba ng telang pantolda ay lalaylay nang isang siko sa magkabilang panig ng tabernakulo para matakpan ito.
14 “Gagawa ka rin para sa tolda ng isang pantakip na yari sa balat ng lalaking tupa na tinina sa pula at para sa ibabaw nito ay ng isang pantakip na yari sa balat ng poka.*+
15 “Gagawa ka para sa tabernakulo ng patayong mga hamba+ na yari sa kahoy ng akasya.+ 16 Ang bawat hamba ay may taas na 10 siko at lapad na isa at kalahating siko. 17 Ang bawat hamba ay may dalawang nakausling bahagi* na magkatapat. Gayon mo gagawin ang lahat ng hamba ng tabernakulo. 18 Gagawa ka ng 20 hamba para sa timugang bahagi ng tabernakulo.
19 “Gagawa ka ng 40 may-butas na patungang+ yari sa pilak na ilalagay sa ilalim ng 20 hamba. Dalawang may-butas na patungan ang ilalagay sa ilalim ng bawat hamba para sa dalawang nakausling bahagi nito.+ 20 Para sa kabilang panig ng tabernakulo, sa hilagang bahagi, gumawa ka ng 20 hamba 21 at 40 may-butas na patungan nito na yari sa pilak. Dalawang may-butas na patungan ang ilalagay sa ilalim ng bawat hamba. 22 Para sa likuran ng tabernakulo sa gawing kanluran, gagawa ka ng anim na hamba.+ 23 Gagawa ka ng dalawang hamba na magsisilbing dalawang panulok na poste sa likuran ng tabernakulo. 24 Ang bawat isa sa dalawang hambang ito ay binubuo ng dalawang piraso ng kahoy mula ibaba hanggang itaas, kung saan pagdurugtungin ang mga ito sa unang argolya.* Ganito ang gagawin sa dalawang hamba, at ang dalawang ito ang magsisilbing panulok na poste. 25 At magkakaroon ng walong hamba at 16 na may-butas na patungang yari sa pilak. Dalawang may-butas na patungan ang ilalagay sa ilalim ng bawat hamba.
26 “Gagawa ka ng mga barakilan* na yari sa kahoy ng akasya, lima para sa mga hamba sa isang panig ng tabernakulo+ 27 at limang barakilan para sa mga hamba sa kabilang panig ng tabernakulo at limang barakilan para sa mga hamba sa kanlurang bahagi ng tabernakulo, ang likuran nito. 28 Ang panggitnang barakilan na ilalagay sa gitnang bahagi ng mga hamba ay dapat na umabot sa magkabilang dulo.
29 “Babalutan mo ng ginto ang mga hamba,+ at gagawin mo ang mga gintong argolya nito na pagsusuotan ng mga barakilan, at babalutan mo ng ginto ang mga barakilan. 30 Itatayo mo ang tabernakulo ayon sa plano nito na ipinakita sa iyo sa bundok.+
31 “Gagawa ka ng isang kurtinang+ hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino. Buburdahan mo iyon ng mga kerubin. 32 Isasabit mo iyon sa apat na haliging yari sa akasya at binalutan ng ginto. Ang mga kawit nito ay dapat na yari sa ginto. Ang mga haligi ay ipapatong sa apat na may-butas na patungang yari sa pilak. 33 Isasabit mo ang kurtina sa ilalim ng mga pangawit at dadalhin mo ang kaban ng Patotoo+ sa loob ng kurtina. Ang kurtina ang magsisilbing dibisyon ng Banal+ at ng Kabanal-banalan.+ 34 Ilalagay mo ang pantakip sa ibabaw ng kaban ng Patotoo na nasa Kabanal-banalan.
35 “Ilalagay mo sa labas ng kurtina ang mesa, at sa tapat nito ay ilalagay mo ang kandelero+ sa timugang bahagi ng tabernakulo; at ang mesa ay ilalagay mo sa hilagang bahagi. 36 Gagawa ka ng isang pantabing* para sa pasukan ng tolda na hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino.+ 37 Gagawa ka para sa pantabing* ng limang haligi na yari sa akasya at binalutan ng ginto. Ang mga kawit nito ay dapat na yari sa ginto, at maghuhulma ka para sa mga iyon ng limang may-butas na patungang yari sa tanso.
27 “Gagawa ka ng altar na yari sa kahoy ng akasya;+ limang siko* ang haba at limang siko ang lapad nito. Ang altar ay dapat na parisukat at tatlong siko ang taas.+ 2 Gagawa ka ng mga sungay+ sa tuktok ng apat na kanto nito; ang mga sungay at ang altar ay gagawin mo nang walang dugtong, at babalutan mo ng tanso ang altar.+ 3 Gagawa ka ng mga timba para sa pag-aalis ng abo* nito, pati ng mga pala, mangkok, tinidor, at lalagyan ng baga,* at ang lahat ng kagamitan nito ay gagawin mong yari sa tanso.+ 4 Gagawa ka para sa altar ng isang parilya* na yari sa tanso, at lalagyan mo ito ng apat na argolyang* tanso sa apat na kanto nito. 5 Ilalagay mo iyon sa bandang gitna ng altar, sa ilalim ng panggilid na nakapalibot dito. 6 Gagawa ka para sa altar ng mga pingga* na yari sa kahoy ng akasya, at babalutan mo ng tanso ang mga iyon. 7 Ang mga pingga ay ipapasok sa mga argolya, kaya nasa dalawang gilid ng altar ang mga pingga kapag binubuhat iyon.+ 8 Gagawin mo ang altar na gaya ng isang kahon na yari sa mga tabla. Dapat itong gawin gaya ng ipinakita Niya sa iyo sa bundok.+
9 “Gagawa ka ng looban+ para sa tabernakulo. Para sa timugang bahagi, ang panig na iyon ng looban ay lalagyan ng nakasabit na tabing na gawa sa magandang klase ng pinilipit na lino na 100 siko ang haba.+ 10 Magkakaroon ito ng 20 haligi at 20 may-butas na patungang yari sa tanso. Ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak. 11 Ang haba ng nakasabit na tabing para sa hilagang bahagi ay 100 siko rin; mayroon din itong 20 haligi at 20 may-butas na patungang yari sa tanso, pati mga pilak na kawit at pandugtong* para sa mga haligi. 12 Ang haba ng nakasabit na tabing sa kanlurang bahagi ng looban ay 50 siko; mayroon itong 10 haligi at 10 may-butas na patungan. 13 Ang lapad ng silangang bahagi ng looban na nakaharap sa sikatan ng araw ay 50 siko. 14 Ang nakasabit na tabing sa isang panig nito ay 15 siko; mayroon itong tatlong haligi at tatlong may-butas na patungan.+ 15 At ang nakasabit na tabing sa kabilang panig nito ay 15 siko; mayroon itong tatlong haligi at tatlong may-butas na patungan.
16 “Ang pasukan ng looban ay dapat lagyan ng pantabing* na 20 siko ang haba, na hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino;+ mayroon itong apat na haligi at apat na may-butas na patungan.+ 17 Ang lahat ng haligi na nakapalibot sa looban ay may mga pangkabit at kawit na yari sa pilak, pero ang may-butas na mga patungan ng mga ito ay yari sa tanso.+ 18 Ang looban ay may haba na 100 siko,+ lapad na 50 siko, at taas na 5 siko, at yari sa magandang klase ng pinilipit na lino, at mayroon itong may-butas na mga patungang yari sa tanso. 19 Dapat na yari sa tanso ang lahat ng kagamitan para sa paglilingkod sa tabernakulo, pati na ang mga tulos na pantolda nito at lahat ng tulos sa looban.+
20 “Uutusan mo ang mga Israelita na magdala sa iyo ng purong langis mula sa napigang olibo para sa mga ilawan nang hindi mamatay ang apoy ng mga ito.+ 21 Sa tolda ng pagpupulong, sa labas ng kurtina na malapit sa Patotoo,+ titiyakin ni Aaron at ng mga anak niya na laging may sindi ang mga ilawan mula gabi hanggang umaga sa harap ni Jehova.+ Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa lahat ng henerasyon nila na isasagawa ng mga Israelita.+
28 “Ipatawag mo mula sa mga Israelita ang kapatid mong si Aaron, kasama ang mga anak niya, para makapaglingkod siya sa akin bilang saserdote+—si Aaron+ at ang mga anak niyang sina Nadab at Abihu,+ Eleazar at Itamar.+ 2 Gagawa ka para sa kapatid mong si Aaron ng banal na kasuotan, para sa kaluwalhatian at karingalan.*+ 3 Kakausapin mo ang lahat ng bihasa* na binigyan ko ng karunungan,*+ at gagawin nila ang kasuotan ni Aaron para sa pagpapabanal sa kaniya, nang sa gayon ay makapaglingkod siya sa akin bilang saserdote.
4 “Ito ang kasuotan na gagawin nila: isang pektoral,*+ epod,*+ walang-manggas na damit,+ mahabang damit na may disenyong pari-parisukat, espesyal na turbante,+ at pamigkis;+ gagawin nila ang banal na kasuotang ito para sa kapatid mong si Aaron at sa mga anak niya, nang sa gayon ay makapaglingkod sila sa akin bilang saserdote. 5 Ang mga bihasang manggagawa ay gagamit ng ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng lino.
6 “Ang epod ay gagawin nilang yari sa ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino, at dapat itong burdahan.+ 7 Mayroon itong dalawang tela sa bandang balikat na magdurugtong sa dalawang bahagi ng epod. 8 Ang hinabing sinturon,+ na nakakabit sa epod at magsisilbing panali nito, ay dapat na gawa sa mga materyales na ginamit sa epod: ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino.
9 “Kukuha ka ng dalawang batong onix,+ at iuukit mo sa mga iyon ang pangalan ng mga anak ni Israel,+ 10 anim na pangalan sa isang bato at ang natitirang anim na pangalan sa isa pang bato, ayon sa kapanganakan nila. 11 Isang mang-uukit ng bato ang mag-uukit ng pangalan ng mga anak ni Israel sa dalawang bato, gaya ng pag-ukit niya sa isang pantatak.+ Pagkatapos, ikakabit mo ang mga ito sa lalagyang* ginto. 12 Ilalagay mo ang dalawang bato sa ibabaw ng mga pahabang tela sa balikat ng epod na magsisilbing alaala* para sa mga anak ni Israel,+ at dadalhin ni Aaron ang mga pangalan nila sa harap ni Jehova sa ibabaw ng dalawang pahabang tela sa balikat niya para magsilbing alaala. 13 Gagawa ka ng mga lalagyang* ginto 14 at dalawang tali na yari sa purong ginto at pinilipit na tulad ng lubid,+ at ikakabit mo ang tulad-lubid na mga tali sa mga lalagyang* ginto.+
15 “Ipagagawa mo sa isang burdador ang pektoral ng paghatol.+ Dapat itong gawin na gaya ng epod, na yari sa ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino.+ 16 Ito ay dapat na maging parisukat kapag itiniklop, isang dangkal* ang haba at isang dangkal ang lapad. 17 Lalagyan mo iyon ng mga bato,* apat na hanay ng mga bato. Ang nasa unang hanay ay rubi, topacio, at esmeralda. 18 Ang nasa ikalawang hanay ay turkesa, safiro, at jaspe. 19 Ang nasa ikatlong hanay ay batong lesem,* agata, at amatista. 20 Ang nasa ikaapat na hanay ay crisolito, onix, at jade. Ikakabit ang mga ito sa mga lalagyang* ginto. 21 Ang mga bato ay magiging katumbas ng mga pangalan ng 12 anak ni Israel. Ang bawat isa ay uukitan na gaya ng pantatak; ang bawat pangalan ay kumakatawan sa isa sa 12 tribo.
22 “Gagawa ka para sa pektoral ng mga tali na yari sa purong ginto at pinilipit na tulad ng lubid.+ 23 Gagawa ka ng dalawang gintong argolya* para sa pektoral, at ikakabit mo ang dalawang argolya sa magkabilang dulo ng pektoral.* 24 Ipapasok mo ang dalawang gintong tali sa dalawang argolya na nasa mga dulo ng pektoral. 25 Ipapasok mo ang dalawang dulo ng dalawang tali sa dalawang lalagyan,* at ikakabit mo ang mga iyon sa pahabang mga tela sa balikat ng epod, sa bandang harap nito. 26 Gagawa ka ng dalawang gintong argolya, at ilalagay mo ang mga ito sa magkabilang dulo sa ibaba ng pektoral, sa bandang loob, na nakaharap sa epod.+ 27 Gagawa ka ng dalawa pang gintong argolya para sa harap ng epod, sa ibaba ng dalawang pahabang tela sa balikat, malapit sa pinagdurugtungan ng epod, sa itaas ng hinabing sinturon ng epod.+ 28 Para manatili sa puwesto ang pektoral na nasa ibabaw ng epod at itaas ng hinabing sinturon, gagamit ka ng asul na panali na magdurugtong sa mga argolya ng pektoral at mga argolya ng epod.
29 “Kapag pumapasok si Aaron sa banal na lugar,* dadalhin niya ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng paghatol, na nasa tapat ng puso niya, bilang palagiang alaala sa harap ni Jehova. 30 Ilalagay mo ang Urim at Tumim*+ sa pektoral ng paghatol, at ang mga iyon ay dapat na nasa tapat ng puso ni Aaron kapag pumapasok siya para humarap kay Jehova, at dapat na laging dala ni Aaron sa tapat ng puso niya ang ginagamit sa paghatol sa mga Israelita kapag humaharap siya kay Jehova.
31 “Asul na sinulid lang ang gagamitin mo para sa walang-manggas na damit ng epod.+ 32 Lalagyan ito ng butas sa gitna ng itaas na bahagi.* Ang palibot ng butas nito ay hahabihan ng isang manggagawa sa habihan. Dapat na katulad ito ng butas ng isang kutamaya* para hindi ito mapunit. 33 Gagawa ka para sa palibot ng laylayan nito ng mga granada* na yari sa asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid, pati ng mga gintong kampanilya na ilalagay sa pagitan ng mga ito. 34 Pagsasalitin mo ang isang gintong kampanilya at isang granada, isang gintong kampanilya at isang granada, sa palibot ng laylayan ng walang-manggas na damit. 35 Dapat itong isuot ni Aaron habang naglilingkod siya, at maririnig ang tunog nito kapag pumapasok siya sa santuwaryo sa harap ni Jehova at kapag lumalabas siya, para hindi siya mamatay.+
36 “Gagawa ka ng isang makintab na lamina na yari sa purong ginto, at gaya ng pag-ukit sa isang pantatak ay iuukit mo roon: ‘Ang kabanalan ay kay Jehova.’+ 37 Dapat mong ikabit iyon sa espesyal na turbante+ gamit ang isang asul na tali; hindi ito dapat maalis sa harap ng espesyal na turbante. 38 Ilalagay ito sa noo ni Aaron, at si Aaron ang mananagot kapag nakagawa ng kasalanan ang isang tao laban sa mga banal na bagay,+ na pinababanal ng mga Israelita kapag inihahandog nila ang mga ito bilang mga banal na kaloob. Dapat itong manatili sa noo niya para sang-ayunan sila ni Jehova.
39 “Maghahabi ka ng mahabang damit na may disenyong pari-parisukat at yari sa magandang klase ng lino, gagawa ka ng espesyal na turbante na yari sa magandang klase ng lino, at gagawa ka ng hinabing pamigkis.+
40 “Gagawa ka rin para sa mga anak ni Aaron ng mahahabang damit, mga pamigkis, at mga turbante,+ para sa kaluwalhatian at karingalan.*+ 41 Isusuot mo ang mga iyon sa kapatid mong si Aaron at sa mga anak niya, at papahiran* mo sila ng langis,+ aatasan,*+ at pababanalin, at maglilingkod sila sa akin bilang mga saserdote. 42 Gumawa ka rin para sa kanila ng mga panloob* na lino para matakpan ang kanilang kahubaran.*+ Ang haba ng mga ito ay mula balakang hanggang hita. 43 Ang mga iyon ay dapat isuot ni Aaron at ng mga anak niya kapag pumapasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sa altar para maglingkod sa banal na lugar, nang sa gayon ay hindi sila magkasala at mamatay. Mananatili ang batas na ito na kailangan niyang sundin at ng lahat ng supling* niya.
29 “Ito ang gagawin mo para mapabanal sila at makapaglingkod sa akin bilang mga saserdote: Kumuha ka ng isang batang toro,* dalawang lalaking tupa na walang depekto,+ 2 tinapay na walang pampaalsa, hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa at hinaluan ng langis, at maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis.+ Magandang klase ng harinang trigo ang gagamitin mo sa paggawa ng mga iyon, 3 at ilalagay mo ang mga iyon sa isang basket at dadalhin sa akin nang nasa basket,+ kasama ng toro at dalawang lalaking tupa.
4 “Dadalhin mo si Aaron at ang mga anak niya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong,+ at utusan mo silang maligo.*+ 5 Pagkatapos, kukunin mo ang mga kasuotan+ at isusuot mo kay Aaron ang mahabang damit, walang-manggas na damit ng epod, epod,* at pektoral,* at itatali mo nang mahigpit sa baywang niya ang hinabing sinturon.+ 6 Ilalagay mo sa ulo niya ang espesyal na turbante, at ilalagay mo sa espesyal na turbante ang banal na tanda ng pag-aalay;*+ 7 at kukunin mo ang langis para sa pag-aatas,+ at ibubuhos mo iyon sa ulo niya para atasan* siya.+
8 “Pagkatapos, ihaharap mo sa akin ang mga anak niya, at isusuot mo sa kanila ang mahahabang damit+ 9 at itatali sa kanila ang mga pamigkis, kay Aaron at sa mga anak niya, at ilalagay mo ang mga turbante nila; at ang pagkasaserdote ay mapapasakanila, at mananatili ang batas na ito.+ Sa ganitong paraan mo aatasan si Aaron at ang mga anak niya bilang mga saserdote.*+
10 “At dadalhin mo ang toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng toro.+ 11 Patayin mo ang toro sa harap ni Jehova, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 12 Isawsaw mo ang daliri mo sa dugo ng toro at ipahid iyon sa mga sungay ng altar,+ at ibuhos mo sa paanan ng altar ang natirang dugo.+ 13 Pagkatapos, kunin mo ang lahat ng taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lamad* ng atay, at ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at sunugin mo ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok.+ 14 Pero ang karne, balat, at dumi ng toro ay susunugin mo sa labas ng kampo. Iyon ay handog para sa kasalanan.
15 “Pagkatapos, kunin mo ang isang lalaking tupa, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng lalaking tupa.+ 16 Patayin mo ang lalaking tupa, kunin ang dugo nito, at iwisik sa lahat ng panig ng altar.+ 17 Pagputol-putulin mo ang lalaking tupa, hugasan ang mga bituka+ at mga binti nito, at ayusin ang mga piraso pati ang ulo nito. 18 Dapat mong sunugin ang buong lalaking tupa para pumailanlang mula sa altar ang usok. Iyon ay handog na sinusunog para kay Jehova, isang nakagiginhawang amoy.+ Iyon ay handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.
19 “Pagkatapos, kunin mo ang isa pang lalaking tupa, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng lalaking tupa.+ 20 Patayin mo ang lalaking tupa at kumuha ka ng dugo nito at ilagay mo iyon sa pingol* ng kanang tainga ni Aaron, sa pingol ng kanang tainga ng mga anak niya, sa hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa hinlalaki ng kanang paa nila, at iwisik mo ang dugo sa lahat ng panig ng altar. 21 At kumuha ka ng dugo na nasa altar at ng langis para sa pag-aatas+ at patuluan mo ng mga ito si Aaron at ang mga kasuotan niya at ang mga anak niya at ang mga kasuotan nila, para siya at ang mga kasuotan niya, gayundin ang mga anak niya at ang mga kasuotan nila, ay maging banal.+
22 “At kunin mo sa lalaking tupa ang taba, matabang buntot, taba na nakapalibot sa mga bituka, lamad ng atay, dalawang bato at ang taba ng mga ito,+ at ang kanang binti, dahil iyon ay isang lalaking tupa para sa pag-aatas.+ 23 At mula sa basket ng tinapay na walang pampaalsa na nasa harap ni Jehova, kumuha ka ng tinapay na bilog, hugis-singsing na tinapay na may langis, at manipis na tinapay. 24 Ilagay mo ang lahat ng iyon sa mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya, at igalaw mo ang mga iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova. 25 Pagkatapos, kunin mo ang mga iyon sa mga kamay nila at sunugin mo sa altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog bilang nakagiginhawang amoy sa harap ni Jehova. Iyon ay handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.
26 “At kunin mo ang dibdib ng lalaking tupa para sa pag-aatas,+ na inihandog para kay Aaron, at igalaw mo iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova, at iyon ang magiging bahagi mo. 27 Pababanalin mo ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi na iginalaw at kinuha mula sa lalaking tupa para sa pag-aatas,+ mula sa inihandog para kay Aaron at sa mga anak niya. 28 Ito ay magiging kay Aaron at sa mga anak niya dahil ito ay banal na bahagi, at mananatili ang tuntuning ito na kailangang sundin ng mga Israelita, at ito ay magiging banal na bahagi na ibibigay ng mga Israelita.+ Ito ang banal na bahagi nila para kay Jehova na ibubukod nila mula sa kanilang mga haing pansalo-salo.+
29 “Ang banal na kasuotan+ ni Aaron ay gagamitin ng mga anak niya+ na hahalili sa kaniya kapag pinahiran sila ng langis at inatasan bilang mga saserdote. 30 Ang mga iyon ay pitong araw na isusuot ng anak niyang saserdote na hahalili sa kaniya at papasok sa tolda ng pagpupulong para maglingkod sa banal na lugar.+
31 “Kukunin mo ang lalaking tupa para sa pag-aatas, at pakukuluan mo ang karne nito sa isang banal na lugar.+ 32 Ang karne ng lalaking tupa at ang tinapay na nasa basket ay kakainin ni Aaron at ng mga anak niya+ sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 33 Kakainin nila ang mga bagay na ipinambayad-sala para maatasan sila bilang mga saserdote* at mapabanal sila. Pero walang ibang* puwedeng kumain ng mga iyon, dahil banal ang mga iyon.+ 34 Kung sa umaga ay may matirang karne ng hain para sa pag-aatas at tinapay, susunugin mo iyon.+ Hindi iyon dapat kainin, dahil banal iyon.
35 “Ganito ang gagawin mo kay Aaron at sa mga anak niya, ayon sa lahat ng iniutos ko sa iyo. Gugugol ka ng pitong araw sa pag-aatas sa kanila bilang mga saserdote.*+ 36 Araw-araw mong ihahandog bilang pambayad-sala ang toro na handog para sa kasalanan, at dadalisayin* mo ang altar mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad-sala para dito, at papahiran mo ng langis ang altar para mapabanal ito.+ 37 Gugugol ka ng pitong araw sa pagbabayad-sala para sa altar, at pababanalin mo iyon para iyon ay maging isang kabanal-banalang altar.+ Dapat na banal ang sinumang hihipo sa altar.
38 “Ito ang ihahandog mo sa ibabaw ng altar: dalawang isang-taóng-gulang na lalaking tupa araw-araw, nang walang palya.+ 39 Ihandog mo ang isang batang lalaking tupa sa umaga at ang isa pa sa takipsilim.*+ 40 Isasama sa unang batang lalaking tupa ang ikasampung bahagi ng isang takal na epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo, gayundin ang handog na inumin na sangkapat na hin ng alak. 41 Ihahandog mo ang ikalawang batang lalaking tupa sa takipsilim,* kasama ang handog na mga butil at inumin na katulad ng inihahandog sa umaga. Iaalay mo iyon bilang isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, isang nakagiginhawang amoy. 42 Sa lahat ng inyong henerasyon, regular itong ihahain bilang handog na sinusunog sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harap ni Jehova, kung saan ako magpapakita sa inyo para makipag-usap sa iyo.+
43 “Magpapakita ako roon sa mga Israelita, at mapababanal iyon ng kaluwalhatian ko.+ 44 Pababanalin ko ang tolda ng pagpupulong at ang altar, at pababanalin ko si Aaron at ang mga anak niya+ para makapaglingkod sila sa akin bilang mga saserdote. 45 Maninirahan* akong kasama ng bayang Israel, at ako ang magiging Diyos nila.+ 46 At tiyak na malalaman nilang ako ang Diyos nilang si Jehova, na naglabas sa kanila sa Ehipto para makapanirahan akong kasama nila.+ Ako ang Diyos nilang si Jehova.
30 “Gagawa ka ng isang altar na pagsusunugan ng insenso;+ gagawin mo iyon mula sa kahoy ng akasya.+ 2 Iyon ay dapat na parisukat, isang siko* ang haba, isang siko ang lapad, at dalawang siko ang taas. Ang mga sungay at ang altar ay walang dugtong.+ 3 Babalutan mo iyon ng purong ginto: ang pinakaibabaw, ang lahat ng panig, at ang mga sungay nito; at papalibutan mo ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito. 4 Gagawa ka rin para dito ng dalawang gintong argolya* sa ibaba ng gintong dekorasyon nito sa magkabilang panig, at sa mga iyon mo ipapasok ang mga pingga* na ipambubuhat sa altar. 5 Gagawa ka ng mga pingga na yari sa kahoy ng akasya at babalutan mo ng ginto ang mga iyon. 6 Ilalagay mo ang altar sa harap ng kurtina na malapit sa kaban ng Patotoo+ at sa pantakip nito, kung saan ako magpapakita sa iyo.+
7 “Magsusunog dito si Aaron+ ng mabangong insenso+ para umusok ito sa ibabaw ng altar+ kapag inihahanda niya ang mga ilawan+ tuwing umaga. 8 Gayundin, magsusunog si Aaron ng insenso kapag sinisindihan niya ang mga ilawan sa takipsilim.* Regular na ihahandog ang insensong ito sa harap ni Jehova sa lahat ng henerasyon ninyo. 9 Huwag kayong maghahandog sa ibabaw nito ng ipinagbabawal na insenso,+ handog na sinusunog, o handog na mga butil, at huwag kayong magbubuhos ng handog na inumin sa ibabaw nito. 10 Dapat magbayad-sala si Aaron sa mga sungay nito nang minsan sa isang taon.+ Gamit ang kaunting dugo ng handog para sa kasalanan,+ magbabayad-sala siya para sa altar minsan sa isang taon sa lahat ng henerasyon ninyo. Ito ay napakabanal para kay Jehova.”
11 At sinabi ni Jehova kay Moises: 12 “Sa tuwing magsasagawa ka ng sensus at bibilangin mo ang mga lalaking Israelita,+ ang bawat isa ay dapat magbigay kay Jehova ng pantubos para sa buhay niya sa panahon ng sensus. Kailangan ito para walang salot na dumating sa kanila kapag nairehistro sila. 13 Ito ang ibibigay ng lahat ng nairehistro: kalahating siklo* ayon sa siklo ng banal na lugar.*+ Ang 20 gerah* ay katumbas ng isang siklo. Ang kalahating siklo ay ang abuloy para kay Jehova.+ 14 Ang lahat ng nairehistrong 20 taóng gulang pataas ay magbibigay ng abuloy kay Jehova.+ 15 Ang mayaman ay hindi dapat magbigay ng higit at ang mahirap ay hindi dapat magbigay ng kulang sa kalahating siklo* na abuloy kay Jehova para matubos ang* inyong buhay. 16 Kukunin mo sa mga Israelita ang ipantutubos* na perang pilak at ibibigay mo iyon bilang suporta sa paglilingkod sa tolda ng pagpupulong, at iyon ay magsisilbing alaala sa harap ni Jehova para sa mga Israelita, para matubos ang* inyong buhay.”
17 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 18 “Gumawa ka ng tansong tipunan ng tubig para sa paghuhugas at ng patungan nito;+ at ilagay mo iyon sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at lagyan mo iyon ng tubig.+ 19 Doon maghuhugas ng mga kamay at paa si Aaron at ang mga anak niya.+ 20 Kapag pumapasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sila sa altar para maglingkod at maghain ng handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, maghuhugas sila sa tubig para hindi sila mamatay. 21 Dapat silang maghugas ng kanilang mga kamay at paa para hindi sila mamatay, at mananatili ang tuntuning ito na kailangan nilang sundin sa lahat ng henerasyon nila, siya at ang mga supling niya.”+
22 Patuloy pang nakipag-usap si Jehova kay Moises: 23 “Pagkatapos, kumuha ka ng pinakapiling mga pabango: 500 yunit ng tumigas na mira, 250 yunit ng mabangong kanela,* 250 yunit ng mabangong kalamo, 24 at 500 yunit ng kasia ayon sa siklo ng banal na lugar,*+ kasama ang isang hin* ng langis ng olibo. 25 Pagkatapos, gamitin mo ang mga ito sa paggawa ng banal na langis para sa pag-aatas; dapat na mahusay ang pagkakatimpla sa mga ito.*+ Ito ay magiging isang banal na langis para sa pag-aatas.
26 “Pahiran* mo ang tolda ng pagpupulong+ kasama ang kaban ng Patotoo, 27 pati ang mesa at lahat ng kagamitan nito, ang kandelero at mga kagamitan nito, ang altar ng insenso, 28 ang altar ng handog na sinusunog at lahat ng kagamitan nito, at ang tipunan ng tubig at patungan nito. 29 Dapat mong pabanalin ang mga iyon para maging napakabanal ng mga iyon.+ Dapat na banal ang sinumang hihipo sa mga iyon.+ 30 At papahiran mo si Aaron+ at ang mga anak niya,+ at pababanalin mo sila para makapaglingkod sila sa akin bilang mga saserdote.+
31 “Sasabihin mo sa mga Israelita, ‘Sa lahat ng henerasyon ninyo, patuloy itong gagamitin bilang aking banal na langis para sa pag-aatas.+ 32 Hindi ito ipapahid sa ibang tao, at huwag ninyong gagayahin ang paggawa nito. Ito ay banal. Mananatili itong banal para sa inyo. 33 Ang sinumang gagawa ng mabangong langis na tulad nito at magpapahid nito sa ibang tao* ay dapat patayin.’”+
34 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Kumuha ka ng magkakaparehong dami ng mga pabangong ito:+ mga patak ng estacte, onica, mabangong galbano, at purong olibano. 35 Iyon ay gawin mong insenso;+ dapat na mahusay ang pagkakatimpla ng mga sangkap*—inasnan,+ puro, at banal. 36 Didikdikin mo ang ilang bahagi nito hanggang sa maging pinong pulbos, at maglalagay ka nito sa harap ng Patotoo sa tolda ng pagpupulong, kung saan ako magpapakita sa iyo. Iyon ay dapat na maging napakabanal para sa inyo. 37 Huwag kayong gagawa ng insenso para sa sarili ninyo gamit ang mga sangkap na ito.+ Ituturing ninyo itong banal sa paningin ni Jehova. 38 Ang sinumang gagawa ng tulad nito para langhapin ang bango nito ay dapat patayin.”
31 Patuloy na nakipag-usap si Jehova kay Moises: 2 “Tingnan mo, pinili ko* si Bezalel+ na anak ni Uri na anak ni Hur na mula sa tribo ni Juda.+ 3 Pupuspusin ko siya ng espiritu ng Diyos at bibigyan ng karunungan, unawa, at kaalaman sa bawat uri ng kasanayan, 4 sa paggawa ng magagandang disenyo, sa paggawa gamit ang ginto, pilak, at tanso, 5 sa pagtabas ng mga bato at paggawa ng mga lalagyan* nito,+ at sa paggawa ng bawat uri ng kagamitang yari sa kahoy.+ 6 At para tulungan siya, aatasan ko si Oholiab+ na anak ni Ahisamac na mula sa tribo ni Dan, at ilalagay ko ang karunungan sa puso ng lahat ng bihasa* para magawa nila ang lahat ng iniutos ko sa iyo:+ 7 ang tolda ng pagpupulong,+ ang kaban ng Patotoo+ at pantakip+ nito, ang lahat ng kagamitan ng tolda, 8 ang mesa+ at mga kagamitan nito, ang kandelero na yari sa purong ginto at lahat ng kagamitan nito,+ ang altar ng insenso,+ 9 ang altar ng handog na sinusunog+ at lahat ng kagamitan nito, ang tipunan ng tubig at patungan nito,+ 10 ang mga kasuotang mahusay ang pagkakahabi, ang banal na kasuotan para kay Aaron na saserdote, ang mga kasuotan ng mga anak niya para sa paglilingkod bilang saserdote,+ 11 ang langis para sa pag-aatas, at ang mabangong insenso para sa santuwaryo.+ Gagawin nila ang lahat ng iniutos ko sa iyo.”
12 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 13 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Higit sa lahat, sundin ninyo ang batas ko sa mga sabbath,+ dahil iyon ay isang tanda sa pagitan natin sa lahat ng henerasyon ninyo para malaman ninyo na akong si Jehova ang nagpapabanal sa inyo. 14 Dapat ninyong sundin ang batas sa Sabbath, dahil iyon ay banal para sa inyo.+ Ang sinumang lumabag dito ay dapat patayin. Kung ang sinuman ay gumawa ng anumang trabaho sa araw na iyon, ang taong* iyon ay dapat patayin.+ 15 Puwede kayong magtrabaho nang anim na araw, pero ang ikapitong araw ay isang sabbath, isang espesyal na araw ng pamamahinga.+ Iyon ay banal para kay Jehova. Ang sinumang magtrabaho sa araw ng Sabbath ay dapat patayin. 16 Dapat sundin ng mga Israelita ang batas sa Sabbath; dapat nilang ipagdiwang ang Sabbath sa lahat ng henerasyon nila. Ito ay isang tipan hanggang sa panahong walang takda. 17 Ito ay isang tanda sa pagitan ko at ng bayang Israel hanggang sa panahong walang takda,+ dahil sa loob ng anim na araw ay ginawa ni Jehova ang langit at ang lupa at sa ikapitong araw ay nagpahinga siya.’”+
18 Pagkatapos niyang makipag-usap kay Moises sa Bundok Sinai, ibinigay niya rito ang dalawang tapyas ng Patotoo,+ mga tapyas ng bato na sinulatan ng daliri ng Diyos.+
32 Samantala, napansin ng bayan na natatagalan si Moises sa pagbaba sa bundok.+ Kaya pinalibutan ng bayan si Aaron at sinabi: “Igawa mo kami ng isang diyos na mangunguna sa amin,+ dahil hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyon, ang lalaking naglabas sa amin sa Ehipto.” 2 Kaya sinabi ni Aaron: “Kunin ninyo at dalhin sa akin ang gintong hikaw+ sa mga tainga ng inyong asawa at mga anak na lalaki at babae.” 3 Kaya inalis ng buong bayan sa mga tainga nila ang mga gintong hikaw at dinala kay Aaron. 4 Kinuha niya ang ginto mula sa kanila, at inanyuan niya iyon gamit ang isang pang-ukit at ginawang estatuwang guya.+ At pinasimulang sabihin ng bayan: “Ito ang iyong Diyos, O Israel, na naglabas sa iyo sa Ehipto.”+
5 Nang makita ito ni Aaron, nagtayo siya ng isang altar sa harap nito. At sinabi ni Aaron: “May kapistahan para kay Jehova bukas.” 6 Kaya maaga silang bumangon kinabukasan at naghain ng mga handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo. Pagkatapos, umupo ang bayan para kumain at uminom. At tumayo sila para magsaya.+
7 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Bumaba ka, dahil may ginawang napakasama ang iyong bayan,+ na inilabas mo sa Ehipto. 8 Agad silang lumihis sa daang iniutos kong lakaran nila.+ Gumawa sila ng estatuwang guya para sa sarili nila; yumuyukod sila rito at naghahain, at sinasabi nila, ‘Ito ang iyong Diyos, O Israel, na naglabas sa iyo sa Ehipto.’” 9 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Nakita ko na matigas ang ulo* ng bayang ito.+ 10 Ginalit nila ako nang husto kaya hayaan mo akong lipulin sila, at gagawin kitang isang malaking* bansa kapalit nila.”+
11 Pero nakiusap si Moises sa* Diyos niyang si Jehova+ at nagsabi: “O Jehova, bakit mo ilalabas ang matinding galit mo sa iyong bayan matapos mo silang palayain mula sa Ehipto sa pamamagitan ng iyong malakas na kapangyarihan at malakas na kamay?+ 12 Bakit hahayaan mong sabihin ng mga Ehipsiyo, ‘Masama ang plano niya nang ilabas niya sila. Gusto niya silang patayin sa mga bundok at lipulin mula sa lupa’?+ Pahupain mo ang iyong matinding galit at huwag mong ituloy* ang pasiya mong lipulin ang bayan mo. 13 Alalahanin mo ang mga lingkod mong sina Abraham, Isaac, at Israel; ipinanumpa mo ang sarili mo sa kanila at sinabi: ‘Pararamihin ko ang inyong supling* gaya ng mga bituin sa langit,+ at ibibigay ko ang buong lupaing ito na ipinangako ko sa inyong supling* para maging pag-aari nila magpakailanman.’”+
14 Kaya hindi itinuloy* ni Jehova ang sinabi niyang paglipol sa bayan niya.+
15 Pagkatapos, bumaba si Moises sa bundok dala ang dalawang tapyas ng Patotoo+ sa kamay niya.+ Ang mga tapyas ay may sulat sa magkabilang panig—sa harap at sa likod. 16 Ang mga tapyas ay gawa ng Diyos, at ang sulat ay sulat ng Diyos na nakaukit sa mga tapyas.+ 17 Nang marinig ni Josue ang ingay ng bayan dahil sa hiyawan nila, sinabi niya kay Moises: “May ingay ng labanan sa kampo.” 18 Pero sinabi ni Moises:
“Hindi ito pag-awit dahil sa tagumpay,*
At hindi ito pag-iyak dahil sa pagkatalo;
Ibang pag-awit ang naririnig ko.”
19 Nang malapit na si Moises sa kampo at makita niya ang guya+ at ang sayawan, nagalit siya nang husto, at inihagis niya ang mga tapyas at nabasag ang mga iyon sa paanan ng bundok.+ 20 Kinuha niya ang ginawa nilang guya, sinunog iyon, at dinurog iyon hanggang sa maging pulbos;+ pagkatapos, isinaboy niya iyon sa tubig at ipinainom sa mga Israelita.+ 21 At sinabi ni Moises kay Aaron: “Ano ang ginawa ng bayang ito sa iyo at pinangunahan mo sila sa ganito kalaking kasalanan?” 22 Sumagot si Aaron: “Huwag kang magalit, panginoon ko. Alam na alam mo na laging masama ang ginagawa ng bayang ito.+ 23 Kaya sinabi nila sa akin, ‘Igawa mo kami ng isang diyos na mangunguna sa amin, dahil hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyon, ang lalaking naglabas sa amin sa Ehipto.’+ 24 Kaya sinabi ko, ‘Kung may ginto ang sinuman sa inyo, hubarin ninyo iyon at ibigay sa akin.’ At inihagis ko iyon sa apoy at lumabas ang guyang ito.”
25 Nakita ni Moises na hindi makontrol ang bayan dahil hinahayaan lang sila ni Aaron, kaya naging kahiya-hiya sila sa mga kaaway nila. 26 Pumuwesto si Moises sa pintuang-daan ng kampo at nagsabi: “Sino ang nasa panig ni Jehova? Pumunta sa akin!”+ At lumapit sa kaniya ang lahat ng Levita. 27 Sinabi niya ngayon sa kanila: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Dalhin ng bawat isa sa inyo ang espada niya at suyurin ninyo ang buong kampo, mula sa isang pintuang-daan hanggang sa isa pang pintuang-daan, at patayin ng bawat isa ang kaniyang kapatid, kapitbahay, at malapít na kaibigan.’”+ 28 Ginawa ng mga Levita ang sinabi ni Moises. Kaya mga 3,000 lalaki ang napatay nang araw na iyon. 29 Pagkatapos, sinabi ni Moises: “Pabanalin ninyo ang inyong sarili* ngayon para sa paglilingkod kay Jehova. Kinalaban ng bawat isa sa inyo ang sarili niyang anak at kapatid,+ kaya ngayon ay pagpapalain niya kayo.”+
30 Kinabukasan, sinabi ni Moises sa bayan: “Napakalaki ng kasalanang ginawa ninyo, kaya aakyat ako ngayon sa bundok para humarap kay Jehova at titingnan ko kung may magagawa ako para mapatawad niya ang kasalanan ninyo.”+ 31 Kaya bumalik si Moises kay Jehova at nagsabi: “Napakalaki ng pagkakasala ng bayang ito! Gumawa sila ng gintong diyos nila!+ 32 Pero kung maaari, patawarin mo ang kasalanan nila;+ kung hindi, pakisuyong burahin mo ako sa aklat na isinulat mo.”+ 33 Pero sinabi ni Jehova kay Moises: “Buburahin ko sa aking aklat kung sino ang nagkasala sa akin. 34 Bumalik ka na, at akayin mo ang bayan sa lugar na sinabi ko sa iyo. Ang anghel ko ay mauuna sa iyo.+ At sa araw ng paghatol ko, paparusahan ko sila dahil sa mga kasalanan nila.” 35 At sinalot ni Jehova ang bayan dahil sa ginawa nilang guya, ang ginawa ni Aaron para sa kanila.
33 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Magpatuloy ka sa paglalakbay kasama ang bayang inilabas mo sa Ehipto. Pumunta kayo sa lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob nang sabihin ko, ‘Ibibigay ko ito sa mga supling* mo.’+ 2 Magsusugo ako ng isang anghel sa unahan mo,+ at itataboy ko ang mga Canaanita, Amorita, Hiteo, Perizita, Hivita, at Jebusita.+ 3 Pumunta kayo sa isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ Pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matigas ang ulo*+ at baka malipol ko kayo sa daan.”+
4 Nang marinig ng bayan ang masamang balitang ito, nagdalamhati sila, at walang isa man ang nagsuot ng mga palamuti. 5 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kayo ay isang bayang matigas ang ulo.*+ Sa isang saglit lang, makakapunta ako sa gitna ninyo at kaya ko kayong lipulin.+ Kaya huwag muna ninyong isuot ang mga palamuti ninyo habang pinag-iisipan ko kung ano ang gagawin ko sa inyo.’” 6 Kaya hindi na nagsuot ng palamuti ang mga Israelita mula noong pagkakataong iyon sa Bundok Horeb.
7 At kinuha ni Moises ang tolda niya at itinayo ito sa labas ng kampo, malayo-layo sa kampo, at tinawag niya itong isang tolda ng pagpupulong. Ang lahat ng humihingi ng patnubay ni Jehova+ ay lumalabas sa kampo para pumunta sa tolda ng pagpupulong. 8 Kapag pumupunta si Moises sa tolda, ang buong bayan ay tumatayo sa pasukan ng kani-kanilang tolda, at pinagmamasdan nila si Moises hanggang sa makapasok siya sa tolda. 9 Kapag pumapasok si Moises sa tolda, bumababa ang haliging ulap+ at pumupuwesto sa pasukan ng tolda habang kausap ng Diyos si Moises.+ 10 Kapag nakita ng buong bayan ang haliging ulap na nakapuwesto sa pasukan ng tolda, ang bawat isa ay tumatayo sa pasukan ng kani-kaniyang tolda at yumuyukod. 11 Kinakausap ni Jehova si Moises nang mukhaan,+ kung paanong nakikipag-usap ang isang tao sa isa pang tao. Kapag bumabalik siya sa kampo, hindi umaalis sa tolda ang katulong at lingkod niyang si Josue,+ na anak ni Nun.
12 Sinabi ni Moises kay Jehova: “Sinasabi mo sa akin, ‘Akayin mo ang bayang ito,’ pero hindi mo ipinaaalam sa akin kung sino ang isusugo mo na kasama ko. At sinabi mo, ‘Kilalang-kilala kita,* at kalugod-lugod ka rin sa paningin ko.’ 13 Pakisuyo, kung kalugod-lugod ako sa iyong paningin, ipaalám mo sa akin ang iyong mga daan+ para makilala kita at patuloy kang malugod sa akin. Alalahanin mo rin na ang bansang ito ay iyong bayan.”+ 14 Kaya sinabi niya: “Sasama ako* sa iyo,+ at bibigyan kita ng kapayapaan.”+ 15 Sinabi ni Moises: “Kung hindi ka sasama,* huwag mo na kaming paalisin sa lugar na ito. 16 Paano malalaman ng mga tao na kalugod-lugod ako sa paningin mo, ako at ang iyong bayan? Hindi ba sa pagsama mo sa amin?+ Kung sasama ka, ako at ang iyong bayan ay mapapaiba sa lahat ng iba pang bayan na nasa ibabaw ng lupa.”+
17 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Gagawin ko rin ang hiniling mong ito sa akin dahil kalugod-lugod ka sa paningin ko at kilalang-kilala kita.” 18 Sinabi ni Moises: “Pakisuyo, ipakita mo sa akin ang kaluwalhatian mo.” 19 Pero sinabi niya: “Pararaanin ko sa harap ng iyong mukha ang buong kaluwalhatian* ko, at ipahahayag ko ang pangalan ni Jehova+ sa harap mo; at papaboran ko ang mga gusto kong paboran, at kaaawaan ko ang mga gusto kong kaawaan.”+ 20 Pero idinagdag niya: “Hindi mo puwedeng makita ang aking mukha, dahil walang tao ang makakakita sa akin at mabubuhay pa.”
21 Sinabi pa ni Jehova: “May malaking bato rito na malapit sa akin. Tumayo ka rito. 22 Kapag dumadaan ang kaluwalhatian ko, ipupuwesto kita sa isang uka ng malaking bato, at tatakpan kita ng kamay ko hanggang sa makadaan ako. 23 Pagkatapos, aalisin ko ang kamay ko, at makikita mo ang likod ko. Pero hindi puwedeng makita ang aking mukha.”+
34 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Gumawa ka ng dalawang tapyas ng bato na tulad ng mga nauna,+ at isusulat ko sa mga tapyas ang mga isinulat ko sa unang mga tapyas+ na binasag mo.+ 2 Maghanda ka para sa kinaumagahan, dahil sa kinaumagahan ay aakyat ka sa Bundok Sinai at tatayo ka sa harap ko, doon sa tuktok ng bundok.+ 3 Pero walang puwedeng sumama sa iyo sa pag-akyat, at walang sinuman ang dapat makita sa buong bundok. Kahit ang mga kawan o bakahan ay hindi puwedeng manginain sa tapat ng bundok na iyon.”+
4 Kaya gumawa si Moises ng dalawang tapyas ng bato na tulad ng mga nauna, maagang bumangon kinabukasan, at umakyat sa Bundok Sinai, gaya ng iniutos ni Jehova sa kaniya, at dinala niya ang dalawang tapyas ng bato sa kaniyang kamay. 5 At bumaba si Jehova+ sa ulap at tumayong kasama niya at ipinahayag ang pangalan ni Jehova.+ 6 Dumaan si Jehova sa harap niya at ipinahayag: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain+ at mapagmalasakit,*+ hindi madaling magalit+ at sagana sa tapat na pag-ibig*+ at katotohanan,*+ 7 nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa libo-libo,+ nagpapatawad sa pagkakamali at pagsuway at kasalanan,+ pero tinitiyak niyang mapaparusahan ang mga may kasalanan+ at pinaparusahan ang mga anak at mga apo dahil sa kasalanan ng mga ama, pati na ang ikatlo at ikaapat na henerasyon.”+
8 Si Moises ay nagmadaling lumuhod at yumukod. 9 Pagkatapos, sinabi niya: “Kung ako ngayon ay kalugod-lugod sa paningin mo, O Jehova, pakisuyo, Jehova, sumama ka sa amin,+ kahit na kami ay isang bayang matigas ang ulo,*+ at patawarin mo ang aming pagkakamali at kasalanan,+ at gawin mo kaming pag-aari mo.” 10 Sinabi naman niya: “Nakikipagtipan ako sa iyo ngayon: Sa harap ng iyong buong bayan, gagawa ako ng kahanga-hangang mga bagay na hindi pa nangyayari* saanman sa lupa o sa alinmang bansa,+ at makikita ng lahat ng bayan sa palibot ninyo ang gawa ni Jehova, dahil kamangha-mangha ang mga gagawin ko para sa inyo.+
11 “Bigyang-pansin mo ang iniuutos ko sa iyo ngayon.+ Palalayasin ko sa harap mo ang mga Amorita, Canaanita, Hiteo, Perizita, Hivita, at Jebusita.+ 12 Bantayan mo ang iyong sarili nang hindi ka makipagtipan sa mga nakatira sa lupaing pupuntahan mo,+ dahil magiging bitag iyon sa iyo.+ 13 Sa halip, ibabagsak ninyo ang mga altar nila, gigibain ang mga sagradong haligi nila, at puputulin ang mga sagradong poste* nila.+ 14 Hindi ka dapat yumukod sa ibang diyos,+ dahil kilala si Jehova na* humihiling ng bukod-tanging debosyon.* Oo, siya ay isang Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.+ 15 Bantayan mo ang iyong sarili nang hindi ka makipagtipan sa mga nakatira sa lupain, dahil kapag nakikiapid* sila sa mga diyos nila at naghahain sa mga ito,+ may mag-aanyaya sa iyo at kakain ka ng hain niya.+ 16 At tiyak na kukunin mo ang ilan sa mga anak nilang babae para sa mga anak mong lalaki,+ at ang mga anak nilang babae ay makikiapid* sa mga diyos nila at hihikayatin ang mga anak mong lalaki na makiapid din sa mga diyos nila.+
17 “Huwag kang gagawa ng mga diyos na yari sa tinunaw na metal.+
18 “Ipagdiriwang mo ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa.+ Kakain ka ng tinapay na walang pampaalsa, gaya ng iniutos ko sa iyo; pitong araw mo itong gagawin sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib,*+ dahil buwan ng Abib nang lumabas ka sa Ehipto.
19 “Ang bawat panganay na lalaki* ay akin,+ kasama ang lahat ng iyong alagang hayop, ito man ay panganay na lalaking baka o tupa.+ 20 Ang panganay ng asno ay tutubusin mo ng isang tupa. Pero kung hindi mo iyon tutubusin, babaliin mo ang leeg nito. Tutubusin mo rin ang bawat panganay na lalaki sa iyong pamilya.+ Hindi puwedeng humarap sa akin ang sinumang walang dala.
21 “Anim na araw kang magtatrabaho, pero sa ikapitong araw ay magpapahinga ka.*+ Kahit sa panahon ng pag-aararo at pag-aani ay magpapahinga ka.
22 “At ipagdiriwang mo ang iyong Kapistahan ng mga Sanlinggo, na inihahandog ang mga unang hinog na bunga mula sa pag-aani ng trigo, at ang Kapistahan ng Pagtitipon ng Ani* sa pagtatapos ng taon.+
23 “Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng lalaki ay haharap sa tunay na Panginoon, si Jehova, ang Diyos ng Israel.+ 24 Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap mo,+ at palalawakin ko ang teritoryo mo, at walang magtatangkang umangkin sa iyong lupain kapag umaalis ka para humarap sa* iyong Diyos na si Jehova nang tatlong beses sa isang taon.
25 “Ang dugo ng hain para sa akin ay huwag mong ihahandog kasama ng anumang may pampaalsa.+ Walang dapat matira sa hain ng kapistahan ng Paskuwa hanggang kinaumagahan.+
26 “Dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa.+
“Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.”+
27 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Isulat mo ang mga salitang ito,+ dahil nakikipagtipan ako sa iyo at sa Israel ayon sa mga salitang ito.”+ 28 At nanatili siya roon kasama ni Jehova nang 40 araw at 40 gabi. Hindi siya kumain ng tinapay o uminom ng tubig.+ At isinulat Niya sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.*+
29 Pagkatapos, bumaba si Moises mula sa Bundok Sinai hawak ang dalawang tapyas ng Patotoo.+ Nang bumaba siya mula sa bundok, hindi alam ni Moises na nagliliwanag ang kaniyang balat sa mukha dahil sa pakikipag-usap niya sa Diyos. 30 Nang makita ni Aaron at ng lahat ng Israelita si Moises, napansin nilang nagliliwanag ang kaniyang balat sa mukha kaya natakot silang lumapit sa kaniya.+
31 Pero tinawag sila ni Moises, kaya pumunta sa kaniya si Aaron at ang lahat ng pinuno ng bayan, at kinausap sila ni Moises. 32 Pagkatapos, lumapit sa kaniya ang lahat ng Israelita, at sinabi niya sa kanila ang lahat ng utos na ibinigay sa kaniya ni Jehova sa Bundok Sinai.+ 33 Kapag tapos nang makipag-usap sa kanila si Moises, tinatakpan niya ng tela ang mukha niya.+ 34 Pero kapag humaharap si Moises kay Jehova para makipag-usap, inaalis niya ang tela.+ Pagkatapos ay lumalabas siya at sinasabi sa mga Israelita ang natanggap niyang mga utos.+ 35 At nakikita ng mga Israelita na nagliliwanag ang balat ni Moises sa mukha; at ibinabalik ni Moises ang tela sa mukha niya hanggang sa humarap siyang muli sa Diyos* para makipag-usap.+
35 Nang maglaon, tinipon ni Moises ang buong bayan ng Israel at sinabi sa kanila: “Ito ang mga iniutos ni Jehova na kailangang gawin:+ 2 Puwede kayong magtrabaho nang anim na araw, pero ang ikapitong araw ay magiging banal para sa inyo, isang sabbath, isang espesyal na araw ng pamamahinga para kay Jehova.+ Ang sinumang magtrabaho sa araw na iyon ay papatayin.+ 3 Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong mga tirahan sa araw ng Sabbath.”
4 At sinabi ni Moises sa buong bayan ng Israel: “Ito ang iniutos ni Jehova, 5 ‘Lumikom kayo ng abuloy para kay Jehova mula sa inyong sarili.+ Mag-abuloy kay Jehova ang bawat isa na gustong magbigay nang bukal sa puso:+ ginto, pilak, tanso, 6 asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, magandang klase ng lino, balahibo ng kambing,+ 7 balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, balat ng poka,* kahoy ng akasya, 8 langis para sa ilawan, balsamong gagamitin sa langis para sa pag-aatas at sa mabangong insenso,+ 9 batong onix, at iba pang bato na ilalagay sa epod*+ at pektoral.*+
10 “‘Lumapit ang lahat ng bihasa*+ sa inyo at gawin ang lahat ng iniutos ni Jehova: 11 ang tabernakulo kasama ang tolda at pantakip nito, ang mga pangawit at mga hamba nito, ang mga barakilan* nito, ang mga haligi nito, at ang may-butas na mga patungan nito; 12 ang Kaban+ at mga pingga* nito,+ ang pantakip,+ at ang kurtinang+ pantabing; 13 ang mesa+ at mga pingga nito at lahat ng kagamitan nito at ang tinapay na pantanghal;+ 14 ang kandelero+ at mga kagamitan nito at mga ilawan nito at ang langis para sa mga ilawan;+ 15 ang altar ng insenso+ at mga pingga nito; ang langis para sa pag-aatas at ang mabangong insenso;+ ang pantabing* sa pasukan ng tabernakulo; 16 ang altar ng handog na sinusunog+ at tansong parilya* nito, ang mga pingga at lahat ng kagamitan nito; ang tipunan ng tubig at patungan nito;+ 17 ang nakasabit na mga tabing para sa looban,+ ang mga haligi nito at may-butas na mga patungan nito; ang pantabing sa pasukan ng looban; 18 ang mga tulos na pantolda para sa tabernakulo at ang mga tulos na pantolda para sa looban at mga panali ng mga ito;+ 19 ang mga kasuotang mahusay ang pagkakahabi+ para sa paglilingkod sa santuwaryo, ang banal na kasuotan para kay Aaron+ na saserdote, at ang mga kasuotan ng mga anak niya para sa paglilingkod bilang saserdote.’”
20 Pagkatapos, umalis sa harap ni Moises ang buong bayan ng Israel. 21 At dumating ang lahat ng naudyukan ng kanilang puso+ at lahat ng napakilos na magdala ng abuloy para kay Jehova na magagamit sa tolda ng pagpupulong, sa lahat ng paglilingkod dito, at sa banal na kasuotan. 22 Patuloy silang nagdatingan, ang mga lalaki kasama ang mga babae, ang bawat isa na gustong magbigay nang bukal sa puso. Nagdala sila ng mga alpiler,* hikaw, singsing, at iba pang alahas, pati ng iba’t ibang uri ng kagamitang ginto. Ibinigay nilang lahat kay Jehova ang kanilang mga gintong handog.*+ 23 At ang lahat ng may asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, magandang klase ng lino, balahibo ng kambing, balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at balat ng poka ay nagdala ng mga iyon. 24 Ang lahat ng nag-aabuloy ng pilak at tanso ay nagdala ng mga ito bilang abuloy kay Jehova, at ang lahat ng may kahoy ng akasya na magagamit sa proyekto ay nagdala nito.
25 Ang lahat ng bihasang babae+ ay nag-ikid gamit ang mga kamay nila, at dinala nila ang mga inikid nila: asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng lino. 26 At ang lahat ng bihasang babae na naudyukan ng puso nila ay nag-ikid ng balahibo ng kambing.
27 Ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix at iba pang bato na ilalagay sa epod at pektoral,+ 28 at ng balsamo at ng langis na gagamitin sa mga ilawan, sa langis para sa pag-aatas,+ at sa mabangong insenso.+ 29 Ang lahat ng lalaki at babae na naudyukan ng puso nila ay nagdala ng mga bagay na magagamit para sa gawaing iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises; dinala ito ng mga Israelita bilang kusang-loob na handog kay Jehova.+
30 Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga Israelita: “Tingnan ninyo, pinili ni Jehova si Bezalel na anak ni Uri na anak ni Hur na mula sa tribo ni Juda.+ 31 Pinuspos niya ito ng espiritu ng Diyos at binigyan ng karunungan, unawa, at kaalaman sa bawat uri ng kasanayan, 32 sa paggawa ng magagandang disenyo, sa paggawa gamit ang ginto, pilak, at tanso, 33 sa pagtabas ng mga bato at paggawa ng mga lalagyan* nito, at sa paggawa ng lahat ng uri ng kagamitang yari sa kahoy na may magagandang disenyo. 34 At inilagay ng Diyos sa puso niya ang kakayahang magturo, sa kaniya at kay Oholiab+ na anak ni Ahisamac na mula sa tribo ni Dan. 35 Binigyan niya sila ng kasanayan*+ para magawa ang lahat ng gawain ng bihasang manggagawa, ng burdador, at ng manghahabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng lino, pati ang gawain ng manggagawa sa habihan. Ang mga lalaking ito ay gagawa ng lahat ng klase ng trabaho at ng lahat ng klase ng disenyo.
36 “Si Bezalel ay gagawang kasama ni Oholiab at ng lahat ng bihasang lalaki* na binigyan ni Jehova ng karunungan at unawa para malaman kung paano gagawin ang lahat ng gawain para sa banal na paglilingkod ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova.”+
2 Tinawag ni Moises sina Bezalel at Oholiab at ang lahat ng bihasang lalaking binigyan ni Jehova ng karunungan,+ ang bawat isang naudyukan ng puso niya na magboluntaryo para sa gawain.+ 3 Kinuha nila kay Moises ang lahat ng abuloy+ na dinala ng mga Israelita bilang pansuporta sa gawain para sa banal na paglilingkod. Pero ang mga ito ay patuloy pang nagdadala sa kaniya ng kusang-loob na mga handog tuwing umaga.
4 Nang pasimulan nila ang banal na gawain, sunod-sunod na dumating ang lahat ng bihasang manggagawa, 5 at sinasabi nila kay Moises: “Sobra-sobra ang dinadala ng bayan kaysa sa talagang kailangan para sa gawaing iniutos ni Jehova.” 6 Kaya iniutos ni Moises na ipatalastas ito sa buong kampo: “Mga lalaki at babae, huwag na kayong magdala ng anuman para sa banal na abuloy.” Kaya tumigil na ang bayan sa pagdadala ng abuloy. 7 Ang mga abuloy ay sapat na para sa lahat ng gawain, at sobra-sobra pa nga.
8 Kaya ang lahat ng bihasang manggagawa+ ay gumawa ng 10 telang pantolda para sa tabernakulo.+ Hinabi nila ang mga ito gamit ang magandang klase ng pinilipit na lino, asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid; binurdahan niya* ng mga kerubin ang mga iyon.+ 9 Ang bawat telang pantolda ay may haba na 28 siko* at lapad na 4 na siko. Iisa ang sukat ng lahat ng telang pantolda. 10 At pinagdugtong-dugtong niya ang limang telang pantolda, at iyon din ang ginawa niya sa lima pang telang pantolda. 11 Pagkatapos, nilagyan niya ng mga kawitan na yari sa asul na sinulid ang isang gilid ng isang telang pantolda, at iyon din ang ginawa niya sa isang gilid ng isa pang telang pantolda, kung saan pagdurugtungin ang mga ito. 12 Nilagyan niya ng 50 kawitan ang isang gilid ng bawat telang pantolda kung saan pagdurugtungin ang mga ito; magkakatapat ang mga kawitan. 13 Bilang panghuli, gumawa siya ng 50 gintong pangawit at pinagdugtong ang mga telang pantolda gamit ang mga pangawit para maging isang buong telang pantolda para sa tabernakulo.
14 Pagkatapos, gumawa siya ng mga telang pantolda na yari sa balahibo ng kambing para gawing tolda* sa ibabaw ng tabernakulo. Gumawa siya ng 11 telang pantolda.+ 15 Ang bawat telang pantolda ay may haba na 30 siko at lapad na 4 na siko. Iisa ang sukat ng 11 telang pantolda. 16 At pinagdugtong-dugtong niya ang limang telang pantolda, at iyon din ang ginawa niya sa anim pang telang pantolda. 17 Pagkatapos, nilagyan niya ng 50 kawitan ang isang gilid ng isang telang pantolda, at nilagyan din niya ng 50 kawitan ang isang gilid ng isa pang telang pantolda, kung saan pagdurugtungin ang mga ito. 18 At gumawa siya ng 50 tansong pangawit para pagdugtungin ang tolda at maging isang buo.
19 Gumawa siya para sa tolda ng isang pantakip na yari sa balat ng lalaking tupa na tinina sa pula at para sa ibabaw nito ay ng isang pantakip na yari sa balat ng poka.*+
20 Pagkatapos, gumawa siya para sa tabernakulo ng patayong mga hamba na yari sa kahoy ng akasya.+ 21 Ang bawat hamba ay may taas na 10 siko at lapad na isa at kalahating siko. 22 Ang bawat hamba ay may dalawang nakausling bahagi* na magkatapat. Gayon niya ginawa ang lahat ng hamba ng tabernakulo. 23 Gayon niya ginawa ang 20 hamba para sa timugang bahagi ng tabernakulo. 24 Pagkatapos, gumawa siya ng 40 may-butas na patungang yari sa pilak na ilalagay sa ilalim ng 20 hamba: dalawang may-butas na patungan sa ilalim ng bawat hamba para sa dalawang nakausling bahagi nito.+ 25 Para sa kabilang panig ng tabernakulo, sa hilagang bahagi, gumawa siya ng 20 hamba 26 at 40 may-butas na patungan nito na yari sa pilak: dalawang may-butas na patungan sa ilalim ng bawat hamba.
27 Para sa likuran ng tabernakulo sa gawing kanluran, gumawa siya ng anim na hamba.+ 28 Gumawa siya ng dalawang hamba na magsisilbing dalawang panulok na poste sa likuran ng tabernakulo. 29 Ang bawat isa sa dalawang hambang ito ay binubuo ng dalawang piraso ng kahoy mula ibaba hanggang itaas, kung saan nagdugtong ang mga ito sa unang argolya.* Iyan ang ginawa niya sa dalawang panulok na poste. 30 Kaya nagkaroon ng walong hamba at 16 na may-butas na patungan nito na yari sa pilak: dalawang may-butas na patungan sa ilalim ng bawat hamba.
31 Pagkatapos, gumawa siya ng mga barakilan* na yari sa kahoy ng akasya, limang barakilan para sa mga hamba sa isang panig ng tabernakulo+ 32 at limang barakilan para sa mga hamba sa kabilang panig ng tabernakulo at lima para sa mga hamba sa kanlurang bahagi ng tabernakulo, ang likuran nito. 33 At ang ginawa niyang panggitnang barakilan na nasa gitnang bahagi ng mga hamba ay umabot sa magkabilang dulo. 34 Binalutan niya ng ginto ang mga hamba, ginawa ang mga gintong argolya nito na pagsusuotan ng mga barakilan, at binalutan ng ginto ang mga barakilan.+
35 At gumawa siya ng isang kurtinang+ hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino. Binurdahan niya iyon ng mga kerubin.+ 36 At iginawa niya ito ng apat na haliging yari sa akasya na binalutan ng ginto, pati ng gintong mga kawit. Naghulma rin siya ng apat na may-butas na patungang yari sa pilak para sa mga iyon. 37 Pagkatapos, gumawa siya ng isang pantabing* para sa pasukan ng tolda na hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino,+ 38 pati ng limang haligi nito at mga kawit ng mga iyon. Binalutan niya ng ginto ang itaas na bahagi at ang mga pandugtong* ng mga iyon, pero yari sa tanso ang limang may-butas na patungan ng mga iyon.
37 At ginawa ni Bezalel+ ang Kaban+ gamit ang kahoy ng akasya—dalawa at kalahating siko* ang haba, isa at kalahating siko ang lapad, at isa at kalahating siko ang taas.+ 2 Binalutan niya iyon ng purong ginto sa loob at labas at pinalibutan ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito.+ 3 Pagkatapos, naghulma siya ng apat na gintong argolya* para dito, na ikakabit sa itaas ng apat na paa nito, dalawang argolya sa isang panig at dalawa sa kabila. 4 Sumunod, gumawa siya ng mga pingga* na yari sa kahoy ng akasya at binalutan ng ginto ang mga iyon.+ 5 At ipinasok niya ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga gilid ng Kaban para mabuhat ang Kaban.+
6 Gumawa siya ng pantakip na purong ginto+—dalawa at kalahating siko ang haba at isa at kalahating siko ang lapad.+ 7 Gumawa rin siya ng dalawang kerubin+ na yari sa pinukpok na ginto para sa magkabilang dulo ng pantakip.+ 8 Ang isang kerubin ay nasa isang dulo, at ang isa pang kerubin ay nasa kabilang dulo. Ginawa niya ang mga kerubin na nasa magkabilang dulo ng pantakip. 9 Nakaunat paitaas ang mga pakpak ng dalawang kerubin, at natatakpan ng mga pakpak nila ang pantakip.+ Nakaharap sila sa isa’t isa at nakayuko sa pantakip.+
10 Gumawa siya ng mesa na yari sa kahoy ng akasya+—dalawang siko ang haba, isang siko ang lapad, at isa at kalahating siko ang taas.+ 11 Binalutan niya iyon ng purong ginto at pinalibutan ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito. 12 Pagkatapos, gumawa siya para sa palibot nito ng isang panggilid na sinlapad-ng-kamay* at nilagyan niya ng gintong dekorasyon ang palibot ng panggilid. 13 At naghulma siya ng apat na gintong argolya para dito at inilagay ang mga argolya sa apat na kanto kung saan nakakabit ang apat na paa. 14 Malapit sa panggilid ang mga argolya, na pagsusuotan ng mga pingga na pambuhat sa mesa. 15 At gamit ang kahoy ng akasya, gumawa siya ng mga pingga na pambuhat sa mesa, at binalutan niya ng ginto ang mga iyon. 16 Pagkatapos, ginawa niya ang mga kagamitang nasa ibabaw ng mesa gamit ang purong ginto—ang mga pinggan, kopa, at mga mangkok at pitsel nito na gagamitin para ibuhos ang mga handog na inumin.+
17 Ginawa niya ang kandelero+ na yari sa purong ginto. Pinukpok na ginto ang ginamit niya sa paggawa nito. Isang buong piraso ito na may paanan, pinakakatawan, mga sanga, mga kalis,* mga buko,* at mga bulaklak.+ 18 May anim na sanga na nasa pinakakatawan nito, tatlong sanga sa isang panig ng kandelero at tatlong sanga sa kabilang panig. 19 Ang bawat sanga sa isang panig ay may tatlong kalis na kahugis ng bulaklak ng almendras, at ang bawat kalis ay sinasalitan ng buko at bulaklak. Ganiyan din ang bawat sanga sa kabilang panig. Ganito ang hitsura ng anim na sanga ng kandelero. 20 At ang pinakakatawan ng kandelero ay may apat na kalis na kahugis ng bulaklak ng almendras, at ang bawat kalis ay sinasalitan ng buko at bulaklak. 21 May buko sa ilalim ng unang dalawang sanga na nasa pinakakatawan ng kandelero. May buko rin sa ilalim ng sumunod na dalawang sanga at sa ilalim ng sumunod pang dalawang sanga. Ito ang puwesto ng anim na sanga sa pinakakatawan ng kandelero. 22 Ang mga buko, mga sanga, at ang buong kandelero ay isang buong piraso ng pinukpok na purong ginto. 23 At ginawa niya ang pitong ilawan,+ mga pang-ipit ng mitsa,* at mga lalagyan ng baga* nito gamit ang purong ginto. 24 Ginawa niya ito, pati na ang lahat ng kagamitan nito, gamit ang isang talento* ng purong ginto.
25 Ginawa niya ang altar ng insenso+ gamit ang kahoy ng akasya. Iyon ay parisukat, isang siko ang haba, isang siko ang lapad, at dalawang siko ang taas. Ang mga sungay at ang altar ay walang dugtong.+ 26 Binalutan niya iyon ng purong ginto: ang pinakaibabaw, ang lahat ng panig, at ang mga sungay nito; at pinalibutan niya ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito. 27 Gumawa siya para dito ng dalawang gintong argolya sa ibaba ng gintong dekorasyon nito sa magkabilang panig, na pagsusuotan ng mga pingga na pambuhat sa altar. 28 Pagkatapos, gumawa siya ng mga pingga na yari sa kahoy ng akasya at binalutan ng ginto ang mga iyon. 29 Ginawa rin niya ang banal na langis para sa pag-aatas+ at ang puro at mabangong insenso;+ mahusay ang pagkakatimpla sa mga ito.*
38 Ginawa niya ang altar ng handog na sinusunog gamit ang kahoy ng akasya. Iyon ay parisukat, limang siko* ang haba, limang siko ang lapad, at tatlong siko ang taas.+ 2 At ginawa niya ang mga sungay nito sa tuktok ng apat na kanto nito. Ang mga sungay at ang altar ay walang dugtungan. Sumunod ay binalutan niya iyon ng tanso.+ 3 Pagkatapos, ginawa niya ang lahat ng kagamitan ng altar: ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, tinidor, at mga lalagyan ng baga.* Ginawa niya ang lahat ng kagamitan nito gamit ang tanso. 4 Gumawa rin siya para sa altar ng isang parilya* na yari sa tanso at inilagay iyon sa bandang gitna ng altar, sa ilalim ng panggilid na nakapalibot dito. 5 Naghulma siya ng apat na argolya* na pagsusuotan ng mga pingga* at ikinabit ang mga iyon sa apat na kanto na malapit sa tansong parilya. 6 Pagkatapos, gumawa siya ng mga pingga na yari sa kahoy ng akasya at binalutan ng tanso ang mga iyon. 7 Ang mga pingga na pambuhat sa altar ay ipinasok niya sa mga argolya na nasa mga gilid ng altar. Ginawa niya ang altar na gaya ng isang kahon na yari sa mga tabla.
8 Ginawa niya ang tansong tipunan ng tubig+ at tansong patungan nito; ginamit niya ang mga salamin* ng mga babae na inorganisa para maglingkod sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
9 Pagkatapos, gumawa siya ng looban+ para sa tabernakulo. Para sa timugang bahagi ng looban, gumawa siya ng nakasabit na tabing na yari sa magandang klase ng pinilipit na lino, 100 siko.+ 10 Mayroon itong 20 haligi at 20 may-butas na patungang yari sa tanso, at ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak. 11 Ang hilagang bahagi ay mayroon ding 100 siko ng nakasabit na tabing. Ang 20 haligi at 20 may-butas na patungan nito ay yari sa tanso. Ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak. 12 Pero sa kanlurang bahagi, ang nakasabit na tabing ay 50 siko. Mayroon itong 10 haligi at 10 may-butas na patungan, at ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak. 13 Ang lapad ng silangang bahagi na nakaharap sa sikatan ng araw ay 50 siko. 14 Ang nakasabit na tabing sa isang panig nito ay 15 siko; mayroon itong tatlong haligi at tatlong may-butas na patungan. 15 At para sa kabilang panig ng pasukan ng looban, ang nakasabit na tabing ay 15 siko; mayroon itong tatlong haligi at tatlong may-butas na patungan. 16 Ang lahat ng nakasabit na tabing sa palibot ng looban ay yari sa magandang klase ng pinilipit na lino. 17 Ang may-butas na mga patungan ng mga haligi ay yari sa tanso, ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak, ang mga itaas na bahagi nito ay binalutan ng pilak, at ang lahat ng haligi sa looban ay may mga pilak na pangkabit.+
18 Ang pantabing* sa pasukan ng looban ay hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino. Ang haba nito ay 20 siko at ang taas ay 5 siko, na kasintaas ng nakasabit na mga tabing sa looban.+ 19 Ang apat na haligi nito at ang apat na may-butas na patungan ng mga ito ay yari sa tanso. Ang mga kawit at pandugtong* nito ay yari sa pilak, at ang mga itaas na bahagi nito ay binalutan ng pilak. 20 Ang lahat ng tulos na pantolda para sa tabernakulo at sa palibot ng looban ay yari sa tanso.+
21 Ang sumusunod ay ang imbentaryo* ng materyales na ginamit sa tabernakulo, ang tabernakulo ng Patotoo.+ Ang pag-iimbentaryo ay iniutos ni Moises at nakaatas sa mga Levita+ sa ilalim ng pangangasiwa ni Itamar+ na anak ng saserdoteng si Aaron. 22 Ginawa ni Bezalel+ na anak ni Uri na anak ni Hur na mula sa tribo ni Juda ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises. 23 Kasama niya si Oholiab+ na anak ni Ahisamac na mula sa tribo ni Dan, isang bihasang manggagawa at burdador at manghahabi na gumagamit ng asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng lino.
24 Ang gintong ginamit sa lahat ng gawain sa banal na lugar ay 29 na talento* at 730 siklo* ayon sa siklo ng banal na lugar,* at ito ang dami ng ginto na iniharap bilang handog na iginagalaw.*+ 25 Ang pilak ng mga nairehistro sa sensus ay 100 talento at 1,775 siklo ayon sa siklo ng banal na lugar.* 26 Ang bawat tao, ang bawat lalaking nairehistro mula 20 taóng gulang pataas, ay nagdala ng kalahating siklo ayon sa siklo ng banal na lugar;*+ silang lahat ay 603,550.+
27 Ang hinulmang may-butas na mga patungan sa banal na lugar at ang may-butas na mga patungan ng kurtina ay umabot nang 100 talento; ang 100 may-butas na patungan ay 100 talento, isang talento para sa bawat may-butas na patungan.+ 28 Mula sa 1,775 siklo, gumawa siya ng mga kawit para sa mga haligi at binalutan ang itaas na bahagi ng mga ito at pinagdugtong-dugtong.
29 Ang tanso na inihandog* ay 70 talento at 2,400 siklo. 30 Ginamit niya ito sa paggawa ng may-butas na mga patungan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, tansong altar at tansong parilya nito, lahat ng kagamitan ng altar, 31 may-butas na mga patungan sa palibot ng looban, may-butas na mga patungan sa pasukan ng looban, at lahat ng tulos na pantolda ng tabernakulo at lahat ng tulos na pantolda+ sa palibot ng looban.
39 Gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid,+ gumawa sila ng mga kasuotan na mahusay ang pagkakahabi para sa paglilingkod sa banal na lugar. Ginawa nila ang banal na kasuotan para kay Aaron,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
2 Ginawa ni Bezalel ang epod*+ gamit ang ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino. 3 Nagpitpit sila ng mga laminang ginto hanggang sa maging maninipis na piraso ang mga ito, at ginawa niyang sinulid ang mga ito para gamiting kasama ng asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng lino, at binurdahan ang epod. 4 Nilagyan nila ito ng dalawang tela sa bandang balikat na nagdurugtong sa dalawang bahagi ng epod. 5 Ang hinabing sinturon, na nakakabit sa epod at nagsisilbing panali nito,+ ay gawa sa mga materyales na ginamit sa epod: ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
6 Pagkatapos, inilagay nila ang mga batong onix sa mga lalagyang* ginto at iniukit sa mga iyon ang pangalan ng mga anak ni Israel, gaya ng pag-ukit sa isang pantatak.+ 7 Inilagay niya ang mga iyon sa ibabaw ng pahabang mga tela sa balikat ng epod na magsisilbing alaala* para sa mga anak ni Israel,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 8 At binurdahan niya ang pektoral*+ gaya ng ginawa sa epod, na ginamitan ng ginto, asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino.+ 9 Parisukat ito kapag itiniklop. Ginawa nila ang pektoral na kasinghaba at kasinlapad ng isang dangkal* kapag itiniklop. 10 Nilagyan nila iyon ng apat na hanay ng mga bato. Ang nasa unang hanay ay rubi, topacio, at esmeralda. 11 Ang nasa ikalawang hanay ay turkesa, safiro, at jaspe. 12 Ang nasa ikatlong hanay ay batong lesem,* agata, at amatista. 13 At ang nasa ikaapat na hanay ay crisolito, onix, at jade. Ikinabit ang mga ito sa mga lalagyang* ginto. 14 Ang mga bato ay katumbas ng mga pangalan ng 12 anak ni Israel, at ang mga pangalan ay iniukit na gaya ng sa pantatak; ang bawat pangalan ay kumakatawan sa isa sa 12 tribo.
15 Pagkatapos, gumawa sila para sa pektoral ng mga tali na yari sa purong ginto at pinilipit na tulad ng lubid.+ 16 At gumawa sila ng dalawang lalagyang* ginto at dalawang gintong argolya* at ikinabit ang dalawang argolya sa magkabilang dulo ng pektoral.* 17 Pagkatapos, ipinasok nila ang dalawang gintong tali sa dalawang argolya na nasa mga dulo ng pektoral. 18 At ipinasok nila ang dalawang dulo ng dalawang tali sa dalawang lalagyan* at ikinabit ang mga iyon sa pahabang mga tela sa balikat ng epod, sa bandang harap nito. 19 Sumunod ay gumawa sila ng dalawang gintong argolya at inilagay ang mga ito sa magkabilang dulo sa ibaba ng pektoral, sa bandang loob, na nakaharap sa epod.+ 20 At gumawa sila ng dalawa pang gintong argolya at inilagay ang mga iyon sa harap ng epod, sa ibaba ng dalawang pahabang tela sa balikat, malapit sa pinagdurugtungan ng epod, sa itaas ng hinabing sinturon ng epod. 21 Bilang panghuli, gumamit sila ng asul na panali para magdugtong ang mga argolya ng pektoral at mga argolya ng epod, nang sa gayon ay manatili ang pektoral sa ibabaw ng epod at sa itaas ng hinabing sinturon, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
22 At ginawa niya ang walang-manggas na damit ng epod, na hinabi ng isang manggagawa sa habihan; asul na sinulid lang ang ginamit dito.+ 23 Ang walang-manggas na damit ay may butas sa gitna nito,* katulad ng butas ng isang kutamaya.* Ang butas nito ay hinabihan sa palibot para hindi ito mapunit. 24 At para sa laylayan ng walang-manggas na damit ay gumawa sila ng mga granada* gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid, na pinilipit nang magkakasama. 25 Gumawa rin sila ng mga kampanilyang yari sa purong ginto at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada na nasa palibot ng laylayan ng walang-manggas na damit; 26 pinagsalit nila ang isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa palibot ng laylayan ng walang-manggas na damit na gagamitin para sa paglilingkod, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
27 At ginawa nila ang mahahabang damit gamit ang magandang klase ng lino, na hinabi ng isang manggagawa sa habihan, para kay Aaron at sa mga anak niya,+ 28 at ang espesyal na turbante+ na yari sa magandang klase ng lino, ang mga turbanteng may palamuti+ na yari sa magandang klase ng lino, ang mga panloob* na lino+ na yari sa magandang klase ng pinilipit na lino, 29 at ang pamigkis na hinabi gamit ang magandang klase ng pinilipit na lino, asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
30 Bilang panghuli, ginawa nila ang makintab na lamina, ang banal na tanda ng pag-aalay,* gamit ang purong ginto, at gaya ng pag-ukit sa isang pantatak ay iniukit nila roon: “Ang kabanalan ay kay Jehova.”+ 31 Nilagyan nila ito ng isang tali na yari sa asul na sinulid para maikabit ito sa espesyal na turbante, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
32 Sa gayon ay natapos ang lahat ng gawain para sa tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, at ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.+ Gayong-gayon ang ginawa nila.
33 Pagkatapos, dinala nila kay Moises ang tabernakulo,+ ang tolda+ at ang lahat ng kagamitan nito: ang mga pangawit,+ mga hamba,+ mga barakilan,*+ mga haligi, at may-butas na mga patungan nito;+ 34 ang pantakip nito na yari sa balat ng lalaking tupa na tinina sa pula,+ ang pantakip nito na yari sa balat ng poka,* ang kurtinang pantabing;+ 35 ang kaban ng Patotoo at ang mga pingga*+ nito at ang pantakip;+ 36 ang mesa, ang lahat ng kagamitan nito+ at ang tinapay na pantanghal; 37 ang kandelero na yari sa purong ginto, ang nakahanay na mga ilawan nito,+ at ang lahat ng kagamitan nito+ at ang langis para sa mga ilawan;+ 38 ang gintong altar,+ ang langis para sa pag-aatas,+ ang mabangong insenso,+ ang pantabing*+ sa pasukan ng tolda; 39 ang tansong altar+ at tansong parilya* nito, ang mga pingga nito,+ ang lahat ng kagamitan nito,+ ang tipunan ng tubig at patungan nito;+ 40 ang nakasabit na mga tabing ng looban, ang mga haligi nito at may-butas na mga patungan nito,+ ang pantabing*+ sa pasukan ng looban, ang mga panaling pantolda nito at mga tulos na pantolda nito+ at lahat ng kagamitan para sa paglilingkod sa tabernakulo, para sa tolda ng pagpupulong; 41 ang mga kasuotan na mahusay ang pagkakahabi para sa paglilingkod sa santuwaryo, ang banal na kasuotan para kay Aaron na saserdote,+ at ang mga kasuotan ng mga anak niya para sa paglilingkod bilang saserdote.
42 Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng gawain ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.+ 43 Nang suriin ni Moises ang lahat ng nagawa nila, nakita niyang ginawa nila ang mga iyon ayon sa iniutos ni Jehova; at pinagpala sila ni Moises.
40 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: 2 “Sa unang araw ng unang buwan, itatayo mo ang tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.+ 3 Ilagay mo roon ang kaban ng Patotoo,+ at tabingan mo ng kurtina ang Kaban.+ 4 Ipasok mo roon ang mesa+ at ayusin ang mga bagay sa ibabaw nito, at ipasok mo ang kandelero+ at sindihan ang mga ilawan nito.+ 5 Pagkatapos, ilagay mo ang gintong altar ng insenso+ sa harap ng kaban ng Patotoo, at ilagay mo ang pantabing* para sa pasukan ng tabernakulo.+
6 “Ilagay mo ang altar ng handog na sinusunog+ sa tapat ng pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, 7 at ilagay mo ang tipunan ng tubig sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at lagyan mo iyon ng tubig.+ 8 Pagkatapos, itayo mo ang bakod sa palibot para magkaroon ng looban,+ at ikabit mo ang pantabing*+ para sa pasukan ng looban. 9 At kunin mo ang langis para sa pag-aatas+ at pahiran* mo ang tabernakulo at ang lahat ng naroon,+ at pabanalin mo iyon at ang lahat ng kagamitan nito para maging banal iyon. 10 Pahiran mo ang altar ng handog na sinusunog at ang lahat ng kagamitan nito, at pabanalin mo ang altar para iyon ay maging isang kabanal-banalang altar.+ 11 At pahiran mo ang tipunan ng tubig at patungan nito, at pabanalin mo iyon.
12 “Pagkatapos, dalhin mo si Aaron at ang mga anak niya malapit sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at utusan mo silang maligo.*+ 13 Isuot mo kay Aaron ang banal na kasuotan+ at pahiran mo siya ng langis+ at pabanalin, at maglilingkod siya sa akin bilang saserdote. 14 Pagkatapos, iharap mo sa akin ang mga anak niya, at isuot mo sa kanila ang mahahabang damit.+ 15 Pahiran mo sila gaya ng ginawa mo sa kanilang ama+ para makapaglingkod sila sa akin bilang mga saserdote; at dahil sa pagpapahid na ito, ang pagkasaserdote ay mananatili sa kanila, sa lahat ng henerasyon nila hanggang sa panahong walang takda.”+
16 Ginawa ni Moises ang lahat ayon sa iniutos ni Jehova sa kaniya.+ Gayong-gayon ang ginawa niya.
17 Nang ikalawang taon, noong unang araw ng unang buwan, ang tabernakulo ay naitayo.+ 18 Nang itayo ni Moises ang tabernakulo, inilatag niya ang may-butas na mga patungan nito,+ inilagay ang mga hamba,+ isinuot ang mga barakilan,*+ at itinayo ang mga haligi. 19 Iniladlad niya ang tolda+ sa ibabaw ng tabernakulo at inilagay ang pantakip+ ng tolda sa ibabaw nito, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
20 Pagkatapos, kinuha niya ang Patotoo+ at inilagay iyon sa loob ng Kaban+ at isinuot ang mga pingga*+ sa Kaban at inilagay ang pantakip+ sa ibabaw ng Kaban.+ 21 Ipinasok niya ang Kaban sa tabernakulo at inilagay ang kurtinang+ pantabing at tinabingan ang kaban ng Patotoo,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
22 Pagkatapos, inilagay niya ang mesa+ sa loob ng tolda ng pagpupulong sa hilagang bahagi ng tabernakulo sa labas ng kurtina, 23 at inayos niya ang magkakapatong na tinapay+ sa ibabaw nito sa harap ni Jehova, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
24 Inilagay niya ang kandelero+ sa loob ng tolda ng pagpupulong sa tapat ng mesa, sa timugang bahagi ng tabernakulo. 25 Sinindihan niya ang mga ilawan+ sa harap ni Jehova, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
26 Pagkatapos, inilagay niya ang gintong altar+ sa loob ng tolda ng pagpupulong sa harap ng kurtina 27 para makapagpausok ng mabangong insenso+ sa ibabaw nito,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
28 Inilagay niya ang pantabing*+ para sa pasukan ng tabernakulo.
29 Inilagay niya ang altar ng handog na sinusunog+ sa pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, para maihandog niya sa ibabaw nito ang handog na sinusunog+ at handog na mga butil, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
30 Pagkatapos, inilagay niya ang tipunan ng tubig sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at nilagyan niya iyon ng tubig para sa paghuhugas.+ 31 Doon naghugas ng mga kamay at paa si Moises at si Aaron at ang mga anak nito. 32 Naghuhugas sila tuwing pumapasok sila sa tolda ng pagpupulong o lumalapit sa altar,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
33 Bilang panghuli, itinayo niya ang bakod sa palibot ng tabernakulo at altar para magkaroon ng looban,+ at ikinabit niya ang pantabing* para sa pasukan ng looban.+
At natapos ni Moises ang gawain. 34 At tinakpan ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang tabernakulo.+ 35 Hindi makapasok si Moises sa tolda ng pagpupulong, dahil nanatili sa ibabaw nito ang ulap, at napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang tabernakulo.+
36 Kapag pumapaitaas ang ulap mula sa tabernakulo, inililigpit ng mga Israelita ang mga tolda nila at nagpapatuloy sa paglalakbay; ganito ang ginagawa nila sa buong panahon ng kanilang paglalakbay.+ 37 Pero kapag hindi pumapaitaas ang ulap, hindi sila nagpapatuloy sa paglalakbay hanggang sa araw na pumaitaas iyon.+ 38 Dahil ang ulap ni Jehova ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw at isang apoy ang nananatili sa ibabaw nito sa gabi. Nakikita ito ng buong sambahayan ng Israel sa buong panahon ng kanilang paglalakbay.+
Lit., “ng lumabas mula sa hita ni Jacob.”
O “ng mga tagapagpatrabaho.”
Inilalagay sa pagitan ng mga laryo o mga bato para magdikit ang mga ito o ginagamit na pampalitada.
Bloke na ginagamit sa pagtatayo; gawa sa pinatigas na putik.
O “nakita ninyo sila sa tuntungan para sa panganganak.”
O “arka.”
Malapot at itim na likidong puwedeng gamitin para hindi makatagos ang tubig.
O “at pasusuhin mo siya at alagaan.”
O “at pinasuso ito at inalagaan.”
Ibig sabihin, “Hinango,” o iniligtas mula sa tubig.
O “habang lumalakas si Moises.”
O “ipinagtanggol.”
Si Jetro.
Ibig sabihin, “Isang Naninirahang Dayuhan Doon.”
Lit., “ang maraming araw.”
O “palumpong.”
O “sasamba.”
O “Gustuhin.”
Tingnan ang Ap. A4.
O “kamangha-manghang gawa.”
Lit., “sasaiyong bibig.”
Lit., “ang puso niya.”
O “magiging kinatawan ng Diyos.”
O “Umalis kang payapa.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Posibleng tumutukoy sa anak ni Moises.
O “ng kutsilyong bato.”
O “pasanin.”
O “nagpapatrabaho sa kanila.”
Pinili mula sa mga Israelita.
O “ng pinaggapasan para gawing dayami.”
O “sumamâ ang amoy namin sa Paraon at sa mga lingkod niya.”
Lit., “para magsalita sa iyong pangalan.”
Lit., “unat na.”
Lit., “ipinagtaas ko ng kamay ko.”
Lit., “hindi tuli ang mga labi ko.”
O “angkan ng ama.”
Lit., “Hindi tuli ang mga labi ko.”
Lit., “ginawa kitang Diyos.”
Lit., “ang aking mga hukbo, ang bayan ko.”
Lit., “iniunat ko ang kamay ko.”
O “manggagaway.” Tingnan sa Glosari, “Panggagaway.”
O “sining ng mahika.”
O “dalhin mo sa kamay.”
Irigasyon na nanggagaling sa Nilo.
O “malukong na masahan.”
Isang maliit na insekto na karaniwan sa Ehipto at nangangagat na gaya ng lamok.
O “Espiritu.”
Mga Ehipsiyo.
O “Pero dapat nang tigilan ng Paraon ang pakikipaglaro sa amin.”
O “kamay.”
Lit., “sa puso mo.”
O “puwede kong iunat ang kamay.”
O “graniso.”
Marahil ay isang paglalarawan sa nakakatakot na kidlat.
Marahil ay isang paglalarawan sa nakakatakot na kidlat.
O “huli sa kapanahunan.”
O “tanda.”
O “graniso.”
Lit., “Hanggang kailan magiging silo ang.”
Malamang na si Moises.
O “at sa sobrang dilim, maaari na itong maramdaman.”
O “Hahayaan mo kaming madala.”
Lit., “paa.”
O “gilingang pangkamay.”
Lit., “ang magpapatalas ng dila.”
Lit., “siya.”
Lit., “niyang.”
Lit., “at sa pagitan ng dalawang gabi.”
O “lalagyan nila ng dugo ang hamba ng pinto.”
O “may bigkis ang inyong balakang at suot ang inyong sandalyas.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “papatayin.”
O “para sa bawat tao.”
Lit., “ang mga hukbo.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “papatayin.”
Mga batang tupa o kambing.
Lit., “ang paglipol.”
Lit., “bahay ng imbakan ng tubig.”
O “para na rin kaming patay!”
O “malukong na masahan.”
Lit., “lalaking naglalakad.” Malamang na tumutukoy sa mga lalaking puwedeng maging mandirigma.
Mga di-Israelita na iba’t iba ang lahi, kasama na ang mga Ehipsiyo.
Lit., “ang mga hukbo.”
O “nakikipamayan.”
Lit., “ng anak ni Israel kasama ang kanilang mga hukbo.”
O “Pabanalin mo para sa akin.”
Lit., “ang bawat panganay na nagbubukas ng bawat sinapupunan.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
Tingnan ang Ap. B15.
O “isinumpa.”
Lit., “sa lahat ng hangganan.”
Lit., “at sa pagitan ng inyong mga mata.”
Lit., “lahat ng nagbubukas ng sinapupunan.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
Lit., “lahat ng nagbubukas ng sinapupunan.”
Lit., “at sa pagitan ng inyong mga mata.”
O “na nasa hangganan ng ilang.”
O “karong.”
Lit., “nang nakataas ang kamay.”
Lit., “tatahimik.”
Mga 2:00 n.u. hanggang 6:00 n.u.
Lit., “kamay na.”
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Makadarama ng hapdi ng panganganak.”
Pinuno ng tribo.
O “diktador.”
O “binuo.”
Lit., “itatanim.”
Lit., “sa bundok ng iyong mana.”
Ibig sabihin, “Kapaitan.”
Lit., “ng kamay ni Jehova.”
Lit., “Sa pagitan ng dalawang gabi.”
O “natakpan.”
Mga 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “pangingilin ng sabbath.”
O “nagpahinga ang bayan.”
Malamang na pananalitang Hebreo para sa “Ano ito?”
Isang halaman na may mamuti-muting buto.
Ang isang epa ay 22 L. Tingnan ang Ap. B14.
Ibig sabihin, “Pagsubok.”
Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
O “bilang alaala.”
Lit., “sa silong ng langit.”
Ibig sabihin, “Si Jehova ang Aking Posteng Pananda.”
Ibig sabihin, “Isang Naninirahang Dayuhan Doon.”
Ibig sabihin, “Ang Aking Diyos ay Katulong.”
Lit., “mula sa kamay ng Ehipto.”
O “ang tinig ko.”
O “minamahal.”
Malamang gamit ang pana.
Lit., “Huwag kayong lalapit sa babae.”
Lit., “ang tinig ng tunay na Diyos.”
Lit., “para hindi lumabas laban sa kanila si.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “bilang paglaban sa akin.”
O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”
Lit., “pintuang-daan.”
O “Igalang.”
O “handog para sa kapayapaan.”
O “pinangyari.”
Lit., “ang iyong kahubaran.”
O “hudisyal na pasiya.”
O “bubutasan ang tainga niya gamit ang balibol.”
Lit., “ipatubos.”
O “dapat siyang sumiping dito.”
O posibleng “isang kasangkapan.”
Lit., “at lumabas ang mga anak nito.”
O “nasaktan nang malubha.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “bayad-pinsala.”
O “hudisyal na pasiya.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “palumpong.”
Lit., “kung inilagay niya ang kamay niya.”
Lit., “na hindi niya inilagay ang kamay niya.”
Malamang na dahil sa kapabayaan.
O “hindi pa nakatakdang ikasal.”
O “manggagaway.” Tingnan sa Glosari, “Panggagaway.”
O “o ulila.”
O “nagdurusa.”
O “panagot.”
Lit., “balat.”
O “may magandang-loob.”
O “pagsasalitaan ng masama.”
Pisaan para sa langis at alak.
O “magsasabi.”
O “dahil lang sa gusto ito ng karamihan.”
O “sa usapin sa batas.”
O “sa kasinungalingan.”
O “hindi ko ipapawalang-sala ang masama.”
O “buhay.”
Tingnan ang Ap. B15.
Tinatawag ding Kapistahan ng mga Sanlinggo, o Pentecostes.
Tinatawag ding Kapistahan ng mga Kubol (Tabernakulo).
O “at lulubusin ko ang bilang ng mga araw ninyo.”
O “ay tatalikod.”
O posibleng “Tatakutin ko sila; Matataranta sila dahil sa akin.”
Eufrates.
O “hudisyal na pasiya.”
O “lalaking baka.”
O “kasindalisay.”
O “usapin sa batas.”
O “lanang tinina sa kulay-ube na mamula-mula.”
Ang tina na ginamit dito ay galing sa insektong kokus.
Hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “magtatabernakulo.”
O “disenyo.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy na pambuhat.
Mga 7.4 cm (2.9 in). Tingnan ang Ap. B14.
Mga dahong sumasalo sa bulaklak.
Bulaklak na hindi pa bumubuka.
O “pamatay-apoy.”
Lit., “apoy.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
O “disenyo.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “para ilagay.”
O “Ang kalahati ng sobrang telang pantolda.”
Hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
O “dalawang mitsa.” O posibleng “dalawang patayong bahagi.”
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
O “kurtina.”
O “kurtina.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
Abo na nahaluan ng nagmantikang taba ng mga handog.
Lit., “apoy.”
O “ihawan.”
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy na pambuhat.
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “kurtina.”
O “kagandahan.”
Lit., “ng may pusong marunong.”
O “ng espiritu ng karunungan.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “enggasteng.”
O “batong pang-alaala.”
O “enggasteng.”
O “enggasteng.”
Mga 22.2 cm (8.75 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “batong nasa enggaste.”
Isang mahalagang bato na hindi matukoy; posibleng ito ay amber, jacinto, opal, o tourmaline.
O “enggasteng.”
Hugis-singsing.
Sa itaas ng pektoral.
O “enggaste.”
Tabernakulo.
Tingnan sa Glosari.
O “butas para sa ulo.”
Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.
Tingnan sa Glosari.
O “kagandahan.”
Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Lit., “pupunuin ang kamay nila.”
O “salawal.”
Lit., “hubad na laman.”
Lit., “ng binhi.”
O “lalaking baka.”
Lit., “at paliguan mo sila sa tubig.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “banal na diadema.”
Lit., “pahiran.”
Lit., “pupunuin ang kamay ni Aaron at ang kamay ng mga anak niyang lalaki.”
O “taba.”
Ibabang bahagi ng tainga.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
Lit., “para mapuno ang kamay nila.”
Lit., “estrangherong,” o isang taong hindi kapamilya ni Aaron.
Lit., “sa pagpuno sa kamay nila.”
O “pababanalin.”
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Ang isang epa ay 22 L. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang hin ay 3.67 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
O “Magtatabernakulo.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy.
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “ayon sa banal na siklo.”
Ang isang gerah ay 0.57 g. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “bilang pambayad-sala sa.”
Lit., “pambayad-sala.”
Lit., “bilang pambayad-sala sa.”
Sa Ingles, cinnamon.
O “ayon sa banal na siklo.”
Ang isang hin ay 3.67 L. Tingnan ang Ap. B14.
O “dapat na gaya ito ng ginagawa ng tagatimpla ng pabango.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “sa estranghero,” o isang taong hindi kapamilya ni Aaron.
O “dapat na gaya ito ng ginagawa ng tagatimpla ng pabango.”
Lit., “tinawag ko sa pangalan.”
O “enggaste.”
Lit., “may pusong marunong.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “matigas ang leeg.”
O “dakilang.”
Lit., “Pero pinalambot ni Moises ang mukha ng.”
O “at ikalungkot mo.”
Lit., “binhi.”
Lit., “binhi.”
O “Kaya ikinalungkot.”
O “makapangyarihang gawa.”
Lit., “Punuin ninyo ang inyong kamay.”
Lit., “sa binhi.”
Lit., “leeg.”
Lit., “leeg.”
Lit., “Kilala kita sa pangalan.” O “Pinili kita.”
Lit., “ang aking mukha.”
Lit., “Kung hindi sasama ang iyong mukha.”
Lit., “kabutihan.”
O “at may magandang-loob.”
O “sa maibiging-kabaitan.”
O “katapatan.”
Lit., “leeg.”
O “nalilikha.”
Tingnan sa Glosari.
O “dahil ang pangalan niyang Jehova ay.”
O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”
O “sumasamba.”
O “sasamba.”
Tingnan ang Ap. B15.
Lit., “Ang lahat ng nagbubukas ng sinapupunan.”
O “ay susundin mo ang batas sa Sabbath.”
Tinatawag ding Kapistahan ng mga Kubol (Tabernakulo).
Lit., “para makita ang mukha ng.”
Lit., “Sampung Salita.” Tinatawag ding Dekalogo.
Lit., “kaniya.”
Hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
Lit., “may pusong marunong.”
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
Mahabang kahoy na pambuhat.
O “kurtina.”
O “ihawan.”
Palamuting ikinakabit sa damit.
O “handog na iginagalaw.” Tingnan sa Glosari.
O “enggaste.”
Lit., “pusong marunong.”
Lit., “ng bawat lalaking may pusong marunong.”
Malamang na si Bezalel.
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “para ilagay.”
Hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
O “dalawang mitsa.” O posibleng “dalawang patayong bahagi.”
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
O “kurtina.”
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy na pambuhat.
Mga 7.4 cm (2.9 in). Tingnan ang Ap. B14.
Mga dahong sumasalo sa bulaklak.
Bulaklak na hindi pa bumubuka.
O “pamatay-apoy.”
Lit., “apoy.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
O “gaya ito ng ginagawa ng tagatimpla ng pabango.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “apoy.”
O “ihawan.”
Hugis-singsing.
Mahabang kahoy na pambuhat.
Napakakintab na mga salaming yari sa metal.
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “kurtina.”
O “argolya,” o hugis-singsing na pandugtong.
O “listahan.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “ayon sa banal na siklo.”
Tingnan sa Glosari.
O “ayon sa banal na siklo.”
O “ayon sa banal na siklo.”
O “tanso sa handog na iginagalaw.” Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “enggasteng.”
O “batong pang-alaala.”
Tingnan sa Glosari.
Mga 22.2 cm (8.75 in). Tingnan ang Ap. B14.
Isang mahalagang bato na hindi matukoy; posibleng ito ay amber, jacinto, opal, o tourmaline.
O “enggasteng.”
O “enggasteng.”
Hugis-singsing.
Sa itaas ng pektoral.
O “enggaste.”
O “butas para sa ulo.”
Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.
Tingnan sa Glosari.
O “salawal.”
O “banal na diadema.”
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
Hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
Mahabang kahoy na pambuhat.
O “kurtina.”
O “ihawan.”
O “kurtina.”
O “kurtina.”
O “kurtina.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “at paliguan mo sila sa tubig.”
Mahabang kahoy na pahalang na sumusuporta sa tabernakulo.
Mahabang kahoy na pambuhat.
O “kurtina.”
O “kurtina.”