ISAIAS
1 Ang pangitaing nakita ni Isaias*+ na anak ni Amoz may kinalaman sa Juda at Jerusalem noong panahon nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda:+
3 Kilalang-kilala ng toro ang bumili sa kaniya,
At alam na alam ng asno ang sabsaban ng nagmamay-ari sa kaniya;
Pero hindi ako kilala ng Israel,*+
Ang sarili kong bayan ay hindi kumikilos nang may kaunawaan.”
4 Kaawa-awa ang makasalanang bansa,+
Isang bayang lugmok sa kasalanan,
Isang lahi ng masasamang tao, tiwaling mga anak!
5 Saan pa ninyo gustong masaktan at patuloy kayong nagrerebelde?+
Napinsala na ang buong ulo ninyo,
At may sakit ang buong puso ninyo.+
6 Mula talampakan hanggang ulo, walang bahaging malusog.
May mga galos at mga pasa at sariwang mga sugat
—Ang mga ito ay hindi pa nagagamot* o nabebendahan o napalalambot ng langis.+
7 Tiwangwang ang lupain ninyo.
Sunóg ang mga lunsod ninyo.
Harap-harapang nilalamon ng mga dayuhan ang mga bunga ng lupain ninyo.+
Para itong tiwangwang na lupaing winasak ng mga dayuhan.+
8 Ang anak na babae ng Sion ay naiwang gaya ng isang silungan* sa ubasan,
Gaya ng isang kubo sa taniman ng pipino,
Gaya ng isang lunsod na napapalibutan ng kaaway.+
9 Kung hindi iniligtas ni Jehova ng mga hukbo ang ilan sa atin,
Naging gaya na tayo ng Sodoma
At naging katulad ng Gomorra.+
10 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga diktador* ng Sodoma.+
Pakinggan ninyo ang kautusan* ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra.+
11 “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova.
“Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+
At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+
12 Kapag humaharap kayo sa akin,+
Sino ang nag-uutos sa inyo na gawin iyan?
Niyuyurakan lang ninyo ang mga looban ko.+
13 Tigilan na ninyo ang pagdadala ng walang-kabuluhang handog na mga butil.+
Nasusuklam ako sa mga insenso ninyo.
Mga bagong buwan,+ mga sabbath,+ panawagan para sa mga kombensiyon+
—Hindi ko na matiis ang paggamit ninyo ng mahika+ kasabay ng inyong banal na pagtitipon.
14 Napopoot ako* sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga kapistahan.
Naging pabigat sa akin ang mga iyon;
Hindi ko na kayang tiisin ang mga iyon.
16 Maghugas kayo, linisin ninyo ang inyong sarili;+
Alisin ninyo sa paningin ko ang masasama ninyong gawain;
Tigilan na ninyo ang paggawa ng masama.+
17 Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan,+
Ituwid ninyo ang nang-aapi,
Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng batang walang ama,*
At ipaglaban ninyo ang usapin ng biyuda.”+
18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+
“Kahit na ang mga kasalanan ninyo ay gaya ng iskarlata,*
Mapapuputi ang mga ito na gaya ng niyebe;+
Kahit na simpula ang mga ito ng telang krimson,
Magiging simputi ng lana ang mga ito.
20 Pero kung tatanggi kayo at magrerebelde,
Lalamunin kayo ng espada,+
Dahil si Jehova ang nagsabi nito.”
21 Ang tapat na lunsod+ ay naging babaeng bayaran!+
Dati ay katarungan ang namamayani sa kaniya;+
Katuwiran ang nakatira noon sa kaniya,+
Pero ngayon ay mga mamamatay-tao.+
23 Matigas ang ulo ng iyong matataas na opisyal at kasabuwat sila ng mga magnanakaw.+
Lahat sila ay mahilig sa suhol at naghahabol ng regalo.+
Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga walang ama,*
At hindi nakakarating sa kanila ang kaso ng mga biyuda.+
24 Kaya sinabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Ang Makapangyarihan ng Israel:
“Aalisin ko sa harap ko ang mga kalaban ko,
At maghihiganti ako sa mga kaaway ko.+
25 Paparusahan kita,
Tutunawin ko ang iyong dumi* na parang ginamitan ng lihiya,
At aalisin ko ang lahat ng iyong karumihan.+
Pagkatapos, tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, Tapat na Bayan.+
27 Tutubusin ang Sion sa pamamagitan ng katarungan,+
At ang bayan niyang bumabalik, sa pamamagitan ng katuwiran.
28 Ang mga rebelde at ang mga makasalanan ay pupuksaing magkakasama,+
At ang mga umiiwan kay Jehova ay hahantong sa kanilang wakas.+
30 Dahil magiging gaya kayo ng malaking puno na ang mga dahon ay natutuyot,+
At gaya ng hardin na walang tubig.
31 Ang malakas na tao ay magiging gaya ng mga hibla,*
At ang mga gawa niya, gaya ng siklab;
Sabay silang magliliyab,
At walang sinumang papatay sa apoy.”
2 Ito ang nakita ni Isaias na anak ni Amoz may kinalaman sa Juda at Jerusalem:+
2 Sa huling bahagi ng mga araw,*
Ang bundok ng bahay ni Jehova
Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+
At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,
At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+
3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,
Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+
4 Siya ay hahatol sa mga bansa
At magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa maraming bayan.
Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*
At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+
Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,
At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+
6 Pinabayaan mo ang iyong bayan, ang sambahayan ni Jacob,+
Dahil napuno sila ng mga bagay mula sa Silangan;
Nagsasagawa sila ng mahika+ gaya ng mga Filisteo,
At marami silang mga anak ng banyaga.
7 Ang lupain nila ay punô ng pilak at ginto,
At hindi mabilang ang kayamanan nila.
8 Ang lupain nila ay punô ng walang-silbing mga diyos.+
Yumuyukod sila sa gawa ng sarili nilang mga kamay,
Sa ginawa ng sarili nilang mga daliri.
9 Kaya ibinababa niya ang sarili niya at ginagawang hamak,
At talagang hindi mo sila mapatatawad.
10 Pumasok kayo sa mga bitak ng malaking bato at magtago kayo sa alabok
Dahil sa nakakatakot na presensiya ni Jehova
At sa kaniyang maluwalhating kadakilaan.+
Si Jehova lang ang dadakilain sa araw na iyon.
12 Dahil ang araw na iyon ay kay Jehova ng mga hukbo.+
Darating iyon sa lahat ng mapagmataas at hambog,
Sa lahat, dakila man o nakabababa,+
13 Sa lahat ng punong sedro ng Lebanon na matayog at mataas
At sa lahat ng punong ensina ng Basan,
14 Sa lahat ng matatayog na bundok
At sa lahat ng matataas na burol,
15 Sa bawat mataas na tore at matibay na pader,
16 Sa lahat ng barko ng Tarsis+
At sa lahat ng kanais-nais na bangka.
Si Jehova lang ang dadakilain sa araw na iyon.
18 Ang walang-silbing mga diyos ay lubusang maglalaho.+
19 At ang mga tao ay magtatago sa mga kuweba sa batuhan
At sa mga hukay sa lupa,+
Dahil sa nakakatakot na presensiya ni Jehova
At sa kaniyang marilag na kadakilaan,+
Kapag kumilos siya para panginigin sa takot ang lupa.
20 Sa araw na iyon ay kukunin ng mga tao ang kanilang walang-silbing mga diyos na pilak at ginto,
Na ginawa nila para yukuran,
At itatapon nila ang mga iyon sa mga daga* at paniki,+
21 Para makapasok sila sa mga butas ng bato
At sa mga bitak ng malalaking bato,
Dahil sa nakakatakot na presensiya ni Jehova
At sa kaniyang marilag na kadakilaan,
Kapag kumilos siya para panginigin sa takot ang lupa.
22 Para sa sarili ninyong kapakanan, huwag na kayong magtiwala sa hamak na tao,
Na nabubuhay lang dahil sa hininga sa kaniyang ilong.*
Bakit kayo aasa sa kaniya?
3 Aalisin ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Ang lahat ng tulong at suplay sa Jerusalem at sa Juda,
Lahat ng suplay ng tinapay at tubig,+
2 Malakas na lalaki at mandirigma,
Hukom at propeta,+ manghuhula at matandang lalaki,
3 Pinuno ng 50,+ dignitaryo, at tagapayo,
Dalubhasang salamangkero at bihasang engkantador.+
4 Mga batang lalaki ang gagawin kong pinuno nila,
At ang mamamahala sa kanila ay pabago-bago ng isip.
Sasaktan ng batang lalaki ang matandang lalaki,
At lalabanan ng nakabababa ang taong iginagalang.+
6 Susunggaban ng bawat isa ang kaniyang kapatid na lalaki sa bahay ng kaniyang ama at magsasabi:
“Mayroon kang balabal—ikaw ang maging kumandante namin.
Ikaw ang mamahala sa tambak ng mga guhong ito.”
7 Pero tututol siya sa araw na iyon:
“Hindi ako magiging tagagamot ng sugat* ninyo;
Wala akong pagkain o damit sa bahay ko.
Huwag ninyo akong gawing kumandante ng bayan.”
8 Dahil ang Jerusalem ay nabuwal,
At ang Juda ay bumagsak,
Dahil laban sila kay Jehova sa salita at gawa;
9 Ang ekspresyon ng mukha nila ay nagpapatotoo laban sa kanila,
At ipinangangalandakan nila ang kasalanan nila gaya ng Sodoma;+
Hindi nila iyon itinatago.
Kaawa-awa sila, dahil ipinapahamak nila ang sarili nila!
11 Kaawa-awa ang masama!
Mapapahamak siya,
Dahil ang ginawa ng mga kamay niya ay gagawin sa kaniya!
12 Kung tungkol sa bayan ko, mapang-abuso ang mga nagpapatrabaho sa kanila,
At mga babae ang namamahala sa kanila.
O bayan ko, inililigaw ka ng mga pinuno mo,
At nililito ka nila sa daan na dapat mong lakaran.+
13 Si Jehova ay handa nang magharap ng kaniyang usapin;
Tumatayo siya para magbaba ng hatol sa mga bayan.
14 Hahatulan ni Jehova ang matatandang lalaki at matataas na opisyal sa bayan niya.
“Sinunog ninyo ang ubasan,
At ang ninakaw ninyo sa mahihirap ay nasa mga bahay ninyo.+
15 Ano ang karapatan ninyong durugin ang bayan ko,
At ingudngod sa lupa ang mukha ng mahihirap?”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.
16 Sinasabi ni Jehova: “Dahil ang mga anak na babae ng Sion ay mapagmataas,
Taas-noong naglalakad,*
Nang-aakit sa pamamagitan ng kanilang mga mata, kumekendeng,
At nagpapakalansing ng kanilang mga pulseras sa paa,
17 Paglalangibin ni Jehova ang ulo ng mga anak na babae ng Sion,
At ihahantad ni Jehova ang kanilang noo.+
18 Sa araw na iyon ay aalisin ni Jehova ang ganda ng kanilang mga pulseras sa paa,
Ang mga palamuti sa ulo at palamuting hugis-buwan,+
19 Ang mga hikaw,* pulseras, at belo,
20 Ang mga putong, kadenilya sa paa,* at pamigkis sa dibdib,*
Ang mga lalagyan ng pabango at mga anting-anting,*
21 Ang mga singsing sa daliri at hikaw sa ilong,
22 Ang magagarang damit, pang-ibabaw na kasuotan, balabal, at bag,
23 Ang mga salamin+ at kasuotang lino,*
Ang mga turbante at belo.
24 Sa halip na bango ng langis ng balsamo,+ magkakaroon ng bulok na amoy;
Sa halip na sinturon, lubid;
Sa halip na magandang ayos ng buhok, pagkakalbo;+
Sa halip na isang mamahaling damit, kasuotang gawa sa telang-sako;+
At peklat* sa halip na kagandahan.
26 Magdadalamhati at mamimighati ang mga pasukan niya,+
At uupo siya sa lupa; wala nang natira sa kaniya.”+
4 At susunggaban ng pitong babae ang isang lalaki sa araw na iyon+ at sasabihin:
“Kakainin namin ang sarili naming tinapay
At isusuot ang sarili naming damit;
Hayaan mo lang na tawagin kami sa pangalan mo
2 Sa araw na iyon, ang pasisibulin ni Jehova ay magiging marilag at maluwalhati, at ang bunga ng lupain ay ipagmamalaki ng mga natira sa Israel at magiging kagandahan nila.+ 3 Ang mga naiwan sa Sion at ang mga natira sa Jerusalem ay tatawaging banal, lahat ng nasa Jerusalem na nakasulat para mabuhay.+
4 Kapag hinugasan na ni Jehova ang karumihan* ng mga anak na babae ng Sion+ at ang dugong dumanak sa loob ng Jerusalem sa pamamagitan ng paghatol at ng kaniyang nag-aapoy na galit,+ 5 lilikha rin si Jehova sa ibabaw ng buong Bundok Sion at sa ibabaw ng lugar ng mga pagtitipon doon ng isang ulap at ng usok kapag araw at ng naglalagablab na apoy kapag gabi;+ sa ibabaw ng buong maluwalhating lupain ay magkakaroon ng isang silungan. 6 At magkakaroon ng isang kubol na magsisilbing silungan laban sa init+ kapag araw at kanlungan at proteksiyon mula sa bagyo at ulan.+
5 Pakisuyo, hayaan ninyong umawit ako sa minamahal ko
Ng isang awit tungkol sa kaniya at sa kaniyang ubasan.+
Ang minamahal ko ay may ubasan sa isang matabang lupain sa dalisdis ng burol.
2 Binungkal niya ito at inalisan ng bato.
Tinamnan niya ito ng magandang klase ng pulang ubas,
Nagtayo siya ng tore sa gitna nito,
At gumawa rito ng isang pisaan ng ubas.+
At patuloy siyang umasa na mamumunga ito ng ubas,
Pero ligáw na ubas lang ang naging bunga nito.+
3 “At ngayon, kayong mga nakatira sa Jerusalem at kayong mga taga-Juda,
Pakisuyong hatulan ninyo ako at ang aking ubasan.+
Umaasa akong mamumunga ito ng ubas,
Pero bakit ligáw na ubas ang naging bunga nito?
5 Ngayon, pakisuyo, hayaan ninyong sabihin ko sa inyo
Ang gagawin ko sa ubasan ko:
Aalisin ko ang halamang-bakod nito,
At susunugin iyon.+
Gigibain ko ang batong pader nito,
At yuyurakan iyon.
Tutubuan iyon ng matitinik na halaman* at mga panirang-damo,+
At uutusan ko ang mga ulap na huwag magbuhos ng ulan doon.+
7 Ang ubasan ni Jehova ng mga hukbo ay ang sambahayan ng Israel;+
Ang mga taga-Juda ang taniman na kinagiliwan niya.
Patuloy siyang umasa ng katarungan,+
Pero kawalang-katarungan ang naroon;
Ng katuwiran,
Pero pagdaing ang maririnig doon.”+
8 Kaawa-awa ang mga nagdurugtong ng bahay sa ibang bahay+
At ang mga nagdurugtong ng bukid sa ibang bukid+
Hanggang sa wala nang lugar para sa iba
At kayo na lang ang tumitira sa lupain!
9 Narinig kong sumumpa si Jehova
Na maraming bahay, kahit na malalaki at magaganda,
Ang katatakutan
At hindi na titirhan.+
10 Ang 10 akre* ng ubasan ay mamumunga lang ng isang bat,*
At ang isang homer* ng binhi ay mamumunga lang ng isang epa.*+
11 Kaawa-awa ang mga maagang bumabangon para uminom ng alak,+
Na inaabot ng gabi hanggang sa pagningasin sila ng alak!
12 Mayroon silang alpa at instrumentong de-kuwerdas,
Tamburin, plawta, at alak sa mga handaan nila;
Pero bale-wala sa kanila ang gawain ni Jehova,
At hindi nila nakikita ang mga gawa ng mga kamay niya.
13 Kaya ang bayan ko ay ipatatapon
Dahil sa kawalan ng kaalaman;+
Ang mga dinadakila sa kanila ay magugutom,+
At ang buong bayan ay matutuyot sa uhaw.
14 Kaya pinalaki ng Libingan* ang sarili nito
At ibinukang mabuti ang bibig nito nang walang hangganan;+
At ang kaniyang karilagan* at mga mamamayang maingay na nagsasaya
Ay tiyak na bababa rito.
16 Madadakila si Jehova ng mga hukbo dahil sa kaniyang paghatol;*
Pababanalin ng tunay na Diyos, ng Banal na Diyos,+ ang sarili niya sa pamamagitan ng katuwiran.+
17 At ang mga kordero* ay manginginain na parang nasa sarili nilang pastulan;
Ang mga dayuhan ay kakain sa abandonadong mga lugar na dating tirahan ng mga pinatabang hayop.
18 Kaawa-awa ang mga humihila ng pagkakamali nila sa pamamagitan ng mga lubid ng kasinungalingan
At ng kasalanan nila sa pamamagitan ng mga panali ng karwahe;
19 Ang mga nagsasabi: “Madaliin Niya ang kaniyang gawain;
Dumating sana iyon nang mabilis para makita namin.
20 Kaawa-awa ang mga nagsasabing ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti,+
Ang mga nagsasabing ang kadiliman ay liwanag at ang liwanag ay kadiliman,
Ang mga nagsasabing ang mapait ay matamis at ang matamis ay mapait!
22 Kaawa-awa ang malalakas uminom ng alak
At ang magagaling magtimpla ng mga inuming de-alkohol,+
23 Ang mga nagpapawalang-sala sa masasama dahil sa suhol+
At nagkakait ng katarungan sa mga matuwid!+
24 Kaya sila ay magiging gaya ng pinaggapasan na nilamon ng apoy
At ng tuyong damo na natupok sa apoy.
Ang mga ugat nila ay mabubulok,
At ang mga bulaklak nila ay kakalat na parang pulbos,
Dahil itinakwil nila ang kautusan* ni Jehova ng mga hukbo
At nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.+
25 Kaya lumalagablab ang galit ni Jehova sa bayan niya,
At iuunat niya ang kamay niya laban sa kanila at sasaktan sila.+
Mayayanig ang mga bundok,
At ang mga bangkay nila ay magiging gaya ng basura sa lansangan.+
Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.
26 Naglagay siya ng palatandaan* para sa isang malayong bansa;+
Sumipol siya para tawagin sila mula sa mga dulo ng lupa;+
At dumarating sila nang napakabilis.+
27 Walang pagod sa kanila o nadadapa.
Walang inaantok o natutulog.
Hindi maluwag ang sinturon nila,
At hindi putol ang mga sintas ng sandalyas nila.
Ang mga kuko ng mga kabayo nila ay gaya ng napakatigas na bato,*
At ang mga gulong nila ay gaya ng buhawi.+
Uungol sila at manununggab ng biktima
At tatangayin nila ito, at walang makapagliligtas dito.
Ang sinumang titingin sa lupain ay makakakita ng nakapanlulumong kadiliman;
Kahit ang liwanag ay nagdilim dahil sa mga ulap.+
6 Noong taóng mamatay si Haring Uzias,+ nakita ko si Jehova na nakaupo sa isang matayog at mataas na trono,+ at pinupuno ng laylayan niya ang templo. 2 May mga serapin na nakatayo sa itaas niya; bawat isa ay may anim na pakpak: dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa ang nakatakip sa mga paa, at dalawa ang ginagamit sa paglipad.
3 At sinasabi nila sa isa’t isa:
“Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo.+
Ang buong lupa ay punô ng kaluwalhatian niya.”
4 At ang mga paikutan ng mga pinto ay nanginig dahil sa sigaw,* at ang bahay ay napuno ng usok.+
5 Pagkatapos ay sinabi ko: “Kaawa-awa ako!
Tiyak na mamamatay ako,*
Dahil ako ay isang taong marumi ang labi,
At nakatira ako kasama ng bayang marurumi ang labi;+
Dahil nakita ng mga mata ko ang Hari mismo, si Jehova ng mga hukbo!”
6 At lumipad papunta sa akin ang isa sa mga serapin, at sa kamay niya ay may nagbabagang uling+ na kinuha niya sa altar+ sa pamamagitan ng pang-ipit. 7 At idinampi niya ito sa bibig ko at sinabi:
“Dumampi ito sa mga labi mo.
Naalis na ang pagkakamali mo,
At nabayaran na ang kasalanan mo.”
8 Pagkatapos, narinig ko ang tinig ni Jehova na nagsasabi: “Sino ang isusugo ko, at sino ang magdadala ng mensahe namin?”+ At sinabi ko: “Narito ako! Isugo mo ako!”+
9 At sinabi niya, “Pumunta ka sa bayang ito, at sabihin mo:
‘Maririnig ninyo iyon nang paulit-ulit,
Pero hindi ninyo mauunawaan;
Makikita ninyo iyon nang paulit-ulit,
Pero wala kayong matututuhan.’+
10 Gawin mong manhid ang puso ng bayang ito,+
Isara mo ang mga tainga nila,+
At ipikit mo ang mga mata nila,
Para hindi makakita ang mga mata nila
At hindi makarinig ang mga tainga nila,
Para hindi makaunawa ang mga puso nila
At hindi sila manumbalik at gumaling.”+
11 Kaya sinabi ko: “Hanggang kailan, O Jehova?” At sinabi niya:
“Hanggang sa ang mga lunsod ay gumuho at wala nang manirahan doon
At ang mga bahay ay mawalan ng tao
At ang lupain ay mawasak at maging tiwangwang;+
12 Hanggang sa itaboy ni Jehova ang mga tao+
At ang lupain ay lubusang mapabayaan.
13 “Pero may matitira doon na isang ikasampu, at iyon ay muling susunugin, gaya ng isang malaking puno at gaya ng punong ensina, na pagkatapos putulin ay may naiiwang tuod; isang banal na binhi* ang magiging tuod nito.”
7 Noong panahon ng hari ng Juda na si Ahaz+ na anak ni Jotam na anak ni Uzias, sumalakay si Haring Rezin ng Sirya at si Peka+ na anak ni Remalias na hari ng Israel para makipagdigma sa Jerusalem, pero hindi nila* ito nasakop.+ 2 Isang ulat ang dumating sa sambahayan ni David: “Nakipagsanib-puwersa ang Sirya sa Efraim.”
At nanginig sa takot ang puso ni Ahaz at ang puso ng bayan niya, gaya ng mga puno sa kagubatan na hinahampas ng hangin.
3 Sinabi ngayon ni Jehova kay Isaias: “Pakisuyo, lumabas ka para salubungin si Ahaz, ikaw at ang anak mong si Sear-jasub,*+ sa dulo ng padaluyan ng tubig na galing sa tipunan ng tubig sa itaas+ at nasa daang papunta sa parang ng tagapaglaba. 4 Sabihin mo sa kaniya, ‘Huminahon ka. Huwag kang matakot, at huwag kang panghinaan ng loob dahil sa dalawang tuod na ito ng sunóg at umuusok na mga troso, dahil sa mainit na galit ni Rezin at ng Sirya at ng anak ni Remalias.+ 5 Ang Sirya kasama ang Efraim at ang anak ni Remalias ay nagpakana ng masama laban sa iyo. Sinabi nila: 6 “Salakayin natin ang Juda at lurayin* ito at sakupin,* at gawin nating hari nito ang anak ni Tabeel.”+
7 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Hindi iyon magtatagumpay;
Hindi iyon mangyayari.
8 Dahil ang ulo ng Sirya ay ang Damasco,
At ang ulo ng Damasco ay si Rezin.
Sa loob lang ng 65 taon,
Ang Efraim ay magkakadurog-durog at hindi na magiging isang bayan.+
Kung hindi matibay ang pananampalataya ninyo,
Hindi kayo magiging matatag.”’”
10 Sinabi pa ni Jehova kay Ahaz: 11 “Humingi ka ng isang tanda mula kay Jehova na iyong Diyos;+ sinlalim man iyon ng Libingan* o sintaas ng langit.” 12 Pero sinabi ni Ahaz: “Hindi ako hihingi, at hindi ko susubukin si Jehova.”
13 Sinabi ngayon ni Isaias: “Pakisuyo, makinig kayo, O sambahayan ni David. Hindi pa ba sapat na sinusubok ninyo ang pasensiya ng tao? Susubukin din ba ninyo ang pasensiya ng Diyos?+ 14 Kaya bibigyan kayo ni Jehova ng isang tanda: Ang babae* ay magdadalang-tao at magkakaanak ng isang lalaki,+ at papangalanan niya itong Emmanuel.*+ 15 Mantikilya at pulot-pukyutan ang kakainin niya sa panahong natutuhan na niyang itakwil ang masama at piliin ang mabuti. 16 Dahil bago matutuhan ng bata na itakwil ang masama at piliin ang mabuti, ang lupain ng dalawang hari na kinatatakutan mo ay lubusang pababayaan.+ 17 Pasasapitin ni Jehova sa iyo at sa bayan mo at sa sambahayan ng iyong ama ang kapahamakang hindi pa nangyayari mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda,+ dahil isusugo Niya ang hari ng Asirya.+
18 “Sa araw na iyon ay sisipulan ni Jehova ang mga langaw sa malalayong ilog ng Nilo ng Ehipto at ang mga bubuyog sa lupain ng Asirya, 19 at darating ang lahat ng ito at maninirahan sa matatarik na bangin,* sa mga bitak ng malalaking bato, sa lahat ng matitinik na halaman,* at sa lahat ng pastulan.*
20 “Sa araw na iyon, sa pamamagitan ng isang upahang labaha mula sa rehiyon ng Ilog,* sa pamamagitan ng hari ng Asirya,+ ay aahitin ni Jehova ang buhok sa ulo at ang balahibo sa mga binti, at aalisin nito pati ang balbas.
21 “Sa araw na iyon ay iingatan ng isang tao ang isang batang baka mula sa kawan at dalawang tupa. 22 At dahil sa dami ng gatas, kakain siya ng mantikilya, dahil ang lahat ng natira sa lupain ay kakain ng mantikilya at pulot-pukyutan.
23 “Sa araw na iyon, sa lahat ng lugar na dating may 1,000 punong ubas, na nagkakahalaga ng 1,000 pirasong pilak, ay magkakaroon na lang ng matitinik na halaman at mga panirang-damo. 24 Pupunta roon ang mga tao na may mga pana, dahil ang buong lupain ay mapupuno ng matitinik na halaman at mga panirang-damo. 25 At ang lahat ng bundok na dating hinahawan sa pamamagitan ng asarol ay hindi mo lalapitan dahil sa takot sa matitinik na halaman at mga panirang-damo; magpapagala-gala na lang doon ang mga torong nanginginain at ang mga tupa.”
8 Sinabi ni Jehova sa akin: “Kumuha ka ng malaking tapyas+ at isulat mo roon sa pamamagitan ng ordinaryong panulat,* ‘Maher-salal-has-baz.’* 2 At gusto ko ng nasusulat na katibayan nito mula sa* tapat na mga saksi, ang saserdoteng si Uria+ at ang anak ni Jeberekias na si Zacarias.”
3 Pagkatapos ay sumiping* ako sa propetisa,* at siya ay nagdalang-tao at nang maglaon ay nagsilang ng isang anak na lalaki.+ At sinabi ni Jehova sa akin: “Maher-salal-has-baz ang ipangalan mo sa kaniya, 4 dahil bago matuto ang bata na tumawag ng ‘Tatay!’ at ‘Nanay!’ ang yaman ng Damasco at ang samsam ng Samaria ay kukunin at dadalhin sa hari ng Asirya.”+
5 Sinabi pa sa akin ni Jehova:
6 “Dahil itinakwil ng bayang ito ang tubig ng Siloa* na umaagos nang banayad+
At nagsasaya sila dahil kay Rezin at sa anak ni Remalias,+
7 Dadalhin ni Jehova laban sa kanila
Ang malakas at malaking Ilog,*
Ang hari ng Asirya+ at ang buong kaluwalhatian nito.
Dadaan itong gaya ng baha na abot hanggang leeg;+
Ang nakabuka nitong mga pakpak ay tatakip sa buong lupain mo,
9 Maminsala kayo, kayong mga bayan, pero magkakadurog-durog kayo.
Makinig kayo, lahat kayong nasa malalayong bahagi ng lupa!
Maghanda kayo sa labanan,* pero magkakadurog-durog kayo!+
Maghanda kayo sa labanan, pero magkakadurog-durog kayo!
10 Bumuo kayo ng plano, pero mabibigo iyon!
11 Sumaakin ang malakas na kamay ni Jehova, at ito ang sinabi niya sa akin para babalaan ako sa pagsunod sa landasin ng bayang ito:
12 “Huwag ninyong tawaging sabuwatan ang tinatawag ng bayang ito na sabuwatan!
Huwag kayong matakot sa kinatatakutan nila;
Huwag kayong manginig dahil doon.
13 Si Jehova ng mga hukbo—siya ang dapat ninyong ituring na banal,+
Siya ang dapat ninyong katakutan,
At siya ang dapat magpanginig sa inyo.”+
14 Siya ay magiging gaya ng santuwaryo,
Pero gaya ng isang batong ikakatisod
At gaya ng isang malaking batong ikabubuwal+
Ng dalawang sambahayan ng Israel,
Gaya ng bitag at silo
Sa mga nakatira sa Jerusalem.
15 Marami sa kanila ang matitisod at mabubuwal at mababalian;
Mabibitag sila at mahuhuli.
16 Irolyo mo ang nasusulat na katibayan;*
Gawin mong selyado ang kautusan* sa gitna ng mga alagad ko!
17 Patuloy* akong maghihintay kay Jehova,+ na nagtatago ng mukha niya mula sa sambahayan ni Jacob,+ at aasa ako sa kaniya.
18 Ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ni Jehova+ ay gaya ng mga tanda+ at gaya ng mga himala sa Israel mula kay Jehova ng mga hukbo, na naninirahan sa Bundok Sion.
19 At kung sasabihin nila sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritista o sa mga manghuhula na humuhuni at bumubulong-bulong,” hindi ba ang isang bayan ay dapat sumangguni sa Diyos nila? Dapat ba silang sumangguni sa mga patay para sa mga buháy?+ 20 Hindi! Dapat silang sumangguni sa kautusan at sa nasusulat na katibayan.*
Kapag ang sinasabi nila ay hindi kaayon ng salita ng Diyos, wala silang liwanag.*+ 21 At bawat isa ay dadaan sa lupaing naghihirap at gutom;+ at dahil siya ay gutom at galit, isusumpa niya ang kaniyang hari at ang kaniyang Diyos habang nakatingala. 22 At titingin siya sa lupa at ang makikita lang niya ay pagdurusa at kadiliman, paghihirap at kawalan ng pag-asa, karimlan at kawalan ng liwanag.
9 Pero ang kadiliman ay hindi magiging gaya noong may pagdurusa sa lupain, gaya noong panahong hinahamak ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neptali.+ Kundi sa kalaunan ay gagawin Niya itong lupain na pararangalan—ang daan sa tabi ng dagat, sa rehiyon ng Jordan, sa Galilea ng mga banyaga.
2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman
Ay nakakita ng matinding liwanag.
Sumikat ang liwanag
Sa mga nakatira sa lupain ng matinding dilim.+
3 Pinarami mo ang mga tao sa bansa;
Ginawa mo silang napakasaya.
Nagsasaya sila sa harap mo
Gaya ng pagsasaya ng mga tao sa panahon ng pag-aani,
Gaya ng masasayang naghahati-hati sa samsam.
4 Dahil pinagdurog-durog mo ang pamatok na pasan nila,
Ang pamalo sa mga balikat nila, ang panghampas ng nagpapatrabaho sa kanila,
Gaya noong panahon ng Midian.+
5 Ang bawat bota na nagpapayanig sa lupa sa pagmamartsa
At ang bawat damit na basa ng dugo
Ay magiging panggatong sa apoy.
Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
7 Ang paglawak ng pamamahala* niya
At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+
Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian
Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin
Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+
Ngayon at magpakailanman.
Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.
9 At malalaman iyon ng lahat,
—Ng Efraim at ng mga nakatira sa Samaria—
Na dahil sa kayabangan at pagmamataas ng puso ay nagsasabi:
Mga puno ng sikomoro ang pinutol,
Pero papalitan namin iyon ng sedro.”
11 Ibabangon ni Jehova ang mga kaaway ni Rezin laban sa kaniya
At pakikilusin ang mga kalaban niya,
12 Ang Sirya mula sa silangan at ang mga Filisteo mula sa kanluran,*+
Ibubuka nila ang kanilang bibig at lalamunin ang Israel.+
Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+
13 Dahil hindi nanumbalik ang bayan sa nananakit* sa kanila;
Hindi nila hinanap si Jehova ng mga hukbo.+
14 Puputulin ni Jehova mula sa Israel
Ang ulo at buntot, ang supang* at matataas na damo,* sa isang araw.+
15 Ang lubhang iginagalang na matandang lalaki ang ulo,
At ang propetang nagbibigay ng maling tagubilin ang buntot.+
16 Ang bayang ito ay inililigaw ng mga nangunguna sa kanila,
At ang mga pinangungunahan ng mga ito ay nalilito.
17 Kaya si Jehova ay hindi malulugod sa kanilang mga kabataang lalaki,
At hindi siya maaawa sa kanilang mga batang walang ama* at mga biyuda
Dahil lahat sila ay mga apostata at masasama+
At bawat isa ay nagsasalita ng walang kabuluhan.
Dahil sa lahat ng ito, hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+
18 Dahil ang kasamaan ay nagniningas na gaya ng apoy
At nilalamon ang matitinik na halaman* at mga panirang-damo.
Pagliliyabin nito ang mga sukal ng kagubatan,
At paiitaas ang makapal na usok nito.
19 Sa tindi ng galit ni Jehova ng mga hukbo,
Nagliyab ang lupain,
At ang mga tao ay magiging panggatong sa apoy.
Walang maaawa kahit sa sarili niyang kapatid.
20 Ang isa ay puputol sa kanan
Pero magugutom pa rin;
At ang isa pa ay kakain sa kaliwa
Pero hindi mabubusog.
Lalamunin ng bawat isa ang laman ng sarili niyang bisig,
21 Lalamunin ng Manases ang Efraim,
At ng Efraim ang Manases.
Magkasama silang lalaban sa Juda.+
Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+
10 Kaawa-awa ang mga gumagawa ng nakapipinsalang mga tuntunin+
At laging sumusulat ng mapang-aping mga batas,
2 Para alisan ng karapatan ang mahihirap,
Para pagkaitan ng katarungan ang mga hamak sa aking bayan;+
Ginagawa nilang samsam ang mga biyuda
4 Wala kayong magagawa kundi ang yumukyok kasama ng mga bilanggo
O mabuwal kasama ng mga napatay.
Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+
Ang pamalo na magpapakita ng galit ko+
At ang hawak nilang panghampas na magpapahayag ng hatol ko!
6 Isusugo ko siya laban sa isang apostatang bansa,+
Laban sa bayang gumalit sa akin;
Uutusan ko siyang manamsam at mandambong nang marami
At yurakan silang gaya ng putik sa mga lansangan.+
7 Pero hindi ganito ang gugustuhin niyang gawin
At ang puso niya ay hindi magpapakana nang ganito;
Dahil ang nasa puso niya ay lumipol,
Ang pumuksa ng maraming bansa, at hindi ng kaunti.
9 Hindi ba ang Calno+ ay gaya ng Carkemis?+
Hindi ba ang Hamat+ ay gaya ng Arpad?+
Hindi ba ang Samaria+ ay gaya ng Damasco?+
10 Napasakamay ko ang mga kaharian ng walang-silbing mga diyos,
Na ang mga inukit na imahen ay mas marami pa kaysa sa nasa Jerusalem at Samaria!+
11 Hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga idolo niya
Ang ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang walang-silbing mga diyos?’+
12 “Kapag natapos na ni Jehova ang lahat ng kaniyang gawa sa Bundok Sion at sa Jerusalem, paparusahan niya* ang hari ng Asirya dahil sa mapagmataas nitong puso at hambog at mayabang na tingin.+ 13 Dahil sinasabi nito,
‘Gagawin ko ito sa pamamagitan ng lakas ng kamay ko
At sa pamamagitan ng aking karunungan, dahil matalino ako.
Aalisin ko ang mga hangganan ng mga bayan+
At sasamsamin ang kayamanan nila,+
At lulupigin ko ang mga tagaroon na gaya ng isang makapangyarihan.+
14 Gaya ng taong umaabot ng isang pugad,
Kukunin ng kamay ko ang yaman ng mga bayan;
At gaya ng nagtitipon ng mga itlog na naiwan,
Titipunin ko ang buong mundo!
Walang magpapagaspas ng kaniyang mga pakpak o magbubuka ng kaniyang tuka o huhuni.’”
15 Magmamataas ba ang palakol sa nagpapalakol?
Magmamataas ba ang lagari sa naglalagari?
Mapagagalaw ba ng pamalo+ ang nagtataas nito?
O maitataas ba ng panghampas ang isa na hindi gawa sa kahoy?
16 Kaya ang matataba nito* ay papapayatin
Ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,+
At sa ilalim ng kaluwalhatian nito ay magsisindi siya ng nagniningas na apoy.+
17 Ang Liwanag ng Israel+ ay magiging isang apoy,+
At ang kaniyang Banal na Diyos ay magiging isang liyab;
Lalagablab ito at lalamunin ang mga panirang-damo at matitinik na halaman* nito sa loob ng isang araw.
18 Lubusan niyang aalisin ang kaluwalhatian ng kagubatan at taniman nito;
Magiging gaya iyon ng isang maysakit na pahina nang pahina.+
19 Ang matitirang puno sa kagubatan nito ay kaunti na lang
At mabibilang na lang ng isang bata.
20 Sa araw na iyon, ang mga natira sa Israel
At ang mga nakaligtas sa sambahayan ni Jacob
Ay hindi na sasandig sa nanakit sa kanila,+
Kundi sasandig sila kay Jehova,
Ang Banal ng Israel, nang may katapatan.
22 Dahil kahit ang bayan mo, O Israel,
Ay gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat,
Isang maliit na grupo lang sa kanila ang babalik.+
23 Ang paglipol na ipinasiya ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Ay isasagawa sa buong lupain.+
24 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Huwag kang matakot, bayan kong naninirahan sa Sion, dahil sa Asiryano, na humahataw sa iyo ng pamalo+ at nag-aamba sa iyo ng panghampas gaya ng ginawa ng Ehipto.+ 25 Dahil kaunting panahon na lang at matatapos na ang hatol; ibubuhos ko ang galit ko sa kanila para mapuksa sila.+ 26 Hahagupitin siya ni Jehova ng mga hukbo,+ gaya noong tinalo niya ang Midian sa tabi ng batong Oreb.+ At ang baston niya ay itataas niya sa ibabaw ng dagat gaya ng ginawa niya sa Ehipto.+
27 Sa araw na iyon, mawawala ang ipinapasan niya sa iyong balikat+
At ang pamatok niya sa iyong leeg,+
At ang pamatok ay masisira+ dahil sa langis.”
30 Sumigaw ka, O anak na babae ng Galim!
Makinig ka, O Laisa!
O kaawa-awang Anatot!+
31 Ang Madmena ay tumakas.
Ang mga taga-Gebim ay naghanap ng kanlungan.
32 Sa mismong araw na ito ay titigil siya sa Nob.+
Iniaamba niya ang kamao niya laban sa bundok ng anak na babae ng Sion,
Ang burol ng Jerusalem.
33 Tingnan ninyo! Ang mga sanga ay tinatagpas ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
At napakalakas ng pagbagsak ng mga ito;+
Pinuputol ang matatayog na puno,
At ang matataas ay ibinababa.
34 Tinatagpas niya ang mga sukal ng kagubatan sa pamamagitan ng kasangkapang bakal,*
At babagsak ang Lebanon sa pamamagitan ng isang makapangyarihan.
11 Isang maliit na sanga+ ang tutubo mula sa tuod ni Jesse,+
At isang sibol+ mula sa mga ugat niya ang mamumunga.
2 At sasakaniya ang espiritu ni Jehova,+
Ang espiritu ng karunungan+ at ng kaunawaan,
Ang espiritu ng payo at ng kalakasan,+
Ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova.
3 At makadarama siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova.+
Hindi siya hahatol ayon sa nakita ng mga mata niya,
At hindi siya sasaway ayon lang sa narinig ng mga tainga niya.+
4 Hahatulan niya nang patas* ang mga dukha,
At sasaway siya nang makatarungan alang-alang sa maaamo sa lupa.
Hahampasin niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod na galing sa bibig niya,+
At papatayin niya ang masasama sa hininga* ng mga labi niya.+
6 Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+
Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,
At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+
At isang munting bata ang aakay sa kanila.
7 Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;
At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama.
Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+
8 Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa may lungga ng kobra;
At ang batang inawat sa pagsuso ay maglalagay ng kamay niya sa lungga ng makamandag na ahas.
O maninira sa aking buong banal na bundok,+
Dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova
Gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+
10 Sa araw na iyon, ang ugat ni Jesse+ ay magiging palatandaan* para sa mga bayan.+
11 Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+ 12 Maglalagay siya ng isang palatandaan* para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nangalat mula sa Israel,+ at titipunin niya mula sa apat na sulok ng mundo ang mga nangalat na taga-Juda.+
Hindi na maiinggit ang Efraim sa Juda,
At hindi na mapopoot ang Juda sa Efraim.+
14 At lulusob sila sa mga dalisdis* ng mga Filisteo sa kanluran;
Magkasama nilang sasamsaman ang mga taga-Silangan.
Pipinsalain niya ang pitong batis nito ng* kaniyang nakapapasong hininga,*
At patatawirin niya rito ang mga tao suot ang mga sandalyas nila.
16 At magkakaroon ng isang lansangang-bayan+ palabas ng Asirya para sa mga natira sa bayan niya,+
Gaya noong araw na lumabas ang Israel mula sa lupain ng Ehipto.
12 Sa araw na iyon ay tiyak na sasabihin mo:
“Nagpapasalamat ako sa iyo, O Jehova,
Dahil kahit nagalit ka sa akin,
Unti-unting humupa ang galit mo, at inaliw mo ako.+
2 Ang Diyos ang kaligtasan ko.+
Magtitiwala ako sa kaniya at hindi ako matatakot;+
Dahil si Jah* Jehova ang lakas ko,
At siya ang naging kaligtasan ko.”+
4 At sa araw na iyon ay sasabihin ninyo:
“Magpasalamat kayo kay Jehova, tumawag kayo sa pangalan niya,
Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+
Sabihin ninyo na dakila ang pangalan niya.+
5 Umawit kayo* kay Jehova,+ dahil gumawa siya ng kamangha-manghang mga bagay.+
Ipaalám ninyo ito sa buong mundo.
6 Humiyaw kayo nang malakas at sumigaw sa kagalakan, kayong mga nakatira sa Sion,
Dahil ang Banal ng Israel na nasa gitna ninyo ay dakila.”
13 Isang mensahe laban sa Babilonya+ na nakita ni Isaias+ na anak ni Amoz sa pangitain:
2 “Maglagay kayo ng isang palatandaan*+ sa bundok na puro bato.
Tawagin ninyo sila, kawayan ninyo sila,
Para pumasok sila sa mga pasukan ng mga prominente.
3 Nag-utos ako sa mga inatasan* ko.+
Para ipakita ang galit ko, tinawag ko ang aking mga mandirigma,
Na nagsasaya at nagmamalaki.
4 Pakinggan ninyo! May mga tao sa mga bundok,
At mukhang napakarami nila!
Pakinggan ninyo! Naghihiyawan ang mga kaharian,
Ang mga bansang nagkakatipon!+
Si Jehova ng mga hukbo ay nagtitipon ng mga sundalo para sa digmaan.+
5 Dumarating sila mula sa malayong lupain,+
Mula sa dulo ng mga langit,
Si Jehova at ang mga sandata ng galit niya,
Para ipahamak ang buong lupa.+
6 Humagulgol kayo, dahil ang araw ni Jehova ay malapit na!
Wawasakin ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang lupain.+
8 Ang bayan ay takot na takot.+
Namimilipit sila sa sakit
Gaya ng babaeng manganganak na.
Nagtitinginan sila sa pagkasindak,
At bakas sa mukha nila ang paghihirap ng kalooban.
9 Makinig kayo! Ang araw ni Jehova ay dumarating,
Isang malupit na araw na punô ng poot at nag-aapoy na galit,
Para gawing nakapangingilabot ang lupain+
At lipulin ang mga makasalanang naroon.
10 Dahil ang mga bituin sa langit at ang mga konstelasyon* nila+
Ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag;
Magiging madilim ang araw sa pagsikat nito,
At ang buwan ay hindi magliliwanag.
Wawakasan ko ang kayabangan ng mga pangahas,
At aalisin ko ang kahambugan ng malulupit.+
12 Ang taong mortal ay gagawin kong mas kaunti kaysa sa dinalisay na ginto;+
Magiging mas kaunti ang tao kaysa sa ginto ng Opir.+
13 Kaya payayanigin ko ang langit,
At ang lupa ay mauuga mula sa kinaroroonan nito+
Dahil sa poot ni Jehova ng mga hukbo sa araw ng kaniyang nag-aapoy na galit.
14 Gaya ng hinuhuling gasela* at gaya ng kawan na walang nagtitipon,
Ang bawat isa ay babalik sa kani-kaniyang bayan;
Ang bawat isa ay tatakas papunta sa kani-kaniyang lupain.+
16 Ang mga anak nila ay pagluluray-lurayin sa harap nila,+
Kukunin ang laman ng bahay nila,
At ang mga asawa nila ay gagahasain.
18 Pagluluray-lurayin ng mga pana ng mga ito ang mga kabataang lalaki;+
Ang mga ito ay hindi maaawa sa mga anak nila
O mahahabag sa mga bata.
19 At ang Babilonya, ang pinakamaluwalhati sa* mga kaharian,+
Ang kagandahan at ang ipinagmamalaki ng mga Caldeo,+
Ay magiging gaya ng Sodoma at Gomorra noong pabagsakin ng Diyos ang mga ito.+
Walang Arabe na magtatayo ng tolda roon,
At walang pastol na magdadala roon ng kaniyang mga kawan.
22 May mga nilalang na aalulong sa mga tore niya,
At mga chakal sa mararangya niyang palasyo.
Malapit na ang oras niya, at ang mga araw niya ay hindi na patatagalin.”+
14 Dahil maaawa si Jehova sa Jacob,+ at muli niyang pipiliin ang Israel.+ Patitirahin* niya sila sa kanilang lupain,+ at ang mga dayuhan ay sasama sa kanila at makikiisa sa sambahayan ni Jacob.+ 2 At dadalhin sila ng mga bayan sa sarili nilang lugar, at ang mga ito ay magiging pag-aari ng sambahayan ng Israel bilang kanilang mga aliping lalaki at babae+ sa lupain ni Jehova; bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila at pamumunuan ang mga dating nagpapatrabaho sa kanila nang sapilitan.
3 Sa araw na paginhawahin ka ni Jehova sa kirot at sa kaligaligan at sa malupit na pang-aalipin,+ 4 bibigkasin mo ang kasabihang* ito laban sa hari ng Babilonya:
“Wala na ang dating nagpapatrabaho nang sapilitan!
Nagwakas na ang pagmamalupit!+
5 Binali ni Jehova ang pamalo ng masama,
Ang baston ng mga namamahala,+
6 Na malupit at walang tigil na humahampas sa mga bayan+
At galit na sumasakop at walang lubay na umuusig sa mga bansa.+
7 Ang buong lupa ay panatag na at may kapayapaan.
Ang mga tao ay humihiyaw sa kagalakan.+
8 Maging ang mga puno ng enebro ay nagsasaya sa nangyari sa iyo,
Pati ang mga sedro ng Lebanon.
Sinasabi nila, ‘Mula nang bumagsak ka,
Wala nang pumuputol sa amin.’
Dahil sa iyo, ginigising nito ang mga patay,
Ang lahat ng malulupit na pinuno* sa lupa.
Pinatatayo nito ang lahat ng hari ng mga bansa mula sa mga trono nila.
10 Silang lahat ay nagsasalita at nagsasabi sa iyo,
‘Mahina ka na rin bang gaya namin?
Naging gaya ka na ba namin?
Ang mga uod ay nasa ilalim mo na gaya ng higaang nakalatag,
At mga bulati ang iyong kumot.’
12 Nahulog ka mula sa langit,
Ikaw na nagniningning, anak ng bukang-liwayway!
Pinutol ka at pinabagsak sa lupa,
Ikaw na lumupig sa mga bansa!+
13 Sinabi mo sa sarili, ‘Aakyat ako sa langit.+
Itataas ko ang trono ko sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,+
At uupo ako sa bundok ng pagpupulong,
Sa pinakamalalayong bahagi ng hilaga.+
14 Aakyat ako sa mas mataas pa sa mga ulap;
Gagawin kong katulad ng Kataas-taasan ang aking sarili.’
16 Mapapatitig sa iyo ang mga makakakita sa iyo;
Titingnan ka nilang mabuti at sasabihin,
‘Ito ba ang lalaking yumanig sa mundo
At nagpanginig sa mga kaharian?+
17 Hindi ba ginawa niyang ilang ang lupa
At pinabagsak ang mga lunsod nito+
At hindi siya nagpapalaya ng mga bilanggo?’+
18 Ang lahat ng iba pang hari ng mga bansa,
Oo, silang lahat, ay humiga na sa kaluwalhatian,
Sa kani-kanilang libingan.*
19 Pero ikaw ay hindi na inilibing,
Gaya ng kinasusuklamang sibol;*
Natatabunan ka ng mga namatay sa espada,
Na inihagis sa mabatong hukay;
Gaya ka ng bangkay na tinatapak-tapakan.
20 Hindi mo sila makakasama sa libingan,
Dahil sinira mo ang sarili mong lupain,
Pinatay mo ang sarili mong bayan.
Ang supling ng masasama ay hindi na muling mababanggit.
21 Maghanda kayo ng isang lugar para sa pagpatay sa mga anak niyang lalaki
Dahil sa kasalanan ng mga ninuno nila,
Para hindi nila pagharian ang mundo
At punuin ang lupa ng kanilang mga lunsod.”
22 “Kikilos ako laban sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
“At ang Babilonya ay aalisan ko ng pangalan at mga nalabi at mga supling at mga inapo,”+ ang sabi ni Jehova.
23 “At gagawin ko siyang pag-aari ng mga porcupino at isang latian, at wawalisin ko siya ng walis na pamuksa,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
24 Sumumpa si Jehova ng mga hukbo:
“Kung ano ang gusto kong mangyari, iyon ang magaganap,
At kung ano ang ipinasiya ko, iyon ang matutupad.
Ang pamatok niya ay aalisin sa bayan ko,
At ang pabigat niya ay aalisin sa balikat nila.”+
Nakaunat ang kamay niya,
Sino ang makapagpapaurong nito?+
28 Noong taóng mamatay si Haring Ahaz,+ dumating ang mensaheng ito:
29 “Huwag kang magsaya, O Filistia, sinuman sa iyo,
Dahil lang sa nabali ang pamalo ng humahampas sa iyo.
Dahil mula sa lahi* ng serpiyente+ ay may lalabas na makamandag na ahas,+
At ang magiging supling nito ay isang lumilipad at malaapoy na ahas.*
30 Ang panganay ng mga maralita ay kakain,
At panatag na hihiga ang mga dukha,
Pero papatayin ko sa gutom ang bayan* mo,
At ang matitira sa iyo ay papaslangin.+
31 Humagulgol ka, O pintuang-daan! Humiyaw ka, O lunsod!
Kayong lahat ay masisiraan ng loob, O Filistia!
Dahil may usok na dumarating mula sa hilaga,
At walang sundalong napapahiwalay sa hukbo niya.”
32 Ano ang isasagot nila sa mga mensahero ng bansa?
Na si Jehova ang gumawa ng pundasyon ng Sion,+
At sa kaniya* manganganlong ang mga dukha sa bayan Niya.
Dahil nawasak ito sa isang gabi,
Ang Ar+ ng Moab ay napatahimik.
Dahil nawasak ito sa isang gabi,
Ang Kir+ ng Moab ay napatahimik.
Humahagulgol ang Moab dahil sa Nebo+ at dahil sa Medeba.+
Ang bawat ulo ay kinalbo,+ ang lahat ay tinanggalan ng balbas.+
3 Sa mga lansangan nito ay nagsuot sila ng telang-sako.
Kaya patuloy na sumisigaw ang nasasandatahang mga lalaki ng Moab.
Nanginginig siya.
5 Dumaraing ang puso ko dahil sa Moab.
Ang mga tumakas mula rito ay tumakbo hanggang sa Zoar+ at Eglat-selisiya.+
Umiiyak sila habang paakyat ng Luhit;
Habang papunta sa Horonaim ay dumaraing sila dahil sa kasakunaan.+
6 Natuyo ang mga tubig ng Nimrim;
Natuyot ang berdeng damo,
Wala nang mga damo at walang anumang luntian na natira.
7 Kaya ang mga natira sa mga natipon nila at sa mga kayamanan nila ay kanilang dinadala;
Tumatawid sila sa lambak* ng mga punong alamo.
8 Dahil ang pagdaing ay umaalingawngaw sa buong teritoryo ng Moab.+
Ang pag-iyak ay dinig hanggang sa Eglaim;
Ang pag-iyak ay dinig hanggang sa Beer-elim.
9 Dahil ang mga tubig ng Dimon ay punô ng dugo.
At may ipadadala pa ako sa Dimon:
Isang leon para sa mga tumatakas mula sa Moab
At para sa mga natitira sa lupain.+
16 Magpadala kayo ng isang lalaking tupa sa tagapamahala ng lupain,
Mula sa Sela papunta sa ilang,
Hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 Gaya ng ibong binugaw mula sa pugad nito,+
Gayon ang mangyayari sa mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.+
3 “Magbigay kayo ng payo, isagawa ninyo ang pasiya.
Gawin mong tulad ng gabi ang anino mo sa katanghaliang-tapat.
Itago mo ang mga nangalat at huwag mong traidurin ang mga tumatakas.
4 O Moab, manirahan nawa sa iyo ang mga nangalat mula sa bayan ko.
Maging kublihan ka nawa nila mula sa tagapuksa.+
Sasapit sa kawakasan ang nagmamalupit,
Matatapos na ang pagpuksa,
At ang mga yumuyurak sa iba ay mawawala na sa lupa.
5 At isang trono ang matibay na matatatag sa tapat na pag-ibig.
Ang uupo roon mula sa tolda ni David ay magiging tapat;+
Hahatol siya nang patas at agad niyang ipatutupad kung ano ang tama.”+
6 Narinig namin ang tungkol sa pagmamataas ng Moab—napakayabang niya+—
Ang kaniyang kahambugan at pagmamataas at poot;+
Pero ang walang katuturan niyang sinasabi ay mauuwi sa wala.
Iiyakan ng mga natalo ang mga kakaning pasas ng Kir-hareset.+
8 Dahil ang hagdan-hagdang taniman ng Hesbon+ ay natuyot.
Niyurakan ng mga tagapamahala ng mga bansa
Ang matingkad-na-pulang mga sanga ng punong ubas ng Sibma;*+
Nakarating ang mga ito sa Jazer;+
Umabot ang mga ito sa ilang.
Ang maliliit na sanga nito ay gumapang at nakarating sa dagat.
9 Kaya iiyakan ko ang punong ubas ng Sibma gaya ng pag-iyak ko para sa Jazer.
Babasain ko kayo ng luha ko, O Hesbon at Eleale,+
Dahil ang hiyawan para sa iyong prutas na pantag-araw at sa iyong ani ay nagwakas na.*
10 Inalis na ang pagsasaya at kagalakan sa taniman;
At wala nang masasayang awit o hiyawan sa mga ubasan.+
Sa mga pisaan ay wala nang pumipisa ng ubas para gawing alak.
Dahil pinatigil ko na ang hiyawan.+
11 Kaya ang puso ko ay naliligalig dahil sa Moab,+
Gaya ng panginginig ng mga kuwerdas ng alpa,
At nababagabag ang loob ko dahil sa Kir-hareset.+
12 Kahit pinapagod ng Moab ang sarili niya sa mataas na lugar at pumupunta siya sa kaniyang santuwaryo para manalangin, wala ring mangyayari.+
13 Ito ang sinabi ni Jehova noon tungkol sa Moab. 14 At sinasabi ngayon ni Jehova: “Sa loob ng tatlong taon, gaya ng mga taon ng isang upahang trabahador,* babagsak ang kaluwalhatian ng Moab dahil sa iba’t ibang uri ng kaguluhan, at ang mga matitira sa kaniya ay kaunting-kaunti at mahihina.”+
“Makinig kayo! Ang Damasco ay hindi na magiging lunsod;
Magiging bunton ito ng mga guho.+
2 Ang mga lunsod ng Aroer+ ay iiwan;
Ang mga ito ay magiging pahingahan ng mga kawan,
At walang sinumang tatakot sa mga iyon.
3 Ang mga napapaderang* lunsod ay maglalaho mula sa Efraim,+
At ang kaharian mula sa Damasco;+
At ang mga natitira sa Sirya
Ay magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga Israelita,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
4 “Sa araw na iyon ay mababawasan ang kaluwalhatian ng Jacob,
At ang malusog niyang katawan* ay mangangayayat.
5 Magiging gaya iyon ng pagtitipon ng mang-aani sa mga butil sa bukid
At ng paggapas niya ng uhay,
6 Kaunti na lang ang matitira,
Gaya ng punong olibo matapos itong yugyugin:
Dalawa o tatlong hinog na olibo na lang ang naiiwan sa pinakamataas na sanga,
Apat o lima na lang sa namumungang mga sanga,”+ ang sabi ni Jehova na Diyos ng Israel.
7 Sa araw na iyon ay titingala ang tao sa kaniyang Maylikha, at ang mga mata niya ay titingin sa Banal ng Israel. 8 Hindi siya titingin sa mga altar,+ na gawa ng mga kamay niya;+ at hindi siya titingin sa ginawa ng mga daliri niya, sa mga sagradong poste* man o sa mga patungan ng insenso.
9 Sa araw na iyon, ang mga napapaderan niyang lunsod ay magiging gaya ng pinabayaang lugar sa kakahuyan,+
Gaya ng sangang pinabayaan sa harap ng mga Israelita;
Iyon ay magiging walang-silbing lupain.
10 Dahil nilimot mo ang Diyos+ na iyong tagapagligtas;
Hindi mo inalaala ang Bato,+ ang iyong tanggulan.
11 Sa araw ay maingat mong binabakuran ang iyong taniman,
At sa umaga ay pinasisibol mo ang iyong binhi,
Pero ang ani ay mawawala sa araw ng sakit at di-malunasang kirot.+
12 Pakinggan ninyo! Nagkakagulo ang maraming bayan,
Maingay na gaya ng karagatan!
Nagkakagulo ang mga bansa,
Ang ingay ay gaya ng dagundong ng malalaking alon!
13 Ang mga bansa ay gagawa ng ingay na gaya ng dagundong ng maraming alon.
Sasawayin Niya sila, at tatakas sila sa malayo,
Gaya ng ipa sa kabundukan na tinatangay ng hangin,
Gaya ng dawag na gumugulong dahil sa malakas na hangin.
14 Sa gabi ay may kapahamakan.
Bago mag-umaga ay wala na sila.
Ito ang mangyayari sa mga nananamsam sa atin
At ang kahihinatnan ng mga nandarambong sa atin.
2 Nagpapadala ito ng mga sugo na dumadaan sa dagat,
Sakay ng mga bangkang papiro sa ibabaw ng tubig.
Sinasabi nito: “Pumunta kayo, kayong matutuling mensahero,
Sa isang bansa ng mga taong matatangkad at makikinis,
Sa mga taong kinatatakutan sa lahat ng lugar,+
Sa isang bansang malakas at nananakop,*
Sa isang lupaing dinadaanan ng mga ilog.”
3 Lahat kayong mga nakatira sa lupain at kayong mga naninirahan sa lupa,
Ang makikita ninyo ay magiging gaya ng palatandaan* na inilagay sa ibabaw ng mga bundok,
At makaririnig kayo ng tunog na gaya ng paghihip sa tambuli.
4 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin:
“Mananatili akong panatag at titingin sa* aking matatag na lugar,
Gaya ng matinding init ng sikat ng araw,
Gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.
5 Dahil bago ang pag-aani,
Kapag tapos na ang pamumulaklak at ang bulaklak ay maging ubas na nahihinog,
Ang maliliit na sanga ay tatagpasin ng karit
At ang gumagapang na mga sanga ay puputulin at aalisin.
6 Ang mga iyon ay iiwan para sa mga ibong maninila sa mga bundok
At para sa mga hayop sa lupa.
Ang mga ibong maninila ay magpapalipas ng tag-araw sa mga iyon,
At ang lahat ng hayop sa lupa ay magpapalipas ng panahon ng pag-aani sa mga iyon.
7 Sa panahong iyon, isang regalo ang dadalhin kay Jehova ng mga hukbo,
Mula sa isang bansa ng mga taong matatangkad at makikinis,
Mula sa mga taong kinatatakutan sa lahat ng lugar,
Mula sa isang bansang malakas at nananakop,*
Sa isang lupaing dinadaanan ng mga ilog.
Dadalhin iyon sa lugar na kinaroroonan ng pangalan ni Jehova ng mga hukbo, ang Bundok Sion.”+
Si Jehova ay nakasakay sa isang ulap na matulin, at papunta siya sa Ehipto.
Ang walang-silbing mga diyos ng Ehipto ay manginginig sa harap niya,+
At matutunaw ang puso ng Ehipto.
2 “Uudyukan ko ang mga Ehipsiyo na maglaban-laban,
At didigmain nila ang isa’t isa,
Ang bawat isa laban sa kaniyang kapatid at sa kaniyang kapuwa,
Lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.
Aasa sila sa walang-silbing mga diyos,
Sa mga engkantador at sa mga espiritista at sa mga manghuhula.+
4 Ibibigay ko ang Ehipto sa kamay ng isang malupit na panginoon,
At isang mabagsik na hari ang mamamahala sa kanila,”+ ang sabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.
6 At ang mga ilog ay babaho;
Ang mga kanal ng Nilo ng Ehipto ay bababaw at matutuyo.
Ang mga tambo at matataas na damo ay mabubulok.+
7 Ang mga halaman sa kahabaan ng Ilog Nilo, sa may bukana ng Nilo,
At ang buong lupain na nahasikan ng binhi sa kahabaan ng Nilo+ ay matutuyo.+
Liliparin iyon ng hangin at mawawala na.
8 At ang mga mangingisda ay magdadalamhati,
Ang mga naghahagis ng kawil sa Nilo ay mamimighati,
At ang mga naghuhulog ng lambat sa tubig ay mangangaunti.
9 Ang mga gumagawa ng tela mula sa sinuklay na lino+
At ang mga gumagawa ng puting tela sa habihan ay mapapahiya.
10 Ang mga manghahabi niya ay manlulumo;
Ang lahat ng upahang trabahador ay mamimighati.
11 Ang matataas na opisyal ng Zoan+ ay mangmang.
Ang pinakamatatalino sa mga tagapayo ng Paraon ay nagbibigay ng di-makatuwirang payo.+
Paano ninyo nasasabi sa Paraon:
“Inapo ako ng marurunong,
Galing sa lahi ng sinaunang mga hari”?
12 Nasaan ngayon ang matatalino mong tao?+
Tanungin mo kung alam nila ang ipinasiya ni Jehova ng mga hukbo may kinalaman sa Ehipto.
13 Ang matataas na opisyal ng Zoan ay gumawa ng kamangmangan;
Ang matataas na opisyal ng Nop*+ ay nadaya;
Iniligaw ng mga pinuno ng kaniyang mga tribo ang Ehipto.
At inililigaw nila ang Ehipto sa anumang ginagawa niya,
Gaya ng isang lasing na sumusuray-suray sa kaniyang suka.
15 At walang anumang magagawa ang Ehipto,
Ang ulo man o ang buntot, ang supang* man o ang matataas na damo.*
16 Sa araw na iyon, ang Ehipto ay magiging gaya ng mga babae, na nanginginig at natatakot dahil nakaamba sa kaniya ang kamay ni Jehova ng mga hukbo.+ 17 At ang lupain ng Juda ay katatakutan ng Ehipto. Banggitin lang iyon ay matatakot na sila dahil sa pasiya ni Jehova ng mga hukbo laban sa kanila.+
18 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng limang lunsod sa lupain ng Ehipto na nagsasalita ng wika ng Canaan+ at nanunumpa ng katapatan kay Jehova ng mga hukbo. Ang isang lunsod ay tatawaging Lunsod ng Pagkagiba.
19 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng isang altar para kay Jehova sa gitna ng lupain ng Ehipto at ng isang haligi para kay Jehova sa hangganan nito. 20 At iyon ay magiging isang tanda at isang patotoo para kay Jehova ng mga hukbo sa lupain ng Ehipto; dahil daraing sila kay Jehova sa ginagawa ng mga mang-aapi, at magsusugo siya sa kanila ng tagapagligtas, isang dakila, na magliligtas sa kanila. 21 At isisiwalat ni Jehova ang sarili niya sa mga Ehipsiyo, at makikilala ng mga Ehipsiyo si Jehova sa araw na iyon, at maghahandog sila at magbibigay ng mga kaloob at mananata kay Jehova at tutuparin iyon. 22 Sasaktan ni Jehova ang Ehipto.+ Sasaktan niya ito at pagagalingin; at manunumbalik sila kay Jehova, at makikinig siya sa pagsusumamo nila at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng lansangang-bayan+ mula sa Ehipto papunta sa Asirya. At pupunta ang Asirya sa Ehipto, at ang Ehipto sa Asirya, at maglilingkod sa Diyos ang Ehipto kasama ng Asirya. 24 Sa araw na iyon, ang Israel ay magiging pangatlo kasama ng Ehipto at Asirya,+ isang pagpapala sa gitna ng lupa, 25 dahil pagpapalain iyon ni Jehova ng mga hukbo. Sasabihin niya: “Pagpalain ang aking bayan, ang Ehipto, at ang gawa ng aking mga kamay, ang Asirya, at ang aking mana, ang Israel.”+
20 Nang taóng isugo ni Haring Sargon ng Asirya sa Asdod+ ang Tartan,* nakipagdigma ito sa Asdod at sinakop ang lunsod.+ 2 Nang panahong iyon, nagsalita si Jehova sa pamamagitan ni Isaias+ na anak ni Amoz. Sinabi niya: “Alisin mo ang telang-sako sa balakang mo, at hubarin mo ang sandalyas sa mga paa mo.” At ginawa niya iyon; lumakad siyang hubad* at nakapaa.
3 At sinabi ni Jehova: “Kung paanong ang lingkod kong si Isaias ay lumakad nang hubad at nakapaa nang tatlong taon bilang tanda+ at babala sa Ehipto+ at Etiopia,+ 4 gayon dadalhin ng hari ng Asirya ang mga bihag mula sa Ehipto+ at ang mga ipinatapon mula sa Etiopia, mga batang lalaki at matatandang lalaki, na hubad at nakapaa at nakalabas ang mga pigi—isang kahihiyan* sa Ehipto. 5 At matatakot sila at ikahihiya ang Etiopia na pinagtitiwalaan nila at ang Ehipto na ipinagmamalaki nila.* 6 Sa araw na iyon ay sasabihin ng mga nakatira sa lupaing ito sa tabing-dagat, ‘Tingnan ninyo ang nangyari sa pinagtitiwalaan natin, sa hiningan natin ng tulong para iligtas tayo mula sa hari ng Asirya! Paano tayo makatatakas ngayon?’”
21 Mensahe laban sa ilang ng dagat:*+
Paparating na ito gaya ng malakas na hanging humahagibis mula sa timog,
Mula sa ilang, mula sa isang nakakatakot na lupain.+
2 Isang malagim na pangitain ang sinabi sa akin:
Ang taksil ay gumagawa ng kataksilan,
At ang tagawasak ay nangwawasak.
Sugod, O Elam! Palibutan mo ang lunsod, O Media!+
Wawakasan ko ang lahat ng pagbubuntonghininga na idinulot niya.+
3 Kaya naman dumaranas ako ng matinding paghihirap.*+
Namimilipit ako sa sakit,
Gaya ng babaeng nanganganak.
Hindi ako makarinig sa sobrang pagkabahala;
Hindi ako makakita sa sobrang pagkaligalig.
4 Kumakabog ang dibdib ko; nanginginig ako sa takot.
Ang takipsilim na dati kong pinananabikan ay nagpapangatog sa akin.
5 Ihanda ninyo ang mesa at ayusin ang mga upuan!
Kumain kayo at uminom!+
Bumangon kayo, matataas na opisyal, pahiran ninyo ng langis ang kalasag!
6 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin:
“Maglagay ka ng tanod at ipaulat mo sa kaniya ang makikita niya.”
7 At nakakita siya ng isang karwaheng pandigma na hila ng isang pares ng kabayo,
Isang karwaheng pandigma na hila ng mga asno,
Isang karwaheng pandigma na hila ng mga kamelyo.
Nagmasid siyang mabuti, buhos na buhos ang pansin niya.
8 At sumigaw siya na parang umuungal na leon:
“Sa ibabaw ng bantayan, O Jehova, ay palagi akong nakatayo kung araw,
At nagbabantay ako sa puwesto ko gabi-gabi.+
9 Tingnan ninyo ang paparating:
Mga lalaking nakasakay sa karwaheng pandigma na hila ng isang pares ng kabayo!”+
At sinabi niya:
“Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonya!+
Dinurog Niya sa lupa ang lahat ng inukit na imahen ng kaniyang mga diyos!”+
Iniulat ko sa inyo ang narinig ko kay Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel.
May tumatawag sa akin mula sa Seir:+
“Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?*
Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?”
12 Sinabi ng tagapagbantay:
“Dumarating ang umaga, pati ang gabi.
Kung gusto pa ninyong magtanong, magtanong kayo.
Bumalik kayo!”
13 Mensahe laban sa tigang na kapatagan:
Sa kagubatan sa tigang na kapatagan kayo magpapalipas ng gabi,
Kayong mga manlalakbay ng Dedan.+
14 Magdala kayo ng tubig sa pagsalubong sa nauuhaw,
Kayong mga naninirahan sa lupain ng Tema,+
At magdala kayo ng tinapay para sa tumatakas.
15 Dahil tumatakas sila mula sa espada, mula sa nakaambang espada,
Mula sa nakabanat na pana, at mula sa kalupitan ng digmaan.
16 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Sa loob ng isang taon, gaya ng panahon ng pagtatrabaho ng upahang trabahador,* magwawakas ang lahat ng kaluwalhatian ng Kedar.+ 17 Kaunti lang ang matitirang mamamanà sa hukbo ng Kedar, dahil ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel.”
22 Mensahe tungkol sa Lambak ng Pangitain:*+
Ano ba ang nangyayari sa inyo at umakyat kayong lahat sa mga bubong?
2 Punô ka ng kaguluhan,
Isang maingay na lunsod, isang nagsasayang bayan.
Ang mga namatay sa iyo ay hindi namatay sa espada
O sa digmaan.+
3 Lahat ng diktador mo ay sama-samang tumakas.+
Hindi na kinailangan ng pana para mabihag sila.
Lahat ng naabutan ay binihag;+
Nahuli sila kahit tumakas sila sa malayo.
5 Dahil iyon ay araw ng kalituhan at pagkatalo at pagkataranta,+
Mula sa Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Sa Lambak ng Pangitain.
Winawasak ang pader+
At humihiyaw ang mga tao sa bundok.
7 Ang pinakamagaganda mong lambak*
Ay mapupuno ng mga karwaheng pandigma,
At pupuwesto ang mga kabayo* sa pintuang-daan,
“Sa araw na iyon ay titingin ka sa taguan ng mga sandata sa Bahay ng Kagubatan,+ 9 at makikita ninyo ang maraming sira sa Lunsod ni David.+ At titipunin ninyo ang tubig ng mababang tipunan ng tubig.+ 10 Bibilangin ninyo ang mga bahay sa Jerusalem, at gigibain ninyo ang mga bahay para patibayin ang pader. 11 At gagawa ka ng imbakan sa pagitan ng dalawang pader para sa tubig ng lumang tipunan ng tubig, pero hindi kayo titingin sa Dakilang Maylikha nito, at hindi ninyo makikita ang gumawa nito noong una pa.
12 Sa araw na iyon, ipag-uutos ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Ang pag-iyak at pagdadalamhati,+
Pag-aahit ng ulo at pagsusuot ng telang-sako.
13 Pero sa halip, may pagdiriwang at pagsasaya,
Pagpatay ng mga baka at pagkatay ng mga tupa,
Pagkain ng karne at pag-inom ng alak.+
‘Kumain tayo at uminom, dahil bukas ay mamamatay tayo.’”+
14 At isiniwalat sa akin ni Jehova ng mga hukbo: “‘Ang kasalanan ninyo ay hindi patatawarin hanggang sa mamatay kayo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.”
15 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Puntahan mo ang katiwalang si Sebna,+ na namamahala sa bahay,* at sabihin mo, 16 ‘Ano ang karapatan mo rito, at sino ang nagpahintulot sa iyo na umuka rito ng libingan mo?’ Umuuka siya ng libingan niya sa mataas na lugar; umuukit siya ng himlayan* niya sa malaking bato. 17 ‘Ibabagsak ka ni Jehova, O lalaki, at susunggaban. 18 Ibabalot ka niya nang mahigpit at ihahagis na parang bola sa maluwang na lupain. Doon ka mamamatay, kasama ang magagara mong karwahe, isang kahihiyan sa sambahayan ng iyong panginoon. 19 At aalisin kita sa puwesto mo at tatanggalin sa katungkulan mo.
20 “‘Sa araw na iyon ay tatawagin ko ang lingkod kong si Eliakim+ na anak ni Hilkias, 21 at isusuot ko sa kaniya ang iyong mahabang damit at ibibigkis sa kaniya ang iyong paha,+ at ibibigay ko sa kaniya ang iyong awtoridad.* At siya ay magiging ama ng mga nakatira sa Jerusalem at ng sambahayan ng Juda. 22 At ilalagay ko ang susi ng sambahayan ni David+ sa balikat niya. Magbubukas siya at hindi iyon isasara ninuman; at magsasara siya at hindi iyon bubuksan ninuman. 23 Ibabaon ko siyang gaya ng pako* sa isang matibay na pader,* at siya ay magiging gaya ng trono ng kaluwalhatian sa sambahayan ng kaniyang ama. 24 At isasabit nila sa kaniya ang lahat ng kaluwalhatian* ng sambahayan ng kaniyang ama, ang mga inapo at ang mga supling,* ang lahat ng maliliit na sisidlan, mga sisidlang hugis-mangkok, pati ang lahat ng malalaking banga.
25 “‘Sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘ang pako* na nakabaon sa matibay na pader* ay aalisin,+ at ito ay puputulin at malalaglag, at ang mga nakasabit dito ay babagsak at mawawasak, dahil si Jehova mismo ang nagsabi nito.’”
Humagulgol kayo, kayong mga barko ng Tarsis!+
Dahil nawasak ang daungan; hindi na iyon mapapasok.
Sa lupain ng Kitim+ ay ibinalita iyon sa kanila.
2 Tumahimik kayo, kayong mga nakatira sa lupain sa tabing-dagat.
Ang mga negosyante mula sa Sidon+ na tumawid ng dagat ay nagpayaman sa iyo.
3 Itinawid sa malawak na karagatan ang mga butil* ng Sihor,*+
Ang ani ng Nilo, na pinagkakakitaan niya
At nagdadala ng yaman ng mga bansa.+
4 Mahiya ka, O Sidon; ikaw na tanggulan ng dagat,
Dahil sinabi ng dagat:
“Hindi ko pa naranasan ang hirap ng panganganak, at hindi pa ako nanganak.
Hindi pa ako nakapagpalaki ng mga anak na lalaki o babae.”*+
5 Gaya noong mapabalita ang nangyari sa Ehipto,+
Maliligalig ang mga tao kapag narinig nila ang balita tungkol sa Tiro.+
6 Tumawid kayo papuntang Tarsis!
Humagulgol kayo, kayong mga nakatira sa lupain sa tabing-dagat!
7 Ito ba ang lunsod ninyo na matagal nang nagsasaya, mula pa nang sinaunang mga araw niya?
Dinadala siya noon ng mga paa niya sa malalayong lupain para doon manirahan.
8 Sino ang nagpasiya nito laban sa Tiro,
Ang tagapagbigay ng mga korona,
Na ang mga negosyante ay matataas na opisyal,
Na ang mga mangangalakal ay kinikilala sa buong mundo?+
9 Si Jehova ng mga hukbo ang nagpasiya nito,
Na wakasan ang pagmamalaki niya sa kaniyang kagandahan,
Na ipahiya ang lahat ng kinikilala sa buong mundo.+
10 Tumawid ka sa iyong lupain na gaya ng Ilog Nilo, O anak na babae ng Tarsis.
11 Iniunat niya ang kamay niya sa ibabaw ng dagat;
Niyanig niya ang mga kaharian.
Si Jehova mismo ang nag-utos na wasakin ang mga tanggulan ng Fenicia.+
Bumangon ka, tumawid ka papunta sa Kitim.+
Kahit doon ay hindi ka magiging panatag.”
13 Tingnan ninyo ang lupain ng mga Caldeo!+
Ito ang bayan—hindi ang Asirya+—
Ginawa nila siyang* isang lugar para sa mga hayop na pagala-gala sa disyerto.
Itinayo nila ang kanilang mga toreng pandigma;
Giniba nila ang kaniyang matitibay na tore+
At dinurog siya.
15 Sa araw na iyon, malilimutan ang Tiro nang 70 taon,+ kasinghaba ng buhay* ng isang hari. Pagkatapos ng 70 taon, mangyayari sa Tiro ang gaya ng nasa awit ng isang babaeng bayaran:
16 “Kumuha ka ng alpa, lumibot ka sa lunsod, O babaeng bayaran na nalimutan.
Galingan mo ang pagtugtog ng alpa;
Kumanta ka ng maraming awit
Para maalaala ka nila.”
17 Pagkatapos ng 70 taon, bibigyang-pansin ni Jehova ang Tiro, at babalik siya sa dati niyang pamumuhay* at ibebenta ang sarili sa lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa. 18 Pero ang kinita niya at ang ibinayad sa kaniya ay magiging banal kay Jehova. Hindi ito iimbakin o itatago, dahil ang ibinayad sa kaniya ay ibibigay sa mga naninirahan sa harap ni Jehova, para makakain sila hanggang sa mabusog at makapagsuot ng magagarang damit.+
24 Inaalisan ni Jehova ng laman ang lupain* at ginagawa itong tiwangwang.+
Ibinabaligtad niya ito+ at pinangangalat ang mga nakatira dito.+
2 Iisa ang sasapitin ng lahat:
Ng bayan at ng saserdote,
Ng lingkod at ng kaniyang panginoon,
Ng lingkod at ng kaniyang among babae,
Ng bumibili at ng nagtitinda,
Ng nagpapahiram at ng nanghihiram,
Ng nagpapautang at ng umuutang.+
3 Aalisan ng laman ang lupain;
Darambungin ito at walang matitira dito,+
Dahil si Jehova ang nagsabi nito.
4 Ang lupain ay nagdadalamhati;*+ nawawalan ito ng pakinabang.
Ang mabungang lupain ay natutuyot; naglalaho ito.
Ang mga prominenteng tao sa lupain ay humihina.
Kaya kumaunti ang mga nakatira sa lupain
At iilan na lang ang natira.+
7 Ang bagong alak ay nagdadalamhati,* ang punong ubas ay nalalanta,+
At ang lahat ng may masayang puso ay nagbubuntonghininga.+
8 Ang masiglang tunog ng tamburin ay naglaho;
Ang ingay ng mga nagsasaya ay nagwakas;
Ang masayang tunog ng alpa ay tumigil.+
9 Umiinom sila ng alak nang walang awitan;
Mapait ang lasa ng inuming de-alkohol para sa mga umiinom nito.
11 Dumaraing sila sa mga lansangan dahil walang alak.
Naglaho ang lahat ng pagsasaya;
Nawala ang saya sa lupain.+
13 Dahil ang bayan ko sa lupain, sa gitna ng mga bayan,
Ay magiging gaya ng natitira sa punong olibo matapos hampasin,+
Gaya ng natirang mga ubas pagkatapos ng pag-aani.+
14 Ilalakas nila ang kanilang tinig,
Hihiyaw sila sa kagalakan.
Mula sa dagat* ay ihahayag nila ang kadakilaan ni Jehova.+
15 Kaya luluwalhatiin nila si Jehova sa rehiyon ng liwanag;*+
Sa mga isla sa dagat ay luluwalhatiin nila ang pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+
16 May naririnig tayong mga awit mula sa mga dulo ng lupa:
“Luwalhatiin ang Matuwid na Diyos!”+
Pero sinasabi ko: “Nanghihina ako, nanghihina ako!
Kaawa-awa ako! Ang mga taksil ay gumagawa ng kataksilan;
Ang tusong mga taksil ay gumagawa ng kataksilan.”+
17 Matinding takot at mga hukay at mga bitag ang naghihintay sa iyo, ikaw na nakatira sa lupain.+
18 Ang sinumang tumatakas mula sa nakapangingilabot na ingay ay mahuhulog sa hukay,
At ang sinumang umaahon mula sa hukay ay mahuhuli sa bitag.+
Dahil ang mga pintuan ng tubig sa langit ay bubuksan,
At ang mga pundasyon ng lupain ay mayayanig.
20 Ang lupain ay sumusuray-suray na gaya ng lasing
At gumigiwang-giwang na gaya ng kubong hinahampas ng hangin.
Napakabigat ng dala nitong kasalanan,+
At babagsak ito at hindi na muling babangon.
21 Sa araw na iyon ay ibabaling ni Jehova ang pansin niya sa hukbo sa kaitaasan
At sa mga hari sa lupa.
22 At titipunin sila
Gaya ng mga bilanggong tinipon sa hukay,
At ikukulong sila sa bartolina;
Pagkalipas ng maraming araw ay pagtutuunan sila ng pansin.
23 Mapapahiya ang buwan na nasa kabilugan,
Pati ang maliwanag na araw,+
Dahil si Jehova ng mga hukbo ay naging Hari+ sa Bundok Sion+ at sa Jerusalem,
Maluwalhati sa harap ng matatandang lalaki ng kaniyang bayan.*+
25 O Jehova, ikaw ang aking Diyos.
Dinadakila kita, pinupuri ko ang pangalan mo,
Dahil gumawa ka ng kamangha-manghang mga bagay,+
Mga bagay na niloob mo* mula pa noong unang panahon,+
Na tapat+ at mapagkakatiwalaan.
2 Dahil ginawa mong bunton ng mga bato ang isang lunsod,
At dinurog mo ang isang napapaderang* bayan.
Wala na ang tore ng mga banyaga;
Hindi na ito itatayong muli.
3 Kaya nga luluwalhatiin ka ng isang malakas na bayan;
Matatakot sa iyo ang lunsod ng malulupit na bansa.+
4 Dahil naging tanggulan ka ng hamak,
Tanggulan ng dukha na nagdurusa,+
Kanlungan sa panahon ng bagyo,
At lilim sa init.+
Kapag ang bugso ng galit ng mga mapang-api ay gaya ng bagyong humahagupit sa pader,
5 Gaya ng init sa tigang na lupain,
Pinatatahimik mo ang sigawan ng mga estranghero.
Gaya ng init na napawi dahil sa lilim ng ulap,
Pinatigil mo ang awit ng mga mapang-api.
6 Sa bundok na ito,+ si Jehova ng mga hukbo ay gagawa para sa lahat ng bayan
Ng isang handaan ng masasarap na pagkain,+
Ng isang handaan ng mainam na alak,*
Ng masasarap na pagkain na punô ng utak sa buto,
Ng mainam at sinalang alak.
7 Sa bundok na ito ay aalisin* niya ang talukbong na bumabalot sa lahat ng bayan
At ang lambong na tumatakip sa lahat ng bansa.
8 Lalamunin* niya ang kamatayan magpakailanman,+
At papahirin ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ang mga luha sa lahat ng mukha.+
Aalisin niya ang panghahamak sa kaniyang bayan mula sa buong lupa,
Dahil si Jehova mismo ang nagsabi nito.
9 Sasabihin nila sa araw na iyon:
“Siya ang ating Diyos!+
Siya si Jehova!
Umaasa tayo sa kaniya.
Magalak tayo at magsaya sa pagliligtas niya.”+
10 Dahil ipapatong ni Jehova ang kamay niya sa bundok na ito,+
At ang Moab ay yuyurakan sa kinaroroonan nito+
Gaya ng dayami na niyuyurakan sa bunton ng dumi.
11 Ihahampas niya rito ang mga kamay niya
Gaya ng paghampas sa tubig ng isang manlalangoy para makalangoy,
At ibababa niya ang kayabangan nito+
Sa pamamagitan ng mahusay na galaw ng mga kamay niya.
12 At ang matibay na lunsod, pati na ang iyong matataas na pader na pananggalang,
Ay ibubuwal niya;
Ibabagsak niya ito sa lupa, sa mismong alabok.
26 Sa araw na iyon, ang awit na ito ay aawitin+ sa lupain ng Juda:+
“May matibay na lunsod kami.+
Kaligtasan ang ginawa niyang pader at tanggulan nito.+
2 Buksan ninyo ang mga pintuang-daan+ para makapasok ang matuwid na bansa,
Isang bansa na nananatiling tapat.
3 Iingatan mo ang mga lubos na umaasa sa iyo;*
Patuloy mo silang bibigyan ng kapayapaan,+
Dahil sa iyo sila nagtitiwala.+
5 Dahil ibinaba niya ang mga nakatira sa kaitaasan, sa matayog na lunsod.
Ibinababa niya iyon,
Ibinababa niya iyon sa lupa;
Ibinabagsak niya iyon sa alabok.
6 Yuyurakan iyon ng paa,
Ng mga paa ng mga napipighati, ng mga talampakan ng mga dukha.”
7 Ang landasin ng matuwid ay tuwid.*
Dahil matuwid ka,
Papatagin mo ang landas ng mga matuwid.
8 Habang lumalakad kami sa landas ng mga kahatulan mo, O Jehova,
Sa iyo kami umaasa.
Nananabik kami sa pangalan mo at sa pinakaalaala mo.*
9 Sa gabi ay nananabik sa iyo ang buo kong pagkatao,
Hinahanap-hanap ka ng puso ko;+
Dahil kapag hinahatulan mo ang lupa,
Ang mga nakatira sa lupain ay natututo ng katuwiran.+
Kahit sa lupain ng katapatan ay gagawa siya ng masama,+
At hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.+
11 O Jehova, nakataas ang kamay mo, pero hindi nila iyon nakikita.+
Makikita nila ang sigasig mo para sa iyong bayan at mapapahiya sila.
Tutupukin sila ng apoy na para sa mga kaaway mo.
12 O Jehova, tiyak na bibigyan mo kami ng kapayapaan,+
Dahil ang lahat ng naisagawa namin
Ay nagawa namin sa tulong mo.
13 O Jehova na aming Diyos, may ibang mga panginoon bukod sa iyo na namahala sa amin,+
Pero pangalan mo lang ang binabanggit namin.+
14 Sila ay patay; hindi sila mabubuhay.
Wala na silang magagawa; hindi sila babangon.+
Dahil ibinaling mo sa kanila ang pansin mo
Para lipulin sila at hindi na maalaala pa.
Pinalawak mo nang husto ang lahat ng hangganan ng lupain.+
16 O Jehova, sa panahon ng pagdurusa ay lumapit sila sa iyo;
Marubdob silang nanalangin nang pabulong nang disiplinahin mo sila.+
17 Kung paanong ang babaeng malapit nang manganak
Ay nahihirapan at dumaraing sa sakit,
Gayon ang nadarama namin dahil sa iyo, O Jehova.
18 Nagdalang-tao kami, namilipit kami sa sakit,
Pero para bang nagsilang kami ng hangin.
Hindi namin nailigtas ang lupain,
At walang ipinanganak para manirahan sa lupain.
19 “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.
Ang mga bangkay ng bayan ko* ay babangon.+
Gumising kayo at humiyaw sa kagalakan,
Kayong mga nakatira sa alabok!+
21 Dahil si Jehova ay lumalabas mula sa tirahan niya
Para pagbayarin ang mga nakatira sa lupain sa pagkakamali nila,
At ang pagdanak ng dugo sa lupain ay malalantad,
At hindi na maitatago ang mga napatay sa lupain.”
27 Sa araw na iyon, si Jehova, na may matalas at nakakatakot na espada,+
Ay magtutuon ng pansin sa Leviatan,* ang ahas na mabilis gumapang,
Sa Leviatan, ang paliko-likong ahas,
At papatayin niya ang malaking hayop na nasa dagat.
2 Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:*
“Isang ubasan ng alak na bumubula!+
3 Ako, si Jehova, ang nag-iingat sa kaniya.+
Dinidiligan ko siya sa bawat sandali.+
Iniingatan ko siya gabi at araw,
Para walang puminsala sa kaniya.+
Kung may maglalagay sa harap ko ng matitinik na halaman at panirang-damo,
Tatapakan ko ang mga iyon at sama-samang susunugin, at makikipagdigma ako sa kaniya.
5 Kung ayaw niyang mangyari iyon, manganlong siya sa tanggulan ko.
Makipagpayapaan siya sa akin;
Sa akin ay makipagpayapaan siya.”
6 Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob,
Ang Israel ay mamumulaklak at magsisibol,+
At pupunuin nila ng bunga ang lupain.+
7 Dapat ba siyang hampasin nang napakalakas?
O dapat ba siyang patayin na gaya ng mga napatay sa kaniya?
8 Pasigaw kang makikipagtalo sa kaniya, at palalayasin mo siya.
Sa araw na humihip ang hanging silangan, patatalsikin niya siya sa pamamagitan ng malakas na bugso.+
9 Kaya sa ganitong paraan ay mababayaran ang pagkakamali ng Jacob,+
At kapag inalis ang kasalanan niya, mangyayari ang lahat ng ito:
Ang lahat ng bato ng altar
Ay gagawin niyang parang yeso* na pinulbos,
At walang matitirang sagradong poste* o patungan ng insenso.+
10 Dahil ang napapaderang* lunsod ay iiwan;
Ang mga pastulan ay pababayaan at aabandonahin na gaya ng ilang.+
11 Kapag tuyot na ang maliliit na sanga niya,
Darating ang mga babae at babaliin ang mga iyon
At gagamiting panggatong.
Dahil ang bayang ito ay walang kaunawaan.+
Kaya hindi maaawa sa kanila ang kanilang Maylikha,
At hindi sila kahahabagan ng gumawa sa kanila.+
12 Sa araw na iyon ay kukunin ni Jehova ang mga bunga mula sa umaagos na Ilog* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at isa-isa niya kayong titipunin, O bayang Israel.+ 13 Sa araw na iyon, hihipan ang isang malaking tambuli,+ at ang mga halos mamatay na sa lupain ng Asirya+ at ang mga nakapangalat sa lupain ng Ehipto+ ay darating at yuyukod kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+
28 Kaawa-awa ang marangyang* korona* ng mga lasenggo ng Efraim+
At ang kumukupas na bulaklak ng maluwalhati nitong kagandahan,
Na nasa uluhan ng matabang lambak ng mga lasing na lasing sa alak!
2 Si Jehova ay may ipadadalang malakas at makapangyarihan.
Gaya ng makulog na pag-ulan ng yelo,* isang mapangwasak na bagyo,
Gaya ng makulog na bagyo ng malakas at humuhugos na tubig,
Ibabagsak niya iyon sa lupa nang napakalakas.
4 At ang kumukupas na bulaklak ng maluwalhati nitong kagandahan,
Na nasa uluhan ng matabang lambak,
Ay magiging gaya ng unang igos bago ang tag-araw.
Kapag may nakakita roon, lululunin niya iyon agad pagkakuha roon.
5 Sa araw na iyon, si Jehova ng mga hukbo ay magiging gaya ng maluwalhating korona at magandang putong sa mga natira sa bayan niya.+ 6 At siya ay magiging espiritu ng katarungan sa mga hukom at pagmumulan ng lakas ng mga humaharap sa mga kaaway sa pintuang-daan.+
7 At ang mga ito rin ay naliligaw dahil sa alak;
Sumusuray-suray sila dahil sa kanilang mga inuming de-alkohol.
Naliligaw ang saserdote at ang propeta dahil sa alkohol;
Nililito sila ng alak,
At sumusuray-suray sila dahil sa alkohol;
Inililigaw sila ng kanilang pangitain,
At nagkakamali sila sa pagpapasiya.+
8 Dahil punô ng maruming suka ang mga mesa nila
—Nagkalat ito sa buong paligid.
9 “Sino ba ang tuturuan niya,
At kanino ba niya ipapaliwanag ang mensahe?
Sa mga kaaawat pa lang sa gatas,
Sa mga kaaawat pa lang sa pagsuso?
10 Dahil lagi na lang ‘utos at utos, utos at utos,
Tuntunin at tuntunin, tuntunin at tuntunin,*+
Kaunti rito, kaunti roon.’”
11 Kaya sa pamamagitan ng mga nauutal at nagsasalita ng ibang wika ay makikipag-usap siya sa bayang ito.+ 12 Sinabi niya noon sa kanila: “Ito ang pahingahan. Magpahinga rito ang pagod; magiginhawahan kayo rito,” pero ayaw nilang makinig.+ 13 Kaya sa kanila, ang salita ni Jehova ay magiging:
14 Kaya makinig kayo sa salita ni Jehova, kayong mayayabang,
Kayong mga tagapamahala ng bayang ito sa Jerusalem,
15 Dahil sinasabi ninyo:
Kapag dumaan ang rumaragasang baha,
Hindi kami aabutan nito,
Dahil ginawa naming kanlungan ang kasinungalingan
At nagtago kami sa kabulaanan.”+
16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:
“Ginagawa kong pundasyon sa Sion ang isang subok na bato,+
Ang mahalagang batong-panulok+ ng isang matibay na pundasyon.+
Walang sinumang nananampalataya ang matatakot.+
Wawasakin ng pag-ulan ng yelo ang kanlungan ng mga kasinungalingan,
At babahain ang kublihan.
18 Mawawalan ng bisa ang pakikipagtipan ninyo sa Kamatayan,
Kapag dumaan ang rumaragasang baha,
Dudurugin kayo nito.
Dahil sa takot ay mauunawaan na nila ang narinig nila.”*
20 Dahil ang higaan ay napakaikli para makaunat,
At ang hinabing kumot ay napakakitid para ibalot sa katawan.
21 Dahil tatayo si Jehova na gaya noon sa Bundok Perazim;
Mag-aalab siya na gaya noon sa lambak* na malapit sa Gibeon,+
Para gawin ang gawain niya—ang kakaiba niyang gawain—
At para magawa niya ang dapat niyang gawin—ang pambihira niyang gawain.+
Para hindi lalong higpitan ang pagkakagapos sa inyo,
Dahil narinig ko mula sa Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
23 Makinig kayo at dinggin ang tinig ko;
Magbigay-pansin kayo at pakinggan ang sinasabi ko.
24 Buong araw bang mag-aararo ang magsasaka bago maghasik ng binhi?
Patuloy ba niyang bubungkalin at susuyurin ang lupa niya?+
25 Kapag napatag na niya ang ibabaw nito,
Hindi ba magsasaboy na siya ng kominong itim at maghahasik ng komino,
At hindi ba magtatanim na siya ng trigo, mijo, at sebada sa mga puwesto nito
At ng espelta+ sa mga gilid ng sakahan?
27 Dahil ang kominong itim ay hindi dinudurog sa pamamagitan ng panggiik na kareta,+
At ang gulong ng kariton ay hindi pinadadaan sa komino.
Sa halip, hinahampas ang kominong itim gamit ang tungkod,
At ang komino gamit ang baston.
28 Dinudurog ba ng isang tao ang mga butil hanggang sa maging harina ng tinapay?
Hindi. Hindi niya iyon ginigiik nang walang tigil;+
At kapag pinadaanan niya ito sa gulong ng kareta na pinatatakbo ng mga kabayo niya,
Hindi niya ito dinudurog.+
29 Nanggaling din ito kay Jehova ng mga hukbo,
Na ang layunin ay kamangha-mangha
29 “Kaawa-awa ang Ariel,* ang Ariel, ang lunsod kung saan nagkampo si David!+
Magpatuloy kayo taon-taon;
Patuloy ninyong ipagdiwang ang mga taunan ninyong kapistahan.+
2 Pero magdadala ako ng kapahamakan sa Ariel,+
At magkakaroon ng pagdadalamhati at pagtangis,+
At sa akin ay magiging gaya siya ng apuyan ng altar ng Diyos.+
3 Magtatayo ako ng mga kampo sa palibot mo,
At paliligiran kita ng mga bakod na tulos
At papalibutan ng mga harang.+
Magmumula sa lupa ang tinig mo+
Gaya ng tinig ng isang espiritista,
At ang mga salita mo ay magiging gaya ng huni mula sa alabok.
5 Ang marami mong kaaway* ay magiging gaya ng pinong alabok;+
Ang maraming malulupit na kalaban ay magiging gaya ng ipa na tinatangay ng hangin.+
At mangyayari ito sa isang iglap, nang biglaan.+
6 Ililigtas ka ni Jehova ng mga hukbo
Nang may pagkulog at paglindol at malakas na ingay,
Nang may malakas na hangin at bagyo at tumutupok na apoy.”+
7 At ang hukbo ng lahat ng bansang nakikipagdigma sa Ariel+
—Ang lahat ng nakikipagdigma sa kaniya,
Ang mga toreng pandigma laban sa kaniya,
At ang mga nagpapahirap sa kaniya—
Ay magiging gaya ng panaginip, isang pangitain sa gabi.
8 Ang hukbo ng lahat ng bansa
Na nakikipagdigma sa Bundok Sion+
Ay magiging gaya ng taong gutom na kumakain sa panaginip niya
Pero gutom pa rin paggising,
At gaya ng taong uhaw na umiinom sa panaginip niya
Pero pagod at uhaw pa rin paggising.
Lasing sila, pero hindi dahil sa alak;
Sumuray-suray sila, pero hindi dahil sa inuming de-alkohol.
10 Dahil mahimbing kayong pinatulog ni Jehova;+
Ipinikit niya ang mga mata ninyo, ang mga propeta,+
At tinakpan niya ang mga ulo ninyo, ang mga nakakakita ng pangitain.+
11 Ang bawat pangitain ay naging gaya ng selyadong aklat para sa inyo.+ Kapag ibinigay nila ito sa marunong bumasa, at sinabi nila sa kaniya: “Pakibasa mo ito nang malakas,” sasabihin niya: “Hindi ko magagawa, dahil selyado ito.” 12 At kapag ibinigay nila ang aklat sa hindi marunong bumasa, at sinabi nila sa kaniya: “Pakibasa mo ito,” sasabihin niya: “Hindi ako marunong bumasa.”
13 Sinasabi ni Jehova: “Lumalapit sa akin ang bayang ito sa pamamagitan ng bibig nila,
At pinararangalan nila ako sa pamamagitan ng mga labi nila,+
Pero malayong-malayo ang puso nila sa akin;
At ang pagkatakot nila sa akin ay batay sa mga utos ng tao na itinuro sa kanila.+
14 Kaya ako muli ang gagawa ng kamangha-manghang mga bagay sa bayang ito,+
Ng maraming pambihirang bagay;
At maglalaho ang karunungan ng marurunong sa kanila,
At mawawala ang unawa ng matatalino sa kanila.”+
15 Kaawa-awa ang mga gumagawa ng lahat para maitago ang mga plano* nila mula kay Jehova.+
Ginagawa nila sa dilim ang gawain nila
At sinasabi: “Sino ang nakakakita sa atin?
Sino ang nakaaalam sa ginagawa natin?”+
16 Pinipilipit ninyo ang mga bagay-bagay!*
Ang magpapalayok ba ay dapat ituring na gaya ng luwad?+
Masasabi ba ng bagay na ginawa tungkol sa gumawa sa kaniya:
“Hindi niya ako ginawa”?+
At sasabihin ba ng bagay na hinubog tungkol sa humubog sa kaniya:
“Wala siyang alam”?+
17 Kaunting panahon na lang at ang Lebanon ay gagawing isang taniman,+
At ang taniman ay ituturing na isang kagubatan.+
18 Sa araw na iyon, maririnig ng mga bingi ang mga salita ng aklat,
At mula sa kadiliman ay makakakita ang mga bulag.+
19 Ang maaamo ay magsasaya nang husto dahil kay Jehova,
At ang mga dukha ay magagalak dahil sa Banal ng Israel.+
20 Dahil ang malulupit ay mawawala na,
Ang mayayabang ay sasapit sa kawakasan,
At lilipulin ang lahat ng mahihilig gumawa ng masama,+
21 Ang mga nagsasabi ng kasinungalingan para palitawing nagkasala ang iba,
Ang mga naglalagay ng bitag para sa tagapagtanggol* sa pintuang-daan ng lunsod,+
At ang mga gumagamit ng walang-katuturang mga argumento para pagkaitan ng katarungan ang matuwid.+
22 Kaya sa sambahayan ni Jacob ay ito ang sinabi ni Jehova, na tumubos kay Abraham:+
23 Dahil kapag nakita niya ang mga anak niya,
Ang gawa ng mga kamay ko, na nasa gitna niya,+
Pababanalin nila ang pangalan ko;
Oo, pababanalin nila ang Banal ng Jacob,
At magpapakita sila ng matinding paggalang sa Diyos ng Israel.+
24 Ang mga naliligaw ng landas ay makauunawa,
At ang mga nagrereklamo ay tatanggap ng payo.”
30 “Kaawa-awa ang suwail na mga anak,”+ ang sabi ni Jehova,
“Na nagsasagawa ng mga planong hindi galing sa akin,+
Na nakikipag-alyansa,* pero hindi sa pamamagitan ng aking espiritu,
Para dagdagan ng kasalanan ang kasalanan.
2 Pumupunta sila sa Ehipto+ nang hindi sumasangguni sa akin,+
Para manganlong sa proteksiyon* ng Paraon
At sumilong sa lilim ng Ehipto!
3 Pero ang proteksiyon ng Paraon ay magdadala sa inyo ng kahihiyan;
Mapapahiya kayo sa panganganlong sa lilim ng Ehipto.+
5 Ipapahiya silang lahat
Ng isang bayang walang silbi sa kanila,
Na walang maibigay na tulong o pakinabang,
Kundi kahihiyan at kadustaan lang.”+
6 Mensahe laban sa mga hayop sa timog:
Habang naglalakbay sa lupain ng pagdurusa at paghihirap,
Ng leon, ng umuungal na leon,
Ng ulupong at ng lumilipad at malaapoy na ahas,*
Ipinapasan nila ang yaman nila sa likod ng mga asno
At ang mga suplay nila sa likod ng mga kamelyo.
Pero hindi makikinabang ang bayan sa mga bagay na ito.
7 Dahil wala talagang maitutulong ang Ehipto.+
Kaya tinawag ko itong “Rahab,+ na nakaupo lang.”
8 “Ngayon ay isulat mo iyon sa isang tapyas sa harap nila,
At itala mo iyon sa isang aklat,+
Para magsilbi itong permanenteng patotoo
Sa hinaharap.+
10 Sinasabi nila sa mga tagakita,* ‘Huwag kayong makakita,’
At sa mga nakakakita ng pangitain, ‘Huwag ninyong sabihin sa amin ang totoong nakita ninyo.+
Magagandang bagay ang sabihin ninyo sa amin; manghula kayo ng mapanlinlang na mga kathang-isip.+
11 Lumihis kayo sa daan; iwan ninyo ang landas.
Tigilan na ninyo ang pagsasabi sa amin ng tungkol sa Banal ng Israel.’”+
12 Kaya ito ang sinabi ng Banal ng Israel:
“Dahil ayaw ninyong makinig sa salitang ito+
At nagtitiwala kayo sa pandaraya at panlilinlang
At umaasa kayo roon,+
13 Ang pagkakamali ninyong ito ay magiging gaya ng sirang pader,
Gaya ng mataas na pader na lumalaki ang sira at babagsak na.
Bigla itong babagsak, sa isang iglap.
14 Mawawasak iyon na gaya ng isang malaking banga ng magpapalayok;
Magkakadurog-durog iyon at walang pirasong matitira
Para ipangkuha ng baga sa apuyan
O ipanalok ng tubig sa lupa.”*
15 Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ang Banal ng Israel:
“Kung manunumbalik kayo sa akin at magpapahinga, maliligtas kayo;
Magkakaroon kayo ng lakas kung mananatili kayong panatag at magtitiwala.”+
Pero ayaw ninyo.+
16 Sa halip, sinabi ninyo: “Hindi, tatakas kami sakay ng mga kabayo!”
Kaya tatakas kayo.
“At sasakay kami sa mga kabayong matutulin!”+
Kaya ang mga humahabol sa inyo ay magiging matulin.+
17 Manginginig ang isang libo dahil sa banta ng isa;+
Sa banta ng lima ay tatakas kayo
Hanggang sa ang matira sa inyo ay gaya ng isang poste sa tuktok ng bundok,
Gaya ng isang posteng pananda sa burol.+
18 Pero si Jehova ay matiyagang* naghihintay para magpakita ng kabutihan sa inyo,+
At kikilos siya para magpakita sa inyo ng awa.+
Dahil si Jehova ay Diyos ng katarungan.+
Maligaya ang lahat ng patuloy* na naghihintay sa kaniya.+
19 Kapag ang bayan ay nanirahan sa Sion, sa Jerusalem,+ hindi ka na iiyak pa.+ Kapag humingi ka ng tulong, pagpapakitaan ka niya ng awa; sa sandaling marinig ka niya, sasagutin ka niya.+ 20 Bagaman bibigyan kayo ni Jehova ng tinapay ng pagdurusa at tubig ng pagmamalupit,+ hindi na magtatago ang iyong Dakilang Tagapagturo, at makikita ng iyong mga mata ang iyong Dakilang Tagapagturo.+ 21 At may maririnig kang tinig sa likuran mo na nagsasabi: “Ito ang daan.+ Lumakad kayo rito,” sakaling mapalihis kayo sa kanan o sa kaliwa.+
22 At durungisan mo ang pilak na ibinalot sa iyong mga inukit na imahen at ang gintong ibinalot sa iyong mga metal na estatuwa.+ Itatapon mo ang mga iyon na gaya ng pasador at sasabihin sa mga iyon, “Ayoko na kayong makita!”*+ 23 At magpapaulan siya para sa binhing inihahasik mo sa lupa,+ at ang pagkaing* ibinubunga ng lupa ay magiging sagana at masustansiya.*+ Sa araw na iyon, ang mga alaga mong hayop ay manginginain sa malalawak na pastulan.+ 24 At ang mga baka at asno na sumasaka ng lupa ay kakain ng pagkain na tinimplahan ng acedera at tinahip ng pala at tinidor. 25 At sa bawat matayog na bundok at bawat mataas na burol ay magkakaroon ng mga batis at mga daluyan ng tubig,+ sa araw ng paglipol kapag bumagsak ang mga tore. 26 At ang liwanag ng buwan na nasa kabilugan ay magiging gaya ng liwanag ng araw; at ang liwanag ng araw ay titindi nang pitong ulit,+ gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na bibigkisan ni Jehova ang bali ng bayan niya+ at pagagalingin ang malubhang sugat nila dahil sa paghampas niya.+
27 Ang pangalan ni Jehova ay dumarating galing sa malayo,
Nagniningas dahil sa kaniyang galit at may kasamang makakapal na ulap.
Ang mga labi niya ay punô ng galit,
At ang dila niya ay gaya ng apoy na lumalamon.+
28 Ang espiritu* niya ay gaya ng rumaragasang baha na abot hanggang leeg;
Yuyugyugin nito ang mga bansa sa salaan ng pagpuksa;*
At ang mga tao ay lalagyan ng renda sa mga panga+ na magliligaw sa kanila.
29 Pero ang awit ninyo ay magiging gaya ng inaawit sa gabi
Kapag naghahanda kayo* para sa isang kapistahan,+
At ang puso ninyo ay magsasaya
Gaya ng isa na naglalakad na may* plawta
Papunta sa bundok ni Jehova, sa Bato ng Israel.+
30 Iparirinig ni Jehova ang kaniyang maringal na tinig+
At ipapakita ang kaniyang bisig+ habang bumababa ito dahil sa nag-iinit na galit,+
Nang may liyab ng apoy na lumalamon,+
Biglang buhos ng malakas na ulan+ at makulog na bagyo at pag-ulan ng yelo.*+
32 At bawat hampas ng kaniyang pamalong pamparusa
Na patatamain ni Jehova sa Asirya
Ay sasabayan ng mga tamburin at mga alpa+
Habang ginagamit niya ang bisig niya sa pakikipagdigma sa kanila.+
Ang hukay para sa panggatong ay ginawa niyang malalim at malawak;
Napakaraming apoy at kahoy roon.
Sisilaban iyon ng hininga ni Jehova,
Na gaya ng malakas na agos ng asupre.
31 Kaawa-awa ang mga pumupunta sa Ehipto para magpatulong,+
Ang mga umaasa sa mga kabayo,+
Ang mga nagtitiwala sa mga karwaheng pandigma dahil marami ang mga ito
At sa mga kabayong pandigma* dahil malalakas ang mga ito.
Hindi sila umaasa sa Banal ng Israel,
At hindi nila hinahanap si Jehova.
2 Pero siya ay marunong din at magpapadala siya ng kapahamakan,
At hindi niya babawiin ang mga sinabi niya.
Kikilos siya laban sa sambahayan ng masasama
At laban sa mga tumutulong sa mga gumagawa ng masama.+
Kapag iniunat ni Jehova ang kamay niya,
Ang sinumang tumutulong ay matitisod
At ang sinumang tinutulungan ay mabubuwal;
Sabay-sabay silang maglalaho.
4 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin:
“Ang leon, ang malakas na leon, ay umuungal, para sa nasila nito,
Kapag nagdatingan ang malaking pangkat ng mga pastol para labanan ito.
Hindi ito nasisindak sa kanilang mga sigaw
O natatakot sa kanilang ingay.
Ganoon din si Jehova ng mga hukbo na bababa para makipagdigma
Alang-alang sa Bundok Sion at sa burol nito.
5 Gaya ng mga ibong bumubulusok, mabilis na darating si Jehova ng mga hukbo para ipagtanggol ang Jerusalem.+
Ipagtatanggol niya ito at ililigtas.
Iingatan niya ito at sasaklolohan.”
6 “O bayang Israel, manumbalik kayo sa Kaniya na labis ninyong pinaghimagsikan.+ 7 Dahil sa araw na iyon, itatakwil ng bawat isa sa inyo ang kaniyang walang-kabuluhang mga diyos na pilak at ang kaniyang walang-silbing mga diyos na ginto, na ginawa ng makasalanan ninyong mga kamay.
8 At ang Asiryano ay mabubuwal sa espada, na hindi sa tao;
At isang espada, na hindi sa tao, ang lalamon sa kaniya.+
Tatakas siya dahil sa espada,
At ang mga kalalakihan niya ay gagamitin sa puwersahang pagtatrabaho.
9 Ang kaniyang malaking bato ay maglalaho dahil sa matinding takot,
At ang kaniyang matataas na opisyal ay masisindak dahil sa posteng pananda,” ang sabi ni Jehova,
Na ang liwanag* ay nasa Sion at na ang hurno ay nasa Jerusalem.
2 At ang bawat isa ay magiging gaya ng taguan* mula sa ihip ng hangin,
Isang kublihan* mula sa malakas na ulan,
Gaya ng mga batis sa lupaing walang tubig,+
Gaya ng lilim ng malaking bato sa tuyot na lupain.
3 Ang mga mata ng mga nakakakita ay hindi na isasara,
At ang mga tainga ng mga nakaririnig ay magbibigay-pansin.
4 Ang puso ng mga padalos-dalos ay magbubulay-bulay ng kaalaman,
At ang dilang nauutal ay magsasalita nang matatas at malinaw.+
5 Ang hangal ay hindi na ituturing na bukas-palad,
At ang taong walang prinsipyo ay hindi ituturing na marangal;
6 Dahil ang hangal ay magsasalita ng walang katuturan,
At ang puso niya ay nagpaplano ng nakapipinsalang mga bagay,+
Para itaguyod ang apostasya* at magsalita ng kasinungalingan tungkol kay Jehova.
Hinahayaan niyang umalis nang gutom ang nagugutom
At pinagkakaitan ng maiinom ang nauuhaw.
7 Masama ang mga pamamaraan ng taong walang prinsipyo;+
Nagtataguyod siya ng kahiya-hiyang paggawi
Para ipahamak ang naaapi sa pamamagitan ng mga kasinungalingan,+
Kahit na tama ang sinasabi ng dukha.
9 “Kayong mga babaeng kampante, bumangon kayo at makinig sa tinig ko!
Kayong mga anak na babae na di-nababahala,+ pakinggan ninyo ang sinasabi ko!
10 Sa loob lang ng mahigit isang taon, kayong mga di-nababahala ay manginginig sa takot,
Dahil walang bungang matitipon hanggang sa katapusan ng pag-aani ng ubas.+
11 Mangatog kayo, kayong mga babaeng kampante!
Manginig kayo sa takot, kayong mga di-nababahala!
Hubarin ninyo ang inyong damit,
At magsuot kayo ng telang-sako sa inyong balakang.+
12 Suntukin ninyo ang inyong mga dibdib sa pagdadalamhati
Sa kanais-nais na mga bukid at mabungang punong ubas.
13 Dahil ang lupa ng aking bayan ay matatakpan ng matitinik na halaman;
Matatakpan ng mga ito ang lahat ng bahay na nagsasaya,
Ang lunsod na nagbubunyi.+
Ang Opel+ at ang bantayan ay tuluyan nang naging walang-silbing lupain,
Puntahan ng maiilap na asno
At pastulan ng mga kawan,+
15 Hanggang sa ibuhos sa atin ang espiritu mula sa itaas,+
At ang ilang ay maging isang taniman,
At ang taniman ay ituring na isang kagubatan.+
17 Ang resulta ng tunay na katuwiran ay kapayapaan,+
At ang bunga ng tunay na katuwiran ay walang-hanggang kapanatagan at katahimikan.+
18 Titira ang bayan ko sa mapayapang tahanan,
Sa ligtas na mga tirahan at tahimik na mga pahingahan.+
20 Maligaya kayong mga naghahasik ng binhi sa lahat ng baybayin
At nagpapakawala ng toro at ng asno.”+
33 Kaawa-awa ka, ikaw na nangwawasak na hindi pa winawasak;+
Ikaw na taksil na hindi pa pinagtataksilan!
Pagkatapos mong mangwasak, wawasakin ka.+
Pagkatapos mong magtaksil, pagtataksilan ka.
Sa iyo kami umaasa.
3 Sa lakas ng dagundong ay tumatakas ang mga bayan.
Kapag kumilos ka, nangangalat ang mga bansa.+
4 Kung paano nagtitipon ang matatakaw na balang, gayon din titipunin ang inyong mga samsam;
Dadagsain iyon ng mga tao gaya ng pagkuyog ng napakaraming balang.
5 Si Jehova ay dadakilain,
Dahil naninirahan siya sa kaitaasan.
Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.
6 Siya ang magpapatatag sa iyo;
Dakilang kaligtasan,+ saganang karunungan at kaalaman, at pagkatakot kay Jehova+
—Ito ang kayamanan niya.
7 Ang mga bayani nila ay sumisigaw sa lansangan;
Ang mga mensahero ng kapayapaan ay humahagulgol.
8 Wala nang tao sa mga lansangang-bayan;
Wala nang dumadaan sa mga landas.
9 Ang lupain ay nagdadalamhati* at natutuyot.
Ang Lebanon ay nahihiya;+ iyon ay nabulok.
Ang Saron ay naging gaya ng disyerto,
At nalalagas ang mga dahon ng Basan at Carmel.+
10 “Ngayon ay kikilos ako,” sabi ni Jehova,
“Ngayon ay dadakilain ko ang aking sarili;+
Ngayon ay luluwalhatiin ko ang aking sarili.
11 Tuyong damo ang nasa sinapupunan ninyo at pinaggapasan ang isinisilang ninyo.
Ang sarili ninyong saloobin* ang lalamon sa inyo na gaya ng apoy.+
12 At ang mga bayan ay magiging gaya ng sunóg na apog.
Gaya ng matitinik na halaman na pinutol, sila ay sisilaban sa apoy.+
13 Kayong mga nasa malayo, pakinggan ninyo ang gagawin ko!
At kayong mga nasa malapit, kilalanin ninyo ang kalakasan ko!
‘Sino sa atin ang makapaninirahan sa lugar na may tumutupok na apoy?+
Sino sa atin ang makatatagal sa apoy na hindi mapapatay?’
15 Ang patuloy na lumalakad sa katuwiran,+
Nagsasalita ng bagay na matuwid,+
Tumatanggi sa pakinabang na galing sa pandaraya,
Tumatanggi sa suhol sa halip na sunggaban ito,+
Nagtatakip ng tainga sa usapan ng mga nagpaplanong pumatay,
At pumipikit para hindi makita ang masasamang bagay
16 Ay titira sa kaitaasan;
Ang kaniyang ligtas na kanlungan* ay sa mga batong tanggulan,
Paglalaanan siya ng tinapay,
At hindi siya mawawalan ng suplay ng tubig.”+
17 Makikita ng mga mata mo ang isang maluwalhating hari;
Makikita nila ang isang lupain sa malayo.
18 Maaalaala* mo sa iyong puso ang takot:
“Nasaan na ang kalihim?
Nasaan na ang nagtitimbang ng tributo?*+
Nasaan na ang bumibilang ng mga tore?”
19 Hindi mo na makikita ang hambog na bayan,
Isang bayan na napakahirap unawain ang wika
At may dilang nauutal na hindi mo maintindihan.+
20 Tingnan mo ang Sion, ang lunsod ng ating mga kapistahan!+
Makikita mo ang Jerusalem na isang tahimik na tirahan,
Isang toldang hindi maaalis sa kinatatayuan nito.+
Hindi kailanman mabubunot ang mga tulos nito,
At walang isa man sa mga lubid nito ang mapuputol.
21 Kundi doon, ang maringal na si Jehova
Ay magiging rehiyon ng mga ilog, ng mga kanal na maluluwang, para sa atin,
Kung saan walang pupuntang mga barkong de-sagwan
At walang dadaang mariringal na barko.
22 Dahil si Jehova ang ating Hukom,+
Si Jehova ang ating Tagapagbigay-Batas,+
Si Jehova ang ating Hari;+
Siya ang magliligtas sa atin.+
23 Ang iyong mga lubid ay makakalag;
Hindi nila maitatayo ang palo* at hindi nila mailaladlad ang layag.
Sa panahong iyon, maraming samsam na paghahati-hatian;
Kahit ang mga pilay ay makakakuha ng maraming samsam.+
24 At walang nakatira doon ang magsasabi: “May sakit ako.”+
Ang bayang naninirahan sa lupain ay patatawarin sa kasalanan nila.+
34 Kayong mga bansa, lumapit kayo para makinig,
At kayong mga bayan, magbigay-pansin kayo.
Makinig ang lupa at ang lahat ng naririto,
Ang lupain at ang lahat ng bunga nito.
Pupuksain niya sila;
Lilipulin niya sila.+
4 Ang buong hukbo ng langit ay mabubulok,
At ang langit ay irorolyong gaya ng balumbon.
Ang buong hukbo nila ay matutuyot at malalagas,
Gaya ng paglaglag ng tuyong dahon mula sa punong ubas
At ng nanguluntoy na igos mula sa puno ng igos.
5 “Dahil sa langit ay mababasâ ang espada ko.+
Bababa ito sa Edom para maglapat ng hatol,+
Sa bayan na ipinasiya kong puksain.
6 Si Jehova ay may espada; mapupuno iyon ng dugo.
Mababalot iyon ng taba,+
Ng dugo ng mga batang tupa at mga kambing,
Ng taba ng bato ng mga lalaking tupa.
Dahil si Jehova ay maghahain sa Bozra,
Isang malawakang paglipol sa lupain ng Edom.+
7 Ang mga torong-gubat ay bababang kasama nila,
Ang mga batang toro pati ang malalakas.
Ang lupain nila ay mapupuno ng dugo,
At ang alabok nito ay mabababad sa taba.”
8 Dahil si Jehova ay may araw ng paghihiganti,+
Isang taon ng paghihiganti para sa legal na usapin tungkol sa Sion.+
9 Ang mga ilog niya* ay magiging alkitran,*
At ang alabok niya ay magiging asupre,
At ang lupain niya ay magiging gaya ng nasusunog na alkitran.
10 Araw at gabi, hindi ito mamamatay;
Patuloy na paiilanlang ang usok nito magpakailanman.
Mananatili siyang wasak sa paglipas ng mga henerasyon;
Walang sinumang dadaan sa kaniya magpakailanman.+
Susukatin niya siya gamit ang pising panukat ng kawalang-laman
At ang hulog* ng pagkatiwangwang.
12 Walang sinuman sa mga maharlika niya ang maghahari,
At ang lahat ng pinuno niya ay maglalaho.
13 Tutubuan ng tinik ang matitibay niyang tore,
Ng mga kulitis at matitinik na panirang-damo ang mga tanggulan niya.
14 Magtitipon ang mga hayop sa disyerto at ang umaalulong na mga hayop,
At tatawagin ng mailap na kambing* ang kasama niya.
Oo, doon titira at magpapahinga ang panggabing ibon.*
15 Doon mamumugad at mangingitlog ang ahas-palaso,
At mapipisa ang mga itlog at titipunin niya ang mga iyon sa lilim niya.
Oo, doon magtitipon ang mga lawin, kasama ang mga kapareha nila.
16 Hanapin ninyo sa aklat ni Jehova at basahin ito nang malakas:
Walang isa man sa kanila ang mawawala;
Walang isa man ang mawawalan ng kapareha,
Dahil si Jehova mismo ang nag-utos,
At ang espiritu niya ang nagtipon sa kanila.
17 Siya ang nagtakda ng magiging bahagi nila,
At ang kamay niya mismo ang sumukat ng kani-kanilang puwesto.*
Magiging kanila iyon magpakailanman;
Titira sila roon sa lahat ng henerasyon.
35 Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya,+
At ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.*+
Makikita nila ang kaluwalhatian ni Jehova, ang karilagan ng ating Diyos.
4 Sabihin ninyo sa mga may pusong nababahala:
“Magpakatatag kayo. Huwag kayong matakot.
Ang inyong Diyos ay darating para pagbayarin ang kaaway,
Darating ang Diyos at maghihiganti.+
Darating siya at ililigtas niya kayo.”+
Bubukal ang tubig sa ilang,
At ang mga ilog sa tigang na kapatagan.
7 Ang lupang natuyo sa init ay magiging lawa na may mga halaman,
At ang lupang uhaw ay magiging mga bukal ng tubig.+
Sa lugar kung saan nagpapahinga ang mga chakal+
Ay magkakaroon ng berdeng damo, mga tambo, at mga papiro.
Hindi dadaan doon ang marumi.+
Para lang iyon sa mga pinahintulutang lumakad doon;
Walang mangmang na maliligaw roon.
9 Hindi magkakaroon doon ng leon,
At hindi pupunta roon ang mababangis na hayop.
10 Ang mga tinubos ni Jehova ay babalik+ at pupunta sa Sion nang humihiyaw sa kagalakan.+
Kokoronahan sila ng walang-hanggang kaligayahan.+
Magbubunyi sila at magsasaya,
At maglalaho ang pagdadalamhati at pagbubuntonghininga.+
36 Nang ika-14 na taon ni Haring Hezekias, sinalakay ni Senakerib na hari ng Asirya+ ang lahat ng napapaderang* lunsod ng Juda at sinakop ang mga iyon.+ 2 Pagkatapos, isinugo ng hari ng Asirya kay Haring Hezekias sa Jerusalem ang Rabsases*+ kasama ang isang malaking hukbo mula sa Lakis.+ Pumuwesto sila sa may padaluyan ng tubig na galing sa tipunan ng tubig sa itaas+ at nasa daang papunta sa parang ng tagapaglaba.+ 3 At hinarap siya ni Eliakim+ na anak ni Hilkias, na namamahala sa sambahayan,* ng kalihim na si Sebna,+ at ng tagapagtalang si Joa na anak ni Asap.
4 Kaya sinabi ng Rabsases sa kanila: “Pakisuyo, sabihin ninyo kay Hezekias, ‘Ito ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asirya: “Ano ang ipinagmamalaki mo?+ 5 Sinasabi mo, ‘Alam ko ang gagawin ko at kaya kong makipagdigma,’ pero hindi totoo iyan. Kanino ka ba umaasa at ang lakas ng loob mong magrebelde sa akin?+ 6 Nagtitiwala ka sa tulong ng baling tambong ito, ang Ehipto. Matutusok ang palad ng sinumang tutukod dito. Ganiyan ang Paraon na hari ng Ehipto sa lahat ng nagtitiwala sa kaniya.+ 7 At kung sasabihin ninyo sa akin, ‘Nagtitiwala kami kay Jehova na aming Diyos,’ hindi ba sa kaniya ang matataas na lugar at ang mga altar na inalis ni Hezekias,+ at sinasabi niya sa Juda at sa Jerusalem, ‘Dapat kayong yumukod sa altar na ito’?”’+ 8 Pakisuyo, makipagpustahan ka sa panginoon kong hari ng Asirya:+ Bibigyan kita ng 2,000 kabayo kung may mapapasakay ka sa lahat ng ito. 9 Paano mo mapauurong ang kahit isang gobernador na pinakamababa sa mga lingkod ng panginoon ko, gayong umaasa ka lang sa Ehipto para sa mga karwahe at mangangabayo? 10 Wala bang pahintulot ni Jehova ang pagpunta ko sa lupaing ito para wasakin ito? Si Jehova mismo ang nagsabi sa akin, ‘Pumunta ka sa lupaing ito at wasakin mo ito.’”
11 Sinabi ni Eliakim at ni Sebna+ at ni Joa sa Rabsases:+ “Pakisuyo, makipag-usap ka sa iyong mga lingkod sa wikang Aramaiko,*+ dahil naiintindihan namin ito; huwag kang makipag-usap sa amin sa wika ng mga Judio na naririnig ng mga taong nasa pader.”+ 12 Pero sinabi ng Rabsases: “Sa iyo lang ba at sa panginoon mo ipinapasabi ng panginoon ko ang mensaheng ito? Hindi ba para din ito sa mga lalaking nakaupo sa pader, na kakain ng sarili nilang dumi at iinom ng sarili nilang ihi kasama ninyo?”
13 Pagkatapos, tumayo ang Rabsases at sumigaw sa wika ng mga Judio:+ “Pakinggan ninyo ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asirya.+ 14 Ito ang sinabi ng hari, ‘Huwag kayong magpaloko kay Hezekias, dahil hindi niya kayo kayang iligtas.+ 15 At huwag kayong magtiwala kay Jehova+ dahil sa sinasabi ni Hezekias: “Tiyak na ililigtas tayo ni Jehova, at hindi ibibigay ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Asirya.” 16 Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinabi ng hari ng Asirya: “Makipagpayapaan kayo sa akin at sumuko, at bawat isa sa inyo ay kakain mula sa sarili niyang puno ng ubas at ng igos at iinom ng tubig mula sa sarili niyang imbakan ng tubig, 17 hanggang sa dumating ako at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng sarili ninyong lupain,+ isang lupain ng butil at bagong alak, isang lupain ng tinapay at mga ubasan. 18 Huwag kayong magpaloko kay Hezekias kapag sinasabi niya, ‘Ililigtas tayo ni Jehova.’ Mayroon ba sa mga diyos ng mga bansa na nakapagligtas ng kanilang lupain mula sa kamay ng hari ng Asirya?+ 19 Nasaan ang mga diyos ng Hamat at ng Arpad?+ Nasaan ang mga diyos ng Separvaim?+ Nailigtas ba nila ang Samaria mula sa kamay ko?+ 20 Walang sinuman sa mga diyos ng mga lupaing ito ang nakapagligtas ng lupain nila mula sa kamay ko. Kaya paano maililigtas ni Jehova ang Jerusalem mula sa kamay ko?”’”+
21 Pero hindi sila umimik at wala silang anumang isinagot sa kaniya, dahil iniutos ng hari, “Huwag ninyo siyang sagutin.”+ 22 Pero si Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala sa sambahayan,* ang kalihim na si Sebna,+ at ang tagapagtalang si Joa na anak ni Asap ay pumunta kay Hezekias na punít ang mga damit, at sinabi nila sa kaniya ang mensahe ng Rabsases.
37 Nang marinig iyon ni Haring Hezekias, pinunit niya ang damit niya at nagsuot siya ng telang-sako at pumasok sa bahay ni Jehova.+ 2 Pagkatapos, si Eliakim na namamahala sa sambahayan,* ang kalihim na si Sebna, at ang nakatatandang mga saserdote, na lahat ay nakasuot ng telang-sako, ay isinugo niya sa propetang si Isaias+ na anak ni Amoz. 3 Sinabi nila sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Hezekias, ‘Ang araw na ito ay isang araw ng pagdurusa, ng pagsaway,* at ng kahihiyan; dahil handa nang lumabas* ang sanggol, pero walang lakas ang ina para isilang ito.+ 4 Baka sakaling marinig ni Jehova na iyong Diyos ang mga sinabi ng Rabsases, na isinugo ng hari ng Asirya na kaniyang panginoon para insultuhin ang Diyos na buháy,+ at panagutin niya ito sa mga salitang narinig ni Jehova na iyong Diyos. Kaya manalangin ka+ alang-alang sa mga natitira pang buháy.’”+
5 Nang pumunta kay Isaias ang mga lingkod ni Haring Hezekias,+ 6 sinabi ni Isaias sa kanila: “Ito ang sabihin ninyo sa inyong panginoon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Huwag kang matakot+ dahil sa mga salitang narinig mo, sa mga pamumusong* sa akin ng mga lingkod ng hari ng Asirya.+ 7 May ilalagay ako sa isip niya, at makaririnig siya ng isang ulat at babalik siya sa sarili niyang lupain;+ at pababagsakin ko siya sa pamamagitan ng espada sa sarili niyang lupain.”’”+
8 Matapos marinig ng Rabsases na ang hari ng Asirya ay umalis na sa Lakis, bumalik siya sa hari at nakita itong nakikipagdigma sa Libna.+ 9 May nag-ulat sa hari tungkol kay Haring Tirhaka ng Etiopia: “Parating na siya para makipagdigma sa iyo.” Nang marinig niya ito, nagpadala siya ulit ng mga mensahero kay Hezekias.+ Sinabi niya sa mga ito: 10 “Ito ang sasabihin ninyo kay Haring Hezekias ng Juda, ‘Huwag kang magpaloko sa pinagtitiwalaan mong Diyos na nagsasabi sa iyo: “Ang Jerusalem ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+ 11 Nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asirya sa lahat ng bansa—pinuksa nila ang mga iyon.+ Sa tingin mo ba, makaliligtas ka? 12 Iniligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa na winasak ng mga ninuno ko?+ Nasaan ang Gozan, ang Haran,+ ang Rezep, at ang mga taga-Eden na nasa Tel-asar? 13 Nasaan ang hari ng Hamat, ang hari ng Arpad, at ang hari ng mga lunsod ng Separvaim,+ at ng Hena, at ng Iva?’”
14 Kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa mga mensahero at binasa ang mga iyon. Pagkatapos, pumunta si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag ang mga iyon* sa harap ni Jehova.+ 15 At nanalangin si Hezekias kay Jehova:+ 16 “O Jehova ng mga hukbo,+ ang Diyos ng Israel, na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin, ikaw lang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa. Ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa. 17 O Jehova, pakinggan mo ako!+ Buksan mo ang mga mata mo, O Jehova, at tingnan mo!+ Pakinggan mo ang mensaheng ipinadala ni Senakerib para insultuhin ang Diyos na buháy.+ 18 Totoo, O Jehova, na nawasak ng mga hari ng Asirya ang lahat ng lupain,+ pati ang sarili nilang lupain. 19 At naihagis nila sa apoy ang mga diyos ng mga ito,+ dahil hindi diyos ang mga iyon kundi mga gawa ng kamay ng tao,+ mga kahoy at bato. Kaya nawasak nila ang mga iyon. 20 Pero ngayon, O Jehova na aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kamay niya, para malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lang ang Diyos, O Jehova.”+
21 Pagkatapos, ipinadala ni Isaias na anak ni Amoz ang mensaheng ito kay Hezekias: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Dahil nanalangin ka sa akin tungkol kay Haring Senakerib ng Asirya,+ 22 ito ang sinabi ni Jehova laban sa kaniya:
“Hinahamak ka ng anak na dalaga ng Sion, nilalait ka niya.
Pailing-iling sa iyo ang anak na babae ng Jerusalem.
23 Sino ang ininsulto mo+ at kanino ka namusong?*
Sino ang sinigawan mo+
At tiningnan nang may kayabangan?
Hindi ba ang Banal ng Israel?+
24 Sa pamamagitan ng mga lingkod mo ay ininsulto mo si Jehova+ at sinabi mo,
‘Gamit ang napakarami kong karwaheng pandigma,
Aakyatin ko ang taluktok ng mga bundok,+
Ang pinakamalalayong bahagi ng Lebanon.
Puputulin ko ang matatayog nitong sedro, ang pinakamagaganda nitong puno ng enebro.
Pupuntahan ko ang pinakatuktok nito, ang pinakamakakapal nitong kagubatan.
25 Huhukay ako ng mga balon at iinom ng tubig;
Tutuyuin ko ang mga ilog* ng Ehipto sa pamamagitan ng talampakan ko.’
26 Hindi mo ba narinig? Naipasiya* na ito noong unang panahon.
Matagal ko na itong inihanda.*+
Ngayon ay gagawin ko na ito.+
Gagawin mong mga bunton ng guho ang mga napapaderang* lunsod.+
27 Ang mga tagaroon ay walang magagawa;
Matatakot sila at mapapahiya.
Magiging gaya sila ng mga pananim sa parang at ng berdeng damo,
Gaya ng damo sa mga bubong na natuyot dahil sa hanging silangan.
28 Pero alam na alam ko kapag umuupo ka, kapag lumalabas ka, kapag pumapasok ka,+
At kapag galit na galit ka sa akin,+
29 Dahil narinig ko ang matinding galit mo sa akin+ at ang pag-ungal mo.+
Kaya ilalagay ko ang pangawit ko sa ilong mo at ang renda ko+ sa pagitan ng mga labi mo,
At ibabalik kita sa pinagmulan mo.”
30 “‘At ito ang magiging tanda para sa iyo:* Sa taóng ito, kakainin mo ang mga kusang sumibol;* at sa ikalawang taon, kakainin mo ang mga butil na sumibol mula roon; pero sa ikatlong taon, maghahasik ka ng binhi, at magtatanim ka ng ubas at kakainin mo ang bunga ng mga ito.+ 31 Ang mga nasa sambahayan ng Juda na makatatakas, ang mga matitira,+ ay mag-uugat sa ilalim at mamumunga sa itaas. 32 Dahil isang maliit na grupo ang matitira at lalabas mula sa Jerusalem, at lalabas mula sa Bundok Sion ang mga makaliligtas.+ Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.+
33 “‘Kaya ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa hari ng Asirya:+
“Hindi siya papasok sa lunsod na ito;+
Hindi rin niya iyon papanain
O lulusubin nang may kalasag
O lalagyan ng rampang pangubkob.”’+
34 ‘Babalik siya sa daan na pinanggalingan niya;
Hindi siya papasok sa lunsod na ito,’ ang sabi ni Jehova.
35 ‘Ipagtatanggol ko ang lunsod na ito+ at ililigtas ito alang-alang sa pangalan ko+
At alang-alang sa lingkod kong si David.’”+
36 At pinatay ng anghel ni Jehova ang 185,000 sundalo sa kampo ng mga Asiryano. Paggising ng mga tao kinaumagahan, nakita nila ang lahat ng bangkay.+ 37 Kaya si Haring Senakerib ng Asirya ay umalis at bumalik sa Nineve+ at nanatili roon.+ 38 At habang yumuyukod siya sa bahay* ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya ng sarili niyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer sa pamamagitan ng espada,+ at tumakas sila papunta sa lupain ng Ararat.+ At ang anak niyang si Esar-hadon+ ang naging hari kapalit niya.
38 Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekias at malapit nang mamatay.+ Dumating ang propetang si Isaias+ na anak ni Amoz at sinabi nito sa kaniya, “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magbilin ka na sa sambahayan mo dahil mamamatay ka; hindi ka na gagaling.’”+ 2 Humarap si Hezekias sa dingding at nanalangin kay Jehova: 3 “Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova, alalahanin+ mong lumakad ako sa harap mo* nang may katapatan at buong puso,+ at ginawa ko ang mabuti sa paningin mo.” At umiyak nang husto si Hezekias.
4 At sinabi ni Jehova kay Isaias: 5 “Bumalik ka at sabihin mo kay Hezekias,+ ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng ninuno mong si David: “Narinig ko ang panalangin mo.+ Nakita ko ang mga luha mo.+ Daragdagan ko ng 15 taon ang buhay* mo,+ 6 at ililigtas kita at ang lunsod na ito mula sa kamay ng hari ng Asirya, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.+ 7 Ito ang tanda mula kay Jehova na magpapakitang gagawin ni Jehova ang sinabi niya:+ 8 Ang aninong nakababa na sa hagdan* ni Ahaz ay paaatrasin ko nang 10 baytang.”’”+ Kaya ang anino ay umatras nang 10 baytang sa hagdan na binabaan nito.
9 Sulat ni Haring Hezekias ng Juda nang magkasakit siya at gumaling.
10 Sinabi ko: “Sa kalagitnaan ng buhay ko
Ay kailangan kong pumasok sa mga pintuang-daan ng Libingan.*
Ipagkakait sa akin ang natitirang mga taon ko.”
11 Sinabi ko: “Hindi ko makikita si Jah,* si Jah sa lupain ng mga buháy.+
Hindi ko na makikita ang mga tao
Kapag kasama ko na ang mga nakatira sa lupain ng kamatayan.
Inirolyo ko ang aking buhay gaya ng ginagawa ng manggagawa sa habihan;
Pinutol niya ako na gaya ng mga hibla sa habihan.
Mula araw hanggang gabi ay winawakasan mo ang buhay ko.+
13 Ipinapanatag ko ang sarili ko hanggang umaga.
Gaya ng leon, patuloy niyang binabali ang lahat ng aking buto;
Mula araw hanggang gabi ay winawakasan mo ang buhay ko.+
14 Umiiyak akong gaya ng humuhuning sibad o tarat;*+
Dumaraing akong gaya ng kumukurukutok na kalapati.+
Nakatingin sa kaitaasan ang pagod kong mga mata:+
15 Ano ang masasabi ko?
Sumagot siya at kumilos.
Lalakad ako na may kapakumbabaan* habambuhay
Dahil sa naranasan kong hirap.
16 ‘O Jehova, dahil sa mga bagay na ito* ay nabubuhay ang bawat tao,
At nasa mga bagay na ito ang buhay ko.
Pagagalingin mo ako at iingatan mo ang aking buhay.+
17 Sa halip na kapayapaan, pagdurusa ang dinanas ko;
Pero dahil nalulugod ka sa akin,
Iniligtas mo ako mula sa hukay ng kamatayan.+
Itinapon mo sa likuran mo* ang lahat ng kasalanan ko.+
Ang mga bumababa sa hukay ay hindi na makaaasa sa iyong katapatan.+
19 Ang buháy, ang buháy ang makapupuri sa iyo,
Gaya ko sa araw na ito.
Ang ama ay makapagbibigay ng kaalaman sa mga anak niya tungkol sa iyong katapatan.+
20 O Jehova, iligtas mo ako,
At tutugtugin namin ang mga awit ko sa mga instrumentong de-kuwerdas+
Sa lahat ng araw ng aming buhay sa bahay ni Jehova.’”+
21 Pagkatapos, sinabi ni Isaias: “Kumuha kayo ng kakaning gawa sa pinatuyong igos na pinipi at ilagay ninyo iyon sa pigsa para gumaling siya.”+ 22 Nagtanong noon si Hezekias: “Ano ang tanda na makakapunta ako sa bahay ni Jehova?”+
39 Nang panahong iyon, ang hari ng Babilonya, si Merodac-baladan na anak ni Baladan, ay nagpadala ng mga liham at ng regalo kay Hezekias,+ dahil nabalitaan niyang nagkasakit ito at gumaling na.+ 2 Masaya silang tinanggap ni Hezekias* at ipinakita niya sa kanila ang kaniyang imbakan ng yaman+—ang pilak, ang ginto, ang langis ng balsamo at iba pang mamahaling langis, ang buong taguan niya ng mga sandata, at ang lahat ng nasa mga kabang-yaman niya. Walang bagay sa sarili niyang bahay* at sa kaniyang buong kaharian na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias.
3 Pagkatapos, pinuntahan ng propetang si Isaias si Haring Hezekias at tinanong ito: “Ano ang sinabi ng mga lalaking iyon, at saan sila nanggaling?” Sumagot si Hezekias: “Galing sila sa isang malayong lupain, sa Babilonya.”+ 4 Nagtanong pa siya: “Ano ang nakita nila sa bahay* mo?” Sinabi ni Hezekias: “Nakita nila ang lahat ng nasa bahay* ko. Wala akong hindi ipinakita sa kanila sa mga kabang-yaman ko.”
5 Sinabi ngayon ni Isaias kay Hezekias: “Pakinggan mo ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, 6 ‘Darating ang panahon na lahat ng nasa bahay* mo ngayon at lahat ng natipon ng mga ninuno mo ay dadalhin sa Babilonya. Walang matitira,’+ ang sabi ni Jehova.+ 7 ‘At ang ilan sa magiging mga anak mo ay kukunin at magiging mga opisyal sa palasyo ng hari ng Babilonya.’”+
8 Kaya sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ang mensahe ni Jehova na sinabi mo ay makatuwiran.” Sinabi pa niya: “Dahil magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan* habang nabubuhay ako.”+
40 “Aliwin ninyo, aliwin ninyo ang bayan ko,” ang sabi ng inyong Diyos.+
2 “Makipag-usap kayo sa puso ng* Jerusalem,
At ibalita ninyo na tapos na ang sapilitang paglilingkod niya,
Bayad na ang mga pagkakamali niya.+
Natanggap na niya mula sa kamay ni Jehova ang kabuoang* bayad para sa lahat ng kasalanan niya.”+
3 May sumisigaw sa ilang:
“Hawanin* ninyo ang dadaanan ni Jehova!+
Gumawa kayo para sa ating Diyos ng patag na lansangang-bayan+ sa disyerto.+
4 Ang bawat lambak ay pataasin,
At ang bawat bundok at burol ay pababain.
Ang lubak-lubak na lupa ay dapat maging patag,
At ang bako-bakong lupa ay dapat maging kapatagan.+
5 Ang kaluwalhatian ni Jehova ay isisiwalat,+
At iyon ay sama-samang makikita ng lahat ng tao,*+
Dahil si Jehova ang nagsabi nito.”
6 Pakinggan mo! May nagsasabi: “Sumigaw ka!”
Itinanong ng isa: “Ano ang isisigaw ko?”
“Ang lahat ng tao* ay berdeng damo.
Ang tapat na pag-ibig nila ay gaya ng bulaklak sa parang.+
Talagang ang mga tao ay berdeng damo lang.
8 Ang berdeng damo ay natutuyot,
Ang bulaklak ay nalalanta,
Pero ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”+
Lakasan mo ang iyong tinig,
Ikaw na babaeng nagdadala ng magandang balita para sa Jerusalem.
Ilakas mo, huwag kang matakot.
Ibalita mo sa mga lunsod ng Juda: “Narito ang inyong Diyos.”+
10 Ang Kataas-taasang Panginoong Jehova ay darating na may kapangyarihan,
At ang bisig niya ay mamamahala para sa kaniya.+
Ang gantimpala niya ay nasa kaniya,
At ang kabayarang ibibigay niya ay nasa harap niya.+
11 Gaya ng isang pastol, aalagaan* niya ang kawan niya.+
Titipunin ng kaniyang bisig ang mga kordero,*
At bubuhatin niya sila sa kaniyang dibdib.
Dahan-dahan niyang aakayin ang mga may pasusuhin.+
12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad niya+
At sumukat sa langit sa pamamagitan ng dangkal ng kamay* niya?
Sino ang nagtipon ng alabok ng lupa sa isang pantakal+
O nagtimbang ng mga bundok
At mga burol sa timbangan?
14 Kanino siya nagtanong para makaunawa,
O sino ang nagtuturo sa kaniya ng katarungan,
O nagtuturo sa kaniya ng kaalaman,
O nagpapaliwanag sa kaniya tungkol sa tunay na unawa?+
15 Ang mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba,
At itinuturing silang gaya ng manipis na alikabok sa timbangan.+
Inaangat niya ang mga isla na gaya ng pinong alikabok.
16 Maging ang Lebanon ay hindi sapat para mapanatiling nagniningas ang apoy,*
At ang mga hayop nito ay hindi sapat bilang handog na sinusunog.
17 Ang lahat ng bansa ay parang hindi umiiral sa harap niya;+
Itinuturing niya silang walang kabuluhan at di-totoo.+
18 Kanino ninyo maikukumpara ang Diyos?+
Sa anong larawan ninyo siya maihahambing?+
19 Ang bihasang manggagawa ay naghuhulma ng imahen,*
Binabalutan iyon ng ginto ng platero,+
At gumagawa siya ng mga kadenang pilak.
Naghahanap siya ng bihasang manggagawa
Para gumawa ng inukit na imahen na hindi matutumba.+
21 Hindi ba ninyo alam?
Hindi ba ninyo narinig?
Hindi ba iyon sinabi sa inyo mula pa noong pasimula?
Hindi ba ninyo naunawaan ang katibayang naroon na noong gawin ang mga pundasyon ng lupa?+
22 May Isa na nakatira sa ibabaw ng bilog na lupa,*+
At ang mga nakatira doon ay gaya ng mga tipaklong.
Inilalatag niya ang langit na gaya ng manipis na tela,
At inilaladlad niya ito na parang isang toldang matitirhan.+
24 Katatanim pa lang sa kanila,
Kahahasik pa lang sa kanila,
Hindi pa nag-uugat sa lupa ang sanga nila,
At hinihipan sila at natutuyo,
At tinatangay sila ng hangin na gaya ng ipa.+
25 “Kanino ninyo ako maitutulad? Sino ang kapantay ko?” ang sabi ng Banal na Diyos.
26 “Tumingala kayo sa langit at tingnan ninyo.
Sino ang lumalang* sa mga ito?+
Siya ang nagbibigay ng utos sa hukbo nila at binibilang niya sila;
Tinatawag niya silang lahat sa pangalan.+
Dahil napakalakas niya at kamangha-mangha ang kapangyarihan niya,+
Walang isa man sa kanila ang nawawala.
27 Bakit sinasabi mo, O Jacob, at bakit inihahayag mo, O Israel,
‘Hindi nakikita ni Jehova ang nangyayari sa akin,
At hindi ako binibigyan ng Diyos ng katarungan’?+
28 Hindi mo ba alam? Hindi mo ba narinig?
Si Jehova, ang Maylalang ng lahat ng nasa lupa, ay Diyos magpakailanman.+
Hindi siya napapagod o nanlulupaypay.+
Hindi maaabot ng isipan ang kaniyang unawa.+
30 Ang mga batang lalaki ay mapapagod at manlulupaypay,
At ang mga kabataan ay matitisod at mabubuwal,
31 Pero ang mga umaasa kay Jehova ay muling lalakas.
Lilipad sila nang mataas na para bang may mga pakpak gaya ng agila.+
Tatakbo sila at hindi manlulupaypay;
Lalakad sila at hindi mapapagod.”+
Palapitin sila at hayaang magsalita.+
Magtipon tayo para sa paghatol.
2 Sino ang nagsugo ng mananakop mula sa sikatan ng araw*+
At tumawag sa kaniya sa Kaniyang paanan* para maglapat ng katarungan,
Para ibigay sa kaniya ang mga bansa
At ipasailalim sa kaniya ang mga hari?+
Sino ang pumulbos sa kanila sa harap ng espada niya,
Gaya ng ipa na tinangay ng hangin sa harap ng kaniyang pana?
3 Tinutugis niya sila, at walang nakahahadlang sa kaniya
Sa mga landas na hindi pa niya napuntahan.
4 Sino ang kumilos at gumawa nito
At tumawag sa mga henerasyon mula sa pasimula?
5 Nakita ito ng mga isla at natakot sila.
Ang mga dulo ng lupa ay nanginig.
Nagtipon sila at lumapit.
6 Tinutulungan ng bawat isa ang kaniyang kasama
At sinasabi sa kaniyang kapatid: “Magpakatatag ka.”
7 Kaya pinapatibay ng bihasang manggagawa ang platero;+
Pinapatibay ng nagpipitpit ng metal*
Ang nagpupukpok sa palihan.
Sinasabi niya: “Maganda ang pagkakahinang.”
Pagkatapos, pinapakuan iyon para hindi matumba.
8 “Pero ikaw, O Israel, ay lingkod ko,+
Ikaw, O Jacob, na aking pinili,+
Ang supling* ni Abraham na kaibigan ko,+
9 Ikaw, na kinuha ko mula sa mga dulo ng lupa,+
At ikaw, na tinawag ko mula sa pinakamalalayong bahagi nito.
10 Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.+
Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo.+
Papatibayin kita, oo, tutulungan kita,+
Talagang aalalayan kita sa pamamagitan ng matuwid kong kanang kamay.’
11 Lahat ng nag-iinit sa galit laban sa iyo ay mapapahiya.+
Ang mga nakikipaglaban sa iyo ay malilipol at maglalaho.+
12 Hahanapin mo ang mga nakikipaglaban sa iyo, pero hindi mo sila makikita;
Ang mga nakikipagdigma sa iyo ay mawawala na parang hindi umiral.+
13 Dahil ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa kanang kamay mo,
Ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’+
14 Huwag kang matakot, Jacob na uod,*+
O bayang Israel, tutulungan kita,” ang sabi ni Jehova, ang iyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel.
15 “Ginawa kitang panggiik na kareta,+
Isang bagong kasangkapang panggiik na may mga ngiping doble ang talim.
Yuyurakan mo ang mga bundok at dudurugin ang mga iyon,
At ang mga burol ay gagawin mong gaya ng ipa.
17 “Ang nagigipit at ang mahihirap ay naghahanap ng tubig, pero wala silang makita.
Tuyo na ang dila nila dahil sa uhaw.+
Ako, si Jehova, ang sasagot sa kanila.+
Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi magpapabaya sa kanila.+
Ang ilang ay gagawin kong lawa na may mga halaman,
At ang tigang na lupain ay gagawin kong bukal ng tubig.+
Sa tigang na kapatagan ay magtatanim ako ng puno ng enebro,
Pati ng puno ng fresno at ng sipres,+
20 Para makita at malaman
At bigyang-pansin at maunawaan ng lahat ng tao
Na ang kamay ni Jehova ang gumawa nito,
At ang Banal ng Israel ang nasa likod nito.”+
21 “Iharap ninyo ang inyong kaso,” ang sabi ni Jehova.
“Ilabas ninyo ang inyong mga argumento,” ang sabi ng Hari ng Jacob.
22 “Maglabas kayo ng katibayan at sabihin ninyo sa amin ang mga bagay na mangyayari.
Sabihin ninyo sa amin ang mga nangyari noon,*
Para mabulay-bulay namin ang mga iyon* at malaman ang kahihinatnan ng mga iyon.
O ihayag ninyo sa amin ang mga bagay na darating.+
Gumawa kayo ng kahit ano, mabuti o masama,
Para mamangha kami kapag nakita namin iyon.+
Kasuklam-suklam ang sinumang pumipili sa inyo.+
25 May isusugo ako mula sa hilaga, at darating siya.+
Mula siya sa sikatan ng araw*+ at tatawag siya sa pangalan ko.
Tatapak-tapakan niyang parang luwad ang mga tagapamahala,*+
Gaya ng magpapalayok na yumuyurak sa putik.
26 Sino ang nagsabi ng tungkol dito mula sa pasimula, para malaman namin,
O mula sa panahong nakalipas, para masabi namin, ‘Tama siya’?+
Walang nagsabi nito!
Walang naghayag nito!
Walang sinumang nakarinig ng kahit ano mula sa inyo!”+
27 Ako ang unang nagsabi sa Sion: “Narito na sila!”+
At magsusugo ako sa Jerusalem ng tagapagdala ng magandang balita.+
28 Pero patuloy akong tumingin, at wala akong nakitang sinuman;
Walang sinuman sa kanila ang makapagpayo.
At patuloy ko silang tinanong, pero walang sumagot.
Walang silbi ang mga gawa nila.
Ang kanilang mga metal na imahen ay hangin at walang saysay.+
42 Narito ang aking lingkod+ na sinusuportahan ko!
Ang pinili ko,+ na kinalulugdan ko!*+
2 Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig,
At hindi niya iparirinig sa lansangan ang tinig niya.+
Talagang magdadala siya ng katarungan.+
4 Hindi siya manghihina o masisiraan ng loob hanggang sa mapairal niya ang katarungan sa lupa;+
At ang mga isla ay patuloy na naghihintay sa kautusan* niya.
5 Ito ang sinabi ng tunay na Diyos, si Jehova,
Ang Maylalang ng langit at ang Dakilang Diyos na naglatag nito,+
Ang naglatag ng lupa at ng bunga nito,+
Ang nagbigay ng hininga sa mga taong naroon+
6 “Ako, si Jehova, ang tumawag sa iyo sa katuwiran;
Hinawakan ko ang kamay mo.
Iingatan kita at ibibigay kita bilang tipan para sa mga tao+
At bilang liwanag ng mga bansa,+
7 Para idilat mo ang mga matang bulag,+
Ilabas mula sa bartolina ang bilanggo,
At palayain mula sa bilangguan ang mga nasa kadiliman.+
8 Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko;
Hindi ko ibibigay* kahit kanino ang kaluwalhatian ko,
At hindi ko ibibigay sa mga inukit na imahen ang papuri para sa akin.+
9 Tingnan ninyo, nangyari na ang mga unang bagay;
Inihahayag ko ngayon ang mga bagong bagay.
Bago dumating ang mga iyon, sinasabi ko na iyon sa inyo.”+
10 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+
Ng papuri sa kaniya mula sa mga dulo ng lupa,+
Kayong mga bumababa sa dagat at ang lahat ng naroon,
Kayong mga isla at ang mga naninirahan sa inyo.+
Humiyaw sa kagalakan ang mga nakatira sa malaking bato;
Sumigaw sila mula sa tuktok ng mga bundok.
13 Lalabas si Jehova na gaya ng isang makapangyarihang lalaki.+
Pag-aalabin niya ang kaniyang sigasig na gaya ng isang mandirigma.+
Sisigaw siya, oo, hihiyaw siya para sa pakikipagdigma;
Ipapakita niyang mas malakas siya kaysa sa mga kaaway niya.+
14 “Nanahimik ako nang mahabang panahon.
Nanatili akong walang imik at nagpigil sa sarili.
Tulad ng babaeng nanganganak,
Ako ay daraing, hihingal, at maghahabol ng hininga.
15 Sisirain ko ang mga bundok at mga burol,
At tutuyuin ko ang mga pananim doon.
16 Aakayin ko ang mga bulag sa daan na hindi nila alam+
At palalakarin sila sa landas na hindi pamilyar sa kanila.+
Papalitan ko ng liwanag ang kadiliman sa harap nila,+
At gagawin kong patag na lupain ang bako-bakong lugar.+
Ito ang gagawin ko para sa kanila, at hindi ko sila iiwan.”
17 Uurong sila at labis na mapapahiya,
Ang mga nagtitiwala sa mga inukit na imahen,
Ang mga nagsasabi sa mga metal na estatuwa: “Kayo ang mga diyos namin.”+
19 Sino ang bulag? Hindi ba ang lingkod ko?
Sino ang kasimbingi ng mensaherong isinusugo ko?
Sino ang kasimbulag ng isang ginantimpalaan,
Kasimbulag ng lingkod ni Jehova?+
20 Marami kang nakikita, pero hindi ka patuloy na nagmamasid.
Nakaririnig ka pero hindi ka nakikinig.+
21 Alang-alang sa kaniyang katuwiran,
Nalugod si Jehova na dakilain ang kautusan* at luwalhatiin ito.
Sinamsaman sila at walang sumaklolo sa kanila,+
Kinuha ang ari-arian nila at wala man lang nagsabi: “Ibalik ninyo ang mga iyan!”
23 Sino sa inyo ang makikinig dito?
Sino ang magbibigay-pansin at makikinig para makinabang sa panahong darating?
24 Sino ang nagbigay sa Jacob bilang samsam
At sa Israel sa mga mandarambong?
Hindi ba si Jehova, na pinagkasalahan natin?
Nilamon nito ang lahat ng nasa palibot niya, pero hindi siya nagbigay-pansin.+
Lumagablab ito laban sa kaniya, pero hindi niya ito isinapuso.+
“Huwag kang matakot, dahil tinubos kita.+
Tinawag kita sa pangalan mo.
Ikaw ay akin.
Kapag lumakad ka sa apoy, hindi ka mapapaso,
Hindi ka masusunog kahit bahagya.
3 Dahil ako si Jehova na iyong Diyos,
Ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas mo.
Ibinigay ko ang Ehipto bilang pantubos para sa iyo,
Ang Etiopia at ang Seba bilang kapalit mo.
Kaya magbibigay ako ng mga tao kapalit mo
At ng mga bansa kapalit ng buhay* mo.
5 Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.+
6 Sasabihin ko sa hilaga, ‘Ibigay mo sila!’+
At sa timog, ‘Huwag mo silang pigilan.
Ibalik mo ang mga anak kong lalaki mula sa malayo, at ang mga anak kong babae mula sa mga dulo ng lupa,+
7 Ang lahat ng tinatawag sa pangalan ko+
At nilalang ko para sa aking kaluwalhatian,
Na hinubog ko at ginawa.’+
Sino sa kanila ang makapagsasabi nito?
Masasabi ba nila sa atin ang mga unang bagay?*+
Magharap sila ng mga saksi para mapatunayan nilang tama sila,
O hayaang marinig sila ng mga tao at sabihin, ‘Totoo nga!’”+
10 “Kayo ang mga saksi ko,”+ ang sabi ni Jehova,
“Oo, ang lingkod ko na aking pinili,+
Para makilala ninyo ako at manampalataya* kayo sa akin,
At maunawaan ninyo na hindi ako nagbabago.+
Bago ako ay walang Diyos na ginawa,
At wala ring iba na kasunod ko.+
11 Ako—ako si Jehova,+ at bukod sa akin ay walang ibang tagapagligtas.”+
Kaya kayo ang mga saksi ko,” ang sabi ni Jehova, “at ako ang Diyos.+
Kapag kumilos ako, sino ang makahahadlang?”+
14 Ito ang sinabi ni Jehova, ang inyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+
“Alang-alang sa inyo ay may isusugo ako sa Babilonya at pababagsakin ko ang lahat ng halang ng mga pintuang-daan,+
At ang mga Caldeo, na nasa kanilang mga barko, ay hihiyaw sa paghihinagpis.+
15 Ako si Jehova, ang inyong Banal na Diyos,+ ang Maylalang ng Israel,+ ang inyong Hari.”+
16 Ito ang sinabi ni Jehova,
Ang gumagawa ng daan sa dagat
At ng landas kahit sa maligalig na tubig,+
17 Ang naglalabas ng karwaheng pandigma at ng kabayo,+
Ng hukbo kasama ng malalakas na mandirigma:
“Hihiga sila at hindi na babangon.+
Papatayin sila na gaya ng pagpatay sa nagniningas na mitsa.”
18 “Huwag na ninyong alalahanin ang dating mga bagay,
At huwag na kayong mabuhay sa nakaraan.
Hindi mo ba ito nakikita?
20 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang,
Ng mga chakal at mga avestruz,*
Dahil nagbibigay ako ng tubig sa ilang,
Ng mga ilog sa disyerto,+
Para inumin ng aking bayan na pinili ko,+
21 Ang bayan na nilikha ko para sa aking sarili
Para maghayag ng papuri sa akin.+
23 Hindi ka nagdala sa akin ng mga tupa bilang buong handog na sinusunog,
At hindi mo ako niluwalhati sa pamamagitan ng iyong mga handog.
Hindi kita pinilit na magdala sa akin ng kaloob,
At hindi kita pinagod sa pagsusunog ng olibano.+
24 Hindi mo ginamit ang pera mo para ibili ako ng mabangong tambo,
At hindi mo ako pinasaya sa taba ng iyong mga handog.+
Sa halip, pinabigatan mo ako ng mga kasalanan mo
At napagod ako dahil sa mga pagkakamali mo.+
25 Ako, ako ang pumapawi ng mga pagkakamali*+ mo alang-alang sa pangalan ko,+
At hindi ko aalalahanin ang mga kasalanan mo.+
26 Iharap natin ang kaso natin laban sa isa’t isa; ipaalaala mo sa akin,
Ilahad mo ang panig mo at patunayan mong tama ka.
28 Kaya lalapastanganin ko ang mga pinuno ng banal na lugar,
At pupuksain ko ang Jacob
At hahayaang mainsulto ang Israel.+
2 Ito ang sinabi ni Jehova,
Ang iyong Maylikha at ang humubog sa iyo,+
Ang tumulong sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:*
5 Sasabihin ng isa: “Kay Jehova ako.”+
Tatawagin naman ng isa ang sarili niya sa pangalan ni Jacob,
At isusulat ng isa sa kamay niya: “Kay Jehova.”
At papangalanan niya ang sarili niya na Israel.’
‘Ako ang una at ako ang huli.+
Walang ibang Diyos bukod sa akin.+
Sumagot siya at sabihin niya iyon at patunayan sa akin!+
Gaya ng ginagawa ko mula nang itatag ko ang bayan noong sinauna,
Sabihin nila ang mga bagay na darating
At ang mga bagay na mangyayari.
Hindi ba sinabi ko na sa bawat isa sa inyo noon pa at inihayag ko na?
Kayo ang mga saksi ko.+
May iba pa bang Diyos bukod sa akin?
Wala, walang ibang Bato;+ wala akong kilala.’”
9 Ang lahat ng umuukit ng mga imahen ay walang silbi,
At ang minamahal nilang mga bagay ay walang pakinabang.+
Bilang mga saksi, wala silang* nakikita at wala silang alam,+
Kaya ang mga gumawa sa kanila ay mapapahiya.+
11 Lahat ng kasamahan niya ay mapapahiya!+
Ang mga bihasang manggagawa ay mga tao lang.
Lahat sila ay magtipon at tumayo.
Matatakot sila at sama-samang mapapahiya.
12 Pinaiinit ng platero ang bakal sa ibabaw ng mga baga gamit ang kasangkapan niya.
Para magkahugis, minamartilyo niya iyon
Sa pamamagitan ng kaniyang malakas na bisig.+
Pagkatapos, nagugutom siya at nanghihina;
Hindi siya umiinom ng tubig at napapagod siya.
13 Iniuunat ng mang-uukit ang pising panukat at minamarkahan niya ang kahoy gamit ang pulang yeso.*
Inuukit niya iyon gamit ang pait at minamarkahan gamit ang kompas.
14 Ang gawain naman ng isa ay pumutol ng mga sedro.
Pumipili siya ng isang uri ng puno, ang ensina,
At inaalagaan niya iyon kasama ng mga puno sa kagubatan.+
Nagtatanim siya ng puno ng laurel, at pinalalago iyon ng ulan.
15 At ginagamit iyon ng tao para magpaningas ng apoy.
Kukunin niya ang isang bahagi nito para makapagpainit;
Nagpapaapoy siya at nagluluto ng tinapay.
Pero gumagawa rin siya ng isang diyos at sinasamba iyon.
Ginagawa niya itong isang inukit na imahen, at niyuyukuran niya iyon.+
16 Ang kalahati nito ay sinusunog niya sa apoy;
Ginagamit niya iyon para mag-ihaw ng karneng kakainin niya, at nabubusog siya.
Nagpapainit din siya at sinasabi niya:
“Ang sarap ng init ng apoy!”
17 Pero ang natira doon ay ginagawa niyang isang diyos, isang inukit na imahen.
Niyuyukuran niya iyon at sinasamba.
Nananalangin siya roon:
“Iligtas mo ako, dahil ikaw ang diyos ko.”+
18 Wala silang alam, wala silang naiintindihan,+
Dahil nakasara ang mga mata nila at wala silang nakikita,
At hindi nakauunawa ang puso nila.
19 Walang napapaisip,
Walang may kaalaman o unawa para sabihin:
“Ang kalahati nito ay sinunog ko sa apoy,
At sa ibabaw ng mga baga nito ay nagluto ako ng tinapay at nag-ihaw ng karne para kainin.
Ang natira dito ay dapat ko bang gawing kasuklam-suklam na bagay?+
Dapat ko bang sambahin ang isang piraso* ng kahoy mula sa puno?”
20 Para siyang kumakain ng abo.
Nadaya ang puso niya, at inililigaw siya nito.
Hindi niya mailigtas ang sarili niya, at hindi niya sinasabi:
“Hindi ba walang silbi ang nasa kanang kamay ko?”
21 “Tandaan mo ang mga bagay na ito, O Jacob, at ikaw, O Israel,
Dahil lingkod kita.
Hinubog kita, at lingkod kita.+
O Israel, hindi kita kalilimutan.+
22 Tatakpan ko ang mga pagkakamali mo na parang nasa likod ng ulap+
At ang mga kasalanan mo na parang nasa likod ng makapal na ulap.
Manumbalik ka sa akin, dahil tutubusin kita.+
23 Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga langit,
Dahil kumilos na si Jehova!
Sumigaw ka sa tagumpay, kailaliman ng lupa!
Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga bundok,+
Ikaw na kagubatan, at ang lahat ng iyong puno!
Dahil tinubos ni Jehova ang Jacob,
At ipinakita niya sa Israel ang kaluwalhatian niya.”+
24 Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos,+
Ang humubog sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:
“Ako si Jehova, ang gumawa ng lahat ng bagay.
Sino ang kasama ko noon?
25 Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita ng walang katuturan,*
At ginagawa kong parang baliw ang mga manghuhula;+
Nililito ko ang matatalino,
At ginagawa kong kamangmangan ang kaalaman nila;+
26 Pinangyayari kong magkatotoo ang salita ng lingkod ko,
At lubusan kong tinutupad ang mga hula ng mga mensahero ko;+
Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Titirhan siya,’+
At tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Muli silang itatayo,+
At aayusin ko ang mga guho niya’;+
27 Sinasabi ko sa malalim na katubigan, ‘Sumingaw ka,
At tutuyuin ko ang lahat ng iyong ilog’;+
28 Sinasabi ko tungkol kay Ciro,+ ‘Pastol ko siya,
At lubusan niyang tutuparin ang lahat ng kalooban ko’;+
Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Muli siyang itatayo,’
At tungkol sa templo, ‘Ang pundasyon mo ay gagawin.’”+
45 Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinili,* kay Ciro,+
Na ang kanang kamay ay hinawakan ko+
Para talunin ang mga bansa sa harap niya,+
Para alisan ng lakas ang* mga hari,
Para buksan sa harap niya ang dobleng pinto
At hindi maisara ang mga pintuang-daan:
Wawasakin ko ang mga tansong pinto,
At puputulin ko ang mga halang na bakal.+
3 Ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman
At ang mga kayamanang nakatago sa lihim na mga lugar,+
Para malaman mo na ako si Jehova,
Ang Diyos ng Israel, na tumatawag sa iyo sa pangalan mo.+
4 Alang-alang sa lingkod kong si Jacob at sa Israel na aking pinili,
Tinatawag kita sa pangalan mo.
Bibigyan kita ng marangal na pangalan, kahit hindi mo ako kilala.
5 Ako si Jehova, at wala nang iba pa.
Walang ibang Diyos bukod sa akin.+
Palalakasin kita,* kahit hindi mo ako kilala,
6 Para malaman ng mga tao
Mula sa sikatan ng araw hanggang sa lubugan nito*
Na wala nang iba bukod sa akin.+
Ako si Jehova, at wala nang iba pa.+
7 Lumilikha ako ng liwanag+ at ng kadiliman,+
Nagdadala ako ng kapayapaan+ at ng kapahamakan;+
Ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng ito.
Mamunga ang lupa at mapuno ng kaligtasan,
At kasabay nito ay magsibol ito ng katuwiran.+
Ako, si Jehova, ang lumikha nito.”
9 Kaawa-awa ang lumalaban* sa kaniyang Maylikha,*
Dahil isa lang siyang piraso ng basag na palayok
Kasama ng iba pang piraso ng basag na palayok sa lupa!
Dapat bang sabihin ng luwad sa Magpapalayok:* “Ano ang ginagawa mo?”+
O dapat bang sabihin ng ginawa mo: “Wala siyang mga kamay”?*
10 Kaawa-awa ang nagsasabi sa ama: “Ano ba ang naging anak mo?”
At sa babae: “Ano ba ang isisilang mo?”*
11 Ito ang sinabi ni Jehova, ang Banal ng Israel,+ ang humubog sa kaniya:
“Kukuwestiyunin mo ba ako tungkol sa mga bagay na darating
At uutusan ako tungkol sa mga anak ko+ at sa mga gawa ng kamay ko?
12 Ako ang gumawa ng lupa+ at lumalang sa mga taong naroon.+
Ako ang naglatag ng mga langit sa pamamagitan ng sarili kong mga kamay,+
At ako ang nag-uutos sa buong hukbo nila.”+
Siya ang magtatayo ng lunsod ko+
At magpapalaya sa mga binihag sa bayan ko+ nang walang bayad o suhol,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
14 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Ang kita* ng Ehipto at ang mga produkto* ng Etiopia at ng mga Sabeano, na matatangkad,
Ay mapupunta sa iyo at magiging iyo.
Lalakad sila sa likuran mo nang nakakadena.
Pupunta sila sa iyo at yuyukod sa harap mo.+
Buong galang nilang sasabihin sa iyo, ‘Talagang sumasaiyo ang Diyos,+
At wala nang iba pa; wala nang iba pang Diyos.’”
17 Pero ang Israel ay bibigyan ni Jehova ng walang-hanggang kaligtasan.+
Hindi ka mapapahiya o mawawalan ng dangal kailanman.+
18 Dahil ito ang sinabi ni Jehova,
Ang Maylalang ng langit,+ ang tunay na Diyos,
Ang gumawa sa lupa, ang Maylikha nito na nagpatatag dito,+
Na hindi lumalang nito nang walang dahilan,* kundi lumikha nito para tirhan:+
“Ako si Jehova, at wala nang iba pa.
19 Hindi ako nagsalita sa tagong lugar,+ sa madilim na lupain;
Hindi ko sinabi sa mga supling* ni Jacob,
‘Hanapin ninyo ako nang walang dahilan.’*
Ako si Jehova, at sinasabi ko ang matuwid at tama.+
20 Magtipon kayo at pumarito.
Sama-sama kayong lumapit, kayong mga takas mula sa mga bansa.+
Walang alam ang mga nagdadala ng mga inukit na imahen
At nananalangin sa isang diyos na hindi makapagliligtas sa kanila.+
21 Mag-ulat kayo, iharap ninyo ang inyong kaso.
Hayaan silang magsanggunian at magkaisa.
Sino ang humula nito noong una pa man
At naghayag nito mula pa noong unang panahon?
Hindi ba ako, si Jehova?
Walang ibang Diyos bukod sa akin;
Isang matuwid na Diyos at isang Tagapagligtas,+ wala nang iba bukod sa akin.+
22 Lumapit kayo sa akin at maliligtas kayo,+ kayong buong lupa,
Dahil ako ang Diyos, at wala nang iba pa.+
Ang bawat tuhod ay luluhod sa akin,
At ang bawat dila ay mangangako sa akin ng katapatan+
24 At magsasabi, ‘Talagang kay Jehova ang tunay na katuwiran at lakas.
Ang lahat ng napopoot sa kaniya ay haharap sa kaniya nang hiyang-hiya.
25 Dahil kay Jehova, ang lahat ng supling* ng Israel ay mapatutunayang tama,+
At magmamalaki sila dahil sa kaniya.’”
46 Nakatungo si Bel,+ nakayuko si Nebo.
Ang mga idolo nila ay isinakay sa mga hayop, sa mga hayop na pantrabaho,+
Gaya ng mga pasaning nagpapahirap sa pagod na mga hayop.
2 Magkasama silang nakayuko at nakatungo;
Hindi nila mailigtas ang mga pasan,*
At sila mismo ay magiging bihag.
3 “Makinig kayo sa akin, O sambahayan ni Jacob, at lahat kayong natira sa sambahayan ng Israel,+
Kayo na inalagaan ko mula noong isilang kayo at iningatan mula noong nasa sinapupunan kayo.+
4 Hanggang sa tumanda kayo, hindi ako magbabago;+
Hanggang sa pumuti ang buhok ninyo, papasanin ko kayo.
Gaya ng ginawa ko noon, papasanin ko kayo at ililigtas ko kayo.+
6 May mga nagbubuhos ng ginto mula sa supot nila;
Tinitimbang nila ang pilak.
Umuupa sila ng platero, at ginagawa niya itong isang diyos.+
Pagkatapos, sumusubsob sila, oo, sinasamba* nila ito.+
Hindi ito umaalis sa puwesto.+
Tumatawag sila rito, pero hindi ito sumasagot;
Hindi nito kayang iligtas ang sinuman mula sa paghihirap.+
8 Alalahanin ninyo ito, at lakasan ninyo ang inyong loob.
Isapuso ninyo ito, kayong mga masuwayin.
Ako ang Diyos, at walang ibang gaya ko.+
10 Mula sa pasimula ay sinasabi ko na ang mangyayari,
At mula noong sinaunang panahon, ang mga bagay na hindi pa nagagawa.+
11 Tatawag ako ng ibong maninila mula sa sikatan ng araw;*+
Tatawag ako mula sa malayong lupain ng lalaking tutupad ng pasiya* ko.+
Ang sinabi ko ay gagawin ko.
Ang layunin kong ito ay isasakatuparan ko.+
Ililigtas ko ang Sion, at ibibigay ko ang aking kaluwalhatian sa Israel.”+
Umupo ka sa lupa kung saan walang trono,+
O anak na babae ng mga Caldeo,
Dahil hindi ka na ituturing ng mga tao na parang prinsesa.
2 Kumuha ka ng gilingan* at maggiling ka ng harina.
Alisin mo ang iyong talukbong.
Hubarin mo ang palda mo at ilantad ang iyong mga binti.
Tawirin mo ang mga ilog.
3 Malalantad ang iyong kahubaran.
Mabubunyag ang iyong kahihiyan.
Maghihiganti ako,+ at walang sinumang tao ang makahahadlang sa akin.*
5 Umupo kang tahimik at pumasok sa kadiliman,
O anak na babae ng mga Caldeo;+
Hindi ka na nila tatawaging Reyna ng mga Kaharian.+
Pero hindi ka naawa sa kanila.+
Kahit ang matatanda ay binigyan mo ng mabigat na pasan.+
7 Sinabi mo: “Ako ang Reyna magpakailanman.”+
Hindi mo isinapuso ang mga ito;
Hindi mo pinag-isipan kung ano ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay.
8 Ngayon ay pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kaluguran,+
Na panatag na nakaupo at nagsasabi sa sarili:
“Ako lang, at wala nang iba.+
Hindi ako magiging biyuda.
Hindi ako mawawalan ng mga anak.”+
9 Pero biglang mangyayari sa iyo ang dalawang bagay na ito, sa isang araw:+
Ang mawalan ng anak at mabiyuda.
Mararanasan mo ang lupit ng mga trahedyang ito+
Dahil sa* dami ng iyong pangkukulam* at sa lahat ng iyong mahika.+
10 Nagtiwala ka sa kasamaan mo.
Sinabi mo: “Walang nakakakita sa akin.”
Ang karunungan at kaalaman mo ang nagligaw sa iyo,
At sinabi mo sa sarili: “Ako lang, at wala nang iba.”
11 Pero mapapahamak ka,
At hindi ito mapipigilan ng mga mahika mo.
Magdurusa ka; hindi mo ito maiiwasan.
Biglang darating sa iyo ang kapahamakang hindi mo akalaing mangyayari.+
Baka makinabang ka;
Baka mapahanga mo ang mga tao.
13 Napagod ka sa dami ng mga tagapayo mo.
Hayaan mo silang tumayo ngayon at iligtas ka,
Ang mga sumasamba sa langit,* na tumitingin sa mga bituin,+
Ang mga nagbibigay ng kaalaman kapag bagong buwan
Tungkol sa mga mangyayari sa iyo.
14 Gaya sila ng pinaggapasan.
Masusunog sila sa apoy.
Hindi nila maililigtas ang sarili nila mula sa lagablab ng apoy.
Hindi baga ang mga ito na mapagpapainitan,
At walang uupo sa harap ng apoy na ito.
15 Ganiyan ang mangyayari sa mga engkantador mo,
Na kasama mo sa pinagkakaabalahan mo mula pagkabata.
Magpapagala-gala sila, magkakaniya-kaniya ng daan.*
Walang sinumang makapagliligtas sa iyo.+
48 Pakinggan ninyo ito, O sambahayan ni Jacob,
Kayong tumatawag sa inyong sarili na Israel+
At nagmula sa tubig ng* Juda,
Kayong sumusumpa sa ngalan ni Jehova+
At tumatawag sa Diyos ng Israel,
Pero hindi ayon sa katotohanan at katuwiran.+
2 Dahil sinasabi nilang nakatira sila sa banal na lunsod+
At humihingi sila ng tulong sa Diyos ng Israel,+
Na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.
3 “Ang mga nangyari na* ay matagal ko nang sinabi sa inyo.
Lumabas ang mga iyon sa sarili kong bibig,
At ipinaalám ko ang mga iyon.+
Pagkatapos, kumilos ako agad, at nangyari ang mga iyon.+
4 Dahil alam ko kung gaano katigas ang ulo mo
—Na ang leeg mo ay litid na bakal at ang noo mo ay tanso+—
5 Matagal ko nang sinabi sa iyo.
Bago pa iyon mangyari, sinabi ko na sa iyo,
Para hindi mo masabi, ‘Ang idolo ko ang gumawa nito;
Ang aking inukit na imahen at ang aking metal na imahen ang nag-utos nito.’
6 Narinig mo at nakita ang lahat ng iyon.
Hindi mo ba iyon sasabihin sa iba?+
Mula ngayon ay maghahayag ako sa iyo ng mga bagong bagay,+
Pinakaiingatang mga lihim na hindi mo pa nalalaman.
7 Ngayon pa lang nililikha ang mga ito, at hindi pa noon,
Mga bagay na ngayon mo lang narinig,
Para hindi mo masabi, ‘Alam ko na ang mga iyan!’
9 Pero alang-alang sa pangalan ko ay magpipigil ako ng galit;+
Para sa kapurihan ko ay pipigilan ko ang sarili ko
At hindi kita pupuksain.+
10 Dinalisay kita, pero hindi gaya ng pilak.+
Sinubok* kita sa tunawang hurno ng pagdurusa.+
11 Para sa sarili ko, para sa sarili ko ay kikilos ako,+
Dahil hindi ko hahayaang malapastangan ako.+
Hindi ko ibibigay* ang kaluwalhatian ko kahit kanino.
12 Pakinggan mo ako, O Jacob, at Israel, na tinawag ko.
Hindi ako nagbabago.+ Ako ang una; ako rin ang huli.+
13 Ang sarili kong kamay ang gumawa ng pundasyon ng lupa,+
At ang kanang kamay ko ang naglatag ng langit.+
Kapag tinatawag ko sila, magkasama silang tumatayo.
14 Magtipon kayo, kayong lahat, at makinig.
Sino sa kanila ang naghayag ng mga bagay na ito?
Inibig siya ni Jehova.+
15 Ako mismo ang nagsabi nito, at tinawag ko siya.+
Dinala ko siya, at magtatagumpay siya sa gagawin niya.+
16 Lumapit kayo sa akin, at pakinggan ninyo ito.
Mula pa nang pasimula ay hindi ako nagsalita nang palihim.+
Mula nang mangyari iyon ay naroon na ako.”
At ngayon ay isinugo ako ng Kataas-taasang Panginoong Jehova at ang* espiritu niya.
17 Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos, ang Banal ng Israel:+
“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,
Ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka,*+
Ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.+
18 Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko,+
Ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog+
At ang katuwiran mo ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.+
19 Ang mga supling* mo ay magiging sindami ng buhangin,
At ang mga inapo mo, sindami ng mga butil nito.+
Ang pangalan nila ay hindi mapapawi o maglalaho sa harap ko.”
20 Lumabas kayo mula sa Babilonya!+
Tumakas kayo mula sa mga Caldeo!
Ihayag ninyo iyon nang may hiyaw ng kagalakan! Ibalita ninyo iyon!+
Ihayag ninyo iyon hanggang sa mga dulo ng lupa.+
Sabihin ninyo: “Tinubos ni Jehova ang lingkod niyang si Jacob.+
21 Hindi sila nauhaw noong inaakay niya sila sa mga disyerto.+
Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato para sa kanila;
Biniyak niya ang isang bato at pinabulwak mula rito ang tubig.”+
22 “Walang kapayapaan para sa masasama,” ang sabi ni Jehova.+
Tinawag ako ni Jehova bago pa ako isilang.*+
Nasa sinapupunan pa lang ako ng aking ina ay binanggit na niya ang pangalan ko.
Ginawa niya akong isang pinakinis na palaso;
Itinago niya ako sa lalagyan niya ng palaso.
3 Sinabi niya sa akin: “Ikaw ay lingkod ko, O Israel;+
Sa pamamagitan mo ay ipapakita ko ang kaluwalhatian ko.”+
4 Pero sinabi ko: “Walang saysay ang pagpapakahirap ko.
Inubos ko ang lakas ko para sa bagay na walang halaga at walang kabuluhan.
5 At ngayon, si Jehova, ang humubog sa akin mula sa sinapupunan para maging lingkod niya,
Ay nag-utos na ibalik ko ang Jacob sa kaniya,
Para matipon sa kaniya ang Israel.+
Luluwalhatiin ako sa paningin ni Jehova,
At ang aking Diyos ang magiging lakas ko.
6 At sinabi niya: “Hindi lang kita lingkod
Na magbabangon sa mga tribo ni Jacob
At magbabalik ng mga iningatang buháy sa Israel.
7 Ito ang sinabi ni Jehova, ang Manunubos ng Israel at ang kaniyang Banal na Diyos,+ sa hinahamak,+ sa kinasusuklaman ng bansa, sa lingkod ng mga tagapamahala:
“Makikita ito ng mga hari at tatayo sila,
At yuyukod ang mga prinsipe
Dahil kay Jehova, na tapat,+
Ang Banal ng Israel, na pumili sa iyo.”+
8 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Sa isang panahon ng kabutihang-loob ay sinagot kita,+
At sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita;+
Patuloy kitang iningatan para maibigay kita sa bayan bilang isang tipan,+
Para ibalik sa dating kalagayan ang lupain,
Para ibalik sa kanila ang mga mana nila na naging tiwangwang,+
At sa mga nasa kadiliman,+ ‘Magpakita kayo!’
Manginginain silang gaya ng mga tupa sa tabi ng lansangan,
Magiging pastulan nila ang lahat ng daanan.*
Dahil ang nahahabag sa kanila ang aakay sa kanila,+
At papatnubayan niya sila sa tabi ng mga bukal ng tubig.+
13 Humiyaw ka sa kagalakan, O langit, at magsaya ka, O lupa.+
Magsaya ang mga bundok at humiyaw sa kagalakan.+
Dahil inaliw ni Jehova ang bayan niya,+
At nagpapakita siya ng habag sa mga lingkod niyang nagdurusa.+
14 Pero sinasabi ng Sion:
“Iniwan ako ni Jehova;+ kinalimutan na ako ni Jehova.”+
15 Malilimutan ba ng ina ang kaniyang pasusuhing anak,
O hindi ba siya maaawa sa anak na isinilang niya?
Kahit pa makalimot ang isang ina, hinding-hindi ko kayo malilimutan.+
16 Iniukit kita sa mga palad ko.
Ang mga pader mo ay laging nasa harap ko.
17 Ang mga anak mo ay magmamadaling bumalik.
Ang mga gumiba at nagwasak sa iyo ay mawawala na.
18 Tumingin ka sa buong paligid.
Nagtitipon silang lahat.+
Papunta sila sa iyo.
“Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ni Jehova,
“Silang lahat ay magiging palamuti mo,
At isusuot mo sila gaya ng ginagawa ng babaeng ikakasal.
19 Kahit na wasak at tiwangwang ang iyong mga lugar at nasira ang iyong lupain,+
Ngayon ay magiging masikip ito para sa mga titira doon,+
20 Ang mga anak na isinilang mo noong mawalan ka ng anak ay magsasabi sa iyo,
‘Masikip ang lugar na ito para sa akin.
Bigyan mo ako ng lugar na matitirhan dito.’+
21 At sasabihin mo sa sarili,
‘Kaninong anak ang mga ito na ibinigay sa akin?
Nawalan na ako ng mga anak at baog ako,
Ipinatapon at ibinilanggo.
Sino ang nagpalaki sa mga ito?+
22 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
Yuyukod sila at susubsob sa harap mo+
At hihimurin ang alikabok sa iyong mga paa,+
At malalaman mo na ako si Jehova;
Ang mga umaasa sa akin ay hindi mapapahiya.”+
24 Mababawi ba sa isang malakas na lalaki ang mga nabihag niya,
O maililigtas ba ang mga nabihag ng isang malupit na tagapamahala?
25 Pero ito ang sinabi ni Jehova:
“Kahit ang mga nabihag ng isang malakas na lalaki ay mababawi,+
At ang mga nabihag ng isang malupit na tagapamahala ay maililigtas.+
Lalabanan ko ang mga nakikipaglaban sa iyo,+
At ililigtas ko ang mga anak mo.
26 Ipakakain ko sa mga nang-aapi sa iyo ang sarili nilang laman,
At gaya ng pagkalasing sa matamis na alak, malalasing sila sa sarili nilang dugo.
At malalaman ng lahat ng tao* na ako si Jehova,+
Ang iyong Tagapagligtas+ at ang iyong Manunubos,+
Ang Makapangyarihan ng Jacob.”+
50 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Binigyan ko ba ng kasulatan ng diborsiyo+ ang inyong ina noong paalisin ko siya?
Ipinagbili ko ba kayo dahil sa utang?
Ipinagbili kayo dahil sa sarili ninyong mga pagkakamali,+
At pinaalis ang inyong ina dahil sa sarili ninyong mga pagkakasala.+
2 Kaya bakit walang sinumang nandito nang dumating ako?
Bakit walang sumagot nang tumawag ako?+
Napakaikli ba ng kamay ko para tumubos,
O wala ba akong kapangyarihan para magligtas?+
Dahil walang tubig, nabubulok ang mga isda nito
At namamatay sa uhaw.
4 Binigyan ako ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ng dila ng mga naturuan,*+
Para malaman ko kung paano sasagutin* ang taong pagod ng tamang* salita.+
Ginigising niya ako tuwing umaga;
Ginigising niya ako para makinig na gaya ng mga naturuan.+
Hindi ako tumalikod sa kaniya.+
6 Iniharap ko ang likod ko sa mga nananakit sa akin
At ang mga pisngi ko sa mga bumubunot ng balbas.
Hindi ko iniwas ang mukha ko sa kahiya-hiyang mga bagay at sa dura.+
7 Pero tutulungan ako ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.+
Kaya hindi ako mapapahiya.
Kaya ginawa kong sintigas ng bato ang aking mukha,+
At alam kong hindi ako malalagay sa kahihiyan.
8 Ang Isa na nagsasabi* na matuwid ako ay malapit.
Sino ang makapag-aakusa* sa akin?+
Magharap kami.
Sino ang may kaso laban sa akin?
Lumapit siya sa akin.
9 Tutulungan ako ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
Sino ang hahatol na may-sala ako?
Lahat sila ay malulumang gaya ng damit.
Uubusin sila ng insekto.*
Sino ang naglalakad sa matinding kadiliman, na walang kahit kaunting liwanag?
Magtiwala siya sa pangalan ni Jehova at sumandig* sa kaniyang Diyos.
11 “Lahat kayo na nagpapaliyab ng apoy
At nagpapaningas nito,
Lumakad kayo sa liwanag ng inyong apoy,
Sa gitna ng apoy na pinalagablab ninyo.
Ito ang tatanggapin ninyo mula sa kamay ko:
Mapapahiga kayo sa matinding kirot.
51 “Makinig kayo sa akin, kayong mga nagtataguyod ng katuwiran,
Kayong mga humahanap kay Jehova.
Tingnan ninyo ang batong pinagmulan ninyo
At ang tibagan na pinanggalingan ninyo.
3 Dahil aaliwin ni Jehova ang Sion.+
Aayusin* Niya ang lahat ng kaniyang guho,+
At gagawin Niyang tulad ng Eden+ ang kaniyang ilang
At tulad ng hardin ni Jehova ang kaniyang tigang na kapatagan.+
Magkakaroon ng pagbubunyi at ng pagsasaya sa kaniya,
Ng pasasalamat at ng awit.+
Dahil magpapalabas ako ng kautusan,+
At itatatag ko ang katarungan ko para maging liwanag sa mga bayan.+
5 Papalapit na ang aking katuwiran.+
6 Tumingala kayo sa langit,
At tingnan ninyo ang lupa sa ibaba.
Dahil ang langit ay maglalahong gaya ng usok;
Ang lupa ay malulumang gaya ng damit,
At ang mga naninirahan doon ay mamamatay na gaya ng niknik.*
7 Makinig kayo sa akin, kayong mga nakaaalam ng katuwiran,
Huwag kayong matakot sa panghahamak ng mga taong mortal,
At huwag kayong matakot sa pang-iinsulto nila.
Pero ang katuwiran ko ay mananatili magpakailanman,
At ang pagliligtas ko ay para sa lahat ng henerasyon.”+
Gumising ka gaya ng ginawa mo noon, gaya noong nakalipas na mga henerasyon.
10 Hindi ba ikaw ang tumuyo sa dagat, sa malawak at malalim na katubigan?+
Ang gumawa ng daan sa kalaliman ng dagat para makatawid ang mga tinubos?+
11 Babalik ang mga tinubos ni Jehova.+
Pupunta sila sa Sion nang may hiyaw ng kagalakan,+
Magbubunyi sila at magsasaya,
At mawawala ang pagdadalamhati at pagbubuntonghininga.+
12 “Ako mismo ang umaaliw sa inyo.+
Bakit ka matatakot sa taong mortal na mamamatay+
At sa anak ng tao na malalantang gaya ng berdeng damo?
13 Bakit mo kinalimutan si Jehova na iyong Maylikha,+
Ang naglatag ng langit+ at gumawa ng pundasyon ng lupa?
Buong araw kang natatakot sa galit ng nagpapahirap* sa iyo,
Na para bang kaya ka niyang ipahamak.
Nasaan ngayon ang galit niya?
14 Ang taong nakayuko at nakakadena ay malapit nang palayain;+
Hindi siya mamamatay at mapupunta sa hukay,
At hindi siya mawawalan ng tinapay.
15 Pero ako si Jehova na iyong Diyos,
Na kumokontrol sa dagat at nagpapalakas ng mga alon nito+
—Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.+
16 Ilalagay ko sa iyong bibig ang mga salita ko,
At lililiman kita ng kamay ko,+
Para ilagay sa puwesto ang langit at gawin ang pundasyon ng lupa+
At sabihin sa Sion, ‘Ikaw ang bayan ko.’+
17 Gumising ka! Gumising ka! Bumangon ka, O Jerusalem,+
Ikaw na uminom mula sa kopa ng galit ni Jehova na nasa kamay niya.
Ininuman mo ang kopa;
Inubos mo ang nakalalasing na laman ng kopa.+
18 Walang isa man sa lahat ng isinilang niya ang naroon para patnubayan siya,
At walang isa man sa lahat ng anak na pinalaki niya ang humawak sa kamay niya.
19 Nangyari sa iyo ang dalawang bagay na ito.
Sino ang makikiramay sa iyo?
Pagkawasak at kagibaan, gutom at espada!+
Sino ang aaliw sa iyo?+
20 Hinimatay ang mga anak mo.+
Ibinuhos sa kanila ni Jehova ang buong galit niya, ang pagsaway ng iyong Diyos.”
21 Kaya pakisuyong pakinggan mo ito,
O babaeng nagdurusa at lasing, pero hindi sa alak.
22 Ito ang sinabi ng iyong Panginoong Jehova, ang iyong Diyos na nagtatanggol sa bayan niya:
“Kukunin ko sa kamay mo ang kopang nakalalasing,+
Ang aking kopa ng galit;
Hindi mo na muling iinuman iyon.+
23 Ilalagay ko iyon sa kamay ng mga nagpahirap sa iyo,+
Ang mga nagsabi sa iyo,* ‘Dumapa ka para malakaran ka namin!’
Kaya ginawa mong gaya ng lupa ang likod mo,
Gaya ng lansangan para malakaran nila.”
52 Gumising ka! Gumising ka! Magsuot ka ng kalakasan,+ O Sion!+
Isuot mo ang maganda mong damit,+ O Jerusalem, ang banal na lunsod!
Dahil hindi na muling papasok sa iyo ang di-tuli at marumi.+
2 Pagpagin mo ang alabok, bumangon ka at umupo, O Jerusalem.
Kalagin mo ang mga panali sa leeg mo, O bihag na anak na babae ng Sion.+
3 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:
4 Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Noong una, pumunta sa Ehipto ang bayan ko para manirahan doon bilang mga dayuhan;+
Pagkatapos, pinagmalupitan sila ng Asirya nang walang dahilan.”
5 “Kaya ano ngayon ang gagawin ko rito?” ang sabi ni Jehova.
“Dahil ang bayan ko ay kinuha nang walang bayad.
Ang mga namamahala sa kanila ay patuloy na humihiyaw sa tagumpay,”+ ang sabi ni Jehova,
“At sa buong araw ay walang tigil nilang nilalapastangan ang pangalan ko.+
6 Dahil diyan, malalaman ng bayan ko ang pangalan ko;+
Dahil diyan, malalaman nila sa araw na iyon na ako ang nagsasalita.
Ako nga!”
7 Napakagandang pagmasdan sa mga bundok ang mga paa ng nagdadala ng mabuting balita,+
Ng naghahayag ng kapayapaan,+
Ng nagdadala ng mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti,
Ng naghahayag ng kaligtasan,
Ng nagsasabi sa Sion: “Ang iyong Diyos ay naging Hari!”+
8 Pakinggan mo! Sumisigaw ang mga bantay mo.
Sabay-sabay silang humihiyaw sa kagalakan,
Dahil kitang-kita nila na tinitipong muli ni Jehova ang Sion.
9 Magsaya kayo at sabay-sabay na humiyaw sa kagalakan, kayong mga guho ng Jerusalem,+
Dahil inaliw ni Jehova ang bayan niya;+ tinubos niya ang Jerusalem.+
11 Lumayo kayo, lumayo kayo, lumabas kayo riyan,+ huwag kayong humipo ng anumang marumi!+
12 Dahil hindi kayo aalis nang natataranta,
At hindi ninyo kailangang tumakas.
Dahil si Jehova ay mauuna sa inyo,+
At ang Diyos ng Israel ang magbabantay sa likuran ninyo.+
13 Ang lingkod ko+ ay kikilos nang may kaunawaan.
Itataas siya,
Dadakilain siya at luluwalhatiin.+
14 Kung paanong marami ang nagulat at tumitig sa kaniya
—Dahil nasira ang hitsura niya nang higit kaysa kaninumang tao
At ang matikas niyang anyo nang higit kaysa kaninuman—
Ititikom ng mga hari ang bibig nila* sa harap niya,+
Dahil makikita nila ang hindi pa nasabi sa kanila
At pag-iisipan ang hindi pa nila narinig.+
53 Sino ang nanampalataya sa sinabi* namin?+
At kanino ipinakita ni Jehova ang lakas* niya?+
2 Sisibol siyang gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap niya,* gaya ng isang ugat mula sa tuyot na lupain.
Parang nakatago ang mukha niya sa amin.*
Hinamak siya, at winalang-halaga namin siya.+
Pero itinuring namin siyang sinalot, sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
5 Pero sinaksak siya+ dahil sa mga kasalanan namin;+
Pinahirapan siya dahil sa mga pagkakamali namin.+
Siya ang tumanggap ng parusa para magkaroon kami ng kapayapaan,+
At dahil sa mga sugat niya ay gumaling kami.+
6 Gaya ng mga tupa, lahat kami ay naliligaw,+
Nagkaniya-kaniya kami ng daan,
At ipinasan sa kaniya ni Jehova ang mga kasalanan naming lahat.+
Dinala siya sa katayan gaya ng isang tupa,+
Gaya ng isang babaeng tupa na tahimik sa harap ng mga manggugupit nito,
At hindi niya ibinuka ang bibig niya.+
8 Dahil sa di-makatarungang hatol* ay pinatay* siya;
At sino ang magbibigay-pansin sa mga detalye ng pinagmulan* niya?
9 At binigyan siya ng libingan* kasama ng masasama+
At kasama ng mayayaman* noong mamatay siya,+
Kahit na wala siyang ginawang mali*
At hindi siya nagsalita nang may panlilinlang.+
10 Pero kalooban ni* Jehova na maghirap siya, at hinayaan Niyang magdusa siya.
Kung ibibigay mo ang buhay* niya bilang handog para sa pagkakasala,+
Makikita niya ang mga supling* niya, mapahahaba niya ang buhay niya,+
At sa pamamagitan niya ay magtatagumpay ang kinalulugdan* ni Jehova.+
11 Dahil sa pagdurusa niya, makakakita siya ng mabubuting bagay at masisiyahan.
Sa pamamagitan ng kaalaman niya, aakayin ng matuwid kong lingkod+
Ang maraming tao para magkaroon sila ng matuwid na katayuan,+
At papasanin niya ang mga pagkakamali nila.+
12 Dahil diyan, bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,
At ibabahagi niya ang samsam sa mga makapangyarihan,
Dahil ibinuhos niya ang sarili niya hanggang sa kamatayan+
At itinuring na isa sa mga makasalanan;+
Dinala niya ang kasalanan ng maraming tao,+
At namagitan siya para sa mga makasalanan.+
54 “Humiyaw ka sa kagalakan, ikaw na babaeng baog na hindi pa nanganak!+
Magsaya ka at humiyaw sa kagalakan,+ ikaw na hindi pa nakaranas ng kirot ng panganganak,+
Dahil ang mga anak ng pinabayaan ay mas marami
Kaysa sa mga anak ng babaeng may asawa,”*+ ang sabi ni Jehova.
2 “Paluwangin mo ang iyong tolda.+
Palakihin mo ang mga telang pantolda ng iyong maringal na tabernakulo.
Huwag kang magtakda ng hangganan, habaan mo ang iyong mga panaling pantolda,
At patibayin mo ang iyong mga tulos na pantolda.+
3 Dahil lalawak ang mga hangganan mo pakanan at pakaliwa.
Kukunin ng mga supling mo ang mga bansa,
At titirhan nila ang tiwangwang na mga lunsod.+
4 Huwag kang matakot,+ dahil hindi ka mapapahiya;+
At wala kang dapat ikahiya, dahil hindi ka mabibigo.
Dahil malilimutan mo ang kahihiyan mo noong kabataan ka,
At ang kadustaan ng pagiging biyuda ay hindi mo na maaalaala pa.”
5 “Dahil ang iyong Dakilang Maylikha+ ay parang asawa mo,+
Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya,
At ang Banal ng Israel ang iyong Manunubos.+
Tatawagin siyang Diyos ng buong lupa.+
6 Dahil tinawag ka ni Jehova gaya ng asawang babae na pinabayaan at namimighati,*+
Gaya ng babaeng pinakasalan noong panahon ng kabataan at pagkatapos ay itinakwil,” ang sabi ng iyong Diyos.
8 Sa bugso ng galit ay sandali kong itinago mula sa iyo ang aking mukha,+
Pero dahil walang hanggan ang aking tapat na pag-ibig ay maaawa ako sa iyo,”+ ang sabi ng iyong Manunubos,+ si Jehova.
9 “Para sa akin, gaya ito ng mga araw ni Noe.+
Kung paanong isinumpa ko na ang tubig ni Noe ay hindi na muling tatakip sa lupa,+
Isinusumpa kong hindi na ako magagalit sa iyo at hindi na kita sasawayin.+
10 Dahil ang mga bundok ay maaaring maalis
At ang mga burol ay maaaring mayanig,
Pero ang aking tapat na pag-ibig ay hindi aalisin sa iyo,+
At ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi mayayanig,”+ ang sabi ni Jehova, na naaawa sa iyo.+
11 “O babaeng nagdurusa,+ binabayo ng bagyo, at walang umaaliw,+
Inilalatag ko ang mga bato mo gamit ang matigas na argamasa,*
At itinatayo ko ang pundasyon mo na may mga safiro.+
12 Gagawin kong yari sa mga rubi ang iyong mga pader,
Yari sa kumikinang* na mga bato ang iyong mga pintuang-daan,
At yari sa mamahaling mga bato ang lahat ng hangganan mo.
14 Katuwiran ang magiging pundasyon mo.+
Malalayo ka sa pagmamalupit,+
Wala kang anumang katatakutan at kasisindakan,
Dahil hindi ito lalapit sa iyo.+
15 Kung may sasalakay sa iyo,
Hindi ako ang nag-utos sa kaniya.
Ang sinumang sasalakay sa iyo ay matatalo.”+
16 “Ako mismo ang lumikha sa bihasang manggagawa,
Na humihihip ng apoy sa baga
At nakagagawa ng sandata.
Ako rin ang lumikha sa taong mapamuksa na nangwawasak.+
17 Anumang sandata ang gawin para ipanlaban sa iyo ay hindi magtatagumpay,+
At hahatulan mo ang sinumang magsasalita* laban sa iyo sa panahon ng paghatol.
55 Halikayo, lahat kayong nauuhaw,+ halikayo sa tubig!+
Kayong mga walang pera, halikayo, bumili kayo at kumain!
Oo, halikayo, bumili kayo ng alak at gatas+ nang walang kapalit na pera o anumang bayad.+
2 Bakit kayo nagbabayad para sa hindi naman tinapay,
At bakit ninyo ginagastos ang kita* ninyo sa hindi naman nakakabusog?
Makinig kayong mabuti sa akin, at kumain kayo ng bagay na mabuti,+
3 Makinig kayo at lumapit sa akin.+
Makinig kayo, at patuloy kayong mabubuhay,
At makikipagtipan ako sa inyo ng isang walang-hanggang tipan+
Kaayon ng mapagkakatiwalaan* kong pangako na magpakita ng tapat na pag-ibig kay David.+
5 Tatawagin mo ang isang bansa na hindi mo kilala,
At ang mga galing sa bansa na hindi nakakakilala sa iyo ay tatakbo sa iyo
Alang-alang kay Jehova na iyong Diyos,+ ang Banal ng Israel,
Dahil luluwalhatiin ka niya.+
6 Hanapin ninyo si Jehova habang makikita pa siya.+
Tumawag kayo sa kaniya habang malapit siya.+
7 Iwan ng masama ang landas niya,+
Alisin ng masama ang mga kaisipan niya;
Manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+
8 “Dahil ang mga kaisipan ko ay hindi ninyo mga kaisipan,+
At ang pamamaraan ninyo ay hindi ko pamamaraan,” ang sabi ni Jehova.
9 “Dahil kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa,
Ang pamamaraan ko ay mas mataas kaysa sa pamamaraan ninyo
At ang mga kaisipan ko kaysa sa mga kaisipan ninyo.+
10 Dahil kung paanong ang ulan at niyebe ay bumubuhos mula sa langit
At hindi bumabalik doon hanggang sa madilig ng mga ito ang lupa, para tubuan iyon ng pananim at mamunga
At magbigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay sa kumakain,
Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta,+
Kundi talagang gagawin nito ang anumang gusto* ko,+
At siguradong magtatagumpay ito sa dapat nitong isakatuparan.
Ang mga bundok at burol ay magsasaya sa harap ninyo nang may hiyaw ng kagalakan,+
At ang lahat ng puno sa parang ay papalakpak.+
13 Sa halip na matitinik na halaman* ay puno ng enebro ang tutubo,+
At sa halip na nakatutusok na kulitis ay puno ng mirto ang tutubo.
56 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Itaguyod ninyo ang katarungan,+ at gawin ninyo ang matuwid,
Dahil malapit nang dumating ang pagliligtas ko
At masisiwalat na ang katuwiran ko.+
2 Maligaya ang taong gumagawa nito
At ang anak ng tao na nanghahawakan dito,
Na nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito+
At nagpipigil ng kamay niya sa paggawa ng anumang masama.
3 Huwag sabihin ng dayuhang pumanig kay Jehova,+
‘Siguradong ihihiwalay ako ni Jehova sa bayan niya.’
At huwag sabihin ng bating, ‘Isa akong tuyot na puno.’”
4 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath at pumipili sa kinalulugdan ko at nanghahawakan sa aking tipan:
5 “Magbibigay ako sa kanila sa bahay ko at sa loob ng aking mga pader ng isang monumento at isang pangalan,
Isang bagay na mas mabuti kaysa sa mga anak na lalaki at anak na babae.
Isang walang-hanggang pangalan ang ibibigay ko sa kanila,
Isang pangalan na hindi maglalaho.
6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,
Para ibigin ang pangalan ni Jehova+
At maging mga lingkod niya,
Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito
At nanghahawakan sa aking tipan,
7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+
At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.
Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.
Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+
8 Sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, na nagtitipon ng mga nangalat mula sa Israel:+
“Titipunin ko sa kaniya ang iba pa bukod sa mga natipon na.”+
9 Lahat kayong mababangis na hayop sa parang, halikayo at kumain,
Lahat kayong mababangis na hayop sa gubat.+
10 Ang mga bantay niya ay bulag;+ walang sinuman sa kanila ang nagbibigay-pansin.+
Lahat sila ay mga asong pipi at hindi makatahol.+
Humihingal sila at nakahiga; mahilig silang matulog.
11 Sila ay matatakaw na aso;
Hindi sila nabubusog.
Mga pastol sila na walang unawa.+
Lahat sila ay lumalakad sa sarili nilang landas;
Bawat isa sa kanila ay di-tapat at naghahanap ng pansariling pakinabang at nagsasabi:
At bukas ay ganito ulit, pero mas masaya pa!”
57 Ang matuwid ay namatay,
Pero walang nagsasapuso nito.
2 Nagiging payapa siya.
Nagpapahinga sila sa mga higaan* nila, lahat sila na lumalakad nang matuwid.
3 “Pero kayo, lumapit kayo,
Kayong mga anak ng mangkukulam,*
Kayong mga anak ng mangangalunya at babaeng bayaran:
4 Sino ang pinagtatawanan ninyo?
Sino ang hinahamak ninyo at dinidilaan?
Hindi ba kayo ang mga anak ng kasalanan,
Mga anak ng kasinungalingan,+
5 Ang mga nag-aalab ang damdamin sa gitna ng malalaking puno,+
Sa ilalim ng bawat mayabong na puno,+
Na pumapatay ng mga anak sa mga lambak,*+
Sa ilalim ng mga bitak ng malalaking bato?
6 Pinili mo ang makikinis na bato sa lambak.*+
Oo, ang mga ito ang parte mo.
Kahit sa kanila ay ibinubuhos mo ang iyong handog na inumin at naghahandog ka ng mga kaloob.+
Dapat ba akong masiyahan* sa mga bagay na ito?
7 Sa mataas at matayog na bundok ay inihanda mo ang iyong higaan,+
At umakyat ka roon para maghandog.+
8 Sa likod ng pinto at ng poste ng pinto ay inilagay mo ang iyong imahen.
Iniwan mo ako at naghubad ka;
Umakyat ka at pinaluwang mo ang iyong kama.
At nakipagtipan ka sa kanila.
Ipinadala mo sa malayo ang iyong mga sugo,
Kaya bumaba ka sa Libingan.*
10 Nagpakapagod ka sa marami mong ginagawa,
Pero hindi mo sinabi, ‘Wala nang pag-asa!’
Muli kang lumakas.
Kaya hindi ka humihinto.*
Hindi mo ako inalaala.+
Wala kang isinapusong anuman.+
Nanahimik ako at nagsawalang-kibo,*+
Kaya hindi ka natakot sa akin.
Lahat ng iyon ay tatangayin ng hangin,
Isang hihip lang ay matatangay na ang mga iyon,
Pero ang nanganganlong sa akin ay magmamana ng lupain
At magmamay-ari ng aking banal na bundok.+
14 May magsasabi, ‘Gumawa kayo ng landas! Ihanda ninyo ang daan!+
Alisin ninyo ang anumang hadlang sa daan ng aking bayan.’”
15 Dahil ito ang sinabi ng Mataas at Matayog na Diyos,
Na nabubuhay* nang walang hanggan+ at may banal na pangalan:+
“Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,+
Pero kasama rin ako ng mga nagdurusa at mga mapagpakumbaba,
Para pasiglahin ang mga hamak
At palakasin ang puso ng mga nagdurusa.+
16 Hindi ako makikipaglaban sa kanila magpakailanman
O mananatiling galit;+
Dahil manghihina ang tao dahil sa akin,+
Oo, maging ang mga humihingang nilalang na ginawa ko.
17 Nagalit ako sa kasalanan niya, sa pandaraya niya para makinabang,+
Kaya pinarusahan ko siya, at itinago ko ang aking mukha dahil sa galit.
Pero patuloy siya sa pagrerebelde,+ sa pagsunod sa puso niya.
18 Nakita ko ang mga ginagawa niya,
Pero pagagalingin ko siya+ at papatnubayan,+
At muli ko siyang aaliwin,+ pati ang mga nagdadalamhating kasama niya.”+
19 “Nililikha ko ang bunga ng mga labi.
Bibigyan ng walang-hanggang kapayapaan ang nasa malayo at ang nasa malapit,”+ ang sabi ni Jehova,
“At pagagalingin ko siya.”
20 “Pero ang masasama ay gaya ng maligalig na dagat na hindi kumakalma,
At ang mga alon nito ay may tangay na damong-dagat at lusak.
21 Walang kapayapaan para sa masasama,”+ ang sabi ng aking Diyos.
58 “Sumigaw ka nang buong lakas; huwag kang magpigil!
Ilakas mo ang iyong tinig na parang tambuli.
Ihayag mo sa bayan ko ang paghihimagsik nila,+
Sa sambahayan ni Jacob ang mga kasalanan nila.
2 Hinahanap nila ako araw-araw,
At sinasabi nilang gusto nilang malaman ang mga daan ko,
Na para bang isa silang bansa na gumagawa ng matuwid
At hindi tumatalikod sa katarungan ng Diyos nila.+
Humihingi sila sa akin ng matuwid na mga hatol
At nalulugod silang lumapit sa Diyos:+
3 ‘Bakit hindi mo nakikita ang pag-aayuno* namin?+
At bakit hindi mo napapansin kapag pinahihirapan namin ang sarili namin?’+
Dahil sa araw ng inyong pag-aayuno, itinataguyod ninyo ang sarili ninyong kapakanan,*
At inaapi ninyo ang mga trabahador ninyo.+
4 Ang pag-aayuno ninyo ay nauuwi sa pag-aaway at pagtatalo,
At sumusuntok kayo gamit ang kamao ng kasamaan.
Hindi kayo makapag-aayuno gaya ng ginagawa ninyo ngayon at makaaasang maririnig sa langit ang tinig ninyo.
5 Ganito ba ang gusto kong pag-aayuno,
Isang araw para pahirapan ang sarili,
Para yumukong gaya ng matataas na damo,
Para mahiga sa telang-sako at abo?
Ito ba ang tinatawag mong pag-aayuno at isang araw na kalugod-lugod kay Jehova?
6 Hindi iyan ang pag-aayuno na gusto ko kundi ito:
Kalagin ang mga gapos ng kasamaan,
Alisin ang mga panali ng pamatok,+
Palayain ang mga naaapi,+
At baliin ang bawat pamatok;
7 Ang gusto ko ay ibahagi mo ang iyong tinapay sa nagugutom,+
Kupkupin mo sa iyong bahay ang mahirap at ang walang tahanan,
Damtan mo ang hubad kapag nakita mo siya,+
At huwag mong talikuran ang kadugo mo.
Mauuna sa iyo ang katuwiran mo,
At ang kaluwalhatian ni Jehova ang magiging bantay mo sa likuran.+
9 Tatawag ka, at sasagot si Jehova;
Hihingi ka ng tulong, at sasabihin niya, ‘Narito ako!’
Kung aalisin mo ang pamatok
At ititigil ang panduduro* at pagsasalita ng masakit,+
10 Kung ibibigay mo sa gutom ang bagay na gusto mo rin+
At tutulungan ang mga naghihirap,
Ang liwanag mo ay sisikat kahit sa dilim,
At ang iyong karimlan ay magiging gaya ng katanghaliang-tapat.+
11 Lagi kang papatnubayan ni Jehova,
At ibibigay niya ang pangangailangan mo kahit sa tuyot na lupain;+
Palalakasin niya ang iyong mga buto,
At magiging gaya ka ng isang hardin na laging nadidiligan,+
Gaya ng bukal na hindi nauubusan ng tubig.
12 Muli nilang itatayo para sa iyo ang sinaunang mga lunsod na gumuho,+
At muli mong itatayo ang mga pundasyon ng lumipas na mga henerasyon.+
Tatawagin kang tagapagkumpuni ng mga sirang pader,+
Tagapag-ayos ng mga landas na matitirhan.
13 Kung dahil sa Sabbath ay ihihinto mo ang* pagtataguyod ng sarili mong kapakanan* sa aking banal na araw+
At ang Sabbath ay tatawagin mong lubhang kalugod-lugod, isang banal na araw ni Jehova, isang araw na dapat luwalhatiin,+
At luluwalhatiin mo ito sa halip na itaguyod ang sarili mong kapakanan at magsalita ng walang katuturan,
14 Makadarama ka ng masidhing kaluguran dahil kay Jehova,
At ipasasakop ko sa iyo ang matataas na lugar sa lupa.+
2 Nahiwalay kayo sa inyong Diyos dahil sa sarili ninyong mga pagkakamali.+
Ang mga kasalanan ninyo ang dahilan kaya itinago niya ang mukha niya sa inyo
At ayaw niya kayong pakinggan.+
Ang mga labi ninyo ay nagsasalita ng kasinungalingan,+ at ang dila ninyo ay bumubulong ng kasamaan.
Nagtitiwala sila sa walang saysay+ at nagsasalita ng walang kabuluhan.
Kaguluhan ang nasa sinapupunan nila, at kapahamakan ang isinisilang nila.+
Ang sinumang kumakain ng kanilang itlog ay mamamatay,
At ang itlog na napisa ay maglalabas ng ulupong.
6 Ang sapot nila ay hindi magagamit na damit,
At hindi rin nila maipantatakip sa sarili ang ginagawa nila.+
Ang mga gawain nila ay nakasasakit,
At ang mga kamay nila ay mararahas.+
Masama ang iniisip nila;
Lagi silang nagdudulot ng kapahamakan at pagdurusa.+
Hindi tuwid ang mga daan nila;
Walang kapayapaan ang sinumang lumalakad doon.+
9 Kaya ang katarungan ay malayo sa amin,
At ang katuwiran ay hindi umaabot sa amin.
Patuloy kaming umaasa para sa liwanag, pero kadiliman ang nakikita namin;
Para sa kaliwanagan, pero patuloy kaming lumalakad sa karimlan.+
10 Nangangapa kami sa pader gaya ng mga bulag;
Patuloy kaming nangangapa gaya ng mga walang paningin.+
Natitisod kami sa tanghaling-tapat gaya ng sa pagkagat ng dilim;
Para kaming mga patay sa gitna ng malalakas na tao.
11 Lahat kami ay patuloy na umuungol na parang oso,
At nagdadalamhati kami na parang kumukurukutok na kalapati.
Naghihintay kami ng katarungan, pero wala;
Ng kaligtasan, pero napakalayo nito sa amin.
Alam naming naghimagsik kami;
Alam naming nagkasala kami.+
13 Nagkasala kami at itinakwil namin si Jehova;
Tinalikuran namin ang aming Diyos.
Pang-aapi at paghihimagsik ang pinag-usapan namin;+
Bumuo kami at bumulong ng mga kasinungalingan mula sa aming puso.+
At nakatayo sa malayo ang katuwiran;+
Dahil nabuwal ang katotohanan* sa liwasan,*
At hindi makapasok ang tama.
16 Wala siyang nakitang sinuman,
Nagulat siya na walang namamagitan,
Kaya ang sarili niyang bisig ang nagligtas,*
At ang sarili niyang katuwiran ang umalalay sa kaniya.
18 Gagantihan niya sila ayon sa ginawa nila:+
Poot sa mga kalaban niya, parusa sa mga kaaway niya.+
At pagbabayarin niya ang mga isla.
19 Mula sa lubugan ng araw ay matatakot sila sa pangalan ni Jehova,
At mula sa sikatan ng araw ay matatakot sila sa kaluwalhatian niya,
Dahil darating siyang gaya ng rumaragasang ilog,
Na pinaaagos ng espiritu ni Jehova.
20 “Ang Manunubos+ ay darating sa Sion,+
Sa mga inapo ni Jacob na tumatalikod sa kasamaan,”+ ang sabi ni Jehova.
21 “Kung tungkol sa akin, ito ang tipan ko sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova. “Ang espiritu ko na nasa iyo at ang mga salita ko na inilagay ko sa bibig mo—hindi iyon aalisin sa bibig mo, sa bibig ng mga anak* mo, o sa bibig ng mga apo mo,* ngayon at magpakailanman,” ang sabi ni Jehova.
60 “Bumangon ka, O babae,+ magpasinag ka ng liwanag, dahil dumating na ang iyong liwanag.
Sumisikat sa iyo ang kaluwalhatian ni Jehova.+
2 Dahil tatakpan ng kadiliman ang lupa,
At ng makapal at maitim na ulap ang mga bansa;
Pero sisikat sa iyo si Jehova,
At makikita sa iyo ang kaluwalhatian niya.
4 Tumingin ka sa palibot mo!
Lahat sila ay nagtipon-tipon; papunta sila sa iyo.
Patuloy na dumarating ang mga anak mong lalaki mula sa malayo+
At ang mga anak mong babae na karga sa mga bisig.+
5 Sa panahong iyon ay makikita mo ito at magniningning ka,+
At bibilis ang tibok ng puso mo at mag-uumapaw sa saya,
Dahil dadalhin sa iyo ang yaman ng dagat;
Ang yaman ng mga bansa ay mapupunta sa iyo.+
Lahat ng mula sa Sheba —darating sila;
Magdadala sila ng ginto at olibano.
Magpapahayag sila ng papuri kay Jehova.+
7 Titipunin sa iyo ang lahat ng kawan ng Kedar.+
Mapapakinabangan mo ang mga lalaking tupa ng Nebaiot.+
9 Dahil sa akin ay aasa ang mga isla;+
Ang mga barko ng Tarsis ay nangunguna,*
Dinadala nila ang mga anak mong lalaki mula sa malayo,+
Kasama ng kanilang mga pilak at ginto,
Papunta sa pangalan ni Jehova na iyong Diyos at sa Banal ng Israel,
10 Itatayo ng mga dayuhan ang mga pader mo,
At ang mga hari nila ay maglilingkod sa iyo,+
Dahil sinaktan kita nang magalit ako sa iyo,
Pero dahil sa kabutihang-loob ko ay kaaawaan kita.+
11 Ang mga pintuang-daan mo ay pananatilihing bukás;+
Hindi isasara ang mga iyon sa araw man o sa gabi,
Para madala sa iyo ang yaman ng mga bansa,
At ang mga hari nila ang mangunguna.+
12 Dahil anumang bansa o kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay malilipol,
At ang mga bansa ay lubusang mawawasak.+
13 Darating sa iyo ang kaluwalhatian ng Lebanon,+
Ang puno ng enebro, ang puno ng fresno, at ang sipres nang magkakasama,+
Para pagandahin ang lugar ng aking santuwaryo;
Luluwalhatiin ko ang tuntungan ng mga paa ko.+
14 Ang mga anak ng mga nagpahirap sa iyo ay darating at yuyukod sa iyo;
Ang lahat ng lumalapastangan sa iyo ay susubsob sa paanan mo,
At tatawagin ka nilang lunsod ni Jehova,
Ang Sion ng Banal ng Israel.+
15 Kahit na itinakwil ka at kinapootan at hindi dinadaanan ninuman,+
Gagawin kitang pinagmumulan ng walang-hanggang karangalan,
Isang dahilan para magsaya ang lahat ng henerasyon.+
16 At iinumin mo ang gatas ng mga bansa+
At ang gatas na mula sa mga hari;+
At tiyak na malalaman mo na ako, si Jehova, ang iyong Tagapagligtas,
At ang Makapangyarihan ng Jacob ang iyong Manunubos.+
17 Sa halip na tanso ay magdadala ako ng ginto,
At sa halip na bakal ay magdadala ako ng pilak,
Sa halip na kahoy, tanso,
At sa halip na bato, bakal;
At aatasan ko ang kapayapaan bilang tagapangasiwa mo
At ang katuwiran bilang tagapagbigay-atas mo.+
18 Hindi na maririnig ang karahasan sa lupain mo
O ang pagkawasak at kagibaan sa loob ng mga hangganan mo.+
At tatawagin mong Kaligtasan ang mga pader mo+ at Papuri ang mga pintuang-daan mo.
19 Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo kapag araw,
At hindi na ang buwan ang magbibigay sa iyo ng liwanag,
Dahil si Jehova ang iyong magiging walang-hanggang liwanag,+
At ang iyong Diyos ang magiging kagandahan mo.+
20 Hindi na lulubog ang araw mo,
At hindi na lalamlam ang buwan mo,
Dahil si Jehova ang magiging iyong walang-hanggang liwanag,+
At matatapos na ang mga araw ng pagdadalamhati mo.+
21 At ang buong bayan mo ay magiging matuwid;
Magiging pag-aari nila ang lupain magpakailanman.
22 Ang munti ay magiging isang libo
At ang maliit ay magiging makapangyarihang bansa.
Ako mismo, si Jehova, ang magpapabilis nito sa takdang panahon nito.”
61 Ang espiritu ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ay sumasaakin,+
Dahil inatasan* ako ni Jehova na maghayag ng mabuting balita sa maaamo.+
Isinugo niya ako para pagalingin ang mga may pusong nasasaktan,
Para ihayag ang paglaya ng mga bihag
At ang pagmulat ng mga mata ng mga bilanggo.+
2 Para ihayag ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova
At ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos,+
Para aliwin ang lahat ng nagdadalamhati,+
3 Para paglaanan ang mga nagdadalamhati dahil sa Sion,
Para bigyan sila ng putong sa halip na abo,
Ng langis ng kagalakan sa halip na pagdadalamhati,
Ng damit ng kapurihan sa halip na pagkasira ng loob.
4 Muli nilang itatayo ang sinaunang mga lunsod na gumuho;
Muli nilang aayusin ang mga lugar na naging tiwangwang,+
At ibabalik nila sa dati ang nawasak na mga lunsod,+
Ang mga lugar na nanatiling tiwangwang sa paglipas ng mga henerasyon.+
5 “Darating ang mga tagaibang bayan at papastulan nila ang mga kawan ninyo,
At ang mga dayuhan+ ay magiging mga magsasaka ninyo at tagapag-alaga ng ubasan.+
6 At kayo naman ay tatawaging mga saserdote ni Jehova;+
Tatawagin nila kayong mga lingkod ng ating Diyos.
7 Sa halip na kahihiyan ay magkakaroon kayo ng dobleng bahagi,
At sa halip na kadustaan ay hihiyaw sila sa kagalakan dahil sa mana nila.
Oo, dobleng bahagi ng lupain ang mapapasakanila.+
Magsasaya sila magpakailanman.+
Tapat ako, at ibibigay ko sa kanila ang kabayaran nila,
At makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang-hanggang tipan.+
Ang lahat ng makakakita sa kanila ay makakakilala sa kanila,
10 Lubos akong magsasaya dahil kay Jehova.
Ang buo kong pagkatao ay magsasaya dahil sa aking Diyos.+
Dahil dinamtan niya ako ng kaligtasan;+
Binihisan niya ako ng damit* ng katuwiran,
Gaya ng lalaking ikakasal na may suot na putong na tulad ng sa saserdote,+
At gaya ng babaeng ikakasal na may suot na mga palamuti.
11 Dahil kung paanong ang lupa ay nagpapasibol
At kung paanong ang hardin ay nagpapatubo ng mga itinatanim doon,
Ang Kataas-taasang Panginoong Jehova
Ay magpapasibol ng katuwiran+ at kapurihan+ sa harap ng lahat ng bansa.
62 Alang-alang sa Sion ay hindi ako mananahimik,+
At alang-alang sa Jerusalem ay hindi ako magsasawalang-kibo
Hanggang sa suminag ang katuwiran niya na gaya ng maningning na liwanag+
At magningas ang kaligtasan niya na gaya ng sulo.+
2 “Makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, O babae,+
At ng lahat ng hari ang iyong kaluwalhatian.+
At tatawagin ka sa isang bagong pangalan,+
Na si Jehova mismo ang magbibigay.
3 Ikaw ay magiging isang korona ng kagandahan sa kamay ni Jehova,
Isang turbante ng hari sa palad ng iyong Diyos.
4 Hindi ka na tatawaging isang babaeng pinabayaan,+
At ang lupain mo ay hindi na tatawaging tiwangwang,+
Kundi tatawagin kang Siya ang Kaluguran Ko,+
At ang lupain mo ay tatawaging Asawang Babae.
Dahil malulugod sa iyo si Jehova,
At ang lupain mo ay magiging gaya ng isang may-asawa.
5 Dahil kung paanong pinakakasalan ng isang binata ang isang dalaga,
Pakakasalan ka ng iyong mga anak.
Kung paanong nagsasaya ang lalaking ikakasal dahil sa mapapangasawa niya,
Ang iyong Diyos ay magsasaya dahil sa iyo.+
6 Sa mga pader mo, O Jerusalem, ay naglagay ako ng mga bantay.
Sa buong araw at buong gabi, hindi sila dapat manahimik.
Kayo na bumabanggit kay Jehova,
Huwag kayong magpahinga,
7 At huwag ninyo siyang pagpahingahin hanggang sa mapatatag niya ang Jerusalem,
Oo, hanggang sa magawa niya itong kapurihan ng buong lupa.”+
8 Ipinanumpa ni Jehova ang kaniyang kanang kamay, pati ang kaniyang malakas na bisig:
“Hindi ko na ibibigay ang iyong butil bilang pagkain ng mga kaaway mo,
At hindi na iinumin ng mga banyaga ang iyong bagong alak, na pinagpaguran mo.+
9 Ang mga nagtitipon nito ang kakain nito at pupurihin nila si Jehova;
At ang mga nagtitipon nito ang iinom nito sa aking mga banal na looban.”+
10 Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga pintuang-daan.
Hawanin ninyo ang daan para sa bayan.+
Gumawa kayo ng lansangan.
Alisan ninyo iyon ng bato.+
Maglagay kayo ng isang palatandaan* para sa mga bayan.+
11 Inihayag ni Jehova hanggang sa mga dulo ng lupa:
“Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion,
‘Parating na ang kaligtasan mo.+
Ang gantimpala niya ay nasa kaniya,
At ang kabayarang ibibigay niya ay nasa harap niya.’”+
12 Tatawagin silang ang banal na bayan, ang mga tinubos ni Jehova,+
At ikaw ay tatawaging Hinanap, Isang Lunsod na Hindi Pinabayaan.+
63 Sino itong dumarating mula sa Edom,+
Mula sa Bozra+ na matingkad* ang damit,
Na napakaganda ng kasuotan
At paparating na may malakas na kapangyarihan?
“Ako iyon, ang nagsasalita ayon sa katuwiran,
Ang may malakas na kapangyarihan para magligtas.”
3 “Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas.
Wala akong kasamang sinuman mula sa mga bayan.
Paulit-ulit ko silang tinapakan dahil sa galit ko,
At paulit-ulit ko silang niyurakan dahil sa poot ko.+
Natalsikan ng dugo nila ang suot ko,
At namantsahan ang buong damit ko.
5 Tumingin ako, pero walang naroon para tumulong;
Nagulat ako na walang nag-alok ng tulong.
6 Sa galit ko ay niyurakan ko ang mga bayan,
Nilasing ko sila ng poot ko+
At pinadanak ang dugo nila sa lupa.”
7 Sasabihin ko ang tungkol sa ipinakitang tapat na pag-ibig ni Jehova,
Ang kapuri-puring mga ginawa ni Jehova,
Dahil sa lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin,+
Ang maraming mabubuting bagay na ginawa niya para sa sambahayan ng Israel,
Ayon sa kaniyang awa at dakila at tapat na pag-ibig.
8 Dahil sinabi niya: “Talagang sila ang bayan ko, mga anak na hindi magtataksil.”+
Kaya siya ang naging Tagapagligtas nila.+
9 Sa lahat ng paghihirap nila ay nahihirapan siya.+
At iniligtas sila ng sarili niyang mensahero.*+
Dahil sa pag-ibig at habag niya ay tinubos niya sila,+
At binuhat niya sila at dinala sa buong panahong lumipas.+
10 Pero nagrebelde sila+ at pinighati ang banal na espiritu niya.+
11 At naalaala nila ang mga araw noong unang panahon,
Noong panahon ng lingkod niyang si Moises:
“Nasaan ang nagpatawid sa kanila sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kawan niya?+
Nasaan ang naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu,+
12 Ang may maluwalhating bisig na tumulong sa kanang kamay ni Moises,+
Ang humati sa tubig sa harap nila+
Para gumawa ng walang-hanggang pangalan para sa sarili niya,+
13 Ang nagpalakad sa kanila sa dumadaluyong* na tubig,
Kaya nakalakad sila nang hindi nabubuwal,
Gaya ng isang kabayo sa kapatagan?*
14 Gaya ng mga hayop kapag bumababa sila sa kapatagan,
Ang espiritu ni Jehova ang nagbibigay sa kanila ng kapahingahan.”+
15 Tumanaw ka mula sa langit at tumingin ka
Mula sa iyong mataas na tirahan ng kabanalan at kaluwalhatian.*
Ipinagkait sa akin ang mga ito.
Maaaring hindi kami kilala ni Abraham
At maaaring hindi kami makilala ni Israel,
Pero ikaw, O Jehova, ang Ama namin.
Aming Manunubos ang pangalan mo mula pa noong unang panahon.+
17 O Jehova, bakit mo kami hinayaang malihis* sa iyong mga daan?
Bakit mo hinayaang tumigas* ang puso namin at hindi kami matakot sa iyo?+
Bumalik ka, alang-alang sa mga lingkod mo,
Ang mga tribo ng iyong mana.+
18 Sandali lang itong naging pag-aari ng iyong banal na bayan.
Niyurakan ng mga kalaban namin ang santuwaryo mo.+
19 Sa loob ng mahabang panahon ay naging gaya kami ng mga hindi mo pinamahalaan,
Gaya ng mga hindi tinawag sa pangalan mo.
64 Kung pinunit mo na sana ang langit at bumaba ka,
Para mayanig ang mga bundok dahil sa iyo,
2 Gaya ng pagliyab ng panggatong
At pagkulo ng tubig dahil sa apoy,
Ang pangalan mo ay makikilala ng mga kalaban mo,
At manginginig sa harap mo ang mga bansa!
3 Nang gumawa ka ng kamangha-manghang mga bagay na hindi namin inaasahan,+
Bumaba ka, at nayanig sa harap mo ang mga bundok.+
4 Mula pa noon, walang sinuman ang may narinig o nabigyang-pansin
O nakitang isang Diyos maliban sa iyo,
Na kumikilos para sa mga patuloy na* naghihintay sa kaniya.+
5 Sinasalubong mo ang mga masayang gumagawa ng tama,+
Ang mga umaalaala sa iyo at lumalakad sa mga daan mo.
Nagalit ka, habang patuloy kaming nagkakasala,+
Iyan ang ginawa namin sa mahabang panahon.
Kaya dapat ba kaming maligtas?
6 Lahat kami ay naging gaya ng isang taong marumi,
At ang lahat ng ginagawa naming matuwid ay gaya ng pasador.+
Malalanta kaming lahat na gaya ng dahon,
At tatangayin kami ng mga pagkakamali namin gaya ng hangin.
7 Walang tumatawag sa pangalan mo,
Walang nagsisikap na kumapit sa iyo,
Dahil itinago mo sa amin ang iyong mukha,+
At hinayaan mo kaming malugmok* dahil sa* mga pagkakamali namin.
8 Pero ikaw ang Ama namin, O Jehova.+
9 Huwag kang labis na magalit, O Jehova,+
At huwag mong alalahanin ang pagkakamali namin magpakailanman.
Pakisuyo, tingnan mo kami, dahil lahat kami ay bayan mo.
10 Ang iyong mga banal na lunsod ay naging ilang.
Ang Sion ay naging ilang,
Ang Jerusalem, tiwangwang na lunsod.+
11 Ang aming bahay* ng kabanalan at kaluwalhatian,*
Kung saan pinuri ka ng mga ninuno namin,
Ay sinunog,+
At ang lahat ng bagay na minahal namin ay nawasak.
12 Sa mga bagay na ito ay patuloy ka bang magsasawalang-kibo, O Jehova?
Mananatili ka bang tahimik at hahayaan kaming magdusa nang lubusan?+
65 “Hinayaan kong makilala ako ng mga hindi nagtanong tungkol sa akin;
Hinayaan kong makita ako ng mga hindi humanap sa akin.+
Sinabi ko, ‘Narito ako, narito ako!’ sa isang bansa na hindi tumatawag sa pangalan ko.+
2 Buong araw kong iniuunat ang mga kamay ko sa isang bayang matigas ang ulo,+
Sa mga lumalakad sa daang hindi mabuti+
At sumusunod sa sarili nilang kaisipan;+
3 Isang bayang patuloy na umiinsulto sa akin nang harap-harapan;+
Naghahandog sila sa mga hardin+ at gumagawa ng haing usok sa mga laryo.
4 Umuupo sila sa mga libingan,+
Nagpapalipas ng gabi sa tagong mga lugar,*
At kumakain ng karne ng baboy,+
At ang sabaw ng maruruming bagay ay nasa mga sisidlan nila.+
Ang mga ito ay usok sa mga butas ng aking ilong, isang apoy na nagniningas buong araw.
6 Nakasulat ito sa harap ko;
Hindi ako magsasawalang-kibo.
Pagbabayarin ko sila,+
Lubos ko silang pagbabayarin*
7 Sa mga pagkakamali nila at sa mga pagkakamali rin ng kanilang mga ninuno,”+ ang sabi ni Jehova.
“Dahil gumawa sila ng haing usok sa mga bundok
At nilapastangan nila ako sa mga burol,+
Susukatin ko muna ang lubos nilang kabayaran.”*
8 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Kung paanong may nakukuhang bagong alak sa isang kumpol ng ubas
At may nagsasabi, ‘Huwag mong sirain iyan, dahil may mapapakinabangan* pa riyan,’
Gayon ang gagawin ko sa mga lingkod ko;
Hindi ko sila pupuksaing lahat.+
9 Ilalabas ko mula sa Jacob ang isang supling,*
At mula sa Juda, ang tagapagmana ng aking mga bundok;+
Magiging pag-aari iyon ng mga pinili ko,
At titira doon ang mga lingkod ko.+
10 Ang Saron+ ay magiging pastulan ng mga tupa
At ang Lambak* ng Acor+ naman ay pahingahan ng mga baka,
Para sa bayan ko na humahanap sa akin.
11 Pero kasama kayo sa mga umiiwan kay Jehova,+
Sa mga lumilimot sa kaniyang banal na bundok,+
Sa mga naghahanda ng pagkain para sa diyos ng Suwerte,
At sa mga pumupuno sa mga kopa ng tinimplahang alak para sa diyos ng Tadhana.
12 Kaya itatakda kong mamatay kayo sa espada,+
At lahat kayo ay yuyuko para patayin,+
Dahil tumawag ako, pero hindi kayo sumagot,
Nagsalita ako, pero hindi kayo nakinig;+
Patuloy ninyong ginawa ang masama sa paningin ko,
At pinili ninyo ang magpapagalit sa akin.”+
13 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:
“Ang mga lingkod ko ay kakain, pero kayo ay magugutom.+
Ang mga lingkod ko ay iinom,+ pero kayo ay mauuhaw.
Ang mga lingkod ko ay magsasaya,+ pero kayo ay mapapahiya.+
14 Ang mga lingkod ko ay hihiyaw sa kagalakan dahil sa mabuting kalagayan ng puso,
Pero kayo ay daraing dahil sa kirot ng puso
At hahagulgol dahil sa pamimighati.*
15 Mag-iiwan kayo ng isang pangalan na gagamitin ng mga pinili ko bilang sumpa,
At bawat isa sa inyo ay papatayin ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,
Pero ang mga lingkod niya ay tatawagin niya sa ibang pangalan;+
16 Para ang sinumang humihiling ng pagpapala para sa kaniyang sarili sa lupa
Ay pagpalain ng Diyos ng katotohanan,*
At ang sinumang nananata sa lupa
Dahil ang dating mga paghihirap ay malilimutan;
Mawawala ang mga iyon sa paningin ko.+
17 Dahil lumilikha ako ng bagong langit at bagong lupa;+
Ang dating mga bagay ay hindi na maaalaala pa,
18 Kaya magsaya kayo at magalak magpakailanman sa aking nililikha.
Dahil ginagawa kong dahilan ng pagsasaya ang Jerusalem
At dahilan ng kagalakan ang bayan niya.+
19 At magagalak ako sa Jerusalem at magsasaya dahil sa bayan ko;+
Wala nang maririnig doon na pag-iyak o paghiyaw dahil sa pagdurusa.”+
20 “Hindi na magkakaroon ng sanggol sa lugar na iyon na ilang araw lang mabubuhay,
O ng matanda na hindi malulubos ang kaniyang mga araw.
Dahil ang sinumang mamamatay na isang daang taóng gulang ay ituturing na isang bata lang,
At ang makasalanan ay susumpain kahit isang daang taóng gulang na siya.*
21 Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon,+
At magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito.+
22 Hindi sila magtatayo pero iba ang titira,
At hindi sila magtatanim pero iba ang kakain.
Dahil ang mga araw ng bayan ko ay magiging gaya ng mga araw ng isang puno,+
At lubusan silang masisiyahan sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
23 Hindi sila magpapagod* nang walang saysay,+
At hindi sila magsisilang ng mga anak na magdurusa,
Dahil sila at ang mga inapo nila
24 Bago pa sila tumawag ay sasagot ako;
Habang nagsasalita pa sila ay diringgin ko na sila.
25 Ang lobo* at ang kordero* ay manginginaing magkasama,
Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro,+
At ang kakainin ng ahas ay alabok.
Hindi sila mananakit o maninira sa aking buong banal na bundok,”+ ang sabi ni Jehova.
66 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Ang langit ang trono ko, at ang lupa ang tuntungan ko.+
2 “Ang sarili kong kamay ang gumawa ng lahat ng bagay na ito,
At sa ganitong paraan umiral ang lahat ng ito,” ang sabi ni Jehova.+
3 Ang pumapatay ng toro ay gaya ng nagpapabagsak ng tao.+
Ang nag-aalay ng tupa ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso.+
Ang naghahandog ng kaloob ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy!+
Ang naghahain ng pang-alaalang olibano+ ay gaya ng bumibigkas ng pagpapala sa pamamagitan ng mahihiwagang salita.*+
Pinili nila ang sarili nilang mga daan,
At nasisiyahan sila sa kasuklam-suklam na mga bagay.
4 Kaya pipili ako ng mga paraan para parusahan sila,+
At ipararanas ko sa kanila ang mismong mga bagay na kinatatakutan nila.
Dahil nang tumawag ako, walang sumagot;
Nang magsalita ako, walang nakinig.+
Patuloy nilang ginawa ang masama sa paningin ko,
At pinili nilang gawin ang mga bagay na magpapagalit sa akin.”+
5 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong nanginginig* sa salita niya:
“Ang mga kapatid ninyo na napopoot sa inyo at nagtatakwil sa inyo dahil sa pangalan ko ay nagsabi, ‘Luwalhatiin nawa si Jehova!’+
Pero magpapakita Siya at bibigyan niya kayo ng kagalakan,
At sila ang malalagay sa kahihiyan.”+
6 May ingay ng kaguluhan mula sa lunsod, isang ingay mula sa templo,
Dahil naglalapat si Jehova ng parusang nararapat sa mga kaaway niya!
7 Bago pa humilab ang tiyan niya ay nagsilang na siya.+
Bago pa niya maranasan ang kirot ng panganganak ay isinilang na niya ang isang batang lalaki.
8 Sino na ang nakarinig ng ganitong bagay?
Sino na ang nakakita ng ganitong mga bagay?
Maisisilang ba ang isang lupain sa isang araw?
O maisisilang ba ang isang bansa sa isang iglap?
Pero nang sandaling humilab ang tiyan ng Sion ay isinilang niya ang mga anak niyang lalaki.
9 “Bubuksan ko ba ang sinapupunan at pagkatapos ay hindi hahayaang maisilang ang bata?” ang sabi ni Jehova.
“O paghihilabin ko ba ang tiyan at pagkatapos ay isasara ang sinapupunan?” ang sabi ng iyong Diyos.
10 Makipagsaya kayo sa Jerusalem at makigalak kayo sa kaniya,+ lahat kayong umiibig sa kaniya.+
Lubusan kayong makipagsaya sa kaniya, lahat kayong nagdadalamhati dahil sa kaniya,
11 Dahil sususo kayo at mabubusog sa kaniyang dibdib ng kaaliwan,
At iinom kayo at lubusang masisiyahan sa kaluwalhatian niya.
12 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:
“Ngayon ay bibigyan ko siya ng kapayapaan na gaya ng ilog+
At ng kaluwalhatian ng mga bansa na gaya ng humuhugos na ilog.+
Sususo kayo at kakargahin sa mga bisig,
At lalaruin kayo sa kandungan.
13 Kung paano inaaliw ng ina ang anak niya,
Gayon ko kayo patuloy na aaliwin;+
At maaaliw kayo dahil sa Jerusalem.+
14 Makikita ninyo ito, at magsasaya ang puso ninyo,
Sisigla ang mga buto ninyo gaya ng bagong damo.
15 “Dahil si Jehova ay darating na parang apoy,+
At ang mga karwahe niya ay gaya ng malakas na hangin,+
Para gumanti nang may matinding galit,
At sumaway nang may mga liyab ng apoy.+
16 Dahil maglalapat ng hatol si Jehova sa pamamagitan ng apoy,
Oo, sa pamamagitan ng kaniyang espada, laban sa lahat ng tao;*
At marami ang mapapatay ni Jehova.
17 “Ang mga nagpapabanal at naglilinis ng sarili nila para makapunta sa mga hardin*+ at sumusunod sa isa na nasa gitna, ang mga kumakain ng karne ng baboy+ at ng karima-rimarim na* mga bagay at ng mga daga,+ lahat sila ay sama-samang sasapit sa kanilang wakas,” ang sabi ni Jehova. 18 “Alam ko ang mga ginagawa nila at ang nasa isip nila, kaya darating ako para tipunin ang mga tao ng lahat ng bansa at wika, at darating sila at makikita nila ang kaluwalhatian ko.”
19 “Maglalagay ako sa gitna nila ng isang tanda, at ang ilan sa mga nakatakas ay isusugo ko sa mga bansa—sa Tarsis,+ Pul, at Lud,+ ang mga gumagamit ng pana, sa Tubal at Javan,+ at sa malalayong isla—na hindi pa nakaririnig ng tungkol sa akin o nakakakita ng kaluwalhatian ko; at ipahahayag nila sa mga bansa ang kaluwalhatian ko.+ 20 Dadalhin nila ang lahat ng kapatid ninyo mula sa lahat ng bansa+ bilang kaloob kay Jehova, sakay ng mga kabayo, mga karwahe, may-takip na mga karwahe, mga mula,* at ng matutuling kamelyo, papunta sa aking banal na bundok, ang Jerusalem,” ang sabi ni Jehova, “gaya ng pagdadala ng bayang Israel sa bahay ni Jehova ng kanilang mga kaloob na nasa isang malinis na sisidlan.”
21 “At kukuha ako ng ilan sa kanila para gawing mga saserdote at mga Levita,” ang sabi ni Jehova.
22 “Dahil kung paanong ang bagong langit at ang bagong lupa+ na ginagawa ko ay mananatili sa harap ko,” ang sabi ni Jehova, “mananatili ang mga supling* ninyo at ang pangalan ninyo.”+
23 “At bawat bagong buwan at bawat sabbath,*
Ang lahat ng tao* ay darating para yumukod* sa akin,”+ ang sabi ni Jehova.
24 “At sila ay lalabas at titingin sa mga bangkay ng mga nagrebelde sa akin;
Dahil ang mga uod na nasa mga ito ay hindi mamamatay,
At ang apoy ng mga ito ay hindi mamamatay,+
At ang mga ito ay magiging nakapandidiri sa lahat ng tao.”*
Ibig sabihin, “Pagliligtas ni Jehova.”
O “hindi kilala ng Israel ang panginoon nito.”
Lit., “napipiga.”
O “kubol.”
O “tagapamahala.”
O “tagubilin.”
O “batang tupa.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “ng ulila.”
O “matingkad na pula.”
Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
O “serbesang trigo.”
O “mga ulila.”
Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
Malamang na mga puno at hardin na may kaugnayan sa pagsamba sa idolo.
Hibla na madaling magliyab.
O “Sa mga huling araw.”
O “tagubilin.”
Lit., “talim ng araro.”
O “karo.”
O “ibabagsak.”
O “ibabagsak.”
Matatakaw na maliliit na mamalya.
O “Na ang hininga ay nasa kaniyang ilong.”
O “magiging manggagamot.”
Lit., “sa mga mata ng kaluwalhatian niya.”
Lit., “Kakainin nila ang bunga ng ginagawa nila.”
Lit., “Naglalakad nang unat ang leeg (lalamunan).”
O “palawit.”
Maliit na kadena na nagdurugtong sa mga pulseras sa magkabilang paa.
O “at paha.”
O “palamuting kabibi na humihiging.”
O “at pang-ilalim na kasuotan.”
Peklat na resulta ng pagsunog sa isang bahagi ng katawan ng alipin o bilanggo sa pamamagitan ng mainit na bakal.
Kahihiyan ng pagiging walang asawa at anak.
Lit., “dumi.”
O “palumpong.”
Lit., “10 pares,” na tumutukoy sa lawak ng lupain na naaararo sa isang araw ng 10 pares ng toro.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “mga prominente.”
O “katarungan.”
O “batang tupa.”
O “desisyon.”
O “tagubilin.”
Tumutukoy sa kasamaan ng bayan ng Diyos.
O “posteng pananda.”
O “handa na sa pagtira.”
O “ay gaya ng batong pingkian.”
Lit., “tinig ng tumatawag.”
Lit., “Pinatahimik ako.”
O “supling.”
O posibleng “niya.”
Ibig sabihin, “Isang Maliit na Grupo Lang ang Babalik.”
O posibleng “sindakin.”
O “butasin ang mga pader nito.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “dalaga.”
Ibig sabihin, “Sumasaatin ang Diyos.”
O “wadi.”
O “palumpong.”
O “tubigan.”
Eufrates.
Lit., “ng panulat ng taong mortal.”
Posibleng ang ibig sabihin ay “Nagmamadali Papunta sa Samsam, Nagmamadali Papunta sa Darambungin.”
O “gusto kong saksihan ito ng.”
Lit., “lumapit.”
Asawa ni Isaias.
Ang Siloa ay padaluyan ng tubig.
Eufrates.
Tingnan ang Isa 7:14.
O “Bigkisan ninyo ang inyong sarili.”
O “ang patotoo.”
O “tagubilin.”
O “May pananabik.”
O “sa patotoo.”
Lit., “bukang-liwayway.”
O “gobyerno; pamamahala bilang prinsipe.”
O “gobyerno; pamamahala bilang prinsipe.”
Bloke na ginagamit sa pagtatayo; gawa sa pinatigas na putik.
Lit., “likuran.”
Tumutukoy sa kasamaan ng bayan ng Diyos.
Ang Diyos.
O “bagong-tubong sanga.”
O posibleng “ang sanga ng palma at tambo.”
O “mga ulila.”
O “palumpong.”
Tumutukoy sa kasamaan ng bayan ng Diyos.
O “mga ulila.”
O “pagpaparusa.”
O “kaluwalhatian.”
Tumutukoy sa kasamaan ng bayan ng Diyos.
Lit., “ko.”
Asirya.
O “palumpong.”
O “parusa.”
Lit., “Gibeah ni Saul.”
O “ng palakol.”
O “matuwid.”
O “espiritu.”
O “mabangis na aso.”
O “batang tupa.”
O “batang baka.”
O posibleng “At ang guya at ang leon ay magkasamang manginginain.”
O “posteng pananda.”
O “Hahanapin siya ng mga bansa.”
Babilonia.
O “posteng pananda.”
Lit., “lilipad sila sa balikat.”
O “Sasakupin nila ang.”
O posibleng “Tutuyuin.”
Lit., “dila.”
Eufrates.
O posibleng “Hahatiin niya ito sa pitong batis sa pamamagitan ng.”
O “espiritu.”
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “posteng pananda.”
Lit., “pinabanal.”
Lit., “mga Kesil,” malamang na tumutukoy sa Orion at sa iba pang konstelasyong nakapalibot dito.
Isang hayop na parang usa.
O “ang dekorasyon ng.”
Isang uri ng kuwago na mukhang agila.
Sa Ingles, ostrich.
O posibleng “ang tulad-kambing na mga demonyo.”
O “Pagpapahingahin.”
O “panunuyang.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “lahat ng lalaking kambing.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “bahay.”
O “sanga.”
Lit., “panukalang ipinanukala.”
O “na handang manakit.”
Lit., “ugat.”
O “isang maliksi at makamandag na ahas.”
Lit., “ugat.”
Sion.
O “Templo.”
O “plaza.”
O “wadi.”
O “Ang mga sanga ng punong ubas ng Sibma na hitik sa pulang ubas.”
O posibleng “Dahil ang sigaw ng pakikipagdigma ay bumaba na sa iyong mga prutas na pantag-araw at sa iyong ani.”
O “na binilang na mabuti gaya ng ginagawa ng upahang trabahador”; eksaktong tatlong taon.
O “nakukutaang.”
Lit., “ang taba ng laman niya.”
O “Mababang Kapatagan.”
Tingnan sa Glosari.
O “bagong-tubong sanga.”
O “sa diyos ng mga banyaga.”
O “bansang napakalakas at yumuyurak.”
O “posteng pananda.”
O posibleng “mula sa.”
O “bansang napakalakas at yumuyurak.”
O “Memfis.”
O “bagong-tubong sanga.”
O posibleng “ang sanga ng palma o tambo.”
O “kumandante.”
O “nakasuot lang ng panloob.”
Lit., “kahubaran.”
O “na ang kagandahan ay hinahangaan nila.”
Malamang na tumutukoy sa rehiyon ng sinaunang Babilonia.
Lit., “napakasakit ng balakang ko.”
O “tinapak-tapakan.”
Lit., “anak.”
Ibig sabihin, “Katahimikan.”
Lit., “kumusta ang gabi?”
O “na binilang na mabuti gaya ng ginagawa ng upahang trabahador”; eksaktong isang taon.
Malamang na tumutukoy sa Jerusalem.
Ang “anak na babae ng aking bayan” ay makatang pananalita na nangangahulugang “bayan ko” at malamang na nagpapahayag ng awa o simpatiya.
O “mangangabayo.”
O “At inihahanda ng Kir ang.”
O “mababang kapatagan.”
O “mangangabayo.”
O “proteksiyon.”
O “palasyo.”
Lit., “tirahan.”
O “sakop.”
O “pakong kahoy.”
O “matatag na lugar.”
Lit., “bigat.”
O “usbong.”
O “pakong kahoy.”
O “matatag na lugar.”
Lit., “ang binhi.”
Sanga ng Ilog Nilo.
Lit., “birhen.”
O posibleng “nang daungan.”
Posibleng tumutukoy sa Tiro.
Lit., “mga araw.”
Lit., “sa kaniyang upa.”
O “lupa.”
O posibleng “natutuyo.”
O “sinaunang.”
O posibleng “natutuyo.”
O “kanluran.”
O “sa silangan.”
Lit., “sa harap ng kaniyang matatanda.”
O “Mga layunin.”
O “nakukutaang.”
O “ng alak na pinanatili sa latak.”
Lit., “lalamunin.”
O “Aalisin.”
O “Soberanong.”
O posibleng “ang mga may matatag na disposisyon.”
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “patag.”
Nananabik na maalaala at makilala ang Diyos at ang pangalan niya.
Lit., “Ang bangkay ko.”
O posibleng “gaya ng hamog ng mga halaman (malva).”
O “At isisilang ng lupa ang mga patay.”
O “pagtuligsa.”
Tingnan sa Glosari.
Malamang na tumutukoy sa Israel, na ikinukumpara sa isang ubasan.
Sa Ingles, chalk.
Tingnan sa Glosari.
O “nakukutaang.”
O “batang baka.”
Eufrates.
Tingnan sa Glosari.
O “hambog na.”
Malamang na tumutukoy sa kabiserang lunsod, ang Samaria.
O “graniso.”
O “hambog na mga.”
Lit., “Pising panukat at pising panukat, pising panukat at pising panukat.”
Lit., “Pising panukat at pising panukat, pising panukat at pising panukat.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “At kami at ang Libingan ay nagkaroon ng pangitain.”
O “Soberanong.”
O “hulog,” instrumentong ibinibitin para matiyak na tuwid ang pagkakatayo ng isang istraktura.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Kapag naintindihan nila, mangingilabot sila.”
O “mababang kapatagan.”
O “lupa.”
O “dinidisiplina; pinaparusahan.”
O “ang praktikal na karunungan ay dakila.”
Posibleng ang ibig sabihin ay “Apuyan ng Altar ng Diyos” at malamang na tumutukoy sa Jerusalem.
Lit., “estranghero.”
O “panukala.”
O “Napakasama ninyo!”
Lit., “sumasaway.”
Dahil sa kahihiyan at pagkabigo.
Lit., “nagbubuhos ng handog na inumin,” na lumilitaw na tumutukoy sa paggawa ng kasunduan.
Lit., “kuta.”
O “ng mabilis at makamandag na ahas.”
O “tagubilin.”
Tingnan sa Glosari.
O posibleng “imbakan ng tubig.”
O “patuloy na.”
O “sabik.”
O posibleng “at tatawaging marumi.”
Lit., “tinapay na.”
Lit., “mataba at malangis.”
O “hininga.”
Lit., “kawalang-kabuluhan.”
O “pinababanal ninyo ang inyong sarili.”
O “naglalakad sa himig ng.”
O “graniso.”
Ang “Topet” dito ay tumutukoy sa isang makasagisag na lugar na pinagsusunugan; lumalarawan sa pagkapuksa.
O “mga mangangabayo.”
O “apoy.”
O “silungan.”
O “kanlungan.”
O “kumilos nang walang pakundangan.”
O “marangal na gawain.”
O “graniso.”
O “lakas.”
Tumutukoy sa kaaway.
O posibleng “natutuyo.”
Lit., “espiritu.”
O “kaniyang mataas at ligtas na lugar.”
O “Mabubulay-bulay.”
Tingnan sa Glosari.
Posteng pinagkakabitan ng layag.
O “Aagos sa mga bundok ang dugo nila.”
Lumilitaw na tumutukoy sa Bozra, ang kabisera ng Edom.
Malapot at itim na likidong puwedeng gamitin para hindi makatagos ang tubig.
O “kuwagong may mahahabang tainga.”
Lit., “mga bato.” Instrumentong ibinibitin para matiyak na tuwid ang pagkakatayo ng isang istraktura.
Sa Ingles, ostrich.
O posibleng “ng hugis-kambing na demonyo.”
Ibon na parang kuwago.
Lit., “ang naghati-hati nito para sa kanila gamit ang pising panukat.”
Isang uri ng bulaklak.
O “nakukutaang.”
O “punong tagapagsilbi ng inumin.”
O “palasyo.”
O “Siryano.”
O “palasyo.”
O “palasyo.”
O “pang-iinsulto.”
Lit., “nasa bukana na ng sinapupunan.”
O “pang-iinsulto.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “inilatag iyon.”
O posibleng “pagitan.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O “mga kanal ng Nilo.”
Lit., “Ginawa.”
O “binuo.”
O “nakukutaang.”
Si Hezekias.
O “tumubo mula sa mga natapong butil.”
O “templo.”
O “namuhay ako.”
Lit., “mga araw.”
Malamang na ginagamit ang mga baytang na ito sa hagdan bilang orasan, gaya ng sundial.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O posibleng “tagak,” na sa Ingles ay crane.
Lit., “Ikaw ang maglaan ng panagot para sa akin.”
O “nang taimtim.”
Ang salita at mga gawa ng Diyos.
O “Inalis mo sa paningin mo.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “Nagsaya si Hezekias dahil sa kanila.”
O “palasyo.”
O “palasyo.”
O “palasyo.”
O “palasyo.”
O “katotohanan.”
O “Makipag-usap kayo nang magiliw sa.”
O “dobleng.”
O “Ihanda.”
Lit., “laman.”
Lit., “laman.”
O “espiritu.”
O “papastulan.”
O “batang tupa.”
Tingnan ang Ap. B14.
O posibleng “nakaunawa.”
O “hindi makapagbigay ng sapat na panggatong.”
Estatuwang yari sa tinunaw na metal.
O “ng globo.”
O “tagapamahala.”
O “lumikha.”
O “Manatili kayong tahimik sa harap ko.”
O “sa silangan.”
Para maglingkod sa Kaniya.
O “nagpipitpit ng metal gamit ang martilyong pampanday.”
Lit., “binhi.”
Hamak at walang kalaban-laban.
Lit., “mga unang bagay.”
O “Para maituon namin ang aming puso.”
O “sa silangan.”
O “kinatawang opisyal.”
O “hindi umiiral.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “tagubilin.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “ibabahagi.”
O “lupain sa pampang.”
O “tagubilin.”
O “tagubilin.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “ang binhi.”
Posibleng tumutukoy sa mga bagay na unang mangyayari sa hinaharap.
O “magtiwala.”
Sa Ingles, ostrich.
O “pagrerebelde.”
Posibleng tumutukoy sa mga guro ng Kautusan.
O “mula noong isilang ka.”
Ibig sabihin, “Isa na Matuwid,” isang marangal na titulo para sa Israel.
O “nauuhaw na lupain.”
Lit., “sa binhi.”
Ang mga imahen.
Sa Ingles, chalk.
O “dambana.”
O “tuyong piraso.”
O “ng huwad na mga propeta.”
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Lit., “alisan ng bigkis ang balakang ng.”
Lit., “Bibigkisan kita nang mahigpit.”
O “Mula sa silangan hanggang sa kanluran.”
O “nakikipagtalo.”
O “sa gumawa sa kaniya.”
O “humubog sa kaniya.”
O posibleng “O dapat bang sabihin ng luwad: ‘Walang hawakan ang ginawa mo’?”
O “Ano ba ang pinaghihirapan mong isilang?”
O posibleng “mga manggagawa.”
O posibleng “negosyante.”
O posibleng “para maging tiwangwang.”
Lit., “sa binhi.”
O “saysay.”
Lit., “binhi.”
Ang mga idolong ipinasan sa mga hayop.
Lit., “niyuyukuran.”
Lit., “unang bagay.”
O “layunin.”
O “sa silangan.”
O “layunin.”
Lit., “makapangyarihan.”
O “gilingang pangkamay.”
O posibleng “wala akong sasalubungin nang may kabaitan.”
O posibleng “Sa kabila ng.”
O “panggagaway.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “mga humahati sa langit; mga astrologo.”
Lit., “rehiyon.”
O posibleng “nagmula kay.”
Lit., “mga unang bagay.”
O “Sinuri.” O posibleng “Pinili.”
O “ibabahagi.”
O “kasama ang.”
O “para sa ikabubuti mo.”
Lit., “Ang binhi.”
Lit., “mula sa sinapupunan.”
O “ang magbibigay sa akin ng katarungan.”
O “kabayaran.”
O posibleng “burol na walang pananim.”
O “posteng pananda.”
Lit., “Dadalhin nila sa dibdib nila.”
O “ay magpapasuso sa mga anak mo.”
Lit., “laman.”
O “Soberanong.”
O “dilang sinanay na mabuti.”
O posibleng “papatibayin.”
Lit., “isang.”
O “nagpapahayag.”
O “makikipaglaban.”
O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.
O “umasa.”
O “nagsilang sa inyo nang may kirot ng panganganak.”
Si Abraham.
Lit., “Aaliwin.”
O “kapangyarihan.”
Isang maliit na insekto na nangangagat gaya ng lamok.
O “masisira.”
O “tagubilin.”
O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.
O “tangà.” O posibleng “uod.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “mapapasakanilang ulo ang.”
O “nang-iipit.”
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye.”
O “mailap na tupa.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “tagumpay.”
O “Hindi makapagsasalita ang mga hari.”
O posibleng “narinig.”
Lit., “bisig.”
Maaaring tumutukoy sa isang nagmamasid o sa Diyos.
O “walang natatangi sa hitsura niya para magustuhan namin siya.”
O “nauukol sa.”
O posibleng “Para siyang isang tao na ayaw tingnan ng iba.”
Lit., “sa paniniil at hatol.”
Lit., “kinuha.”
O “naging buhay.” Lit., “henerasyon.”
O “ay pinatay siya.”
O “At may magbibigay ng sarili niyang libingan.”
Lit., “mayaman.”
O “marahas.”
O “Pero nalugod si.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “ang binhi.”
O “kalooban.”
O “panginoon.”
Lit., “nasasaktan sa espiritu.”
Inilalagay sa pagitan ng mga laryo o mga bato para magdikit ang mga ito o ginagamit na pampalitada.
O “kulay-apoy.”
Lit., “ang anumang dila na.”
Tingnan sa Glosari.
O “pinagpagurang pera.”
Lit., “sa katabaan.”
O “tapat; mapananaligan.”
O “dahil handa siyang magpatawad.”
O “kalooban.”
O “palumpong.”
O “gagawa iyon ng pangalan para.”
Ibig sabihin, namamatay.
O posibleng “walang nakauunawa na ang matuwid ay kinuha mula sa.”
Libingan.
O “manggagaway.” Tingnan sa Glosari, “Panggagaway.”
O “wadi.”
O “wadi.”
O “maaliw.”
Posibleng tumutukoy sa pagsamba sa idolo.
O posibleng “sa hari.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “napapagod.”
O “nagtago ng mga bagay-bagay.”
O “naninirahan.”
Tingnan sa Glosari.
O “kaluguran.”
O “panunuro.”
Lit., “iuurong mo ang paa mo sa.”
O “kaluguran.”
O “Masisiyahan ka.”
Lit., “mabigat.”
O “katapatan.”
O “plaza.”
O “katapatan.”
Lit., “at masama iyon sa paningin niya.”
O “nagbigay ng tagumpay sa kaniya.”
Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.
O “tagumpay.”
O “damit na walang manggas.”
Lit., “ng binhi.”
Lit., “ng binhi ng iyong binhi.”
O “sa liwanag ng iyong bukang-liwayway.”
Lit., “Ikaw.”
O “ang aking bahay ng kagandahan.”
O “sa mga pasukan ng bahay ng ibon?”
O “ay gaya noong una.”
O “pagagandahin.”
O “Soberanong.”
Lit., “pinahiran.”
O “pagandahin.”
O “kayamanan.”
Lit., “Ang binhi.”
Lit., “ang binhi.”
O “damit na walang manggas.”
O “posteng pananda.”
O posibleng “matingkad na pula.”
O “nagbigay sa akin ng tagumpay.”
O “ng anghel ng presensiya niya.”
O “malalim.”
O “ilang.”
O “ng magandang.”
O “kagandahan.”
Lit., “Ang pagkaligalig ng iyong mga panloob na bahagi.”
O “bakit mo kami pinalihis.”
Lit., “Bakit mo pinatigas.”
O “matiyagang.”
Lit., “matunaw.”
Lit., “sa kamay ng.”
O “ang humubog sa amin.”
O “templo.”
O “kagandahan.”
O posibleng “sa mga kubong bantayan.”
O posibleng “Dahil maipapasa ko sa iyo ang kabanalan ko.”
Lit., “Gagantihan ko sila sa dibdib nila.”
Lit., “ang kabayaran nila sa dibdib nila.”
Lit., “pagpapala.”
Lit., “binhi.”
O “Mababang Kapatagan.”
O “Soberanong.”
Lit., “wasak na espiritu.”
O “katapatan.” Lit., “Amen.”
O “katapatan.” Lit., “Amen.”
O “At hindi na mapapasapuso ang mga ito.”
O posibleng “Ang hindi aabot ng sandaang taon ay ituturing na isinumpa.”
O “magtatrabahong mabuti.”
Lit., “Ang binhi.”
O “mabangis na aso.”
O “batang tupa.”
O “may matinding paggalang.”
O posibleng “gaya ng pumupuri sa isang idolo.”
O “may matinding paggalang.”
O “kapangyarihan.”
Lit., “laman.”
Mga hardin para sa pagsamba sa idolo.
O “ng nakapandidiring.”
Anak ng kabayo at asno.
Lit., “ang binhi.”
Lit., “At mula bagong buwan hanggang bagong buwan at mula sabbath hanggang sabbath.”
Lit., “laman.”
O “sumamba.”
Lit., “laman.”